Friday, April 7, 2017

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of April 2017 (Found 4)

April 6 was a great day to remember... <3

---o0o---


April 1, 2017...

[V-League]

DLSU versus AdU

Galanza's back, mabuti naman.. <3
fatigue lang daw..
pero siyempre hindi na mababago ang resulta nung laban...

UE, paghandaan nyo na ang AdU ha...


FEU versus NU

haha!
nice game FEU..
wasak na naman ang record ng NU... :D

was feeling , ang moody nyo kasi...

>
okay na yung Tumblr...
  • clickable na yung mga images gamit yung photoset, at hindi pa niri-reveal yung original file at yung dimension nito
  • may progress bar na
  • naka-setup na rin ang mga links
  • at may visitor counter na rin

at least hindi ko na kailangang mag-doble pa ng pag-e-edit ko ng mga materyales..
dun na rin ang bagsak ng lahat ng mga gawa kong samples at promotional materials...

was feeling , naubos ang Sabado ko dun ah...

---o0o---


April 2, 2017...

[Gadget Related]

ah-ah [Name of Electric Cooperative]!
pa-3 na yun kaagad...

wala pang isang buwan ang bagong unit ko..
virgin pa ika nga..
pero nilalaspag mo na.. :(
aba naman, hindi biro ang Php 2,450 na UPS...

was feeling , parang alam kung kailan naka-on eh...

>
pero ang good news...?

last March na yung best blogging month ko..
top score..
nalampasan na yung dating top score ko...

was feeling , sana ganun ang bawat buwan...

>
[V-League]

ADMU versus UE

ayos, bench practice din, lalo na para kay Wong...

Galanza, bawian nyo ang UE ha.. <3
nang maka-tabla man lang at least...


UP versus UST

naman UP o'..
paano na yung pangarap nina Bersola, Tiamzon, at Gaiser niyan..?
maganda naman parehas yung start para sa Set 1 at 2 eh, kaso hindi madala hanggang sa dulo..
tapos halatang nawalan na ng loob noong Set 3 dahil na-overkill na ng UST...

feeling , ang gulo ninyong 4...

---o0o---


April 3, 2017...

[TV Series]

The Greatest Love 

hindi rin daw sinabi ng kanilang Tatay kung bakit sila nasa ospital..
pero parang nasa E.R. daw sila..
dahil dun ay tinawagan na ni Lizelle si Andrei..
sinabi nga niya na nasa ospital sa Baguio ang mga magulang nila, kaya bilisan na daw niyang pumunta sa bahay ni Mommy Glo..
dahil naman sa pagmamadali sa pagda-drive ay untik pang makabangga si Andrei ng isa pang sasakyan sa isang kanto...

nag-aalala na ang mga nasa bahay ni Mommy Glo..
at dumating na nga si Andrei..
ang Tatay na daw nila ang bahala sa kanilang ina, uuwi na din naman daw ang mga ito sa Lunes..
pero hindi na daw makakapaghintay ng hanggang Monday si Andrei, kaya dumiretso na nga ang 5 sa Baguio...

sa ospital..
kinakausap ni Peter si Gloria habang wala itong malay..
hanggang sa dumating na ang mga bata..
nagkaroon daw ng mild stroke ang kanilang ina, i-che-check pa kung anu-anong parte ng katawan nito yung naapektuhan, at kung anong therapy at procedure yung gagawin..
ipapa-check rin daw nila kaagad ito kay Dra. Bautista...

sa wakas ay nagising na ang pasyente..
nagsagawa ng ilang test yung pangunahing doktor, kabilang na yung sa pag-check sa mga reflexes nito..
pero hindi nagre-react ang katawan ni Gloria..
ipinatawag na muna nung doktor sa nurse ang isang physical therapist..
napansin rin ng doktor na hindi na makapagsalita si Gloria...

pagkadating nung physical therapist, nagsagawa naman ito ng mga test para ma-check kung hanggang saan nako-control ng pasyente ang kanyang mga limbs..
sumusunod naman si Gloria sa mga instructions kaya mukhang nakakaintindi pa naman siya..
may konting reaksiyon naman ang right at left side ng katawan ni Gloria sa bawat ipinagawa nung therapist, pero hindi magkaparehas..
after that ay minabuting kausapin ng doktor sina Peter at Amanda sa labas ng room..
yung 4 na muna yung naiwan kay Mommy Glo..
sinubukan ni Andrei na magpakunwento sa kanilang ina, pero hindi nga nito magawang makapagsalita..
kaya minabuti ni Lizelle na pagpahingahin na lang muna ang kanilang Mama..
hindi naman naiwasan mag-alala nina Andrei, Paeng, Lizelle, at Z sa kalagayan ngayon ni Mommy Glo...

