Friday, March 31, 2017

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of March 2017 (Progression)

March 25, 2017...

114 components pa ang ire-review ko para malaman kung saan ba sila nababagay..
sa library ba, sa backup, o sa basurahan...?

was feeling , konti na lang, makakapag-render na ulit ako...

---o0o---


March 26, 2017...

[V-League]

DLSU versus UE

obvious na 'to kahapon..
pero ang ganda rin talaga ng blocking ng UE...


FEU versus UST

base sa updated rankings, mukhang natalo na naman nina Laure at Rondina si Pons..
naman FEU o'!
dinadala nyo hanggang sa 5th Set ang ADMU pero hindi nyo mapabagsak ang mga Tigre...? :(

regarding #8 Galanza..
naman!
according sa page ng Pizza League, eh hindi na magagawang harapin ng current na pinaka-chick na UAAP Volleyball player ang ADMU sa huling laban nila for this season... :(

was feeling , #8 is Love...

>
[Medical Condition]

2 months nang hindi nagsasara yung butas ko... :(

was feeling , kaya pa...

>
nakakaasar talaga 'tong mga miyembro ng Iglesia..
tropa-tropa ng magagandang babae..
pero hindi pa naman din ako sure..
ang alam ko lang eh mga Iglesia yung taga-tapat namin na saradong tindahan..
ewan ko lang kung Iglesia din yung friend niya...

may halo-halo-an sila eh..
minsan andun yung chick na friend o relative yata yun..
tapos nakaka-2 beses na siyang bumibili sa akin..
badtrip kasi parang teaser lang... :(

kasalanan talaga 'to ng mga Manalo eh..
laging gusto eh pakabig lang sila...

was feeling , huwag nga kayong magpakita saken...

>
[V-League]

ADMU versus AdU

Coach Meneses versus AdU ulit ah..
ang bayolente nung 16-0 run..
tama lang yung desisyon ni Meneses na ipaubaya na sa bench ng ADMU yung laban..
iwas-injury na para sa mga key players, dagdag experience pa para sa mga substitute nila...

naman, Galanza!
hindi ka dapat matulad sa ate mo..
sana naman hindi seryoso yung kondisyon niya..
get well soon, para sa laban ninyo against UE..
kailangang makakuha ng panalo ng Lady Falcons...


UP versus NU

ang galing, nice one UP!
naging activated si Bersola ah..
bawi na sila, 1-1..
bonus pa na nasira nila ang record ng NU, at gumanda pa ang sariling record nila..
yan ang sinasabi ko sa inyo NU eh, saka kayo nagkaka-good mood kapag ADMU ang kalaban ninyo...

thank you UP sa pagtalo sa NU!

was feeling , okay rin na hindi nasundan ng malakas na kalaban ang ADMU.. pampatanggal ng bad vibes...

>
sa wakas!
done building my new library..
with 200 plus components..
though may 83 pa akong uncategorized at unused...

will do some test renders starting tomorrow..
tapos saka ako ulit magbubuo ng mga characters from the basic figures...

was feeling , pasundot-sundot na lang yung pag-aayos ng mga lumang files...

---o0o---


March 27, 2017...

kulang na lang eh maibalik ko ang breakfast ko tuwing 5:00 AM gaya noong nasa high school pa ako..
kaso laging 6:00 AM o pasado na nadating yung magpapadensal sa amin..
eh sayang rin naman yung mga bonus na pandesal mula sa suki (considering na ang liit ng pandesal sa panahon ngayon)...

hindi pa rin balanse ang schedule ko sa ngayon..
from 7:00 AM to 4:00 PM (9 hours), tapos 6:00 to 9:00 PM (3 hours)..
since March 15 eh hindi pa ulit ako nakakatulog ng 8 hours or more..
pero enjoy naman..
naka-sleep lang yung unit tuwing lunch, at ngayon ko lang nalaman na talagang RAM lang at LED indicator ang buhay tuwing naka-sleep mode ang desktop, ultimo fan ng power supply eh nakapatay...

pagkatapos ng The Greatest Love, hahatiin ko na nang mas maganda yung working hours ko...

was feeling , render mode...

