Friday, April 7, 2017

Immoral & Instant Properties

statistics..?

sa pagkakaalam ko..
isa sa mga paraan para mamanipula ang utak ng mga mamamayan - ay ang pakitaan sila ng edited o pekeng mga numero..
tapos ay babanatan pa yun ng mga LIKES sa social networking sites...

pero bukod sa numbers..
sa tingin ko mas importante pa rin na suriin kung ano ang nature at anu-ano ang ginagawang mga hakbang laban sa mga nauusong anyo ng krimen sa panahon ngayon..
dapat malaman ng mga tao kung ano yung napapabayaan o kinukunsinti...

---o0o---


update ulit (69 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
  • yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
  • yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas 
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • yung pulis na ng rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
  • yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
  • sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
  • yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
  • sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
  • sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
  • yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
  • sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
  • yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
  • sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
  • sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan 
  • regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
  • regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
  • dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
  • yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
  • yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • yung Oplan Cyber Tokhang
---o0o---


April 3, 2017...

are..
hindi pa naman naka-clarify yung balita as of 5:30 AM of April 3, 2017...

sa Makati..
yung mga lalaking naka-uniform daw na pang-pulis na nakunan ng video na nananakit DAW ng babae..
may nangyari pa DAW na tutukan ng baril eh...

long shot yung video eh kaya mahirap masabi kung ano nga yung nangyari dun..
besides, wala daw record sa pulisya tungkol sa ganung pangyayari...

pero ang punto ay..?
kung mga pulis man yun..
regardless kung babae, bakla, o lalaki man yung sinaktan DAW nila..
regardless kung may nagawa man siyang kasalanan sa batas o wala..
eh pasok yun sa police brutality...

pero kung mga tao na naman yun na nagpapanggap lang bilang mga pulis - eh problema na naman yun para sa mga mamamayan... :(

was feeling , importante rin talaga yang mga camera sa panahon ngayon...

>
sa Caloocan naman ulit...

yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyari na namang tumbahan..
unidentified na naman yung mga taga-tumba, at hinihinalang drug den daw yung nilusob nila..
may mga namatay rin sa pag-atake na yun...

 was feeling , ang hirap nang paniwalaan sa ngayon na walang nag-uutos sa mga kriminal na 'to para pumatay...

>
nahalata na naman nga tuloy na nagpapanggap lang ang mga siraulong mga nasa kapangyarihan...

naawa lang ako kay De Lima, kung paanong kinalkal yung tungkol sa ipinagbabawal niyang lovelife..
IMORAL yung term na pinakatumatak para sa akin noon...

tapos ngayon lumalabas na halos ganun din pala yung mga ginagawa nila..?
may ibang babae habang kasal pa sila sa iba..
magpapalusot pa na kesyo matagal na silang hindi nagsasama..
so ano yun..?
kapag LALAKI ang gumawa eh NORMAL lang dapat na ituring yun..?
dahil ano - dahil karaniwan na yun para sa mga lalaki...?

diyan kayo magaling!
hindi lang pala kayo mga malilibog at mga manyakis..
hindi pa kapantay ang pagtingin ninyo sa mga kababaihan..
kaya pala kayang-kaya ninyong babuyin ang alaala ng isang rape victim..
kaya pala kayang-kaya ninyong mamboso at manghalik..
tapos parang gusto niyo pa sa ngayon na maging katanggap-tanggap ang mga kalokohan ninyo para sa lahat, dahil lang ganun ang mga pag-uugali ninyo..
eh aanhin pa at nag-aral kayo ng law, mga bastos kayo...?

sa bagay..
hindi naman na bago yung mga istorya tungkol sa mga public officlals na ginagamit ang pera ng bayan sa pambababae nila...

was feeling , i-disbar na yang mga putang inang mga yan!

---o0o---


April 4, 2017...

bad news muna...

sa Siquijor..
yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak..
sa isang resort pa yata nangyari yung insidente (pero parang walang nagtanong tungkol sa aspeto ng pagkakaroon ng guwardiya)..
SPED pa daw yung isa sa mga namatay, tapos may sinasabi rin yung isang kaanak na 3 months na buntis daw yung isa sa mga yun..
sabog daw sa ilegal na droga yung kriminal, at lasing din...

according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya nun tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kalupitan...

