[V-League]
FEU versus UST
halos patas 'tong 2 team na 'to..
Pons versus Laure & Rondina..
sayang ang FEU ang daming pinakawalan na errors..
depende rin nga talaga sa mood ng bawat players ang kalalabasan ng bawat match...
ADMU versus DLSU
hindi ko napanood ang first 2 sets dahil nasa mall ako..
pero maganda yung inabutan kong laban..
mukhang hindi maganda yung laro ni Tiamzon ngayong araw dahil hindi matunog yung pangalan niya, though si Luna yung key player nila kanina..
pati si Fajardo eh napilitan ring maging attacker..
mas magkakaalaman sa Round 2...
was feeling , hindi ba pwedeng yun na lang yung Championship Match para hindi na nakakakaba, LOL...?
>
[Medical Condition]
ngayon ko lang naalala..
mahigit 1 month na palang butas ang hita ko... :(
was feeling , walang recovery option...
>
ayun..
matapos akong mag-general cleaning eh dumiretso na ako sa mall..
ipinagpalit ko nga yung game ng ADMU versus DLSU dahil sa sobrang excited ko na magpa-assemble na ng desktop...
akala ko bukas ko na makukuha..
kaso andami palang walang component dito sa [Name of City], kaya o-order-in pa ang mga yun sa Manila..
kaya naman Wednesday or Friday daw nila ako sasabihan kung anuman..
pero hindi na rin sila humingi ng downpayment...
ethernet cable lang ang nabili ko..
kaya bukas eh ii-install ko na yun sa pader hanggang sa kuwarto ko...
ang isa pang magandang nangyari today..?
bukod sa nanalo ang Team Morado ko..
sa wakas eh nakakuha na ako ng Victoria 6... <3
was feeling , great day...
---o0o---
March 5, 2017...
may pinagtataka lang ako...
noong nagpa-quote kasi ulit ako kagabi..
kinabahan ako dahil parehas naman yung pinapa-input ko na components, pero sobrang laki ng deperensya sa presyo..
yung Php 5,700 eh 6,100 plus, tapos yung mga nasa Php 2,000 plus eh naging mga 3,000 plus, yung RAM nga lang yung tumugma sa dating presyo eh..
buti na lang at ni-retrieve namin yung una kong pa-quote...
kinabahan ako dahil talagang mapapasubo ako kung ganung kalaki kaagad yung magiging pagbabago sa presyo..
wala rin namang ipinakita na pagkakaiba between credit card purchase at instant cash..
yun rin siguro yung dahilan kung bakit umabot yung dati kong pa-quote sa Php 50,000 plus...
napaisip lang ako kung ganun ba talaga yung ipinapakita nilang presyo sa mga unsuspecting buyers..
basically, kung ikukumpara sa rate sa Gilmore eh sobrang laki ng ganung patubo..
malaki rin yung difference compared sa prices sa website nila, na halos nakikipagtapatan lang naman sa presyuhan sa Gilmore..
kumbaga eh hindi mukhang yun yung totoong retail price nila...
hindi ko pa rin maintindihan kung paano nila na-derive yung presyo nung una kong pa-quote..
kung na-normalize ba yung presyuhan dahil package deal naman yung sa akin o ano..?
pero ang malinaw ay, walang masyadong discount compared sa average na selling price ng bawat component...
was feeling , mag-i-install muna ng mahabang cable sa pader...
>
[V-League]
AdU versus UE
kulang talaga sa consistent na attack power ang parehong team..
si Seth Rodriguez nakikipaglaban pa kay Galanza sa pa-cute-an...
kaya pala may sleeves ang uniform ng UE, dahil makikita ang mga kilikili nila sa ready stance nila, LOL... XD
halos all-around player talaga si Galanza.. <3
attacker na defender pa, parang Libero na rin sa depensa..
sobrang pang-veterana na rin ng mga tira niya; may off speed, off-the-block swipe, at may back row attack rin siya..
hindi lang talaga siya sobrang mapuwersa...
maganda yung 2nd Set dahil nakatulong sa kanya si Dacoron..
pero dahil #2 Blocking Team nga ang UE eh mahirap talagang ulit-ulitin sa kanila yung mga semi-quick lang na running attack..
hindi talaga kakayanin ng AdU kung kokonti lang ang consistent players nila...
panalo ang UE..
unfortunately, sobrang daming pinakawalan na error ng AdU sa laban na 'to..
at yun yung mas weakness nila...
