Friday, March 17, 2017

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of March 2017 (Number 2)

may bago na nga akong partner..
hindi ko pa sigurado kung hanggang kailan..
sana hanggang 5 years nang wala namang problema..
at hopefully hanggang mga 10 years of service...

---o0o---


March 11, 2017...

[V-League]

UST versus UE

binastos ang UE ah..
pinahinga sina Laure, Rondina, pati na rin sina Cortez at Meneses..
iwas injury nga naman...

sana nagkampi na lang sina Galanza at Adorador, at si Arado din...


ADMU versus UP (Season 79 - Battle of Katipunan Part 2)

hindi maganda ang pag-graduate ni Gaiser dahil out na siya sa buong Season...

best game naman ng Ateneo na napanood ko this Season..
walang masyadong error at wala ring masyadong natapon na mga atake, halos lahat eh pasok sa zone..
kung may igaganda pa ang mga laro nila - yun eh kung magagawa nilang zero service error...

15, 14, 15 ang score ng UP for 3 sets..
ni hindi man lamang umabot sa katumbas ng 2nd Technical Timeout eh...

was feeling , kapag natalo ng ADMU ang NU sa 2nd Round, pwede na sila sa Finals...

---o0o---


March 12, 2017...

ang good news..?
bumalik naman kahit papaano ang presyo ng mantika..
from Php 218 sa loob ng maraming linggo eh bumaba na sa Php 210 (bale parang 2 beses rin yun, from Php 218 at 215)...

ang unang bad news..?
mukhang T-Th-S na lang ang schedule ni Emoji-Girl..
last time ko kasi siyang nakita was a Tuesday..
eh Sunday at Wednesday pa naman ako madalas na namimili... :(

ang ikalawang bad news..?
tumaas na nga ang presyo ng 3 in 1 na kape gaya ng sinabi sa news..
bale, hindi na kayang ibenta ng Php 6.00 lamang..
ano kaya ang magiging reaksiyon dito ng mga kliyente ko...?

was feeling , wala yung mga cute tuwing M-W-F-Su...

>
[V-League]

AdU versus FEU

pwede bang award-an si Galanza ng Best Key Player Award..? :(
sobrang deserving ng babae na 'to, kulang lang talaga sa consistent na mga kakampi eh...


DLSU versus NU

si Jaja rin, kulang ng consistent na mga kakampi...

regarding ADMU..
yun nga siguro yung maganda sa current lineup nila..
wala silang inaasahan na Ace Player, kaya na-distribute sa bawat player yung responsibilidad na magtrabaho sa court..
hindi gaya dati na kapag sira ang laro ni Valdez eh parang nadi-discourage na rin yung iba..
sana nga eh walang magsabay-sabay sa kanila na pangit ang laro sa mga susunod na games...

was feeling , hindi sanay si Gumabao sa ganito...

>
done reorganizing 3 GB of data..
870 MB rin yung nalinis ko na basura...

next target 4 GB na flash drive backup...

gumawa na rin ako ng backup ng mga key 3D components ko sa online drive...

was feeling , para sa darating na bagong hard disk...

---o0o---


March 13, 2017...

[V-League]

okay lang yung ginawa ni Coach Airess..
understandable naman yun dahil parang ngayon lang siya nakahawak ng hindi sobrang palaban na team sa coaching career niya..
kailangan niyang i-motivate ang Lady Falcons sa kahit na anong paraan na posible..
kung hindi nila magawang mabuhayan para sa pangalan ng university nila o para sa karangalan ng team nila, parang tama lang na subukan ring gamitin yung negative approach...

kailangan na rin niyang trabahuhin ang recruitment kung siya pa rin ang coach ng AdU sa isang taon...

was feeling , ipasok na kasi si Gumabao, haha...

>
17 days...

haaay..
kung alam ko lang na aabutin pa ng mahigit 1 week bago mabuo yung unit, edi sana nagpa-assemble na ako noon pa lang nakumpleto na yung pondo kahit sa dokumento pa lamang..
tutal eh hindi rin naman kailangan ng downpayment eh..
edi sana buo na yung unit noong time na on hand na yung buong pera...

what a waste of time...

ang problema ko eh paano kapag lumagpas pa sila sa 2 weeks..
wala naman akong sasakyan para dumayo pa sa Gilmore... :(

was feeling , para saan ba 'tong delay na 'to...?

