[V-League]
anong nangyari sa UST na nag-start noon sa Reinforced Conference ng Pizza League..?
nasaan na sila...??
Fajardo at Nabor talaga ang naglalaban para sa attacking setter, mas lamang pa nga lang si Fajardo sa consistency...
was feeling , 1-1, 2-0...
---o0o---
February 12, 2017...
[V-League / Cuties]
from #12 to #8...
edi kayo na ang malalakas ang mga teammates..
basta si Jema Galanza na ngayon ang pinaka-cute na player sa loob ng court sa kahit na anong match - tapos ang pulong!
she's thick, pero cute..
mukha pang hindi pinagpapawisan, haha...
si Gumabao talaga o'..
laging gutom sa panalo..
kung pwede lang siyang maglaro sa UAAP eh pumasok na yun sa court...
feeling , 8 is LOVE...
>
[V-League]
2-1..
untikan na kanina..
mabuti at nandun si Gequillana, delikado yung unang naisip ni Meneses na mag-focus sa height..
pero sa ngayon wala pa ring Ace Player na maituturing ang ADMU..
si Maraguinot lang ang kayang umatake mula sa kung saan-saan, pero kailangan pa niyang maging mas mapuwersa...
lagot naman kay Nabor..
may tumor pala siya sa tuhod..?
paano na ang DLSU versus NU sa Finals...??
was feeling , nilihim pa kay Coach Roger ih...
---o0o---
February 13, 2017...
[TV Series]
The Greatest Love
nanibago daw si Mommy Glo sa ospital, kaya natakot ito..
pero tulog na daw ang pasyente sa ngayon ang sabi ng doktor..
mukhang na-trauma daw ito nang dahil sa sunog, posibleng hindi daw nito matandaan yung pangyayari pero matatandaan ng katawan niya yung takot..
hindi rin mai-recommend ng doktor na ilipat pa si Mommy Glo ng ospital, para daw hindi ito muling ma-disorient sa environment niya..
sinabihan niya rin ang mga bata na huwag magsasabi ng mga bagay na posibleng maka-aggravate sa pasyente...
sa loob ng kuwarto ni Mommy Glo..
naunang pumasok sina Peter at Mareng Lydia..
kung alam lang daw sana niya yung nangyari, sana daw ay naipagtanggol niya si Gloria laban kay Andres..
sana daw ay napigilan niya yung kasal, at sana daw ay naging masaya si Gloria..
pumasok na ang mga anak ng biyuda, lumabas na muna si Peter at ibinilin sa mga bata ang pasyente...
habang pinagmamasdan ang natutulog nilang ina, muli namang nasabi ni Andrei na kasalanan nilang lahat ang nangyari dito...
sa labas ng silid ni Gloria..
muling naisip ni Peter ang aksidenteng revelation ng kanyang minamahal..
nilapitan siya ni Mareng Lydia..
huwag daw sisihin ng lalaki ang kanyang sarili sa nangyari kay Gloria..
bakit daw hindi sinabi sa kanya ni Mareng Lydia ang totoo..?
ginusto daw ni Mareng Lydia na gawin yun, pero nakapangako siya sa kanyang bestfriend na hinding-hindi niya gagawin yun..
ayaw daw kasi nitong masaktan si Peter at ang kanyang mga anak..
eh paano daw si Gloria, dinala daw nito ang lahat ng sakit na yun sa loob ng mahabang panahon..?
kung alam lang daw niya sana, edi hindi na niya sinumbatan ang babae noon..
at mas naunawaan daw sana ng mga anak nito ang mga nangyari sa kanila..
alam daw ni Gloria ang lahat ng yun, pero mas pinili daw nito na magsakripisyo para wala nang masaktan..
mahirap daw, pero sana daw ay matupad rin ni Peter ang kahilingan ni Gloria, na ilihim na lang sa mga bata ang tungkol kay Andres..
at sumang-ayon rin naman ang biyudo...
umalis si Paeng at tila may paggalang na binati si Mr. Alcantara..
tapos minabuti ni Amanda na kausapin ang biyudo..
mabuti daw kung umuwi na muna ito at magpahinga, mahaba daw ang naging gabi nila dahil sa mga nangyari..
pero hindi na daw, dahil gusto niyang bantayan si Gloria, siya na daw ang bahala kung ganun ang tugon ni Amanda..
bago tuluyang bumalik sa loob ng kuwarto ng kanyang ina, maluha-luha na nagpasalamat ang babae..
salamat daw sa pagliligtas ng biyudo sa kanilang ina, at salamat din daw sa pagliligtas nito sa kanya..
nagpasalamat rin naman si Peter dahil napaaga daw ang balik noon ni Amanda sa bahay nila, dahilan para mailigtas nito si Gloria..