UP versus NU
nawawalan na ng playing time si Bersola..
si Caloy eh nagiging mas consistent na kumpara kay Molde...
double upset..
isang semi-upset at isang major upset...
2-0 noong simula, lamang ang NU..
pero dahil sa sobrang dami ng attackers ng UP, nagawa nilang tabla sa 2-2..
sa 5th Set, anlapit na sana ng UP sa tagumpay, 10-6 ang score..
hanggang sa puntong yun eh parang nabaliktad na yung takbo ng match para sa NU..
but then, bigla na lang silang bumulusok hanggang sa 15..
ang laking hinayang nun para sa sobrang daming fans ng UP, kasi naunsiyaming comeback yun...
sayang, para pa naman sana sa na-injure na si Gaiser yung panalo sana nila...
pero ganun talaga sa volleyball..
hindi siya kagaya ng basketball na mas madaling i-familiarize ng player yung katawan niya para sa paggawa ng puntos - kasi pwede yung gawin nang nag-iisa through shooting practices..
kaso sa volleyball, service lang yung magagawa mo nang nag-iisa ka, yung mga attacks eh kailangan mo parati ng kasama para ma-practice yung accuracy at mas nahahasa rin yun habang mas nabababad ang player sa mga laro...
was feeling , wala, karibok na talaga yung 6 na team...
---o0o---
March 6, 2017...
[Gadget Related]
after more than 5 years of service, ang Nokia 2730c ko..
buhay pa naman yung system niya, pero mukhang may 5-year breaking point yung mga materyales na ginamit sa kanya...
after 4 years of average use, halos wala namang nagbago sa casing..
pero pagpasok ng 5th year, nagsimula nang rumupok yung plastic, humina na yung adhesive na ginamit sa mga buttons, at pati yung protective coating nung keypad eh nagsimula na ring matuklap...
pero Php 20 na Crown Bond lang yung katapat niya..
game na ulit for more years of service... ^_^
>
[TV Series]
The Greatest Love
napansin ni Mr. A na may bumabagabag kay Amanda kaya kinausap niya ito..
at naikuwento nga ng babae na paalis na rin si Chad..
kung ganun daw ay nalulungkot ito..?
ganun na nga, pero alam daw niya na kailangan rin talaga nilang gawin yun eh..
nasabi naman ni Mr. A na mahirap talaga na malayo
sa mga mahal sa buhay..
pero ipinaalala rin naman niya na maraming masasadalan si Amanda - ang pamilya nito, at kasama na rin siya..
nag-suggest naman si Mr. A na sulitin na muna nito yung oras na magkasama sila ni Chad, sila na muna daw ang bahala kay Mommy Glo..
at nagpasalamat naman si Amanda...
nag-usap naman sina Paeng at Amanda tungkol kay Mommy Glo..
huwag daw nitong pababayaan ang kanilang ina kahit na andiyan parati si Mr. A, dahil responsibilidad pa rin nilang mga anak ang pasyente..
huwag daw mag-alala ang kanilang panganay, maging sa therapy class daw ay sasama na siya sa kanilang ina...
sumama nga si Paeng sa sunod na therapy class ni Mommy Glo..
music class ulit yun, at may ipinakilalang assistant yung teacher..
at si Sheila pala yun, yung ex-girlfriend ni Paeng..
nasurpresa tuloy si Paeng..
nakilala naman siya ni Mommy Glo kahit papaano, at tinitingnan nga ng pasyente si Paeng for verification...
sa bahay, magkakasama na sina Mommy Glo, Peter, Mareng Lydia, at Paeng..
natanong nga ni Mareng Lydia na ninang ni Paeng kung may mangyayari na bang balikan..?
naulit naman ng binata na imposible yun dahil galit sa kanya yung babae..
change topic, nakahanap na daw si Mareng Lydia ng malilipatan na bahay na malapit kina Mommy Glo, at sa Pilipinas na rin titira ang asawa niya..
nagkamali naman si Mommy Glo at nasabi na si Jomar ang asawa ng bestfriend niya, pero Sam daw ang pangalan nun..
tapos napansin ng pasyente na parang andami ng wala sa bahay niya ngayon..
nandun naman daw si Lizelle, kaso ay nasa labas at nag-iisip nang malalim...
minabuting puntahan ng ina ang dalaga..
sinundan rin ito ni Peter..
miss na miss na ni Lizelle si Sandro..
