Friday, April 21, 2017

The Golden Age for CoverUp: The Political Triad Version

captioned still photos..
ito ang isa sa pinakamasamang uri ng balita (sa pananaw nila) sa panahon ngayon..
madali lang kasing gawin ito kumpara sa edited videos...

minsan raw images na binibigyan ng mga negatibong captions..
minsan naman ay ini-edit pa..
ang trick nila eh piliin yung medyo malisyosong anggulo ng mga larawan..
at saka nga nila lalagyan ng masamang istorya...

at sa panahon ngayon..
mas aktibo nga ang mga tao sa pagpapakalat ng mga ganitong uri ng maling impormasyon dahil na rin sa pag-abuso nila sa internet, pero mas less naman ang pagiging mapanuri nila..
basta like lang nang like, share lang nang share - wala nang gamitan ng utak..
pindot na lang nang pindot...

piliin mo yung larawan kung saan walang masyadong tao, at yun na daw yung bilang ng supporters..
piliin mo yung larawan kung saan may kasamang opposite sex, at maruming babae o lalaki na kaagad yung tao..
piliin mo yung larawan kung saan nakikipagkamay, at mabuting tao na daw yun...

yung mga taong tinatamad gumamit ng mga utak eh basta na lang manghuhusga nang base lamang sa immediate nilang nakikita..
na kesyo masama si ganito, masama ang ano, puwerket ganun yung sinasabi sa caption..
nagagawa nila yun nang hindi na inaalam kung ano nga ba ang totoong nangyari sa likod ng mga larawan na yun...

---o0o---


update ulit (72 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
  • yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
  • yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas 
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • yung pulis na ng rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
  • yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
  • sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
  • yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
  • sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
  • sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
  • yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
  • sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
  • yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
  • sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
  • hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
  • sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan 
  • regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
  • regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
  • dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
  • yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
  • yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
  • yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
  • yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • yung Oplan Cyber Tokhang
---o0o---


April 17, 2017...

[Natural Calamities]

ano ba yan..?
Ilocos Norte naman yung nilindol..
nasa 4 point something naman yung magnitude...

5 area na yun this April pa lang..
hindi kaya mga lugar ng mga makasalanan yung tinatamaan..?
baka nadamay lang ang Batangas dahil dun sa commercial..?
nagalit yata ngayon dahil sa pagsasayang ng pamasahe papuntang Middle East...??

ano nga ba 'tong nangyayari..?
may kinalaman ba 'to sa Ring of Fire...??

kapag nadurog ang NCR, siguradong marami ang mapaparalisa...

PS: may bagong sighting pala ng Oarfish sa Sarangani...

was feeling , if those are warnings, parang useless rin dahil mayayaman lang naman ang makakalipat sa ibang bansa...

>
medyo good news pala...

bumaba na ulit ang presyo ng bundle ng mantika..
from Php 210 for a lot of weeks down to Php 205..
Php 5 na lang at babalik na sa dating ceiling price..
pero Php 25 pa ang kailangan para maibalik yun sa dating average rate...

was feeling , pero hindi pa sapat para muling mas matulungan ang mga bumibili ng tingi...

---o0o---


April 18, 2017...

eh yung nakaw na yaman pa yata mula sa bayan ang gagamitin para baliktarin ang resulta ng nakaraang halalan...?

estilo ninyo..
mga Emilio Aguinaldo donations..
puros galing naman sa katiwalian ang mga pera ninyo...

andami na ng mga mamamatay tao na nakaupo..
huwag nang dagdagan pa ng mga dalubhasa sa pagpapapatay...

was feeling , kaya ayaw isauli ang mga nakaw na yaman eh...

---o0o---


April 19, 2017...

ang daming projects ah..
infrastructure..
ang isa sa tradisyunal na paraan ng pagnanakaw ng pera mula sa bayan...

mukha namang may sense yung mga projects..
though parang parati na lang mas naka-focus sa mga piling mga tao at lugar..
kesyo bayani lahat ng mga OFW - yung mga ilegal na nagtatrabaho sa ibang bansa (parang ang mensahe eh okay lang na bastusin ng mga Filipino ang mga patakaran ng ibang bansa basta kapalit ng dolyar), maging yung mga nakakulong, yung mga totoong pumapayag na maging drug courier, at pati nga yung mga wala naman nang naipapadala na dolyares papasok sa bansa..
ganun din sa mga mahihirap na kinukunsinti lang ng gobyerno...

eh kung ako ang tatanungin eh mas bayani pa kesa sa mga yun yung mga magsasaka eh..
kaya sila talaga yung mas deserving para sa mga libreng irrigation projects, farm to market road projects, educational at health benefits, financial support with respect sa trade nila, at innovation na makakatulong sa production at sa paglaban sa climate change...