>
[TV Series]

The Greatest Love 

gustong hayaan ni Amanda na magsalita pa si Mommy Glo..
pero inaawat na ito nina Mareng Lydia at Mr. A..
inawat na rin si Amanda ng mga kapatid niya...

pero nakasunod pa si Amanda sa kuwarto ni Mommy Glo..
sa labas na lang ng silid siya kinausap ni Mareng Lydia..
alam daw ni Amanda na may nalalaman ang tita niya dahil dini-distract nito ang kanyang ina..
kaya naman nagpalusot na lang si Mareng Lydia, kung anu-ano na daw talaga ang nasasabi ng bestfriend niya...

napapaisip pa rin ang panganay ni Mommy Glo..
sinabi naman ni Andrei na hindi na alam ng kanilang ina ang mga sinasabi nito..
pero naniniwala si Amanda na kahit na ganun ay part pa rin ng memories ng pasyente yung mga sinasabi nito..
kaya naman naku-curious talaga siya sa ibig sabihin ng kanilang ina...

paalis na sina Peter at Mareng Lydia..
nag-aalala daw ang babae..
muli tuloy siyang natanong ng biyudo, ano naman daw yung tinutukoy ni Gloria na untikan na itong maging isang kriminal..?
at muling ngang napagtagpi yung kuwento sa isip ni Peter..
una ngang naging option ni Gloria na ipalaglag ang kanyang panganay, pero hindi niya yun itinuloy..
huwag daw sanang magbabago ang tingin ni Peter sa kanyang bestfriend dahil sa nalaman niya..
wala naman daw siyang karapatan na husgahan si Gloria considering nga yung masamang pinagdaanan nito..
kung ganun daw ay pinakasalan ng babae si Andres para sa bata..?
sinabi naman ni Peter na ayaw rin nga niyang masaktan si Amanda..
hindi daw sigurado ni Mareng Lydia na mapoprotektahan nga ni Peter ang lihim ng kanyang kaibigan kapag nakasal na yung 2, kaya ano daw kaya kung aminin na lang nila yung totoo...?

sa coffee shop..
maagang nag-out si Y, may friendly date daw kasi sila ni Z, kaya nabiro tuloy siya nina Andrei, Ken, at Paeng..
sa labas ay hinihintay na pala siya ng binatilyo na may dalang flowers para sa kanya..
nasurpresa din ang dalagita, para saan daw yun..?
bilang pasasalamat daw sa naging tulong nito regarding kay Mommy La..
at bilang simula na rin daw ng panliligaw, kahit na alam niyang nag-promise na siya noon na studies ang priority nilang 2..
dahil sa sitwasyon kasi ni Mommy La, na-realize daw ni Z na masyadong unpredictable ang future, at ayaw niyang maghabol pa sa panahon if ever..
sinabi naman ni Y na gusto rin niya yung feeling nang maligawan at pahirapan rin naman ang kanyang manliligaw, kahit na future boyfriend pa niya si Z..
okay lang naman daw yun kay Z, dahil talaga namang paghihirapan mo kapag mahal mo...

dumating na sina Lizelle at Sandro..
pero hindi na kilala ni Mommy Glo si Sandro..
nalaman niyang boyfriend ang binata ng kanyang bunso kaya nagpakuwento siya dito..
kinausap naman ni Peter si Lizelle..
lumalala na daw ang lagay ng ina nito..
dahil dun ay gusto niyang si Lizelle na ang maging OIC ng kompanya nila, kasama na rin Sandro..
dahil magreretiro na siya para tutukan si Gloria..
nalaman daw kasi ni Peter yung nangyari kay Sandro sa Macau..
unfortunately, naloko ito ng recruiter at ibang trabaho ang ibinigay sa binata nung andun na ito..
sa bansa na lang daw sana sila magtrabaho..
hindi naman kaagad makapagdesisyon si Lizelle dahil alam niyang malaking responsibilidad yun..
pero sana daw ay pag-isipan ito nang mabuti ng kanyang anak para na rin sa ina nito...

