Friday, March 24, 2017

Daily Bullets

ano nga bang meron sa pahanon ngayon at tila halos wala ng bakasyon ang bansa pagdating sa mga patayan..
yung iba eh sa mga simpleng away sa trapiko lang naman nag-uugat - pero sakitan at patayan kaagad ang mga solusyon nila..
yung iba eh masagi lang sa balikat, at pagpatay na sa pamamagitan ng panggugulpi at pangunguyog ang kinahahantungan...

o dahil ba yun sa mas madaling makakumbinsi at makapukaw ng mga damdamin at reaksyon ang mga balita sa panahon ngayon dahil nga madalas ay supported na sila ng mga CCTV footages..?
hindi gaya dati na mas madalas na base lang sa mga kuwento at sabi-sabi ang mga balita, at bihirang maaktuhan at makunan ng camera ng media...

---o0o---


update ulit (59 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
  • yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas 
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • yung pulis na ng rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
  • yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
  • sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
  • yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa ParaƱaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
  • sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
  • sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
  • regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
  • dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • yung Oplan Cyber Tokhang
---o0o---


March 22, 2017...

good news naman...

sa ParaƱaque..
may lalaking nahuli dahil DAW sa ilegal na droga at dahil na rin sa pagbebenta ng mga hindi lisensyadong baril..
pero DAW pa lang 'to, eh kasi wala namang mga body camera na ginamit para mai-reveal na originally eh dun nga sa lalaki yung mga baril...

at regarding sa kriminalidad na idinudulot ng mga putang inang mga baril na yan, eh hindi ko na sila masyadong iisa-isahin..
halos pare-parehas lang naman kasi yung istorya:
- may mga namamaril para mang-tumba ng ibang tao (yung iba eh mga awtoridad pa ang pinapatos)
- may mga namamaril dahil sa simpleng away-trapiko
- at may mga namamaril dahil lang sa kayabangan nila puwerket alam nga nila na may hawak silang baril

sana nga eh magkaroon na ng totoo at tapat na giyera laban sa mga baril..
dapat malimitahan na talaga ang kakayahan ng mga sibilyan na humawak at gumamit ng mga baril..
baka sakaling malimitahan rin nung ganung sistema ang access sa mga armas ng mga rebelde at mga terorista..
para wala namang masyadong advantage yung iba laban sa kapwa nila, mahirap naman kasi talagang pumalag laban sa baril eh...

was feeling , araw-araw na lang may nagpapaputok ng kanilang mga baril eh...

---o0o---


March 23, 2017...

regarding online selling/buying...

oo, totoo namang may mga manloloko talaga dun..
pero ganun talaga ang maraming mga Filipino eh, natural na sa kanila na maging mapamaraan sa panlalamang sa kapwa nila...

pero nakakaasar rin naman yung mga naloloko na buyers..
bakit ba kasi sila nagpapaloko in the first place...?

andami namang paraan para maiwasan ang hindi magandang karanasan sa pagbili online:
  • seller rating/feedback system
  • kung gadget o kung basta item na kailangang check-in pa yung bibilhin online, eh huwag pumayag na basta lang ishi-ship yung product, dapat meetup ang gawin para masigurado na gumagana nga yung item
  • kung walang certified o verified na past transaction yung seller, o kung talagang kaduda-duda na siya pati yung price nung item - eh dapat huwag nang sumugal sa non-face-to-face transaction

dahil sa kapayabaan ng ibang tao eh madadamay pa ang buong online selling community eh..
noong una, mga SIM card ang gustong ipa-register..
tapos, pati mga Facebook account eh gusto na ipa-verify na rin..
tapos ngayon naman, pati online selling..?
ang hindi naiisip ng mga nasa gobyerno eh hindi naman lahat ng nagbebenta online eh ginagawa yun bilang negosyo..
hindi lahat eh pwedeng i-regulate at patawan pa ng buwis..
dahil yung iba eh nagbebenta lang naman ng mga gamit na o hindi na nila kailangan na items, para madispatsa ang mga yun at for extra income o return of investment na rin...

was feeling , matuto muna kayong mag-ingat bago kayo magreklamo...

>
betrayal of public trust...?

parte ako ng lipunan, pero hindi ko naman naramdaman na na-traydor ako sa anumang paraan..
oo, sa ngayon, lumalabas na parang hindi maganda na in-open niya yung specific topic na yun sa buong mundo nang walang sapat na documented proof..
pero napatunbayan na naman nitong nakaraang mga buwan na meron talagang maling nangyayari sa paraan ng panghuhuli at pagpatay...

nakakahiya nga na magkamali, pero hindi naman niya nasira yung imahe ng bansa..
dahil talagang sira na yun...

hindi ba mas nakakahiya yung pinagmumumura yung mga lider ng ibang bansa na inuutangan natin..?
hindi lang makautang eh yuyurakan na yung pagkatao..?
hindi ba mas nakakahiya na bastusin yung alaala ng babaeng na-rape na ay napatay pa..?
hindi ba mas nakakahiya na obvious na ginagawan nila ng paraan na maipatupad ang mga may sense naman sana na batas - na ginawa nilang non-sense..?
hindi ba mas nakakahiya na parang ipinamimigay na yung bansa sa Imperyo kapalit ng pautang na pera..?
hindi ba mas nakakahiya na itapon ang dangal ng bansa kapalit ng suporta sa eleksyon...?

impeachment kaagad..?
para saan..?
bakit, hindi ba sapat ang ebidensya nung Bobong regarding sa protesta niya..?
kaya idadaan na lang sa paninipa gamit ang puwersa at bilang...?

was feeling , kayo na ang pinakamarumi sa lahat, sunod sa mga taong involved sa panahon ng Martial Law...

---o0o---


March 24, 2017...

panibagong kaso na naman para sa mga unverified na mga taga-tumba...

sa Caloocan..
yung mag-live in partner daw na itinumba sa sarili nilang bahay..
pero may binuhay namang witness..
nagpakilala daw na mga pulis yung mga taga-tumba eh...

kung ako yun..
sa taong may baril pa nga lang eh hindi na ako makakapalag..
yun pa kayang sa mga tao na nag-claim na pulis sila..?
tapos sasabihin ng mga eksperto na hanapan ng search o arrest warrant bago ibigay yung gusto nila, na kesyo igiit ang karapatan..?
igiit mo ang karapatan mo laban sa mga kriminal at sasabog na lang ang utak mo...

was feeling , nagkalat ang baril...

>
sa Ilocos Norte naman...

yung 2 pasaway na pulis..
tapos na daw naman yung duty nila..
yun nga lang - sa mismong presinto pa talaga nila naisipan na mag-inuman...

was feeling , shot pa...

>
may bagong kaso na naman..
nakunan ng CCTV...

sa isang presinto under ng QCPD daw..
yung pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki sa mismong presinto..
sinubukan pa DAW humingi ng tulong nung lalaki sa mga pulis na nasa labas nung presinto noon, pero inabutan na siya ng gulpi..
at siya pa yung ikinulong at kinumbinsi DAW na akuin lahat ng pagkakamali...

lahat ng yun ay dahil pa rin sa away-trapiko... :(


1 comment:

  1. Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
    mayocareclinic@gmail.com
    Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
    Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.

    ReplyDelete