Friday, February 10, 2017

Who is the Real IDIOT?

mali yata ako..
hindi pala ako dapat naghahanap ng progress sa ekonomiya sa panahon ngayon..
wala nga pala yun sa priority promises niya..
pero siyempre, hindi rin naman ako tanga na naghahangad ng tuluyang pagkasira ng ekonomiya ng buong bansa...

pero kung may ilan mang pagbabago ngayon..?
isa na doon yung medyo pananahimik ng mga panatiko sa point of view ng reconnaissance account ko..
wala ng masyadong mga papuri para sa kanilang diyos-diyosan..
wala ng mga 6 months na kayabangan..
wala ng nagkukunwari na perpekto ang sistema ng mga giyera..
wala na rin yung mga 3 weeks construction news...

pero may mga bagay na hindi na yata talaga magbabago:
  • andyan pa rin ang kriminalidad (other than drug-related) - na para bang hindi solusyon ang ipakalat ang mga pulis sa mga delikadong bahagi ng mga lansangan (for police visibility man lang sana)
  • masasaya pa rin ang mga tagatumba na nagagawa ang mga trabaho nila - kapag ibang kaso eh nasusundan ng CCTV footages yung posibleng pinuntahan ng mga iniimbestigahan nila, pero kapag mga tagatumba eh halos parang invisible sila para sa mga CCTV
  • andyan pa rin ang ilegal na droga - halos wala ngang nahuhuli na mga manufacturers o chemists eh
  • andyan pa rin ang mga rebelde at mga terorista
  • andyan pa rin ang mga tiwaling pulis
  • at andyan pa rin ang banta ng pagtataas ng mga buwis na ang mas tatamaan ng impact ay ang mga mahihirap na mamamayan
---o0o---


update ulit (45 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas 
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • yung pulis na ng rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system ng bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • yung Oplan Cyber Tokhang
---o0o---


February 6, 2017...

regarding sa public transportation...

yun talaga yung isang kahinaan ng ibang mga Filipino eh..
yung nag-i-invest sila sa mga bagay na naluluma without considering the future..
yung iba diyan eh sa mga second, third, or nth hand pa nag-i-invest..
naka-focus sila sa kung paano nila gagamitin yung mga sasakyan sa pagkita ng pera para sa pang-araw-araw nilang pangangailangan..
pero hindi nila nako-consider na mag-save para sa ipambibili nila ng kapalit na bagong unit balang araw...

kaya naman ganito ang nangyayari sa lipunan..
tawaran nang tawaran..
ang gusto eh saka lang ire-retiro yung mga lumang sasakyan kapag hindi na umaandar, or worse eh kapag naaksidente na at nasira..
tapos hostage pa ang mga ordinaryong manggagawa na umaasa sa serbisyo nila, at damay pa ang ekonomiya...

dapat yun ang isa sa mga itinuturo sa kanila in the future..
na mag-ipon rin naman para sa kapalit na unit..
o huwag na lang yun ang pasukin na hanapbuhay kung hindi nila kayang sumunod sa tamang patakaran...

sa ngayon..
mukhang walang ibang paraan unless bigyan sila ng pera ng gobyerno upang ipambili ng mga bago at environment-friendly na na mga pampasada...

was feeling , hostage.. kailangan na talaga ng mga train system...

>
sa NPA naman, etc...

ang weird lang na na-classify na sila bilang mga terorista..
ginamit na sila noong panahon ng Martial Law bilang isa sa mga rason para mapatupad sa loob ng mahabang panahon yung lintik na batas na yun..
pero hindi naman sila naubos..
at ngayon nga eh from rebelde, eh na-promote na sila sa pagiging mga terorista..
both are considered valid reasons para muling magamit ang Martial Law...

pero ayoko rin talaga sa mga rebelde..
yung paninira ng mga public infrastructure..
yung pangongotong ng revolutionary tax kuno..
sa ngayon, wala naman talaga silang ipinaglalaban kundi ang mga sarili nila...

was feeling , pero sa halip na ubusin, eh ginamit lang sila noon...

>
panibagong kaso pa rin...

yung menor de edad na binaril ng pulis, na parang pinipilit lang daw niyang isama...

was feeling , hindi ba pwede na kapag pulis ang proven na nagkasala eh bitay kaagad, sa halip na sibak lang sa trabaho...???

>
tama yung environment-friendly na argument...

pero kalokohan na yung GPS sa mga jeep dahil may fixed na ruta naman yung mga yun..
at dagdag gastos pa para sa kanila ang pa-libreng Wi-Fi...

was feeling , mga bopols #1...

>
Philippine Constabulary sounds evil...

isa ang hanay nila sa gumagawa ng kasamaan at pag-abuso sa kapangyarihan noong panahon ng Martial Law eh...

was feeling , bopols #2...

>
VAT sa lahat ng klase ng remittance, international man o local...?

aanhin ba talaga ng bulok na gobyerno na 'to ang pera...?

was feeling , mga bopols #3...

