at yun nga ang isa sa mga kahinaan ng demokrasya..
ang kalayaan sa paggawa ng MALI, ang paniniwala sa MALI, at ang pagkampi sa MALI...
hindi ipinagbabawal ng demokrasya na sumamba o kumapit ang mga tao sa kasamaan..
hindi ipinagbabawal ng demokrasya ang pagkalat ng mga mali o pekeng impormasyon..
walang nagsasabi o nagdidikta na dapat ay tutulan lang ng lahat ng mamamayan ang kadiliman..
siguro dahil iniaasa na nito sa bawat mamamayan na may kakayahan silang timbangin kung ano nga ang TAMA at MABUTI...
hindi nasaklaw ng konsepto ng demokrasya yung tanong kung matino pa bang mag-isip ang isang mamamayan..
hindi nito nasaklaw yung konsepto tungkol sa pagiging mga panatiko na lamang na walang kakayahan na mag-isip...
---o0o---
update ulit (50 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
- yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
- yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
- yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
- yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
- yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
- yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
- yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
- yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
- yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
- yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
- yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
- yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
- yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
- yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera
- yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao
- yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
- yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
- sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
- yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
- yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
- yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
- yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
- yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
- sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
- yung pulis na ng rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
- yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
- yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
- yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
- yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
- yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
- yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
- yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
- yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
- ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
- yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
- yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
- yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
- yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
- yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
- yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
- yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
- yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
- yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system ng bansa:
- sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
- yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
- yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
- isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
- yung Oplan Cyber Tokhang
---o0o---
February 26, 2017...
wala namang dapat ipagtaka kung nasasabayan man yung mga kilos-protesta eh...
unang-una, naka-save the date na yung petsa na yun sa kalendaryo..
ikalawa, kung sa Facebook nyo ipo-post lahat ng ino-organize ninyo na pagkilos eh talagang matutunugan kayo ng mga drone ng kalaban...
hindi naman kailangan nang pag-debate-han pa kung sino ang may punto..
andami na kasing patunay eh:
- napatay na si Mayor Espinosa sa mismong loob ng bilangguan
- star witness na ang mga kriminal
- sira na ang peace talk
- nakalibing na yung basurang Diktador sa isang pambansang libingan
- tinitipid yung ibang bagay pero panay ang uwian sa probinsiya
- na-extend na yung mga 6-months na pangako noong halalan hanggang sa full term
- sobrang dami na ng mga binastos na pinuno ng ibang bansa
- halos in-assume na sa ibang bansa na kasapi ng Dictator Clan ang totoong nanalo para sa pagka-Vice President
- andami na ng nasakripisyong mga inosenteng buhay dahil sa mga patayan
- uso pa rin ang hulidap
- wala namang masyadong nakukulong o naitutumba na mga pulis na nagpositibo sa test para sa ilegal na droga
- wala namang masyadong nahuhuli na mga taga-tumba at iba pang klase ng kriminal
- malalaya at napapawalang-sala na yung mga may atraso sa bayan
- andami na ng gustong buwisan sa kabila ng mahinang ekonomiya
- ultimo dagdag pension sa SSS eh gusto na sa mga naghuhulog din kukunin na parang tornohan na lang
- sobrang hina na ng Piso laban sa Dolyar
- ultimo 3-weeks na pagtatayo ng mga bahay eh kasinungalingan lang pala
may mga improvements rin nga naman, may mga anyo ng katiwalian noong mga naunang administrasyon na nawala..
kaso parang mas dumami o mas naging obvious yung marami pang form ng kasamaan eh..
halos si Lopez na nga lang ang may ginagawang kabilib-bilib sa kanilang hanay eh...
was feeling , bakit ninyo isusulong ang mga sistemang palpak at nagbubuwis sa buhay ng mga inosente..? mga bulag na tagasunod!
