at mukhang nasa average size naman yung bottom lip niya..
at for some reason ay laging naka-pout ang mga yun..
siguro dahil rin sa braces niya..
hindi naman ako fan talaga ng braces..
pero may pagkakataon yata talaga na merong mga babae na maganda ring tingnan sa braces nila..
mas madali ko pa naman siyang naaalala sa ngayon dahil sa picture niya sa phone ko..
yung ngiti niya na laging bumabati sa akin ng good night at good morning... :)
yung pinakamasarap na mga labi na nahalikan ko... :)
aside from that..
may nakita rin ako na nakarelasyon or at least naging manliligaw niya (i'm not sure kung sila pa rin hanggang ngayon)..
pero ang sigurado ako ay nangyari yung kanila habang active pa siya sa serbisyo - na hindi magandang tingnan para sa isang babae..
honestly, nakakainggit yung pakiramdam..
ganun naman everytime na makikita mo yung itsura ng mga boylet nila..
magagandang mga babae naman sila..
tapos makikita mo na hindi naman kagwapuhan, at mala-Marlou pa nga yung iba sa mga lalaki na yun...
damn! ang susuwerte ng mga ganung lalaki..
at nagagawa pa nila na buntisin lang yung babae at iwanan pagkatapos..
kaya minsan mapapaisip ka rin kung ano ang tumatakbo sa isip ng mga babae eh..?
kumbaga, ano ba yun, naninigurado ba sila na walang magtatangka na agawin sa kanila yung lalaking karelasyon nila..?
o talagang may kung anong asset yung lalaki...??
pero huwag sila..
may 2 klase ng babaerong lalaki..
hindi lang yun tungkol sa itsura..
yung una ay yung likas na guwapo o attractive para sa panlasa ng mga kababaihan, at yung ikalawa naman ay yung may pera...
---o0o---
April 22, 2017...
[V-League]
DLSU versus UST
kaya pala pumasok pa ulit si Laure, ganun pala yung twice-to-beat, do or die kaagad para dun sa lesser rank..
hindi na masama, naka-1 set naman ang UST...
tapos na kaagad sa Semis ang DLSU..
diretso na kaagad sa Finals...
ADMU versus FEU
delikadong kalaban ang FEU..
lately, laging umaabot sa 5 sets ang 2 are..
kaya kung gaganahan na naman ang FEU bukas eh may tsansa silang manalo...
was feeling , ambilis...
---o0o---
April 23, 2017...
minsan kapag nakikita ko sila..
yung sa ordinary state nila..
tipong everyday life..
naiisip ko na baka meron lang talagang rason kung bakit nila nagawa yun...
naiisip ko na baka hindi rin nga masamang magmahal ng katulad nila..
na baka naman maganda ang rason sa likod ng bawat kasinungalingan...
was feeling , pero depende pa rin kung anong klase ng babae yun...
>
[V-League]
End of Semis
ADMU versus FEU
ang kulit talaga nitong FEU..
at pinanood pa sila ng dating Champion nila na si Daquis sa pagkakataon na 'to..
as usual, parang nilikha si Pons para maglaro ng Volleyball; andaming variation ng opensa niya, at hirap pa ang AMDU na saluhin ang mga palo niya..
basta sila ang kalaban ng AMDU, parang hirap na hirap ang Lady Eagles na isara ang laban (parang NU)..
para sa 3rd Set, biglang 11 errors ang na-commit ng Ateneo..
si Palma rin, parang yung una at ikalawang laban nila, laging mas lumalakas habang tumatagal at habang nakaka-atake nang maganda..
basta parang sila si Sakuragi, isang malaking bangungot...
bad news for Pons..
mababawasan na yata siya ng malakas na teammate next Season..
isa pa naman si Palma sa marurunong gumawa ng running attack...
may maling tawag noong 4th Set laban sa FEU, at least base sa review ng video na hindi pa counted sa rules ng UAAP..
pero naging patas rin naman yun, dahil dun sa mali ring tawag laban naman sa atake ng ADMU...
balik na nga sa laro si Maraguinot sa pagkakataon na 'to..
medyo nakakatakot lang sa tuwing umuulit-ulit sila ni Morado ng estilo ng atake, tapos ay paulit-ulit namang naba-block o nagiging error..
kailangang tandaan ng ADMU na hindi siya consistent na Ace Player, kaya mas maganda pa rin kung lagi silang magpapaiba-iba ng attacker...
malaki rin ang naitulong nitong game na 'to kay Wong..
nag-decide si Coach Bundit na mas ibabad siya bilang Libero..
at ang tuso rin talaga ni Bundit..
