Friday, April 28, 2017

I Need A Soldier

heto po ang sountrack for the week:


credit for the music video goes to the original creator(s) and uploader...


hindi matatapos ang problema sa ilegal na droga hangga't hindi nalalaman kung sino ang protektor ng grupo nung pulis na Marcos..
dapat paaminin sila kung ano ang motibo nila sa pagpatay kay Mayor Espinosa, at kung sino ang nag-utos sa kanila..?
lalo na at naisangkot rin sila sa usapin tungkol sa illegal drugs..
hangga't protektado ang mga ganitong klase ng mga pulis - wala talagang mangyayari sa bansa...

---o0o---


update ulit (79 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
  • yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
  • yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas 
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • yung pulis na ng rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
  • yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
  • sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
  • yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
  • sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
  • sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
  • yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
  • sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
  • sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
  • yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
  • sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
  • hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
  • sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
  • sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
  • yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan 
  • regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
  • sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
  • regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
  • dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
  • yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
  • yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
  • yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
  • yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
  • yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
  • ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • yung Oplan Cyber Tokhang
---o0o---


April 23, 2017...

[Natural Calamities]

pang-6 na lindol na yun this April, at least sa bilang ko..
nasa magnitude 5 point something daw..
sa Surigao Del Sur naman this time...

ano nga kaya yun..?
nataon lang ba o may nagagalit na talaga dahil sa bastusan ng mga utos...?

menor de edad lang yata yung itinumba noong isang araw..
babae pa..
basta yung pinuno ng Hello Kitty yung burol...

was feeling , it can't be now...

---o0o---


April 24, 2017...

[Heroes]

sa Marikina..
yung lalaki na nagalit at namaril DAW dahil natalo siya doon sa sugalan na ginagawa sa isang burol..
kaya ayun napatay siya ng mga pulis sa naging enkuwentro nila...

drud-related din daw yung taong yun..
pero ang mas importante, eh mukhang totoong armado siya..
at malinis ang pagkapatay sa kanya...

yun lang naman ang importante dun eh..
basta may kakayahang makasakit ng mga inosenteng tao - dapat lang talaga na patayin na...

was feeling , hindi yung susugurin ninyo sa lugar kung saan wala nang laban yung tao, tapos eh sistema nyo rin naman yung may depekto...

>
lagot kayo ngayon..
mukhang sapilitan nang gagawa ng mga sundalo...

hindi ko lang masyadong maintindihan yung punto..
binigyan mo ang Imperyo ng karapatan na maggala sa loob ng teritoryo ng bansa..
tapos bigla ka ngayong hahanap ng reinforcement mula sa mga sibilyan...?

totoong responsibilidad naman yun ng mga mamamayan sa Inang Bayan..
pero mahirap makita yung paghuhugutan ng fighting spirit at moral kung kayo mismo sa puwesto ninyo eh parang ibinibenta nyo na yung mga teritoryo kapalit ng mga pautang...

at tsaka kagamitan yung mas importante kumpara sa tao..
kung may mga sundalo ka nga, tapos eh panay nasa pampang at lupa laang..
o di kaya eh nakasakay sa mga bulok na mga barko at eroplano..
eh malamang na tirahin lang sila ng mga missile ng kalaban..
malamang na hindi na nila kailanganin ng man-to-man na labanan..
sacrificial lambs na naman ang kauuwian niyan...

parang tanga na isasalang mo sila sa isang posibleng digmaan na wala naman silang kalaban-laban..
NPA nga at mga terorista eh hindi ninyo maubos-ubos..
tapos Imperyo pa ang paghahandaan ninyo...?

yung mga riding-in-tandem at mga gun-for-hire, sila ang isabak niyo dyan sa giyera...

at tsaka huwag mong masyadong husgahan ang mga foreigners puwerket racist ka..
inalala mo yung World War II, tapos eh kinalimutan mo rin naman kaagad yung mga nangyari noon..?
lumalaban rin ang mga yan, kahit na hindi para sa petrolyo...

was feeling , gumawa muna kayo ng mga Mobile Suit o Knightmare Frame at ikatutuwa ko pa na pagpapaslangin yang mga bastos na mga singkit na yan...

>
bad news ulit...

sa Tondo, Manila..
yung dalagita na tinamaan ng ligaw na bala na mula sa pamamaril ng riding-in-tandem..
medyo nakunan sa CCTV yung insidente eh...

14 y/o lang daw yung dalagita..
at sa mata pa daw tinamaan..
nagpaputok DAW yung mga kriminal bilang pananakot sa mga hindi nagbabayad sa kanila para sa ilegal na droga...

was feeling , ayun! i-recruit na ang mga yan sa Army, ang gagaling mamaril at hindi din nahuhuli eh...

---o0o---


April 25, 2017...

yung babaeng pulis, si Supt. Nobleza na may karelasyon DAW na terorista..
intel specialist pa naman daw yung pulis na yun..
ang lupet!
mala-Ang Probinsiyano ang level ng tiktikan...

sa ngayon hindi ko muna ito ika-classify sa mga kaso sa itaas..
halos iisang tao lang kasi yung nagsasalita tungkol dito, at kung makapagsalita sila eh parang alam na alam nila lahat ng totoong nangyari o nangyayari...

was feeling , kundangan kayong mga tanga, arestado na pala noon eh nakakawala o pinakakawalan nyo pa...

>
sa Tondo, Manila..
yung rambulan naman ng mga kabataan sa gabi..
may kuha pa ng CCTV eh..
meron pang may dala ng baril at nagpaputok..
at nanuntok pa yung isa ng sumisita lang daw sa kanila...

butas na naman 'to sa pagpapatupad ng mga batas..
ang kawalan ng kontrol sa mga mapaminsalang mga kabataan..
at kaluwagaan pa rin sa pagkontrol sa firearms...

ibaba na nga sa 5 y/o ang classification ng Menor de Edad...

was feeling , i-recruit na yang mga yan sa Army tutal eh mahihilig sa gulo at sakitan...

>
sa Dasmariñas, Cavite..
yung nahuli at ikinulong dahil sa sakla..
tapos ay napatay sa panggugulpi ng mga nakasama niyang mga preso, kahit na nakaposas naman daw siya doon sa kulungan..
medyo nakunan rin ng CCTV yung ginawang pangkukuyog sa kanya...

kesyo may nakasagutan daw na babae..
kesyo may hinipuan daw na babae...

pagkukulang na naman 'to sa sistema..
  1. kung totoo yung mga akusasyon, eh bakit mo nga ba paghahaluin sa kulungan ang mga lalaki at babae kung saan makakaya nilang magkahipuan..?
  2. bakit hindi nila binantayan nang maayos yung mga preso nila doon, para naawat sana nila noong oras nung gulo..?

nakakapagpakain kayo ng mga mahihirap daw..
nagsusustento kayo sa kahit na sinong ilista bilang mahirap..
samantalang hindi naman matitino pa ang iba ninyong mga facility..
kailangan nyo pa ring isipin na hindi rin naman pantay-pantay ang level o uri ng mga kriminal...

was feeling , isali na rin yun mga yun sa Army, mga mahihilig rin pumatay ng tao eh...

>
wala talagang dangal ang Judiciary..
kaya walang kuwenta na dalhin pa sa level nila yung mga kaso na higit pa sa logic ang totoong value eh..
bangkay ng Diktador..
essence ng isang national monument...

walang kabuluhan para sa Judiciary ang pagiging makabayan..
pilosopohan lang ang labanan..
kahit may nakalatag ng batas, magagawan at magagawan ng paraan na manipulahin dahil sa technicalities..
yung iba eh sa pera at impluwensiya pa namamanipula...

kaya mali na sila ang naging final authority pagdating sa mga importanteng bagay...

sa bagay..
hayae na nga na tayuan ng mga commercial backgrounds yang mga lugar na yan..
para mas masaya sila pagdating ng The Big One...

was feeling , ipadala na rin yang mga yan sa training para sa giyera, nang makabawas-bawas din naman sa mga pilosopo...