sa labas naman..
sinabi nung doktor na base sa evaluation nung PT ay nasa 3rd grade yung naging depekto ng right side ng katawan ng pasyente..
mga technical na yung terms eh..
pero kaya pa naman daw yung maibalik sa normal sa tulong ng PT..
kaso ay mas concern ngayon nung doktor yung tungkol sa speech ni Gloria..
mahirap daw kasing masabi dahil na rin sa Alzheimer's ng pasyente, posibleng attributed lang daw yung kawalan niya ng kakayahan na makapagsalita ngayon sa mild stroke na naranasan niya, o posibleng dahil na rin sa sakit nga niya..
kaya naman inire-recommend niya na kumuha rin sila ng speech therapist para kay Gloria...

balik sa silid, tulog na yata ulit si Mommy Glo..
napag-usapan nila kung kailan uuwi ang kanilang ina..?
sinabi ng kanilang Tatay na bukas ay pwede na silang umuwi..
dahil dun ay ginusto na muna ring manatili ng mga bata doon..
pero sinabihan sila ni Peter na huwag nang um-absent, lalo na para kina Paeng na may pasok pa..
hindi daw dapat tumigil ang mundo nila nang dahil lang dun..
andiyan naman daw ang mga doktor at nurse, at nariyan rin siya para alagaan ang kanilang pasyente...

at lumabas na nga yung 4..
pero nagdadalawang isip pa si Andrei kung iiwanan nga si Mommy Glo..
stable na naman daw ito, pero hindi niya maiwasan na mag-alala..
sinabi naman ni Lizelle na hindi nila dapat ipakita na worried sila, dahil sigurado siya na nakakaramdam ang kanilang ina kahit na hindi ito makapagsalita..
at dahil dun ay lumuwas na nga ulit sina Andrei, Paeng, Lizelle, at Z...

dinalhan naman ni Amanda ng maiinom ang kanilang Tatay..
natatakot daw siya dahil ang dami pa niyang gustong gawin para sa kanyang Mama, gusto pa daw niyang bumawi dito..
pero paano daw kung huli na ang lahat para sa kanila..?
nalulungkot rin siya dahil ngayon na nga lang ulit nagkasama si Mommy Glo at ang Tatay Peter nila..
sinabi naman ng lalaki na hindi pa naman mamamatay si Gloria..
huwag daw nilang pagluksaan ang hindi pa naman nangyayari..
at napangiti na lang si Amanda dahil sa kabutihan at pagmamahal na ipinapakita ng kanilang bagong Tatay...

was feeling , aba't talagang may recovery pa nga ah...

>
[Gadget Related]

ayun..
pang-4 na kaagad kanina..
parang tuwang-tuwa ang [Name of Electric Cooperative] sa paninira sa mga bago kong gamit ah..?
sobrang ikli nga ng power interruption, wala namang pasabi at naka-timing pa kung kailan buhay yung computer - edi wala din..
tinatamaan pa rin yung mga electrical components...

pero anyway..
nakakita na ako ng magandang substitute sa outdoor daylight..
ready na rin yung 2 setting..
kailangan ko na lang gumawa ng 6 na unang characters para sa script ko...

was feeling , huwag namang ganun, hindi naman ganun dati eh...

---o0o---


April 4, 2017...

[Medical Condition]

may weird akong nararamdaman ilang araw na rin..
sa outer side ng right thigh ko..
paminsan-minsan nararamdaman ko na lang na medyo mainit siya, na parang may ibinulsa akong mainit na phone - though wala naman talaga..
wala namang physical (numbness man o kahit pain) o visible na manifestation, talagang yung warm feeling lang...

was feeling , ano naman kaya yun...?

>
[Business]

ayos yan Globe!
matapos mapakinabangan ang mga naipong Rewards last March..
ngayon namang April ay nasa 10% ang rebate sa load...

makakatulong yan sa pag-iipon ko...

was feeling , ayos ka gyud!

>
[TV Series]

The Greatest Love 

nakauwi na nga sina Andrei, Paeng, Lizelle, at Z..
kailangan daw nilang gumawa ng paraan para mapagaan ang buhay ni Mommy Glo..
naisip ni Andrei na pagpalitin na ang kuwarto ni Paeng at ng kanilang ina para hindi na nito kailanganin pang umakyat-baba, pumayag naman si Paeng..
naisip rin ni Lizelle na i-clear na ang sala para wala nang masyadong sagabal sa paglalakad ng kanilang Mama...

kinabukasan..
bumisita si Mareng Lydia sa bahay ni Gloria..
masayang-masaya siya dahil nagbakasyon rin sila ng kanyang asawa..
may gustong sabihin sa kanya si Ate Melba, pero hindi makasingit sa pagsasalita ang katiwala nina Gloria..
nagulat na lang si Mareng Lydia nang makita ang bagong ayos ng sala..
bakit bigla daw silang naging minimalist...?

saktong dating na rin nina Peter, Gloria, at Amanda..
at nalungkot si Mareng Lydia nang makita na nakasakay na sa wheelchair ang kanyang bestfriend..
naikuwento nga ng kanyang inaanak na si Paeng na na-stroke si Mommy Glo, sorry daw kung hindi na siya nasabihan dahil nataranta rin sila noon..
nangungusap ang pasyente sa pamamagitan ng pag-ungol, at naigagalaw na nga niya ang kanyang kaliwang braso..
at sa pagkain nila ay mas pinili ni Peter na pakainin na muna si Gloria..
niyaya naman niya ang lahat na sabayan nilang kumain si Mommy Glo..
lungkot na lungkot si Mareng Lydia sa sinapit ng kanyang kaibigan...