sinilip-silip pa ng panganay ni Gloria si Peter bago ito tuluyang bumalik sa loob ng kuwarto ng pasyente...
sa junk shop..
inililista nina Sandro kung anu-ano yung mga gamit na naisalba nila mula sa sunog..
dumating sina Andrei at Paeng, at naibalita na ayos naman daw na si Mommy Glo..
ipinakita rin nila yung iba pang gamit na naisalba ng mga taga-San Ildefonso, na ipinagpasalamat ng mga bata..
mabuti daw kasing tao si Mommy Glo kaya sila tinulungan ng mga kababayan nila..
matutuwa daw ang ina nila dahil dun..
nakita rin ng magkapatid ang ilang mga alaala nila mula sa bahay na yun, at hindi naiwasang mapa-MMK sila...
gusto sana ni Z na dumaan sila sa nasunog na bahay para makita niya ito..
pero hindi na muna daw ang sabi ni Amanda..
hindi pa daw kasi niya kayang makita yung bahay nila, madami daw kasi silang mahahalagang mga alaala mula sa bahay na yun...
ganun din ang tingin ni Lizelle..
pero kahit na nasunog na yung ancestral house ni Andres, ay sana daw ay hindi makalimutan ni Mommy Glo yung mga alaala nila mula sa bahay na yun...
hanggang sa nagising na si Mommy Glo..
sina Amanda at Z, at Peter at Lizelle ang mga unang nakita niya..
nakakakilala na ulit siya ng mga tao..
pero ginusto na niyang makauwi as soon as na-realize niya na nasa ibang lugar siya...
was feeling , mababasa na nila yung totoong kahilingan ni Mommy Glo...
>
[Medical Condition]
ilang beses ko nga rin napansin na may buong puting laman sa loob ng cyst ko, malapit dun sa butas..
at since nag-leak na ulit siya kanina, eh minabuti ko nang subukang alamin kung ano yun..
noong unang beses ko siyang mahila, eh inakala ko na malaking laman pa yung nasa loob dahil medyo mahaba-haba din yung hawak ko..
kinabahan ako na baka kung ano man yung nasa loob nun eh hindi magkasya dun sa opening..
akala ko nga eh yung sac na yun eh..
pero noong nahila ko na siya eh medyo maliit lang naman pala..
parang natuyo lang na mass ng Elmer's Glue...
at sa ngayon nga eh open na open na ulit siya..
halos wala nang keratin na laman sa loob..
at halos wala na ring keratin na namumuo sa may opening..
kaya kailangan kong maging maingat para maiwasan ang infection...
aside from that..
sa tantsa ko eh aktibo pa rin na nagpo-produce ng keratin yung sac na yun..
kasi bumubukol at bumubukol pa rin yung cyst ko from time to time...
was feeling , huwag na huwag kang sasabay sa mga gastusin ko...
---o0o---
February 14, 2017...
Loveless Valentine 13
hindi laging totoo yung kasabihan na kapag malas ka pagdating sa love life eh masuwerte ka naman pagdating sa ibang bagay...
sa tingin ko kasi, ang talagang mas applicable in most cases eh - kapag malas ka pagdating sa pera, eh malas ka na rin sa ibang bagay..
dahil hindi mo naman makukuha lahat ng gusto mo kung wala ka namang pera..
natural na oxygen na lang ang libre sa panahon ngayon, unless marunong ka ring magtanim at mangaso...
kaya naman para sa babaeng pinakamalapit sa puso ko sa ngayon..
wala eh, game over na..
i just hope na parati kayong maging healthy at ligtas ng anak mo..
at sana wala na ulit oportunistang lalaki na gumamit at manakit pa sa'yo...
was feeling , ang saklap...
>
[TV Series]
The Greatest Love
dahil nga nagtataka na ang pasyente, pero hindi nila ito pwedeng biglain tungkol sa mga totoong nangyari, eh nag-decide na magsinungaling ang mga anak ni Mommy Glo..
pinigilan ni Lizelle si Amanda sa pagsasabi ng totoo, bagkus ay nagkunwari siya na hypertension ang dahilan kung bakit napunta sa ospital ang kanilang ina..
gusto nang umuwi ng pasyente..
sinabi naman ni Amanda na uuwi sila, pero hindi sa ancestral house nila, kundi ay sa bahay na muna nina Amanda sa Manila..
para daw yun sa mga gagawing checkups kay Mommy Glo, at dahil rin may mga kailangang gawing trabaho si Amanda..
sinang-ayunan naman ni Z ang sinabi ng Mom niya, at tumulong sa pagkumbinsi sa kanyang Lola...
sa junk shop..
nakita nina Andrei at Paeng yung notebook ni Mommy Glo na nakasama sa mga nailigtas nilang mga gamit..
