i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
yung ilang taon na pinakinabangan ng alyansa nila ang isang butas na sistema..
hindi nila sinita, bagkus ay nagkasulatan pa ang magkakaalyansa para sa tulong..
meron pang iba na sa kabila ng maluhong pamumuhay sa loob, eh iginigiit nila na kesyo nagbago na daw..
pero noong nagkabistuhan na, eh sabay hanap nila ng mga masisisi..??
-----o0o-----
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
update ulit (503 + 501 + 39 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- yung pangmamaliit kaagad sa mga kababayang atleta
- yung nag-offer ng bounty laban sa ibang napalaya ng palpak na sistema
- yung paninisi sa dating administrasyon kahit na ang pag-abuso sa sistema eh tao nila mismo ang may kagagawan, at sila mismo ay batid na may mga nagre-request upang magamit nga ang kahinaan nung sistema na iyon
- yung umamin tungkol sa pagpapa-ambush sa isang Mayor noong 2018
- yung nagtalaga na naman ng opisyal na may kinasasangkutan pang kontrobersya, kesyo suspek daw sa pagkamatay ng 10 preso
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
- yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG na bukod sa nakunan na ng video habang gumagamit ng ilegal na droga ay nahuli pa sa entrapment operation dahil sa pagiging pusher
- yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation malapit sa may New Bilibid Prison daw
- sa Taguig City, yung pulis na hinuli dahil kasabwat daw ito ng kanyang asawa na related sa ilegal na droga na ginagamit pa ang kanilang bahay bilang drug den
- sa Bacoor City, Cavite, yung Barangay Tanod na kasamang naaresto dahil sa pagtitimbre ng drug raid
- sa Commonwealth, Quezon City, yung 7 Barangay Tanod na sangkot sa pangingikil laban sa asawa ng isang drug-related personality, bukod pa sa pangre-rape daw nila dun sa babae
- sa Iloilo City, yung Jail Guard na nanutok ng baril sa bar
- yung pulis na nambugbog ng Traffic Enforcer sa daan dahil naabala daw siya ng panghuhuli nito
- sa Pasay City, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong kapalit ng hindi niya pag-i-issue ng ticket
- sa Manila, yung lolo na namatay matapos na mabangga ng motor na minamaneho ng isang pulis na lasing daw at mabilis magpatakbo
- sa Muntinlupa City yata iyon, yung teacher na nakunan ng video na nananampal ng mga estudyante
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
- .....
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
- yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG, na dati nang naalis sa serbisyo dahil din sa involvement sa ilegal na droga pero nagawang makabalik noong 2017 sa pagiging pulis
- yung panibagong kaso ng pagkamatay sa PMA nang dahil daw sa hazing
- yung wala ng halaga ang mga karton para sa mga mangangalakal
- yung pagtaas ng rate ng pamasahe sa provincial bus
- yung pagbaba ng presyo ng bentahan ng lokal na palay
- yung nakapasok na ang African Swine Fever (ASF) sa bansa
- yung balik operasyon na kaagad yung mga ipinatigil na laro ng PCSO, maging yung mga pinagdudahan na laro
- yung paglilipat ng mga Criminal Witnesses sa ibang facility (na hindi kulungan) noong June 2019 pa
- yung mga opisyales at dating opisyales na hiningan ng sulat at tulong nung pamilya nung convicted na rapist-murderer
- yung ayon sa record, na qualified ang NGO Queen sa paggamit ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), at rape ang kaso niya
- yung mga opisyales na isinasali ang mga kriminal na convicted for committing heinous crime sa nakagagamit ng good conduct time allowance
- yung libu-libo na DAW na convict na sangkot sa heinous crimes ang napalaya na dahil sa maling paggamit ng good conduct time allowance
- yung lumalabas nga na for sale pa yung Good Conduct Time Allowance sa bilangguan, ang access ng mga kontrabando papasok, at maging mga medical documents daw
- yung mga medical personnel ng New Bilibid Prison Hospital na kasabwat sa mga kalokohan ng mga bilanggong kriminal
- yung kasunduan dun sa Imperial Telco, na planong maglagay ng facility nila sa provincial military base
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung hanggang sa panahon ngayon ay may mga insidente pa rin ng pangre-rape laban sa mga sariling kadugo
- yung mga nag-aalaga ng baboy na basta na lang ipinaanod sa ilog yung mga patay na baboy, kung kailan pa talaga may banta ng mabilis na lumaganap na sakit ng mga baboy
- sa El Nido, Palawan, yung Forest Ranger na napatay sa pananaga ng grupo ng mga illegal loggers
- yung tila pagpabor ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa pantay na pagbibigay ng Good Conduct Time Allowance para sa lahat ng klase ng bilanggo
- yung palusot nung pamilya nung convicted rapist-murderer na kesyo nawala na daw yung mobile phone at number na magagamit sana bilang ebidensya
- yung banta ng terorismo laban sa supply ng petrolyo
- yung 2 Imperial citizens na nahuli dahil sa pagmamaneho ng lasing, at wala pang lisensya
- yung apology nung nambangga na Imperial vessel na may timing
- sa ParaƱaque, yung Imperial prostitution den sa isang building na under construction pa
-----o0o-----
September 14, 2019...
