Friday, February 3, 2017

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Few Days of February 2017 (Zero Fund)

January 29, 2017...

[Emo]

12 days after pero parang gusto pa rin ng giyera nung buntis... :(

tahimik na ako since January 18 (problemado lang)..
pinagbibintangan kasi nila ako na sinira ko yung mesa ng kanilang autistic na anak..
nangyari yung gulo last January 17 pa..
yung Tupperware lang ang sinira ko noong araw na yun para lang tumahimik na yung Reyna ng mga Utang..
aksidente namang nasira yung mesa last January 18 na..
nadali kasi yung alulod ko, natuunan ko ng tuhod yung mesa, bumagsak kami parehas sa sahig, nasira yung isang corner nung mesa, at nagkasugat-sugat naman ako..
ang problema, pinasama nung tanga kong biological mother yung istorya..
hinakot niya kasi lahat nung gamit nung bata papunta sa bahay ng mga ito, kaya lumabas tuloy na nagsisira ako ng mga gamit nang walang dahilan at na pinoprotektahan naman niya ang mga yun...

kaya ayun..
iginigiit nung mag-asawa na imposible daw masira yung mesa kung hindi sadyang wawasakin..
ni hindi naisip nung isa na hindi ko kayang wasakin yun dahil takot na takot na akong makipagtalo ulit sa kanya...

nagalit rin sila nang malaman nila na may iba akong nahiraman ng netbook..
parang ang gusto nila eh gipitin na talaga ako eh... :(

ewan ko lang..
ang alam ko maaarte talaga yung ibang mga nagbubuntis..
pero sa tingin ko naman eh hindi yun dahilan para mawalan na ng utak at common sense ang isang babae...

feeling , bahala kayo.. magiging abnormal ulit yang anak ninyo...

>
[Gadget Related]

konting problema sa netbook...

hindi pala tugma yung charger at unit nito, magkaiba ng brand..
ang problema..?

  • everytime na naka-charge siya ay tumutunog (parang tunog ng dumadaloy na kuryente) yung box-like component nung charger; malakas yung tunog kapag hindi pumapasok yung kuryente doon sa netbook, at nahina naman kapag okay yung pagcha-charge
  • kapag okay yung charging at buhay yung netbook, eh nagkakaroon rin yung mismong unit nung sound, at medyo nagpi-flicker yung screen
  • kapag naka-sleep o naka-off naman yung netbook, eh nawawala yung sound, pero may konti pa ring sound doon sa charger


napapaisip lang ako kung ligtas ba 'tong netbook sa charger na yun..
kahihiram ko lang pero nagpaparamdam na kaagad ang FATE eh...

feeling , siguro hindi ko na lang gagamitin nang naka-charge...

>
[Gadget Related]

ayun nga..
mukhang hindi compatible yung charger at yung netbook..
nagkamali daw ng naipadala sa akin eh...

FATE talaga o'..
kahihiram ko pa lang nung device - pero balak na kaagad sirain puwerket ako yung nagamit...

mapapagastos pa tuloy ako ngayon para lang makipagpalit ng charger through courier service..
dagdag ipon na sana pero mawawaldas pa..
yun lang yung option dahil mas mura pa rin yun kumpara sa pamasahe eh...

was feeling , wala eh.. kabuntot ko na talaga eh...

---o0o---


January 30, 2017...

[Emo]

nasiraan na yata ng ulo yung buntis...

ultimo yung yaya nila (yung mother-in-law niya) eh napag-initan na niya..
pinagbawalan ba namang pumunta sa bahay nila..
eh paano pa nun aalagaan yung autistic nilang anak..?
ay tanga...

lahat ng 'to dahil lang sa pagpupumilit na sinira ko yung mesa nung bata...??

tapos yung paborito namang anak...

nagrereklamo na sira na daw kaagad yung sapatos niya..
yung sa akin nga eh 4 years kong ginamit sa college eh..
partida pa na lagi akong lakad noon tuwing uwian ko na...

at ayun, nakawala na naman ng cellphone..
yung panghiram lang niya yata yun sa mga kaibigan niya..
ayos din..
ganun talaga kapag walang pagpapahalaga sa gamit ng ibang tao..
ni hindi yata nakakaramdam ng konsensya yung demonyong yun eh...

was feeling , mga sira ulo...

>
[TV Series]

The Greatest Love

dahil sa takot na takot na reaksiyon ni Gloria ay itinigil na ni Peter ang pagtatanong dito ng tungkol sa kasalanan ni Andres..
nagyaya na ring umuwi ang biyuda...

dinatnan nila na naghahanap ang mga anak niya ng pera na idi-deposit sana ni Andrei..
at si Ate Melba ang pinagbintangan ni Mommy, untikan pa niya itong sugurin..
dahil sa pagiging aggressive ni Mommy Glo ay natanong tuloy ni Amanda kung ano ba ang ginawa dito ni Peter..
nagpaalam na tuloy ang biyudo..
nag-iiyak naman si Ate Melba dahil sa paratang ng pasyente, at saka na-guilty ang may Alzheimer's..
inilayo na muna siya ni Amanda papunta sa kanyang kuwarto, at humingi na lang si Andrei ng pasensya at pang-unawa sa kanilang kasambahay..
naniwala rin siya na walang kinalaman si Ate Melba sa pagkawala nung pera...