tila na-guilty ang 2 nang makita yung goal ng ina nila para sa kanila..
nasabi naman ni Paeng na kahit may sakit na ang kanilang ina eh talagang sila pa rin ang inaalala nito..
at nabasa nga ni Andrei yung final goal ni Mommy Glo - ang ikasal siya kay Peter..
ipinabasa niya ito kay Paeng, at parang hirap pa rin yung isa na sumang-ayon sa bagay na yun...
balik sa ospital, habang papaalis na sila..
nag-sorry si Lizelle kay Amanda na pinigilan niya itong sabihin yung totoo tungkol sa nasunog nilang bahay..
naintindihan naman ito ni Amanda, pero eventually daw ay kailangan rin nilang aminin yung nangyari sa ina nila, kailangan lang daw nilang maghintay ng tamang tiyempo..
after that, inalok ni Mr. Alcantara na ipag-drive sina Amanda kung pagod daw ito, pero hindi na daw..
tapos ay inalok naman ni Amanda ang biyudo kung gusto nilang mag-convoy paluwas ng Manila para sa checkup ni Mommy Glo, at nagalak naman si Peter sa alok na yun ng panganay ni Gloria...
sa clinic sa ospital sa Manila..
lumiliit na daw yung parang center ng brain operations ng pasyente..
dahil daw sa nangyaring aksidente eh tila lumala na yung kondisyon ni Mommy Glo from moderate to severe..
pero posible naman daw yung bumalik sa base level kung mapapawi nila yung stress at yung trauma dun sa pasyente...
pagkadating nila sa bahay nina Amanda..
gusto na kaagad ni Mommy Glo na umuwi, pero kinumbinsi nila ito na doon na muna siya..
pagkabukas naman ni Z ng mga ilaw ay nanumbalik kay Mommy Glo yung mga fragments ng alaala niya tungkol dun sa sunog, kaya natakot siyang muli, pero ipinaliwanag sa kanya ng mga bata nang ayos ang lahat..
tinanong ni Lizelle kung pwede ba siyang pumasok sa bahay nina Amanda, at hinayaan naman siya ng ate niya..
inalok rin nila si Peter, pero mas pinili na nitong maghintay na lamang sa labas (siguro naisip niya rin yung panunumbat ni Amanda tungkol sa pagtapak niya sa bahay ng kanilang ama na si Andres)..
sa loob, sinusubukan nilang i-point out sa pasyente yung ilang pagkakatulad ng bahay nila sa San Ildefonso kumpara sa bahay nina Amanda, para hindi naman ma-disorient si Mommy Glo...
nakahabol naman si Mareng Lydia sa bahay nina Amanda..
nakituloy na muna daw siya sa isa niyang pinsan, dahil gusto daw niyang bantayan si Gloria..
natanong tuloy ni Peter kung gusto lang ba nitong bantayan ang sikreto ng bestriend nito..?
nag-aalala daw kasi siya na baka kung anong masabi ni Gloria sa kanyang mga anak...
tapos kasunod na ring dumating sina Andrei at Paeng..
nagdala lang daw sila ng mga importanteng gamit mula sa nasunog nilang bahay..
inalok rin ni Andrei na tumuloy si Mr. Alcantara, pero sa labas na lang daw siya maghihintay ng balita mula kay Mareng Lydia..
sinabihan din niya yung 2 na naninibago si Mommy Glo sa bahay ni Amanda...
sa kuwarto ni Mommy Glo..
talagang hinahanap niya yung mga damit niya..
at nang makita niyang nakumpleto ang kanyang mga anak ay naalala niya na hindi totoong okay ang mga ito, at na hindi totoo na masaya sila..
paulit-ulit niyang binabanggit yun habang umiiyak..
kaya naman hiniling na muna ni Mareng Lydia na huwag magpakita sa pasyente ang mga anak ni Gloria..
at sina Mareng Lydia at Z na muna ang nag-asikaso dito...
nag-meeting ang magkakapatid sa dining area..
napansin nga nila na okay naman sa kanila ang kanilang ina kapag hindi naman sila magkakasamang 4..
pero naa-agitate ito sa tuwing nakukumpleto sila, dahil naaalala nito yung sandali na nag-aaway-away silang magkakapatid..
iminungkahi ni Andrei na ayusin na nilang 4 yung gusot sa pagitan nila..
pero hindi daw yun madali sabi nina Amanda at Paeng, dahil hindi sila pwedeng magplastikan na naman..
sumang-ayon naman si Lizelle dun sa 2, at iwasan na lang daw nila na mag-away-away..
after that ay ipinakita nina Andrei kina Amanda at Lizelle yung listahan ng goals ni Mommy Glo..
