Friday, April 14, 2017

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of April 2017 (Earthquakes)

April 8, 2017...

[Emo]

sa kanya na nga napupunta halos lahat ng budget..
sinira na nga niya ulit yung bagong phone niya last week..
ibibili na nga siya ng bagong laptop na ang worth ay nasa Php 30,000..
siya na nga yung makakatikim ng 2 libreng laptop...

tapos ngayon ano..?
sira na daw yung unang laptop niya!!?
wow!
antindi mo talaga..
ni wala pa yatang 2 taon yun, samatanlang yung mga laptop ng kapitbahay ay ilang taon na ang buhay...

was feeling , naaawa lang ako dun sa ina niya, with all those money, dapat ay na-enjoy na niya yung retirement niya, pero isinasakripisyo niya ang lahat maging ang reputasyon para lang maibigay ang lahat ng luho ng isang yun...

>
[Natural Calamities]

i'll start with the bad news... :(

galit na galit na yata talaga ang mundo sa sangkatauhan..
galit na rin yata ang totoong diyos sa mga diyos-diyosan..
andaming lindol sa isinumpang panahon na 'to..
please naman, huwag nyo po sanang idamay ang lahat, wala pong kinalaman ang marami sa araw-araw na tumbahan na nagaganap sa bansa..
though marami nga ang bumoto sa diyos-diyosan...

shit!
ito ba yung gustong iparating sa akin ng FATE kung bakit nagkaroon ng sangkatutak na delay yung pagbili ko ng bagong computer..?
bata pa ang 2nd unit ko, ni wala pa siyang isang buwan..
hindi siya pwedeng madamay at masira sa mga kalokohan na 'to..
kapag nawala pa siya, it's over for me... :(

mukhang malapit na naman yung pinagmulan nung lindol sa pagitan ng Batangas at Mindoro..
at sobrang lawak nung area na nakaramdam ng lindol kanina..
(i hope okay rin lang sina Miss H)..
2 magkasunod pa yun na significant na pagyanig..
maging ang Mt. Maculot ay hindi na nakaligtas...

i had the same reaction, kagaya noong April 4 (that was only 4 days ago)..
halos kapapatay ko lang kanina ng computer..
tapos ay um-order lang ako saglit ng halo-halo sa tapat namin..
at yun na nga..
nanonood kami ng volleyball nang sabihan ako na lumilindol na ulit..
so nag-steady ako, at naramdaman ko nga na gumagalaw ang lupa..
dahil dun ay kumaripas na kaagad ako ng takbo sa kuwarto ko..
kitang-kita nga sa paggalaw ng monitor ko yung lakas ng lindol..
at nasa 5 point something pa lang yung mga na-experience niya na magnitude recently..
inalalayan ko lang yung computer table at yung cabinet ko in case na mas lumakas pa yung pagyanig ng lupa, habang umaasa na hindi na lalala yung sitwasyon..
kailangan ko silang protektahan kahit na ano ang mangyari...

f*cking The Big One..
mas lalo tuloy akong kinakabahan sa'yo... :(

was feeling , huwag naman sa generation na 'to...

---o0o---


April 9, 2017...

[Emo]

siyempre nakakainggit..
from August 2016 to January 2017, sinubukan kong humingi sa kanila ng tulong..
pero ano..?
hindi daw nila kaya dahil marami pang gastusin...

kaya ano..?
napilitan akong ibaba nang husto ang sarili ko..
napilitan akong lumapit sa mga blood relatives ko..
at napilitan akong lumapit sa ilang mga kakilala ko para sa mas malaking tulong...

samantalang yung isang yun..
handa nilang ipangutang anytime, anywhere..
late January o February lang noong nangutang yung matanda ng panibagong Php 100,000, para isarado na lahat ng naging utang niya sa mga patubuan na mostly ay dahil rin sa kapritso ng ECE na yun..
tapos ilang sabi lang na kailangan niya ng Php 30,000 worth ng laptop, at approved na kaagad..
may bonus pang sirang cellphone at sirang laptop..
pero ni hindi isyu para sa kanila yun...