>
ano bang gusto ng mga TNT..?
na gagastusan pa ng gobyerno ang pagpapa-dokumento at pagpapa-legal nila sa America..?
kapalit ng mga dolyar na ipinapadala nila...?

tapos sa mga nandito lang ulit sa bansa ipapasa lahat ng mga gastusin...?

was feeling , mga bopols #4.. huwag masyadong pa-VIP ang mga hindi marunong sumunod sa mga patakaran...

---o0o---


February 8, 2017...

tama naman si Lopez eh...

ang hirap kasi sa mga pasaway na mining companies ay..?
note, yung mga pasaway lang..
binigyan nila ng walang-disiplinang trabaho yung mga mamamayan, tapos yung mga trabahador ngayon yung ginagamit nilang shield at hostage para pagtakpan yung paghahabol nila sa pera..
hindi nila naiisip na wala naman sanang problema kung sinusunod lang sana nila yung mga tamang panuntunan sa pagmimina..
what's worse eh wala talaga silang pakialam sa kalikasan...

was feeling , yae nang walang trabaho at mina, kesa naman masira nang masira ang mundo...

---o0o---


February 9, 2017...

ang lupit nung bagong lumabas na anggulo o theory dun sa mga kaso...

so may Korean Mafia..?
aside sa possible connection sa killings ng mga Koreano at sa pamomorsyento daw sa hulidap eh wala pang ibang naibigay na detalye kung paanong naging Mafia yung mga yun...

ang problema..?
mas madali na ulit mapag-iinitan ang mga foreigners just by claiming na related sila sa Mafia...

was feeling , lagot...

>
ang parang good news..?
nasukol na daw yung ibang holdaper ng restaurant sa Makati..
basta yung nakunan ng CCTV..
halos kagagaling rin daw ng mga yun sa masama nilang gawain...

ang konting problema..?
may mga nakakita daw na Netizen na itinumba ng Makati Police yung isa sa mga kawatan kahit na nagmakaawa na daw yun..
at i-p-in-ost niya yun sa social media..
kaya naging kuwestiyonable na naman yung mga pulis...

pero kung sakaling sila nga yung nakunan sa CCTV noon..?
eh okay lang na pinatay na sila...

was feeling , yung mga huli sa akto eh pagpapatayin na nga lang, tutal eh walang makaisip na baguhin ang penal system ng bansa eh...

>
mga Barangay Police o Civilian Volunteers pala yung ibang umaakto bilang mga tagatumba...

was feeling , eh yung marami pang mga naka-motor, ano kaya sila...?

---o0o---


February 10, 2017...

parang tanga yung logic nung pulis kanina sa balita sa TV...

kaya daw may mga itinutumba pa rin hanggang sa ngayon ang mga unidentified na mga tagatumba ay dahil daw natigil ang malawakang buy-bust operations ng mga pulis (yung sa ilalim ng nabuwag na AIDG)..
dahilan daw para lumakas na ulit ang loob ng mga tao na magbenta at gumamit ng ilegal na droga...

mga tanga ba sila..?
hindi ba kaya nga sunud-sunod rin yung mga buy-bust operations nila noong mga nakaraang buwan, pati yung mga tumbahan eh dahil nga hindi naman talaga tumitigil yung iba sa mga ilegal nilang gawain...??

o inaamin na ba nila na gawa-gawa lang yung ibang buy-bust operations noon...???

was feeling , paki-explain nga niyan...

>
siguro kung magkakaroon ng trabaho na taga-bantay sa kuha ng mga CCTV, eh baka mas madaling masugpo ang mga kriminal...

sa dami kasi ng mga kriminal na nakukunan ng CCTV..
eh parang hindi rin nama-maximize yung purpose nung device, kasi madalas sa pagre-review lang ng mga naganap na krimen nagagamit yung mga yun...

samantalang kung may well-trained na CCTV personnel na kayang maka-detect ng mga suspicious na tao on the spot..
lalo na yung mga obvious na pangho-holdap dahil armado ang mga kawatan..
tapos kung may sistema rin sana ang kapulisan na i-block lahat ng exit points mula sa kung saang pinangyarihan ng krimen..
eh mas madali sigurong mahahabol at mahuhuli ang mga kriminal..
at baka matakot pa yung iba na gumawa ng masama laban sa kapwa nila in the future...

sa panahon kasi ngayon..
bihira lang yung nahahabol kaagad ng mga pulis ang mga kriminal pagkagawa ng mga ito ng krimen..
at ang mas madalas na gawin ay nag-aabang na lang sila sa susunod na pag-atake ng mga kawatan..
worse, yung ibang pulis eh suko kaagad sa mga kaso, na imposible na daw mahuli yung mga suspek kahit na may kuha pa gn CCTV, at sasabihan na lang ang mga tao na mag-ingat na lang sa susunod at huwag nang magdala ng mamahaling mga gamit...

tsaka kung ayaw ng gobyerno na ikulong habambuhay yung mga paulit-ulit na offenders..
eh mas mabuti nga na itumba na lang sila kapag nahuli ulit sila sa akto...

was feeling , puros kayo droga, eh andaming kriminal sa publiko...