sa kuwarto..
nagsisisi at hiyang-hiya si Mommy Glo sa nagawa niya sa tapat nilang kasambahay..
hindi daw ito kasalanan ng ina ang sabi ni Amanda, dahil may mga nagagawa na talaga siya na hindi naman niya gustong gawin..
nabahala tuloy si Mommy Glo dahil sa babala ni Mareng Lydia na baka siya pa nga ang makapag-reveal ng katotohanan tungkol kay Andres..
kaya niyaya niya kaagad ang kanyang panganay para magpa-checkup, pero saka na lang daw dahil weekend na...

badtrip si Peter dahil sa nagawa niya sa kanyang nililigawan..
kaagad niya tuloy itinigil ang kanyang sasakyan, at tinawagan ang babaeng doktor ni Gloria..
hindi masyadong ma-evaluate nung doktor yung sitwasyon, pero kung takot daw ang namayani sa pasyente ay posibleng traumatic daw yung alaalang bumabalik sa kanya regarding that specific person...

masaya ngang umuwi si Paeng dala ang kanyang suweldo, at sinalubong siya ni Andrei..
Php 3,000 ang share niya, pero pinagbintangan siya ng kanyang kuya na ninakaw niya yung pondo para sa kanilang ina..
nagpaliwanag naman si Paeng na galing yun sa gig niya at sa pag-sideline bilang waiter, pero nabulag na si Andrei ng pagiging black sheep nito noon..
bumaba sina Amanda at Lizelle para umawat, pero kapansin-pansin kay Amanda na kasama si Lizelle sa sinisisi at inaawat niya..
naniwala nga si Amanda sa paborito niyang kapatid, at idiniin na hindi perpektong mga anak yung 2..
si Lizelle naman ay hindi na pumapatol...

nagpasalamat si Paeng sa muling pagtitiwala sa kanya ng ate niya..
basta daw hindi na ulit niya sisirain ang tiwalang ibinibigay ni Amanda..
at nangako naman si Paeng...

muling pinuntahan ni Peter si Mareng Lydia..
kung sinasaktan ba daw ni Andres si Gloria..?
ni-reveal na tuloy ni Mareng Lyida sa biyudo kung bakit naudlot yung ikalawa nilang pagsasama dapat ni Gloria..
saktong dating nga daw noon ni Andres noong magsasama na dapat sila, sinaktan daw nito si Gloria, ikinulong, at worse ay tinakot na hindi na muling makikita ang kanyang mga anak kung sasama siya kay Peter..
nasisi tuloy ng biyudo ang kanyang sarili kung bakit may trauma ngayon ang mahal niya..
kung ganun daw ay hindi na niya muling uungkatin ang tungkol sa kasalanan ni Andres..
nagmamadali namang umalis si Mareng Lydia...

nahihiya talaga si Mommy Glo kay Ate Melba..
galit na daw ito sa kanya dahil inaway niya ito..
gaya ng payo noon ni Mommy La kay Z, pinayuhan rin siya ng kanyang apo na mag-sorry lang..
pinantuhan ni Mommy Glo ang kasambahay sa kusina, may dalang sulat, habang kinukunan sila ni Z ng video..
pagtingin ni Ate Melba ay nakita niyang mangiyak-ngiyak si Mommy Glo, sabay bukas nung papel na may nakasulat na 'sorry', at personal na rin nga siyang humingi ng tawad..
pinatawad na siya ni Ate Melba, parehas silang naiyak at nagyakapan...

sa dinner naman..
kapansin-pansin na inaagaw na ni Amanda ang pag-aalaga sa kanilang ina kay Lizelle..
ginusto rin niyang masolo ang kanilang ina sa pagpapa-checkup..
kinampihan naman siya ni Paeng, kaya napilitang magparaya ang bunso...

was feeling , may masama talagang balak ang panganay...

>
[Cuties]

wala, dinaya ang Bolivia... :(

ang mga pambato ko sa pagandahan (lang) ay sina:

  • Miss Bolivia (dahil blondita)
  • Miss Philippines (dahil mala-Haponesa yung mga mata)
  • Miss Israel
  • Miss Slovenia
  • Miss Thailand (dahil mukhang Pinay)


pero wala nang dapat pag-usapan pa..
walang mali sa paggamit man o hindi nung translator..
dahil mapa-English man yun o Tagalog ay wala talagang masyadong significance yung sagot..
unity dahil sa Miss Universe pageant..?
mas may dating pa yung sagot ng mga viewers gaya ng pag-usbong ng Social Media at ang leksyon na dala ng Climate Change..
ang impact ng Global Terrorism eh maganda ring sagot...

was feeling , mangangatwiran pa eh...

>
[Medical Condition]

muli, nag-leak na naman ang cyst ko habang naliligo ako..
andami ko na namang nailabas this time..
at yun, natigilan na lang ako noong makita ko yung butas sa balat ko..
pero malaki ang iniliit nung bukol ko...

mukhang hindi talaga siya naglalangib..
walang dugo, kaya walang paraan para magkaroon ng blood clot..
besides, hindi rin naman talaga nagsasara yung butas, at lagi lang nababarahan ng keratin...

ang problema ko ngayon eh kung paano siya magsasara..
basically, nasa ibabaw yung butas ng sac na may konti pang keratin..
ang inaalala ko ay baka may kung anong foreign matter ang makapasok at mag-cause pa ng infection kung walang paraan para maghilom yung opening...