---o0o---


April 27, 2017...

malalaman mong sinungaling at mahilig lang magmanipula ang isang tao base sa mga sinasabi niya..
lalo na kung ginagawa rin nila yung mga bagay na sinisita na nila noon...

parang tanga lang na puros reklamo at mura siya kapag may international event noon..
kesyo abala lang daw ang mga yun para sa iba..
kesyo abala yun para sa kanya..
ipinagyayabang pa noon na sa ibang hindi congested na area niya na lang ipapadaos yung mga ganung klase ng event if ever...

tapos ngayon ay ganun din naman ang ginagawa nila...

kaya anong sense at naninita siya dati..?
para tuloy lumalabas na nagsasalita lang siya noon ng masasama para makasira sa ibang tao..
at para na rin makasira ng relihiyon...

was feeling , puros ka lang yabang at pakagat...

---o0o---


April 28, 2017...

pag-abuso na naman sa kapangyarihan...

yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD..
nakatago sa likod ng isang cabinet yung daanan eh..
undocumented pa yata yung mahigit 10 katao na ikinulong doon..
at may alegasyon pa na ipinatutubos DAW sila kapalit ng pera...

was feeling , lihim...

---o0o---


April 29, 2017...

sa Catanduanes naman..
yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings..
may kinalaman daw sa paghahabol ng accomplishment eh...

is feeling , may video rin naman na naipakita na noon si Lacson eh...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of April 2017 (Those Lips)

medyo manipis yung labi niya sa ibabaw..
at mukhang nasa average size naman yung bottom lip niya..
at for some reason ay laging naka-pout ang mga yun..
siguro dahil rin sa braces niya..
hindi naman ako fan talaga ng braces..
pero may pagkakataon yata talaga na merong mga babae na maganda ring tingnan sa braces nila..
mas madali ko pa naman siyang naaalala sa ngayon dahil sa picture niya sa phone ko..
yung ngiti niya na laging bumabati sa akin ng good night at good morning... :)

yung pinakamasarap na mga labi na nahalikan ko... :)

aside from that..
may nakita rin ako na nakarelasyon or at least naging manliligaw niya (i'm not sure kung sila pa rin hanggang ngayon)..
pero ang sigurado ako ay nangyari yung kanila habang active pa siya sa serbisyo - na hindi magandang tingnan para sa isang babae..
honestly, nakakainggit yung pakiramdam..
ganun naman everytime na makikita mo yung itsura ng mga boylet nila..
magagandang mga babae naman sila..
tapos makikita mo na hindi naman kagwapuhan, at mala-Marlou pa nga yung iba sa mga lalaki na yun...

damn! ang susuwerte ng mga ganung lalaki..
at nagagawa pa nila na buntisin lang yung babae at iwanan pagkatapos..
kaya minsan mapapaisip ka rin kung ano ang tumatakbo sa isip ng mga babae eh..?
kumbaga, ano ba yun, naninigurado ba sila na walang magtatangka na agawin sa kanila yung lalaking karelasyon nila..?
o talagang may kung anong asset yung lalaki...??

pero huwag sila..
may 2 klase ng babaerong lalaki..
hindi lang yun tungkol sa itsura..
yung una ay yung likas na guwapo o attractive para sa panlasa ng mga kababaihan, at yung ikalawa naman ay yung may pera...

---o0o---


April 22, 2017...

[V-League]

DLSU versus UST

kaya pala pumasok pa ulit si Laure, ganun pala yung twice-to-beat, do or die kaagad para dun sa lesser rank..
hindi na masama, naka-1 set naman ang UST...

tapos na kaagad sa Semis ang DLSU..
diretso na kaagad sa Finals...


ADMU versus FEU

delikadong kalaban ang FEU..
lately, laging umaabot sa 5 sets ang 2 are..
kaya kung gaganahan na naman ang FEU bukas eh may tsansa silang manalo...

was feeling , ambilis...

---o0o---


April 23, 2017...

minsan kapag nakikita ko sila..
yung sa ordinary state nila..
tipong everyday life..
naiisip ko na baka meron lang talagang rason kung bakit nila nagawa yun...

naiisip ko na baka hindi rin nga masamang magmahal ng katulad nila..
na baka naman maganda ang rason sa likod ng bawat kasinungalingan...

was feeling , pero depende pa rin kung anong klase ng babae yun...

>
[V-League]

End of Semis

ADMU versus FEU

ang kulit talaga nitong FEU..
at pinanood pa sila ng dating Champion nila na si Daquis sa pagkakataon na 'to..
as usual, parang nilikha si Pons para maglaro ng Volleyball; andaming variation ng opensa niya, at hirap pa ang AMDU na saluhin ang mga palo niya..
basta sila ang kalaban ng AMDU, parang hirap na hirap ang Lady Eagles na isara ang laban (parang NU)..
para sa 3rd Set, biglang 11 errors ang na-commit ng Ateneo..
si Palma rin, parang yung una at ikalawang laban nila, laging mas lumalakas habang tumatagal at habang nakaka-atake nang maganda..
basta parang sila si Sakuragi, isang malaking bangungot...

bad news for Pons..
mababawasan na yata siya ng malakas na teammate next Season..
isa pa naman si Palma sa marurunong gumawa ng running attack...

may maling tawag noong 4th Set laban sa FEU, at least base sa review ng video na hindi pa counted sa rules ng UAAP..
pero naging patas rin naman yun, dahil dun sa mali ring tawag laban naman sa atake ng ADMU...

balik na nga sa laro si Maraguinot sa pagkakataon na 'to..
medyo nakakatakot lang sa tuwing umuulit-ulit sila ni Morado ng estilo ng atake, tapos ay paulit-ulit namang naba-block o nagiging error..
kailangang tandaan ng ADMU na hindi siya consistent na Ace Player, kaya mas maganda pa rin kung lagi silang magpapaiba-iba ng attacker...

malaki rin ang naitulong nitong game na 'to kay Wong..
nag-decide si Coach Bundit na mas ibabad siya bilang Libero..
at ang tuso rin talaga ni Bundit..
Libero-Setter ang laro ni Wong, parang si Tan..
nade-develop ang depensa niya, habang napa-practice rin ang setting..
this way posibleng maging candidate rin siya balang araw bilang starting Setter kapag naka-graduate na si Morado...

basta ang best attack of the Match - yung head shot ni Gequillana..
bihira lang akong makakita ng mga successful na ganun...

was feeling , teammates, bigyan naman si Captain Morado ng ikatlong Championship...

---o0o---


April 24, 2017...

sa tuwing nakikita ko yang ngiti mo..
nami-miss kita..
at hindi ko maiwasan na isipin na kahit maliit lang yung probability, na sana mag-krus pa rin yung mga landas natin sa totoong buhay...

was feeling , siyet! miss na miss ko na yung mga labi niya...

>
sa unang Monday na wala nang sinusubaybayan na palabas sa hapon..
nakalimutan kong mag-adjust ng schedule..
tapos naging babysitter na naman ako, habang nae-enjoy nung matandang lalaki yung financial at medical benefits niya...

was feeling , ayos ka gyud! gamite yang pera ninyo sa tama, at huwag akong abalahin...

