Saturday, February 4, 2017

Failed War

ito na siguro yung pinaka-bobong gobyerno na inabutan ko...

parang walang mahalaga sa kanila kundi yung mga OFWs na nagpapasok ng dolyar sa bansa..
yung iba dun eh ang lalaki ng suweldo..
pero dahil daw mga bayani at nagsakripisyo na malayo sa mga mahal nila sa buhay ay ang dami-daming ibinibigay na mga incentives..
bakit..?
ano bang akala nila dun sa mga taga-ibang probinsiya na lumalayo rin sa mga mahal nila sa buhay para lang magtrabaho sa mas mauunlad na bayan dito sa bansa..?
ano bang pinagkaiba nun sa sakripisyo ng mga taong mas piniling dito magtrabaho sa bansa (mga guro, nurse, etc.) para lang makatulong sa mga kababayan nila..??
ano ba ang putang inang pinagkaiba nun sa sakripisyo ng mga OFWs...???

yung ibang mga lecheng projects eh kamamahal pero yung ibang mga mamamayan lang naman ang nakikinabang..
tapos napakade-demanding pa nung ibang tao na kesyo i-subsidize daw yung ibang pamasahe nila...

sa education..
ang lalakas mag-offer ng free education para sa national and state universities pero parang wala naman palang pagkukunan ng pera..
maige sana kung nag-aaral nga nang ayos yung karamihan sa mga estudyante eh..
dapat i-base  pa rin sa grado kung magkano man ang sasagutin ng gobyerno para sa kanila..
totoong hindi lang sa grado naka-base ang future work ng mga tao, pero kung may pera o tax nang involved eh tama lang naman siguro na paghirapan nila yun...

yung mga tauhan ng gobyerno kung saan obvious ang katiwalian (though hindi naman lahat) eh sila pa ang gustong pagtataasan ang suweldo...

yung mga gusto nilang mga suspek eh sinusugod nila sa mga bahay ng mga ito..
samantalang ang dami pa ring kriminal ngayon na ang lalakas ng loob na gumala-gala pa sa mga lansangan, lalo na yung mga naka-motor..
tapos yung ibang awtoridad eh ang sasabihin pa eh imposible nang mahuli yung mga kawatan, at na yung mga inosenteng tao na lang ang mag-doble ingat..
ano kami, mga manghuhula na kayang masabi kaagad kung sino ang mga utak-kriminal at hindi...??

yung mga taong may regular na suweldo eh suportado ng pagbaba ng income tax kapag nagkaroon na ng tax reform...

yung mahihirap naman eh suportado ng 4Ps..
ultimo yung mga hindi naman talaga mahihirap na ipinasok lang ng mga barangay captain (o kung sinu-sino pa mang may katungkulan o impluwensiya) dun sa program kapalit ng porsyento mula sa tulong ng national government..
yung iba namang mamamayan eh sa sobrang tatanga eh ibinoboto ang ibang mga lokal na kandidato, dahil akala nila eh programa ng lokal na pamahalaan yung 4Ps na ginagamit na pang-blackmail sa kanila..
tapos eh sila pa rin ang balak tulungan kapag tinadtad na ng mga bagong buwis ang maraming mga bilihin...??

yung basic need gaya ng petrolyo eh balak pang mas taasan ang buwis..
eh nagmamahal na nga yun dahil sa global market..
tsaka kapag nagmahal pa yun eh tiyak na tataas din ang presyo ng maraming mga bilihin...

eh kaming gumagawa ng sariling diskarte para kumita ng pera..?
kaming mga walang regular na suweldo..?
kaming nagnenegosyo lang ng mauntian..?
ano yun, kami naman ang collateral damage sa ngayon...???

---o0o---


January 30, 2017...

naman!
hinintay pang may mamatay na Korean bago aminin sa mga sarili nila na may nangyayari ngang mali sa sistema nila...

noong yung ibang mga kababayan nila ang kuwestiyonableng napapatay ng mga kapulisan - okay lang daw, collateral damage daw eh...

pero noong Korean na yung pinatay sa mismong base ng mga pulis..
dahil siguro napahiya sa buong mundo..
eh ayun at saka pa nga natanggap sa mga sarili nila na may nangyayari ngang katiwalian...

Davao nga eh hindi nila malinis - buong Pilipinas pa kaya..
eh international yang saklaw ng pesteng ilegal na mga droga na yan...

was feeling , tapos sasabihin na sa mga Filipino lang siya makikinig...??

---o0o---


February 1, 2017...

nagdedelikado na naman dahil sa pesteng kasalukuyang gobyerno...

ano bang teknik noon ni Kim Henares at bakit ayaw na lang tularan yun ng kasalukuyang gobyerno..?
o lumaki lang ang target collection ngayon dahil sa kalokohang mga project at travel allowance...??

pagbaba ng income tax kapalit ng pagtaas ng excise tax..?
at excise tax pa sa mga basic needs gaya ng petrolyo yung iba dun..
tapos ang lilimusan pa ulit ng pera eh yung nililimusan na ng pang-vote buying na 4Ps...?

anak ng puta naman o'!
ni hindi yata nila naiisip na hindi lahat ng mamamayan ay mayroong regular na suweldo..
na marami yung naasa sa mga maliitang raket at hindi income tax-able na mga trabaho...

tapos kami na naman ang pag-iinitan ng pesteng gobyerno..?
kami na naman ang mananagot sa kapalpakan nila sa pangongolekta ng tamang buwis..?
kami na naman ang magbabayad sa mga proyekto na ni hindi naman namin napakikinabangan...?

was feeling , subukan niyo lang ipasa yang basura ninyong tax reform...

---o0o---


February 3, 2017...

ano bang meron lately...?

bukod sa kaliwa't kanang tumbahan..
bukod sa katiwalian sa hanay ng pulisya..
parang nauuso ang mga sunog sa kung saan-saan..
marami pa rin yung masasayang mga kriminal na naghahasik ng kasamaan nila sa mga lansangan..
at usung-uso rin ang putulan ng ulo or at least ay panggigilit ng leeg... :(

was feeling , parang kailangan na ring i-ban ang mga lalaki sa paghawak ng mga patalim ah, sa paggamit ng mga motor maliban sa mga delivery type, at maging sa pag-inom ng alak...

---o0o---


February 4, 2017...

sa wakas!
a week na hindi naman nagtaas muli ang presyo ng pang-mahirap na mantika..
nasa Php 218 pa rin per bundle...

pero hindi pa dun nagtatapos ang banta..
hangga't nandiyan ang kagustuhan ng bopols na gobyerno na buwisan lahat ng naiisip nilang buwisan..
lalo na yung basic need na petrolyo..
once na mas binuwisan pa yun, tiyak na magmamahal din lahat ng produkto na umaasa dun, for transport man o bilang part ng operational cost nila...

kaya hindi pwedeng makampante hanggang nariyan ang banta ng pinaka-bobong gobyerno sa lahat...

was feeling , Php 200 lang dapat ang ceiling price niyan...


No comments:

Post a Comment