habang natutulog si Gloria..
naisip ni Peter na parang ayaw na niya itong iwanan..
natatakot siya na baka makalimutan na rin siya nito, o di kaya ay baka matulog na ulit nang matagal...

sa kusina, uminom si Peter ng gamot at nakita siya ni Lizelle..
para saan daw yun..?
sinabi naman ng kanyang ama na pain reliever lang para sa sakit ng ulo..
siguro daw ay nahihirapan na ito sa pag-aalaga kay Mommy Glo..?
at nabanggit nga ni Peter na hindi dapat napapagod ang taong nagmamahal...

ibang araw na ulit..
natanong ni Mommy Glo kay Mareng Lydia kung bakit hindi pa nauwi sa bahay nila si Pogi..?
naisip pa ni Mommy Glo na baka si Ate Melba ang ina ni Z..
dumating naman si Amanda at minabuting samahan ang ina sa paglalakad..
inawat ito noong una ni Mareng Lydia, may physical activities na daw silang ginawa..
pero mas makabubuti pa rin daw sa pasyente yung walking..
ginustong sumama ni Mareng Lydia, pero hindi rin ito hinayaan ni Amanda..
nahalata naman ni Z na nag-aalala nga si Mareng Lydia sa kung anong posibleng masabi na naman ni Mommy Glo...

naglalaro si Mommy Glo ng tubig sa swimming pool nila..
sinabihan niya si Amanda na dapat happy lang sila..
pero sumagot naman ang kanyang panganay na mahirap maging happy..
bakit daw..?
at inulit nga ni Amanda na may mga nasabi na naman kasi sa kanya si Mommy Glo noong isang araw..
kaya naman gusto daw niyang malaman yung totoo..
sinabi naman ng ina na sasabihin niya ang lahat basta ba't bati sila ni Amanda...

was feeling , natae na yata sa pantalon...?

---o0o---


March 14, 2017...

may schedule daw ulit ng brownout bukas...

wala na namang The Greatest Love..
mami-miss ko rin ang laban ng UP..
tsaka ang laban ng ADMU, medyo delikado pa namang kalaban ang UST...

was feeling , Wednesday pa talaga eh.. tsk, tsk, tsk...

>
[Movies]

The Cabin in the Woods

anlupit pala nun..
pinaghalong high level technology, paranormal, at mythical...

ipinapapatay ang mga tao sa sari-saring horror creatures bilang alay sa The Ancient Ones..
kailangan talaga na sa brutal na mga paraan pa mamatay yung mga tao sa kamay ng kung anu-anong nilalang dahil mas nasa-satisfy yung mga sinaunang diyos sa ganung paraan ng pag-aalay...

was feeling , mas malupit yung ending kung saan hinayaan na lang nilang makawala yung isang Ancient One para lipulin na lang ang sangkatauhan...

>
[TV Series]

The Greatest Love 

kaya tinanong na nga ni Amanda ang kanyang ina kung ano yung tinutukoy nito..?
may katinuan na naalala ni Mommy Glo ang tungkol sa mga itinatago niyang lihim, kung kaya't sinabi na lang niya na "mali yun"..
kinukulit siya ni Amanda kaya nag-iiyak na siya..
nagmamakaawa naman ang panganay na sabihin na yun sa kanya ng kanyang ina bago pa ito makalimot muli..
dumating naman sina Mareng Lydia at Z na narinig yung pag-iyak ni Mommy Glo, at ipinasok na nila ang pasyente sa loob ng bahay...

saktong dating naman ni Andrei..
napa-praning at stress lang daw siguro si Amanda..
huwag na daw nitong ipilit yung gusto niya o baka masaktan lang silang 2 ng kanilang ina...