---o0o---


January 31, 2017...

[Public Interest]

ang gulo na ng Yahoo ngayon..
since ni-reveal nila yung tungkol sa pagka-hack sa kanila...

maya't mayang puwersahang nagpapapalit ng password..
tapos yung mga verified e-mail accounts noon eh pinapa-verify na ulit, pero ang palpak naman nung sistema...

was feeling , paano ibe-verify kung nawawala yung verify option sa susunod na pag-log-in...?

>
[Gadget Related]

Desktop versus Laptop

advantages ng desktop:

  • swerte kung may SSD (solid-state drive) dahil ginagawa nung less prone sa physical error yung system
  • flexible at upgradeable
  • mas matino ang cooling system


disadvantages ng desktop:

  • dependent sa power supply, kaya kapag bumibigay yung unit na yun eh damay ang lahat
  • UPS-dependent (uninterruptible power supply) para ma-preserve ang hard disk, dahil kahit nag-a-announce naman ng scheduled brownout dito sa [Name of City] ay may mga pagkakataon pa rin na biglaan na lang ang mga power interruptions
  • base sa experience ko madalas bumigay ang OS ng desktop kumpara sa laptop, isang example yung napasok sa blue screen mode (in fact, hindi pa ako nakakaranas ng ganun sa laptop)
  • kalaban din ng hardware ang dumi at alikabok 
  • mas magastos sa kuryente


advantages ng laptop:

  • yung battery niya ay parang UPS, kahit degraded na yung battery nang malala eh hindi pa rin basta-basta mamamatay yung computer in case ng power interruption
  • bihira ngang bumigay ang OS
  • mas tipid sa kuryente
  • portable (though hindi naman talaga 'to issue para sa akin)


disadvantages ng laptop:

  • limited ang kakayahan ng graphics support, at hindi rin basta-basta upgradeable
  • hindi angkop ang ventilation at cooling system para sa mabibigat na trabaho

was feeling , timbange nang husto habang wala pa ang pera...

>
[TV Series]

The Greatest Love 

araw na ng checkup..
natanong ng babaeng doktor ni Mommy Glo kung may kinalaman ba daw yung biglaang checkup sa sinasabi ni Peter na taong nakakapagpa-agitate sa pasyente..?
naisip naman ni Amanda na baka yun yung sinasabi ni Andrei na kasalanan ng kanilang ama sa kanilang ina..
at para ipagtanggol si Andres, ay sinabi na lang ni Amanda na normal na pagtatalo lang yun ng mag-asawa..
ang concern daw nila ay may mga bagay na nagagawa si Mommy Glo na hindi nito gustong gawin, at nais niyang maiwasan yun para nga hindi ma-reveal yung katotohanan tungkol sa hayop na si Andres..
kinausap na muna ng pasyente nang sarilinan yung doktor..
mukha daw nag-improve ang pasyente, at sinabi ni Mommy Glo na dahil yun sa inaalagaan na siya ng kanyang mga anak..
iniisa-isa ng doktor ang mga paraan para maiwasan yung takot ng biyuda; yung maintenance, pag-aalaga sa pasyente ng kanyang mga anak, ang pagkakasundo ng mga anak, at mas mag-focus daw dun sa magagandang alaala - at kasama si Peter dun..
inilista naman ni Mommy Glo lahat ng payo ng doktor...

sa labas ng clinic..
nakasalubong naman ni Amanda yung lalaking doktor ng kanyang ina..
at nagtanong siya kung pwede ba siyang makahingi ng medical certificate ng pasyente para sa pag-a-apply niya ng legal guardianship..
pinayuhan naman siya nung doktor na konsultahin muna yung mga kapatid niya, dahil yun daw yung madalas na pagtalunan ng pamilya...

pumunta rin ang mag-ina sa munisipyo para ayusin yung gusot ni Mommy Glo sa taxes niya..
kumbinsido naman ang biyuda na wala talaga siyang utang..
pero sinabi ng tauhan doon na nai-settle na ang lahat ni Peter, na ikinainis na naman ni Amanda...

sa bahay, magkatulong sina Lizelle at Sandro sa pag-aayos ng records ng junk shop sa utos na rin ni Amanda..
mukhang kailangan na daw talaga ng manager nung business nila, dahil hindi pwedeng ganun na lang sila parati...

dumaan sina Mommy Glo sa junk shop para pasulubungan yung mga tauhan nila doon..
masayang-masaya namang yumakap sa kanilang boss yung 2 tauhan na naabutan nila doon, at ipinaalam na rin dito na alam na nila yung tungkol sa sakit nito..
inabutan rin sila nina Lizelle at Sandro na dala yung records..
ipinaalam ni Amanda na binayaran na ng tatay ni Lizelle yung mga taxes ng kanilang ina..
pagsabihan daw naman ni Lizelle yung biyudo na sa susunod ay huwag nang makikialam sa problema ng pamilya nila..
natanong tuloy ng bunso ang kanilang panganay..
gusto daw nito ng equal responsibilities; na walang ibang tutulong sa kanila, na hindi siya malalamangan sa mga ambagan..
pero bakit parang sinosolo daw ni Amanda ang pag-aalaga kay Mommy Glo kahit na gipit rin naman siya sa ngayon..?
pero iginiit pa rin ng panganay ang gusto niya, at niyaya nang umalis ang kanilang ina...

