eh kasi naman, nakabakasyon ang mga tagapagbalita..
parang pa-sample 'to ng Martial Law - sobrang regulated ng mga napapanood sa TV..
mukha lang payapa dahil kontrolado pa ang mga palabas, pero hindi ibig sabihin na payapa rin sa aktuwal na mundo...
ano mga panatiko..?
ganyan ba yung ideal na bansa para sa inyo..
yung mga gusto lang ninyong makita ng mga mamamayan ang ipapakita sa TV at sa iba pang anyo ng balita..??
Media lang nga ang mas nagpapagulo sa bansa, ano...??
---o0o---
update ulit (71 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
- yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
- yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
- yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
- yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
- yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
- yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
- yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
- yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
- yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
- yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
- yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
- yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
- yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
- yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
- yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
- yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
- yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera
- yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao
- yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
- yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
- sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
- yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
- sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
- yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
- yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
- yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
- yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
- sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
- yung pulis na ng rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
- yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
- yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
- yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
- sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
- yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
- sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
- yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
- yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
- yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
- yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
- yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
- yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
- sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
- ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
- sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
- yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
- yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
- yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
- yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
- yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
- yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
- yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
- yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
- yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
- sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
- yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
- sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
- hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
- sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
- sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
- sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan
- regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
- regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
- dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
- yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
- yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
- yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
- yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
- isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
- yung Oplan Cyber Tokhang
---o0o---
April 9, 2017...
kapag mga sundalo na lumaban sa mga Hapones ang topic, eh utang na loob daw ng kasalukuyang henerasyon ang estado ng kasalukuyan sa kanila..?
pero kapag yung mga taong lumaban sa Dictator Clan at sa basurang Martial Law nila ang paksa, eh balewala lang - na kesyo bahala na silang magsampa ng kani-kanilang mga kaso nila sa manipuladong korte...??
tang ina mo talaga!
hindi naman sa minamaliit ko ang kakayahan ng mga sundalong Filipino noong World War II..
pero baka nakakalimutan mo na yung inaaway mong lahi ang talagang mas nakatulong para mapalaya ang bansa, at para magwakas na yung digmaan..?
parang tanga lang na pinahahalagahan mo ang bahagi ng history kung saan at kailan malaki ang contribution ng lahing kinamumuhian mo...
wala lang..
napaghahalata lang na hindi talaga patas ang pagtingin mo sa mga bagay-bagay..
ang mahalaga lang para sa'yo eh yung mga bagay at taong gusto mo..
kapag gusto mo - eh baba kaagad ng orders, laging paspas..
pero kapag against sa mga kaalyado mo - eh wala kang pakialam...
was feeling , wala kayong gusto kundi kapangyarihan para mapagtakpan ang mga baho ng pinagsama-sama ninyong mga angkan...
---o0o---
April 10, 2017...
[Natural Calamities]
nilindol pala kanina ang Samar...
eh sa may area rin nila natagpuan yung Oarfish kamakailan lang..
mukhang mga Oarfish na nga lang ang maaasahan sa panahon ngayon...
was feeling , basta kapag may nakakita ng Oarfish, i-post lang kaagad sa Facebook.. huwag kainin kaagad...
---o0o---
April 12, 2017...
palala na nang palala ang sitwasyon ng kuryente sa ngayon...
dati, ang mga scheduled na brownout ay usually tumagatal lang ng from 9:00 AM to 5:00 PM (4:00 PM pa nga kung minsan)..
tapos this year nauso na yung from 7:00 AM to 6:00 PM, na mas pinahaba..
at yung pinakahuli nga kahapon ay 6:00 AM to 6:00 PM na...
pero kahit ganung katagal na yung schedule ay nag-extend pa yung NGCP hanggang 8:00 PM..
na hindi rin naman nila tinupad..
at madaling araw na nga naibalik ang kuryente...
this is considering na mas madalas na yung pag-i-schedule ng mga brownout lately..
at meron pa rin ngang mga unscheduled na short interruptions...
hindi ako pamilyar sa NGCP..
National Grid Corporation of the Philippines..
dati naman kasi ay laging NAPOCOR lang ang ibinibigay na paliwanag sa tuwing may scheduled brownout..
at 2009 lang pala nag-umpisa itong NGCP na ito...
was feeling , mas dumami pa ang abala...
