Friday, March 3, 2017

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Days of February 2017 (Ready)

February 25, 2017...

[V-League]

AdU versus UST

naka-1 na ulit ang UST..
nalulungkot ako para kay #8 Galanza... :(


FEU versus NU

woohoo!
nice one FEU, basag na ulit ang record ng NU..
threat rin nga pala 'tong FEU..
anlakas na ng ibang palo ni Basas ngayon, andami na ring variation ng atake niya..
si Pons naman eh sobrang lakas pa rin, Setter na lang ang hindi nilalarong posisyon eh, reliable na sa front row eh mataas pa ang accuracy sa back row attacks niya..
si Duremdes naman eh nagkalat sa court, ansipag sa depensa..
at 2 pa ang reliable Setter nila, pati yung Negrito eh kayang tapatan ang NU eh...

sayang ang kampanya ni Nabor..
kung 100% lang sana ang kondisyon niya...

ano, DLSU versus UP na ba 'to sa Finals...?

was feeling , Battle of Katipunan na ulit bukas...

---o0o---


February 26, 2017...

[V-League]

DLSU versus UE

proven na, gumagana nga ang blocking ng UE..
kaso kulang sila sa attacker at variation, agility para sa receiving (bukod pa sa bumubukas yung depensa nila habang tumatagal ang rally), at dapat bawasan talaga nila ang kanilang error dahil nga hindi naman sila masyadong offensive na team..
astig rin yung puntos ng Libero nila kanina, at against DLSU pa yun...

sa DLSU naman..?
nakakabuwisit si Coach Ramil, kung last Season eh magandang bunot niya si Dy, ngayon naman eh si Tiamzon..
paker! speed at force type rin pala yung isang yun eh, at lumalakas pa habang dumadami ang experience..
ganun din si Ogunsanya, reliable naman na Quicker at Blocker pa..
tsaka kapag Lady Archers eh parang regulated ang weight ng players, kaya kahit matatangkad eh ambibilis pa rin na humabol sa bola...


ADMU versus UP

best in uniform na ang UP (yung maroon at black combination)..
most daring naman ang ADMU, parang pan-lalaking sando na yung nipis nang pangsabit sa balikat eh...

anlupit rin nung over toss ni BDL, naka-puntos pa nga sa isang yun eh.. XD
Ateneo ang panalo sa first round ng Battle of Katipunan for this season...

wala na..
labo-labo na 'to..
kailangan pang makita ang Round 2 para malaman kung sino talaga ang mas consistent para sa Finals...

was feeling , hindi ba nakakaapekto ang regla sa paglalaro ng mga babae ng volleyball...??

>
[Gadget-Related]

may nakita na akong pwede na murang processor..
Intel Core i3 6100..
6th Generation, 2 Cores, 4 Threads, at 3.7 GHz..
Php 5,700 lang...

nagkuwenta ako kanina ng mga posibleng processor, RAM, hard disk, at graphics card combination..
at meron akong Php 9,000 to 15,000 na budget para sa iba pang kailangan...

was feeling , waiting...

---o0o---


February 27, 2017...

shit!
anong meron sa araw na 'to...?

may schedule ng brownout maghapon..
kailangan kong mag-grocery, pero may strike pala ang mga nag-ji-jeep na hindi naisip na eventually eh kailangan naman talagang palitan yung mga unit nila at hindi lang basta i-retiro kapag nabangga na sila..
at hindi pa rin nga ako pwedeng bumili ng computer dahil hindi ko pa rin makuha yung Php 10,000 ko...

tae na!
kung alam ko lang na magiging ganito ang trend for February, eh sana binawasan ko yung pinadala kong pondo sa main branch...

was feeling , checkmate...?

---o0o---


February 28, 2017...