>
[Emo]

kaso may konting problema...

ayun..
sinusumbatan ako na ayaw ko daw magpagamit ng computer..
eh pinapagamit naman daw nila ako ng mga laptop nila dati..
gusto na namang install-an ng basketball league gaya dati..
ano ako tanga..?
nasa Php 3,000 ang average-level na graphics card, tapos susunugin ko na naman dahil lang sa games..?
hindi rin lang naman yung graphics card yung natutusta kapag ganun kundi pati yung slot niya sa motherboard...

tapos sasabihin nung biological mother na, "bakit hindi mo palaruin naman nang konti"..?
palibhasa walang naiintindihan sa computer electronics..
mga sira ulo!
kung alam niyo lang, ni hindi nga sa akin areng desktop na 'to..
5 years to pay pa 'to...

lagi nyo akong hahanapan ng 5-digit na suweldo..
tapos ngayong may pinu-pursue na naman akong career, ang gusto niyo naman eh makikiagaw pa kayo ng oras para lang sa mga walang kuwentang computer games..
doon kayo sa totoong court maglaro, nang ma-exercise kayo...

tapos kailangan parati na sarado ang lahat kapag wala ako sa bahay..
tigil ang benta sa tindahan..
bakit..?
dahil gustong pasukin ang kuwarto ko at pakialaman yung computer...

tutal balak niyong ikuha ng pangalawa at mas high-tech na laptop yung ECE student..
edi dun kayo mag-games sa laptop niya..
magsawa kayo sa 2 laptop..
basta huwag ninyo akong idamay sa pagsasayang ninyo ng pera at gamit...

was feeling , manunumbat pa eh...

>
[TV Series]

The Greatest Love 

inaayusan na ang mga babae..
sinubukan ni Lizelle na tawagan ang phone ni Amanda, pero cannot be reached ito..
kaya minabuti niya na mag-iwan na lang ng text message; nasa bahay daw ang damit niya, sana daw ay makapunta pa rin siya...

nabati naman ni Z ang kanyang Tito Paeng..
pero wala daw ex- na darating para sa kanya, dahil hindi makakapunta si Sheila..
wala na daw yata talagang gusto sa kanya ang babae..
pero naniniwala pa rin naman siya na darating rin balang araw yung babaeng para sa kanya...

balik sa bahay..
gustong makita ni Gloria ang suot niyang gown sa salamin..
medyo nag-hesitate naman si Mareng Lydia, dahil baka nga kung anong alaala na naman ang magbalik sa kanyang bestfriend..
pero hinayaan pa rin nga niya si Gloria..
sabay sabi sa biyuda na malaya na talaga ito (mas naka-focus yung isip niya sa kasalukuyan niyang kasal)..
tapos ay dumating si Z na may dalang bulaklak para sa kanyang Mommy La, galing daw sa kanyang Daddy Lo..
mas na-excite tuloy si Gloria at dali-dali nang lumabas sa kanyang kuwarto...

dumating na si Peter sa simbahan..
imbitado nga rin talaga yung 3 doktor ni Gloria (kasama yung 1 na taga-San Ildefonso)..
andun rin yung kaibigan at mga scholar ni Mommy Glo mula San Ildefonso..
pati yung presidente ng Women's Club nila eh nakuha rin yatang Ninang..
(pero hindi nag-effort na umuwi si Chad, at matagal na ring wala si Pareng Joma)..
tapos ay sinabihan ng wedding coordinator na magsipaghanda na ang lahat dahil parating na ang bride...

nagbilin si Lizelle sa ina na tandaan lang nito yung mga p-in-ractice nila..
si Mareng Lydia naman ang bahala sa wedding vows ng kanyang bestfriend..
tapos ay ipinaubaya na nila si Mommy Glo sa coordinator...

nire-remind ng wedding coordinator si Gloria tungkol sa mga gagawin niya, nang dumating si Amanda sa simbahan..
noong una ay sumisilip lang ito mula sa malayo...

naglakad na nga si Gloria papasok sa simbahan..
pero napatigil siya sa may bandang gitna, at tinitingnan lahat ng mga nasa paligid niya..
nag-alala ang lahat na baka kung ano yung nangyari sa kanya..
kaya minabuti na siyang sunduin ni Andrei, at niyaya na siya nito sa may altar..
pero bakit daw si Andrei, nasaan daw si Amanda..?
lumapit na rin sa kanya sina Mareng Lydia at Lizelle para kumbinsihin siya na tumuloy na..
lumapit si Amanda sa may pintuan at muling sumilip lamang..
tapos ay nagdesisyon na siyang pumasok sa loob..
tinawag niya ang kanyang ina, at masayang lumingon sa kanya si Mommy Glo..
sorry daw dahil na-late siya..
nagyakapan silang 2, at pinalakpakan sila ng mga tao (madramang entrance nga)..
after that ay sinabihan ni Gloria si Amanda na ihatid na siya nito sa altar, dahil naghihintay na si Peter..
nagpasalamat naman ang biyudo sa panganay ni Gloria dahil sa pagtupad nito sa kagustuhan ng kanilang ina..
magkasama na nga ang 2 ikakasal, tapos ay biglang sinabi ng babae na "ano Peter, pakasal na tayo..?" na parang atat na atat na ito, at natawa tuloy ang lahat...