sinabi naman ni Mommy Glo na walang malayong distansya para sa dalawang taong nagmamahalan..
kaya gumawa daw ng paraan si Lizelle..
nabigyan tuloy nila ito ng ideya na sumunod sa Macau...
nag-advance party na sina Chad para sa graduation ni Z habang nasa bansa pa siya..
binigyan pa niya ang binatilyo ng before, during, at after graduation gifts..
sorry daw kung wala siya sa mismong graduation ng anak..
basta proud daw siya na lumaki itong matalino at mabuti..
nagkaiyakan naman yung mag-asawa..
si Z naman ay kumuha nang kumuha ng pictures dahil matagal pa daw bago ulit sila magkasama-sama..
hayaan daw ng mga magulang niya, kapag naging doktor na daw siya ay hindi na nila kakailanganin pang lumayo sa isa't isa at siya na ang mag-aalaga sa kanila...
nagkasama-sama sina Amanda, Andrei, at Paeng..
sumunod na nga daw si Lizelle kay Sandro sa Macau..
napagbiro naman nung 2 si Amanda tungkol sa pang-aaway nito madalas kay Chad..
huwag daw mag-alala ang ate nila, dahil habang wala ang Kuya Chad nila eh sila na munang 2 ang men of the house..
sinabi naman ni Amanda na basta ang importante ay ang presence nila madalas para hindi sila makalimutan ng kanilang ina...
inaasikaso na ni Amanda ang susuotin nila para sa graduation..
tumitingin naman sina Z at Mommy La niya ng mga latest pictures online..
nagkaayos na nga sina Lizelle at Sandro..
nasabi naman ni Mommy Glo na hindi gaya nina Chad at Amanda na magkakalayo, at medyo nainis dun si Amanda..
sinenyasan naman siya nina Andrei at Paeng na sakyan na lang ang sinasabi ng kanilang ina..
dahil sa long distance relationship, napakuwento tuloy nang napakuwento si Mommy Glo tungkol sa kanila noon ni Peter..
panay naman ang sabi nito na nanggugulo at makulit si Amanda...
that night, muling nagkausap-usap yung 3..
aminado si Andrei na talagang mahirap nang alagaan ang kanilang ina, pero enjoy naman daw dahil nagkakaroon na ulit sila ng bonding moments na magkakapatid na kasama si Mommy Glo..
natutuwa rin siya na tila kinukunsinti na nung 2 si Mr. A, kung ganun ba daw ay tanggap na nila yung biyudo..?
mahirap daw at hindi talaga madaling gawin yun..
masakit rin daw na puros alaala ng kanilang ina at ni Mr. A yung naaalala nito, samantalang wala man lamang itong naikukuwento tungkol sa Papa nilang si Andres..
pero naiintindihan daw ni Amanda na since pumayag siya sa kasalan ay kailangan na niyang tanggapin na rin yung mga bagay na yun...
araw na ng graduation ni Z..
sina Amanda at Mommy La yung kasama niya..
ini-explain naman na kaagad ni Amanda yung gagawin nila pamaya sa stage..
3rd Honorable Mention pala si Z..
dumating na rin si Y, at maganda ang bati niya sa 3, may bola pa siya para kay Mrs. Cruz (si Amanda)..
nag-volunteer pala siya na maging official photographer / videographer ni Z, para daw may maipakita silang pictures sa Dad nito..
dumating na yung oras ng pag-akyat sa stage..
pagkatawag sa pangalan ni Z na Zosimo ay naalala ni Mommy La ang kanyang sariling ama..
bumaba siya sa hagdan ng stage, sinundan naman siya nina Amanda, at lumapit siya sa isang photographer at tinawag niya itong 'Tay'..
napaisip na lang yung photographer..
nagtaka naman yung mga tao doon sa graduation at hindi naiwasan na medyo mapag-usapan si Mommy La...
was feeling , hindi na magigising ang pasyente.. at parang pumapayat na si Sheila...
---o0o---
March 7, 2017...
mas mahirap na nga pala yung schedule ko ngayon dahil sa tindahan...
ang target ko sana ay 16 hours of work a day..
bale 8-1-8, may isang oras na break in between..
kaso pangit na rin yung availability ko ngayon..
mahina na ang mga mata ko, kaya baka hindi ko na magawa yung 4:00 AM na gising (well, pwede naman, kaso para sa oras lang talaga ng ligo)..
