pati nga Hollywood eh minamanipula na nila ang market in a way..
pero siyempre wala namang may gusto ng isa pa ulit na malawakang digmaan - lalo na kung nuclear...
pinapakiramdaman nila ang mga nasa paligid nila..
tinatantsa kung may kakayahan bang pumalag o ano..
at saka nila gagawin ang pambabastos nila..
nasa kanang bahagi ng ulo ng Pilipinas yung lugar na yun, pero ang gusto nila eh sakop pa rin nila yun - dahil lang sa sila yung makapangyarihan...??
ay putang ina ang kasalukuyang gobyerno ninyo!
baka kailangan nyo na ng malalakas na lindol diyan sa bansa ninyo...
---o0o---
update ulit (53 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
- yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
- yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
- yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
- yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
- yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
- yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
- yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
- yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
- yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
- yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
- yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
- yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
- yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
- yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera
- yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao
- yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
- yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
- sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
- yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
- sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
- yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
- yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
- yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
- yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
- sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
- yung pulis na ng rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
- yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
- yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
- yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
- yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
- yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
- yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
- yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
- yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
- ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
- yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
- yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
- yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
- yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
- yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
- yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
- yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
- yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
- yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
- sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
- regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
- regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
- dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
- yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
- isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
- yung Oplan Cyber Tokhang
---o0o---
March 7, 2017...
isa na namang butas sa matagal ng sistema...
yung 2 lola na napatay..
na tumatawid lang sa pedestrian lane, pero binangga ng humaharurot na tricycle..
ang palusot nung driver ay kesyo hindi daw niya nakita yung 2 matanda (ano yun, premonition na mamamatay na silang pareho..?)..
ang totoong punto kasi dun ay, pedestrian lane yun kaya bakit ka haharurot nang kainaman considering na posibleng may tumawid doon at any instant...
ganun din kasi sa pedestrian lane sa highway sa may amin..
mapa-motor man, kotse, o naglalakihang mga truck at bus..
madalas kapag nakita nila na may tatawid na tao na nasa gitna na ng kalsada, eh saka nila bibilisan na tila ayaw nilang magpauna dun sa tao..
yung iba naman, dahil multiple lanes, eh kahit nagbigay na ng way yung katabing sasakyan, eh babanatan pa rin ng harurot, kaya hindi mo rin nga masabi na ligtas nang tumawid..
ang problema kasi sa mga tanga na 'to, may marker na na ilang metro ang layo mula sa pedestrian lane (ewan ko lang sa ibang lugar), na ibig sabihin ay dapat hinay-hinay na yung takbo ng mga sasakyan nila, pero gaya ng mga red light sa NCR - eh pilit pa rin nilang bini-beat...
dapat sa mga ganyan ay binibitay rin..
o kung sobra yung parusang bitay, eh dapat habambuhay nang bawal na makakuha ng lisensya at makapag-drive..
madalas kasi hindi na rin talaga tini-test ng mga kinauukulan kung may alam nga ba sa mga patakaran sa kalsada yung mga driver eh..
ang mahalaga na lang eh kumita sila ng pera mula sa mga kumukuha ng lisensya..
ang dapat sa batas ay may panakot sila para matuto naman ang mga driver na maging responsable nang kusa..
tutal naman eh hindi yun karapatan, bagkus ay isang pribilehiyo lamang - na isa rin ngang malaking responsibilidad...
was feeling , ipaubaya na natin ang population control sa mga sakit at natural calamities...
---o0o---
March 8, 2017...
panibagong modus naman ng mga kriminal..
well, hindi na pala 'to bago dahil may mga nagpapanggap na talagang mga pulis kahit noon pa man..
pero kumbaga ay mas madali na lang yung rason nila ngayon ng panghuhuli dahil nga sa War Against Illegal Drugs..
kahit sino na lang eh pwedeng gawing drug-related...
nangyari sa Cavite..
yung isang lalaki na hinuli ng mga nagpanggap DAW na mga tauhan ng PDEA at PNP (with IDs)..
tapos ay sa motel daw dinala yung biktima para i-hulidap...
sinabi rin ng pulis sa interview na posibleng may kinalaman rin yung mga tarantadong yun sa mga death under investigation (in other words, yung mga tumbahan)...
at isa na naman yung patunay na walang kakayahan ang mga sibilyan na igiit ang kanilang mga karapatan (for warrant of arrest sa kaso na 'to)..
at isa rin ngang patunay na mahirap talagang masabi kung sinu-sino ba ang totoong mga pulis at yung hindi..
laban pa lang sa mga baril at granada eh wala nang magagawa ang human rights eh...
was feeling , mamatay na sana kayong lahat na gumagamit ng mga baril para sa kasamaan...
---o0o---
March 10, 2017...
panibagong kaso na naman ng pag-abuso sa kapangyarihan ng mga pulis...
sa Negros Oriental daw..
yung sibilyan na ipinatapat ang tenga sa muffler ng motorsiklo habang pinapaandar yun..
may kuha naman ng video (smartphone yata) yung pangyayari...
sinibak na rin naman daw yung Hepe nung lugar na yun...
was feeling , kung yung dati eh paso, ito naman yung tinatawag na "inilagay sa muffler ang batas"...
>
nasa Benham Rise na daw yung Imperial BFF...
ito talaga yung tinatawag na friends with benefits eh..
mukhang sa Imperyo na naman mapupunta ang mga yaman ng bansa... :(
was feeling , wala bang lindol sa kanila, yung tipong Magnitude 10 para matigil na ang masamang pamunuan nila...?
No comments:
Post a Comment