niyakap naman ni Z ang kanyang ina dahil sa tuwa..
at nagsimula na nga ang seremonya...

kapansin-pansin na ang pangangatal ni Gloria..
inaalalayan na rin siya ni Peter sa pag-intindi ng mga tanong ng pari, at pati sa pagsagot sa mga ito..
nang pumasok na ang Ring Bearer na si Z, ay na-recognize naman ito ng kanyang Mommy La bilang si Totoy Pogi...

oras na para sa wedding vows nila..
si Peter na muna ang nagsimula..
aalagaan daw nito si Gloria at ang anak nila, kasama na rin ang mga anak at apo ng babae, dahil isa na silang pamilya..
pangako daw na hindi na muling mag-iisa si Gloria...

nang oras na ni Gloria, ay lumapit si Mareng Lydia at iniabot na dito ang kanilang ginawang kodigo..
pero hindi tulad sa dictation kung saan medyo mabilis pa siyang mag-respond, eh hirap nang magbasa ang pasyente..
napaiyak ang marami dahil sa effort ni Gloria..
si Peter na lang tuloy ang pinagbasa niya ng kanyang wedding vows..
this time daw ay babawi na siya kay Peter..
ang lalaki daw ang kanyang first love..
magsasama na daw sila, at wala nang iwanan..
naiyak naman si Peter dahil sa mensahe ni Gloria..
pero kasal daw nila kaya dapat na masaya lang sila, kaya pinatahan ng bride ang kanyang groom..
humarap na sila sa mga tao, at nagpalakpakan naman ang mga ito..
natanong ni Gloria kung bakit ba sila pumapalakpak..?
kasi daw ay kasal na sila, at saka nga na-realize ng babae na kasal na nga sila ng lalaking mahal niya..
tapos ay pinag-kiss na sina Mr. at Mrs. Alcantara, na ch-in-eer naman ng mga tao...

was feeling , okay naman.. maliban sa tila factor ng cost-cutting...

>
[Gadget Related]

was really impressed...

kung noon inaabot ako ng 2 hours for doing a basic render..
kanina gulat na gulat ako na parang minamani lang ng unit ko yung rendering..
12 to 24 minutes - ang laki na ng nabawas sa oras ng trabaho ko...

ibig sabihin eh pwede na rin akong mag-explore sa medyo mas mataas na level ng rendering...

was feeling , partida pa na GeForce GT 730 pa lang yung sa akin...

---o0o---


March 28, 2017...

[TV Series]

The Greatest Love 

at nagsimula na nga ang kasiyahan sa reception na inayos nina Ken...

niyaya pa ni Mommy Glo si Paeng na tumagay ng wine...

andun rin ang family ni Mareng Lydia..
yung foreigner niyang asawa..
at ang anak niyang si Beverly...

nang sharing na ng message at mga kuwento tungkol sa bride and groom..
ikinuwento ni Mareng Lydia kung paanong nagpapa-late pa noon si Gloria sa school kapag hindi si Peter ang bangkero..
sinadya rin pala nito yung pagpapadulas niya sa pagsakay ng bangka, dahil nahuli ito noon ni Mareng Lydia na nagpa-practice na madulas sa likod ng bahay ng mga ito..
si Peter naman daw ay suplado talaga, pero parati namang pasulyap-sulyap kay Gloria..
nabanggit rin niya yung tungkol sa punto ng mga buhay nung 2 kung kailan nagalit si Peter sa babae, pero alam niya na noon na mahal pa rin nila ang isa't isa..
madalas daw na sinasabi ng mga tao na walang forever..
pero dahil daw dun sa 2, napatunayan niya na hindi kayang hadlangan ang tunay at wagas na pagmamahalan..
naiiyak naman si Amanda habang pinakikinggan ang kuwento ng kanilang Tita Lydia...

matapos si Mareng Lydia, ay naghanap pa yung MC ng gustong mag-share ng message para sa bagong kasal..
nagtuturuan pa noong una yung magkakapatid..
si Amanda naman ay tila medyo nag-aalinlangan, pero naisipan rin niyang tumayo at mag-volunteer..
naiintindihan na daw niya ngayon yung pinagdaanan ng kanilang ina sa buhay pag-ibig nito..
masuwerte daw si Mommy Glo na merong lalaki na nagmamahal sa kanya ng tapat..
at masuwerte rin daw silang mga anak ni Gloria, dahil mabuti at pasensyosong tao si Mr. A..
dahil dun ay tinawag ni Amanda ang lahat ng kanyang mga kapatid, at w-in-elcome nila sa kanilang pamilya ang bago nilang Tatay..
niyakap naman ni Peter ang mga bata...

