Friday, February 10, 2017

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of February 2017 (Inactive B)

February 5, 2017...

so ayun..
matagal nang naka-ready yung nalikom na fund galing sa [Name of Province]..
mga nasa Php 500 away from here yun (balikan), kaya hindi magandang puntahan..
ibabiyahe na lang yung pera papunta sa NCR...

tapos sa NCR eh may nagpadala na rin galing abroad...

so far nasa Php 5,000 na yun..
tapos nasa Php 3,000 yung papasok by February 15...

2 naman dun sa nag-pledge ang hindi ko alam kung saan idadaan yung pera..
though nakausap na ng blood cousin ko yung isa dun, at sa bank account daw niya padadaanin..
at isa sa mga na-contact ko through cellphone yung nabasa na rin yung message ko doon sa group...

was feeling , dapat pala nag-holdaper nalang ako eh.. parang ganun na rin yung ginawa ko sa mga blood relatives ko eh...

>
had a busy day...

general cleaning ng kuwarto..
nakakatamad..
pero that's exercise..
bukod dun, paraan yun to detect and disturb possible insect infestation sa mga gamit...

nakisabay pa yung paglilinis ng ref..
kinailangan kong isabay para kumita ng pera sa yelo eh..
hindi pwedeng pabayaan na matagal na patay ang freezer...

tapos nag-modify pa ng computer table..
hindi na uso ang mga CRT monitor ngayon, kaya maliit na lang na space ang kailangan kung makakabili nga ng bagong computer...

was feeling , start of February...

>
[Emo]

una, napa-trobol ako dahil sa pagpapalobo nila ng bills..
dahil dun na-ban ako sa panghihiram ng laptop..
nakahanap ako ng mahihiraman ng netbook..
pero nakailang delay rin bago ko yun nakuha..
only to find out na mali pala yung charger na napadala sa akin..
ultimo yung palitan ng charger eh andami ring delay..
hindi natuloy sa courier service provider..
hindi natuloy dun sa driver nila..
hanggang sa iniusap sa construction worker na gumagawa nung bahay nila..
uuwi dapat sa rest day yung taong yun..
pero napainom sila doon dahil may dumating na bisita, kaya hindi na natuloy sa pag-uwi dito sa [Name of City]..
ang ginawa nung inusap, ay kumuha pa ng ibang mauutusan na galing dito sa [Name of City]..
pinakuha kanina dito sa bahay yung maling charger..
at saka pa daw niya ipapadala yung kapalit na charger bukas...

FATE..
ang dami mong teknik..
kaya ako takot na takot sa'yo eh..
pakiramdam ko kayang-kaya mong sirain ang lahat...

paano ko ba hindi maiisip na malas ako kung ganyan nang ganyan...?

kaya ayun..
wala ngayong charge nung netbook..
huwag naman sanang iwala nung mga construction worker na yun yung charger..
at sana wala ng aberya sa pagdadala nun sa akin bukas...

was feeling , basta pagdating sa akin - hindi pwede yung normal na sitwasyon lang...

---o0o---


February 6, 2017...

nakakaasar isipin na pinag-aagawan na ulit siya ng mga lalaki..
mabigat naman sa loob at nakakababa ng pagkatao na ma-realize na wala akong kayang gawin kundi ang pabayaan na lang siya sa sitwasyon niyang yun...

pero ganun talaga..
pati siya eh kailangan ko nang i-give up..
there was only one way to save her, pero ayaw talagang dumating nun eh..
pinag-aralan ko na rin, pero hindi talaga feasible base na rin sa pinipili kong i-pursue na path...

so mukhang hanggang ganun na lang talaga ako..
bawal magka-lovelife..
bawal magka-pamilya..
bawal makaranas ng totoong pagmamahal...

was feeling , loveless February...

>
[TV Series]

The Greatest Love 

nagi-guilty si Paeng sa nagawa niya noon..
pero hindi niya maamin sa kanyang ina na ninakaw at isinangla niya yung mga hikaw, bagkus ay sinabi niya na baka na-misplaced lang yun nung matanda...

saglit namang nakipag-meet si Amanda kay Greta..
in-in your face niya yung katrabaho niya sa pamamagitan ng pagsasabi dito na may investment na rin siya sa agency nila, at may equal share na sila kaya naman hindi na ito pwedeng umaktong boss kay Amanda..
inakala ni Greta na tutulungan siya ng karibal sa pagpre-present sa mga kliyente nila sa San Ildefonso, pero mabuti daw at ipinaalala niya kay Amanda na 1 month ang suspension nito, kaya iniwan na siya ni Amanda para asikasuhing mag-isa yung trabaho nila...

