Friday, April 21, 2017

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of April 2017 (Forgotten)

okay, umpisahan natin nang maganda ang umaga na malapit nang magtanghali...



pina-ngingiti.. pina-ngingiti.. mo ako.. ikaw ang sunshine ko... ^_^ — feeling , haha!

credit for the video goes to the original creators and the uploader...

---o0o---


April 15, 2017...

hala!
2 sa mga bisita namin kanina ang nagsabi na parang umuuga nang umuuga ang paligid..
ibig sabihin, hindi lang kami ng biological mother ko yung nakakaramdam nun...?

pero nagsagawa naman ako kanina ng round object test sa sahig, at wala namang nade-detect na paggalaw..
ano bang nangyari sa senses ko...?

was feeling , unless related na 'to sa rotation ng mundo...

---o0o---


April 16, 2017...

may nagyayayang mag-outing..
para daw sa angkan..
at pinipilit nila akong sumama...

pinupuno talaga ako ng mga nilalang na 'to..
unang-una, walang akong utang sa mga blood relatives ko sa demonic father side..
ikalawa, wala rin akong utang sa mga biological ko..
kaya hindi nila ako dapat sinusumbatan at dinidiktahan kung anong dapat kong gawin at kung kanino ako dapat sumama..
ano, kesyo ako na naman yung nakakahiya sa buong angkan...?

puwes, hindi ko kailangan ang angkan ninyo...

7 months..
7 months akong natigil sa project ko simula noong mag-decide sila na doon na lang sa paboritong anak ipagamit at ipadala yung laptop..
7 months akong humingi ng tulong, pero wala man lamang sa kanilang nakinig, kahit na pinangakuan nila ako ng tulong noong una..
7 months ang nawala sa akin..
samantalang sa pesteng anak na yun, 2 na nga yung instant at rushed na laptop niya na ni wala siyang kahit na magkanong investment. pero okay pa sa kanila na basta lang siyang nagsisira ng hindi pa naman talaga lumang laptop...

7 months ang hinahabol ko..
may mga utang pa ako sa ibang tao na ni hindi ko nga mga kadugo..
tapos ngayon, ang gusto ninyo eh isara ko lahat ng nano-business ko..
na pumunta ako sa ibang probinsiya..
na magkunwari akong masaya na kasama kayo..
para lang sa ano - para sa family picture..?
sinabi ko na, itawalag nyo na ako sa angkan na yan kung yun yung kinakailangan para hindi na ako maabala...

tapos ano..?
tatakutin na naman ako na sasaktan ako..?
na sisirain ang computer ko..?
putang ina!
subukan nyo lang gawin yun para sa kapritso ng angkan ninyo!
talagang ima-massacre ko na yang pamilya ninyo kapag ch-in-eckmate nyo pa ako ulit...

sa ibang tao ako may utang na loob - hindi sa inyo...

besides, panahon ng tag-lindol lately..
kaya hindi ko pwedeng iwanan basta-basta ang mga gamit ko...

was feeling , katahimikan lang ang gusto ko pero talagang demonyo ang kusang lumalapit...

>
focus on good memories...

2 years na yung nakalipas matapos akong binyagan..
nakaka-miss - pero bawal...

was feeling , hindi pa manalonalo sa Lotto eh...

>
[Movies]

ang galing naman GMA..
understandable na para sa aming mahihirap na talagang kina-cut ninyo ang maraming minutes ng mga movies kapalit ng commercials..
madalas nga eh tinatanggal din ninyo yung ibang mahahalagang eksena eh..
pero ganun talaga ang consequence ng pagiging mahirap eh...

pero yung mali yung ginawa ninyong pag-edit sa bandang dulo nung pelikula..
tapos eh hindi pa ninyo itinama at tinapos yung movie, para lang maiere na yung kasunod na palabas..
eh ano pang sense nun..?
teaser para bumili pa kami ng DVD, at doon tapusin yung panonood nung movie...??

was feeling , Transformers Age of Extinction pa naman...

>
[Medical Condition]

naulit muli yung paglalabas ng cyst ko ng reddish fluid..
April 11 was the last time...

noong una eh yung yellowish lang eh..
pero yung kasunod na bugso eh kita nang reddish kapag nasipsip na nung bulak..
at marami siyang inilabas na ganun this time...

pero ano na kaya yun..?
may totoong laman na ba ako na involved...??

was feeling , hindi ako pwedeng ma-infect...

---o0o---


April 17, 2017...

[Online Marketing]

just accomplished my 4th transaction as a seller on eBay..
and everything went well...

the buyer was from another province..
but he asked a representative to do the meetup with me..
sa bangko, kaya naging kampante ako na hindi naman ako maho-holdap o maki-kidnap..
legit rin yung representative niya noong nakita ko na...

first time ko naman na makapagpatubo..
was able to sell a Php 223 worth of item for Php 250..
not bad... ^_^

was feeling , post.. usap.. verify.. deal...