pinatulog na ni Amanda si Mommy Glo..
nabasa nito yung list na ginawa ng kanyang ina sa clinic, at na-guilty na kasama si Peter sa mga taong nagpapasaya sa kanya..
sorry daw na pinigilan niya si Peter sa pagpo-propose nito..
sinusubukan naman daw niyang magpatawad..
pero hindi niya matanggap yun sa tuwing maiisip niya na nabubuo yung pamilya ni Lizelle kapalit ng pagkasira ng sa kanila (siguro dahil sa pag-iisip na si Peter yung mang-aagaw)..
mahal na mahal daw ni Andres si Mommy Glo, pero bakit daw hindi ito nagawang pantayan ng kanilang ina..?
pasensiya na daw kung hahabulin niya yung pagiging legal guardian, yun na lang daw kasi yung paraan para layuan na ang biyuda ni Peter...

sa paghahanap ng documents ng kanyang ina, nakita tuloy ni Amanda yung mga sulat na tinutukoy ni Z..
mababasa na niya sana yung sulat ng kanilang ina, pero biglang dumating si Paeng..
hahalik lang daw ito sa kanilang ina bago umalis para magtrabaho..
at parehas nga nilang hinalikan at pinagmasdan ang natutulog na ina...

was feeling , bitin teknik, hahaha!

>
Monthly Expenses versus Target Income 

ito yung mga gastusin ng isang commoner (na gumagamit ng internet), at nakatira sa [Name of City]

  • Php 1,100 sa internet (yung landline ay pangtawag sa service provider kapag nagkakaproblema)
  • Php 600 sa kuryente (minus overnight na paggamit ng electric fan)
  • Php 160 sa tubig (ipi-filter na lang ang inumin, though posible yung umakyat sa Php 400 kapag na-privatize ang Water District)
  • less than Php 600 sa bigas
  • Php 300 para sa pandesal na breakfast araw-araw
  • Php 1,000 other food (provided na may Lumpia, Tilapia, at Bangus junk food eh kaya kong itawid ang lunch at dinner na Php 1.00 lang ang ulam, or Php 7.00 kung Chicharon ni Mang Juan lang yung available)
  • Php 200 sa gasul (though magulo rin ang presyuhan ng gasul lately)


Total - Php 3,960 monthly expenses

sa ganitong level..
ang Target Income ko ay nasa $ 200 kung nasa Php 49 ang palitan..
nasa Php 9,800 yun per month..
at kaya pa rin kahit na maging Bimonthly (yung bimonthly na every 2 months)...

kung masusunod yun..
magagamit ko naman yung loading raket, ice raket, at tindahan raket para sa savings..
yung adsense eh either sa savings o pambili ng mga components online...

ang mali lang sa calculation na 'to..?
na hindi kasama sa kuwentahan yung

  • bahay
  • health
  • at hardware fund

applicable lang yung ganung budget kung hindi ako paalisin dito sa bahay..
kaso base sa usapan nila, eh lahat ng benefits at maging ang bahay ay dun sa paboritong anak mapupunta kapag patay na yung biological mother..
lalo na kapag nambuntis na yung paboritong anak, malamang na puwersahan na akong palayasin for their privacy..
yung sa health naman eh ang hirap kasing magtiwala sa mga gaya ng SSS at PhilHealth kahit na maliit lang naman ang ambagan..
maliit nga lang ang voluntary contribution, pero kapag hindi mo naman nagamit at nalugi yung institusyon eh lalabas na namigay ka lang ng pera...

was feeling , kaya ko kaya yung $ 200 per month...??

---o0o---


February 1, 2017...

[TV Series]

The Greatest Love 

nagkausap sina Amanda at Paeng..
nabanggit ng dating black sheep na hindi ba daw talagang sumasaya naman ang kanilang ina sa tuwing kasama nito si Mr. Alcantara..
at pinagsabihan naman siya ng kanyang ate na huwag na huwag papabor dun sa Peter na yun...

pagkagising ni Mommy Glo..
kahit na may sakit na siya ay napansin pa rin niya na tila nagalaw yung drawer niya..
na-paranoid siya at nag-decide na sunugin na lahat ng mga sulat na magri-reveal tungkol sa nakaraan...

si Amanda naman ay nasermonan na ni Alvin dahil kay Greta..
unfortunately, pumalpak ang work from home alternative niya at may mga nabuwisit na namang kliyente sa kanya..
humiling naman si Amanda ng kaunti pang palugit para lang maayos na niya yung mga requirements para sa application niya for legal guardianship...

nakita ni Mareng Lydia na nagsusunog si Mommy Glo at inawat niya ang kanyang bestfriend..
para daw masunog na rin yung mga hindi magagandang alaala, para wala nang makaalam ng tungkol dun..
saktong dating naman nina Lizelle..
nagkaroon tuloy ng pagkakataon si Mareng Lydia na kunin at itago na muna yung mga sulat ng biyuda...

sina Peter, Lizelle, at Sandro pala yung dumating..
naasar na naman si Amanda nang malaman na naroon na naman yung biyudo..
si Sandro ay gusto nang mag-apply bilang manager nung junk shop para makatulong sa pamilya ni Mommy Glo..
si Peter naman ay nagyaya na lumabas sila ng biyuda..
ilalapit pa sana ni Amanda yung pagpapa-sign nung special power of attorney, pero saka na lang daw dahil may lakad pa ang kanyang ina...