pero duda talaga ako sa nangyari sa unang laptop na yun..
walang laptop ang mababali yung wiring ng saksakan ng charger nang mula sa loob..
hindi rin basta-basta nakakalas ang mga screw ng laptop nang kusa..
sigurado akong may ginawang katarantaduhan yung isang yun para masira yun..
balak daw niyang gawin na lang na external hard drive yung hard disk nun..
parang tanga, nasa Php 5,000 lang ngayon ang mga hard disk, pero nagsira siya ng Php 14,000 worth ng laptop para lang gumawa ng isa..
samantalang kung ibinenta yun kahit mga Php 10,000 man lang, eh may pambili na siya ng external hard drive at meron pang pambayad para dun sa bagong laptop...

basta pagdating sa kanya ang bilis nilang umaksyon..
at sa kabila pa yun ng sobrang dami na ng nasira niyang salamin sa mata, cellphone, at laptop nga...

was feeling , alam ko na ngayon ang lugar ko sa bahay na 'to...

---o0o---


April 10, 2017...

[Natural Calamities]

since yung lindol noong April 4, parang disoriented na ang senses ko...

madalas pakiramdam ko na parang hindi steady ang kapaligiran..
parang parating nauga...

was feeling , tama na yan...

>
[Emo]

wala nang magagawa..
kung basura ang tingin nila sa akin, at babysitter - edi yae na..
basta bahala silang gumawa sa mga responsibilidad nila, wala akong pakialam..
makatakas man ako sa bahay na 'to, o kung dito na rin ako mamatay. basta wala nang pakialamanan...

focus na lang sa trabaho..
kung sinu-sino yung mga taong tumulong sa akin, sila na lang ang pahahalagahan ko..
kanina, officially sinimulan ko na yung pinakaunang project ko..
target ko ay nasa 50 to 53 pages...

was feeling , hihilahin ka lang pababa ng mga hindi patas na tao...

>
[Gadget Related]

3 years na pala yung tablet ko..
ganun ang responsable..
ganun ang may pagpapahalaga...

feeling , hindi katulad ninyong asal-mayayaman...

>
[TV Series]

The Greatest Love 

sa music therapy class..
napansin ng head teacher na mukhang mas masayahin na ngayon si Gloria..
nabanggit naman ni Peter na mas madalas na kasing nakakasama nito ang kanyang mga anak..
napansin rin ni Peter na parang may kulang sa klase ngayon..?
naikuwento nga nung teacher na namatay na yung isang classmate ni Gloria, na-stroke daw kasi yun, at padalawa na niya yun..
tapos ay tinugtog naman yung music ng The Greatest Love sa klase..
bigla na lang hinanap ni Gloria si Peter nang marinig niya yun..
lumapit siya sa lalaki at niyakap lang ito nang matagal...

sina Ken at Andrei naman ay nagsagawa ng parang charity program..
napansin ni Ken na bagay nga kay Andrei na mag-alaga ng bata..
sumama at tumulong rin sina Y at Z sa event na yun...

after nung event, habang papauwi na si Y..
kausap niya sa phone ang kanyang ina..
hindi niya alam na may sumusunod na sa kanya..
at nang tapos na siyang makipag-usap ay bigla na lang ini-snatch ni Z ang kanyang phone..
ano ba daw ang nakain ng binatilyo at masyado itong expressive lately tungkol sa feelings niya..?
ayaw lang daw niyang palagpasin ang Pasko nang hindi niya nasasabi na mahal niya si Y..
natutunan daw kasi niya sa kanyang Daddy Lo at Mommy La na hindi dapat sinasayang ang mga pagkakataon..
natanong ni Z sa dalaga kung "ano na"..?
at sumagot na nga ito ng "oo na"..
hindi kaagad nakuha ni Z kung anong tinutukoy ng dalagita..
hanggang sa sinabi na nito na "oo na, mahal din kita"..
tuwang-tuwa ang binatilyo na sinagot na rin siya sa wakas ni Y...

sa bahay naman..
bumisita sina Lizelle at Sandro..
nagbilin si Amanda kay Lizelle na agahan nito ang pagpunta bukas para tulungan siya sa pagluluto..
pero sinabi ng bunso na hindi na siya pwedeng magluto..
masama daw kasi yun para sa baby..
at nag-celebrate ang lahat dahil sa magandang balita nina Lizelle at Sandro..
lahat, maliban kay Mommy Glo..
blangko lang yung reaksiyon niya at parang hindi ma-absorb yung pangyayari..
dahil dun ay medyo nanghihinayang rin nga sila sa sinapit ng kanilang ina..
pero dahil sa mga regalo na dala nina Lizelle ay may naisip na ideya si Paeng...