[TV Series]

The Greatest Love 

ang nangyari pala noong brownout ay..?
nawalan na nga ng pag-asa si Mommy Glo sa mga anak niya, kaya p-in-rioritize na lang niya yung kasal..
namanhikan na rin si Peter..
kaso ay hindi na rin laging kontrolado ni Mommy Glo ang pag-ihi niya ngayon kaya medyo naantala yung pamamanhikan...

matapos asikasuhin ang kanilang ina, iniwan na muna ng panganay si Mommy Glo kay Lizelle..
iyak nang iyak ang pasyente dahil sa pagkapahiya sa kanyang sarili..
tinulungan na siya ni Lizelle na maligo..
sobrang nalungkot ang matanda nang makita niya yung naihian niyang pantalon...

kinausap ni Amanda si Mr. A..
alam daw nila na lalala pa yung kalagayan ng pasyente habang tumatagal..
inamin niya na hindi na madali ang buhay kasama ang kanilang ina..
kailangan na daw ni Amanda na gumawa ng desisyon, dahil hinihintay ito ng buo niyang pamilya..
hindi daw pwedeng asahan ng biyudo na magiging ideal at romantic pa yung magiging pagsasama nila ni Mommy Glo..
kaya ba daw niyang makasal at tanggapin ang ina ng mga bata kasama na ang sakit nito..?
hanga naman daw si Peter kay Amanda dahil nakikita niya na mahal na mahal nga nito si Gloria..
parehas daw sila, dahil mahal na mahal rin niya si Gloria nang higit pa sa buhay niya, at kaya niyang tanggapin ang sakit nito at maging silang mga anak nito..
kakayanin daw niya na makasama si Gloria, at hinding-hindi magsisisi sina Amanda sa magiging desisyon nila..
ipinaalala naman ni Amanda na bilang legal guardian ay babawiin niya ang kanilang ina kapag pinabayaan ito ni Mr. A..
at nangako nga ang biyudo na hindi niya gagawin yun...

ayaw nang lumabas ni Mommy Glo sa kanyang kuwarto, sobrang nahihiya siya dahil sa nangyari..
sa labas ng kuwarto, kinumusta nina Andrei, Paeng, at Z ang matanda, at ipinaliwanag nga ni Lizelle na nahihiya na itong lumabas dahil nawalan na ito ng kontrol maging sa pag-ihi nito...

kinuha ni Andrei yung makeup kit niya sa kanyang kotse..
pabalik na sana siya sa loob ng bahay nang kausapin siya ni Paeng..
ipinababalik na niya yung mga hikaw na ninakaw niya noon sa kanyang ina..
galing daw yun kay Peter, gusto daw kasi itong isuot ng kanilang ina sa araw ng kasal nila, kaya baka makatulong para sumaya ito..
iiwan na sana siya ni Andrei, pero inamin pa ni Paeng yung nagawa niya..
kinuha daw niya ito noon, ibabalik na sana, pero hindi niya nagawa nang malaman niya na planong magpakasal nung 2..
naisip daw kasi niya na puros mga sarili lang nila yung iniisip nung 2 matanda..
pero na-realize na niya na siya pala yung nagiging makasarili na, at hindi daw niya alam kung paano magso-sorry sa kanilang ina..
sinabi naman ni Andrei na hayaan na yun ni Paeng, salamat daw, makakatulong daw yun ngayon kay Mommy Glo...

balik sa kuwarto ng pasyente..
natuwa si Mommy Glo nang makita ang mga hikaw na regalo ni Peter, at naaalala nga niya ang mga yun..
dahil dun ay na-convince siya nina Andrei at Lizelle na muling humarap sa iba...

at bumalik na nga ang lahat sa hapagkainan..
napansin ni Mommy Glo na tila umiyak sila..
natanong niya tuloy kay Peter kung nasabi na ba nito sa mga bata yung gusto nilang sabihin..?
at masayang ibinalita ng biyudo na pumayag na daw si Amanda..
natuwa si Mommy Glo, niyakap ang kanyang panganay at nagpasalamat..
mahal na mahal daw niya ang kanyang ina kaya gusto niya na palagi itong maging maligaya..
natuwa rin sina Lizelle at Andrei..
sunod na tinanong ni Mommy Glo si Paeng, at payag na nga rin ito..
nagyakapan silang lahat, at kinunan ni Z ng video yung buong pangyayari..
at masayang hinalikan ni Gloria si Peter...

was feeling , kaso isa na lang talaga ang patutunguhan nung sakit...