---o0o---


April 25, 2017...

medyo natawa naman ako dun...

so rape-adjacent yung stealthing, o yung palihim na pagtatanggal at hindi na paggamit ng condom sa kalagitnaan ng intercourse..
nagiging rape siya dahil walang pahintulot yung live penetration..
eh bakit ba naman kasi kayo makikipag-anuhan, tapos magrereklamo kapag nadali ng stealth..?
at tsaka ano nyo ba yung kaanuhan ninyo at walang kayong tiwala sa kalusugan niya..?
baka naman kasi pumapayag rin kayo sa pakikipag-f*ck buddy, o baka sex worker kayo..?
kayo talagang mga foreigners o', napaka-flexible ng kultura ninyo...

but anyway..
totoo nga rin 'tong mga ganitong kaso sa ibang aspeto..
sa industry na lang halimbawa..
everyone is expected to follow the safety practice..
kung hindi man dahil sa concern para sa katrabaho nila, eh at least ay bilang proteksyon para sa mga sarili nila..
pero meron talagang mga pasaway; yung iba eh nadadarang, yung iba naman ay sinasamantala nga..
parehas lang na may nagko-commit sa panig man ng lalaki o babae, though mas madalas talaga na lalaki yung offender...

para sa mga babae, hindi ko alam yung motibo nila kung bakit nila ginagawa yun..
di hamak na sobrang halata rin 'to, kumpara kung lalaki yung gagawa nung stealth..
hindi ko masabi kung totoo nga ba na out of lust yun (gaya ng madalas nilang sabihin), o bilang bahagi lang ng marketing strategy o promotion..
pero mas maraming estilo pagdating sa mga lalaki; kesyo napunit yung condom, o patraydor talaga yung pagpasok, yung iba eh dinadaan sa bolahan, at yung iba naman na mas masasamang lalaki ay dinadaan sa pananakot na kesyo ika-cancel na lang yung deal at hindi na magbabayad o di kaya ay papatayin yung raket nung babae sa pamamagitan ng kuntsabahan...

pero ang pinakamalupit na move pa rin talaga kumpara sa lahat ay yung liligawan yung babae..
kunwari ay nai-inlove na..
tapos kapag sila na eh saka kukumbinsihin na mag-LIVE, na kesyo nagmamahalan naman na sila eh..
pero sa mas madalas na pagkakataon ay doon na rin natatapos yung istorya nila..
malas pa nung babae kapag nabasa niya yung sariling istorya nila, na kesyo nagawa nga siyang makumbinsi na mag-LIVE..
ibibilang lang siya nung lalaki sa tally o listahan nito ng mga babaeng nauto niya para makipag-LIVE..
at sa kasamaang palad, sa ganitong paraan rin nagiging mga single mother yung ibang mga inosenteng babae...

lahat ng 'to dahil sa paghahabol sa kasarapan, sa friction, at sa cr**mpie...

was feeling , ang dami talaga ng masasamang lalaki...

---o0o---


April 26, 2017...

[Medical Condition]

hanggang kahapon, eh 3 buwan na nga palang nakabukas ang balat ko...

was feeling , well ganun talaga.. sila ang pipili kung sino lang ang paglalaanan nila ng pera, at kung gaano kabilis...

>
so heto ang mga bagong challenges para sa akin...
  • naka-experience na ng unang crash yung system ko, mahirap ngang i-render yung second setting kaya hindi pwede ang multitasking
  • 31 images palang yung nare-render ko, pero nasa 60 MB na yung size, at mas lalaki pa yun kapag na-edit ko na sa photoshop, ibig sabihin masyadong matakaw sa disk space ang trabaho kong ito
  • pinapapak nitong Windows 10 yung 1 Mbps na initial daily speed nung internet plan namin, nasa 14% pa lang yung na-download niya pero nasa 87% na kaagad yung nagamit out of 1 GB, at mukhang hindi pa nako-continue yung pagda-download niya, meaning hindi na niya matatapos yung update na yun kailanman
was feeling , natututo naman sa mga karanasan...

---o0o---


April 27, 2017...

mabuti ang prutas para sa kalusugan...

kaya naman salamat sa aming kapitbahay na walang pakialam sa kanilang puno..
3 to 5 na hilaw na Indian Mango ang kinakain o binuburo ko muna bago kainin araw-araw..
sayang naman kasi, pangit pa naman ang lasa kapag hinog na...

was feeling , ayos ka gyud!

>
sa bad news muna...

dumating na yung bill ng kuryente for this month..
at lampas sa 50% ang itinaas ng aming konsumo..
nasa 45 kilowatts eh...

pero hindi ko pa alam kung ilan dun ang kontribusyon ng computer ko..
dahil summer kasi, eh umaga, tanghali, gabi, at madaling araw nang bukas yung stand fan..
hindi gaya dati na tuwing sa oras lang ng pagtulog ginagamit nung matandang hindi makahinga...

was feeling , Php 500 plus yun para sa bill...

>
sa good news naman...

nakakita na naman ako ng One Piece..
kumpleto na yung mga basic body morphs ko..
may kopya na rin ako nung mga kailangan kong buhok...

was feeling , break of Romance Dawn...

---o0o---


April 28, 2017...

mahirap ngang pagsabayin ang trabaho ng creation at ang trabaho ng pagbebenta ng kung anu-ano...

kaya ang ginagawa ko lately..
nag-iipon na ako ng mga scenes na ire-render..
para kahit na busy ako sa ibang raket ko eh pwedeng mag-operate mag-isa yung computer...

ang bagong schedule ko ay:
  • kung magising ako ng 5:00 AM, eh hanggang 1:00 PM (8 hours) yung takbo ng computer sa umaga, tapos ay 3:00 PM to 9:00 PM or more (6 hours or plus) ang takbo hanggang sa gabi
  • kung 7:00 AM naman ako mag-start, hanggang 3:00 PM na yun (8 hours), at 5:00 PM to 9:00 PM or more (4 hours or plus) sa gabi
  • tapos kung araw naman ng paggo-grocery, ay 10:00 AM to 3:00 PM (5 hours), at 5:00 PM to 9:00 PM or more (4 hours or plus)
  • at flexible time depende sa sitwasyon
masaya rin dahil mas marami na akong natutunan na tricks lately...

was feeling , 23 pages na, 30 na lang...

>
[Business]

naaasar na talaga ako sa pamilya ng magka-karinderya malapit sa amin...

talagang inaabuso na nila ako eh..
sa tuwing kulang yung pera nila eh ipipilit pa rin na kunin yung binibili nilang item, tapos ay mangangako na isusunod na lang yung bayad..
pero sa lahat ng beses na ginawa nila yun sa akin, ay ni minsan eh hindi sila nagbayad sa akin ng kanilang pagkukulang...

at kanina nga eh bata pa yung ginamit nila sa kanilang estilo, kaya hindi na naman ako nakatanggi...

pero sobra na..
masyado na silang abusado..
puwerket alam nila na hindi ako nanunugod ng bahay para maningil..
ayoko lang ipaskil ang mga pangalan nila sa gate namin dahil baka mag-cause lang yun ng giyera o sunugan ng bahay..
kaya hindi na talaga sila makakaulit sa akin..
ipapaskil ko na sa gate ang bagong patakaran ko...

piso lang yun..?
puwes na sa putang inang piso na yun yung tubo ko..
kaya parang namimigay ako ng libreng item sa tuwing hindi kayo nagbabayad ng mga pagkukulang ninyo, mga peste kayo...

responsibilidad ng may utang ang pagbabayad sa kanyang utang..
responsibilidad niya na tandaan yun, at magkusa na bayaran yun..
respeto na nga lang na hindi ipinamumukha sa inyo na may utang kayo eh...

was feeling , ang kasamaan nga naman ng mga tao...