gabi na yata ng Noche Buena..
pero napansin ni Mommy Glo na wala ang kanyang mga anak, nasaan daw ang mga ito..?
naalala pala ni Paeng yung panahon na nagka-caroling silang magkakapatid noon..
narinig na lang ng mga nasa loob na may mga kumakanta sa labas, kaya sinilip nila ang mga ito..
sama-samang nagka-caroling sina Amanda, Andrei, Paeng, at Lizelle..
napangiti naman nang husto si Mommy Glo nang masaksihan niya yun, naaliw siya dahil sa mga alaala ng nakaraan..
at nag-request pa siya na ulitin yung kantang Jingle Bells...

Bagong Taon naman..
nagkakuwentuhan ang pamilya tungkol sa pag-aanak..
napansin ni Z na masaya na namang nakikinig ang kanyang Mommy La..
sinabi naman ni Paeng na huwag na itong pansinin o mabati..
hanggang sa nag-react na si Mommy Glo..
mabuti naman daw at naroon sina Amanda at Andrei para sa okasyon na yun..
pero wala daw sina Paeng at Lizelle..
medyo kinurot ulit nun ang puso nung 2, dahil hindi na nare-recognize ng kanilang Mama ang kanilang presence..
lumapit si Lizelle, niyakap at hinalikan si Mommy Glo, at siya ang bumati para sa batang Lizelle..
ganun din ang ginawa ni Paeng, at gumaya na rin sina Andrei at Amanda..
sinabi naman ng kanilang Tatay na sana ay marami pa silang taon na pagsamahan...

hanggang sa oras na nga ng putukan..
naingayan na si Mommy Glo, kaya nagpaalam na si Peter para makapag-stay na sa kuwarto nila..
at ang mga bata na lang ang kumain sa Media Noche...

kinaumagahan..
nag-suggest si Paeng sa kanilang Tatay na magpahinga na muna ito..
halata kasi na pagod na ito..
marunong rin daw siyang maghanda ng gamot ni Mommy Glo..
ipinaalala niya sa nakatatanda na andun rin naman sila, kaya hindi nito dapat pasanin ang lahat..
nagpasalamat naman sa tulong si Peter, at nagsabi na next time daw ay lalabas sila para uminom...

nag-usap sa phone sina Amanda at Andrei..
tama naman daw yung naisip ni Paeng na bigyan din ng break ang kanilang Tatay..
sina Paeng at Sandro lang ang gustong pasamahin ni Andrei sa kanilang Tatay, boys night out daw kasi yun..
pero pinilit ni Amanda na sumama na rin si Andrei, dahil mas matutuwa daw ang kanilang Tatay kapag ganun...

sa araw ng music therapy..
ipinaliwanag na kaagad ni Amanda na sila na muna ni Lizelle, pati si Z ang sasama sa session nina Mommy Glo..
nagpaliwanag rin si Peter na magba-bonding muna sila ng mga anak nilang lalaki..
at hindi naman nagreklamo ang pasyente..
gusto rin sanang sumama ni Z, pero pinagbawalan siya ng kanyang Mom...

sa klase..
nabanggit nung 2 babae na pinag-break na muna nila ang kanilang Tatay sa pag-aalaga kay Mommy Glo..
naikuwento nga nung head teacher na doble ang pasakit ng Alzheimer's - para sa pasyente, at para rin sa nag-aalaga dito..
nai-share niya ang kuwento ng isa pa sa kanilang mga pasyente, na halos isinuko na ang sariling buhay para lang makatutok sa pag-aalaga sa may sakit..
susubukan daw talaga ang pamilya nila ng sakit na yun...

was feeling , aba, babalik na si Pareng Joma.. kaso ay brownout naman bukas...

---o0o---


April 12, 2017...

[TV Series]

The Greatest Love 

mukhang nakalimutan na nga ni Gloria ang lahat ng current na itsura ng mga kakilala niya..
malamang wala na siyang natatandaan sa mga anak niya..
at hindi na rin niya kilala ang mukha nina Mareng Lydia at Peter...

magandang eksena pa naman yun..
yung isa sa pinakamasakit na sandali para sa sobra kung magsakripisyo na si Peter..
pero sinirang lahat yun ng NGCP...

was feeling , hala, magnu-nude scene na si Mommy Glo pamaya...