---o0o---


March 1, 2017...

[Gadget-Related]

so inabot rin nga ako ng Marso... :(

kating-kati na akong magpa-assemble ng desktop, pero wala talagang pumapasok na padala..
February 24 ko pa nakumpleto yung pondo, at ngayon ay 5 days na akong delayed..
pinabigat pa yun nung lumabas na pera noong Saturday...

damn!
bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng pagkakataon, eh talagang sumabay pa yung pagre-request nung fund transfer dun sa bank transfer..?
bakit ba ako dini-delay ng FATE..?
meron bang mangyayaring lindol sa mga susunod na linggo, o kung ano pang masama..?
in other words, pabor ba sa akin ang delay na 'to, o isa na naman 'tong pang-asar ng tadhana...??

anyway..
nakapag-formulate pa ako ng mga desktop combinations gamit yung price list sa website:
  • Intel Core i3-6100
  • 8 GB RAM
  • 1 TB Western Digital or Seagate HDD
  • 2 GB memory speed na graphics card
  • 15" to 18" na LG or Philips monitor
  • 6th Generation compatible na ECS or MSI motherboard
  • casing na nasa Php 2,150 to 2,350 ang price range 
  • at 600W na branded power supply

wala pa sa computation yung:
  • branded na UPS/AVR
  • 10 meters ethernet cable
  • keyboard
  • (hindi ko pa naman kailangan ng mouse)
  • (hindi ko kailangan ng speaker)
  • not sure kung may OS na rin na kasama kung pa-assemble lang at hindi package

again, hindi ko lang alam kung compatible ba sila sa isa't isa..
pero yung price ng na-formulate ko ay nasa Php 24,550 ~ 29,550..
pero ang nakapagtataka kasi, kung iko-compare sa desktop packages nila eh kapansin-pansin na mas mahal yung mga package despite na mas mababa naman yung specs ng mga yun..
kaya hindi ko rin nga masabi kung feasible yung iniisip ko na combinations o ano...

was feeling , ano ba, nasaan na ang mga padala...??

>
[TV Series]

The Greatest Love 

nagpasalamat at niyakap nina Andrei at Lizelle ang kanilang Ate Amanda..
natanong naman ni Andrei kung kailan ba balak magpakasal nung 2..?
mas mabilis daw eh mas maganda ang sabi ni Mommy Glo..
humiling naman si Peter ng mga 2 months for preparation..
nag-volunteer si Andrei bilang wedding organizer, at gusto ring tumulong ng lahat..
pero asikasuhin daw muna ni Z ang graduation niya bago ito tumulong..
pabiro namang sinabi ni Mommy Glo na ang binatilyo ang magiging Ring Bearer nila, at pumayag rin naman ito...

after that, nag-celebrate sila at uminom ng sparkling wine para sa bagong miyembro ng kanilang pamilya..
nag-videoke rin sila, at nakumbinsi ni Mommy Glo na kumanta si Peter, at sumayaw rin sila habang kumakanta ang biyudo..
basta yung may lyrics na "kung tayo ay matanda na", at ni-request nga rin ni Mommy Glo kay Paeng na yun ang maging kanta sa kasal nila..
ang motif naman ay base sa kulay ng bulaklak ng kalabasa...

private moment nung 2 matanda..
masaya si Gloria, sana daw ay laging ganun ang kanyang mga anak..
ni-request din ng babae na kung sakaling makalimutan niya yung tungkol sa kasal ay huwag daw papayag si Peter..
basta ipaalala daw sa kanya ng lalaki ang lahat at huwag siyang hahayaan na makalimot..
huwag rin daw silang maglilihim sa kanya, na medyo pinag-alinlanganan ng biyudo na ipangako...
pero nangako pa rin nga siya...