sa bahay na lang ch-in-eck ni Dra. Bautista si Mommy Glo, katulad din nung test nung PT..
at napansin naman niya na nakakaintindi pa naman ang pasyente..
after ng test ay kinausap na muna niya sina Peter at Amanda..
tama nga daw yung naunang diagnosis dito, naapektuhan nung stroke yung right side ng katawan nito..
mas pinabilis rin daw nung stroke yung development ng Alzheimer's nung pasyente..
uubra pa naman nga daw yung speech therapy, pero hindi na babalik yung kakayahan sa pagsasalita ni Mommy Glo na gaya ng dati..
pero ang mas importante daw ay maiwasan nila na ma-stroke ulit ito, para maiwasan ang mas paglubha nung Alzheimer's...

matapos mapatulog ni Peter si Gloria ay nagtipon-tipon ang lahat..
gusto na namang um-absent nina Amanda para sa kanilang ina..
pero sinabi ng kanilang Tatay na huwag, na dapat ipagpatuloy lang nila ang kanilang mga buhay..
dahil andiyan naman siya..
at si Ate Melba ay malapit na ring makatapos sa Care Giving Course na kinuha niya para mas maalagaan si Mommy Glo..
ibinilin naman ni Amanda na sabihan sila in case na may mangyari ulit..
basta ang pakiusap lang daw ng kanilang Tatay ay sana ay nandun silang lahat sa bahay tuwing Sunday..
gusto daw kasi ng kanilang Mama na sabay-sabay silang kumakain..
sinabi naman ni Z na kahit gawing Saturday at Sunday pa yun...

kinabukasan, nagising na si Mommy Glo..
binati siya ng asawa ng Happy Morning, at nagsimula na ang kanilang araw..
si Peter na ang nagpapaligo at nag-aayos kay Gloria..
ginagamit rin nila yung pang-adult na walker para masuportahan ang babae sa paglalakad...

tapos ay dumating na yung PT..
kinuha muna nito ang blood pressure ng pasyente bago sila nag-start mag-exercise..
medyo ngumingiti naman si Gloria noong mga panahon na yun..
humiram ng scarf yung PT at itinali yun sa baywang ni Mommy Glo, para daw ma-practice muna ito sa pagtayo, at para mahawakan rin ng aalalay sa kanya..
after that ay ginamit na nila yung walker sa paglalakad; ang pasyente na ang bahala sa paggalaw sa left leg niya, at inaalalayan naman ng PT yung paggalaw nung right leg niya..
nakasuporta rin sina Peter at Ate Melba sa pagkilos ni Mommy Glo...

sa school..
masipag nang mag-aral si Paeng..
nabati tuloy siya ni Z na baka maging Summa Cum Laude na siya..
pero sinabi ni Paeng na okay lang kahit hindi honor, basta ba hindi siya suma-bit..
ang importante daw ay maka-graduate siya bago man lamang tuluyang makalimot si Mommy Glo, para maipakilala daw niya yung bagong Paeng...

sina Lizelle at Andrei, maging si Sandro ay nagtatrabaho naman nang ayos...

si Amanda naman ay nag-apply sa isang mababang posisyon..
na-impress yung nag-i-interview sa kanya dahil maganda na daw yung backgroung niya, in fact ay overqualified nga siya..
sinabi naman ni Amanda na naghahabol siya ng trabaho na hanggang 5:00 PM lang..
noong nasa itaas daw kasi siya ay na-realize niya kung ano yung totoong mahalaga - at yun ay ang time para sa pamilya...

balik sa bahay..
oras naman para sa speech therapy..
may ipinapaensayo yung therapist na la-la-la-la-la para kay Mommy Glo..
tapos ay tinulungan siya ni Peter sa pamamagitan nang paglalapat nung la-la-la sa tono nung paboritong kanta ni Gloria na Kahit na Maputi na ang Buhok Ko...

was feeling , pangmayaman na sakit nga ang Alzheimer's.. antakaw sa oras eh...

---o0o---


April 5, 2017...

yung good news muna...

kanina ko na lang ulit nakita si Emoji-Girl sa supermart..
ewan ko ba sa schedule ng mga yun..
basta may kung anong irregular shifting sila na ginagawa...

nakita ko pa siya nang closeup..
nagkamali kasi ako ng estimate sa mga pinamili ko dahil may nakalimutan akong isali na item dun sa listahan..
kaya ayun, kinailangan kong magpa-minus sa cashier..
eh supervisor siya, kaya nasa kanya yung override code para sa mga cash register..
kaya ayun, nakita ko siya sa malapitan... ^_^

was feeling , at least eh hindi naman pala siya tuluyang nawala...