5:00 AM na yung ideal na simula ng trabaho..
kaso dahil mga 6:00 AM pa dumadating yung magpapadensal eh hindi kaagad ako nakakakain, at 6:00 to 7:00 AM pa yung oras na napupunta para sa breakfast..
though okay lang naman yun kung may mga naka-ready na akong materials for rendering (na kumakain naman ng 2 hours)..
yung tindahan ko naman eh twice a week kong nire-restock ang mga items..
hindi kasi pwede sa kuwarto ko yung monthly-worth ng supply eh (at kulang rin sa budget), kaya mas pabor para sa akin yung regular na paggo-grocery..
malas lang kapag wala doon si Emoji-Girl, haha...
so i guess ang best na magagawa ko ay gumawa na kaagad nang gumawa ng mga ready to render na mga materyales..
siguro ang magiging schedule ko ay 1W-1B-4W-1B-6W-1B-2W..
with 15 hours of work yun para dun sa computer (6 hours in the morning, 9 hours hanggang sa evening), siguro magre-render na lang ako during breakfast at dinner...
was feeling , ang hirap kumita ng pera...
>
[TV Series]
The Greatest Love
sabay depensa tuloy nung photographer na magkasing-tanda lang sila ni Mommy Glo para tawagin siya nitong Tatay..
nadaan rin naman si Mommy Glo sa explanation at natuloy ang pag-akyat nila sa stage..
at sa halip na si Z ang sabitan ng medal, ay isinabit ng apo ang kanyang medalya sa pinakamamahal niyang Mommy La..
nagyakapan sila, at inilipat na nung isang nasa stage yung palawit ng toga sa kabilang side..
nagpalakpakan pa rin naman ang mga tao after that...
nagpa-lechon pa pala si Mr. A para sa kaisa-isang apo ni Gloria..
nagbiro ang biyudo na kesyo pasensya na daw at yun lang yung nakayanan niya..
nagpasalamat naman sina Z at Amanda sa kanya..
saktong nag-video call rin si Chad para bumati, at nauwi pa sila sa biruan..
oras naman ng gift giving..
at outing para sa buong pamilya ang regalo nina Mr. A at Mommy Glo para kay Z..
napansin naman ni Mareng Lydia na parang nahihiya si Y dahil sa regalo nito, kaya pinuna niya ito..
kaya pala, isang edited na picture nila ni Z yung regalo ng dalagita, kung saan magkasama sila bilang Doc Z at Nurse Y..
natuwa naman ang lahat ng dahil dun..
niyaya rin ni Mommy La si Y na sumama sa outing, tuwang-tuwa tuloy yung 2 bagets..
napairap naman si Amanda dahil dun...
nang sila na lang 2, nagpasalamat si Amanda kay Mr. A para dun sa outing, na-appreciate niya daw yun talaga..
kaso nag-aalala daw siya para kay Mommy Glo, at naikuwento nga niya yung nangyari kanina sa graduation..
hindi naman daw talaga yun maiiwasan..
ang magagawa daw nila ay mas mag-ingat at bantayan nang mabuti ang kanilang pasyente..
makabubuti daw kasi kung hahayaan nila na mabuhay nang normal si Gloria habang kaya pa nito..
para rin daw kasi yun kay Z, para masulit niya yung mga panahon na kasama niya ang kanyang Mommy La...
sa therapy class..
kinausap na ni Sheila si Paeng habang nag-e-exercise sila..
pasensya na daw kung hindi siya kaagad nabati nito noon, nagulat din daw kasi siya na makita ang ex-boyfriend niya..
naikuwento nga ng babae na na-inspire siya dahil sa nakilala niyang Alzheimer's patient na laging nakikinig sa mga gig niya sa bar..
at parang naging calling nga niya yung pag-mu-music therapy sa mga pasyente nung ganung sakit..
si Paeng naman daw ay pinag-aaralan yung mga teknik sa klase para mai-apply rin nila sa bahay nila..
nag-offer naman si Sheila ng tulong..
at nasabi nga ng babae na ang laki ng ipinagbago ni Paeng simula noong huli niya itong nakita..
natuwa naman si Mommy Glo nang makita ang 2 dating magkasintahan...
ilang araw pa bago yung outing, excited na nag-impake si Mommy Glo..
halos ilagay nga niya sa maleta lahat ng laman ng cabinet niya..
sinasaway niya din si Ate Melba sa pag-aayos sa kanya..
ipinaalala niya kay Amanda na ipagpaalam na siya sa thepery niya (yung tawag niya sa therapy), at nagkunwari naman si Amanda na tinawagan niya yung head teacher nung class..