nagi-guilty na rin si Andrei na hindi siya masyadong makatulong sa pag-aalaga kay Mommy Glo..
in-open naman ni Ken yung topic tungkol sa adoption, para daw mag-level up naman yung relationship nila..
pero hindi pa daw kaya ni Andrei yung ganung karagdagan na responsibilidad lalo na ngayon..
nagtampo naman si Ken dahil parang walang time para sa kanya ang kanyang boyfriend, kaya nag-walkout ito...

si Mareng Lydia naman..
nasa poder nga niya yung mga binalak na sunugin na mga sulat ni Mommy Glo..
nagdasal na lang siya sa itaas na tulungan pa ang kanyang bestfriend...

balik sa bahay..
kinukumbinsi nina Andrei at Z si Mommy Glo na uminom ng tsaang luya nito..
pero iginiit pa nito na wala siyang sakit..
dahil dun ay binola na lang siya ni Andrei na kesyo nakakabawas ng taba yun, at maganda rin para sa memorya..
dahil dun ay madali nilang nakumbinsi ang matanda na inumin na ang kanyang tsaa...

nakipagkita naman si Amanda sa Tita Stella niya..
mukhang invited yung isa sa kasalan..?
naulit pa ni Stella na masama ang loob niya na nasunog yung ancestral house nila..
pero hindi na niya sinisisi si Mommy Glo dahil sa karamdaman nito..
minabuti na rin ni Amanda na magtanong-tanong sa kanyang Tita..
alam ba daw nito kung paano nagsimula ang relasyon ng kanyang mga magulang..?
may sinasabi daw kasi si Mommy Glo tungkol sa ginawa niyang sakripisyo para kay Amanda..
sinabi naman ni Stella na walang ginawang sakripisyo si Gloria, na nagbuhay senyorita pa nga ito sa piling ni Andres..
totoo daw na naging mabuti itong ina sa mga bata, pero kailanman ay hindi daw ito naging mabuting asawa kay Andres..
eh ano daw kaya yung tinutukoy nito na untikan na siyang maging kriminal..?
baka daw yung pakikiapid ang pinatutungkulan ni Gloria, dahil kasalan rin yun..
napaisip naman si Amanda na kung hindi mahal ng kanyang ina ang kanyang ama eh bakit sila ikinasal at bakit siya nabuo..?
pero wala rin daw naikuwento noon si Andres tungkol sa mga nangyari bago lumipat si Gloria sa San Ildefonso..
subukan na lang daw ni Amanda na pumunta sa Bagong Ilog, at baka doon siya makahanap ng kasagutan sa mga tanong niya...

schedule na ng fitting ng wedding gown..
excited na si Mommy Glo na magsukat..
saktong dating naman ni Amanda, at tinulungan na niya ang ina na magsukat..
pero dahil sa wedding gown, biglang naalala ni Mommy Glo ang tungkol sa nakaraan habang nakaharap din sa salamin (gaya rin noon)..
pinipili daw niyang magpakasal kay Andres dahil ayaw niyang lumaki na walang ama si Amanda..
pasensya na rin daw kung noong simula ay hindi niya gusto, hindi niya mahal, at sinubukan pa niyang ipalaglag si Amanda..
na-shock si Amanda at nagsimulang maiyak..
nagpatuloy naman sa pagsasalita si Mommy Glo..
pasensya na daw, hindi na naman daw niya yun sinasadya at nadala lang siya ng malaking galit niya..
pero noong nakikita na niya ang anak ay nalaman niya na hindi siya nagkamali na buhayin ito, mahal na mahal daw niya ito..
totoo ba daw na ginusto siyang ipalaglag ng kanyang ina, ang tanong ni Amanda..?
humarap pa ang walang muwang na si Mommy Glo at paulit-ulit na humingi ng tawad..
nasabi naman ni Amanda na andami-daming sumbat sa kanya ng kanyang ina, pero ito pa pala yung nakaisip na gawan siya ng masama noon..
dumating naman si Andrei na inakala na tears of joy lang yun ng kanyang Ate Amanda..
dahil dun ay inihabilin na muna ni Amanda ang ina kay Andrei...