ibang araw na..
naikuwento nga ni Gloria yung mga nangyari kay Mareng Lydia..
kaya naman daw Maid of Honor na ang bestfriend niya, at nagkabiruan na ang magkakaibigan..
dumating naman si Amanda na maganda ang performance ngayon sa kanyang trabaho..
nagpasalamat si Mareng Lydia sa pagtupad nito sa pangarap ng kanyang bestfriend..
si Ate Melba eh mukhang nagsisimula na rin sa kanyang pag-aaral..
sinabi naman ni Gloria na gusto niya na ang panganay niya ang maghatid sa kanya sa simbahan..
kaya umalis na sina Mareng Lydia at Peter dahil may makakasama na si Gloria...

sa labas ng bahay..
natanong ni Mareng Lydia kung sino naman ang Best Man ni Peter..?
si Pareng Joma na daw yun, since ito ang pinakamalapit sa kanya ever since..
bukod dun ay alam din daw nito ang kakaibang sitwasyon nila ni Gloria..
nasabi naman ni Mareng Lydia na hindi ba daw ay dapat masaya ang biyudo ngayon..?
at nasabi nga ni Peter na naiisip lang niya yung bilin ni Gloria na huwag silang maglilihim sa dito..
natanong tuloy ni Mareng Lydia kung balak na bang aminin ni Peter yung natuklasan niya noon sa tulay tungkol sa pasyente..?
pero sinabi naman ng biyudo na naniniwala siya na hindi naman niya kailangang sabihin pa ang lahat, lalo na kung makakasama pa yun sa kondisyon ni Gloria...

balik sa bahay..
ipinaliwanag ni Amanda na may nakuha nga siyang malaking trabaho, kaya magiging busy na ulit siya..
kaya kung pwede ba daw na sa flowers na lang siya makakatulong..?
pumayag naman si Mommy Glo, basta daw huwag nitong kalilimutan na siya ang maghahatid sa ina sa simbahan sa araw ng kasal...

si Sandro naman ay biglang gustong makipagkita kay Lizelle...

panibagong araw na ulit..
nakabalik na si Chad at dumalaw siya sa bagong bahay ng kanyang biyenan..
pinapasok na 'to ni Ate Melba, pero natakot si Mommy Glo sa kanya..
binati ni Chad ang biyenan nang makita niya ito, pero sinalubong siya nito nang pamamalo ng walis tambo, magnanakaw daw ang lalaki..
saktong dating na rin nina Amanda at Z, at katulong si Ate Melba ay inawat nila ang pasyente..
si Chad daw yun, ang papa ni Z..
nagbilin naman si Amanda na susunod daw ay kailangang magpakilala na sila kaagad para hindi mapagkamalan na kung sino ni Mommy Glo..
excited daw kasi si Chad na makita si Mommy Glo at may mga pasalubong din siya galing sa Beijing..
naalala din naman siya ng kanyang biyenan at nagyakapan ang 2..
hindi naman maalis kay Chad na medyo malungkot dahil sa progress ng Alzheimer's ng mahal niyang biyenan...

that night..
napag-usapan nina Chad na mabuti na rin at hindi na sobrang agitated ng pasyente gaya noong wala siya..
binigyan rin niya ng regalo ang kanyang asawa..
proud daw siya dito dahil naging matatag ito bilang panganay ng pamilya..
nag-sorry din siya na hindi siya nakatulong noon..
nag-aayos naman sina Mommy Glo at Z ng mga pasalubong..
gusto daw ng Mommy La niya na Daddy Lo ang itawagg niya kay Peter kapag nakasal na sila..
naulit rin ni Amanda na kailangan na ulit nilang ayusin yung mga schedule nila nang pagsama kay Mommy Glo..
ipinapasama na muna ni Amanda si Z kay Chad sa bahay nila para maayos nito ang kanyang pag-graduate..
nagpaalam ito sa kanyang Mommy La, at mangako daw ito na huwag siyang makakalimutan nito..
duda pa ang matanda na magagawa niya yun kay Z, pero nangako na rin nga siya na hindi niya makakalimutan ang paborito niyang apo...

was feeling , pero mas makakalimot pa ang matanda ng mga kakilala niya...