eh yun kayang mga average na mga mamamayan..?
yung mga taga-probinsiya..?
kailan kaya sila makikinabang sa gobyerno..?
pagdating kasi sa mga ganung lugar, eh hindi naman basta-basta applicable yung mga makabagong infrastructure na naiisip nila..
most of the time eh mula rin lang sa barangay hanggang sa kanya-kanyang respective district representatives yung mga projects..
sa mga nakaraang taon, ang madalas ko lang nakita ay mga kalsada na maya't mayang pinapalitan, mga panibagong school building at mga school structures na maya't maya ring pinapalitan, mga barangay structures na maya't maya ring pinapalitan, at yung latest technique - mga elevator sa pedestrian overpass na hindi naman gumagana..
ni wala pa nga akong nasasakyan sa mga electric multicab na pinagmamalaki nila noon eh...

sana nga eh gamitan nila ng mga utak yung mga subway na pinaplano nila, nang hindi naman sila bahain..
at sana ay hindi rin mabalewala yung mga gagastusin nang dahil sa The Big One...

pero ang talagang mas mahalagang tanong ay..?
kanino na naman manggagaling ang pera na gagastusin para sa mga proyekto na yan..?
we'll see kung anong gagawin nilang sistema sa pagbubuwis..
sana lang eh hindi yun yung mga walang kuwenta nilang ipino-propose noong mga nakaraang buwan..
dahil kung mga ordinaryong mga mamamayan na naman yung tatamaan nang pagtataas ng buwis - eh balewala ang progress na inaasam nila..
samantalang kung babawiin nila ang mga nakaw na yaman eh makakatulong rin yun kahit na papaano...

antakaw ng gobyerno sa buwis..
samantalang wala naman silang naitutulong sa pagpapababa ng presyo ng mga basic needs, tulad ng kuryente at petrolyo...

was feeling , we'll see...

---o0o---


April 20, 2017...

unti-unti nang kumikilos ang Triad..
pabanguhan na ng pangalan ng bawat kasapi nila..
palitan na ng pabor..
para wala nang maungkat sa mga totoong kasalanan nila laban sa bansa at sa mga mamamayan...

bale yung dating administrasyon pala ang may kasalanan kung bakit sinakop ng Imperyo ang mga pinag-aagawan na teritoryo..
masama pala na lumapit sa international community para sa tulong..
bale alam pala nung Cosplayer na walang plano talaga na manakop ang Imperyo, kung hindi naman ilalapit yung isyu sa iba pang mga bansa..
at na-provoke nga lang sila nina P-Not..
o mga panatiko, alam nyo na ulit kung sinong sisisihin tungkol sa pananakop ng Imperyo ha - sina P-Not at yung Kulay nila..
kasalanan nila lahat - mga demonyo sila...

sobrang mapagkakatiwalaan ng Cosplayer..
kagaya kung gaano katotoo yung sakit at yung neck brace niya noong tinatakasan pa niya ang batas...

walang maling ginagawa ang diyos-diyosan ha..
perpekto siya - isang diyos na nagkatawang tao para isalba ang bansa..
yung surveillance na ginawa ng Imperyo sa Benham Rise, tama lang yun - for the sake of Science..
tama rin na binigyan ng diyos-diyosan ng permiso ang bestfriend Empire niya na magliwaliw sa mga teritoryo at exclusive economic zones ng bansa..
basta may kapalit na utang at mga pabor - makabubuti yun para sa bansa..
hindi na mahalaga kung anong tama at mali...

was feeling , ang husay mo, very convincing, panis sa'yo si Alodia eh...

---o0o---


April 21, 2017...

Japanese naman yung pinaka-recent na napatay..
bagong dating lang daw sa bansa eh..
pero mukhang sobrang planado yung ginawang pagtumba sa kanya...

pero kung ano ang rason ay hindi pa malinaw...

was feeling , so for now ay sa kaso lang 'to ng loose firearms at malawakang tumbahan mapapabilang...

>
yun nga naman yun...

hindi puwerket napalista dun eh ibig sabihin ay ganun na rin kalaki ang suporta ng buong mundo para sa kanya..
hindi automatic na ibig sabihin ng salitang 'influential' eh "in a good way"..
it could be good or bad..
kaya nga may iba pang mga masasamang tao doon sa listahan eh...

oo, in general at sa unang tingin eh maganda ang impact nun..
kasi katumbas yun ng dagdag na kasikatan para sa pananaw ng mga mangmang..
pero hindi yun necessarily nangangahulugan na mabuti siyang tao..
o na mahusay siyang pinuno..
o na maganda ang mga ginagawa ng pangkat nila...

kayo talagang mga Filipino o'..
basta kababayan ninyo eh andali ninyong maging proud..
ultimo mga bibitayin na at mga lumalabag sa patakaran ng ibang mga bansa, basta malaman nyo lang na may dugong Pinoy eh pilit pang aangkinin...

was feeling , tsk, tsk, tsk...


No comments:

Post a Comment