na-guilty rin si Amanda nang makita yung goal para sa kanya ng kanilang ina..
pero hindi daw yun yung tamang timing para i-open na ulit yung topic ng kasal, dahil related yun sa away nilang magkakapatid at sa naging sunog..
hihintayin na lang daw muna nila na mag-stabilize ang emosyon ni Mommy Glo...
sunod nilang napag-usapan ang tungkol sa pagbebenta ng lote at ng kanilang junk shop..
naulit ni Andrei na baka naman kaya na yung junk shop ni Sandro, pero sinabi naman ni Amanda na sa pamilya kasi nila yun at hindi naman tama na ipasa nila lahat ng responsibilidad sa mga tauhan nila dahil nga sa wala nang mag-i-stay sa kanila sa San Ildefonso..
kailangan daw nilang ayusin ang lahat hanggang sa bumuti na ulit ang lagay ng kanilang ina..
kailangan rin nilang ipaalam ang mga magiging desisyon nila kina Ate Melba at sa grupo ni Sandro...
nililibang naman nina Mareng Lydia at Z si Mommy Glo..
basta sinasakyan lang nila yung mga trip nito hangga't makakaya..
tapos biglang nag-text si Y, nangungumusta, nabalitaan daw kasi niya yung nangyari, kaya nag-aalala na siya para kay Z..
sumagot naman si Z sa text na saka na lang daw sila mag-usap dahil nasa bahay nila si Mommy La...
balik sa meeting nung 4..
inalok ni Andrei si Paeng na pwede siya doon sa condo nila, nagpasalamat naman si Paeng pero doon na lang daw siya kina Amanda..
at muli ngang inulit ni Andrei na sana ay mag-effort silang lahat na magkabati-bati na..
dahil untikan na nga nilang mapatay ang kanilang ina dahil sa mga pag-aaway nilang magkakapatid...
was feeling , andami na nilang nasasayang na pera at ari-arian...
>
gusto ko lang sabihin na..
kung sino man yung mga taong pinili na tumulong sa akin..
sana naman ay hindi na sila madamay sa mga kalamasan ko sa buhay...
i'm not daring or challenging any form of entity..
pero siguro nga humihiling ako ng pabor sa kawalan...
ayoko lang maramdaman nung mga taong yun yung bagay na yun..
yung paulit-ulit na nauuwi sa wala lahat ng effort..
yung pakiramdam na mabuntutan ng samu't saring mga kamalasan...
kung sa palagay ninyo na kasalanan para sa ibang tao na tulungan ako, eh sana naman eh huwag niyo silang parurusahan..
ako na lang ulit...
sa ngayon, i just need this last shot..
diretsahan na..
if nothing happens after this, then that's it para sa mga pangarap ko..
basta kailangan ko lang ng kahit na konting pakikisama ng FATE for now..
yung walang maging problema sa pera..
walang maging problema sa electronics..
walang maging problema sa ginagamit kong vessel o katawan..
basta 5 years lang ng purong career...
was feeling , usapang matino - huwag niyo silang idadamay...
---o0o---
February 15, 2017...
sa wakas!
matapos ang napakaraming attempt..
nakakuha na rin ako sa wakas ng kopya ng simpleng lighting setup...
matandang mama..
skeleton..
matandang dwarf..
at ilang base model na lang ang kulang para sa proyekto ko...
was feeling , GB of data...
>
[TV Series]
The Greatest Love
lumabas na si Mareng Lydia..
naulit naman ni Peter na sa ngayon ay alam niyang pamilya ang makakapagpasaya kay Gloria...
sa pahabol na date naman nina Andrei at Ken..
nag-aalala si Andrei na baka hindi na nga sila magka-ayos-ayos na magkakapatid..
nasunog na daw kasi yung bahay na parang natatanging dahilan para magkita-kita sila, at ngayon nga ay nasa poder na ni Amanda si Mommy Glo..
bukod dun eh kung napapasaya si Mommy Glo noon ng pagsasama-sama nilang magkakapatid, ngayon eh yun pa mismo yung nakakapagpa-agitate sa kanilang ina..
pero sinabihan naman siya ni Ken na huwag mawalan ng pag-asa...
nakatulugan na ni Z ang pagbabantay sa kanyang Mommy La..
hiniling naman ni Amanda na sana ay magpagaling ang kanilang ina, dahil wala na nga ang kanilang ama, wala na rin ang kanilang bahay, kaya si Mommy Glo na lang ang meron sila sa ngayon..
at tinabihan niya na rin ito sa pagtulog...
after some time ay nagising na ang pasyente..
parati siyang back to zero, na naninibago sa bahay kung saan siya naroon..
nakalabas siya ng kuwarto, sinubukan niyang umalis, pero naka-lock yung bahay mula sa loob..
hanggang sa nagising sina Z, then si Amanda..
hinanap nila si Mommy Glo..
at nagising na rin si Paeng na natutulog sa isa pang kuwarto..
hanggang sa nag-panic na ang pasyente, sinubukan niyang tumawag ng tulong sa labas ng bahay, paulit-ulit din siyang humihingi ng tulong kay Amanda dahil nasusunog daw ang bahay..
at pinakalma na lang siya ng mga bata sa pamamagitan ng paghaplos-haplos sa kanya..
