Friday, February 17, 2017

Criminal VIP Treatment

lilinawin ko lang ha..
hindi ako tagapaghatid ng mga balita..
though meron akong compilation ng mga summary ng ilang mahahalagang balita sa section ko na 'to..
ina-analyze ko lang ang mga bagay-bagay at nagbibigay ako ng mga opinyon at ilang theory na rin, kasi sa tingin ko ay kailangan na ng mga mamamayan na mas maging maingat at mapanuri para sa ikabubuti ng bansa...

gaya na lang sa nangyayari lately..
yung mga convicted na mga kriminal at suspected scam lord eh sa halip na litisin at parusahan ay sila pa ang mga ginagawa at balak na gawing mga witness sa mahahalagang kaso para sa bansa..
na para bang walang ibang paraan para magturo sila ng mga totoong kasabwat nila, unless nga na bigyan sila ng immunity at VIP treatment pa DAW...

ang tanong kasi ay gaano ba magiging ka-credible ang mga salaysay ng mga ganitong klase ng mga kriminal o suspek..?
how do people know na hindi scripted ang mga magiging testimonya nila (considering the Mayor Espinosa case)..
considering na alam nila na may kapalit na VIP treatment o immunity man lamang yung magiging pag-testigo nila..
hindi ba mataas yung tendency nila na maging puppet witness kung alam nila na may kapalit na benefit yung pagiging witness nila...?

ang masama pa nito..
parang wala lang yung mga ganitong klase ng isyu para sa mga panatiko..
kumbaga, okay lang sa kanila ang lahat ng gawin ng kanilang diyos-diyosan at ng gobyerno nito..
eh aanhin pa at naghahangad kayo ng pagbabago noon, kung poprotektahan lang pala ng kasalukuyang gobyerno ang mga certified na mga kriminal...??

---o0o---


update ulit (47 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas 
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • yung pulis na ng rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system ng bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • yung Oplan Cyber Tokhang
---o0o---


February 11, 2017...

galit na galit na yata talaga ang mundo...

consistent na climate change..
tapos recently, lindol sa Surigao..
tumatagas na lava sa may dagat kamakailan sa kung saan..
napapadpad na oarfish sa baybayin..
at mass stranding ng mga balyena..
ewan ko kung ano pa yung ibang sakuna na hindi na naibabalita dito sa bansa...

was feeling , hindi ko naman pangarap yung gunaw para sa ultimate goal ko...

---o0o---


February 16, 2017...

regarding sa kaso ni Napoles...?

well, nakakapagtaka nga na ang depensa para sa suspek eh sa tauhan na mismo ng gobyerno nanggagaling..
kumbaga eh hindi pa man din nila nililitis ulit nang husto yung kaso pero may desisyon na yung involved na tauhan ng gobyerno...

kung ano man ang totoong nangyari sa Serious Illegal Detention na kaso na yun, sana lang ay yung totoo yung manaig - pabor man yun kay Napoles o hindi...

pero regarding sa pagnanakaw sa bayan na kinasasangkutan niya..
since lumabas na sa mga naunang pagdinig na may kinalaman nga siya doon, eh parang kalabisan na kapag binaligtad pa yun ng kasalukuyang gobyerno..
though posible rin ngang sabihin ng mga suspek na kesyo pinilit lang silang magsalita noon...

pero yung pagiging witness para dun sa kaso ay isa pang weird na bagay..
base kasi sa halimbawa ng mga testigong Bilibid inmates, eh parang may kapalit parati na special favor o treatment ang pagsasalita ng masasamang mga tao na 'to...

ang worst case scenario kasi regarding Napoles..??
eh kung magiging witness siya kapalit ng edited na testimonya, para lang hindi na talaga lumabas yung mahahalagang katotohanan regarding sa pagnanakaw na ginawa nila noon sa bayan..
at posibleng unang hakbang na para dito yung pagpapawalang-sala sa kanya sa kasong Serious Illegal Detention...

was feeling , parang alam ko na kung kani-kaninong mga pangalan yung pinipigilang lumitaw...

>
mukhang checkmate na si Leni ah...?

Supreme Court na hawak ng 3 angkan na ang magde-decide sa kaso ni Bobong..
parang sinabi na rin nila na mala-pang-Dictator Burial yung magiging botohan..
pagtataksil na nga lang sa mga mamamayan eh pinalulusot pa ng majority sa kanila, paano pa kaya yung simpleng bilangan lang...?

kapag walang recount na isina-publiko, that would be a clue na may niluto sa Kitchen...

sa totoo lang..
napaka-tanga nung concept na pangulo ang nag-a-appoint ng mga nagiging miyembro ng Supreme Court..
aanhin pa at naging independent branch yun kung tuta rin naman sila ng mga nag-appoint sa kanila..?
dapat siguro ay mga Law practitioners na lang ang pumili sa mga magiging miyembro ng Supreme Court...?

was feeling , galawang breezy...

---o0o---


February 18, 2017...

ang galing talaga ng gobyerno..
mga star witness na ang turing sa mga drug lord at mga scam lord...

eh ano nga bang maaasahan..?
ultimo mga 6 month promises nga eh nag-che-CHANGE din eh... :(

is feeling , what a CHANGE!!!?


No comments:

Post a Comment