>
tapos, sa good news naman na naging bad move pa...

after ng eBay transaction ko, dumiretso naman ako sa supermart..
tapos noong pumila na ako sa counter ay nakita ko na si Emoji-Girl na muna ulit yung supervisor nila..
so mas gumanda pa nga yung umaga ko...

habang nakapila pa ako, nakita ko pa siya na lumapit doon sa counter sa kaliwa ko..
naka-platform-type na wedge pala siya kaya sexy at ang tangkad niya today, mga 4 to 5 inches sa bandang heels...

kaso ako naman eh gumawa na naman ng bad decision..
napansin ko kasi na wala pang nagkakahon doon sa lane na napilahan ko..
kaya naisip ko tuloy na lumipat na lang doon sa cashier na nauna nang kinausap ni Emoji-Girl...

tapos ayun, nangyari na nga..
habang nakapila na ako doon, eh saka lumapit si Emoji-Girl doon sa counter na nauna ko nang pinilahan para tumulong sa pagba-bagger doon..
sayang tuloy..
andun na eh..
for almost 2 years na namimili ako sa kanila, 2nd time ko na sana siyang makakadaupang palad..
pero sa sobrang galing ng timing ko, eh nauwi na naman sa wala yung paghihintay ko...

was feeling , nasa iisang lugar na nga lang tayo madalas, pero hindi pa rin tayo magpanagpo nang husto...

---o0o---


April 18, 2017...

hindi niya ako naalala..
siguro nga hanggang kliyente lang yung turing niya sa akin...

hindi naman ako umaasa nga..
though naisip ko na masaya sana kung maaalala niya ako...

was feeling , maa-appreciate mo lang ang buhay kapag nandun ka na sa puntong yun...

---o0o---


April 19, 2017...

medyo bad news...

mahihirapan pala ako dun sa 2nd setting..
it took me 2 hours to render only 12%..
at hindi pa pulido yung resulting image...

mas marami pa namang pages yung naka-assign sa classroom na yun..
kaya mahihirapan at magtatagal ako sa parte na yun...

was feeling , o-kay...

---o0o---


April 20, 2017...

1 taon na simula noong huli ko siyang makasama..
kasama pa niya noon si Miss P...

hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong totoong nangyari noong araw na yun..
kung bakit niya kinailangang dumaan sa doktor, o kung doktor nga ba talaga yung dinaanan niya..?
kung may sakit ba talaga siya o ano..?
at kung totoo ba na pinagtatakpan niya yung mga pagkikita nila nung Happily Married Rich Old Client na yun...?

mahirap talaga kapag tiwala na yung nasira...

was feeling , kaya kong mahanap yung iba, maliban sa kanya...

---o0o---


April 21, 2017...

lagot!
nawalan ako ng kontrol sa recon unit ko...

ni hindi ko alam kung bakit biglang na-restrict ang access ko..
na-access daw sa ibang lugar eh..
ang masama pa..
ni hindi nga gumagana yung recovery option..
kahit tama lahat ng mga sagot ko, eh MALI daw ako...

😧

was feeling , WTF!!?

sira yung emoticon lately, ayaw lumabas sa unang pag-post, mawawala naman yun sa Activity Log kapag in-edit pa, kaya puros tawa muna ako sa ngayon... :(

---o0o---


April 22, 2017...

[Pests]

back with the never ending war...

for a few days yung mga paninda kong asukal eh inaatake ng mga apanas..
at kanina naman ay may nakapasok na rin sa loob ng computer ko...

tang ina!
ano yan, Kadamay-technique..?
puwersahang pang-aangkin...?

sobrang dami ko nang nakalaban sa lahi nila..
yung itim na specie, na medyo malakas ang amoy kapag pinirat, at maanghang ang katas ng fluid ng katawan (oo, ganun ako mag-explore noong bata pa ako)..
yung red specie na may pagka-brownish, na medyo mas malaki ang ulo in proportion sa katawan, na malaki lang ng konti kumpara sa apanas, at masakit rin mangagat katulad nung basic red ants..
at ngayon naman ay ang mabibilis at malalakas ang amoy na mga apanas...

eh kami na nga ang bumili ng lahat ng mga napesteng asukal ko eh, dahil sa lintik na amoy nila..
kahit MAPECON eh walang nagawa laban sa kanila..
dagdag na problema at abala pa kapag naisip nila na tirhan yung loob nung computer...

madalas eh nakakatulong naman sila sa environment..
pero nagiging peste na kapag namamahay na sila sa mga gamit mo..
ewan ko ba talaga sa bahay na 'to..
hindi naman ako sweet na tao..
at nakailang pest control na rin nga itong bahay..
pero talagang lapitin pa rin ng kung anu-anong mga organismo...

is feeling , the never ending little war...

>
dumaan na nga pala yung April 20 ah..
at hindi niya talaga ako naalala...

well, ganun talaga ang buhay...

is feeling , 1 year...

>
after 2 days..
na-retrieve ko rin yung recon account ko..
matapos ang kapalpakan nung recovery system...

mabuti na lang at may background ako sa IT..
dahil hangga't may computer at internet - eh hinding-hindi masasayang yung iba kong natutunan mula dun...

is feeling , ako pa ang sasabihan mo na mali...


No comments:

Post a Comment