(naiintindihan ko na ngayon kung bakit gustung-gusto rin nga ng biological aunt ko na umuwi sa kinagisnan niyang bahay)...
tinawagan ni Chad si Z para mangumusta..
gusto mang umuwi na ni Chad para sa kanyang biyenan pero hindi yun madali..
pinayuhan naman siya na Z na mag-stay na lang nga sa seminar niya sa Beijing para na rin sa hinahabol niyang promotion...
balik kaagad sa checkup si Mommy Glo..
at napansin nga ng doktor na less responsive na talaga siya ngayon..
tinanong siya ng doktor kung anong nararamdaman niya..?
at nakakarinig daw siya ng ambulansya at mainit daw (yung init ng apoy)..
paulit-ulit nga niyang sinasabi na nasusunog ang bahay, at hinahanap rin ang kanyang mga anak..
pinakalma na lang siya ng babaeng doktor niya sa pamamagitan ng paghaplos sa kanya...
kausap naman nina Amanda at Mareng Lydia yung lalaking doktor ni Mommy Glo..
paano daw nila maiiwasan na hindi masyadong manibago ang kanilang pasyente sa bahay nina Amanda..?
makakatulong daw kung ipapakita sa pasyente ng mga tao sa paligid niya na hindi sila nag-aalala, at in terms of physical setting naman ay dapat na may good lighting sa bahay nina Amanda para hindi paulit-ulit na naaalala ni Mommy Glo yung tungkol dun sa sunog..
at regarding sa totoong nangyari, it's either huwag na lang daw nilang sabihin yung nangyari dun sa bahay nila to avoid further trauma at emotional stress para dun sa pasyente, or ipagtapat yun kapalit ng karagdagang stress...
was feeling , lalala pa nang lalala si Mommy Glo...
>
[V-League]
nice game UP!
namantsahan na ang record ng DLSU..
partida pa na si Dorog ang Libero ngayon...
this means na lumalakas na ang UP..
at na humina rin nga ang DLSU dahil sa pagkawala nung 3 key players nila..
kaya wala na rin ngang sigurado for this Season...
correction rin lang..
hindi na-solve ng UP yung DLSU-puzzle..
hindi lang talaga 'to yung best DLSU team na nakaharap nila..
pero at least nga ay napatunayan nila na kayang talunin ang current lineup ng DLSU... :)
was feeling , NU versus UP ba ang Finals...??
---o0o---
February 16, 2017...
2 days left..
nasa Php 22,000 na yung sure..
kulang pa bale ng Php 8,000..
after Friday ko pa malalaman ang tunay na resulta...
was feeling , sana nga maabot yung target...
>
[Medical Condition]
mukhang nakasama pa yung halos wala na siyang laman sa loob..
pinapasok na kasi siya ng tubig kapag naliligo ako...
at ang bad news..?
kung walang amoy yung mga naunang mala-lotion mass na nakukuha ko mula sa loob ng cyst ko..
yung ngayon eh may matapang ng medyo maasim-asim na amoy, na malapit na sa amoy ng bugok na itlog..
na para bang nabubulok na yung nasa loob ng cyst ko...
was feeling , 5 years pa na palugit...?
>
[TV Series]
The Greatest Love
ipinaalala naman ng lalaking doktor ni Mommy Glo na pwede pa rin nitong malaman yung totoo mula sa ibang tao..
which is bad, dahil hindi prepared ang pasyente, at posibleng makaramdam ito na na-betray siya..
siguro daw ay i-distract na muna nila si Mommy Glo hanggang sa makapag-decide na sila kung ano ang gagawin..
basta mag-focus daw sila sa masasayang mga alaala, at hayaang makasama ng pasyente yung mga taong nagpapasaya dito..
saktong dating naman noon ni Peter sa clinic...
sa isang restaurant sa San Ildefonso siguro..
pinakain at kinausap nina Andrei at Lizelle sina Ate Melba at ang mga scholar nila kasama na si Sandro..
dahil malayo na nga sila sa San Ildefonso, eh naitanong ng mga tauhan nila kung isasara na ba daw ang junk shop..?
wala pa naman daw desisyon, either daw ililipat nila yun somewhere na malapit sa kinaroroonan ni Mommy Glo at sila pa rin ang magma-manage, o isasara na nga yun at ikukuha na lang sila ng scholarship at trabaho sa kompanya ng Papa ni Lizelle..