nakabihis na si Mommy Glo sa tulong ni Ate Melba, pero umiiyak pa rin si Amanda sa kuwarto niya..
sobra itong nasaktan sa mga nalaman niya..
nabanggit ni Andrei na umiiyak nga ang kanyang kapatid, kaya tila nag-alala si Mommy Glo at ginusto niya itong puntahan...

pero sa pag-akyat ni Mommy Glo sa 2nd floor, bigla naman siyang nakaramdam at dumiretso na sa banyo..
hanggang sa narinig na lang siya ni Amanda na humihingi ng tulong..
pagpasok ng banyo, nagulat na lang si Amanda na nagkalat na ang tae ng kanyang ina; sa kamay, sa pader, sa damit, at sa sahig..
gaya noon, nakaramdam ng hiya ang pasyente kaya pinaaalis na niya ang kanyang panganay..
pero lilinisan na daw siya nito..
dahil sa pagpigil ni Mommy Glo sa kanyang panganay ay nahawakan tuloy niya ito sa mga braso..
kalat ang tae sa mga braso ni Amanda, pero hindi niya yun ininda..
muli niyang nilapitan ang pasyente, pero sa pagkakataon na yun ay sa mukha na siya nahawakan ng kanyang ina..
kalat ang tae sa kaliwang pisngi ni Amanda..
sa puntong iyon, at dahil na rin sa sama ng loob niya kay Mommy Glo, ay hindi na napigilan ni Amanda na sabihin na "sobra na" daw yun...

was feeling , umabot na rin sa ganung punto yung blood aunt ko...

>
[Gadget Related]

bad news...

been experiencing corrupted jpeg files...

hindi naman 'to yung first time na na-experience ko siya..
i believe naka-encounter na ako ng ganun sa luma kong unit, pero through downloading lang..
at ang na-experience ko pa noon ay yung incomplete yung downloaded image at pinunuan na lang ng black color yung mga blank na pixels...

pero yung ibang version ang na-e-experience ko ngayon..
ginagawa niyang lighter yung kulay nung sirang portion nung image, at sinisira niya rin yung tamang mapping...

i lost 2 files kanina..
tapos na rin akong mag-reorganize ng mga flash drive files ko..
nadaanan ko naman lahat nung files, pero ang masama eh nasira yung mga files habang ginagamit ko mismo..
okay naman yung mga thumbnails nila noong una..
pero bigla na lang na-disorient gamit yung Windows Photo Viewer, tapos eh nasira na rin yung thumbnail...

hindi yun magandang pangitain lalo na at nag-aayos nga ako ng mga files ko... :(

was feeling , shit! nakasama pa yata yung pag-delete ko sa mga thumbs.db files...

---o0o---


March 15, 2017...

[Gadget Related]

shitty!
may tinamaan rin sa mga pdf file ko..
naging corrupted din..
so far, isang content lang naman sa loob ng pdf file...

was feeling , kakailanganin ko pa yata ng pang-repair ng mga jpeg...

---o0o---


March 16, 2015...

[V-League]

UP versus UE

sila yata yung Game 1..?
brownout tsaka nasa mall ako kahapon eh..
pero mukhang panalo ang UP base sa updated standings...


ADMU versus UST

ganun pa rin talaga ang ADMU..
medyo nawawala yung focus kapag nakikita nila na nakakahabol na ang kalaban...

at regarding Morado, not being part of the National Team..
sayang, pero ganun talaga, ibang tao ang nagdedesisyon eh..
sana lang eh ma-improve nga ang laro ni Baliton kapag nasa National Team na siya - para hindi naman sayang yung height niya...

was feeling , focus muna sa UAAP...

>
pa-request naman po..
pwede nyo po ba akong ipagdasal...?
  1. gusto ko po sana na walang mangyaring aberya sa bagong desktop ko for the next 5 years (unlike yung mga nangyari sa una kong unit noong bago pa lang yun)
  2. gusto ko po sana na umabot man lamang sa at least 10 years yung lifespan niya para naman masulit ko yung value niya (meron po kasing mga computers na arawan ang trabaho pero tumatagal naman hanggang mga 8 years)
  3. regarding my cyst, gusto ko po sana na hindi naman lumala yung kondisyon nun considering nga na 'open' na siya, hanggang magkaroon na rin po ako ng pagkakataon para pag-ipunan ang pagpapatanggal ko sa mass na yun...

was feeling , hindi pa akong pwedeng magsaya hangga't hindi pa siya umaabot sa 2022...