>
[Emo]

kahapon, mas na-realize ko kung gaano ka-sira ang ulo nung paboritong anak...

alam nang may schedule nang matagal na brownout kahapon..
pero todo pa rin ang paggamit sa cellphone ng kanyang ina, na para bang bibilang ng taon na hindi sila magkakausap ng babae niya..
kaya ayun, maagang naubusan ng battery yung cellphone...

pero ano ang ginawa niya..?
sinubukang i-charge yung phone gamit ang 9 volts na battery..
alam na niyang iisa na lang ang charger nung 2 phone ng kanyang ina, pero hinihingi pa rin yun, para saan..?
gugupitin daw yung cable para gumawa ng improvised na connector doon sa 9 volts...

wow!
saan ka ba nakakita ng normal na tao na magsisira ng ginagamit pa na charger, para lang panandalian na ma-charge yung cellphone gamit ang 9 volts na battery..?
walang utak..
so paano yun..?
kapag bumalik na sa ayos ang kuryente ay yung matanda naman ang wala nang maayos at safe na charger dahil nga ginupit na yung cable..?
at magre-resort na naman sila sa pagbili ng bagong gamit...?

mabuti na lang at sinabihan ko yung matandang babae tungkol sa plano niya..
matapos kong i-emphasize sa mga utak nila na nag-iisa na yung charger ng 2 phone, ay nakumbinsi nga rin yung matanda na huwag nang pumayag sa kapritso ng paborito niyang anak...

at ang sunod nilang ginawa..?
nangalkal ng mga charger sa kapitbahay..
balak pa ngang magsira ng isa, nang hindi na nagpapaalam dun sa may-ari eh..
at sa bandang huli ay nasunod rin nga yung kapritso niya...

was feeling , lahat ng yun para lang dire-diresto ang walang kabuluhan na pagte-text...

>
[Gadget Related]

nagulat naman ako ngayong umaga..
nasa 477 GB pa ang free space ng main partition ko..
kaso ay naka-schedule yung system para mag-update..
at matapos ang lahat ng download, biglang nasa 474 GB na lang yung natitirang free space...

nasa 3 GB yung kinain nun..
ni hindi ko malaman kung saan yun kinuha nun, dahil nasa 1 GB lang naman yung kaya ng internet namin at maximum speed...

talaga nga namang magastos 'tong Windows 10..
pero kahit papaano ay nakakatulong naman yung pag-Defer sa updates...

pero ang problema ko ay paano ko lilinisin yung mga nagamit nang update components..
hindi kasi biro yung kinakain niyang disk space..
ligtas kaya kung basta mag-delete lang ako ng temporary files...??

was feeling , antakaw...

>
[Medical Condition]

kahapon 'to..
may lumabas na reddish fluid sa cyst ko...

bale kagaya nang nangyari dati..
dumating yung point na may parang buo na white mass na bumara doon sa opening..
kaya puwersahan ko siyang pinalabas..
at after nung matanggal, mas marami ngang fluid na lumabas mula doon sa loob..
halos tuluy-tuloy yung daloy..
combination nung yellowish fluid at may reddish rin nga...

was feeling , it cannot be blood...

>
konting pa-good news naman..
para sa akin lang...

alanganin akong oras nag-grocery kahapon..
sayang kako yung Php 100 na single na benta sa load eh..
nasa 10% pa naman ang rebate ngayong buwan...

anyway..
nasurpresa ako kahapon, dahil nakita ko na ulit si Pimples..
kaso wala akong time para sa cash register niya pumila...

tapos noong palabas na ako..
eh si Emoji-Girl naman yung nakasalubong ko..
wala silang mga aircon kahapon, kaya naman nakita ko siyang naka-high ponytail..
haha, bihira ko yung makita dahil bihira naman siyang banasin sa supermart nila...

was feeling , so hindi sila nawala..? at nasa afternoon shift lang madalas...??

>
[Emo]

dahil sa sobrang kapabayaan talaga nung paboritong anak...

ayun at 3 beses naihampas nung autistic na bata yung smartphone nung matandang babae kanina..
una pa ang screen...

pero ako pa rin ang napagalitan nung matanda matapos kong iligtas yung gadget niya..
huwag na daw akong magsalita...

no need nga naman sitahin ang mga kapabayaan nila..
bawal nga palang paalalahanan sila para maging responsable naman..
madali nga lang naman mangutang..
madali nga lang naman bumili ng mga kapalit na gamit basta ba at para sa kanila lamang...

was feeling , huwag nga kayo dito sa bahay.. sulitin yung bayad sa boarding house at yung internet connection doon...