Friday, April 21, 2017

The Golden Age for CoverUp: The Political Triad Version

captioned still photos..
ito ang isa sa pinakamasamang uri ng balita (sa pananaw nila) sa panahon ngayon..
madali lang kasing gawin ito kumpara sa edited videos...

minsan raw images na binibigyan ng mga negatibong captions..
minsan naman ay ini-edit pa..
ang trick nila eh piliin yung medyo malisyosong anggulo ng mga larawan..
at saka nga nila lalagyan ng masamang istorya...

at sa panahon ngayon..
mas aktibo nga ang mga tao sa pagpapakalat ng mga ganitong uri ng maling impormasyon dahil na rin sa pag-abuso nila sa internet, pero mas less naman ang pagiging mapanuri nila..
basta like lang nang like, share lang nang share - wala nang gamitan ng utak..
pindot na lang nang pindot...

piliin mo yung larawan kung saan walang masyadong tao, at yun na daw yung bilang ng supporters..
piliin mo yung larawan kung saan may kasamang opposite sex, at maruming babae o lalaki na kaagad yung tao..
piliin mo yung larawan kung saan nakikipagkamay, at mabuting tao na daw yun...

yung mga taong tinatamad gumamit ng mga utak eh basta na lang manghuhusga nang base lamang sa immediate nilang nakikita..
na kesyo masama si ganito, masama ang ano, puwerket ganun yung sinasabi sa caption..
nagagawa nila yun nang hindi na inaalam kung ano nga ba ang totoong nangyari sa likod ng mga larawan na yun...

---o0o---


update ulit (72 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
  • yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
  • yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas 
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • yung pulis na ng rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
  • yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
  • sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
  • yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
  • sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
  • sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
  • yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
  • sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
  • yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
  • sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
  • hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
  • sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan 
  • regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
  • regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
  • dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
  • yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
  • yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
  • yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
  • yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • yung Oplan Cyber Tokhang
---o0o---


April 17, 2017...

[Natural Calamities]

ano ba yan..?
Ilocos Norte naman yung nilindol..
nasa 4 point something naman yung magnitude...

5 area na yun this April pa lang..
hindi kaya mga lugar ng mga makasalanan yung tinatamaan..?
baka nadamay lang ang Batangas dahil dun sa commercial..?
nagalit yata ngayon dahil sa pagsasayang ng pamasahe papuntang Middle East...??

ano nga ba 'tong nangyayari..?
may kinalaman ba 'to sa Ring of Fire...??

kapag nadurog ang NCR, siguradong marami ang mapaparalisa...

PS: may bagong sighting pala ng Oarfish sa Sarangani...

was feeling , if those are warnings, parang useless rin dahil mayayaman lang naman ang makakalipat sa ibang bansa...

>
medyo good news pala...

bumaba na ulit ang presyo ng bundle ng mantika..
from Php 210 for a lot of weeks down to Php 205..
Php 5 na lang at babalik na sa dating ceiling price..
pero Php 25 pa ang kailangan para maibalik yun sa dating average rate...

was feeling , pero hindi pa sapat para muling mas matulungan ang mga bumibili ng tingi...

---o0o---


April 18, 2017...

eh yung nakaw na yaman pa yata mula sa bayan ang gagamitin para baliktarin ang resulta ng nakaraang halalan...?

estilo ninyo..
mga Emilio Aguinaldo donations..
puros galing naman sa katiwalian ang mga pera ninyo...

andami na ng mga mamamatay tao na nakaupo..
huwag nang dagdagan pa ng mga dalubhasa sa pagpapapatay...

was feeling , kaya ayaw isauli ang mga nakaw na yaman eh...

---o0o---


April 19, 2017...

ang daming projects ah..
infrastructure..
ang isa sa tradisyunal na paraan ng pagnanakaw ng pera mula sa bayan...

mukha namang may sense yung mga projects..
though parang parati na lang mas naka-focus sa mga piling mga tao at lugar..
kesyo bayani lahat ng mga OFW - yung mga ilegal na nagtatrabaho sa ibang bansa (parang ang mensahe eh okay lang na bastusin ng mga Filipino ang mga patakaran ng ibang bansa basta kapalit ng dolyar), maging yung mga nakakulong, yung mga totoong pumapayag na maging drug courier, at pati nga yung mga wala naman nang naipapadala na dolyares papasok sa bansa..
ganun din sa mga mahihirap na kinukunsinti lang ng gobyerno...

eh kung ako ang tatanungin eh mas bayani pa kesa sa mga yun yung mga magsasaka eh..
kaya sila talaga yung mas deserving para sa mga libreng irrigation projects, farm to market road projects, educational at health benefits, financial support with respect sa trade nila, at innovation na makakatulong sa production at sa paglaban sa climate change...

eh yun kayang mga average na mga mamamayan..?
yung mga taga-probinsiya..?
kailan kaya sila makikinabang sa gobyerno..?
pagdating kasi sa mga ganung lugar, eh hindi naman basta-basta applicable yung mga makabagong infrastructure na naiisip nila..
most of the time eh mula rin lang sa barangay hanggang sa kanya-kanyang respective district representatives yung mga projects..
sa mga nakaraang taon, ang madalas ko lang nakita ay mga kalsada na maya't mayang pinapalitan, mga panibagong school building at mga school structures na maya't maya ring pinapalitan, mga barangay structures na maya't maya ring pinapalitan, at yung latest technique - mga elevator sa pedestrian overpass na hindi naman gumagana..
ni wala pa nga akong nasasakyan sa mga electric multicab na pinagmamalaki nila noon eh...

sana nga eh gamitan nila ng mga utak yung mga subway na pinaplano nila, nang hindi naman sila bahain..
at sana ay hindi rin mabalewala yung mga gagastusin nang dahil sa The Big One...

pero ang talagang mas mahalagang tanong ay..?
kanino na naman manggagaling ang pera na gagastusin para sa mga proyekto na yan..?
we'll see kung anong gagawin nilang sistema sa pagbubuwis..
sana lang eh hindi yun yung mga walang kuwenta nilang ipino-propose noong mga nakaraang buwan..
dahil kung mga ordinaryong mga mamamayan na naman yung tatamaan nang pagtataas ng buwis - eh balewala ang progress na inaasam nila..
samantalang kung babawiin nila ang mga nakaw na yaman eh makakatulong rin yun kahit na papaano...

antakaw ng gobyerno sa buwis..
samantalang wala naman silang naitutulong sa pagpapababa ng presyo ng mga basic needs, tulad ng kuryente at petrolyo...

was feeling , we'll see...

---o0o---


April 20, 2017...

unti-unti nang kumikilos ang Triad..
pabanguhan na ng pangalan ng bawat kasapi nila..
palitan na ng pabor..
para wala nang maungkat sa mga totoong kasalanan nila laban sa bansa at sa mga mamamayan...

bale yung dating administrasyon pala ang may kasalanan kung bakit sinakop ng Imperyo ang mga pinag-aagawan na teritoryo..
masama pala na lumapit sa international community para sa tulong..
bale alam pala nung Cosplayer na walang plano talaga na manakop ang Imperyo, kung hindi naman ilalapit yung isyu sa iba pang mga bansa..
at na-provoke nga lang sila nina P-Not..
o mga panatiko, alam nyo na ulit kung sinong sisisihin tungkol sa pananakop ng Imperyo ha - sina P-Not at yung Kulay nila..
kasalanan nila lahat - mga demonyo sila...

sobrang mapagkakatiwalaan ng Cosplayer..
kagaya kung gaano katotoo yung sakit at yung neck brace niya noong tinatakasan pa niya ang batas...

walang maling ginagawa ang diyos-diyosan ha..
perpekto siya - isang diyos na nagkatawang tao para isalba ang bansa..
yung surveillance na ginawa ng Imperyo sa Benham Rise, tama lang yun - for the sake of Science..
tama rin na binigyan ng diyos-diyosan ng permiso ang bestfriend Empire niya na magliwaliw sa mga teritoryo at exclusive economic zones ng bansa..
basta may kapalit na utang at mga pabor - makabubuti yun para sa bansa..
hindi na mahalaga kung anong tama at mali...

was feeling , ang husay mo, very convincing, panis sa'yo si Alodia eh...

---o0o---


April 21, 2017...

Japanese naman yung pinaka-recent na napatay..
bagong dating lang daw sa bansa eh..
pero mukhang sobrang planado yung ginawang pagtumba sa kanya...

pero kung ano ang rason ay hindi pa malinaw...

was feeling , so for now ay sa kaso lang 'to ng loose firearms at malawakang tumbahan mapapabilang...