si Mitch naman eh muling bumisita sa coffee shop, at niregaluhan si Y ng kung anong korteng puso..
huwag daw sabihin ng binatilyo na nanliligaw siya sa kanya..?
nakita ni Y si Z, isinauli na niya kaagad-agad yung gift ni Mitch, at iniwasan na rin yung lalaki sa pamamagitan nang pagdikit kay Z..
kapansin-pansin na hindi na mainit ang mata ni Z sa dating bestfriend ni Y..
inutusan pala ni Amanda ang anak na bayaran na yung mga utang niya kina Andrei at Ken, at inabot naman ito ni Z kay Ken dahil wala doon si Andrei..
um-order sina Z at Y, kaya umalis na si Mitch, pero kapansin-pansin na tila naawa rin si Y sa ex-bestfriend niya...

sa Junk Shop..
naisip pala ni Sandro na i-apply yung pagiging welder niya sa pagre-recycle ng mga bakal para gawing furniture..
andun rin sina Andrei at Lizelle, at inabutan sila doon ni Paeng..
inaasikaso na daw pala ni Paeng yung music studio niya, at pabalang naman itong sumagot na akala ba nung 2 eh sa sugal na naman niya dinadala yung pera ng ina nila (patunay na hindi pa sila nagkakaayos ni Andrei)..
saglit lang doon si Paeng at umalis rin (siguro para tubusin yung hikaw ni Mommy Glo)..
tapos nag-text si Ken para i-inform si Andrei na biglang nagbayad na si Amanda..
nagtaka naman si Andrei kung paanong nagkapera ang ate nila..
tinawagan ni Andrei si Amanda, at sinabi nga nito na pinahiram siya ng pera ni Mommy Glo..
ii-inform niya rin daw sina Paeng at Lizelle for transparency..
hindi naman nainggit yung 2, bagkus ay natuwa pa para sa ate nila..
mabuti daw at tumanggap na ito ng tulong mula sa kanilang ina, hindi gaya dati..
malaki na daw ang pinagbago ng Ate Amanda nila simula nang malaman nila ang sakit ni Mommy Glo..
siguro daw ay hindi na sila mahihirapan na kumbinsihiin ito tungkol sa kasalan nung 2 matanda...

pagkauwi ni Amanda kinagabihan..
ni-remind siya ni Mommy Glo na dapat nandun siya sa espesyal na okasyon sa March 30, pero dahil surprise yun ay hindi niya maipaliwanag sa anak kung bakit..
kinukulit tuloy siya ni Amanda..
at naging mainitin ang ulo ni Mommy Glo, basta may espesyal na okasyon daw..
at napilitan na rin ang anak na sumang-ayon na lang...

kinabukasan..
kumonsulta si Amanda sa doktor ni Mommy Glo..
may napag-usapan nga daw sila tungkol sa pagpapa-reserve ng pasyente ng kung kailang date, pero kinulit pa niya ito kung bakit ba..
pinayuhan siya ng doktor na sumang-ayon o sakyan na lang yung mga ganung sitwasyon para hindi ma-agitate ang pasyente..
at yung nga ang ginawa ng panganay sa mga sumunod na pangungulit ng kanyang ina...

sa bahay naman nina Chad..
sila na muna daw ni Z ang magkasama, at hayaan na muna si Amanda na makasama si Mommy Glo..
close daw pala talaga yung mag-ina noon..?
at nagkasira lang talaga noong lumabas yung isyu tungkol kay Mr. Alcantara...

balik sa bahay ni Mommy Glo..
nasa hapag ang mag-anak nang maisipan ni Mommy Glo na magpa-picture sila nang magkakasama...

was feeling , mukhang yung pagpapanggap pala nina Amanda ang muling magpapalala sa sakit ng kanilang ina...

---o0o---


February 7, 2017...

Sunday ko pa sinusubukang kunin yung sample lighting component..
pero ayaw talagang umubra... :(

aside from that..
at aside sa nakaraang Holiday Wishlist ko..
kailangan ko rin pala ng Victoria 6...

was feeling , naman, andun na ih, ayaw lang pakuha...

>
bad & good news...

may retirement na rin kaagad for this month..
that's the 34th..
unfortunately for me, si Miss B yun..
so bale 2 target na yun na nakakalampas sa akin... :(

ang good news..?
wala na ulit temptation sa paligid..
kaya wala ng distraction para sa akin...

feeling , naman! bihira lang yung mga babaeng may navel piercing eh...