>
mukhang yun nga ang plano ng alyansa ng mga masasamang angkan..
kumapit sa kapangyarihan, at linisin ang mga baho nila...
yun din ang rason kung bakit ginusto nilang madomina ang independent brach ng Judiciary..
ang rason kung bakit kinailangan nilang wakasan nang maaga noon ang termino ng isang dating pangulo..
at ang rason kung bakit nila dinaya ang halalan..
kadugsong lang ito ng plano nila na sumusulong na ulit sa ngayon...
at inuumpisahan na nga nilang igapang ang plano ng pagpapabango sa mababahong pangalan ng mga magnanakaw..
mas inilalapit na nila ang pangalan ng mga ito sa mga tao, at sa mga issues..
siguro balak nilang nilang isama yung pangalan ng mga yun sa credit, in case na magtagumpay sila..
bilang panumbat sa mga tao..
at gamitin yung mga ganung usapin para makapagkunwari sa mga mamamayan na mabubuting tao sila, at hindi naman kumakain ng galing sa nakaw...
was feeling , volt in...
yung mga bad news naman kahapon at noong isang araw...
yung lalaking binaril DAW dahil lang sa naharangan ang isang motorcycle rider sa kalsada..
though nag-iisip pa sila ng ibang motibo sa pamamaslang na yun..
kaso ay mas mukhang road rage na naman yun, at hindi planado..
at dahil na naman yun sa hindi pag-control ng gobyerno sa mga baril...
pero bakit nga ba ayaw nilang giyerahin nang seryoso ang mga loose firearms..?
hindi katulad ng effort nila sa pagpuksa DAW sa ilegal na droga (na mas mukhang naka-focus nga lang sa mga user at small-time pusher)..?
o bakit hindi na lang ipagbawal ang pagkakaroon ng baril sa lahat ng klase ng sibilyan..?
ayaw ba nilang matigil yung halos araw-araw na mga tumbahan, kung kaya't walang War Against Firearms...???
tapos hindi ko nabasa kung saang lugar yung isa pa..
basta yung may 1 patay, at 6 na nasugatan dahil sa pamamaril..
posibleng pinatay daw yung biktima dahil sa pagbebenta nito ng shabu noon..
pero ang masama, eh 6 yung dinamay ng mga taga-tumba sa kanilang trabaho...
was feeling , kaya ginugunaw na ang bansa eh, mas lumalapit na ang mga tao sa kademonyohan...
>
[Natural Calamities]
so lumindol na pala ulit kanina..
bumalik na ulit sa Mindanao...
nasa 5 point something na magnitude DAW eh..
ilan na yun sa loob pa lamang ng isang buwan..
at ilan na yun sa loob pa lamang ng isang rehimen...
naman, magbagu-bago na..
itigil na kasi yang mga kusa at sadyang pagpatay...
was feeling , buwiset, hindi pwedeng ngayon maganap ang gunaw.. nagsisimula pa lang ako...
>
[Heroes]
yung sa may Commonwealth, sa Quezon City..
yung 1 sa mga nang-holdap ng gasolinahan na napatay ng mga pulis sa engkuwentro...
sayang nga lang dahil may nakatakas daw itong kasamahan...
was feeling , ganun ang pumapatay nang tama...
---o0o---
April 14, 2017...
nakakalungkot nga pala talaga ang sistema ng batas dito sa Pilipinas...
wala akong masyadong pakialam sa mga corporate issues..
o di kaya eh sa mga isyu tungkol sa mga hiwalayan ng mag-asawa o agawan sa mana...
pero recently ko lang nalaman na pati pala pagbubukas ng mga kasong kriminal eh kailangan pang pondohan ng sobrang laking halaga ng pera..
Php 400,000 para lang makapagsampa ng kasong almost similar sa estafa..
at ni wala yung kasiguraduhan na maibibigay nga yung nararapat na hustisya para sa mga naging biktima..
nawalan na nga sila ng pera dahil niloko sila, tapos eh pera rin pala ang katumbas ng hustisya..
eh sa ganung halaga eh parang lumalabas na yung mga nagsasampa ng kaso ang magpapasuweldo sa mga kikilos na tao, yun habang sariling oras at kita mula sa trabaho nung taong nagsasampa ng kaso yung nasasakripisyo...
akala ko ba eh bahagi ng gobyerno ang judiciary..?
kaya bakit hindi gobyerno ang nagpopondo para sa mga usaping kriminal..?
hindi ba yun bahagi ng obligasyon nila para sa mga mamamayan...?
mas naiintindihan ko na ngayon kung bakit marami nga sa kanila ang nabibili ng pera..
kung bakit ibinibenta ang mga TRO..
isa rin silang sistema na pinapaikot ng pera..
mukhang hindi talaga kakampi ang batas sa mahihirap kung may pera at impluwensiya ang kalaban...
was feeling , isang malaking kalokohan...
No comments:
Post a Comment