sinabi naman ng mga tauhan nila na okay lang kahit wala na yung scholarship, basta't okay lang si Mommy Glo...
balik sa clinic..
masayang-masaya nga si Gloria na makita si Peter, at nabati yun ng babaeng doktor ng pasyente..
yung presence daw ni Mr. Alcanatara means a lot para kay Gloria..
nalungkot naman si Amanda na marinig yun..
umalis na muna sina Gloria at Mareng Lydia kasama yung lalaking doktor..
kinausap naman sina Peter at Amanda ng babaeng doktor..
nag-propose ito ng bagong program para sa mga pasyente nila, at gusto nilang isali doon si Gloria kung papayag sina Amanda..
at parehas ngang sumang-ayon sina Amanda at Mr. Alcantara...
after that eh umuwi na sila sa bahay nina Amanda..
nagbilin si Peter na inumin ni Gloria ang mga gamot niya..
pinasabay naman na ni Amanda si Mareng Lydia kay Mr. Alcantara..
bukas daw ulit..
at masaya pa ang pasyente hanggang sa makaalis na yung 2...
sinalubong ni Paeng ang kanyang ina..
pero naasar na naman siya nang ma-realize na hindi niya bahay yun..
at sinubukan niyang umalis, kaya sinundan naman siya nung 2..
bakit daw ayaw nilang hayaan na umuwi siya sa bahay niya...?
balik saglit sa restaurant..
napag-usapan nga nina Lizelle at Ate Melba na baka hindi pa kailanganin ni Mommy Glo ang kasambahay anytime soon..
pero tinanong na rin ni Ate Melba kung pwede rin ba siyang mag-request ng scholarship kina Mr. Alcantara, kahit daw bayaran na lang niya after..
gusto daw niya kasing matuto ng care giving, para daw mas maalagaan na niya nang husto si Mommy Glo sa susunod..
na-touch naman si Lizelle sa sinabi ng loyal nilang kasambahay, at nagyakapan silang 2...
balik sa Manila..
ayaw pa rin talagang pumasok ni Mommy Glo sa bahay..
nare-realize niya kahit papaano na pinapaikot lang siya nina Amanda at Paeng..
kaya naman minabuti na ni Amanda na patawagan sina Lizelle at Andrei kay Paeng para mag-usap-usap sila...
sa wakas ay nakatulog na rin si Mommy Glo, kasama si Z..
ibinilin na muna siya ni Amanda sa binatilyo..
ch-in-eck ni Amanda yung mga nailigtas na gamit mula sa nasunog nilang bahay; yung mga photos at yung listahan ni Mommy Glo..
at hindi niya maiwasan na hindi ma-guilty habang binabasa yung goal para sa kanya ng kanyang ina, at naiyak nga siya..
naputol lang yung moment niya nang dumating na daw yung 2 pa nilang kapatid...
sa pag-aakala na tulog na ang matanda, ay iniwan na muna ni Z ang kanyang Mommy La..
pero nagising nga ito..
may naaalala siya na gagawin niya dapat, pero hindi naman niya maalala kung ano yun mismo, kaya lumibot na siya sa loob ng bahay...
sa meeting ng magkakapatid..
nabanggit nga ni Amanda na gustung-gusto talaga ng ina nila na umuwi na..
kailangan daw nila itong ilipat sa isang bagong bahay na kamukhang-mukha ng nasunog nilang bahay, or at least ay kuwarto na kamukha ng dating kuwarto ng pasyente..
sinabi tuloy ni Amanda na kailangan na nilang sabihin sa ina nila yung totoo...
saktong nakita naman ni Z ang kanyang Mommy La..
sinubukan niya itong libangin, pero kaagad itong nakapunta dun sa kuwarto kung nasaan yung mga nailigtas nilang mga gamit..
nakita niya yung nasunog na gitara ni Paeng, pati na rin yung mga pictures, at unti-unti ngang bumalik sa kanya ang mga alaala nung nangyaring sunog..
napasugod siya sa dining area at nakita niyang kumpleto na naman ang kanyang mga anak..
kaagad niyang naitanong kung bakit nag-aaway-away ang mga ito..?
bakit daw nasunog ang kanilang bahay..?
nasira na rin daw ang pamilya nila..
bakit daw hindi sinabi sa kanya ng mga bata yung totoo..?
sinubukang ipaliwanag ni Andrei na ayaw lang nilang masaktan ang kanilang ina, pero sinabihan siya ni Mommy Glo na huwag daw siyang hahawakan nito..
parang nagsumbong na lang ang matanda kay Z habang niyayakap siya ng kanyang apo...
was feeling , si Peter na ang mas hahanapin ng pasyente...