>
[Strange Dreams 18+]

nakalimutan ko palang i-log 'to kanina...

ayun..
nakita ko na naman si Miss H sa panaginip ko kagabi..
at mas detailed pa this time...

we were with someone else, more probably lalaki..
pero nasa tabi lang naman siya ng kama at walang ginagawa...

si Miss H naman eh completely naked..
naupo siya sa may ulunan ng kama, sumandal sa may headboard, habang naka-spread yung legs niya...

kaya ayun..
pinapak ko na naman daw siya..
kinain ko yung mga nips at siopao..
hanggang sa basang-basa na yung abdomen niya ng laway ko..
tapos kinain ko rin yung mani...

kaso nagising na naman ako sa puntong yun..
naputol na naman tuloy yung ginagawa namin...

was feeling , bitin part 2...

>
[TV Series]

The Greatest Love 

sa junk shop, magkasama sina Sandro at Lizelle..
hindi daw pwedeng sabihin ni Lizelle yung tungkol sa proposal sa ate nila, dahil tiyak na tututol ito..
kaya mabuti daw na si Mommy Glo na lang ang magsabi sa kanilang lahat..
masaya naman siya na meron siyang Sandro sa tabi niya, na parating nakakaintindi sa kanya...

magkausap sina Peter at Gloria sa phone..
saan ba daw dapat mamanhikan ang lalaki..?
sa bahay na lang daw ni Gloria dahil maghahanda ito..
saktong dating naman ni Paeng, na mukhang natubos na yung ninakaw niyang hikaw..
narinig niya tuloy yung usapan nung 2 matanda..
nag-sorry si Gloria dahil nawala daw niya yung ibinigay ni Peter na pares ng hikaw, akala pa naman daw niya ay masusuot niya yun sa araw ng kasal nila, sorry daw na hindi niya naalagaan yung regalo nung biyudo..
nasaktan tuloy si Paeng nang marinig na kay Peter pala galing yung hikaw na mahalaga para sa ina nila, nasaktan rin siya nang malaman ang planong pagpapakasal nung 2..
saktong bumisita naman yung abogado kay Amanda para ibalita dito na aprubado na yung petition nito for legal guardianship, at nagdala rin siya ng mga dokumento para ma-review ng pamilya..
balik sa usapan ng 2 matanda, walang kaso daw yun kay Peter dahil materyal na bagay lang yun..
ang mahalaga daw ay nagmamahalan sila ni Gloria..
nabanggit rin ng babae na excited na silang dalawa ni Lizelle, dahilan para lalong magalit si Paeng..
tapos, kaagad ibinalita ni Amanda sa ina nila na legal guardian na siya nito...

sa bahay naman ni Peter..
kabado at natatakot ang biyudo na baka tumutol sa kanila si Amanda..
eh ano daw ang plano niya ang tanong ni Pareng Joma..?
inimbitahan niya tuloy yung mga bata sa isang coffee shop sa San Ildefonso, para magkita-kita sila bago yung dinner sa bahay ng mga ito..
kailangan daw magkasundo sila ng mga bata bago yung kasalan..
makikisabi na rin daw kay Paeng nung mensahe...

sa coffee shop nina Ken..
natanggap na nga ni Andrei yung text ni Mr. Alcantara..
napag-usapan tuloy nila yung topic tungkol sa honesty, at pasimpleng pinaringgan si Y dahil kay Z...

that night, nagkausap sina Mommy La at Z sa phone..
kung ano man daw yung nagpapa-excite sa lola niya eh tandaan nito parati na nakasuporta sa kanya ang kanyang apo..
after that eh nag-text si Y, gusto nitong makipagkita bukas para magkausap sila ng binatilyo...

masaya si Amanda, at t-in-ext niya sina Andrei at Lizelle na aprubado na yung petition niya for legal guardianship..
but then eh natanggap niya yung invitation ni Mr. Alcantara..
napaisip tuloy siya kung bakit kasama yung biyudo sa dinner nila...?

hindi nagre-reply si Amanda kaya nag-alala na si Peter..
baka naman daw silence means 'yes' yun sabi ni Pareng Joma..?
kaya tinawagan na ni Peter si Lizelle..
huwag daw mag-alala ang kanyang ama dahil pupunta sila dun sa coffee shop bukas...

