the fact rin na hindi dumadalo yung diyos-diyosan na yun sa pagtitipon para sa araw na 'to ay nangangahulugan na gusto niyang palabasin sa mga panatiko niya na wala na ngang saysay ang kahulugan ng People Power..
gusto niyang tularan nila siya na walang pakialam sa People Power, at sumasamba namang muli sa Dictator Clan..
ginagamit niya yung pagiging idolo niya para pasunurin ang mga kampon niya...
para na rin nilang sinasabi sa mga umaabuso sa kapangyarihan na kesyo okay lang na babuyin nila nang babuyin ang gobyerno at ang bansa..
dahil kaya naman nila na magpatawad sa paglipas ng panahon, kahit pa hindi naman talaga naparusahan yung mga nagkakasala laban sa taong bayan...
tama yung sinabi ni Genesis Rhapsodos ng Final Fantasy VII line eh..
"this world needs a new hero"..
yung mga bayani na kayang isakripisyo ang mga tamang isakripisyo, kapalit ng ganap at hindi mapanlinlang na pagbabago...
---o0o---
update ulit (49 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
- yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
- yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
- yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
- yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
- yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
- yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
- yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
- yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
- yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
- yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
- yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
- yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
- yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
- yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera
- yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao
- yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
- yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
- sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
- yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
- yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
- yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
- yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
- yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
- sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
- yung pulis na ng rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
- yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
- yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
- yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
- yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
- yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
- yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
- yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
- yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
- ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
- yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
- yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
- yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
- yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
- yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
- yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
- yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
- yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system ng bansa:
- sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
- yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
- yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
- isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
- yung Oplan Cyber Tokhang
---o0o---
February 18, 2017...
wala bang ibang nagtataka...?
na sa kabila ng claim ng kasalukuyang gobyerno na galit sila sa ilegal na droga at na wawakasan na nila ito..
ay wala man lamang silang seryosong effort para pakantahin yung mga drug lord sa Bilibid o sa iba pang kulungan kung sino ang mga contacts nila sa labas (common sense na lang na meron, dahil hindi naman para tumae ng droga yung mga nakakulong na yun eh)..
same goes para sa batang Espinosa, nasa labas na siya noon nag-o-operate pero parang walang effort na pangalanan ang mga source at market niya para sa ilegal na droga...
ang weird lang na mas naka-focus yung mga kaso ngayon laban sa mga tauhan o naging tauhan ng gobyerno..
technically speaking, masama talaga kung nakikinabang ang mga tauhan ng gobyerno sa pera na galing sa illegal activities..
kaso hindi sila ang ugat ng problema sa drugs eh..
nasaan ba kasi yung effort para pangalanan at tugisin ang mga financers, chemists, dealers, etc..?
eh paano nga matitigil yun kung iilang mga tao lang naman yung mga nahuhuli, at ni hindi naman nabibitay..?
considering na rin nga yung history na kaya nilang mag-operate kahit na nakakulong na yung mga lider nila...
antagal nang nahuli nung iba pero iilang pangalan pa lang yung nalitaw...
para tuloy trap lang talaga yung mga 6-months promises..
kumbaga eh sinabi lang noon para astig ang dating..
pero katulad lang ng mga tradisyunal na pangako ng mga pulitiko - na hindi naman natutupad... :(
was feeling , kung ako yun, patuturukan ko diretso sa ugat ng isang bilog na gin, tapos saka ko paaaminin...