>
siguro kung may magandang tanong sa ngayon patungkol sa kriminalidad, yun ay...?
ano yung rason kung bakit nalimitahan ang mga patayan noong panahon ng kampanya at eleksyon..?
bakit muli yung nagsulputan with a much greater magnitude nang matapos na ang eleksyon..?
ano yun, maging mga tagatumba eh nagpapakitang-tao lang, o talagang most of them eh napigilan ng gun ban...?
kasi kung effective nga yung gun ban..
eh bakit hindi na lang yun i-implement habambuhay..?
tutal wala naman silang giyera laban sa firearms at mga tagatumbang riders eh..
kung yun yung mas makapagliligtas sa buhay ng mga inosente, eh bakit hindi pa gawing permanente...??
was feeling , ano ba talaga yang mga tagatumba na yan...?
---o0o---
February 27, 2017...
ang galing ng teknik ng Dictator Youth..
nangpo-provoke para makahanap ng gulo..
ang lesson, huwag papatol sa mga bayaran (tsk, masarap ba ang nakaw na yaman..?)...
at ang lakas nila sa Solicitor General..
parang alam na kung kani-kaninong mga pangalan pa ang ayaw nilang ipasiwalat kay Napoles...
tapos pahakot pa pala sa DILG yung mga tao nila..
nagtitipid pala ha..?
parang alam na rin kung kaninong pera yung ginastos para sa event at sa mga sasakyan..
baka mga 4Ps beneficiaries pa yung mga hakot, baka tinakot na naman na aalisan sila ng sustento...
was feeling , umpisa na ng pambubusal...
---o0o---
February 28, 2017...
panibagong kaso na naman...
sa Cebu City..
3 sundalo DAW ang nahulihan ng drug paraphernalia...
was feeling , disiplina muna...
>
ang hina naman ng loob ni Bato..
suko na kaagad siya na linisin ang sarili nilang hanay..?
eh hindi ba mas madali nga yun kung tutuusin dahil may listahan naman sila ng lahat ng mga kasapi nila..?
o aminado siya na may mga untouchable talaga sa hanay nila...??
tapos gusto na naman kaagad nilang bumalik sa War Against Illegal Drugs..
related daw ang mga krimen sa droga, eh noong kasagsagan ng giyera nila noon eh talagang nagkalat pa rin naman ang mga mamamatay tao at ang mga kriminal sa lansangan..
siguro dahil alam nila na hindi naman nakakalat ang mga pulis sa mga lansangan para magbantay sa seguridad ng lahat..
ang kakaiba lang noon eh inaatake nila yung mga gusto nilang atakehin sa mismong mga bahay ng mga 'to, kaya lumalabas na aktibo sila...
kung yung sarili nga nilang hanay eh hindi nila malinis (o ayaw nilang linisin)..
kapani-paniwala pa ba na masusugpo nila ang ilegal na droga..?
o baka naman hinahayaan lang talaga nila ang mga kriminal ngayon para palabasin na may mga threat sa lipunan..?
o baka naman gusto lang nilang ituloy yung giyera para lang maipakita nila na may ginagawa naman sila (since hindi nga nila mahuli yung karamihan ngayon ng mga kriminal na naipakita na sa news)..?
o baka naman naghahabol pa din sila sa incentives at komisyon mula sa mga punerarya...??
yung mga batang tinamaan ng ligaw na bala..
yung lalaking binaril matapos umawat sa away ng magkarelasyon..
yung latest na barilan na naman dahil sa road rage..
gaano ba kahirap talaga na alamin kung sinu-sino ang may mga hawak na baril, lisensyado man o hindi..?
o baka naman may iniiwasan din silang hulihin...???
was feeling , bakit nga ba iniiwasan nila yung giyera na yun...???
>
sort of good news...
sa Tanauan City, sa Batangas..
isang miyembro ng akyat-bahay ang napatay ng kanyang bibiktimahin sana..
malinis yung kaso dahil may mga kuha naman ng CCTV eh...
pumasok kasi yung kriminal sa loob ng bahay, at binaril pa niya yung biktima..