sa kuwarto ni Paeng..
nagkikimkim ito ng sakit..
pagalit niya tuloy napagbuksan ang Ate Amanda niya nang kumatok ito sa pinto niya..
bakit daw kaya kasama si Peter sa dinner nila for March 30..?
malamang daw, dahil mamamanhikan na yung biyudo, narinig daw niya yung usapan nung 2 matanda..
nagulat at nasaktan din si Amanda..
alam na ba daw yun ni Lizelle..?
malamang din daw, dahil excited na nga yung bunso nila para sa kasalan..
napaiyak na tuloy si Paeng..
pinipilit naman daw niyang tanggapin eh..
pero masakit daw pala kapag totohanan na yung kasal..
gusto naman daw niyang sumaya si Mommy Glo..
pero katulad ni Amanda, hindi niya matanggap na ikakasal ang kanilang ina dun sa lalaking naging dahilan ng pagtataksil nito sa kanilang ama na si Andres noon..
and worse, doon pa talaga sa ancestral house nila mamamanhikan yung biyudo (na mali nga naman)..
dahil dun ay t-in-ext tuloy ni Amanda ang kanyang mga kapatid, gusto niyang makausap ang mga ito by 5:00 PM, bago pa yung usapan nila with Mr. Alcantara..
bakit daw hindi na lang kausapin ni Amanda si Lizelle..?
hindi daw pwede sa bahay nila dahil nandun si Mommy Glo...

was feeling , malalaman na ng pasyente ang mga pagpapanggap nila...

>
[TV Series]

Ang Probinsiyano 

lagot si Sam Pinto kay Kape!
naghubo ba naman sa harapan ni Cardo..
LOL!

maganda yung Bela Padilla versus Maja Salvador dati...

maganda rin sana yung naudlot na Maja Salvador versus Yassi Pressman...

pero okay na rin 'tong Yassi Pressman versus Sam Pinto ngayon..
medyo delikado nga lang kay Kape ng MTRCB..
tapos may Paquito versus Cardo pa... XD

was feeling , sobra ka na Cardo.. sa'yo na lang lahat pati mga guests eh...

---o0o---


February 8, 2017...

[TV Series]

The Greatest Love 

hindi na kinakausap ni Amanda si Lizelle nang makauwi ito..
pinaalalahanan naman ni Mommy Glo ang kanyang panganay na magpahinga na dahil magiging mahaba ang araw nila bukas..
nasasaktan naman si Amanda dahil nakikita niya sa kanyang ina na masaya nga ito at excited...

March 30 na..
pasado si Mommy Glo sa morning video test niya..
pero untik pa niyang makalimutan yung okasyon kung hindi pa nag-text si Peter na "wish me luck"..
naging sobrang excited naman ni Mommy Glo simula sa oras na yun...

sa coffee shop..
nagpa-practice na si Y kung paano ipagtatapat kay Z ang totoong nangyari sa kanila noon ni Mitch..
totoo daw na bestfriends sila noon, hanggang sa nagsimula nang manligaw sa kanya yung binatilyo..
kaso si Mitch yung naunang dumating, nagbigay siya ng flowers kay Y, at nag-"i love you" pa..
nahuli tuloy sila ni Z, sabay sabi ng "ex-bestfriend pala ha?", sabay walk out na..
pero hinabol siya ng dalagita sa labas para mag-explain..
hindi na daw nito sinabi dahil ayaw nitong magselos pa si Z..
inakala rin niya na naka-get over na si Mitch kaya muli niya itong tinanggap sa buhay niya..
bestfriend lang naman daw talaga sila, pero noong nagsimula nang manligaw yung kaibigan niya eh iniwasan na niya ito..
sorry daw kung hindi na nya sinabi ang tungkol dun, dahil alam niyang marami ring pinagdadaanan sa buhay si Z..
kaya nga daw niya pinapunta si Z today eh, para aminin na yun, kaso wrong timing naman si Mitch..
saka na lang daw sila ulit mag-usap ang sabi ng binatilyo..
marami nga daw siyang iniisip sa buhay niya lately, pero hindi naman ibig sabihin na kinalimutan na niya si Y..
naiwan tuloy na umiiyak at nasasaktan si Y..
(kung ako yun, maiintindihan ko yung babae, bati na kaagad kami, tapos yayakapin ko siya nang mahigpit)...

balik sa San Ildefonso..
niyaya na nina Amanda at Paeng si Lizelle na umalis, nandun na daw si Andrei sa coffee shop..
niyaya pa ni Amanda ang ina nila na sumama, pero tumanggi na ito dahil abala pa siya sa bahay..
inakala naman ni Mommy Glo na magba-bonding lang ang magkakapatid...

pagdating ng 4 sa coffee shop sa bayan nila..
pina-order na muna ni Amanda ang kanyang mga kapatid, at nahuli niya na alam na rin ni Andrei ang tungkol sa napagkasunduang kasalan..
kaya diniretsa na niya yung 2, alam ba daw nila yung tungkol sa kasalan..?
nagulat sina Lizelle at Andrei..
nagtanong naman si Lizelle kung kanino yun nalaman ng ate nila, na mas nagpatunay na alam na nga nila yung tungkol dun..
kelan pa daw..?
noong isang araw lang daw..
bakit daw hindi sinabi sa kanila nung 2..?
ano daw ang nangyari sa transparency, sa respeto, sa decency..?
nagkuntsabahan daw yung mag-ama sa proposal..
kaya sinabi tuloy ni Lizelle na wala silang alam dun sa nangyaring proposal, dahil ang ina nila mismo ang nag-propose sa tatay niya..
sina Mareng Lydia daw, si Sandro, si Pareng Joma, ang papa niya, at si Mommy Glo daw mismo ang makakapagpatunay nun..
kaya bakit daw hindi na lang hayaan ng panganay ang kanilang ina sa gusto nito..?
in your face si Amanda sa nalaman niyang yun, saglit silang natahimik ni Paeng...