totoong wala namang kakayahan ang mga awtoridad na gaya ng sa Precogs..
walang nakakaalam kung kailan at saan tatamaan ng saltik ang mga utak-kriminal..
pero halos nandun na sila noong umpisa pa lamang ng giyera nila eh..
andami na ng mga kusang sumuko; user man o pusher..
pero naglista lang sila ng mga pangalan sa halip na i-isolate na muna yung mga taong yun mula sa mga sibilyan..
i mean, tutal eh may mga lumalabag na rin naman sa kanila sa batas sa pamamagitan nang pagtutumba - edi sana ay pinangunahan na rin nila ang batas noong nagsisuko yung mga taong yun noon, sa pamamagitan man lamang ng paglalagay sa kanila sa kung anumang facility o alternate facility na meron...

nakakalungkot lang na sa dami na ng mga napapatay sa araw-araw na tumbahan, eh meron pa ring mga nakakalusot sa paggawa ng kanilang kademonyohan laban sa mga inosente...

was feeling , wala nang malugaran...

>
[Heroes]

ililista ko na rin nga yung mga ganitong magagandang balita...

double good news naman...

yung una ay sa Quezon City..
yung napatay ng mga pulis na 2 suspek sa pangho-holdap sa isang gasolinahan..
ganun nga dapat ang mga awtoridad, hindi man mapigilan ang krimen through police visibility, ay dapat na mabilis rumesponde sa katatapos lamang na krimen..
hindi kagaya nung ibang pulis na kahit na may mga kuha pa ng CCTV yung ibang mga kawatan, at paulit-ulit rin sa kanilang mga modus, ay sinasabi na mahirap mahuli ang mga yun at kesyo mag-ingat na lang at huwag nang magdala ng mga mamahalin na gamit sa publiko (eh aanhin ng mga sibilyan ang mga mamahalin nilang mga smartphone..? - sa bahay na lang gagamitin na parang landline para hindi madukot sa public place..?)...

yung ikalawa naman ay nangyari sa isang bus, sa may EDSA bago daw mag-Quezon Avenue..
yung matapang na pulis..
na naka-off-duty na pero piniling makipaglaban sa holdaper sa bus na nasakyan niya..
patay yung isang holdaper, tapos ay hinuli yung 2 hinihinalang mga kasabwat niya..
kung ako ang tatanungin, hindi na dapat kuwestiyunin pa yung safety ng iba pang mga pasahero dahil sa ginawa na paglaban nung pulis..
namimihasa kasi ang mga kriminal sa tuwing sinusunod ng mga tao yung gusto nila eh..
basta nahuli na sa akto ang mga utak-kriminal ay dapat na silang ipadala sa impiyerno ASAP...

was feeling , saludo ako sa ganitong trabaho ng mga pulis.. mahirap nga lang masabi kung sinu-sino sila sa personal...

---o0o---


April 5, 2017...

open-minded ba kayo..?
gusto nyo ba ng murang bahay..?
gusto niyo bang kumita ng pera sa madaling paraan...?

halina at gayahin ang Kadamay!
ilegal at puwersahang mang-okupa ng pabahay ng gobyerno..
at voila! pwede na kayong magkaroon ng sarili ninyong paupahan..
kung sa NCR nga eh pinagkakakitaan ng libu-libong piso yung maliliit na kuwarto, eh doon pa kaya sa mga housing projects ng gobyerno..?
paupahan mo sa ibang tao yung bahay na nakuha mo, tapos yung pera na yun ang gamitin mong pambayad para mabili na nang tuluyan yung bahay na yun...

naisip ko lang yung possibility dahil sa ginagawa ng mga beneficiaries ng 4Ps..
dahil rin sa mga modus ngayon ng pagsasangla ng bahay at pagpapaupa..
napaka-uutak pa naman ng mga Pilipino pagdating sa mga ganyang bagay...

ang punto ay..?
kung red tape yung problema sa ganung usapin, edi sana ay yun yung inaksyunan..
hindi yung dinaan nila sa puwersahan..
unfair, dahil yung ibang tao ay pinaghihirapan ang pagbili nila ng bahay, lalo na yung mga ordinaryong government employees..
samantalang yung mga ganitong klase ng tao ay basta-basta na lang magkakaroon ng property nang hindi nadaan sa proseso...

was feeling , pero sana nga ay hindi naman mangyari yung hinala ko...

---o0o---


April 7, 2017...

bad news na ulit...

sa Manila..
yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok ng baril at nakatama daw ng 2 menor de edad..
nanapak pa daw yung abusadong yun...

was feeling , bigyan ng pabahay yan!


No comments:

Post a Comment