---o0o---
February 17, 2017...
had a 374 visitor surge..
so far yun yung pinakamalaking bilang na naranasan ko within a single day..
the negative thing about it is that posible nung pababain yung rate during that day, or for the entire month...
pero sino naman kaya ang nag-automate nung surge na yun..?
meron bang mga nagtatrabaho bilang neutralizer...??
was feeling , sobra naman yun...
>
[Medical Condition]
ngayon na lang ako nakagamit ng totoong Povidone Iodine para sa sugat..
nagtitiis lang ako sa Betadine Mouthwash at Alcohol bilang alternative noong mga nakaraang linggo...
at hindi ko inasahan yung reaction ng cyst ko sa Povidone Iodine..
parang na-induce niya na mag-leak yun..
malabnaw na rin yung substance na nalabas sa loob nun simula kanina..
at lumakas rin yung alingasaw ng amoy niya, siguro nagkakaroon ng kung anong chemical reaction dahil dun sa antiseptic...
naalala ko na rin..
kaya pala pamilyar yung amoy niya..
hindi pala yun amoy ng nabugok na itlog..
pero ganun na ganun din yung amoy ng mga Budgie egg na sinadyang binutas ng inahin at saka pinalamanan ng mga wood shavings sa loob...
was feeling , huwag kang lalala...
>
[Manga]
was feeling , minus 1 week, pero break next week.. pinaiyak na naman ako ni Oda...
>
[TV Series]
The Greatest Love
dahil sa nangyari, tinawagan ni Lizelle ang ama niya para magpatulong..
natanong naman ni Pareng Joma kung papapasukin ba si Peter sa bahay ni Amanda..?
pero bahala na daw ang sabi ng biyudo...
si Z na lang na muna ang nag-aalaga kay Mommy La niya sa kuwarto nito..
hinahanap ng matanda sina Mareng Lydia at Peter, pero parehas na wala na yung 2 sa mga oras na yun..
gusto daw ni Mommy Glo na makita at makausap si Peter..
at iniwan na muna siya ni Z para kausapin ang Mom niya...
dapat daw siguro ay huwag na muna nga silang magkita-kita ang sabi ni Paeng..
pero imposible naman daw yun sabi ni Andrei considering nga na gusto nilang lahat na alagaan ang kanilang ina..
sinabi naman ni Amanda na disoriented lang sa ngayon si Mommy Glo dahil nga sa natuklasan niyang pagtatalo ng kanyang mga anak at dahil rin sa nangyaring sunog..
kailangan lang daw nilang makaisip ng paraan para makabawi sa kanilang ina, at mai-explain dito nang maayos kung bakit nila kinailangang maglihim tungkol dun sa sunog..
nang biglang may dumating..
pinagbuksan ito ni Paeng, at si Mr. Alcantara pala yun..
pinatuloy na rin siya ni Paeng sa loob ng bahay..
nag-aalala daw siya para kay Gloria, kaya pinadiretso na ito ni Amanda hanggang sa silid ng pasyente sa tulong ni Z..
sumama rin sa kanila si Lizelle...
kaagad na niyakap ni Peter ang naghihinanakit na si Gloria sa kama..
nagsumbong naman ang biyuda sa kanyang manliligaw..
inilihim daw ng mga anak niya yung tungkol sa sunog, at pinaniwala rin daw siya ng mga ito na magkakasundo na sila..
hindi pa daw pala sapat na rason yung sakit niya para magkasundo na ang kanyang mga anak..
kailangan pa daw pala niyang mamatay para lang mangyari yun..
sinikap namang ipaliwanag ni Peter na may dahilan yung mga bata kung bakit nila nagawa yun..
hindi rin naman daw nila pwedeng ipilit na magkasundo sila, pero sinisikap naman daw ng mga ito na magka-ayos-ayos na para lang sa kanya..
nalungkot naman si Lizelle na marinig yung mga hinaing ng kanyang ina...
balik sa dining area, naisip ni Z na itago na muna yung mga pictures para maiwasang makita ito ni Mommy La niya..
hanggang sa bumaba na sina Peter, nakatulog na daw si Gloria kaya tutuloy na siya..
nagpasalamat naman sa kanya si Andrei..
at si Amanda naman ay inanyayahan siya na magkape na muna, na ikinasurpresa nina Peter at Lizelle..
nabanggit ni Lizelle na sa ngayon daw ay sina Z, Mareng Lydia, at ang ama niya lang ang nakakapagpakalma kay Mommy Glo..
nasabi tuloy ni Peter na okay lang naman sa kanya na sa bahay na muna niya tumuloy si Gloria kung ito ang ikakabuti nito..
pero hindi daw ang sagot kaagad ni Amanda..
