i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
nagpapalakas ng puwersa...??
eh bakit parang nagbibigay pa ng butas para sa mga espiya..?
bakit pinapatay ang mga magiging kakampi sana...??
isang brutal na kultura ng pagganti..
naranasan nila mula sa mga nakatatanda sa kanila, kaya naman gusto rin nilang gawin laban sa iba..
o posible rin na hindi naman nila naranasan noon, pero gusto lang talaga nilang abusuhin yung pagiging nakatataas nila...
tsaka may nakakapansin ba na nalilihis na ulit ang mga usapin mula sa mga nabistong topics...??
-----o0o-----
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
update ulit (503 + 501 + 45 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- yung pangmamaliit kaagad sa mga kababayang atleta
- yung nag-offer ng bounty laban sa ibang napalaya ng palpak na sistema
- yung paninisi sa dating administrasyon kahit na ang pag-abuso sa sistema eh tao nila mismo ang may kagagawan, at sila mismo ay batid na may mga nagre-request upang magamit nga ang kahinaan nung sistema na iyon
- yung umamin tungkol sa pagpapa-ambush sa isang Mayor noong 2018
- yung nagtalaga na naman ng opisyal na may kinasasangkutan pang kontrobersya, kesyo suspek daw sa pagkamatay ng 10 preso
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
- yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG na bukod sa nakunan na ng video habang gumagamit ng ilegal na droga ay nahuli pa sa entrapment operation dahil sa pagiging pusher
- yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation malapit sa may New Bilibid Prison daw
- sa Taguig City, yung pulis na hinuli dahil kasabwat daw ito ng kanyang asawa na related sa ilegal na droga na ginagamit pa ang kanilang bahay bilang drug den
- sa Bacoor City, Cavite, yung Barangay Tanod na kasamang naaresto dahil sa pagtitimbre ng drug raid
- sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad at pamangkin niya na nahuli sa buy-bust operation
- sa Commonwealth, Quezon City, yung 7 Barangay Tanod na sangkot sa pangingikil laban sa asawa ng isang drug-related personality, bukod pa sa pangre-rape daw nila dun sa babae
- sa Iloilo City, yung Jail Guard na nanutok ng baril sa bar
- yung pulis na nambugbog ng Traffic Enforcer sa daan dahil naabala daw siya ng panghuhuli nito
- sa Pasay City, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong kapalit ng hindi niya pag-i-issue ng ticket
- sa Manila, yung lolo na namatay matapos na mabangga ng motor na minamaneho ng isang pulis na lasing daw at mabilis magpatakbo
- sa Quezon City, yung Traffic Czar at mga kasamahan niya na nanira ng nasita nilang sasakyan na walang sakay
- sa Muntinlupa City yata iyon, yung teacher na nakunan ng video na nananampal ng mga estudyante
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
- .....
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
- sa Las Piñas City, yung 3 pulis na naabutang natutulog sa ginawang inspeksyon ng NCRPO
- yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG, na dati nang naalis sa serbisyo dahil din sa involvement sa ilegal na droga pero nagawang makabalik noong 2017 sa pagiging pulis
- yung ang daming isinisiwalat ngayon na modus ng mga armadong empleyado, pero ano bang ginawa nila noon pa lang na nalaman na daw nila ang tungkol sa mga ganun
- yung panibagong kaso ng pagkamatay sa PMA nang dahil daw sa hazing
- yung wala ng halaga ang mga karton para sa mga mangangalakal
- yung pagtaas ng rate ng pamasahe sa provincial bus
- yung pagbaba ng presyo ng bentahan ng lokal na palay
- yung nakapasok na ang African Swine Fever (ASF) sa bansa
- yung balik operasyon na kaagad yung mga ipinatigil na laro ng PCSO, maging yung mga pinagdudahan na laro
- yung nagkaproblema daw yung gumagawa ng UMID card para sa SSS
- yung paglilipat ng mga Criminal Witnesses sa ibang facility (na hindi kulungan) noong June 2019 pa
- yung mga opisyales at dating opisyales na hiningan ng sulat at tulong nung pamilya nung convicted na rapist-murderer
- yung ayon sa record, na qualified ang NGO Queen sa paggamit ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), at rape ang kaso niya
- yung mga opisyales na isinasali ang mga kriminal na convicted for committing heinous crime sa nakagagamit ng good conduct time allowance