>
yun nga naman yun...

hindi puwerket napalista dun eh ibig sabihin ay ganun na rin kalaki ang suporta ng buong mundo para sa kanya..
hindi automatic na ibig sabihin ng salitang 'influential' eh "in a good way"..
it could be good or bad..
kaya nga may iba pang mga masasamang tao doon sa listahan eh...

oo, in general at sa unang tingin eh maganda ang impact nun..
kasi katumbas yun ng dagdag na kasikatan para sa pananaw ng mga mangmang..
pero hindi yun necessarily nangangahulugan na mabuti siyang tao..
o na mahusay siyang pinuno..
o na maganda ang mga ginagawa ng pangkat nila...

kayo talagang mga Filipino o'..
basta kababayan ninyo eh andali ninyong maging proud..
ultimo mga bibitayin na at mga lumalabag sa patakaran ng ibang mga bansa, basta malaman nyo lang na may dugong Pinoy eh pilit pang aangkinin...

was feeling , tsk, tsk, tsk...


TV Series: The Greatest Love - The Last Week

April 17, 2017...

[TV Series]

The Greatest Love

and now enters the final week...

ginigising na ni Peter si Gloria pero tinatamad itong bumangon..
sina Amanda at Lizelle na muna daw ulit ang bahala sa ina, dahil may boys night out muli ang kanilang Tatay..
naulit ni Amanda na nag-i-invite si Teacher Celeste ng magto-talk sa kanilang forum tungkol sa Alzheimer's..
sinabi naman ni Peter na si Amanda ang mas nababagay na magsalita doon, sasama na lang daw siya..
si Mommy Glo naman ay pinangakuan ng mga bata ng pagpasyal after ng class, pupunta daw sila sa kantahan at sayawan..
madali naman nang nakumbinsi ang pasyente dahil nai-relate niya ito sa Bayle...

sa forum..
buo na naman ang pamilya na um-attend (maliban kay Pareng Joma)..
kasama sina Mareng Lydia at Ate Melba..
si Mommy Glo ay naka-wheelchair na nga pala ulit..
at si Amanda nga ang nag-share para sa kanila..
hindi na daw tanda ni Mommy Glo ang kanilang mga pangalan..
ang tawag na nga lang daw nito kay Amanda ay si Malusog, at dumepensa pa ang panganay na malusog lang - hindi mataba..
mahirap daw para sa kanila na hindi na sila nakikilala ni Mommy Glo..
pero mas mahirap daw para mismo sa pasyente, dahil napapaligiran siya ng mga taong hindi na niya makilala..
totoo daw na minsan mararamdaman mo na lang na parang gusto mo nang sumuko..
but then mare-realize mo na paano mo ba naman susukuan ang taong mahal mo..?
ang pag-aalaga daw nila sa kanilang ina ay hindi obligasyon..
pero isang bagay yun na ginagawa nila out of love..
at yung bagay na yun ang natutunan nila mula sa kanilang Tatay, at ipinagpapasalamat nila ito sa kanya..
Lolo na lang pala ang tawag ni Gloria kay Peter...

matapos ang forum..
sinabi ni Peter na masaya siya na kasama niya ang kanyang pamilya, dahil naa-appreciate ng mga bata ang kanyang unconditional na pagmamahal sa kanila..
kung mamamatay man daw siya sa ngayon ay okay na sa kanya..
sinabi naman ni Amanda na kulang pa yung mga sinabi niya sa talk para lubos na mapasalamatan ang kanilang Tatay..
si Lizelle naman ay biglang nakaramdam ng pananakit ng tiyan, kaya idiniretso na nila ito sa delivery room...

nanganak na nga si Lizelle..
at biniro pa nila si Andrei tungkol sa pressure ng pagdadagdag ng mga apo..
Sunny daw ang magiging pangalan nung baby, dahil siya ang magiging pampaganda ng bawat araw nina Sandro at Lizelle..
nagbiro pa si Sandro na dapat nga daw ay Araw yung pangalan, kaso ay naalala niya na English spokening na nga pala siya..
ipinakita ni Lizelle kay Mommy Glo si Sunny, at sinabi nito na maganda yung bata, sana daw ay ganun din kaganda ang maging anak nila ni Peter..
kay Peter naman tuloy natuon ang biruan..
nagpaparinig daw si Mommy Glo na gusto pa nitong magkaanak..
eh paano nga daw yun, eh ayaw ngang patabihin si Peter sa kama lately..
maya-maya ay iniwan na rin nila ang bagong mag-anak, saglit namang nagpaiwan si Peter..
kumakalma daw siya sa tuwing nakikita niya si Sandro, dahil alam niya na aalagaan at hindi nito pababayaan sina Lizelle at ang kanyang bagong apo..
sinabi naman ni Sandro sa kanyang biyenan na sila nga ni Mommy Glo ang inspirasyon niya sa pagmamahal..
matapos yun ay iniwan na rin sila ni Peter...

sa bahay..
nagdidilig si Peter ng mga halaman habang binabantayan si Gloria..
naalala sa kanya ng babae yung batang Peter, kaya nagkuwento siya tungkol sa kabataan at pagmamahalan nila noon..
hanggang sa bigla na lang sinabi ni Gloria na "Salamat, Peter"..
dahil dun ay sobrang natuwa siya..
bakit daw, ang tanong ng pasyente..?
at sinabi nga niya na masaya lang siya na nakilala at tinawag siyang muli ng kanyang pinakamamahal na babae sa kanyang pangalan...

tapos nagsalu-salo sila sa hapag, dahil sa pagbisita sa kanila ni Sunny..
hinawakan ang baby ni Mommy Glo at napangiti siya...

after that ay nag-bonding pa ang pamilya..
karga ni Mommy Glo si Sunny habang nasa wheelchair siya..
malapit na pala ang opening ng retirement village na project nina Lizelle, kaya invited ang kanyang Tatay na magsalita doon..
nagbiro naman ang ama na dapat daw ay may libreng bahay para sa kanila ni Gloria..
sinabi naman ni Lizelle na business is business..
si Paeng naman ay busy na sa kanyang thesis..
si Andrei ulit ang in-charge para sa event nina Lizelle, pero this time daw ay dapat na magpabayad na siya - business is business nga daw..
at malapit na rin pala ang opening ng sariling salon ni Andrei..
hanggang sa nag-react na si Sunny, sinabi ni Mommy Glo na matutulog na ito..
matapos yun ay naisip nilang mag-picture-an kasama ang bagong miyembro ng kanilang pamilya...

was feeling , hala, mamamatay si Peter..? puwera brownout this week...

---o0o---


April 18, 2017...

[TV Series]

The Greatest Love 

itinakas ni Peter si Sunny para kargahin..
nilapitan sila ni Z, at nagkausap ang maglolo..
ang baby daw na yun ang kauna-unahang sanggol na nakarga ni Peter na halos kalalabas lang sa sinapupunan..
alam naman na daw ni Z yung istorya nila nina Gloria at Lizelle, at damulag na si Lizelle nang makilala niya ito..
tapos ay nagpahiwatig na naman siya tungkol sa kamatayan..
basta kung sakaling kunin na daw siya ay wala na siyang panghihinayangan...

kinagabihan..
naghahanda na si Peter para makatulog na sila ni Gloria..
nagkukuwento siya tungkol kay Z..
mabait daw na bata ito, at siguradong magiging mabuting pinsan ito kay Sunny..
masuwerte daw na bata si Sunny dahil sa mga tito't tita at pinsan niya..
tapos ay inihiga na nga ni Peter si Gloria, at nahiga na rin siya sa sahig..
pero biglang tinawag siya ng babae, Lolo daw, mahirap daw matulog sa sahig dahil matigas doon..
tumabi na daw ang lalaki sa kanya..
nasabi pa ni Gloria na mabait kasi si Peter sa mga matatanda, at natawa naman dun ang current na Peter..
nahiga na nga ang lalaki sa kama..
humarap sa kanya si Gloria, at sinabi na "si Peter mahal ko"..
naluha naman ang lalaki, at sinabi rin kay Gloria na mahal na mahal din siya ni Peter..
hinalikan niya ang babae, at saka diretsahang sinabi na "mahal na mahal kita"..
inabot ni Gloria ang kamay ni Lolo at hinawakan ito (yung parehas na kamay nila na may singsing), sabay ngiti sa lalaki..
hanggang sa nakatulog na nga ang mag-asawa...