pero hindi daw yun ang tinutukoy ni Mommy Glo, si Sheila daw..
pinatawagan ng matanda si Paeng para i-invite nito si Sheila na sumama sa outing nila..
after that ay ibinilin nang papaalis na si Amanda na sakyan na lang ni Ate Melba yung trip ni Mommy Glo...
sa lugar ng therapy class..
personal na pinuntahan ni Paeng si Sheila para iparating dito yung invitation ng kanyang ina..
pero sorry daw at hindi siya makakasama dahil may class siya sa araw na yun..
besides that, eh nakakahiya daw sa family nina Paeng dahil hindi naman siya parte ng pamilya..
nasabi na lang ni Paeng na tama nga, dahil hindi naman sila, at halatang nanghinayang siya..
napa-konting smile na lang si Sheila...
4:00 AM na napatulog ni Z si Mommy Glo..
pa-late na daw nang pa-late ang oras ng tulog nito...
kinaumagahan naman, excited na nagising si Mommy Glo..
outing na daw..
sinabi naman ni Peter na hindi pa..
nasabi rin ng biyudo na bagay dito yung isinukat niyang damit...
that night..
nagsabi si Andrei na hindi na siya makakasama sa outing, may biglaang duty kasi siya eh..
susunod na lang daw sila ni Ken kapag may oras pa..
hayaan daw ng ina, kapag may sarili na daw siyang puwesto eh mas marami na siyang oras para makasama silang pamilya niya..
after that, eh natulog na si Mommy Glo na suot yung damit na nabati ni Peter, para daw ready na siya pagkagising niya...
kaso, kinabukasan..
7:00 AM nang subukang gisingin ni Z ang kanyang Mommy La, inawat naman ito ni Amanda dahil 4:00 AM na naman daw ito natulog..
hanggang sa umabot na ng lampas 12:00 NN, pero hindi pa rin nagising ang pasyente..
sinubukan siyang gisingin ng lahat pero walang nangyari..
may pulso naman daw ito sabi ni Peter..
nag-research naman si Z sa internet at nalaman na normal lang yun sa ibang pasyente ng Alzheimer's, pero kumonsulta na rin daw sila sa doktor..
kaya ipinatawag na ni Peter si Dra. Bautista..
hindi na tuloy natuloy yung outing...
pagdating ng doktor noong gabi..
normal lang naman daw ang vital signs ni Mommy Glo..
dahil nga daw sa pagpupuyat ng pasyente ay yung katawan na nito mismo yung nagdikta na mag-rest naman ito..
pero kung bukas daw ay hindi pa rin ito gigising, ay mabuti pa daw na dalhin na rin nila ito sa ospital para magawa nila yung dapat na gawin...
bago tuluyang umalis yung doktor..
natanong ni Mareng Lydia kung paano ba nila mababalik sa normal ang sleeping pattern ni Gloria..?
basta bigyan daw nila ito ng physical activities, tamang oras ng pagkain, at tamang oras rin ng pag-inom ng gamot..
bawal daw itong uminom ng gamot 4 hours bago ito matulog..
ni-note naman ni Peter ang lahat ng bilin ng doktor..
naulit rin nga ni Peter yung nangyari kay Z at sa graduation rin nito..
nag-aalala naman si Mareng Lydia na baka kung ano na naman ang mga masabi ni Gloria..
natanong tuloy ni Dra. Bautista kung ano ba ang tinutukoy ng bestfriend ng pasyente...?
was feeling , mukhang nabawasan ng timbang si Sheila ah...?
>
[K-ture / TV Series]
Love in the Moonlight
yung pakiramdam na hindi ka makapanood ng magandang Koreanovela dahil lagpas na yung time slot nun sa oras ng pagtulog mo... :(
feeling , sa commercial na lang makikibalita ng mga kaganapan...
---o0o---
March 8, 2017...
may 35th retirement na..
pero isang bagong recruit lang naman..
hindi big deal...
was feeling , hindi kawalan ang mga A Cup...