- yung libu-libo na DAW na convict na sangkot sa heinous crimes ang napalaya na dahil sa maling paggamit ng good conduct time allowance
- yung lumalabas nga na for sale pa yung Good Conduct Time Allowance sa bilangguan, ang access ng mga kontrabando papasok, at maging mga medical documents daw
- yung mga medical personnel ng New Bilibid Prison Hospital na kasabwat sa mga kalokohan ng mga bilanggong kriminal
- yung kasunduan dun sa Imperial Telco, na planong maglagay ng facility nila sa provincial military base
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung hanggang sa panahon ngayon ay may mga insidente pa rin ng pangre-rape laban sa mga sariling kadugo
- sa Malabon, yung kaso ng pagpatay sa isang beautician kung saan kinunan pa talaga nung 2 kriminal yung ginawa nilang krimen
- yung mga nag-aalaga ng baboy na basta na lang ipinaanod sa ilog yung mga patay na baboy, kung kailan pa talaga may banta ng mabilis na lumaganap na sakit ng mga baboy
- sa El Nido, Palawan, yung Forest Ranger na napatay sa pananaga ng grupo ng mga illegal loggers
- yung tila pagpabor ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa pantay na pagbibigay ng Good Conduct Time Allowance para sa lahat ng klase ng bilanggo
- yung palusot nung pamilya nung convicted rapist-murderer na kesyo nawala na daw yung mobile phone at number na magagamit sana bilang ebidensya
- yung banta ng terorismo laban sa supply ng petrolyo
- yung 2 Imperial citizens na nahuli dahil sa pagmamaneho ng lasing, at wala pang lisensya
- yung apology nung nambangga na Imperial vessel na may timing
- sa Parañaque, yung Imperial prostitution den sa isang building na under construction pa
-----o0o-----
September 21, 2019...
noong May, sa Malabon..
yung kaso nung beautician na pinagsasaksak sa loob ng inuupahan niyang kuwarto..
2 miyembro ng gang ang involved na sadyang kinuhanan pa ng video yung kasamaan nila...
is feeling , para lang ipagyabang sa iba na kaya nilang pumatay...
---o0o---
September 23, 2019...
sa Las Piñas City..
yung 3 pulis na naabutang natutulog sa ginawang inspeksyon ng NCRPO...
is feeling , habang gising ang mga kriminal...
---o0o---
September 26, 2019...
bad news naman mula sa SSS...
ayon sa form nila..
nasa 2 weeks lang daw yung processing nung UMID card nila within NCR..
so may konting difference kung sa probinsya...
kaso noong tumawag ako kanina..
sinabi sa akin nung nakausap ko na nasa 4 months daw ang processing para sa branch nila..
at sobrang laki ng agwat ng 2 weeks sa 4 months...
pero ang mas malala pa dun..?
kinumusta ko yung mga UMID card na in-apply-an noong July..
at sinabi sa akin na nagka-problema daw yung gumagawa ng mga card, parang related yata sa PHLPost...
is feeling , next year na ang expiration nung may bayad na Postal ID ko.. at 2 ang kailangan na ID sa pag-claim ng UMID...
>
sa Quezon City..
yung Traffic Czar at mga kasamahan niya na nanira ng nasita nilang sasakyan na walang sakay...
though in a way eh parang magandang solusyon rin nga yun para mabawasan ang agawan sa supply ng petrolyo..
lahat ng sasakyan ng mga pasaway eh automatic na sirain, at ibenta na lang bilang scrap...
is feeling , pero sa ngayon eh labag pa yun sa sistema...
>
yung ang daming isinisiwalat na modus ng mga armadong empleyado..
pero wala namang hinuhuli...
anong dahilan at hinintay pa nila ang panahon na 'to para magsalita at magkuwento...??
is feeling , eh kung alisin na lang sa trabaho ang lahat.. total reform...??
---o0o---
September 27, 2019...
okay ang allowance..
okay ang suweldo..
okay ang benefits...
yun nga lang..
posible kang mapatay ng mga sarili mong kakampi...
is feeling , kultura ng pagganti...
>
sa Sampaloc, Manila..
yung Barangay Kagawad at pamangkin niya na nahuli sa buy-bust operation...
kesyo user lang daw siya at hindi naman pusher...
is feeling , among the ranks...
>
sa [Name of City]..
yung Donut Gang na nagnanakaw ng spare tire..
naka-sasakyan din yung mga kriminal...
is feeling , may budget sila...
>
sa [Name of City] pa rin..
yung mga holdaper sa may post office..
yung binugbog pa yung biktima nila...
is feeling , baka yun na yung mga tarantadong bata na sinusubukang mang-bully sa amin noon...
No comments:
Post a Comment