umaga na..
naunang magising ang pasyente kesa kay Peter..
maputla na rin ang lalaki noon..
ginigising siya ni Gloria, pero wala..
nabanggit naman ni Ate Melba kay Paeng na mukhang tinanghali na nang gising yung 2 matanda..
bumangon nang mag-isa si Gloria..
saktong dating rin naman ni Lizelle para bumisita..
naulit ni Ate Melba sa 2 bata na dapat ay gisingin na nila si Mommy Glo, para hindi ito mahirapang matulog sa gabi..
kaya naman pinuntahan na ni Lizelle ang kanilang mga magulang..
nagulat siya nang makasalubong niyang nag-iisa si Mommy Glo..
bakit daw..?
at sinubukang sabihin ng pasyente na ayaw gumising ni Lolo..
hindi siya maintindihan ng anak, kaya sinamahan siya nito pabalik sa kuwarto..
matapos maiupo sa wheelchair ang kanyang ina, ay saka niya sinubukang gisingin ang kanyang Tatay..
pero wala talaga..
pinulsuhan na ito ni Lizelle, hanggang sa tumawag na siya ng tulong kina Paeng at Ate Melba..
sinubukan ring gisingin ng binata ang kanilang Tatay, at nagimbal na lang ang 3..
minabuti ni Paeng na ilabas na muna si Mommy Glo sa kuwarto na yun...

at nagpaalam na nga ang dakilang lalaki na si Peter..
hindi naman siya ang pinakamabuting tao, pero talagang binago siya ng pagmamahal..
sa libing ni Peter..
present si Mareng Lydia, ang kanilang mga Ninong at Ninang sa kasal, ang mga kaibigan nila mula sa San Ildefonso, at siyempre - si Pareng Joma..
si Lizelle talaga ang pinakaapektado sa pagkawala ng kanilang Tatay - ng kanyang Ama..
hanggang sa nagyaya na si Mommy Glo na umuwi...

ilang araw na ring matamlay si Mommy Glo..
halos bagsak na yung ulo niya sa pagkakayuko..
sinabi naman ni Amanda na magiging okay lang ang kanilang ina basta ituloy lang nilang magkakapatid yung paraan ng pag-aalaga dito ng kanilang yumaong Tatay..
sabay dating naman ng abugado ni Peter para ipagbigay alam sa pamilya ang ginawang paghahati nito ng mana..
una para kay Ate Melba; dahil nagpapasalamat siya sa lahat ng naging tulong nito sa kanilang 2 ni Gloria, kaya minabuti niya itong pamanahan ng bahay at sapat na pera para makapagtapos sa pag-aaral ang mga anak nito..
laking pasasalamat naman ni Ate Melba sa mag-asawa..
para kay Lizelle naman; nagpapasalamat siya sa anak dahil tinuruan siya nito na magpatawad at magmahal muli, ipinapamana niya dito ang 50% ng lahat ng kanyang mga naging properties, para na rin sa kinabukasan ng kanyang apo na si Sunny..
at para naman sa mga bagong anak niya na sina Amanda, Andrei, at Paeng (i believe menor de edad pa si Z kaya wala pa siyang mana); sa kanila naman iniwan ni Peter ang natitirang 50% na kanyang mga naging ari-arian..
pero higit pa daw sa mga materyal na bagay, ang maipamamana sa mga bata ng mag-asawa ay ang pusong walang galit at hindi makasarili..
napangiti naman si Gloria matapos basahin ang last will ng kanyang mahal na asawa...

sina Amanda, Andrei, at Paeng ang nagbabantay kay Mommy Glo..
nasa labas sila ng bahay, sa bakuran..
nasabi ni Andrei na baka matamlay ang kanilang ina dahil nararamdaman nito na may kulang..
nang biglang magsabi si Mommy Glo ng "uwi na tayo"..
si Lolo pala ang niyayaya niya noon, dahil nakikita niya ito na nagdidilig ng mga halaman..
hanggang sa parang nalungkot na ulit si Gloria...

sa hapag..
nasabi nina Paeng na mukhang nagha-hallucinate na ang kanilang Mama..
pero masaya na rin daw sa bagay na yun si Andrei, dahil nakikita pa ng ina ang kanilang Tatay, hindi bilang bahagi ng hallucination, pero dahil nasa puso at isip niya ito..
at napangiti na lang si Mommy Glo habang nakatingin sa puwesto ni Peter sa hapag..
pagkadating naman nina Lizelle..
nasita pa ni Mommy Glo ang anak, dahil umupo ito sa dating puwesto ng kanilang Tatay, doon daw si Peter...

after that..
sina Amanda naman at Lizelle naman ang nagkausap..
may sakit pala sa puso ang kanilang Tatay, pero hindi niya na rin ito ipinaalam pa sa mga bata..
at least daw ay masaya pang nagkasama ang kanilang Mama at Tatay bago nangyari yun..
pero sa ngayon daw ay kailangan nilang mag-focus sa kapakanan ng kanilang ina...

hindi maganda yung ending para kay Peter..
kasi nga ang dami rin niyang isinakripisyo para dun sa istorya..
hindi rin naman masasabing typical na lalaki siya, dahil nagkataon na mayaman siya sa later part ng istorya na 'to..
siguro may pagka-fantasy pa yung dating ng character niya, hindi madaling maabot ng mga ordinaryong tao na may kaparehong pinagdadaanan sa buhay..
even with the time skip, more than 2 years, eh parang hindi masasabi na nasulit niya yung panahon kasama ng bago niyang pamilya..
pero may sense yung ginawa nilang ending para sa istorya ni Peter..
hanggang sa huli, ipinakita nila yung mahirap na pantayan na pagmamahal nung lalaki..
yung inihanda niya ang lahat para sa kanyang mga maiiwan, kasama na rin ang mga itinuring na niyang mga anak at si Ate Melba na malaki ang naitulong sa kanila..
and it was a good death for him, dahil payapa na namatay si Peter sa gitna ng kanyang pagtulog...

was feeling , kung ganung klase ang tatay ko - edi mabuting tao na sana ako, haha.. pero susunod naman si Mommy Glo...

---o0o---


April 19, 2017...

[TV Series]

The Greatest Love 

sa bahay..
inilipat na nila ang higaan ni Mommy Glo sa sala para mas madali nila itong makita at mabantayan..
parang pang-ospital na higaan na yung gamit niya eh..
pagsapit ng gabi, ipinakita sa kanya ni Z yung kauna-unahang video na ni-record nila sa Bagong Ilog..
at napangiti naman nito si Mommy Glo..
natanong naman ng Tito Paeng ni Z kung sino ba kaya yung LOVE na tinutukoy ng kanilang ina doon sa video..?
noong una daw ay inakala ni Z na ang kanyang Lolo Andres yun, but then naisip niya na baka ang Daddy Lo niya ang tinutukoy ng kanyang Mommy La dahil ito ang greatest love niya..
nang biglang tinawag ng pasyente ang pangalan ni Z..
nasurpresa ang 2 ni Paeng dahil nakilala siya ng kanyang Lola..
lumapit na rin ang iba at tinanong si Mommy Glo kung nakikilala ba sila nito..?
at tumugon nga ang matanda na oo daw..
sinabi niya na mahal na mahal niya ang kanyang pamilya, at ibinilin na huwag silang mag-aaway-away..
nang biglang may nangyari kay Mommy Glo..
at itinawag na nila ito ng ambulansya...