>
[TV Series]
The Greatest Love
short summary lang, dahil may padasal kanina kaya hindi magamit yung may sound na TV...
hindi ko naintindihan kung ipinaalam na ba ni Peter kay Dra. Bautista yung mga itinatagong lihim ni Gloria...
nag-sorry si Amanda kay Z dahil hindi na natuloy yung outing nila...
kinain na nila yung mga baon sana nila..
sinabihan ni Peter ang mga bata na kailangan nilang kumain para may lakas sila sa pagbabantay sa kanilang pasyente...
tinugtugan at kinantahan ni Paeng ang kanyang natutulog na ina nung request nito na wedding song..
nakisabay naman si Peter, at hinayaan lang siya nung binata...
shifting ang ginagawa nilang pagbabantay kay Mommy Glo, para naman makapagpahinga rin silang lahat...
hanggang sa medyo nagtalo na sina Amanda, Andrei, at Paeng kung dadalhin na ba nila ang kanilang ina sa hospital..
narinig sila ni Mr. A at pinuntahan sila nito..
ibinilin na muna ng biyudo ang pasyente kay Z..
inawat nga ni Mr. A ang magkakapatid sa pagtatalo nila, at pinag-usapan nila kung ano nga ba ang kanilang gagawin...
hanggang sa may narinig sila na tumutugtog ng tambourine, kaya kaagad nilang pinuntahan si Mommy Glo..
si Z lang pala yung tumutugtog..
sumali na rin si Paeng gamit ang kanyang gitara..
hanggang sa nag-move na si Mommy Glo habang natutulog pa rin..
maya-maya nga lang ay nagising na rin siya nang tuluyan..
isa-isa siyang niyakap ng lahat..
at ang pasyente naman ay parang walang-malay sa kung ano ang nangyari sa kanya...
was feeling , iba talaga ang mayayaman - tuloy pa rin ang outing...
>
[V-League]
UAAP Season 79 - Round 2
AdU versus NU
naman!
kaya naman nilang makipagsabayan eh..
dumidikit nga sila sa NU eh, at lumalamang pa nga..
pero hindi nila magawang consistent...
nasasayang tuloy yung effort ni Galanza na lumaban..
2 na yata yung triple-double niya noong Round 1, pero nauwi lang yun sa wala... :(
DLSU versus FEU
hindi ko rin 'to napanood dahil sa padasal..
WTF!??
overkill sa first set, 25 - 5...
was feeling , Round 2 na...
>
ano ba 'to..?
ang sabi ko noon eh February yung target ko..
pero first whole week na ng March pero wala pa rin...
una, delay sa pagkubra ko nung kumpletong pondo..
tapos ngayon naman eh hindi daw possible yung delivery nung mga component na kailangan ko this week (na nauna nang naging claim nila)..
baka daw next week pa ulit...
ang problema, nag-offer sa akin ng ibang build kanina..
same price, nagpamura pa nga ng assembly fee eh..
mabuti na lang at nag-research ako..
eh balak pa yata akong ipahamak dun sa UPS..
bulok palang brand yung Secure na iniaalok sa akin eh..
mas mura pa kesa dun sa Chloride ko dati na mahigit 2 years lang ang itinagal...
pakiramdam ko tuloy eh balak lang talaga akong bentahan ng mga yun ng tira-tira nilang items eh... :(
was feeling , ano bang ibig sabihin ng mga delay na 'to...?
---o0o---
March 9, 2017...
[TV Series]
The Greatest Love
nalimutan na pala ni Mommy Glo na bahay niya yun..
dahil dun, habang kumakain yung matanda ay nag-play si Z ng mga video mula sa panahon na nakatira na ang Mommy La niya doon..
kasama rin nga dun yung pamamanhikan ni Peter..
naulit naman ni Z na mag-a-outing nga sila dapat bilang celebration para sa kanyang graduation, pero napasarap nga ang tulog ng matanda..
dahil dun sa topic ay nagyaya ngang mag-outing ang pasyente..
sinabi naman ni Peter na bukas na bukas din daw matapos nilang makapagpahingang lahat, nagtaka pa si Mommy Glo kung bakit sila napagod..
sa sobrang excited ng matanda eh nagyaya na ito na matulog na silang lahat para daw outing na pagkagising nila...
sa outing, si Y na muna ang official photographer at videographer ng pamilya..
hindi na sila natuloy sa Batangas, at kumuha na lang ng lugar na may private pool..
habang nagbabangi, minabuting magpasalamat ni Paeng sa pagbabantay ni Mr. A sa kanilang ina habang nagpapahinga sila..
si Amanda naman ay nangingiti na tinitingnan yung 2, kaya nabati siya nina Andrei..
na-appreciate niya daw kasi yung effort ni Mr. A sa pag-aalaga sa kanilang ina at pati na rin yung mabuting pakikisama nito sa kanilang lahat..