---o0o---
February 20, 2017...
simple lang naman ang paraan para mapatunayan yung sinasabi nung mga nagrereklamong mga pulis - edi ipakita yung naunang listahan ng mga scalawag at ikumpara sa listahan ng mga ipapadala sa Basilan...
pero considering na totoo nga na meron lang ibang pulis na ipapadala doon para lang mabalasa yung location nila, para hindi maimpluwensiyahan ng kapaligiran nila..
eh parang unfair nga para sa kanila na isinama sila sa listahan ng mga scalawag na ipapatapon sa Basilan - kasi nga eh nalagyan na ng masamang label yung grupo na yun eh..
sana man lamang eh sa ibang lugar na lang sila na-assign sa halip na doon...
pero regarding those na hindi nakasama sa listahan ng mga ililipat sa Basilan..
eh sana nga ay may magandang paliwanag tungkol dun ang pamunuan ng mga pulis..
sana eh hindi panibagong Region-8-Marcos ang kaso na 'to... :(
was feeling , gusto ba talaga nilang linisin ang hanay, o ano...??
>
kawawa naman yung pulis na nasabon kanina...
eh sino bang mga tanga ang naunang nag-announce na sa Basilan idedestino lahat ng police scalawags..?
tapos eh biglang isasama nga sa kanila at isasabay sa paglilipat yung mga inosente at wala naman doon sa opisyal na listahan..
paano nga naman yung reputasyon nila...??
internal cleansing daw..
iniiwasan daw na maimpluwensiyahan sa lugar na pinagtatrabahuhan kaya laging may balasahan..
eh ano bang inaasahan nila at paghahaluin nila yung mga nabubulok at hindi nabubulok na mga pulis sa Basilan..?
umaasa ba sila na titino pa yung pasaway na mga pulis sa piling nung mga hindi pasaway...??
o baka talagang na-edit na yung listahan...???
was feeling , mali kasi yung timing.. gustong pagsabayin yung puti sa de-kolor...
>
para sa mga panatiko ng Dictator Clan..
basahin ninyo yung Conjugal Dictatorship ni Primitivo Mijares para maintindihan ninyo kung bakit ganun na lang sila ka-desperado na ma-edit ang history ng angkan nila ha...
haaay..
kung alam lang sana ng mga tao kung ano ang totoong nangyayari sa [Name of Direction] hanggang sa ngayon..
kung alam lang sana nila yung madidilim na lihim sa likod ng magagandang tanawin doon..
pero ganun talaga, sapat na ang mga apelyido para makapagpatahimik ng mga tao...
was feeling , ang lupit pala ng sinapit ng mag-ama na yun...
>
ang magiging kahinaan ni Lascanas ay yung nauna na niyang mga salaysay noon..
magiging kuwestiyonable na kasi siya dahil sa pagpapalit niya ng mga statements eh...
pero mas matindi yung Paandar News..
ang lupit gumawa ng Fake News...
was feeling , 2 out of 5 rin lang kaya yung lumalabas na katotohanan mula sa bibig niya...?
---o0o---
February 21, 2017...
wala talagang kuwenta ang batas dito sa Pilipinas...
sinugod sa bahay yung tao ng 3 katao..
hinampas siya ng isa sa likod..
may mga dala pa DAW baril na hindi lang pumutok..
tapos mali pa rin yung 1 na pinagsasaksak niya yung 3 na naging dahilan para ikamatay nung 2...
wow!
eh ano bang gusto nilang form ng self-defense..?
na ie-MMA lang nung 1 yung 3 sumugod sa kanya..?
eh parang mas gusto pa ng mga tagapagpatupad ng batas na pumutok na lang yung baril nung mga nanugod eh..?
hindi ba nila naiintindihan kung gaano nakakatakot na susugurin ka ng maraming tao nang dahil lang sa simpleng bagay (away sa tupada in this case)..
at kung bubuhayin niya yung mga ganung klase ng mga tao, eh walang garantiya na hindi na siya muling susugurin ng mga yun sa ganung maramihan na paraan...
was feeling , sana eh mapawalang-sala yung suspek kung totoong may mga baril yung mga nanugod sa kanya...
>
panibagong kaso na naman..
ng kapabayaan this time...
isang pulis Mandaluyong DAW yung aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil ipinagmamalaki niya yung baril na nai-issue sa kanya...
was feeling , wala bang skills test...?