hindi daw sa kumokontra na naman siya, dahil nakikita nga niya na masaya talaga ang kanilang ina sa piling ni Mr. Alcantara..
pero sa ngayon daw ay ang kailangan nilang gawin ay ihanap si Mommy Glo ng bahay na kahawig na kahawig ng ancestral house nila na nasunog, para ma-recreate yung nakagisnan nitong environment..
at wala ng nasabi sina Peter...
habang papauwi na ang mag-ama..
panay na naman ang reklamo ni Lizelle tungkol sa ate niya, bakit daw kasi hindi pa nito hayaan na magsama yung mga magulang niya..?
intindihin na lang daw ni Lizelle ang kanilang panganay, dahil umaasa pa nga ito na sila-sila ang makakagawa ng paraan para magkaayos para sa kanilang ina..
hayaan na daw muna nila ito na humanap ng paraan para mapasaya si Mommy Glo, para naman makabawi ito sa kanilang ina..
at nandun lang naman daw si Peter para suportahan silang lahat...
that same night, inimbitahan ni Peter si Mareng Lydia para makapag-usap sila sa labas..
alalang-alala kaagad si Mareng Lydia na baka may nasabi na yung pasyente tungkol kay Andres..
baka daw malaman ni Amanda yung totoo..
kaya noon rin lang cl-in-arify ni Peter yung nangyari..
kaya ba daw nagpakasal si Gloria kay Andres ay dahil ginahasa siya nito..?
at oo nga daw, si Amanda ang naging bunga nun..
pero bilin na bilin daw ni Gloria na hindi na dapat malaman yun ng mga anak niya..
pero sinabi ni Peter na palalayain si Gloria ng katotohanan..
naulit naman ni Mareng Lydia na hindi lang kasi yung pagkatao ni Andres yung masisira ng katotohanan, kundi pati na rin yung pagkatao ni Amanda..
dahil nga bunga siya ng kahayupan noon ni Andres..
kung mahal daw talaga ni Peter si Gloria ay irerespeto niya ang desisyon nung biyuda..
galit na galit daw si Peter kay Andres, pero naaawa siya para sa anak nitong si Amanda...
kinaumagahan, naghahanap na si Amanda ng lumang bahay na kahawig ng ancestral house nila..
napansin naman nila ni Paeng na sobrang mamahal rin nga ng mga lumang bahay...
nasa labas naman sina Mommy Glo at Mareng Lydia..
nagbilin si Mareng Lydia sa kanyang bestfriend, at naramdaman nga ni Mommy Glo na aalis ito..
inaasikaso daw kasi nito yung paghahanap ng bahay para sa sarili niyang pamilya, para may matigilan sila sa Pilipinas, somewhere na malapit rin kay Mommy Glo..
natanong naman ng pasyente kung paano nga ba daw nasunog yung bahay nila..?
nasabi ni Mareng Lydia na ang alam lang niya ay nakapunta nga si Gloria sa coffee shop, at na sa kusina nagmula yung sunog..
naalala nga ni Gloria na nakita niya ang naging pagtatalo ng mga anak niya, at na nagluto rin siya bago yung nangyaring sunog..
at na-realize nga niya na siya yung nakasunog sa bahay nila..
aksidente daw yun ang paliwanag naman ng bestfriend niya para gumaan ang loob niya, kalimutan na daw ni Gloria yung tungkol sa sunog dahil ang mahalaga ay buhay pa siya...
was feeling , Php 20 Million para lang sa bahay...?
---o0o---
February 18, 2017...
mukhang medyo malapit na..
as of yesterday, base sa update ng blood cousin ko eh aabot na sa Php 26,000 yung aktuwal na naiipon kong pondo..
pasok na yun sa budget na sinasabi ng kaibigan ko, though umaasa ako na makakapag-upgrade ako ng video card at processor with Php 4,000..
pero may iba pa daw kaming blood relatives na balak magpadala ng pera, mga nasa Php 2,000 or plus yun...
ang konting problema..?
nag-request kasi ng transfer of fund yung blood aunt ko this February din..
at nasa Php 40,000 yung nailipat ko sa main branch, tapos wala namang masyadong pumasok na pera last weekend..
kaya ayun..
sa ngayon eh nasa Php 19,000 na yung dapat kong i-claim mula dun sa remittance, pero nasa Php 9,000 lang yung cash on hand ko..
so kahit na mai-remit na sa akin lahat nung naipon na contribution, eh magkakaroon pa rin ng delay bago ko physically makuha yung padala..
pero hopefully ay may mga pumasok naman na remittance nitong huling 2 magkasunod na weekend ng February...
is feeling , kailangan ko na ring maglista ng mga target specs ko...
No comments:
Post a Comment