>
ang bad news naman...

for more than 11,000 days, kagabi lang ako naka-experience ng lindol..
well, it may not be my first, pero yun yung naranasan ko na talagang aware ako...

nagko-computer pa man din ako noon, mga bandang 9:00 PM na..
at noong nagsimula nang umalog ang paligid, ang una kong naisip ay "ano ba namang klaseng biro 'to..?"..
pero nang pagmasdan ko ang paligid ay nakita ko na talaga ngang umuuga yung computer table ko, especially yung monitor ko dahil sensitive siya sa mga simpleng paggalaw..
at noon ko nga na-realize na totoong lindol na yung nararanasan ko that time...

natakot ako, pero hindi para sa sarili ko..
natakot ako dahil bukas noon ang computer ko na ibang tao ang nagpakahirap para lang mabili..
ni hindi ko inisip yung mga "duck, cover, and hold" na yun..
ang nasa isip ko na lang noon ay paano ko ililigtas yung computer ko in worst case scenario..?
tang ina kako! hard disk drive pa naman ang gamit ko..
bearable naman yung naging paggalaw ng kalupaan noon, kaya ang hinihiling ko na lang sa isip ko noon ay sana ay hindi na mas lumakas yung pagyanig na yun..
at sana ay matapos na rin yun kaagad..
wala akong nagawa..
bahala na kako..
pinakikiramdaman ko na lang yung mga pader ng kuwarto ko..
basta kapag may nagsimula nang magtumbahan ay sasaluhin ko na lang lahat...

ilang segundo ring tumagal yung lindol sa area namin..
after that ay may mga sumunod pa na mga aftershock..
nahirapan rin nga akong matulog sa magdamag dahil sa pag-aalala ko..
ang iniisip ko lang noon ay hindi pwedeng masira ang mga gamit ko..
dahil mas mahalaga pa sila kesa sa sarili kong buhay sa ngayon...

i'm not sure dahil hindi naman ako eksperto..
pero base sa origin ng lindol, o yung naging epicenter niya..
eh mukhang related siya doon sa fault line na nasa dagat sa pagitan ng Batangas at ng Mindoro..
pero ewan ko rin...

pero ang mas ikinakatakot ko ngayon..?
right after nung lindol, kaagad na nag-text sa amin yung mga blood relatives namin na nasa NCR..
kung naramdaman ba daw namin yung lindol..?
dahil umabot nga yun sa kanila...

mahigit Magnitude 5 lang na lindol yun, pero ganung kalawak yung nakaramdam na area..
eh paano kaya kapag tumama na yung The Big One sa NCR..
edi mararamdaman rin yun dito sa [Name of City]..??
paano na ang computer ko...???

mukhang tama na naman yung Oarfish noong isang araw ah..?
malayo yung lugar, pero may nangyari ngang lindol..
kaya naman mga Oarfish, magpadala lang kayo nang magpadala ng mga mensahe kung kinakailangan nga...

was feeling , last na yan para sa Batangas sa 21st Century ha..? mas kailangan yan sa mga terrorist at Imperialist na mga nasyon...

>
[TV Series]

The Greatest Love 

nagsasanay na rin si Mommy Glo na umakyat-baba sa box..
kinukuhanan naman siya ni Ate Melba ng video...

kinuha na rin nila sa bahay ni Mommy Glo yung isang kasambahay noon nina Peter..
nakakalakad na rin ang pasyente sa tulong ng walker at alalay..
si Ate Melba naman ay certified na pala na caregiver at naka-uniform na nga rin sa bahay..
sinabi nito na hindi lang dahil sa kanilang 2 ni Mr. Alcantara kung kaya't mas bumubuti na si Mommy Glo, gusto din daw kasi talaga ng pasyente na gumaling..
at ngumingiti nga si Mommy Glo sa takbo ng kanilang usapan..
biniro nila si Paeng tungkol sa pagpupursige nito sa pag-aaral..
si Lizelle naman ay malapit na ngang maging OIC..
samantalang si Amanda ay hirap pa daw mag-apply, pero nagagawa pa niyang magbiro tungkol dito..
hanggang sa nagulat ang lahat nang marinig nila na parang may sinabi ang kanilang ina..
at totoo nga, nagawa na pala nitong sambitin na "ang saya", at inulit pa nga niya ito nang kanilang tanungin..
niyakap siya ng mga bata dahil sa sobrang tuwa nila..
at nagawa rin niyang maalala si Totoy Pogi...

gabi na..
inasikaso na muna ni Andrei ang kanilang Tatay..
baka daw kasi napapabayaan na nito ang kanyang sarili..
nasabi naman ni Peter na totoo nga pala yung sinasabi ni Gloria na si Andrei ang pinakamaalaga sa kanyang mga anak..
humingi si Andrei ng paumanhin na hindi na niya kayang asikasuhin yung event ni Lizelle..
pero hayae daw, dahil sa susunod na i-renew ng kliyente niya yung kontrata ay hindi na niya ito tatanggapin..
para mas magkaroon daw siya ng oras para sa Mama nila..
totoong gusto niya yung career niya, pero mas mahalaga para sa kanya ang pamilya...