>
[V-League]

UP versus FEU

mukhang pantay lang yung kakayahan ng mga team nila, mas marami lang ang key attackers ng UP..
kumbaga nakaasa rin sa mood ng bawat key player ang takbo ng bawat match...


NU versus UST

wala eh, kagaya na ulit ang NU ng dating NU..
yung parang nawawalan ng lakas ng loob kapag naiiskoran sila ng set, o kapag mukhang lumalakas yung kalaban nila..
hindi sila pwedeng umasa lang kay Jaja parati..
hindi pwedeng maging moody ang laro ng iba pa nilang key players...

tingnan natin ang magiging laban nila kontra sa UP..
kapag natalo pa sila, baka ibig sabihin nun na hindi na nila ulit kaya na maging bahagi ng Final 4...

was feeling , pero kailangan pa ring i-evaluate ang 2nd Round...

>
[Gadget-Related]

so nagpa-quote ako kanina through e-mail..
sinabi ko lang yung mga target kong specs per component at yung respective estimated budget, at sila na kako ang bahalang mag-check ng compatibility...

tugma naman yung Processor sa MSI Motherboard..
tugma rin yung Kingston RAM at Seagate HDD dun sa Motherboard...

ang mga kailangan ko na lang mas i-check sa personal ay yung:
  • bakit walang Optical Drive option
  • Casing
  • FSP Hexa 500W na Power Supply
  • connector nung AOC 18" Monitor
  • yung motherboard connector at monitor connector nung MSI Graphics Card
  • at yung APC UPS

bukod sa issue ng wattage..
kailangan ko kasing masigurado na compatible yung mga connector nung Motherboard, Graphics Card, at Monitor para sa isa't isa..
VGA, HDMI, DVI, D-Sub - andaming kailangang i-consider...

nagtataka rin ako kung bakit nasa Php 3,995 yung Windows 10..
hindi ko alam kung installer na ba yun o ano, dahil parang sobrang mahal kung basic installation lang yun ng OS...

meron na ring kasamang A4 Tech Keyboard at Mouse yung quote..
tsaka assembly fee na worth Php 300...

bale nasa Php 32,145 yung total nung quote..
Php 25,700 naman dahil hindi kasali sa Php 30,000 na budget yung UPS, at lilinawin ko pa nga yung tungkol dun sa OS..
bale nasa less than Php 4,300 pa yung adjustable na budget ko for the desktop alone...

was feeling , kakasakit ng ulo...

---o0o---


March 2, 2017...

[TV Series]

The Greatest Love 

unang gabi pa lang na umuwi sa kanila si Z pero hinahanap na kaagad ito ni Mommy Glo...

sa bahay naman nina Amanda..
iniisip ng binatilyo ang Mommy La niya, nang kumustahin siya ni Y sa Facebook..
alam na rin pala ni Chad ang tungkol kay Special Girl..
sinabi naman ni Z na parehas silang nag-decide na i-prioritize muna yung pag-aaral nila, at pati na rin daw ang lola niya..
okay na daw silang 2 sa ganun..
naulit naman ni Z na after noong sunog eh na-realize niya kung gaano pahalagahan ng kanyang Mom ang kanilang pamilya, gaya na rin nga ng ipinaliwanag sa kanya noon ni Chad...

tinawagan naman na ni Amanda si Z para kay Mommy Glo..
miss na miss na daw kasi nito ang kanyang apo, at gusto na lagi niya itong kasama..
balak naman daw kaagad dumalaw ni Z sa weekend (na kinabukasan na)...