Libero-Setter ang laro ni Wong, parang si Tan..
nade-develop ang depensa niya, habang napa-practice rin ang setting..
this way posibleng maging candidate rin siya balang araw bilang starting Setter kapag naka-graduate na si Morado...
basta ang best attack of the Match - yung head shot ni Gequillana..
bihira lang akong makakita ng mga successful na ganun...
was feeling , teammates, bigyan naman si Captain Morado ng ikatlong Championship...
---o0o---
April 24, 2017...
sa tuwing nakikita ko yang ngiti mo..
nami-miss kita..
at hindi ko maiwasan na isipin na kahit maliit lang yung probability, na sana mag-krus pa rin yung mga landas natin sa totoong buhay...
was feeling , siyet! miss na miss ko na yung mga labi niya...
>
sa unang Monday na wala nang sinusubaybayan na palabas sa hapon..
nakalimutan kong mag-adjust ng schedule..
tapos naging babysitter na naman ako, habang nae-enjoy nung matandang lalaki yung financial at medical benefits niya...
was feeling , ayos ka gyud! gamite yang pera ninyo sa tama, at huwag akong abalahin...
---o0o---
April 25, 2017...
medyo natawa naman ako dun...
so rape-adjacent yung stealthing, o yung palihim na pagtatanggal at hindi na paggamit ng condom sa kalagitnaan ng intercourse..
nagiging rape siya dahil walang pahintulot yung live penetration..
eh bakit ba naman kasi kayo makikipag-anuhan, tapos magrereklamo kapag nadali ng stealth..?
at tsaka ano nyo ba yung kaanuhan ninyo at walang kayong tiwala sa kalusugan niya..?
baka naman kasi pumapayag rin kayo sa pakikipag-f*ck buddy, o baka sex worker kayo..?
kayo talagang mga foreigners o', napaka-flexible ng kultura ninyo...
but anyway..
totoo nga rin 'tong mga ganitong kaso sa ibang aspeto..
sa industry na lang halimbawa..
everyone is expected to follow the safety practice..
kung hindi man dahil sa concern para sa katrabaho nila, eh at least ay bilang proteksyon para sa mga sarili nila..
pero meron talagang mga pasaway; yung iba eh nadadarang, yung iba naman ay sinasamantala nga..
parehas lang na may nagko-commit sa panig man ng lalaki o babae, though mas madalas talaga na lalaki yung offender...
para sa mga babae, hindi ko alam yung motibo nila kung bakit nila ginagawa yun..
di hamak na sobrang halata rin 'to, kumpara kung lalaki yung gagawa nung stealth..
hindi ko masabi kung totoo nga ba na out of lust yun (gaya ng madalas nilang sabihin), o bilang bahagi lang ng marketing strategy o promotion..
pero mas maraming estilo pagdating sa mga lalaki; kesyo napunit yung condom, o patraydor talaga yung pagpasok, yung iba eh dinadaan sa bolahan, at yung iba naman na mas masasamang lalaki ay dinadaan sa pananakot na kesyo ika-cancel na lang yung deal at hindi na magbabayad o di kaya ay papatayin yung raket nung babae sa pamamagitan ng kuntsabahan...
pero ang pinakamalupit na move pa rin talaga kumpara sa lahat ay yung liligawan yung babae..
kunwari ay nai-inlove na..
tapos kapag sila na eh saka kukumbinsihin na mag-LIVE, na kesyo nagmamahalan naman na sila eh..
pero sa mas madalas na pagkakataon ay doon na rin natatapos yung istorya nila..
malas pa nung babae kapag nabasa niya yung sariling istorya nila, na kesyo nagawa nga siyang makumbinsi na mag-LIVE..
ibibilang lang siya nung lalaki sa tally o listahan nito ng mga babaeng nauto niya para makipag-LIVE..
at sa kasamaang palad, sa ganitong paraan rin nagiging mga single mother yung ibang mga inosenteng babae...
lahat ng 'to dahil sa paghahabol sa kasarapan, sa friction, at sa cr**mpie...
was feeling , ang dami talaga ng masasamang lalaki...
---o0o---
April 26, 2017...
[Medical Condition]
hanggang kahapon, eh 3 buwan na nga palang nakabukas ang balat ko...
was feeling , well ganun talaga.. sila ang pipili kung sino lang ang paglalaanan nila ng pera, at kung gaano kabilis...
>
so heto ang mga bagong challenges para sa akin...