after that ay nilapitan naman ni Amanda si Mommy Glo..
nag-sorry siya sa lahat ng mga nagawa niya sa kanyang ina..
at sinabi naman ni Mommy Glo na matagal na nitong napatawad ang kanyang panganay..
dahil dun ay nagyakapan silang lahat, kasama na si Z, na nauwi naman yun sa pagpapakuha ng family picture...

sunod naman ay tumugtog na sina Paeng at Z, at kinanta naman ni Y yung paboritong kanta ni Mommy La na "kahit maputi na ang buhok ko"..
niyaya naman ni Peter si Gloria na magsayaw..
at napa-MMK na lang si Gloria tungkol sa magaganda nilang nakaraan..
ipinapakita rin sa background nila yung mga pictures ng kasal nila..
hanggang sa niyaya na ni Mommy Glo na magsayaw rin ang kanyang mga anak..
kasali sina Z at Y..
at maging sina Andrei at Ken...

pagkatapos yun, ay hiningan naman si Peter ng message para sa lahat ng dumalo..
salamat daw sa lahat ng sumama sa hinaba-haba nilang prusisyon na sa simbahan rin ang tuloy..
maikli lang naman ang mensahe ni Gloria ng pasasalamat...

matapos yun ay nagsimula naman ang kanilang baile-han...

was feeling , ano nga kaya ang nangyari kay Pareng Joma...??

>
[Gadget Related]

hala!
na-sample-an na kaagad ang UPS ko kanina ng [Name of Electric Cooperative]...

hindi pa rin nga talaga nagbabago dito sa [Name of City]..
halos regular na nga ang mga scheduled power interruptions, pero meron pa rin talagang mga maiklian at unannounced na mga brownout..
mabuti talaga at kin-onsider kong bumili ng panibagong UPS...

so far eh okay naman..
para sa kauna-unahan niyang experience ng brownout eh normal naman yung itinakbo nung APC ko..
pero huwag naman sana akong tatadtarin ng power interruptions...

Edit: ah-ah, [Name of Electric Cooperative]!
padalawa na yun...

was feeling , 3 to 5 years.. pero dapat ay 5 years or more...

>
may bago namang natutunan na teknik kanina... ^_^

hindi ko naman pala kailangang pahirapan ang sarili ko sa paghihintay sa render bago ko makita yung resulting image..
meron naman palang preview gamit yung NVIDIA..
mas mabilis, at mataas ang accuracy..
pero naging posible rin yun dahil mas malaki na yung gamit kong RAM at graphics card ngayon...

was feeling , thank you YouTube, ikaw na talaga ang best teacher in the planet...

---o0o---


March 29, 2017...

[TV Series]

The Greatest Love 

matapos ang event, uuwi na sana sina Amanda at Z, pero niyaya sila ng mga kapatid ni Amanda na doon na lang matulog sa bahay ng kanilang ina..
wala naman daw ang mga magulang nila, at tiyak na didiretso na ang mga ito sa kanilang honeymoon..
nagyakag na rin si Z, at pumayag nga si Amanda...

sina Peter at Gloria naman ay sa bahay ng lalaki tumuloy..
medyo nanibago si Gloria, pero na-recognize rin naman niya kaagad na kay Peter ngang bahay yun..
may nakalimutan daw ang lalaki, bagong kasal daw sila kaya dapat buhatin siya nito papasok sa kuwarto..
pero sabay bawi rin naman ni Gloria nang bubuhatin na nga siya nito, mabigat daw siya..
kaya naman daw siya ni Peter..
pero dahil matatanda na sila eh nagyakag na lang si Gloria na maglakad na lang sila nang magka-holding hands..
nahiga na ang 2 sa kama, at napa-MMK naman si Peter tungkol sa kasal at sa pagtanggap sa kanya ng mga anak ni Gloria..
masayang-masaya daw siya...

sa bahay ni Mommy Glo..
masayang nagising si Amanda..
gising na rin si Ate Melba noon kaso ay hindi pa daw ito nakakapaghanda ng breakfast..
minabuting pagpahingahin na lang ni Amanda ang kasambahay, siya na lang daw ang bahalang maghanda ng almusal nila...

ang bagong kasal naman ay umakyat na sa Baguio..
pero hindi si Pareng Joma ang driver nila...