that day, naglalaro sina Peter at Mommy Glo ng Tic-Tac-Toe..
nagsawa ang biyuda, kaya i-d-in-rawing na lang ng lalaki yung magiging bahay nila sa Bagong Ilog..
natuwa naman si Mommy Glo, pero kapansin-pansin na hirap na rin siyang magbilang..
bakit daw ang dami ng mga kuwarto, at na-open nga yung topic tungkol sa mga apo..
saktong dating naman ni Z, pero hindi kaagad siya nakilala ng Mommy La niya..
kaya tinulungan na siya ni Peter para maalala si Z, at nagawa naman nga ng babae...

nakatulog si Mommy Glo sa sala..
ibinigay ni Ate Melba kay Peter yung record book ng pasyente, at inilagay nga niya doon na untikan na nitong makalimutan si Z that day..
nagbilin rin siya na ihanda si Mommy Glo bukas para makapagpa-checkup sila...

somewhere noong gabing iyon, magkasama sina Z at Y..
si Doc Z at si Nurse Y..
pero mukhang may pinoproblema si Doc Z kaya pinalabas niya muna si Super Y..
gusto daw kasi ng binatilyo na mapatigil ang oras, o di kaya ay mapigilan ang pagkalimot ng kanyang Mommy La..
naikuwento nga niya na untikan na siyang makalimutan nito, last-in first-out daw kasi yung siste ng pagkabura ng memories ng mga pasyente ng Alzheimer's..
alam daw yun ni Y dahil nagre-research siya sa internet para rin mas maintindihan yung kondisyon ng lola ni Z..
at naisip nga niya na ituloy lang ni Z yung pag-take ng photos at videos ng Mommy La nito, but this eh kailangang kasama na siya o sila parati, para mas madali daw i-remind sa pasyente kung sino nga sila...

sa clinic..
untikan na ring makalimutan ni Gloria yung babaeng doktora niya, naalala lang niya ito nang magpakilala na ito..
ayun, inimbitahan niya ito na sumali na sa music therapy session nila..
pinapasama na rin nito si Peter sa mga therapy classes para mas maintindihan rin daw ng lalaki yung proseso...

sa bahay, sinabi kaagad ni Peter kay Amanda yung bagong sistema nung therapy..
pero ang inaalala ni Amanda ay baka ma-disorient ang ina nila dahil sa ibang lugar ginagawa yun at kasama rin ng iba pang tao, at isa pa ay yung paghina ng kontrol ni Mommy Glo sa kanyang pag-ihi..
si Peter na daw ang bahala dun..
at sinabi naman ni Amanda na susubukan niya ring sumama kapag nagkaroon siya ng pagkakataon...

galing sa school, masayang ibinalita ni Z sa bahay ng Mommy La niya na Top 5 siya..
naulit naman ni Mommy Glo na magiging doktor na ito, pero hindi daw ganung kadali yun..
sa kuwarto ng pasyente, naglagay si Z ng picture nila para daw lagi siyang maalala ng matanda..
napansin naman ng kanyang lola na parang may iniisip siya, may problema ba daw..?
at sinabi nga ni Z yung iniisip niya, after mag-promise ng kanyang Mommy La na hindi ito malulungkot..
untikan na daw kasi niyang malimutan ang apo noong isang araw, at nalungkot rin nga si Mommy Glo sa nagawa ng sakit niya..
dahil dun, naisip niya na mag-record ng mga messages para sa pamilya niya, habang nakakaalala pa daw siya..
ipinaalala niya na nakatatak na silang lahat sa puso niya, kaya hindi na sila nito malilimutan..
at nagbilin rin siya sa apo na laging ipapaalala sa kanya ang lahat...

was feeling , mag-aalisan pa ang mga kalalakihan nila...

>
6 days na...

usually, weekend pa ang pasok ng mga pera..
pero hindi rin maganda yung lagay ng branch ko mula sa pagpasok ng 2017...

sana lang ay may pumasok na na suweldo ng mga empleyado..
para naman mai-close ko na yung deal sa computer..
bukod kasi dun eh marami pa akong aayusin...

was feeling , kating-kati na ako...

