hindi lang basta-basta pang-Shakey's...
Featured Player: #8 Jema Galanza
(credit for this photo goes to its respective owner)
Jessica Margarett 'JeMa' Galanza..
current jersey number is 8..
ang cutest player ngayon sa UAAP (para sa akin)..
at the same time, siya rin ang may pinaka-chick na boses (based on their TV commercial)...
#8 is LOVE... <3
---o0o---
February 18, 2017...
UE versus AdU ang inaabangan ko eh, para magkaalaman lang kung sino ang bottom team...
sub-Coach Meneses versus Lady Falcons - aw! ang sakit naman nun..
Ace Player si #8 Galanza para sa team niya, pero kumbaga mala-Bang Pineda lang yung lakas niya against other teams, average na attacker na hindi automatic na pamatay yung mga palo..
pero siya rin yung may pinaka-chick na boses sa UAAP Season 79 (bagay na bagay dun sa commercial nila)...
si #12 Captain Morado naman..
hindi na nga yata talaga siya pumapalo, nag-hesitate siya kanina noong nabigyan siya ng set eh..
at dahil dun eh mas makakatulong sana kung magiging 100% accurate na yung service niya..
okay rin yung experiment ni Coach Meneses sa tall lineup nila, though kailangan pang matutong mas maging maliliksi ng matatangkad nilang players parang gaya ng Santiago sisters ng NU..
nagkaroon rin ng playing time kanina ang bench nila..
at malalim nga yung bench ng ADMU for this year, bukod sa first 6, meron pa silang Gopico, Gequillana, Gaston, at Libero-Setter pa si Tan...
was feeling , magkakaalaman na bukas kung sino ang mas malakas, DLSU versus NU...
---o0o---
February 19, 2017...
UP versus UST
ang gandang tingnan ngayon ng height ng lineup ng UP, siguro mas lamang lang nang kaunti yung sa DLSU..
balanse na pang-blocker at pang-digger eh..
kaso mukhang masisira yun kapag umalis na sina Bersola at Tiamzon sa team...
DLSU versus NU
anlaki na ng improvement ni Jaja..
yung dating mahilig magtapon ng service eh #1 na ngayon sa ranking sa aspetong yun..
kombinasyon pa ng lakas at bilis ang palo..
sayang talaga yung Best NU Team na nabuo nila noon ng ate niya, si Nabor na lang yung kulang at perfect team na yun, kaso eh sobrang miraculous lang talaga ng naging journey noon ng ADMU for Season 76..
at for this Season, eh kulang siya sa consistent na mga kakampi...
si Sato naman, na former member ng ADMU..
ang ganda ng service niya..
mababa na mabilis, pero galing lang yun sa standing serve..
parang matalas na katana...
yun nga lang, mas marami pa ring scorer ang DLSU..
tapos hindi na 100% si Nabor...
parang DLSU versus UP ang mas mataas ang tsansa para sa Finals...
was feeling , UP on TOP...
---o0o---
February 22, 2017...
as expected, pampataas lang ng stats ang mga laro today...
ADMU versus UE
mukhang most improved team ang UE in terms of blocking..
pero kulang pa sila sa attackers..
at kailangan ring bawasan talaga ang errors...
mukhang okay pa ang ADMU for next season, basta't walang magiging injury..
si Tan lang pala ang ga-graduate this year..
at si Coach Bundit, eh mag-i-stick sa teknik niya na ang ginagawang Libero ay dating setter - unti-unti na niyang sinasanay si Wong bilang kapalit ni Tan..
si Samonte eh okay rin nga, pwedeng substitute..
kaso si Tolentino, may teknik pala siya na pang-high school (isa sa malimit kong magamit noong nasa high school ako), yung underarm na pag-receive sa bola kung saan naka-bend yung arms sa halip na naka-diretso tapos ay yung lower part nga yung ipantatama sa bola (hindi na akma sa college level ng volleyball yun dahil ang paraan ng ganung pag-receive eh hindi naka-design para sa setting bagkus eh sa pagpapatawid lang ulit ng bola sa court ng kalaban dahil sa limitadong trajectory ng ganung klase ng tira)...
at yun nga, pahirapan ang sunod na 2 laban ng ADMU..
UP tapos ay DLSU...
DLSU versus AdU
wala eh..
kulang talaga sa kasapi si #8 Galanza.. :(
mukhang AdU rin yung may shortest lineup for this season...
at talagang sa huli pa maglalaban ang AdU at UE..
pero mukhang UE ang mananaig...
was feeling , sana matalo naman ni Galanza ang UE...
No comments:
Post a Comment