nagising na rin sina Lizelle, Andrei, at Paeng..
kaagad nilang naamoy ang mabangong niluto ng kanilang Ate Amanda..
gigisingin sana nila si Z, pero sinabi ng kanilang panganay na pabayaan na muna nilang magpahinga ang kanyang anak..
sabay-sabay na kumain sa hapag ang 4...

balik sa biyahe nina Gloria..
maya't maya ang pagpapasubo ng babae ng pagkain sa kanyang asawa (junk food o preserved food pa yata yun)..
ayaw daw kasi niyang magutom si Peter...

hanggang sa narating na nga nila ang Baguio..
nag-check-in sila sa isang hotel..
tinawag silang Mr. at Mrs. Alcantara nung isang staff doon, at saka lang ulit na-realize ni Gloria na mag-asawa na nga silang 2..
sayang daw at hindi nila nakasama ang kanilang mga anak..
kung ganun daw ay susulitin na muna nila yung panahon na silang 2 lang, at saka nila pasusunurin ang mga bata...

nakakatuwa na tinatawag na ni Paeng na Tatay si Mr. A..
pero si Andrei daw talaga yung napagod sa kasalan na yun, dahil na-stress siya lalo na sa kanilang Ate Amanda..
pero saan nga ba daw nagpunta ang kanilang Ate noong mga panahon na wala ito..?
at nagkuwento nga siya..
bago daw siya inabutan ni Lizelle noong isang araw doon sa sementeryo ay kinausap niya ang kanilang Papa Andres..
buong buhay daw niya ay inakala niya na ang kanilang Mama ang sumira sa kanilang pamilya..
pero siya pala ang totoong lumapastangan dito, nakakahiya daw ang kanilang Papa Andres..
at nakakahiya daw na siya ang bunga ng kasalanan na yun ng kanyang ama..
andami daw niyang nasabi laban sa kanyang Mama, napakasama daw niyang anak..
dahil daw kay Andres ay naging masama siyang kapatid, at masamang anak..
dahil daw sa kanyang ama ay hindi niya nagawang mahalin nang buo ang kanyang Mama..
nagalit daw siya sa kanyang Papa, pero mas nagalit siya sa kanyang sarili...

humingi na rin si Lizelle ng sorry para sa masasakit niyang nasabi sa kanyang Ate noon..
wala daw kasalanan si Lizelle..
nahirapan din daw siyang umuwi dahil hindi niya alam kung saan siya magsisimula sa paghingi ng tawad...

nagpunta daw siya noon sa isang simbahan, kung saan may nakakita sa kanyang madre habang siya ay umiiyak..
sinabi ng madre na dapat matuto siyang tumanggap ng kanyang pagkakamali at matuto rin na humingi ng tawad..
pero hindi daw niya alam kung paano niya patatawarin ang kanyang Papa Andres..
at niyaya siya ng madre na magdasal...

huwag na daw isipin ni Amanda ang tungkol sa mga bagay na yun, dahil tapos na yun..
masaya daw yung 3 na nakasama na ulit nila ang kanilang Ate..
at muling inulit ni Amanda ang paghingi niya ng sorry sa kanyang mga kapatid..
nagyakapan sila..
at nagbiro pa si Paeng na suhol pala ng kanilang Ate yung breakfast na yun..
salamat daw, lalo na kay Lizelle, dahil sa pagmamahal at pagmamalasakit nito..
kung hindi daw dahil sa kanya ay hindi natuto si Amanda na magpatawad at humingi ng tawad...

kung ganun daw ay dapat pala silang magpasalamat dun sa madre..?
pero hindi pa daw noon natauhan si Amanda..
nanaginip pa daw siya..
umuwi daw siya sa bahay ni Mommy Glo sa araw ng kasal nito, pero sa halip na kasalan ay burol ng kanyang Mama ang inabutan niya..
noon daw niya na-realize na tama nga yung sinabi sa kanya ni Lizelle, na dapat pahalagahan nila yung oras na meron pa ang kanilang ina...

nagising na rin si Z..
inabutan niya na magkakasundo ang kanyang Mom at mga Tito't Tita, kaya minabuti niyang kuhanan ng picture ang mga ito..
nahuli nila ang binatilyo at niyaya na itong mag-agahan na kasama nila..
kitang-kita naman kay Z na masaya siya para sa pagkakasundo nilang 4...

was feeling , ayos!

>
[V-League]

FEU versus UE

as usual...


DLSU versus UST

hala naman kay Dy!
nagkamali ng landing yung paa, tila nabali - tapos minor sprain lang daw..
at nailakad pa ulit yung injury niya...?

ingat-ingat naman!
totoong ayaw kong kayo ang magkaroon ng twice-to-beat na advantage..
pero ayoko na ng Finals na kagaya noong Season 77 na kulang sa mga Ace Player...

was feeling , kitang-kitang nabali eh...