---o0o---


March 3, 2017...

[TV Series]

The Greatest Love

ngayon na nga lang nakapag-meet sina Sandro at Lizelle..
noong una eh okay pa ang babae..
kahit naman daw mag-boyfriend-girlfriend na sila eh may mga sarili pa rin silang mga buhay, kaya okay lang daw yun..
'Loves' na ang tawag ni Lizelle sa kanyang boyfriend..
dahil dun ay in-open na ng binata yung topic..
nakatanggap daw kasi siya ng job offer sa Macau bilang hotel staff (hindi linya ni Sandro), at aalis na siya sa loob ng 1 linggo..
maliit daw kasi ang kita sa bansa, at kailangan pa ni Sandro na mag-ipon para sa pamilya niya, para kay Lizelle, at para na rin sa bubuuin nilang pamilya..
pero bakit daw hindi man lamang siya inihanda ni Sandro para dun..?
nagtampo tuloy si Lizelle at nag-walkout na...

sa unang klase nina Gloria..
sinabi niya na kilala niya yung teacher nila, pero ang totoo ay bagong magkakilala lang sila..
ipinakilala siya nito sa 4 pa niyang classmates, 1 dun ay isang makulit na Prof na inaakala nga na isa pa rin siyang professor hanggang sa ngayon..
bago yung mismong klase ay nag-stretching muna sila, para na rin ma-practice ang body control ng mga pasyente..
after that ay gumamit naman sila ng mga music instruments, sinasabi nung teacher yung pangalan ng bawat instrument at saka ito patutunugin ng sinumang may hawak nito..
pasimple namang nilapitan si Peter ng iba pang tao doon, natutuwa sila na mayroon pang magpapakasal kay Gloria sa kabila ng kondisyon nito..
mahirap daw maging asawa ng may Alzheimer's kahit pa sabihin na mahal mo yung tao, nakakapagod daw, yung 1 bantay ay ang pagkakilala sa kanya ng kanyang asawa na si Prof ay siya ang first girlfriend niya..
yung isa namang bantay, sinabi na masuwerte pa rin yung 1 dahil at least ay nakikipag-interact pa yung pasyente niya, hindi gaya ng nanay niya na nakatingin na lang parati sa kawalan at disabled na rin yata..
sinabi tuloy nung asawa ni Prof na pag-isipang mabuti ni Peter ang tungkol sa pagpapakasal, dahil wala na yung balikan kapag nandun na..
sunod naman sa klase ay nag-play yung teacher ng kanta, sabayan lang daw yun ng mga may alam nun..
Kahit Maputi na Ang Buhok Ko yung kanta, at na-recognize nga yun ni Gloria, nilapitan niya si Peter at sinabi na yun ang kanta sa kasal nila...

nakauwi na muna si Amanda sa bahay nila..
napag-usapan kasi nila ni Mr. A na pwede siyang umuwi tuwing Saturday, dahil araw naman yun ng therapy class ni Mommy Glo..
tamang-tama dahil may special announcement naman si Chad..
balak daw kasi ng lalaki na tanggapin yung teaching job offer sa Beijing..
para daw masuportahan niya ang pagdo-doktor ni Z, at para rin makatulong sa future medications ni Mommy Glo..
huwag naman daw mag-alala si Amanda dahil aalagaan niya ang sarili niya doon..
nagpasalamat na rin si Amanda sa sakripisyo ng kanyang asawa para sa pamilya nila, pero at the same time ay nakaramdam ito ng kalungkutan...