>
parang tanga na yung nagiging usapan sa Death Penalty..
binawasan na nang binawasan yung mga offense na gusto nilang parusahan ng ganun..
kamakailan eh plunder yung inalis, para siguro hindi na matakot bumoto yung mga mambabatas na nagpa-practice ng plunder...
tapos this time eh rape naman..?
at ngayon pa talaga na usung-uso na ulit ang rape..
does that mean na may mga Jalosjos pa rin sa hanay nila, dahilan kaya hindi sila makaboto in favor of Death Penalty...??
was feeling , pati ba naman sa Death Penalty eh may bilihan pa rin ng boto...?
>
may isa pa palang kaso...
sa Bacolod..
yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer dahil sinita siya sa ginawa niyang violation...
was feeling , trust nobody...
---o0o---
February 22, 2017...
nakakalungkot yung ibang Filipino na ang tingin sa paggunita sa EDSA People Power ay paghahanap lang ng gulo...
mga bobo kayo!
hindi pa tapos ang laban hanggang sa ngayon..
dahil sa ginawang kapabayaan ng mga administrasyon na sumunod sa panahon ng mga Diktador, eh hanggang ngayon ay hindi pa nakakamit ng bayan ang totoong hustisya..
what's worse eh iniisip pa ng ibang tao ngayon (lalo na ng ibang mga kabataan) na ang masasama ay yung mga taong nagpatalsik sa putang inang mga Diktador - na para bang gawa-gawa na lang ng mga lumalaban sa mga Diktador yung istorya ng mga buhay na nabuwis at nawala noon...
at ngayon nga ay tuta na ng mga kurakot ang sinasamba ng mga tao..
naisasakatuparan na rin nila ang muli nilang pag-akyat sa kapangyarihan..
at kasabay na rin nun ang unti-unting pag-e-edit ng history ng basura nilang mga pamilya...
was feeling , mga walang utak...
>
bakit kaya natigil yung maya't mayang commercial ng [Name of Medicine] simula noong lumabas yung isyu tungkol ulit dun sa mga bank accounts...?
wala na akong nakikita sa oras ng umagang balita..
wala na sa oras ng movie..
at wala na rin sa oras ng The Greatest Love...
EDIT: hindi pala tuluyang nawala, kumonti lang..
tipong 1 beses na lang sa bawat show na pinapanood ko...
feeling , bakit nga kaya...?
---o0o---
February 23, 2017...
hindi rin nga magandang ideya yung plano ng DILG na paglalagay ng sticker sa mga drug-free home (na parang kabaliktaran lang ng teknik noon ni Mayor Lim)...
- para mo kasing sinabi na automatic na lahat ng bahay na walang sticker eh may nakatirang drug-related personality, regardless kung na-process na yung bahay na yun o hindi pa
- baka maging paraan rin lang yun para sa pangingikil (halimbawa, tatakutin ang pamilya na hindi lalagyan ng sticker ang bahay nila kung hindi sila magbibigay ng pera)
- baka gawing raket na naman 'to sa Recto, or worse - ng mismong mga tauhan ng gobyerno
- paano kung may mga siraulo na magtanggal sa sticker ninyo para lang mapahamak kayo
- ang mas seryosong problema, hanggang ngayon ay nagkalat pa rin ang mga taga-tumba, so parang binibigyan lang ulit sila ng gobyerno ng identifier kung sino ang pwede nilang basta-basta na lang itumba
another point is..?
may record na ang gobyerno noon ng mga sumuko sa Tokhang, hindi man yun yung kumpletong bilang pero malaking bilang na yun..
kaya ano ang punto ng pag-re-identify sa kanila, eh wala rin namang magagawa ang mga sibilyan laban sa kanila kundi ang umiwas na lang..?
alangang isumbong pa ulit sila sa gobyerno, eh the fact na hindi sila lalagyan ng sticker means na identified na sila bilang drug-related..
isang approach lang ulit ng shaming ang estilo na 'to...
bakit kasi hindi pa nila ginamit yung pagkakataon na yun noon para ma-trace talaga yang mga malalaking dealers at manufacturers gamit yung mga kusang sumuko, para matapos na yung ibang operasyon ng illegal drugs dito sa bansa (kung hindi man lahat, dahil na rin nga sa international market)...
feeling , bakit hindi pa nila hulihin sa halip na 'hindi' lang sticker-an, di ga...?