>
[TV Series]

The Greatest Love 

basta nagalit si Amanda dahil binalak siyang ipalaglag ng kanyang ina..
muli siyang nagtanong kay Mareng Lydia..
at nagtanong na rin siya kay Mr. A considering na ang biyudo ang first boyfriend ni Mommy Glo, paano ba daw nakapasok sa eksena ang tatay niyang si Andres..?
pero hindi sinabi ng 2 ang totoo...

hanggang sa naisip ni Amanda na ang ina niya ang may kasalanan ng lahat..
na kesyo pinagsabay nito noon sina Mr. A at Andres..
at dahil sa kahihiyan kaya siya binalak nitong ipalaglag...

sa hapag, muling nagkayayaan ang pamilya na pumunta sa Bagong Ilog..
niyaya ni Z ang kanyang Mom, pero tumanggi ito dahil sa galit niya kay Mommy Glo, at nagdahilan na lang na may trabaho siya..
kung ganun daw ay hindi na rin sasama si Z..
at umayaw na rin nga ang pasyente dahil hindi na naman daw kumpleto ang kanyang pamilya...

sina Andrei at Ken naman ay nagka-ayos na pala..
nagpa-schedule na ulit si Andrei sa adoption center, dahil naisip nga niya na hindi na sila bumabata, at na nagre-request rin naman daw si Mommy Glo ng bagong apo..
kung ganun daw ay si Paeng na muna ang bahala kay Mommy Glo, at siya na rin daw ang bahala na kumumbinsi sa Ate Amanda nila na sumama nga sa Bagong Ilog...

kinausap nga ni Paeng ang kanyang Ate..
at hindi naman ito nagdalawang isip na sabihin sa kapatid na binalak siyang ipalaglag noon ng kanilang ina..
kaya daw siguro sila hindi magkaayos ay dahil hindi talaga siya mahal ni Mommy Glo..
sinabi naman ni Paeng na kaya andito ngayon si Amanda, kaya hindi itinuloy ng kanilang ina yung balak nito, ay dahil nga mahal siya nito..
siguro daw ay mas makabubuti nga kung sasama siya sa Bagong Ilog para mas makilala nila ang kanilang ina at malaman kung ano ang naging buhay nito noon...

muling napag-usapan nina Gloria at Peter ang tungkol sa pagpunta sa Bagong Ilog..
doon pala nila balak na mag-celebrate ng Mothers' Day..
pero naulit rin ni Peter na baka hindi makasama ang panganay ni Gloria dahil sa trabaho nito..
dahil dun ay ayaw na daw mag-celebrate ni Gloria ng Mothers' Day...
pero excited pa rin siyang bumisita sa probinsiya nila...

napag-isip-isip naman ni Amanda kung makabubuti nga ba kung sasama nga siya sa Bagong Ilog para malaman niya ang katotohanan...

late na si Andrei sa usapan nila ni Ken dahil sa kanyang trabaho, in demand kasi siya sa mga artista eh..
nalungkot si Ken, at nag-decide na umuna na doon sa adoption center, at humabol na lang daw si Andrei...

hindi daw makakasama si Mareng Lydia sa Bagong Ilog kaya si Peter na muna daw ang bahala sa kanyang kaibigan, buti na lang daw at hindi naman sasama si Amanda..
parang masyadong kampante ang biyudo kaya natanong ito ng babae kung hindi ba siya nag-aalala na baka bumalik ang mga alaala ni Gloria..?
sinabi naman ni Peter na bumabalik rin naman talaga ang mga yun nasa Bagong Ilog man sila o wala..
basta siya na daw ang bahala kay Gloria...