muli ng nagkausap sina Sandro at Lizelle..
nag-sorry ang babae sa nagawa niya noong isang araw, nabigla daw kasi siya sa desisyon ng kanyang boyfriend..
nag-sorry rin naman si Sandro na hindi niya ipinaalam kay Lizelle yung ginawa niyang pagdedesisyon..
baka naman daw may paraan para hindi na umalis si Sandro..?
natatakot si Lizelle na baka magaya sila sa kapalaran noon nina Peter at Gloria noong nag-abroad ang Tatay niya..
sinabi naman ni Sandro na hindi mangyayari yun...

tapos na o break yata ng klase nina Gloria, kaya lumabas sila ni Peter..
nasabi ng lalaki na kaya niyang bitawan ang lahat para lang kay Gloria..
tapos ay naka-receive si Peter ng text mula kay Sandro dahil gusto silang makausap ng binata...

sa bahay ni Gloria..
natanong nga ni Gloria kung bakit sa iba pang bansa magtatrabaho si Sandro, kung ganun daw ay iiwanan na rin nito si Lizelle..?
sinabi naman ni Peter na okay lang yun, at na welcome sa kanila si Sandro kapag bumalik ito..
sila na daw muna ang bahala kay Lizelle...

after that, nag-usap ulit sina Sandro at Lizelle..
pero nasabi ng babae na baka mas okay kung maghiwalay na muna sila..
mas pinili daw kasi ni Sandro yung pride niya eh, at nasabi naman ng lalaki na paulit-ulit na lang yung paliwanagan nila..
huwag daw mag-alala si Sandro dahil huli na yun..
kung ganun daw ay nakikipaghiwalay na ang dalaga sa kanya..?
andun pa daw siya pero sinusukuan na siya ni Lizelle, parang ang babae na rin daw ang gumagawa ng paraan para mangyari nga yung kinatatakutan nito..
dahil dun ay nag-walkout na si Sandro...

sa kuwarto ni Gloria..
natanong nito kay Peter kung bakit hindi niya pinigilan ang pag-alis ni Sandro..?
buhay daw kasi yun nung binata, at desisyon rin nun, kaya wala daw silang magagawa..
saktong dating rin ni Amanda at narinig niya yung usapan nung 2 matanda..
baka daw kasi magkahiwalay yung mga bata gaya ng nangyari sa kanila noon, balak na nilang magpakasal dati pero hindi natuloy..
marami daw kasing bagay ang posibleng mangyari...

was feeling , eh mahina kasi ang ekonomiya ng bansa eh...

>
nakakakilabot talaga yung Horoscope...

halos tugma na naman siya sa akin for this year..
parehas na Animal Zodiac at yung basic Zodiac..
alam niya yung mga traits ko..
impatient, bossy, hindi na ako nagli-leader ngayon pero totoo na ayoko nga ng mga tamad na kasamahan...

ang nakakakaba..?
mahihirapan daw ako sa pera for the first 3 months of 2017..
hala, ibig ba nung sabihin na hindi ko pa rin makukubra yung Php 10,000 ko this March..?
aside from that ay may project daw na paparating para sa akin, pero kailangan kong magdesisyon nang tama..
or else daw ay magiging problema lang yun para sa akin..
WTF!!?
huwag mong sabihin na yung computer project ko yung tinutukoy nun..?
tang ina! ngayon mo pa ako paaatrasin..?
pero magiging masuwerte daw ang 2017 para sa akin eh...

may bonus pang lovelife..
at posible pa daw akong makasal this year..?
hala, mapipikot ako..?
anyway, asa pa ako sa lovelife eh wala nga akong pera...

was feeling , horror-scope...

---o0o---


March 4, 2017...

karibok na ako...
  • may bago akong potential buyer sa eBay
  • schedule ng general cleaning ng kuwarto ko for today
  • may schedule ng volleyball mula 2:00 PM
  • may pumasok na na pera kaya Php 3,000 na lang yung kulang ko, pero pwede na akong pumunta sa SM pamaya para um-order ng unit
  • tapos kailangan ko ring mag-install ng 10 meters ng ethernet cable bago ko pa makuha yung desktop

is feeling , at mag-a-update pa ng blog...


No comments:

Post a Comment