---o0o---
February 24, 2017...
ang weird lang na naunahan pa nung kaso regarding illegal drug trade yung kaso ng disbarment ni De Lima na dahil sa pakikiapid niya (which was more obvious)..
at dahil 'to sa corroboration ng mga statements ng mga VIP criminals (na kung tutuusin eh hindi rin naman 100% na nagtugma-tugma)...
anyway..
pauupin na yung 13th Senator mula sa nakaraang eleksiyon, sayang ang mga bakanteng upuan sa Senado..
lalo na ngayon na nahahaluan na sila ng mga panatiko na hindi kayang mag-isip para sa mga sarili nila...
was feeling , ano nga kaya ang totoo...?
>
unang punto..
pinalalabas lang ng ibang tao na ang EDSA eh para lang sa mga Aquino, para lang mabigyan ng KULAY pulitika yung totoong significance ng EDSA People Power..
gusto nilang i-equate na bulok na lider si Noynoy at ang kanilang Daang Matuwid, therefore eh wala na ring kuwenta yung di hamak na MAS NAUNA na EDSA People Power...
was feeling , mga tuta ng mga Diktador...
>
ikalawang punto..
gagawing simple yung celebration ng EDSA People Power para makatipid..?
eh kung binabawasan rin niya yung pag-uwi-uwi niya sa bayan nila nang mas makatipid rin...??
o pwede rin namang doon na lang siya tumigil..
maganda ang panahon ngayon, uso ang lindol sa region nila...
mas obvious na gusto na nilang patayin ang diwa ng EDSA People Power, siguro bilang pambayad-utang sa mga amo nila..
at dahil na rin sa siya mismo ay fan ng Martial Law..
MOVE ON..?
eh wala pa ngang napaparusahan, hindi pa nga nababawi ang mga ninakaw sa bayan..
para ano..?
para tuluyan nang makabalik sa kapangyarihan ang mga Diktador..?
para tuluyan na nilang ma-edit ang history ng bulok nilang angkan, para kunwari eh mga bayani sila..?
para yung mga buwis na gusto nilang itaas sa ngayon eh maibulsa na ulit ng Dictator Clan kapag nakaupo na ulit sila..?
para kunwari eh makikipaglaban na naman ang bansa sa mga rebelde sa loob nang maraming taon, para lang muling maipatupad ang Martial Law...?
was feeling , hindi naman illegal drugs ang pinaka-kalaban ng bansa sa ngayon - kundi mga mapanlinlang na mga tao...
>
wala bang hard evidence..?
uso na ang mga CCTV ah...
unless na sabihin ninyo na burado na lahat ng recordings, kaya umasa na lang tayong lahat sa mga kuwento-kuwento...
was feeling , hmmm.....
>
tama naman yung sinabing observation nung isang reporter noong isang araw eh...
mabuti pa ang mga CCTV, mas madalas nilang mahuli ang mga totoong kriminal..
hindi tulad ng mga tagapagpatupad ng batas...
imagine a society na kagaya sa mga movies..
CCTV na merong mga tagapagbantay at taga-analyze..
mga mabubuting pulis na nakakalat lalo na sa mga delikadong lansangan..
mga pulis na kabisado kung paano gamitin yung bawat kalye para i-trap ang mga kriminal...
haaay.....
kung meron lang sana tayong mas effective na sistema gaya nun..
baka mas matakot na 'tong mga putang inang kriminal...
was feeling , pare-parehas na ngayon eh, lalaki man o babae, kulang na lang eh matuto ring mamaril ang mga babae...
No comments:
Post a Comment