kinagabihan..
naulit ni Mommy Glo na hindi lang naman siya masaya dahil kay Peter, pero dahil nakakasama niya lahat ng mga taong mahalaga para sa kanya..
inayos na daw ni Amanda yung finances at pagbabayad ng bills ng kanyang ina para wala nang maging problema sa susunod..
tapos ipinasok niya yung topic tungkol dun sa special power of attorney..
saka na daw yun at gusto munang makausap ni Mommy Glo lahat silang 4 na magkakapatid..
nakita rin noon ni Amanda na kasama ng mga documents ng kanilang ina yung pera na idi-deposit sana ni Andrei...

sa araw ng meeting nila..
dumating si Paeng na maraming pasalubong para kay Mommy Glo..
hinusgahan at pinaringgan na naman siya ni Andrei..
kung tungkol daw yun sa nawawalang pera, ay ayun, nakita daw ni Amanda na napasama yun sa mga documents ng kanilang ina..
(in your face yun para kay Andrei)..
clueless naman sila kung paano yun napunta sa gamit ni Mommy Glo...

sa kusina..
sarilinang kinausap ni Andrei si Paeng para mag-sorry..
kitang-kita naman sa mukha nung dating black sheep yung sama ng loob niya dahil sa ginawang pagbibintang sa kanya..
sinabi na lang nito na walang importante para sa kanya sa ngayon kundi ang kanilang ina..
(the scene was cut short, hindi malinaw kung nagkasundo na ba sila o ano)...

sa kuwarto ni Mommy Glo..
tinanong siya ni Mareng Lydia kung sigurado na ba siya sa gusto niyang sabihin sa mga anak niya, at oo daw...

oras na ng meeting..
iniwan na muna ni Mareng Lydia ang pamilya sa kanilang usapan..
nagpasalamat siya na nakakasama na niya lately ang kanyang mga anak..
well, inaakala rin nga niya na okay na yung 4 sa isa't isa at na magdadamayan ang mga ito if ever..
pero alam daw niya na busy ang mga ito dahil may kani-kanila na silang mga buhay..
bakit nga ba daw nabaliktad na yung sitwasyon, na kailangang yung mga anak na ang mag-alaga sa kanilang ina..?
pero gustuhin man daw magpanggap ni Mommy Glo, ay kailangan niyang aminin na hindi bumubuti ang kanyang kalagayan habang tumatagal..
kailangan na daw niya ng katuwang para sa pagde-decide at paggabay sa kanilang pamilya..
at si Amanda daw bilang panganay ang magiging lakas at ilaw ng kanilang pamilya..
kaya sana daw ay irespeto ito nung 3 gaya ng pagrespeto nila kay Mommy Glo..
iniisip ng ina na hindi magagawang pabayaan ni Amanda ang kanyang mga kapatid..
sumang-ayon naman yung 3, maging si Lizelle, kahit na makikita sa kanya na nalungkot siya sa naging desisyon ng kanilang ina..
nangako naman si Amanda na iko-consider niya sa pagde-desisyon ang lahat ng kanyang mga kapatid at wala siyang babalewalain...

was feeling , nakuha na niya yung loob ng ina dahil sa pagpapanggap niya...

---o0o---


February 2, 2017...

[Movies]

Resident Evil: The Final Chapter

nakasama ang Gosiengfiao sisters sa last Resident Evil movie!

bilang mga basic zombies..
haha!
astig pa rin yun...

was feeling , kailangan pang mag-abang ng Blu-ray copy sa loob ng ilang buwan...

>
[TV Series]

The Greatest Love 

sa meeting pa rin..
inutusan ni Mommy Glo si Amanda na ipag-withdraw si Paeng ng kailangan niyang pera sa account niya..
tuparin daw ng binata yung pangarap niyang pagkakaroon ng music studio..
natuwa naman sina Andrei at Lizelle para sa kanilang kapatid..
susugal daw si Mommy Glo sa pangarap ng kanyang anak..
hindi daw kasi nauubos ang tiwala ng isang ina sa kanyang mga anak..
(putang ina! nakakainggit si Paeng sa pagkakaroon niya ng isang totoong ina)...

nagkausap naman sina Andrei at Lizelle..
wala naman daw tutol si Lizelle sa naging desisyon ng kanilang ina..
pero kinakabahan lang daw siya para sa kanyang ama, dahil baka mahirapan na itong lumapit sa kanilang ina dahil kay Amanda..
sinabi naman ni Andrei na bigyan ng chance ang kanilang ate, at huwag pangunahan gaya ng nagawa niyang panghuhusga kay Paeng...

pinagmamasdan ni Peter yung singsing na ibibigay niya kay Mommy Glo..
tinawagan siya ni Lizelle para i-inform siya na legal guardian na ng kanilang ina si Amanda..
irespeto na lang daw ng dalaga ang naging desisyon ng kanilang ina..
pero paano daw yung 2 matanda..?
at sinabi naman ni Peter na siya na ang bahala...

na-cross out na ni Mommy Glo yung goal niya para kay Paeng kahit na hindi pa naman talaga ito nasisimulan..
pinapirma naman ni Amanda ang ina sa special power of attorney, at ang panganay na daw ang bahala dun dahil wala rin siyang alam sa mga ganun...