balik nang konti sa bahay..
naalala ni Mommy Glo na lechon ang request ni Paeng, kahit na marami na silang handa ni Ate Melba (yun pala yung purpose nung lechon sa script)..
inutusan niya tuloy ang kasambahay na bumili ng lechon..
pero hindi daw siya pwedeng iwanan mag-isa ni Ate Melba..
kaya naisip ni Mommy Glo na edi ihatid muna siya ni Ate Melba dun sa coffee shop para sumama sa bonding ng kanyang mga anak...

balik sa magkakapatid..
iginiit ni Amanda na wala ng kakayanan ang ina nila na mag-decide para sa sarili nito..
wala daw kakayanan ang tanong ni Lizelle, pero bakit tinanggap ni Amanda noong ginawa siya nito na legal guardian..?
sinabi naman ni Andrei na may history talaga sa pag-ibig yung 2 matanda kaya bakit hindi pa pabayaan na lang..?
hindi daw nababagay na maging legal guardian ang panganay nila dahil hindi nito alam ang makabubuti at nakakapagpasaya kay Mommy Glo..
bilang pruweba, alam daw niya na si Amanda ang kumausap noon sa papa niya para hindi matuloy yung proposal nito..
iniwan na ni Ate Melba si Mommy Glo sa tapat ng coffee shop para bumili ng lechon..
at inabutan nga ng ina na nagtatalo na yung 4 niyang anak..
inamin rin naman ni Amanda yung ginawa niya..
parehas daw kasing hindi makaintindi yung 2, yung mag-ama..
parehas na daw na paulit-ulit na pinapalayo ang mga ito, pero lapit pa rin sila nang lapit..
nagulat si Lizelle na pinapatamaan na rin siya ng ate niya, maging si Andrei ay na-shock..
oo daw, tama daw yung narinig ng kanilang bunso..
kinamumuhian ni Amanda si Lizelle at ang tatay nito..
kaya huwag daw itong magtaka kung tutol na tutol siya sa kasalan..
dahil hinding-hindi daw matatanggap ni Amanda na magiging bahagi ng pamilya nila sina Mr. Alcantara at Lizelle..
nadurog tuloy si Mommy Glo na malaman ang totoong nasa sa loob ng kanyang ibang anak..
hindi daw pala totoong magkakasundo na ang mga ito...

was feeling , mga anak ng legal na rapist...

>
[V-League]

talo na kaagad ang ADMU...

mapayat ang frame ni Nabor ng NU, pero malakas at delikadong converted setter talaga siya..
mas malakas kumpara kay Perez...

ang ADMU naman eh mas lumalim pa yung roster..
nakabalik na lahat ng players na nawala sa kanila last Season; Morente, Gopico, at maging si Madayag..
tapos may Tolentino pa sila ngayon..
pero kailangan pa nila ng mas stable na scorer para makatulong kay #12 Captain Morado..
hindi rin siguro maganda na pinabigat yung responsibilidad ni Morado bilang team captain, at mas okay siguro kung nag-stick na nga lang muna sila kay Morente...

mukhang amoy DLSU at NU na ang magiging Finals ah...?

was feeling , Morado pa rin...

---o0o---


February 9, 2017...

[TV Series]

The Greatest Love 

hindi rin naman daw gusto yun ni Amanda, dahil pagod na rin siyang magalit..
umalis na si Mommy Glo sa puntong yun nang hindi siya namamalayan ng mga anak..
hindi daw matatanggap ni Amanda yung paghi-heal nila bilang pamilya hangga't andun yung rason kung bakit sila nasira - si Lizelle..
nakiusap naman si Andrei na mag-move on na sila at huwag mabuhay sa past..
pero ipinamukha ni Paeng na ang anak sa pagkakasala ng kanilang ina ang dahilan kung bakit din namatay ang ama nilang si Andres...