>
[TV Series]

The Greatest Love 

hindi na nga rin pala naaalala ni Gloria maging ang current na itsura niya..
pero mukhang umabot pa naman sila ng 2nd Year Anniversary nila ni Peter bago muling nakalimot ang pasyente...

miss na ni Gloria ang Bagong Ilog..
pumunta tuloy siya sa may pool nila, at nagbabad ng paa doon..
dumating si Paeng na kasama ang kanyang Ninang Lydia na bumibisita sa kanyang bestfriend..
pero hindi na rin siya na-recognize ng kanyang kaibigan..
tila gumuho ang mundo ni Mareng Lydia, at hindi niya napigilang umiyak sa harapan ni Gloria..
pero nakikilala pa naman daw nito si Lydia, hindi ba..?
at sinabi nga ni Gloria na mahal niya si Lydia, naluha na rin ito..
nalungkot tuloy si Mareng Lydia para sa kanyang bestfriend...

sa kanilang kuwarto, pinapatahan na si Gloria ni Peter..
pero itinutulak siya ng babae palayo..
walang nagawa si Peter kundi ang matulog na lang sa sahig..
lampas 12:00 AM na pero hindi pa rin makatulog si Gloria, medyo lumuluha-luha pa rin siya..
patuloy naman sa pakikiramdam at pagbabantay si Peter...

kinabukasan..
nagising na si Gloria..
kinuha niya ang isang towel, at naisip niyang maligo..
naghubad na siya ng kanyang mga damit..
pero hindi niya matukoy kung nasaan ang banyo..
dalawang beses siyang nagbukas ng pinto, pero mga closet lang yun..
si Peter naman ay tulog pa rin, siguro ay dahil na rin sa puyat..
hanggang sa lumabas na nga ng kuwarto si Gloria, at lumibot sa loob ng kanilang bahay..
sa wakas ay nagising na rin ang lalaki..
wala si Gloria sa kuwarto nila, pero naiwan naman doon ang mga damit nito, kaya kaagad niyang hinanap ang kanyang asawa..
nakalabas na nga ng bahay ang babae..
pagkakita sa kanya ni Peter ay kaagad siyang niyakap nito para takpan ang hubad niyang katawan..
pero pinapaalis ni Gloria ang lalaki..
saktong dating naman ni Andrei, kaya kaagad humingi ng tulong si Peter para maipasok na sa loob ng bahay si Gloria...

muling bumisita sa bahay si Dra. Bautista para i-checkup si Mommy Glo..
sa stage daw ng sakit nito ngayon ay expect the unexpected na pagdating sa kanyang behavior..
naglista na rin siya ng mga bagong gamot na idadagdag sa mga kasalukuyan nang iniinom ng pasyente..
inihatid na ni Peter palabas ang doktora..
nasabi nga ng espesyalista na kailangan na ni Gloria ng 24/7 na pag-aalaga lalo na sa ngayon..
mabuti rin daw at maalam na rin ngang mag-caregiving si Ate Melba..
pero ipahinga rin daw at alagaan ni Peter ang kanyang sarili,
hayaan naman daw niya na tumulong rin ang mga anak ni Mommy Glo sa pag-aalaga dito...

ibang araw na..
unexpected ang pagdating ni Andrei sa bahay..
naalala ng kanyang Tatay na may trabaho dapat ito..
pero sinabi ni Andrei na nagpaalam na muna siya dun, para maalagaan naman daw niya si Mommy Glo..
nagpasalamat sa kanya si Peter..
pero sinabi ni Andrei na sila nga ang dapat na magpasalamat sa kanilang Tatay, at inawat na siya ng nakakatanda dahil hindi na daw yun kailangan..
sinamantala na rin nga ni Peter yung pagkakataon at ibinilin na muna ang pasyente sa pangalawa nitong anak..
may kailangan lang daw siyang asikasuhin...