>
nakapag-ready na ng 7 character presets..
2 dun eh as is na...

naayos ko na rin yung sariling metric system ko..
kung paanong mag-adjust ng height from 5'4" to 8 feet...

at may bago na naman akong nadiskubreng teknik..
salamat sa photoshop..
maalam na akong mag-mimic ng kulay ng balat..
eksperimento pa rin, pero mas madali na...

was feeling , day 6...

---o0o---


March 30, 2017...

hala!
Thursday ngayon pero wala din siya..
baka ibig sabihin nun ay wala na nga siya...

baka inilipat dun sa bago nilang branch..?
kasama nung isa pang cute, pero tagihawatin na cashier...?

was feeling , wala ng magandang view...

>
[TV Series]

The Greatest Love 

namasyal na sina Peter at Gloria..
naalala ng babae na mahilig siyang kumuha ng mga larawan noon ni Peter..
at naisipan niya na babalikan at gusto niyang gamitin yung camera na ibinigay sa kanya ng kanyang Tatay Zosimo..
pero kinumbinsi siya ng lalaki na yung smartphone na lang niya yung gamitin..
mabilis na ang resulta, at hindi pa kailangan ng film..
kagaya pa rin daw siya ng dati, gustung-gusto na hinuhuli sa litrato ang lahat ng mg alaala...

sa bahay naman ni Mommy Glo..
uuwi na daw sina Amanda at Z sa kanila, dahil doon na rin titira sa bahay ang Tatay nila..
nagkabiruan pa ang magkakapatid at si Z..
malapit na daw ang pasukan, para kina Z at Paeng..
si Lizelle naman daw ay malapit nang matapos ang training, magkakaroon na naman daw sila ng ise-celebrate kapag naging OIC na siya ang sabi ni Andrei..
at sinabi naman ni Lizelle na hindi naman nila kailangan ng okasyon para magsama-sama...

balik sa Baguio..
ang ganda daw ng araw na yun ang sabi ni Gloria..
ayaw daw niyang matapos iyon...

paalis na sana sina Amanda at Z..
saktong dating naman ni Andrei na may dalang naka-frame na na bagong family picture nila..
kinuha naman ni Amanda ang isang lumang family picture, at napansin siya ni Lizelle..
kasal na daw ulit ang kanilang ina kaya tama lang na alisin na niya iyon..
magsisimula daw ulit sila bilang isang pamilya...

bagong araw na..
nagising na si Gloria sa hotel..
kaagad namang p-in-lay ni Peter ang isang video reminder para sa kanyang asawa..
may kasama pang mga lumang pictures nila mula sa Bagong Ilog..
nagbatian na ang 2 ng Happy Morning..
nagandahan daw si Gloria dun sa video..
pinagawa naman daw talaga yun ni Peter para sa kanya..
nasaan daw sila..?
at paulit-ulit na nga ang mga usapan nila araw-araw..
tapos na-realize na naman niya na kasal na nga sila dahil dun sa singsing..
naalala niya na takot si Peter noon sa palaka..
pero sinabi naman ng lalaki na wala na siyang kinatatakutan sa ngayon, dahil mag-asawa na sila..
muling naitanong ni Gloria kung kasal na ba sila..?
at ipinakita na lang ni Peter yung video ng kasal nila..
totoo nga daw, pero bakit daw niya yun nakalimutan..?
paano ba daw sila ikinasal..?
at ikinuwento nga ulit ng lalaki ang lahat sa pasyente...

sa bahay nina Amanda..
si Z ang naghanda ng kanilang breakfast..
medyo nagkamali pa siya sa pagluluto ng isda, dahil hindi daw niya nasunod ang bilin ng kanyang Dad..
nagpaalam si Z kung pwede ba daw siyang mag-aral na mag-drive..?
para saan naman daw ang tanong ng kanyang Mom..?
para daw pwede na niya itong ipag-drive sa trabaho niya...

sa kompanya naman nina Lizelle..
kabado ang dalaga dahil sa presentation niya, mga big bosses na naman daw kasi ang kaharap niya..
kung tawagan daw kaya niya ang kanyang Tatay..?
huwag daw ang sabi ni Sandro, huwag daw nitong istorbohin yung 2 sa honeymoon nila..
nagyakapan na lang tuloy sila para pampalakas daw ng loob..
umalis na rin naman si Sandro para dumiretso sa construction site...