- naka-experience na ng unang crash yung system ko, mahirap ngang i-render yung second setting kaya hindi pwede ang multitasking
- 31 images palang yung nare-render ko, pero nasa 60 MB na yung size, at mas lalaki pa yun kapag na-edit ko na sa photoshop, ibig sabihin masyadong matakaw sa disk space ang trabaho kong ito
- pinapapak nitong Windows 10 yung 1 Mbps na initial daily speed nung internet plan namin, nasa 14% pa lang yung na-download niya pero nasa 87% na kaagad yung nagamit out of 1 GB, at mukhang hindi pa nako-continue yung pagda-download niya, meaning hindi na niya matatapos yung update na yun kailanman
was feeling , natututo naman sa mga karanasan...
---o0o---
April 27, 2017...
mabuti ang prutas para sa kalusugan...
kaya naman salamat sa aming kapitbahay na walang pakialam sa kanilang puno..
3 to 5 na hilaw na Indian Mango ang kinakain o binuburo ko muna bago kainin araw-araw..
sayang naman kasi, pangit pa naman ang lasa kapag hinog na...
was feeling , ayos ka gyud!
sa bad news muna...
dumating na yung bill ng kuryente for this month..
at lampas sa 50% ang itinaas ng aming konsumo..
nasa 45 kilowatts eh...
pero hindi ko pa alam kung ilan dun ang kontribusyon ng computer ko..
dahil summer kasi, eh umaga, tanghali, gabi, at madaling araw nang bukas yung stand fan..
hindi gaya dati na tuwing sa oras lang ng pagtulog ginagamit nung matandang hindi makahinga...
was feeling , Php 500 plus yun para sa bill...
>
sa good news naman...
nakakita na naman ako ng One Piece..
kumpleto na yung mga basic body morphs ko..
may kopya na rin ako nung mga kailangan kong buhok...
was feeling , break of Romance Dawn...
---o0o---
April 28, 2017...
mahirap ngang pagsabayin ang trabaho ng creation at ang trabaho ng pagbebenta ng kung anu-ano...
kaya ang ginagawa ko lately..
nag-iipon na ako ng mga scenes na ire-render..
para kahit na busy ako sa ibang raket ko eh pwedeng mag-operate mag-isa yung computer...
ang bagong schedule ko ay:
- kung magising ako ng 5:00 AM, eh hanggang 1:00 PM (8 hours) yung takbo ng computer sa umaga, tapos ay 3:00 PM to 9:00 PM or more (6 hours or plus) ang takbo hanggang sa gabi
- kung 7:00 AM naman ako mag-start, hanggang 3:00 PM na yun (8 hours), at 5:00 PM to 9:00 PM or more (4 hours or plus) sa gabi
- tapos kung araw naman ng paggo-grocery, ay 10:00 AM to 3:00 PM (5 hours), at 5:00 PM to 9:00 PM or more (4 hours or plus)
- at flexible time depende sa sitwasyon
was feeling , 23 pages na, 30 na lang...
>
[Business]
naaasar na talaga ako sa pamilya ng magka-karinderya malapit sa amin...
talagang inaabuso na nila ako eh..
sa tuwing kulang yung pera nila eh ipipilit pa rin na kunin yung binibili nilang item, tapos ay mangangako na isusunod na lang yung bayad..
pero sa lahat ng beses na ginawa nila yun sa akin, ay ni minsan eh hindi sila nagbayad sa akin ng kanilang pagkukulang...
at kanina nga eh bata pa yung ginamit nila sa kanilang estilo, kaya hindi na naman ako nakatanggi...
pero sobra na..
masyado na silang abusado..
puwerket alam nila na hindi ako nanunugod ng bahay para maningil..
ayoko lang ipaskil ang mga pangalan nila sa gate namin dahil baka mag-cause lang yun ng giyera o sunugan ng bahay..
kaya hindi na talaga sila makakaulit sa akin..
ipapaskil ko na sa gate ang bagong patakaran ko...
piso lang yun..?
puwes na sa putang inang piso na yun yung tubo ko..
kaya parang namimigay ako ng libreng item sa tuwing hindi kayo nagbabayad ng mga pagkukulang ninyo, mga peste kayo...
responsibilidad ng may utang ang pagbabayad sa kanyang utang..
responsibilidad niya na tandaan yun, at magkusa na bayaran yun..
respeto na nga lang na hindi ipinamumukha sa inyo na may utang kayo eh...
was feeling , ang kasamaan nga naman ng mga tao...
No comments:
Post a Comment