>
[Climate Change]

mga luko ang NPA...

andami na ngang sunog na nangyayari lately..
tapos pati sila eh nanununog na ulit ng mga sasakyan..
paano na ang kalikasan niyan..??
nakikidagdag pa sa Climate Change...

para tuloy ginawa lang ang NPA para tuluy-tuloy ang daloy ng pondo para suportahan ang mga labanan..
at yung mga namamatay na mga sundalo at rebelde ang mga sakripisyo nila kapalit ng pera...

paano ba sila matatawag na mga rebelde..?
eh madalas eh mga mamamayan at mga private companies lang ang pinag-iinitan nila..
ni minsan yata eh wala pa silang sinugod at sinubukang agawin na military base..
maging ang MalacaƱang Palace eh hindi rin naman nila sinusugod..
kaya paano sila mananalo sa ipinaglalaban nila...?

was feeling , mga taga-sulong din kayo ng Martial Law...

>
speaking of rape...

andami na ng mga sanggol at menor de edad na nare-rape lately...

ano kaya ang napasok sa isip ng mga taong gumagawa nun..?
kagaya ko, maaga akong namulat sa dark side (not necessarily masama, pero yung secret side) ng mga bagay-bagay sa mundo - bago pa ako pumasok sa Kinder..
pero nakakakilabot isipin na nasa ganung level yung trip ng mga taong yun..
ano ba yun, naghahanap ba sila ng talagang masisikip pa..?
o naghahanap ba sila ng walang-laban sa kanila...?

bakit ganun na lang yung level ng libido nila..?
ano bang drive nila..?
panood ba sila nang panood ng porn sa cellphone nila..?
o basa ba sila nang basa ng malalaswang tabloid araw-araw..?
o talaga bang tigang na tigang lang sila...?

base kasi sa pag-aaral ng ganyan..
regardless kung under pa yung tao ng kung anong influence o hindi - alcohol man o drugs, or unless baliw yun..
kumbaga ang ginagawa niya eh yung talagang laman ng isip niya, o yung pantasya o fetish niya..
hindi para gawin ng isang tao ang isang bagay na iniisip niyang imposible..
kaya baka pedophile in nature din ang mga taong 'to...

was feeling , kung ayaw niyo ng Death Penalty, eh pwede ba yung putol-braso at putol-titi na parusa na lang...??

---o0o---


February 11, 2017...

ano na ba ulit yung problema ngayon sa pagpapatayo ng mga pabahay para sa mga nasalanta ng bagyo...?

akala ko ba nakakapagpatayo ang gobyerno ng mga kumpletong bahay in just 3 weeks...??

o inaamin na rin ba nila na fake news din yun para makapagbida lang ang hanay nila...???

is feeling , pa-3 weeks naman kayo diyan...

>
ang suwerte ng mga pulis kahit na napatunayan na lumabag sila sa batas...

kapag mahihirap na sibilyan ang involved eh halos tumba kaagad ang kinahihinatnan nila - kahit na mga naka-posas pa yung iba sa kanila..
pero kapag mga pulis ang nagkakasala sa batas eh tanggal lang sa serbisyo ang parusa sa kanila...??

eh paano kung sumapi sa mga rebelde o terorista yung mga yun after..?
o di kaya eh paano kung bumuo sila ng sarili nilang mga grupo o gang o sindikato...?

hindi ba sila pwedeng itumba na rin kaagad, gaya ng ginagawa ng iba sa hanay nila...??

is feeling , unfair...

>
naawa naman ako dun sa former President ng Colombia..
sabihan ba naman ng 'idiot' nung narcissistic na diyos-diyosan..
at nanggaling pa yun sa isang tao na hindi rin naman kayang tuparin yung mga 6 months worth na pangako niya..
nakakahiya rin na bumisita pa noon sa Colombia yung kaibigan niyang pulis para daw pag-aralan yung naging strategy doon noon, tapos biglang tatawagin lang na 'idiot' yung dating pinuno ng bansa nila...?

eh mukhang wala namang nirerespeto ang diyos-diyosan na 'to kundi yung mga lider na kayang magbigay sa kanya ng limos..
political whore...

para sa former President ng Colombia..
naku, pasensya na ho kayo sa kabastusan ng isang yun, ayaw na ayaw po kasing nasisita ni Narcissus eh..
puros yabang at pangako lang ho naman yung isang yun, at walang isang salita..
tingnan na lang ho natin ang mangyayari sa bansa namin pagkatapos ng term niya...

magaling nga ho kung matutupad nga niya yung pangako niya nang walang nabubuwis na mga inosenteng buhay..
unfortunately for him, hindi na mangyayari yun - dahil may mga nahagip ng mga inosenteng tao sa nauna na niyang ipinangako na 6 months... :(

is feeling , sino kaya ang 'idiot' ngayon...?


No comments:

Post a Comment