mukhang opening ng bagong project ng kompanya nina Lizelle, at retirement village pala yung naisip nilang idea..
sa araw na yun ini-announce din ni Mr. Alcantara na officially ay retirado na siya..
hindi ba daw dapat ay masaya sila, dahil mas makakapag-focus na siya sa kanyang lovelife..?
tapos ay ipinakilala na niyang bagong OIC si Lizelle ng project na yun..
though ipinakilala niya ito bilang nag-iisang anak niya, which is technically correct naman, siguro ay dahil na rin sa yun na yung naging pakilala niya dito noong bagong pasok pa lang ito sa kanilang kompanya..
pero parang medyo nakakalimutan na ni Mommy Glo ang kanyang bunso, dahil kinailangan pa itong i-remind ni Peter na anak nila siya...

after that, nag-celebrate naman sila sa bahay..
natanong tuloy ni Peter kung may plano ba si Lizelle na magkaroon ng sarili nitong pamilya..?
napag-usapan tuloy nila yung tungkol sa pressure..
pero depende naman daw yun kay Sandro..
tapos ay medyo nagbiro si Sandro na gusto ba ng dalaga na ngayon na siya mag-alok ng kasal..?
at itinuloy na nga niya yung kanyang pagtayo, kinuha yung dala niyang singsing mula sa kanyang bulsa, at nag-propose na kay Lizelle sa harap nilang lahat..
gusto pa daw sana niyang makaipon para mabigyan ang dalaga ng kasal na katulad ng kay Mommy Glo, pero may nakapagsabi daw sa kanya na bawat sandali ay mahalaga..
kaya naman ginawa na rin niya ang kanyang proposal ngayon..
tinanong niya si Lizelle, at si Mommy Glo na ang sumagot ng 'YES' para sa kanyang bunso, na ikinatuwa naman ng lahat...

sinusubukan nang maglakad mag-isa ng pasyente sa tulong ng walker..
chini-cheer nila siya, lalo na si Peter..
at nagawa nga niya..
matapos yun ay nag-request si Gloria kung pwede ba silang pumunta sa simbahan, 'simba' daw...

nagpunta nga ang mag-asawa sa simbahan..
tahimik lang sila parehas, at naluluha..
hiniling ng lalaki na gabayan si Gloria ng nasa itaas..
bigyan pa daw sana ito ng panahon para maging malusog at masaya kasama ng kanilang pamilya...

tapos ay puros time skip na..
nagpa-plano na ang mga bata para sa kasal nina Lizelle...

patuloy lang yung pagdarasal ni Peter..
handa naman daw siyang gawin ang lahat para sa kanila..
pero sana daw ay bigyan din siya ng lakas para maalagaan niya si Gloria at ang mga anak nila..
oras lang daw ang hinihiling niya...

tapos ay birthday na ulit ni Mommy Glo...

gumagawa na rin sila ng mga souvenir para sa kasalan...

tapos ay birthday naman ni Peter..
at nagawa siyang batiin ni Gloria ng "Happy Birthday"..
hindi daw talaga siya nagse-celebrate ng kaarawan niya kahit noon pa man, pero dahil bahagi na daw siya ng pamilya ay lagi na nila yung ipagdiriwang ang sabi ng mga bata..
ang wish niya ay sana ay makasama pa niya si Gloria..
na sana ay maging maayos ang kasal nina Lizelle..
at kalusugan para sa buong pamilya, sabay biro naman ni Mommy Glo na malusog daw si Amanda..
at nauwi yun sa tawanan...

was feeling , pero hindi talaga mapipigilan ang paglala ng Alzheimer's...

>
[V-League / Cuties]

AdU versus UE

sobrang nakaka-proud ang Lady Falcons..
totoong sasabihin lang ng ibang tao na parehas lang naman silang mahina na team, pero ang accomplishment ay accomplishment..
ang mahalaga ay may naiuwi silang panalo, at talagang kitang-kita na na-enjoy nila yung game..
at laban pa yun sa isang defense-type na team..
sa wakas ay nag-contribute na rin yung ibang AdU players, though kapansin-pansin talaga na kulang sa puwersa ang mga atake nila..
at sa wakas ay hindi na nila tinadtad ng errors yung game nila..
nakakatuwa rin na nanggaling pa si Galanza sa pagko-collapse kamakailan lang, pero nagawa nga niyang manalo sa match na 'to...

wala akong masabi..
sobrang ganda at telegenic talaga ni #8 Galanza.. <3
isa siyang tunay at ganap na babae..
sobrang laki na ng improvement ng laro at power niya since her Laoag days..
simula noong game na naka-triple-double siya ay deserving na talaga siyang mabigyan ng award, at karapat-dapat lang siyang maging Player of the Game kanina...

masaya na rin sa wakas sina Gumabao at Coach Padda... :D


#15 'Awit' Joaquin..
ang babyface sa Adamson Lady Falcons..
speed-type siya...


at ang Player of the Game, si Lady Galanza.. <3
mas gumaganda pa siya sa tuwing masaya siya sa loob ng court...
(credit for both photos goes to Akari Sports)


UP versus FEU

malakas naman ang team ng UP eh..
in fact eh mas marami silang reliable attackers kumpara sa FEU..
kumbaga eh hindi mo naman ie-expect na sabay-sabay na masisira yung laro nila..
pero ewan ko ba sa mga babae na 'to, activated na naman kanina ang lineup ng FEU..
at as usual, mahina sa mga iwanan at habulan ang UP..
nakakalungkot lang na tapos na ang campaign nina Bersola, Tiamzon, at Gaiser..
hindi rin nila naabot ngayon ang Final 4...

posible kayang mas naging maganda yung performance nila kung hindi nawala si Gaiser...??

was feeling , #8 is LOVE...