ginusto namang makausap ni Peter ang panganay ni Mommy Glo..
nagkita sila somewhere..
at diniretsa ni Peter si Amanda kung ano ba ang totoong plano nito dun sa pagiging Legal Guardian..?
wala naman daw..
pero bakit daw hinahadlangan ng panganay ang kanilang pagsasama ni Gloria..?
pero hindi naman daw sila pinagbabawalan na magkita at magsama..
bakit daw ayaw niya na makasal ang 2..?
ngayon na lang daw kasi sila nagkakaayos na mag-ina simula nang nagkaroon ng lamat ang kanilang pagsasama dahil sa pag-amin ni Mommy Glo na anak niya si Lizelle sa labas, tapos ay sisirain na naman yun ni Peter..
pero ginagarantiya daw ng biyudo na hindi niya ipagkakait si Gloria sa mga anak nito..
ano ba daw ang maaasahan ni Amanda mula sa salita ng taong nanloko sa tatay nilang si Andres..?
wala na daw magagawa si Peter para makabawi sa kanila..
kung hindi daw sana si Peter yung lalaking naging dahilan para magtaksil si Mommy Glo sa kanilang ama noon, ay walang problema kay Amanda na makasal sila..
pero siya daw kasi mismo yun eh, kaya hindi niya matanggap na maikakasal ang 2..
naiintindihan naman daw ng biyudo yung nararamdaman ng panganay ni Andres..
pero hindi daw yun sapat na rason para bitawan niya si Gloria..
kung ganun daw ay sa korte na lang sila ulit mag-usap...

tinawagan naman ni Greta si Amanda on behalf of Alvin..
gusto sana nilang makausap ang business partner sa office..
nag-decide kasi sila na i-suspend na muna si Amanda for 1 month, or hanggang sa maayos na ang personal problems nito..
nag-hire na rin kasi sila ng tauhan na sasalo sa mga duties niya..
narinig yun ni Mommy Glo kaya tinawagan niya si Chad..
ayaw sanang umamin ng manugang niya, pero napaamin niya rin nga..
medyo nagkaproblema daw kasi sila sa pagbabayad ng bahay nila, pero nabayaran na daw ni Chad yung kalahati ng required amount, at nakahingi na rin siya ng palugit..
kaya na daw ni Chad yun...

umiiyak naman na nag-impake si Amanda pabalik ng Manila..
kinausap siya ng ina, at luluwas lang daw siya para may asikasuhin..
tapos inabot ni Mommy Glo yung passbook niya sa kanyang panganay..
kunin na rin daw nito yung kailangan niyang halaga, pero ayaw ni Amanda dahil sa pride niya..
hindi naman daw madadala ni Mommy Glo yung pera niya sa kabilang buhay kaya gamitin na daw yun ng kanyang anak..
hindi daw yun utang kundi bigay..
pero ayaw daw ng panganay na may masabi sa kanya sina Andrei at Lizelle..
sige raw, bahala na si Amanda kung gugustuhin pa niya yung bayaran o ano..
ang mahalaga daw ay basta bumalik lang silang mga anak niya sa kanya...

binisita ni Mareng Lydia ang kanyang bestfriend..
ipinakita naman nito na tapos na yung kanyang listahan ng mga goals..
panahon na daw para isipin naman ni Gloria yung para sa kanyang sarili..
hindi pa naman daw talaga yun dun nagtatapos..
pero may isang bagay na gusto talagang gawin ni Gloria, at isinulat niya yun sa notebook niya...

was feeling ,ang biyuda na ang magpo-propose sa biyudo...

>
[Emo]

yung pakiramdam na sinabihan ka ng kahit iisa man lamang sa magulang mo na "susugal ako para sa pangarap mo"...

ay puta ka, Paeng!
nagawa mo pang pagnakawan yung ganung klase ng responsable na magulang..?
alam ko rin na hindi lang yan basta-basta fictional script...

samantalang ako..
ang narinig ko lang ever since eh, "kikita ka ba diyan?"..
"ano bang mapapala mo diyan?"..
"kumuha ka na lang ng civil service"..
"magtrabaho ka na lang sa opisina"..
all that habang napupunta lang sa iisang tao lahat ng pera na pumapasok sa bahay..
at habang nasasayang yung mga perang yun...

oo, may mga taong gustong tumulong sa akin by trying to give me other jobs..
pero i already hate my life since the beginning..
hindi ko man lamang ba pwedeng subukan na i-pursue yung bagay kung saan ako masaya...?

was feeling , isa akong ulila...

---o0o---


February 3, 2017...

[Gadget Related]

mukhang desktop nga ang kailangan ko..
hindi ko alam kung paano ko maiiwasan yung mga naging problema ko sa power supply noon, pero bahala na..
basta no more computer gaming...

kailanganin ko ring subukang buhayin yung 10 y/o hard disk ko mula sa unit 01 ko..
kailangan ko ng bagong system na tatagal ng 8 to 10 years...

was feeling , last try...