sa MMK..
kapapanalo lang ni Paeng sa isang contest, at pauwi na ang mag-anak nang naglalakad..
naisip nila na sumali sa singing contest ng mga pamilya sa susunod, at naisipang mag-practice sa daan..
ibinaba ni Paeng yung trophy at papel niya..
at habang busy sila sa pagkanta habang nagma-martsa nang paikot, eh nilipad yung papel ni Paeng sa gitna ng kalsada..
sa pagmamalasakit ni Lizelle eh kinuha niya yun..
pero may sasakyan pala na paparating, at hindi napansin ng driver nito yung bata dahil gumagamit siya ng cellphone habang nagmamaneho..
itinulak nang responsableng version ni Andres (mukhang responsableng ama na siya noong si Rommel Padilla na siya, compared dun sa libugin na batang version niya) ang inako niyang anak, dahilan para siya yung mabangga nung sasakyan..
kitang-kita ang galit noon kay Lizelle sa mga mata nina Paeng at Amanda..
kita rin naman noon ang concern ni Mommy Glo para kay Andres...

balik sa kasalukuyan..
aksidente lang daw yun sabi ni Andrei, at walang dapat na sisihin..
para daw kasing naghahanap na lang ng dahilan sina Amanda at Paeng para magalit..
at ipinunto ni Amanda na namatay ang ama nila para iligtas noon si Lizelle, dahil sa pagmamahal nito kay Mommy Glo, at kahit na alam nito na anak si Lizelle sa pagkakasala ng asawa nito...

naglalakad lang si Mommy Glo papauwi..
akala daw niya ay ayos na ang lahat..
akala daw niya na magkakasundo na ang mga anak niya...

dumating si Z sa bahay ng lola niya, pero walang tao dito..
naisip niya tuloy na baka nasa coffee shop rin ang matanda, kaya kaagad siyang dumiretso doon...

tinawagan naman ni Gloria si Peter..
nalaman kaagad ng lalaki na umiiyak siya..
ano daw ang nangyari..?
nagkamali daw pala siya ng akala..
hindi totoong ayos na ang pamilya niya..
hindi totoong magkakasundo na ang mga anak niya..
nag-decide na rin si Peter na dumiretso na lang sa bahay ni Gloria, sa halip na siputin yung mga bata sa coffee shop...

napansin naman ng isang tricycle driver sa may pilahan na parang problemado si Mommy Glo noon..
kaya nag-volunteer siya na ihatid na ang matanda sa bahay nito..
(may kasalanan yung driver, dahil napadali yung pag-uwi ni Mommy Glo sa bahay nito nang dahil sa kabutihang loob niya)...

sa coffee shop..
inabutan na naman ni Z na nagtatalo ang magkakapatid..
matagal na daw naka-move on si Amanda, pero hinding-hindi daw siya makakalimot..
hinding-hindi daw siya papayag na maaagaw sa kanila ang kanilang ina..
at isinama na niyang paalis si Z..
pinapagaan naman ni Andrei ang loob ni Lizelle, hindi daw totoo na kasalanan nito yung nangyari, dahil nandun din siya noon at alam niya kung ano yung totoo..
aalis na rin sana noon si Paeng, pero nakiusap si Andrei na mag-usap na muna sila para maayos yung gusot..
pumayag naman na mag-stay si Paeng...

gulung-gulo ang isip ni Mommy Glo nang makauwi siya sa bahay nila..
pero nang nakita niya yung mga pagkain sa mesa, ay doon napatuon yung atensyon niya..
kulang daw yung niluto nila..
hinanap niya si Ate Melba pero wala pa ito, parang nakalimutan niya na pinabili niya ito ng lechon..
pumunta siya sa kusina, nakita niya yung mga nakahandang rekado, itinapon niya yung mga yun sa basurahan, at gumawa ulit siya na mali-mali na yung gayat at dami..
tapos binuksan na nga niya nang malakas yung gas stove..
muli niyang hinanap si Ate Melba..
at muling naging emosyonal nang makita yung family picture nila sa dingding..
hindi daw totoo na okay na silang lahat, na masasaya ang mga anak niya..
kahit kailan daw yata ay hindi na magiging maayos ang pamilya niya, at hindi na magiging totoong masaya..
at unti-unti nang lumaki yung apoy sa kusina...

nalaglag pa yung engagement ring ni Peter dahil biglang napa-break si Pareng Joma dahil may biglang tumawid sa kalsada...

balik sa coffee shop..
nakiusap si Andrei kay Paeng na huwag nang hadlangan yung pamamanhikan, para sa kanilang ina..
ano daw, magwawalang-kibo na lang ba daw siya...?

pinahinto na muna ni Z ang kanyang ina sa pagmamaneho..
nag-sorry si Amanda sa kanyang anak dahil nadatnan na naman nito yung pagtatalo nilang magkakapatid..
hanggang sa napag-usapan nila si Mommy Glo..
wala daw ito sa bahay kaya dumiretso si Z sa coffee shop..
nag-alala sila kaya tinawagan na rin nila ito sa phone, pero walang nasagot...