---o0o---


April 6, 2017...

what a lovely day... <3

again, sa tulong ng Facebook, i was able to track yung faction nina Miss H..
bale 3 may accounts, at 1 hindi ko pa ma-track (si Miss Co, yung babaeng may atraso sa akin)..
totoo nga na tropa sila..
pero niligaw nila ako gamit yung mga data nila..
i'm assuming na kabisado na rin talaga nila yung mga pekeng data nila bago ko pa man sila nakilala, pero wala naman sa akin yun..
importante pa rin talaga ang privacy...

wala lang, masayang makita at maalala yung mga eksaktong itsura nila..
mukhang maganda rin talaga si Miss Co, kaya nakakalungkot na nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan noon..
sana nga eh makabawi pa ako sa kanya in the future..
si Miss H naman ay maganda at sexy pa rin hanggang sa ngayon.. <3
na-miss ko tuloy yung pagiging malambing nung isang yun...

i guess ganun talaga yung epekto ng mga pictures..
ibinabalik nun yung magaganda at masasayang alaala - nang malinaw..
masaya talaga ako na ginawa ko yung mas advanced na pamamaraan...

at utang ko 'tong lahat kay Miss P...

naman!
si Miss C na lang talaga ang kulang eh..
paano ba kita makikita...?

was feeling , wala munang celebration for this year...

>
[TV Series]

The Greatest Love 

masaya si Lizelle na nakakalakad na ulit ang kanilang Mama bago ang kanyang kasal..
pero natanong ni Mommy Glo kung sino si Sandro nang mapag-usapan nila ito..?
sinabi naman ni Peter na mabuting tao ang binata, kaya panatag siya na ito ang mapapangasawa ni Lizelle..
naikuwento naman ng dalaga na bago niya makilala ang kanyang Tatay ay hindi niya alam kung anong lugar niya sa pamilya..
napasama pa nga daw niya ang loob ng kanyang Ate Amanda at Kuya Paeng noon..
pero kahit na ganun daw ay binusog pa rin siya ng kanyang ina ng pagmamahal..
at ngayon ay hindi na niya nararamdaman na parang sampid lang siya sa kanilang pamilya...

araw na ng kasal nina Lizelle at Sandro, mukhang simpleng kasalan lang yun..
bago yun ay nag-practice muna ng paglakad sina Peter at Gloria sa bahay..
tapos ay umalis na nga silang lahat para tumungo sa event...

sa reception..
ipinakilala na ang ina ni Sandro (artista siya), at hindi mukhang sakitin..
sa pagkakataon na yun, nagpasalamat siya kay Mommy Glo dahil sa ipinakita nitong kabutihan at pagtitiwala sa kanyang anak simula pa noon..
hanggang sa inantok na ang pasyente, kaya nagpaalam na muna kina Sandro at Lizelle si Peter..
'Tatay' na rin ang tawag ni Sandro kay Mr. Alcantara..
at nang nagpapaalam na si Lizelle sa kanyang Mama, nasabi ni Mommy Glo na maganda ang dalaga, kagaya ng anak niyang si Lizelle..
nasurpresa ang bunso, nagpakilala tuloy siya bilang Lizelle, pero iginiit ng matanda na bata pa ang bunso niyang anak..
para tuloy dinurog si Lizelle sa mismong araw ng kanyang kasal, nalungkot rin ang lahat para sa kanya, lalo na ang kanyang Ate Amanda..
parang naging desperado siya na ipakilala ang sarili sa kanyang Mama, pero inawat na rin siya ng kanyang Tatay..
nagyaya nang umuwi si Mommy Glo, kaya pinasamahan na muna ito ni Peter kina Amanda..
pinili ng ama na magpaiwan at damayan na muna ang kanyang anak...

galing naman noon sa CR si Paeng kaya hindi niya alam yung nangyari..
tinanong niya sina Andrei, at sinabi nito na mukhang nangyari na yung kinakatakutan nilang magkakapatid..
at ipinaliwanag nga ni Z na nakalimutan na ni Mommy Glo ang kanyang Tita Lizelle (yung current na Lizelle)..
dahil dun ay minabuti ni Paeng na subukan kung nakikilala pa rin siya ng kanilang Mama..
pero natanong siya ng kanilang ina kung "sino ka"..?
at nasaktan rin si Paeng dahil dun..
dahil sa nangyari ay pinasabay na muna ni Amanda si Paeng sa kotse ni Andrei, para daw hindi ma-stress ang kanilang ina...