balik sa bagong kasal..
kung ganun daw pala ay si Gloria ang nag-propose kay Peter..?
hindi daw magsasawa ang lalaki na ipaalala sa kanya ang lahat araw-araw..
hindi ba daw siya mapapagod, ang tanong ni Gloria..?
at sinabi naman ni Peter na hindi napapagod ang taong nagmamahal...

namasyal na nga ulit ang 2 matanda..
naikuwento ni Peter na si Z ang naging daan para muli silang magkita ni Gloria..
eh masaya ba daw si Peter noong nagkita ulit sila noon..?
naalala ng lalaki na hindi maganda ang naging pagtatagpo nila noon ni Gloria dahil sa galit niya..
at sinabi nga ni Peter na masaya siya na nagkita sila noon (na patungkol na sa kinahinatnan ng muli nilang pagtatagpo)..
nagpahinga na muna sila para makapag-tsaa si Gloria..
mag-asawa na daw sila kaya hayaan daw niya ang lalaki na alagaan siya..
pero matanda na daw ang babae..
ayaw ba daw niyang alagaan siya ni Peter kung ganun..?
at sinabi naman ng pasyente na gusto niyang alagaan siya ni Peter..
aalagaan daw ng lalaki pati ang mga anak nila..
nag-aaway-away pa ba daw ang mga yun, ang tanong ni Gloria..?
hindi na daw..
isa-isang kinumusta ni Gloria sa kanyang asawa ang kanyang mga anak, at nag-share rin siya ng mga nalalaman niya tungkol sa kanila, na nauwi pa sa mga biruan nilang 2...

was feeling , pero mawawalan pa ng malay ang pasyente...

>
medyo malapit na nga ako sa hinahabol kong complexion para sa isa sa mga main characters ko...

sa wakas!
nasubukan ko na ulit mag-render ng mga buong scene..
bale 2 yung nagawa ko kanina..
sobrang impressive nung outdoor environment, halos 30 minutes lang ang inabot para makumpleto..
para naman dun sa indoor, medyo nahirapan yung engine ko sa mga metallic texture..
after 2 hours eh hindi pa nakumpleto yung render, pero pasado na sa akin yung resulta nun...

2 yun sa mga kailangan kong setting para sa kauna-unahan kong project...

was feeling , ang galing...

---o0o---


March 31, 2017...

[TV Series]

The Greatest Love

sa coffee shop..
hinahanap ni Z si Y para sana bigyan ng rose..
binati siya ng Tito Paeng niya..
at sinabi nung sa isa pang tauhan doon na kung si Y yung tinutukoy ni Z ay nag-resign na ito kahapon pa..
medyo nainis naman si Z sa nalaman niya...

nag-meeting naman sina Alvin, Amanda, at Greta..
balak sana nilang ayusin ang team nila..
unfortunately daw ay nawala sa kanila yung biggest client sana nila from Bangkok dahil sa absence ni Amanda..
sinabi naman ni Amanda na magkakaibigan sila na parang ayaw niya na nagagamit na rason pa yun para pagbigyan siya parati, kaya nag-decide siya na iwanan na ang kompanya nila..
na-realize daw kasi niya na kailangan niya ng trabaho na hindi masyadong time-consuming para maalagaan niya ang Mama niya at ang pamilya niya..
pero may hihilingin daw sana siyang pabor..
at sinabi naman ni Alvin na isasauli nga nila yung naging investment ni Amanda..
sa wakas ay in good terms na rin sila ni Greta...

nakita na si Z si Y, at nasugod niya ito..
parang inis siya na may tampo dun sa babae..
bakit daw hindi nito sinabi na aalis na siya..?
nagpaliwanag naman si Y na wala pa kasi siyang load..
nag-resign daw siya sa coffee shop dahil magpapasukan na..
edi kung ganun daw ay aalis na nga siya, dahil mag-aaral na siya sa States..?
pero hindi naman na daw siya sa States mag-aaral, na ikinagulat at ikinatuwa ni Z..
hindi daw kasi kayang iwanan ni Y ang kanyang Mama at ang kanyang mga kapatid - at si Z na rin..
sa sobrang tuwa ay hahalikan na sana siya ng binatilyo sa kanyang labi, pero kaagad naman niyang naiharang yung binili niyang kulay blue na naka-plastic na inumin..
hindi pa daw niya sinasagot si Z para gawin yun nung lalaki..
sorry naman daw, nadala lang ng damdamin, sabay bigay nung nalukot nang rose...

si Ken naman ay umatras na sa pag-aampon..
na-realize daw kasi niya na wrong timing pa nga..
may panahon pa naman daw silang 2 ni Andrei dahil medyo bata pa naman sila...

