Friday, January 27, 2017

Tokhang for Ransom

good luck sa Tourism ng bansa...

---o0o---


update ulit (44 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas 
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • yung pulis na ng rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system ng bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • yung Oplan Cyber Tokhang
---o0o---


January 23, 2017...

panibagong kaso na naman..
sa Pasay City...

yung miyembro ng army na nakainom..
tapos nagwala daw..
at nakipagbarilan pa sa mga pulis...

was feeling , yabang + baril...

>
nakakaduda na 'to ah..
andaming beses sa loob ng isang araw lumalabas yung commercial ng anak ng diyos-diyosan..
sa [Name of TV Channel]..
sa oras ng movie sa umaga, at sa oras ng The Greatest Love hanggang sa oras ng Ang Probinsiyano (yun lang ang mga oras na naoobserbahan ko dahil sa mga ganung oras ako nanonood)...

ganun ba kayaman ang Rexidol Forte..?
halos wala na akong makitang commercial para sa mga baboy at panabong na mga manok eh...

huwag naman sana silang lumipat sa [Name of Province] para sa 2019...

was feeling , biker teknik...???

---o0o---


January 24, 2017...

totoo kaya na gumagawa lang ng mga kaso yung ibang pulis para lang masira ang diyos-diyosan at si Bato...?

ang key factor kasi dun ay kailangang lumabas sa media yung mga kaso ng mga tiwali at better kung may mahuling mga suspek..
kaya ang sunod na tanong ay, meron ba talagang mga pulis na willing isakripisyo ang kanilang career at rank kapalit ng pera at para lang masira ang mga nasa itaas...?

o talagang tiwali lang 'tong mga nahuhuli at nabubuking lately...?

was feeling , accurate din nga ang Ang Probinsiyano...

>
may pruweba na pala yung isa pang claim tungkol sa mga pulis na hulidapers ng mga foreigner...

huli sa CCTV eh..
mga pulis ng Pampanga..
sa bahay pa mismo inatake yung mga South Korean na biktima..
ginamitan daw ng alibi na kesyo sangkot sa ilegal na online gambling..
pero pinakawalan din after several hours kapalit daw ng pera...

tapos sasabihin ng marurunong sa batas na kesyo igiit lang ang karapatan..?
na huwag magpapapasok sa bahay kung walang search warrant..?
na huwag magpapahuli kung walang arrest warrant..?
puwes yun ang realidad!
yung mga baril ng mga tiwaling pulis eh sapat ng warrant para magawa nila ang mga gusto nila... :(

tatak-Pinoy...

was feeling , annyeong haseo!

---o0o---


January 25, 2017...

rape case naman..
sa Calamba City..
ginamit ng isang pulis yung baril niya para makapang-rape ng sibilyan..
saktong mga pulis rin naman yung nakahuli sa kanya sa akto ng panghahalay...

was feeling , gun equals power...

---o0o---


January 26, 2017...

mukhang hindi na totoong mare-resolba yung kaso ng Mamasapano incident...

mas naka-focus kasi yung mga biktima at ang iba pa sa kung bakit ba nagkaroon nung operasyon in the first place...

parang wala na silang pakialam kung paano nga ba nagsimula yung barilan na yun..
sino ang unang namaril..?
bakit wala man lamang naka-identify kaagad na awtoridad na pala yung kabarilan nila..?
bakit inubos yung SAF sa battlefield..?
at sinu-sino ba talaga ang bumaril kanino..?
mahirap na rin kasing kalkalin yung istorya dahil parang may immunity yung isang panig, dahil may usaping pangkapayapaan na isinasaalang-alang...

bukod pa yung tanong na kesyo bakit may terorista nga sa lugar na yun..?
bakit sumabak sa operasyon nang depektibo pala yung ibang mga gamit..?
sino ang ground commander..?
bakit hindi nagpadala ng iba pang SAF na nasa malapit lang sa kabila nang naririnig nilang barilan noon...?

kung bakit inilihim yung operasyon ay matagal nang nasagot noon pa man..
yung execution lang talaga yung halos completely pumalpak...

was feeling , paano na ang hustisya...?

---o0o---


January 27, 2017...

may kopya si Senator Lacson ng CCTV footage ng isa sa mga modus na ginagawa sa Tokhang for Ransom..
office o company yung setting eh..
may mga nagtanim muna ng droga o ebidensya doon sa location, bago ginawa yung pag-aresto..
mukhang October 2016 yung date nung footage...

pero dahil walang nagreklamo, medyo mahirap alamin kung ano nga ba ang nangyari noon...

nakakalungkot lang..
dahil sa mga recent statements ni Bato regarding sa mga katiwalian na kinasasangkutan ng ibang mga pulis, eh inaamin niya na matagal na yung mga ganung gawain (even before his and his god's time)..
and yet, mas pinili nga nila na maglunsad muna ng War Against Drugs sa halip na unahing linisin ang kanilang maruming hanay...

was feeling , nakakahiya kayo...

>
[Pets]

nakakalungkot yung balita kanina..
yung tungkol sa asong tinaga...

ibig sabihin, kung kami man ang gumawa nun sa mga pusa at aso na ginagawang tae-han ang harapan at buong bakuran namin, eh kami pa pala ang makakasuhan...?

dapat matanggap ng PAWS at ng iba pang pet owners ang realidad..
na gaya ng hanay ng kapulisan, may mga tiwali rin na mga pet owners sa hanay nila..
merong mga tamad diyan na pinapakawalan sadya ang mga aso nila sa oras ng pagdumi para lang makaiwas sa paglilinis ng tae ng alaga nila..
at yung ibang naglilinis ng tae ng mga aso nila eh nagkakataon pa na mga non-pet owners...

sana naisip rin ng gobyerno na protektahan kami..
dapat bayaran kami nung mga pet owner sa bawat pagtae ng mga aso nila sa tapat ng bahay namin...

feeling , hindi patas...


No comments:

Post a Comment