saktong dating naman ni Amanda..
at nasabi nga niya sa kanyang ina na pupunta nga silang lahat sa Bagong Ilog..
pero bakit daw nagbago yung isip niya, ang tanong ng kanyang Tita Lydia..?
dahil gusto daw niyang bumalik lahat ng mga alaala ng kanyang ina..
ipinaalala naman ni Mareng Lydia sa kanyang bestfriend na mag-focus lang sa mga positive memories niya..
dahil dun ay tinitigan nang medyo masama ni Amanda si Mareng Lydia...

nang papaalis na sina Peter at Mareng Lydia..
nasabi ng babae na may kutob siya na may balak si Amanda sa ina nito..
sinabi naman ni Peter na huwag na lang itong mag-alala...

mukhang birth certificate niya yung pinag-aaralan ni Amanda..
umaasa siya na may mami-meet siya sa Bagong Ilog na mga taong nakasulat ang pangalan sa kanyang certificate...

was feeling , habol sa brownout...

>
[Medical Condition]

halos matubig na yung mass na nalabas sa cyst ko..
hindi na mala-toothpaste..
ewan ko lang kung bagong produce na keratin yun o ano...

was feeling , hang on...

---o0o---


March 17, 2017...

[TV Series]

The Greatest Love 

si Greta na ang sasalo ng trabaho ni Amanda, sa Bangkok yata, para lang makasama siya sa Bagong Ilog...

si Sandro naman ay nag-training na pala, sa kompanya nga siguro nina Mr. A..
nagpaabot siya kay Lizelle ng regalo niya para kay Mommy Glo..
at napansin ng dalaga na may dala siyang brown envelope..
yun pala ay nakapasa na si Sandro sa kanyang training, kaya nag-celebrate ang 2...

sa bahay naman ni Mommy Glo..
baliktad na nag-e-exercise ang pasyente nung "paa, tuhod, balikat, ulo", kasama sina Ate Melba at Z..
nakita niya si Amanda kaya pinasali niya rin ito..
dumating din si Paeng na masayang ibinalita na pasado na siya para sa scholarship, sunod naman daw niyang pag-iipunan ang allowance niya..
after that ay bumalik silang lahat sa pag-e-exercise..
at sinakyan naman ang trip ng pasyente ng lahat, maging ang nagsusungit na si Amanda...

sa coffee shop na nagkita sina Andrei at Ken..
mapapatawad pa naman daw ni Ken ang kasintahan, pero malungkot niyang ibinalita na na-deny siya sa pag-a-adopt...

balik sa bahay..
nasabi ni Paeng kay Z na plano niyang maka-graduate bago man lamang makalimot si Mommy Glo, dahil pangarap ito para sa kanya ng kanilang ina...

si Mommy Glo naman ay iniimpake na ulit lahat ng damit sa kanyang cabinet..
dinalhan siya ni Amanda ng adult diaper, para daw sa biyahe, pero iginiit ng matanda na hindi niya kailangan yun..
dumating na rin sina Mr. A at Lizelle..
nakukulitan na ang pasyente sa kanyang panganay..
hanggang sa tinabig nito ang kanyang mga gamot mula sa kamay ni Amanda..
napuno na si Amanda at napasigaw..
ipinaalala nito sa ina na may sakit siya kaya please daw ay inumin na niya ang kanyang mga gamot..
at inabutan ni Lizelle yung eksena na yun..
pinagpahinga na muna ng bunso ang kanyang Ate, at siya na muna daw ang bahala kay Mommy Glo...

kinabukasan, nagbiyahe na nga sila papunta sa Bagong Ilog..
tumigil sila sa tulay na madalas ring tigilan ni Mommy Glo sa tuwing nabisita siya doon, tuwing birthday niya..
napa-MMK tuloy siya tungkol sa masasayang mga alaala nila ni Peter..
ginawa rin niyang taga-picture si Totoy Pogi, si Z...

was feeling , at talagang ang naglilihim pa ang magbubunyag ng madilim na katotohanan sa kanyang panganay...

>
[Gadget Related]

hala!
ang hilig nga palang mag-download ng Windows 10..
inuubos yung 1 GB worth ng 1 Mbps speed ng internet connection namin eh...

was feeling , hindi ba pwedeng NVIDIA at Defender updates na lang yung sa akin...?


No comments:

Post a Comment