napansin na ni Mommy Glo na lumaki na nga yung apoy..
pumasok siya sa kusina para tingnan ang nangyayari, pero biglang may pumutok at namatay ang ilaw..
siguro naalala niya yung dating dark room nila, kung kaya't naalala niya rin yung rapist na version ni Andres..
bumalik siya sa nakaraan, at nagtago sa kanyang kuwarto sa sobrang takot sa rapist...

dumating na sina Amanda at Z, at saktong napapansin na ng mga kapitbahay nila na nasusunog na yung ancestral house nila..
si Amanda na lang ang pumasok sa loob ng bahay para hanapin ang kanyang ina..
sinabihan niya ang anak na tawagan ang mga tito nito at tumawag din ng bombero..
may mga dumating na rin na mga tauhan ng barangay, pero wala sa kanila ang pumasok sa nasusunog na bahay...

was feeling , malalaman na ni Peter ang tungkol sa panggagahasa ni Andres...

>
nakakatuwa at nakakamangha rin nga talaga ang mga babae..
especially yung mga single mom..
yung iba sa kanila eh para kasing mga artista...

makikita mo yung pictures nila bago sila maanakan at iwanan ng mga manggagamit na lalaki..
at hindi mo naman masasabi na stand out nga yung ganda nila, o kapansin-pansin man lamang..
kumbaga average o okay lang..
siguro yun rin yung dahilan kung bakit sila iniwan noon...

pero kung kailan sila naging single mom, eh saka sila naganda, naputi, at na-sexy...

was feeling , meron pa kayang hindi gluta-based na magandang babae sa panahon ngayon...?

>
[Cuties 18+]

naawa naman ako kina Lauren Phillips at dun sa isa pang kasama niya..
nasa 500,000 na Twitter followers..
tapos nanalo ang Patriots sa Super Bowl...

haha!
andaming makakalibre dahil dun...

was feeling lagot ang mga panga nila...

---o0o---


February 10, 2017...

nag-check ako ng mga resibo ko kahapon..
itinapon ko na yung mga faded...

well, bukod sa nakaka-badtrip isipin na ganung kalaki yung kontribusyon ko sa tax (nasa 12% na VAT) sa tuwing namimili ako..
and yet eh gusto pa yung dagdagan ng bobong gobyerno...

eh na-realize ko rin na ni minsan eh hindi pa nga nakakapag-cashier sa akin si Emoji-Girl... XD

was feeling , ang ilap mo...

>
7 days left sa pangongolekta ng fund...

if it fails, eh hindi ko na alam kung kanino pa ako lalapit..
tipong Php 15,000 to 18,000 would still require me 2 years or more para lang makumpleto yung kailangang budget...

so that means 2 years pa rin na walang progress sa parehong experience at finance...

was feeling , 7 days...

>
[TV Series]

The Greatest Love 

ang weakness lang ng series na 'to ay..?
hindi masyadong flexible yung script niya para tumanggap ng regular guesting, di gaya ng Ang Probinsiyano...

tinawagan nga ni Z ang Tita Lizelle niya, at kaagad umuwi ang 3 naiwan sa coffee shop...

nakita naman nina Peter at Pareng Joma na may usok at parang may sunog malapit kina Gloria, kaya nagmadali na rin yung 2...

nakita na ni Amanda si Mommy Glo sa kuwarto nito..
pero imahe ng rapist na Andres ang nakita niya sa kanyang panganay, na lalong nagdulot ng takot sa pasyente..
nanginginig lang siya sa kanyang pagkakaupo at ayaw sumama kay Amanda kahit na nagpapakilala ang anak sa kanya...

nakita ni Peter si Z sa labas, at kaagad sinabi ng binatilyo na nasa loob ng bahay ang Mom at Mommy La niya..
kaagad na ring pumasok si Peter sa loob ng nasusunog na bahay..
yung mga tao naman ay tumutulong na sa pagbubuhos ng tubig mula sa ibaba ng 2 palapag na bahay..
hanggang sa dumating na rin sina Sandro at ang iba pang tauhan sa junk shop, at yung iba sa kanila eh tumulong na rin sa pagpatay ng apoy..
dumating na rin si Mareng Lydia...