>
[TV Series]

The Greatest Love 

tinawagan kaagad ni Gloria si Peter para yayain ito na magkita sila sa plaza ng San Ildefonso..
sakto namang nasa probinsiya si Peter kaya bakit daw hindi sila magkita na sa araw din na yun, at sumang-ayon naman ang biyuda..
nang magkita-kita na sila sa plaza, ay iniwan na muna ni Mareng Lydia at Pareng Joma yung loveteam..
pasensya na daw sa bulaklak na dala ni Peter, hindi na daw kasi siya nakahanap ng bulaklak ng kalabasa...

mukha daw mas bumubuti na nga ang kalusugan ni Gloria base sa mga naaalala nito..
kung makalimot man daw siya, ay naroon lang ang biyudo para ipaalala sa kanya ang lahat..
natanong tuloy ng babae, gaano ba daw siya kamahal ni Peter..?
pero hindi naman daw kasi nasusukat ang pagmamahal..
pero bilang sample, sakali man daw na makalimutan na ni Gloria kung sino si Peter para sa kanya, at kung gaano niya kamahal yung lalaki, at kahit pa daw ipagtabuyan na siya ng babae - ay hinding-hindi daw niya iiwan si Gloria..
after that, ipinakita ni Gloria yung listahan niya ng mga pangarap niya..
mukhang nagawa na daw ng biyuda ang lahat ng nandun, pero may isa pa daw na gusto niyang gawin..
binuksan ni Peter ang mga sumunod na pahina, at nabasa niya yung "makasal kay Peter"..
naging emosyonal tuloy ang lalaki (considering yung mga pinagdadaanan niya sa ibang anak ni Gloria)..
hindi daw totoo na puros mga anak lang ni Gloria ang inaasikaso nito, dahil matagal nang kasama sa mga plano at pangarap niya ang lalaking totoong minahal niya..
hindi na nagpaliguy-ligoy pa ang biyuda, at inalok na ang lalaki ng kasal..
ang tagal daw hinintay ng lalaki yung araw na yun, tatanggi pa ba naman daw siya..?
kaso nakalimutan daw niya yung singsing ni Gloria dahil biglaan lang yung pagtatagpo nila na yun..
kaya gumawa na lang siya ng singsing gamit yung ribbon yata yun mula sa flowers na ibinigay niya sa babae..
pero paano daw ang mga anak ni Gloria..?
hindi pa daw niya nasasabi eh..
at nag-decide sila na parehas nilang haharapin ang mga bata para mamanhikan si Peter...

saktong nakita nang nagde-date na sina Lizelle at Sandro si Mareng Lydia..
gusto sana nilang puntahan yung 2 matanda, kaya nadulas tuloy ang tita nila at nasabi na bigyan ng privacy yung mga yun dahil may proposal na nagaganap..
si Mommy Glo daw mismo ang nagdesisyon tungkol dun..
at isikreto na lang daw muna nila yun...

pagkauwi sa bahay..
kaagad binati ni Lizelle ang kanyang mga magulang..
mukhang naipagsabi na daw kaagad ng bestfriend ni Gloria ang tungkol sa nangyari..
sa lalong madaling panahon daw yung kasal eh..
pero magpapaalam muna sila sa mga kapatid ni Lizelle...

sa bahay nina Amanda..
nag-sorry si Chad sa ma-pride niyang asawa dahil nasabi niya yung problema nila kay Mommy Glo..
pero hindi nagalit si Amanda, bagkus ay nagpasalamat siya sa kabiyak..
thank you daw dahil nasolusyunan nito ang problema nila sa kanilang bahay..
naging daan daw yun para ma-admit ni Amanda sa kanyang ina na kailangan pa niya ito..
noong umalis daw kasi ito sa bahay nila ay sinabi niya na makakaya niya na wala si Mommy Glo..
pero kung kailan pa daw siya mas tumanda, ay saka niya na-realize na kailangan pa niya ang kanyang ina..
nakita naman ni Z na tila mas okay na ang parents niya...

sa dinner nila..
naaalala ng mag-asawa ang nakaraan nila, at nagbibiruan kasama si Z..
running for honor daw ang binatilyo, at nabanggit ni Chad na soon daw ay magiging doktor na ito..
naisip kasi ni Z na gusto niyang mag-Brain Med, at pakakawalan na yung Communication Arts..
para daw sa Mommy La niya, kasi umaasa siya na aabot pa siya para mas maalagaan ang kanyang lola...

sa San Ildefonso..
excited na minarkahan ni Mommy Glo sa kalendaryo yung March 30..
hindi siya makapaniwala na yung pangarap niya noong 20 y/o pa lang siya ay magagawa pa niyang ituloy ngayong 60 y/o na siya...

excited rin na dumaan si Andrei sa bahay nila..
nakarating na sa kanya ang balita..
2 weeks na lang daw kaya dapat maihanda na nila ang lahat..
pero natanong ni Lizelle kung papayag daw kaya ang Ate Amanda nila..?
sinabi naman ni Andrei na siguro naman daw ay hindi na yun kokontra pa sa kanilang ina..
nakita sila ni Mommy Glo, nagkunwari si Andrei na wala siyang alam, tapos in-assign siya ng kanyang ina na maging makeup artist nito para sa espesyal na okasyon...

napadaan ulit si Paeng sa junk shop..
maging sa mga tauhan nila dun ay mabait na siya, pare na lang daw ang itawag ng mga ito sa kanya sa halip na boss..
nakita niya si Sandro doon at inakala nung iba na magkakagulo pa..
sinabi ni Sandro na doon na ulit siya nagtatrabaho dahil hindi na kaya ni Mommy Glo, at ayos daw yun sabi ni Paeng..
bago tuluyang umalis, eh humingi pa ng pabor si Paeng na tulungan siya ng mga ito na humanap ng marerentahang puwesto para sa music studio niya...