sa ospital na lang sumunod si Mareng Lydia..
at yung lalaking doktor ni Mommy Glo ang nag-asikaso sa pasyente..
inatake daw ulit ng stroke ang matanda, at severe na yun this time..
mas malaki daw ang brain damage this time, kaya most likely ay maging bedbound na lang si Mommy Glo..
hindi naman daw na-coma ang pasyente, at hihintayin lang nila itong magising..
binibigyan na rin daw nila ito ng gamot para ma-control yung swelling ng utak nito...

sa munting chapel nung ospital..
nakita nina Amanda, Paeng at Lizelle na nagdadasal si Andrei, kaya niyaya na rin sila nito..
mas mahabang buhay pa ang panalangin ni Andrei para sa kanilang ina..
pero iba ang nasa isip ni Amanda..
kung kukunin na daw ng nasa itaas ang kanilang Mama, ay bigyan daw sana nito ng lakas ang kanilang pamilya para matanggap yung mangyayari..
ilayo daw sana nito si Mommy Glo mula sa pain, para hindi na ito mahirapan pa..
naniniwala daw sila na hindi naman pababayaan ng nasa itaas ang kanilang pamilya...

nagising na si Mommy Glo..
tinawag ni Mareng Lydia ang doktor..
at sina Amanda at Andrei na muna yung hinayaan nilang makapasok sa loob..
pinagsuot sila ng gown at mask bago lumapit sa kanilang Mama..
at tama nga daw yung unang evaluation nila, paralyzed na ang kanang bahagi ng katawan ng pasyente at hindi na rin ito ulit nakakapagsalita...

inilipat na ng silid si Mommy Glo, sa Room 506..
nabanggit ni Amanda na binigyan sila ng 2 options: ang panatilihin itong naka-confine o ang iuwi na ang pasyente to spend quality time with her..
at sinabi nga ni Amanda na mas gusto na niyang iuwi ang kanilang Mama..
sa puntong yun ay hindi na nagustuhan ni Andrei ang takbo ng usapan..
kaya pumagitna na rin sina Paeng at Lizelle..
pero sang-ayon rin ang 2 sa plano ng kanilang Ate Amanda..
dahil dun ay nagalit na si Andrei at nagkaroon pa ng sumbatan..
hindi daw niya inaasahan na si Lizelle pa talaga yung susuko sa kanilang ina..
si Amanda naman daw ay sadyang madaling sinusukuan ang mga mahal niya sa buhay..
pumagitna na rin si Mareng Lydia para huminaon si Andrei, pero naniniwala rin siya na baka yun nga yung kahilingan ng kanyang bestfriend..
pakiramdam tuloy ni Andrei na napaka-negative na nilang lahat..
gusto niyang umasa sa science hangga't maaari..
hindi rin naman daw madali yung desisyon na yun para kina Amanda, pero baka yun nga daw yung kagustuhan ng kanilang Mama, huwag naman daw maging selfish si Andrei, at hayaan nang makauwi sa kanila si Mommy Glo..
pero ayaw talaga ng pangalawang anak, lumabas na ito ng kuwarto, at doon nag-iiyak sa labas...

at pumirma na nga si Amanda sa waiver, kasama si Mareng Lydia, at sa presence nung lalaking doktor ni Mommy Glo..
ipinaalam naman nung doktor na pwede silang kontakin na 2 ni Dra. Bautista anytime, kung kakailanganin...

balik sa silid ni Mommy Glo..
andun na nga yung pari, at nagsagawa na ito ng sakramento, i believe yun yung anointing of the sick..
pero hindi ito kinayang makita ni Andrei, kaya muli siyang lumabas ng kuwarto at doon nag-iiyak..
pagkatapos ng pari, sinabi nito na pwede nang ipatawag ng pamilya ang nurse..
at sinabi naman ni Amanda sa kanilang Mama na uuwi na sila...

isa rin 'to sa rason kung bakit ginawang mas una yung pagkamatay ni Peter..
dakila na yung pagmamahal niya, at nasa masayang punto na siya, kaya hindi na nila siya pinagdusa pa sa huli kung sakaling na-witness pa niya ang pagkawala ni Gloria..
hinayaan nilang yumao yung character niya nang masaya, tutal eh parehas naman pala silang mamamatay..
at the same time, yung pamilya naman talaga ni Gloria yung pangunahing mga characters dun sa istorya..
kaya ipinakita nila kung paano yung struggle nang sila-sila lang, dahil medyo malakas at matatag kasi yung character ni Peter...

mukhang sinadya rin na limitahan talaga yung mga eksena para sa immediate family..
walang tawag mula kay Chad, wala rin sina Ken, Sandro, at Y...

mukhang wala nang nangyari sa bahay nina Peter at Gloria sa Bagong Ilog...

was feeling , mamamatay na rin si Mommy Glo...

---o0o---


April 20, 2017...

[TV Series]

The Greatest Love 

nag-iisip na si Lizelle ng mga ihahanda nila bukas para sa 63rd birthday ni Mommy Glo..
naalala naman ni Amanda na 1st birthday yun ng kanilang Mama na wala na ang kanilang Tatay..
ano daw kaya ang gagawin para dito ng kanilang Tatay kung sakaling buhay pa ito..?
sinabi naman ng bunso na siguradong pasasayahin ang kanilang Mama ng kanilang Tatay at palagi lang siyang nasa tabi nito..
si Z naman ay natutuwa sa pag-e-edit ng video na ipe-present niya sa birthday ng kanyang Mommy La...

sa araw ng pagdiriwang..
si Mareng Lydia lang ang dumalo..
iniiwasan ni Andrei na lumapit sa kanyang Mama..
naigagalaw pa naman ni Mommy Glo ang kanyang ulo..
sa isip naman ni Andrei ay humingi siya ng sorry sa kanyang ina, duwag daw kasi siya at hindi kayang makita ang kanyang Mama sa ganung kalagayan..
nakakakita na ang pasyente ng liwanag sa kanyang harapan (nakahiga siya kaya sa itaas na siya nakatingin)..
at tila inaabot na niya ito gamit ang kanyang kaliwang kamay..
pero iniisa-isa na muna niyang tingnan ang mga mukha ng lahat ng nasa paligid niya..
at napansin ni Lizelle na tila hinahanap ng kanilang Mama si Andrei, kaya tinawag niya ito..
dali-daling lumapit si Andrei sa kanilang ina..
matapos yun ay may ginustong sabihin si Mommy Glo sa kanilang lahat..
inilapit ni Amanda ang kanyang tenga para marinig ang mensahe ng kanilang Mama..
at sinabi nga daw nito na "mahal na mahal ko kayo"..
tapos ay muling lumingon si Mommy Glo doon sa ilaw, nang nakangiti na this time..
sa pagtingin niya sa liwanag ay nag-flash sa kanya ang lahat ng mga alaala niya, at pinakahuli dito ang mukha ni Peter sa araw ng kasal nila..
hanggang sa humina at nag-zero na nga nang tuluyan ang lifeline ng pasyente..
sinabi ni Amanda na mahal na mahal nila siya, at na magpahinga na siya..
isa-isa ring nagpaalam ang iba pa..
nag-iyakan ang lahat, maliban kina Sandro (gaya nga ng sabi ni Peter, dahil matatag siya) at si Sunny (dahil baby pa siya)...

wala ring masyadong invited sa birthday niya na 'to, kasi nga eh noon na rin siya mamamatay according sa script..
so hinayaan nila na yung pamilya lang niya ang makasama niya sa mga huling sandali niya...