natunton ni Peter ang mag-ina sa loob ng kuwarto ni Gloria..
mukhang hindi rin siya nakikilala nito, pero nakumbinsi niya ito na sumama na palabas..
pero biglang nabagsakan si Amanda nang nahulog na kahoy, dahilan para matumba siya at mapatuon ang siko niya sa parang nabasag yata na vase..
binalikan siya ni Peter para tulungan, si Gloria naman eh nakatayo lang sa isang tabi..
parang nagulat pa si Amanda sa ginawa ng biyudo, na parang nagtaka, na parang na-guilty na kesyo hindi siya deserving na tulungan ni Mr. Alcantara..
at sabay-sabay na lumabas ang 3 mula sa nasusunog na ancestral house..
na bigla namang nasundan ng malalakas na pagsabog mula sa loob nito...

isinakay na si Amanda sa ambulance dahil hindi natigil sa pagdurugo yung sugat niya..
si Gloria naman ay lumayo mula sa kaguluhan, pero hinabol siya ni Peter..
dumating na rin yung 3 anak ni Mommy Glo, at napa-MMK sila habang pinagmamasdan ang nasusunog nilang ancestral house..
ilang pagsabog pa ang nangyari sa puntong yun...

pinipigilan ni Peter ang pasyente, pero iniiwasan nito ang lalaki..
hanggang sa matumba silang 2 sa isang parang tulay..
dahil sa posisyon nila ay naalala ni Gloria ang rapist na Andres kay Peter..
nagpupumiglas siya habang humihingi ng tulong sa Tatay niya..
sinasabi naman ni Peter na hindi siya si Andres..
hanggang sa nahabol na sila ni Mareng Lydia..
nagpakilala siya sa kanyang bestfriend, at tila gaya ng nangyari noon, nagsumbong siya sa kanyang kaibigan..
pinagsamantalahan daw siya ni Andres..
na-shock si Peter at naiyak na lang, na parang sising-sisi siya na hindi niya kaagad nalaman noon ang sinapit ng kanyang pinakamamahal..
paulit-ulit niyang sinasabi na "hindi ko alam.. hindi ko alam.."..
patuloy pa ring pinapalayo ni Gloria ang lalaki, hanggang sa nawalan na siya ng malay..
binuhat siya ni Peter at humingi sila ng tulong ni Mareng Lydia...

kaagad rin namang naisakay sa ambulance ang pasyente..
tulala lang si Peter habang nag-e-MMK..
sa wakas, napagtagpi-tagpi na rin niya yung mga nangyari noon..
kung paanong bigla na lang ikinasal si Gloria kay Andres habang nasa ibang bansa siya..?
kung bakit ito umiiyak sa mismong araw ng kasal niya..?
at kung bakit ginusto ni Gloria na magpaliwanag sa kanya noong panahon na namatay na si Andres..?
saktong tinawagan siya ni Lizelle para itanong kung nakita ba niya ang ina ng mga bata..?
oo daw, nasa ambulance na sila at papunta na sa ospital kaya sumunod na lang daw doon ang mga bata...

sa ospital..
nauna na doon sina Amanda..
yung doktor na rin ni Mommy Glo sa probinsiya ang tumingin sa kanya..
dumating na rin yung 3..
nagising si Mommy Glo dahil sa ingay nila, pero muli lang natakot ang pasyente sa mga taong nakapaligid sa kanya..
hindi lang takot, kundi takot na takot..
kaya minabuti na muna ng doktor na palayuin sila mula sa pasyente...

dumating si Ate Melba sa ospital para magdala ng mga kailangan ng pamilya ng amo niya..
malungkot siya, na parang nagi-guilty, at kinumusta ang lagay ni Mommy Glo..?
kinuwestiyon na tuloy siya ni Amanda..
nasaan ba daw kasi siya, hindi ba daw dapat sila ang magkasama, pero bakit daw nito iniwan na mag-isa ang kanilang ina..?
at in-explain nga ni Ate Melba yung nangyari; na nagpumilit si Mommy Glo na magdagdag pa ng handa, na inihatid niya muna ito sa coffee shop at siniguradong nakapasok na ito sa loob, buong akala daw kasi niya eh sila na ang magkakasama..
(brilliant yung paraan nung revelation na yun, kasi idinaan sa minor character na marunong um-acting yung paglalahad ng totoong nangyari)..
at na-realize nga ni Paeng at ng mga kapatid niya na nakita ng kanilang ina ang kanilang naging pagtatalo..
sinisisi ni Ate Melba ang kanyang sarili dahil sa nangyari kay Mommy Glo at sa bahay, pero nilapitan siya ni Lizelle at sinabing wala daw siyang kasalanan..
sinabi naman ni Amanda na kasalanan niya yun, pero sinabi ni Andrei na kasalanan daw nilang lahat yun..
natahimik na lang sina Peter at Mareng Lydia dahil sa naging pag-amin ng mga bata...

was feeling , wala, ipapalihim pa rin ni Mareng Lydia kay Peter yung pagiging rapist ni Andres...



No comments:

Post a Comment