somewhere na parang restaurant..
may i-m-in-eet sina Peter at Pareng Joma..
natanong pa siya ni Pareng Joma kung sigurado na ba daw siya sa kanyang desisyon..?
dumating na yung ka-meeting ni Peter, at mukha itong isang propesyunal na lalaki..
(hindi kaya abugado yun, at isinaayos na ni Peter ang kanyang mga pamana..?)..
pero hindi na ini-reveal kung para saan nga yung usapan na iyon..
(may sense rin nga ni ibinalik si Pareng Joma, dahil sobrang stressed na ni Peter para mag-drive pa at gumawa ng ibang bagay)...

balik sa bahay..
kausap ni Peter sina Amanda at Paeng..
inaalala ng panganay ang kanilang Tatay..
nasabi nga ni Peter na si Melba na ang nagpapaligo kay Gloria, dahil komportable ito kahit papaano dun sa kapwa niya babae..
pero naniniwala ang lalaki na darating rin yung araw na masasanay rin ang pasyente na kasama siya..
eh paano daw yun, saan na daw siya natutulog ngayon, ang tanong ni Amanda..?
biniro tuloy siya ni Paeng na outside the kulambo na siya..
at tinawanan na nga lang nila yung sitwasyon...

kinagabihan..
pinapainom na ni Peter ng gamot si Gloria..
pero ayaw ng babae, hanggang sa natabig na nga nito yung gamot at natapon na sa sahig..
pinapaalis rin nito ang lalaki sa kanilang kuwarto..
naisip ni Peter na i-play yung video ng kasal nila para malibang niya si Gloria..
ipinaliwanag niya na si Gloria yung babae dun sa video, at kasal nila yun..
nagandahan naman si Gloria sa sarili niya..
ginamit yun ni Peter para mabola ang pasyente, at nakumbinsi na nga niya ito na uminom ng gamot..
hanggang sa nakatulog na si Gloria, at nagpahinga na rin sa lapag si Peter...

was feeling , may mamamatay pa yata...

---o0o---


April 14, 2017...

mukhang sobrang ikli na ng buhok niya ngayon..
nami-miss ko na siya..
pero hindi ko pa siya pwedeng makita for the next 5 years...

was feeling , tinamaan na naman siya ng Summer...

>
[God]

hanggang ngayon napapaisip pa rin talaga ako sa totoong kuwento ng relihiyon...

so mukhang Islam nga ang origin ng Christianity, at least base sa place of origin..
at may religion na na related dun bago pa man yun umusbong..
nagkataon lang na nasakop ng Roma yung banal na lugar noong mga panahon na yun..
after that ay saka nangyari yung mga agawan sa teritoryo, kaya naganap yung mga Krusada..
kaya paano nga kaya in-absorb at hinubog ng Roma ang isang relihiyon na hindi naman nila kinikilala from the very start...?

napapaisip rin ako sa parating sinasabi ng mga relihiyosong tao na tinubos na ang mga tao mula sa kasalanan noong panahon na yun..
kung bakit puros sa paggunita lang nakatuon yung atensyon nila..?
hindi ba ang purpose nun ay para ma-appreciate nga ng mga tao yung naging sakripisyo at kusa silang magbago para hindi na dumami pa ang mga makasalanan sa mundo..?
at para patuloy nga nilang ilapit ang mga sarili nila sa nasa itaas...?

kaya bakit parang pinalalabas nila na nagampanan na yung purpose nung sakripisyo noon..?
samantalang hanggang sa panahon ngayon ay marami pa rin naman ang hindi mabubuting tao..
at karamihan pa sa mga taong yun ay bahagi ng sinasabing pinagmulan na relihiyon - mga terorista...

was feeling , ano ba talaga yung essence...?

>
progress report naman..
sa ngayon, from April 10, meron na akong 8 renders..
4 na profile, at 4 na pages na bahagi nung script...

talaga nga palang mabagal pa ito..
considering na halos wala pa nga akong mga naka-set na materyales..
eventually makakabuo rin ako ng mga sarili kong quick options for future projects...

kaso hindi nakakatulong ang mga regular na brownout...

was feeling , bukod pa yung post work...

---o0o---


April 15, 2017...

hindi pala siya short-haired ngayon..
early last year pa pala yung photo niya na yun..
hindi ko kaagad na-inspect yung properties eh..
that was a few months bago ko siya na-meet ulit with her bob cut plus bangs na look..
halos isang taon na rin simula noong huli ko siyang makasama...

is feeling , ambilis lumipas ng oras...


No comments:

Post a Comment