(yun talaga yung bad news, andami talagang mga kriminal ngayon ang may mga baril, ito ay sa kabila na trabaho ng gobyerno na i-regulate yung mga ganung klase ng armas at puksain yung mga ilegal na klase nito)..
gamit naman yung lisensyadong baril nung biktima ay gumanti daw ito ng putok at napatay niya yung kriminal..
ang isa pang bad news ay nakatakas daw yung mga kasamahan nung masamang tao na yun...
sa tingin ko malinis yung kaso na 'to..
kasi bukod nga sa kuha nung CCTV..
eh sa tingin ko naman eh sobrang komplikado na kung magpo-provide pa yung biktima ng baril para dun sa napatay niya, babarilin ang kanyang sarili, at saka palalabasin na napatay niya yung taong yun sa loob pa mismo ng sarili niyang bahay..
kaya naman highly justifiable yung nangyari...
was feeling , ubusin na ang mga certified dangerous criminals...
---o0o---
March 1, 2017...
hindi ko maintindihan yung [Certain Religion]..
base sa mga advertisements na nababasa ko eh parehas lang naman ang origin nila ng Kritiyanismo...
pero bakit ganun..?
ayaw nila sa baboy dahil itinuturing nila na makakarumi para sa kanila ang pagkain nun (gaya rin ng sa ibang sekta ng Kristiyanismo)..
yung utos na yun eh nasusunod nila nang halos perpekto..
pero yung pagpatay, lalo na yung pagpugot sa ulo ng kapwa nila tao eh parang wala lang sa kanila..?
wala ba talaga sa aral nila na huwag silang papatay...??
was feeling , o palaaway lang talaga ang uri nila..? ganun din kasi sa palengke eh...
---o0o---
March 2, 2017...
maganda yung plano ni Bato..
yung bubuo ng mga grupo ng mga mapagkakatiwalaang mga pulis na sila lang ang naka-assign sa paglaban sa illegal drugs...
kaso may mga butas pa rin yun:
1) paano malalaman ng mga tao kung sinu-sino lang yung mga pulis na authorized na umatake (basically kasi eh pare-parehas pa rin silang mga pulis, unipormado man o hindi)..?
2) there are still possibilities na sasabayan lang sila ng mga kriminal na pulis sa mga operasyon nila (considering nga yung issue #1)
- a) magagamit na naman na oportunidad yun para magtumba ng mga koneksyon nila
- b) or magagamit lang ulit yun na pang-hulidap, tatakutin ang mga sibilyan na kesyo idadamay sila sa kaso ng ilegal na droga kapalit ng pera
but there may be ways para mabawasan na nga yung operasyon ng mga kriminal na pulis (mabawasan in the sense na magdadalawang-isip na silang gawin yung mga kasamaan nila):
- if ever may mangyaring operasyon na wala naman sa record, mas madali na lang ma-che-check kung legitimate yun o ano by checking the involved policemen
- kapag may trumabaho na hindi bahagi ng authorized group, lalo na kapag nagkaroon ng tumbahan o hulidap, eh dapat imbestigahan kaagad nang ayos yun
- using a limited group eh hindi na siguro issue ang paggamit ng mga body camera
pero sana nga ay puros matitinong mga pulis lang ang maging bahagi ng grupo na yun...
was feeling , saka na yung review ko tungkol sa pagmamahal ng mga bilihin kapag na-experience ko na siya.. at hindi pa kasama dun yung mga balak nilang ipataw na mga karagdagang buwis...
>
sana may Batas ng Kuyog sa mga barangay...
kagaya nung kaso nung bading na binatilyo na alyas Jaja daw..
eh kilabot na palang magnanakaw sa lugar nila..
andami nang beses na nahuli ng mga CCTV, at kilala rin nga sa lugar nila..
pero hindi siya nahuhuli...?
ang maganda dun eh kuyugin nang bugbbog hanggang sa mamatay..
hindi gaya nun na paulit-ulit na lang yung kriminal na yun na parang yung pagnanakaw na ang hanapbuhay niya...
was feeling , pero siyempre dapat accurately identified ang suspek bago patayin...
No comments:
Post a Comment