napatawag rin si Lizelle at binilinan ito ni Andrei na umuwi na kaagad...
hanggang sa nag-swimming na ang karamihan..
dahil sa tubig nung pool ay naalala ni Mommy Glo ang Tabing Ilog..
niyaya niya tuloy si Peter na maglangoy sa ilog sa Tabing Ilog, pero nasaan na daw ang bangka nito..?
sinabi naman ng biyudo na papasyal sila minsan sa kanilang probinsiya..
isasama daw nila ang lahat, basta bago sila magpakasal..
dahil dun ay ini-announce na yun ni Mommy Glo sa buong pamilya...
gabi na, pero ayaw pang umahon ni Mommy Glo sa pagbababad ng paa sa pool, pero nakumbinsi rin naman siya nina Peter at Mareng Lydia..
excited na sina Andrei at Ken na pumasyal sa Tabing Ilog, pero kailan ba daw..?
sa lalong madaling panahon daw ang sagot ni Mr. A..
matapos daw kasi yung insidente ng mahabang pagtulog ni Gloria eh parang gusto na niyang madaliin ang mga bagay-bagay..
after that eh sinaluhan naman ni Mr. A si Paeng..
dahil sa beer eh naalala at naikuwento ng biyudo yung unang pagsubok sa kanya noon ng Tatay Zosimo ni Gloria..
sina Gloria daw yung may kaya noong panahon na yun, samantalang siya eh mahirap lamang..
pero si Gloria daw ang naging inspirasyon niya para magsumikap sa buhay..
(parang gusto niyang iparating kay Paeng na magsumikap rin ito para naman kay Sheila)...
si Z naman ay nagpasalamat kay Y para sa pagsama nito sa outing, sa pag-volunteer nito bilang taga-kuha ng pictures at videos, at sa support nito para sa pamilya nila..
hanggang sa nagkulitan at nagbasaan na yung 2 bagets, dahilan para umirap si Amanda..
maglalapit na sana yung mga mukha nung 2 bata, pero napigil sila ni Amanda na nagpatawag na ng dinner...
sa dinner, nagpasalamat si Z sa lahat habang kinukunan ni Y ng video ang mga pangyayari..
si Mommy Glo naman eh patingin-tingin lang sa mga mukha ng tao doon sa hapag..
hanggang sa natanong na ni Y si Mommy La kung ano bang message nito para kay Z..?
pero nasaan ba daw si Z..?
nagpakilala si Z, pero sinabi ni Mommy La na sino daw ito dahil hindi niya ito kilala..
sinubukang ipakilala ni Amanda ang kanyang anak..
pero hindi daw yun si Z, dahil bata at nasa elemtary pa lang ang kanyang apo..
sa puntong yun ay naiyak na si Z sa harapan ng kanyang lola..
bakit daw ito naiyak..?
pero wala ng makapag-explain sa kanya ng nangyayari, parang lungkot at panghihinayang na lang yung makikita sa mukha nilang lahat..
pero dahil likas na mabuting tao si Mommy Glo ay pinatahan niya at niyakap ang binatilyo...
was feeling , lagot na, yung pasyente na nga yung madudulas para lumabas yung mga iniingatan niyang lihim...
---o0o---
March 10, 2017...
[TV Series]
The Greatest Love
niyakap nang mahigpit ni Z ang kanyang Mommy La hanggang sa inawat na siya nito dahil hindi na daw ito makahinga..
sinabi ng pasyente kay Peter na pauwiin na nito si Totoy dahil umiiyak ito at baka hinahanap na ito ng kanyang nanay...
nanonood si Z sa camera niya, sinamahan siya ni Y..
dumating si Amanda, at binigyan naman ni Y ng privacy ang mag-ina..
alam naman daw ng bata na mangyayari nga yun eh, pero hindi niya in-expect na ganung kabilis...
samantala, magkausap naman sina Mommy Glo at Mareng Lydia..
may nagawa ba daw siyang masama ang tanong ng pasyente..?
sinabi naman ng kanyang bestfriend na wala..
tanda ng pasyente ang kanyang mga anak, pati ang kanyang bestfriend, pero hindi ang binatilyong Z..
gusto daw niyang makausap si Guwapong Totoy, kaya ipinatawag niya ito kay Mareng Lydia...
pagdating ni Z..
nag-sorry ang matanda kung nasaktan niya ang binatilyo..