balik sa reception..
nag-iiiyak na si Lizelle..
hindi naman daw siya maiwan ng kanyang Tatay sa ganung kalagayan..
inakala daw niya na handa na siya..
pero mahirap daw pala talagang paghandaan ang kalungkutan..
sinabi naman ni Peter na nakalimutan man si Lizelle ng utak ng kanyang ina, ay siguradong nakatatak na yung pagkatao niya sa puso nito..
kasal daw nilang 2 ni Sandro kaya dapat ay masaya sila..
matapos yun ay nagpaalam na rin si Peter sa bagong kasal at sa kanyang balae..
ch-in-eer naman ni Sandro ang kanyang asawa..
sigurado daw siya na naging mabuting anak si Lizelle kay Mommy Glo..
tapos ay biniro-biro na rin niya ang kanyang misis para malibang ito...

sa biyahe..
naging medyo emosyonal ang usapan nina Andrei at Paeng, kaya inihinto na muna ni Andrei ang kanyang kotse..
expected na naman daw nila yung mangyayari, kaya huwag na daw masyadong dibdibin ni Paeng..
pero hindi kasi inasahan ni Paeng na ganung kabilis yun..
paano daw kung huli na ang lahat..?
paano daw kung hindi na siya makitang gr-um-aduate ng kanilang Mama..?
paano daw kung hindi na niya maipakita kay Mommy Glo na nagbago na siya..?
sinabi naman ng Kuya Andrei niya na matagal nang nakita ng kanilang ina ang pagbabago niya..
tsaka kung gusto daw talagang mag-succeed ni Paeng, ay dapat gawin niya yun para sa kanyang sarili...

sa bahay, nauna na sina Amanda..
nasabi ni Z sa kanyang Mom na mabuti at hindi pa ito nakakalimutan ng kanyang Mommy La..
sinabi naman ni Amanda na sigurado siya na makakalimutan rin siya nito..
pero sana daw ay may oras pa para makabawi naman siya kay Mommy Glo...

sa clinic ni Dra. Bautista, kausap sina Peter at Amanda..
ipinakita nga ng doktor ang latest scan ng utak ng pasyente, at sinabi niya na significant na yung naging pagliit ng utak ni Mommy Glo..
ibig sabihin daw ay nasa severe stage na ang kanyang Alzheimer's..
hindi naman daw yun masyadong malala, pero kakailanganin pa daw nila ng mas higit na pasensya..
in terms of physical health ay mako-control naman daw nila yun, basta iwasan daw nila na magkaroon ng sakit ang pasyente..
naging emosyonal naman si Amanda, pakiramdam daw niya na nauubusan na sila ng oras..
at sinabi naman ni Dra. Bautista na yun ang isang natutunan niya sa pagiging espesyalista niya, na time is never on our side..
kaya ang advice niya ay sulitin lang talaga nila yung panahon na kasama pa nila ang kanilang mga mahal sa buhay...

was feeling , pero may maiisip pa silang way of adaptation...

>
okay..
kailangan ko ng 8 characters para sa first chapter ng project ko (with at least 6 solid characters)..
naka-prepare na yung 6 sa mga yun, though may mga kailangan pang adjustments..
naka-prepare na rin nga yung ibang characters na gagamitin ko sa mga future chapters..
pero kailangan ko pa ng ilang hair elements at advanced moprhs...

ang target ko ay 50 to 52 pages..
pero kailangan ko pa rin ng mga tools na pwede sa photoshop para sa paggawa ng comic bubbles...

was feeling , konti pa...

---o0o---


April 7, 2017...

[TV Series]

The Greatest Love 

pagkauwi ng bahay, kaagad natanong ni Mommy Glo kung sinu-sino yung mga tao dun..?
nawala na ang katauhan ni Z sa alaala ng kanyang Mommy La..
dahil dun ay ipinakita ng binatilyo ang kanilang family picture para makilala ng matanda ang kanilang pamilya..
nakita niya ang batang Paeng, kaya naman hinanap niya ito...

nagsosolo pala si Paeng sa ibang bahagi nung bahay..
tinungo siya ng kanilang Tatay para kausapin..
umiiwas daw siya sa kanyang ina dahil ayaw niyang sumpungin pa ito kapag hindi siya nito nakilala..
ipinaliwanag naman ng nakakatanda na hindi puwerket hindi na naaalala ni Gloria si Paeng ay ilalayo na rin nga nito ang kanyang presence..
dapat daw ay samantalahin lang nila yung pagkakataon na nakakasama pa nila si Gloria..
natanong tuloy ni Paeng kung hindi ba natatakot ang kanyang Tatay na mawala si Mommy Glo..?
siyempre daw ay natatakot din siya, pero hindi siya pwedeng magpadala sa takot dahil sayang naman yung panahon na magkasama pa silang mag-asawa...

matapos yun ay nakipag-bonding nga si Paeng kay Mommy Glo..
nag-gitara siya, at naalala nga sa kanya ng ina ang batang Paeng..
kinakausap na niya ang pasyente tungkol sa kanyang dating sarili, na para bang ibang tao siya..
pero hindi na masakit, dahil alam niyang siya pa rin naman yung naaalala ng kanyang Mama..
nagbiro pa si Mommy Glo na pogi daw si paeng dahil nagmana siya sa kanya...