sa bahay nina Amanda..
natanong ni Z kung malungkot ba ang kanyang Mom dahil wala na itong trabaho..?
oo daw, kasi back to zero na naman siya, at hindi na daw siya bata, napaka-competitive pa naman daw sa field nila..
pero hindi rin daw, kasi matututukan na niya si Mommy Glo at ang kanilang pamilya..
basta sisiguraduhin daw nila ni Chad na makakatapos si Z para maging doktor na ito..
pero 8 years pa daw bago mangyari yun..
tinanong ng binatilyo kung pwede pa ba siyang mag-part-time job..?
pero sinabi ni Amanda na mas gusto niyang mag-focus na lang ang anak sa pag-aaral...

sa university nina Z, first day na ng school..
tinawagan niya si Y para mangumusta..
naka-uniform si Y, at mukhang nasa high school pa..
g-in-ood luck lang nila ang isa't isa..
after ng tawag, sabay dating naman ni Paeng..
may nakakita kay Z na mga kakilala nito, at natanong kung tropa rin ba nila si Paeng..?
nagpakilala naman si Paeng na Tito ni Z, at hindi nahiya na sinabi na estudyante rin siya doon...

sa kompanya naman nina Peter..
masayang ibinalita ni Lizelle kay Sandro na pasado yung presentation niya sa mga boss...

somewhere..
nagsimula na ulit mag-apply sa trabaho si Amanda..
pero medyo napaisip tungkol sa kanya yung interviewer nung malaman nito na nag-resign siya sa dati niyang trabaho (partnership) dahil p-in-rioritize niya ang personal problems niya..
ano daw ba ang pipiliin ng aplikante in case na magka-problema siya ulit, ang trabaho ba nila o personal life niya..?
sa buhay daw kasi ng tao ay hindi naman talaga nawawalan ng personal problems, at ang kailangan nila ay yung marunong ihiwalay ang personal matters sa trabaho...

sa bahay ni Mommy Glo..
nagkasama-sama ulit yung 4, pati si Z..
naikuwento nga ni Amanda yung nangyari sa interview niya, at mukha daw hindi siya tatanggapin dun..
na-open rin nila yung isyu ng pamimili ng age ng mga applicant..
ayun, kuwentuhan ng kung anu-ano, tapos naisip nila na sumunod sa Baguio since magkakasama na sila..
pero tinawagan muna nila ang kanilang Tatay para humingi ng permiso...

sa hotel..
sinusubuan ni Peter si Gloria, dahil grabe na nga yung pangangatal ng mga kamay nito..
ayaw naman ng pasyente dahil para naman daw siyang bata nun..
pero ipinilit ni Peter na aalalay pa rin siya..
tumawag na nga si Andrei..
ang Tatay na nila ang sumagot ng smartphone..
kinausap sila ni Mommy Glo, nalaman niya na magkakasama silang lahat ngayon..
eh bakit daw sila magkakasama doon, eh nasa Baguio siya, sumunod daw sila sa Baguio..
(iba talaga ang nagagawa ng pera, parang nagiging 'instant' ang lahat)...

nagising na si Gloria..
niyaya na siya ni Peter na maghanda na para sa pagdating ng kanilang mga anak..
inaalalayan siya ng lalaki sa halos lahat ng bagay..
maglalakad-lakad na muna daw sila para ma-exercise sila bago dumating ang mga bata..
naglalakad-lakad nga sila, nagkukuwento si Peter, pero parang hindi masyadong nagre-react si Gloria..
nang biglang hinimatay ang pasyente, pero nasalo naman siya ni Peter..
kaagad siyang binuhat ng lalaki, at nagsisigaw rin ito para humingi ng tulong...

balik sa bahay..
halos ready na ang mga bata, maliban kay Andrei..
nakatanggap si Lizelle ng tawag mula sa kanilang Tatay..
huwag na daw silang pumunta sa Baguio, nasa ospital daw kasi sila ni Gloria...

was feeling , umpisa na ulit ng mga problema..? 3 weeks left...

---o0o---


April 1. 2017...

started Tumbling..
luma na yung account ko dun, pero kahapon ko lang talaga pinagana..
alanganin kasi sa Blogger eh, baka maipasara lang..
sa Wordpress naman, ni-review ko yung terms nila at halos ganun din, hindi masyadong maluwag sa policies...

pero pinag-aaralan ko pa rin..
hindi masyadong flexible yung controls at hosting sa Tumblr eh...

is feeling , kailangan na ng mga audience sa umpisa pa lang...


No comments:

Post a Comment