hindi naman daw niya nasaktan si Z, at ipinakita nga sa kanya ng apo yung video message na ginawa niya noong naaalala pa niya ito..
basta kahit anong mangyari daw ay siya ang paboritong apo ng kanyang Mommy La, at hindi daw siya magsasawa na ipaalala ito sa matanda..
after that ay pinatulog na ni Z ang kanyang Mommy La...
sinamahan ng binatilyo ang iba pa sa living room..
may hihingin daw siyang tulong sa kanilang lahat...
kay Mareng Lydia ay humiram siya ng photo album ng mga lumang pictures ng pamilya nila...
sa clinic naman..
napansin nga ni Dra. Bautista na mas naka-focus na yung alaala ni Mommy Glo sa nakaraan nito..
tila may ideya na nga ang doktor tungkol sa itinatago ng pasyente, kaya iwasan na lang daw nilang maalala nito yung tungkol sa masasamang bagay..
tataasan na rin daw nila ulit yung dosage ng mga gamot ni Mommy Glo para mas mapabagal yung development ng sakit nito...
sa coffee shop..
tinulungan nina Y, Andei, at Ken si Z na gumawa ng family picture..
binigyan din ni Y ng t-shirt ang binatilyo na may malaking titik Z, para daw hindi siya tinatawag na Totoy ni Mommy La..
meron rin namang t-shirt ang dalagita para sa sarili niya na may malaking Y...
ibang araw na..
ipinaalala ni Peter kay Gloria na kailangan nitong mag-exercise..
para ba daw maging sexy siya sa kasal nila..?
hindi daw, bilin daw yun ng doktor ni Gloria para maging malusog siya..
at naulit nga rin ni Peter na balak na niyang mag-retire sa trabaho para ilaan ang lahat ng kanyang oras kay Gloria...
dumating naman si Paeng na may good news..
nakahanap daw kasi siya ng scholarship kaya nag-exam siya para makabalik sa pag-aaral..
hindi naman daw kailangan ng scholarship dahil may pera naman daw si Mommy Glo..?
pero sinabi ni Paeng na gusto niyang magsumikap para maging proud sa kanya ang kanyang ina..
at sinabi naman ni Mommy Glo na talagang proud siya sa kanyang anak..
binati rin ni Mr. A ang binata...
ready na yung family picture, nakakabit na sa wall ng bahay ni Gloria..
tinawag na ni Z ang kanyang Mommy La para ipakita dito yung ginawa nila..
may mga kasamang kid pictures at baby pictures yung family picture nila..
nakita nga ni Mommy La yung picture ni Z noong bata pa ito, at ipinakilala niya yun kay Z, yun daw ang kanyang apo..
tapos ay nagkuwento nga siya sa binatilyo tungkol sa kanyang mga anak..
si Lizelle daw ay itinago niya dahil ayaw ni Andres na may makaalam na hindi niya ito anak..
si Paeng naman daw ay sugarol..
si Andrei daw ay napapagalitan ni Andres dahil bakla ito..
tapos ay si Amanda na..
maganda naman yung simula nung istorya ni Mommy Glo..
partner daw sila, dahil katuwang niya ang kanyang panganay sa pagpapalaki sa mga kapatid nito noong hindi pa ito galit sa kanya..
pero after that ay parati na lang daw siya nitong sinasaktan..
hindi lang daw alam nito na malaki ang isinakripisyo ng kanyang ina para sa kanya, untik na daw siyang nakagawa ng malaking kasalanan, untik na daw siyang naging kriminal nang dahil kay Amanda..
nagulat si Amanda sa pahayag ng kanyang ina, kaya tinatanong niya ito kung anong ibig nitong sabihin..?
sina Peter at Mareng Lydia naman ay sinusubukang i-distract na si Gloria para hindi nito masabi ang kanyang mga lihim...
was feeling , unti-unti nang mari-reveal ang tungkol sa mga bagay-bagay next week...
>
ilang araw na akong nagre-reorganize ng mga files ko...
andaming mga patapon na..
iba pa kasi ang panlasa ko sa mga bagay-bagay noong mas bata pa ako ng konti eh...
pero ang pinaka-matrabaho talaga sa lahat ay ang pag-track sa mga redundant files..
at ang pagre-rename para lang magkasama-sama at magkasunud-sunod sila...
pero 19 GB worth of data pa lang yun...
was feeling , kailangan ko na ng regalong 1 TB External Hard Disk sa December...
No comments:
Post a Comment