sa hapag, halos kumpleto na ang pamilya..
saktong padating na sina Lizelle at Sandro..
minadali na ni Lizelle ang kanilang honeymoon dahil miss na niya si Mommy Glo..
biniro naman sila ng kanilang Tatay na baka hindi kaagad sila makagawa ng pangalawang apo..
kilala ng ina si Lizelle bilang si Tisay, alam niya rin na asawa nito si Sandro..
si Paeng naman bilang si Astig..
at si Andrei ay nakikilala pa ni Mommy Glo yung current look, pero nagbiro pa ito at gustong magpatawag na Andrei Ganda...

tapos ay si Y naman yung dumating na may dalang tibok-tibok na niluto nila ng kanyang Mama..
maganda daw siya ang sabi ni Mommy La, sabay dugtong pa na bagay daw sila ni Totoy Pogi..
natuwa naman yung 2 bagets sa comment nung matanda..
pero inawat sila ni Amanda at pinakain na...

after yung dinner ay inihatid na ni Z si Y gamit yung sasakyan nila..
dahil daw dun sa tibok-tibok ay tumitibok-tibok na rin ang puso ng binatilyo nang wala sa oras..
sinabi naman ni Y na ang corny ni Z, sabay paliwanag ng lalaki na nagiging corny lang naman siya kapag nagmamahal siya..
siya lang naman daw ang ayaw pang pusuan ni Y eh..
alam naman daw ng dalagita na mahal siya ni Z, kaya naman natanong nito kung mahal din ba siya ni Y..?
natahimik na lang si Y dahil sa mga titig ni Z, kaya naman iniwasan na lang niya ito (pero yung pakilig na pag-iwas naman)...

isang umaga..
nagising na si Gloria, kaya niyaya na siya ni Peter na mag-exercise..
pero nakita ng pasyente si Ate Melba na inililigpit at itatapon na yung mga kinolekta niyang plastic bottles..
inawat niya ang kanyang caregiver, at sinabi na kalakal niya ang mga yun..
naisip naman ni Ate Melba na mukhang naaalala ng kanyang Ate yung mga panahon na nangangalakal pa ito..
dahil dun ay naisip ni Peter na gawin iyong motibasyon para sa pasyente..
ipinakuha niya yung wheelchair at yun ang ginamit nilang kariton ni Gloria, sasama rin daw ang mister sa pangangalakal..
pero kailangan daw na uminom muna siya ng gamot bago yun...

at yung nga yung naging daily routine nila..
gigising, iinom ng gamot, maliligo, at saka sila maglalakad-lakad para mangalakal (pero sa loob lang ng kanilang bakuran)..
madali na nilang nakukumbinsi ang pasyente na inumin ang kanyang mga gamot, eh nakakapag-exercise pa ito sa pamamagitan man lamang ng paglalakad..
kunwari pa ay nagbebenta si Ate Melba sa mag-asawa ng kanyang mga kalakal para mas convincing...

isang araw ay na-witness ni Paeng yung routine na yun nung 3..
kaya naman nung sumunod na pagkakataon ay nakisali na rin sila ni Z, nangolekta sila ng kanilang mga kalakal at kunwari ay ibinibenta rin nila ang mga yun kay Mommy Glo..
naisip ng matanda na marami na siyang nagiging pera, kaya mag-iipon siya ng pambili ng regalo para sa Pasko..
basta daw ay may reregaluhan siya...

hanggang sa pumasok na nga ulit ang Christmas season..
nagde-decorate na sila sa bahay ni Mommy La..
napansin ng pasyente na may mga laruan at gift wrapper sa paligid, kaya kumuha siya ng ilan, kasama na rin ng ilan pang gamit, at inilagay niya ang mga ito sa kanyang sako..
napansin ni Ate Melba yung ginagawa niya kaya sinundan siya nito..
sumunod rin si Peter, kaya naman nagsunuran na rin sina Amanda, Paeng, at Z para makita kung ano ang gagawin ng kanilang Mama/Lola..
humanap si Mommy Glo ng mesa na mapupuwestuhan, at inalalayan siya ni Ate Melba..
tapos ay isa-isa na niyang ini-assign kung para kanino yung mga regalong laruan na kinuha niya, at para sa mga anak niya ang mga yun..
na-touch silang lahat sa kanilang nasaksihan..
nasabi tuloy ni Paeng na kahit daw hindi na sila naaalala ng kanilang Mama (bilang yung mga current selves nila) ay hindi pa sila nito nakakalimutan...

wala..
halos nasa fantasy-level nga yung yaman nila dito (kumpara sa mga ordinaryong tao)..
pero sobrang ganda nung mensahe nung kuwento..
parati na lang akong pinapaiyak ni Mommy Glo...

was feeling , darating na ang masakit na yugto para kay Peter.. makakalimutan na ni Gloria yung kasalukuyang sila...


No comments:

Post a Comment