sa usapan nina Peter at Pareng Joma..
natanong ng kaibigan kung paano daw kung may tumutol sa pagpapakasal nila ni Gloria..?
sinabi naman ng biyudo na since si Gloria na mismo ang may gusto na makasal sila ay ipaglalaban niya ito sa kung sino man ang hahadlang...

balik sa bahay..
hiniling ni Mommy Glo kay Paeng na tugtugan siya ng kahit na anong love song (LOL! dubbed yung tunog nung gitara)..
na-relax at sumaya si Mommy Glo kung kaya't napa-MMK siya tungkol sa magagandang alaala nila ni Peter..
hanggang sa naalala niya yung mga hikaw na bigay noon sa kanya ng biyudo..
nam-roblema tuloy siya sa kahahanap sa mga yun..
naalala rin ni Paeng yung nagawa niya, pero hindi niya maamin sa ina na maging ang mga yun ay ninakaw niya noong lulong pa siya sa sugal..
hiyang-hiya lang siya na nagawa niya yun sa kabila ng kabutihan ng kanyang ina...

was feeling , pati ba naman sa istoryang 'to ay magkakasunog rin.. mukhang mati-trigger nung nawawalang hikaw ang muling pag-atake ng sakit ng pasyente...

---o0o---


February 4, 2017...

[Medical Condition]

wala..
ayaw talagang magsara..
walang paraan para mag-blood clot..
nagda-dry lang yung keratin at yun ang nagsisilbing pansamantalang bara...

pwede ko sanang sugatan ang sarili ko..
para mag-induce ng blood clot..
kaso, considering yung kapal ng balat na binutas nung pesteng mass na yun..
and yet ay wala siyang kakayahan para maghilom..
tapos wala naman talagang laman sa loob niya kundi sac ng keratin..
eh nakakatakot tuloy na baka hindi pa rin siya magsara...

was feeling , abnormal problems ng mga ulila...

>
[Emo]

mas nakaka-frustrate na...

so kumuha na ng panibagong Php 100,000 loan yung matandang babae, kahit na hindi pa bayad yung nauna..
this means na halos wala ng matitira sa monthly budget namin for the next 2 years..
pero ni hindi niya talaga naalala yung ipinangako niyang tulong sa akin..
sa tingin ko niloko lang talaga niya ako during that time, para lang hindi na ako kumontra sa pagbo-boarding house ng paboritong anak nila..
the best i could do eh gawing 5-6 na yung mga inutang nilang pambayad ng kuryente at load sa akin - para makaganti man lamang ako..
samantalang para dun sa paboritong anak, humingi lang ng Php 3,500 na pambili daw ng project - eh ASAP ang pagpapadala sa remittance center..
wala man lamang pag-iimbestigang ginawa kung totoo ba yung project na yun o ano..
ni hindi na niya inalam kung saan napunta yung deposito nila sa inalisan nilang bahay..?
at sino namang maniniwala na lilibuhin yung 2 libro na bibilhin niya daw, eh mula't sapul eh wala naman kaming nakikitang libro na ginamit niya dahil puros PDF file yung mga binabasa niya - eh ni yung libro ko ng Cisco eh wala pang Php 500 kahit na sobrang kapal nun..
malamang eh pumitik lang yun ng pambili niya ng bagong iwawalang cellphone na naman, o di kaya eh pang-date sa bagong babae niya..
tapos ano ang sabi sa akin nung matanda regarding dun sa nawalang 1-week smartphone - "huwag mo nang silipin yun tutal eh bigay lang naman yun"..
wow! nasaan na yung pagtanaw ng utang na loob at pagpapahalaga sa mga gamit na bigay ng ibang tao..?
hindi ba mga magulang dapat yung numero unong nagtuturo nun sa mga anak nila...??

aside from that..
wala pa ring pumapasok sa akin na pera mula sa fund raising project ko..
noong nasa high school at college ako, iisang tao lang yung parati kong nilalapitan sa tuwing nagkakaproblema ako sa mga biglaang bayarin..
pero iba na ngayon, parati na lang pamilya niya yung sumasalo sa akin - eh ni hindi ko nga sila kadugo...

ganito pala yung pakiramdam ng nangungutang..
yung pakiramdam ng nanlilimos ng tulong..
oo, kasalanan ko na hindi ko mapuntahan ng personal yung pera - hindi talaga option para sa akin na gumastos pa ng Php 300 to 500 para lang mapuntahan ang mga blood relatives ko..
sobrang nakakahiya na nga at nakakababa ng sarili yung ginawa kong paglapit sa kanila eh..
ibinigay ko na rin lahat ng details ko at yung mga available options..
pero ang hirap kapag nakakalimutan nila yung mga pangako nila..
parang mas nakakahiya na ire-remind ko pa sila na "uy, pwede ko na bang makuha yung inuutang ko?"...

dammit!
hindi ko kailangan ng mga mabulaklak na encouraging words o moral support..
5 months na ang nasasayang ko..
technically, 3rd time ko nang mag-remind sa kanila..
nakakahiya mang aminin ulit - pero cash yung kailangan ko...


No comments:

Post a Comment