inayos na nina Lizelle ang bahay sa tulong ni Pareng Joma..
si Andrei naman ay nasa labas lang..
dumating na yung 3 scholar nila mula sa San Ildefonso para makiramay at tumulong rin..
saktong dating rin naman ng karo na may dala sa kabaong ni Mommy Glo..
ipinapasok na ito ng mga bata, pero hindi makasunod si Andrei at sinilip niya lang ito mula sa labas..
nang maiayos na ang ataol at ang picture ni Mommy Glo, ay naalala ni Amanda yung panaginip niya noon, kung saan umuwi siya at naabutan na patay na ang kanilang Mama..
binuksan na ang kabaong, at bakas sa mukha ni Mommy Glo na masaya siyang yumao dahil sa ngiti niya..
pero maging si Paeng ay hindi makumbinsi ang kanyang Kuya Andrei na pumasok na..
naisip tuloy nina Amanda at Lizelle na paringgan siya, parang may kulang daw sa makeup ng kanilang Mama..
dahil dun ay sinilip na nga ni Andrei ang kanilang ina, saglit itong lumabas, at bumalik sa loob ng bahay dala ang kanyang makeup kit..
naiiyak si Andrei na m-in-akeup-an si Mommy Glo, kaya pinaalalahanan siya ng kanilang Tita Lydia na huwag papatakan ng luha ang bangkay..
ayun daw, maganda na daw ulit siya, sakto daw yun para mapa-wow naman daw ang kanilang Tatay kapag muling nagkita ang 2..
after that ay kin-omfort ni Amanda si Andrei...

sa araw ng burol..
pumunta halos lahat ng cast; maliban kay Chad na hindi na umuwi ng bansa, at pati yung ex-girlfriend ni Paeng (na nasa A Love to Last)..
maging sina Oca at Leklek ay nakadalaw sa huling mga sandali ni Mommy Glo..
kaya medyo na-interview sila ng pamilya..?
sila daw yung tumulong noon kay Mommy Glo nang mawala ito at hindi makaalala, pero una nila siyang nakilala dahil sa commercial niya..
lately lang daw nila ulit naalala ang matanda at nahanap lang through Facebook, at doon rin nga nila nalaman na pumanaw na ito..
malaki daw ang naitulong nito sa kanilang pamilya..
a week after nila siyang matulungan ay nagpadala daw siya ng mga regalo, kasama na ang bagong makina para sa pananahi ng basahan ng asawa ni Oca..
dahil doon ay mas na-realize ng mga bata kung gaano karami ang natulungan ng kanilang ina..
sa puntong rin yun nila pinakita kung gaano karami yung nagmamahal kay Mommy Glo, well hindi kasing dami ng sa totoong buhay, pero halos kumpleto with respect sa casting...

i'm not sure, pero ibang gabi na yata noon..
pinag-share nila si Mareng Lydia tungkol sa kanyang bestfriend..
ipinaalala nga niya na hindi sila dapat magluksa at malungkot..
bagkus ay dapat nilang i-celebrate ang naging buhay ni Gloria..
dahil natupad nito ang lahat ng kanyang mga pangarap - sa buhay niya, para sa mga anak niya, at ang pangarap nilang 2 ni Peter..
kaya naman daw bukas ay hindi na siya magpapaalam pa sa bestfriend niya, bagkus ay sasabihan na lang niya ito ng "i love you"...

sunod naman ay si Z ang nag-share tungkol sa kanyang Mommy La..
at mas nag-focus siya sa mga recorded videos nito, dahil gusto daw niya na sa ganung paraan nila maalala ang kanyang lola..
sa pinaka-last na video, sinabi ni Gloria na posibleng tuluyan na siyang nakalimot o wala na siya sa panahon na mapanood nila iyon..
ipinaalala niya na huwag silang maging makakalimutin..
ibinilin niya na palagi silang magmahalan, at parating maglaan ng oras para makasama ang isa't isa - lalo na daw kung Sunday..
palagi din daw silang kumuha ng mga pictures para ma-capture ang kanilang mga alaala..
at sa bandang huli ay sinabi niya na ang mga anak niya ang kanyang Greatest Love...

strategic rin yung paggamit sa video na yun..
posibleng na-record yun noong hindi pa ulit nagkikita sina Gloria at Peter, at walang kasiguraduhan na magkakasama pa sila ulit..
mas akma nga na yung mga bata ang iniwanan niya ng message tungkol sa Greatest Love niya, kasi hindi na yun mapapanood ni Peter kung nagkataon na para sa kanya yung mensahe since mas una nga siyang nawala...

was feeling , sa wakas, last episode na bukas, makakapagpahinga na ako mula sa TGL...

---o0o---


April 21, 2017...

[TV Series]

The Greatest Love 

unti-unti nang naubos ang tao sa burol..
pinayuhan na rin ni Mareng Lydia si Paeng na magpahinga na rin, mukhang bukas na ang libing ni Mommy Glo..
pero tumanggi si Paeng dahil wala daw kasama ang kanilang Mama..
at umalis na rin nga si Mareng Lydia..
nang ang binata na lang ang naiwan, ay napa-MMK siya tungkol sa kanyang ina..
tinugtugan at kinantahan din niya ito..
tapos ay ikinuwento niya na ga-graduate na siya, at lahat ng yun ay dahil kay Mommy Glo..
hindi daw niya pinatalo ang pagpusta sa kanya ng kanyang Mama..
mahal na mahal daw niya si Mommy Glo...

dinala na nga si Mommy Glo sa simbahan para sa pamisa..
matapos ang misa, ay una namang nag-share si Amanda..
napa-MMK rin siya, at humingi ng sorry sa lahat ng masasama niyang nagawa laban sa kanyang Mama..
at nagpasalamat rin siya na pinili siya ng kanyang ina...

sunod naman na nagsalita si Lizelle..
sorry daw na sila pa yung unang nakalimot sa kanilang Mama noong mga panahon na nag-aaway-away pa silang magkakapatid..
siguro daw ay kaya konti na lang yung panahon na ibinigay para sa kanilang ina, ay para matuto sila na pahalagahan ang bawat sandali na kasama nila ang mga mahal nila sa buhay...

sa sementeryo naman..
sinabi ni Amanda sa ina na walang makakatibag sa samahan ng kanilang pamilya ngayon..
at bago ibaba ang kabaong ni Gloria ay pinahakbang na muna ang mga apo nito..
after ng libing ay nagpakawala pa ang mga taong dumalo ng mga lobo...

sa bahay ni Gloria..
andaming tao sa bakuran nila..
mukhang mga pasyente yung iba..
sa panahon na ito ay doktor na si Z, at nurse na rin si Y..
hindi naman artista ang gumanap sa papel ng malaki nang si Sunny..
Happy Mornings Home Care Facility ang pangalan ng binuong facility ng pamilya nila..
si Amanda ang manager..
financial officer si Lizelle..
music therapist si Paeng..
assigned sa wellness program si Andrei..
siyempre naging posible yun dahil naging doktor na nga si Z..
si Ate Melba naman ang head caregiver..
consultant si Dra. Bautista..
nurse si Y, pero hindi daw ito ex- ni Doc Z ang biro pa ni Amanda..
at si Ken naman ang nagpo-provide ng masasarap na pagkain nila..
71st birthday na pala sana ni Mommy Glo noong araw na yun..
at buhay pa si Mareng Lydia..
ginawa yun ng pamilya nila para makatulong rin sa mga pamilya na nakararanas ng pinagdaanan ng pamilya nila noon...

sa lugar naman na kawangis ng Bagong Ilog..
inabot na si Gloria ng halos 8 taon sa pamamangka, LOL..
sa buhay daw ay ang mas mahalaga ay yung bakas na iniiwan..
dahil pagdating daw sa ultimate na patutunguhan ng lahat ay hindi naman susukatin kung gaano kalayo ang narating ng isang tao noong nabubuhay pa siya - kundi kung paano ba siya nagmahal..
nang marating na ni Gloria ang pampang ay sinalubong siya ni Peter..
at magkahawak kamay silang naglakad sa baybayin ng ilog...

may FOREVER, LOL... XD

was feeling , THE END...