sa Taguig City..
yung pulis na hinuli dahil kasabwat daw ito ng kanyang asawa na related sa ilegal na droga na ginagamit pa ang kanilang bahay bilang drug den...
is feeling , imposibleng wala siyang alam...
---o0o---
September 16, 2019...
grabe yung itinaas nung pamasahe sa bus..
Php 22.00..
understandable naman na lolobo nga 'yon kung tumaas yung per additional kilometer na rate..
pero 2 pamasahe na rin kasi sa jeep ang katumbas nun, at may sukli pa..
halos 5 pamasahe naman sa jeep kung 2-way na ang kuwentahan...
is feeling , kawawa yung mga arawan ang biyahe papuntang trabaho...
>
yung mga nag-aalaga ng baboy na basta na lang ipinaanod sa ilog yung mga patay na baboy..
kung kailan pa talaga may banta ng mabilis na lumaganap na sakit ng mga baboy...
is feeling , bitay dapat ang parusa sa mga perwisyo sa kalikasan at kalusugan...
>
sa international news..
yung terorismo laban sa supply ng petrolyo...
nakikisawsaw pa sa pagpapahirap ng buhay...
is feeling , kailangan na talaga ng mundo ng solar fuel...
>
yung base sa statement ng Catholic Bishop Conference of the Philippines eh tila pabor sila sa Good Conduct Time Allowance para sa lahat..
kesyo para daw sa pantay-pantay na pagkakataon para sa pagbabago...
unang tanong..?
ano bang silbi ng mga hatol sa hukuman kung ayaw rin naman ng sistema na sundin ang terms ng mga yun...??
example..
kung rapist ba ang isang lalaki..?
paano nila masisigurado na nagbabago nga ito sa loob ng kulungan, gayong wala naman siyang stimulus sa loob, bukod pa sa controlled yung environment nila...??
is feeling , yung bayan kung saan mas mahalaga pa ang kapakanan ng mga preso kumpara sa mga hindi...
---o0o---
September 17, 2019...
yung kasunduan dun sa Imperial Telco..
na planong maglagay ng facility nila sa provincial military base... :(
anak ng..
isinusubo na talaga sa mga espiya... :(
is feeling , we're doomed...
>
ano na bang nangyayari sa bayan na 'to...??
kahahangad ng mga kalalakihan sa lagusan..
eh kahit kadugo nila eh pinagdidiskitahan na nila..
ama sa anak..
kapatid sa kapatid..
bukod pa yung mga report dati na anak sa ina...
at bukod pa yung ibang kaso..
gaya nung paghahabol sa puwet ng baby na lalaki..
at pati yung pang-aabuso sa mga alagang hayop...
is feeling , ang pinakanakakatakot na male creature...
---o0o---
September 18, 2019...
yung umamin ang santo tungkol sa pagpapa-ambush niya sa isang Mayor noong 2018...
ano ba talaga..?
joke..?
o hindi matatas...??
is feeling , tapos joke lang ulit...
>
yung nagtalaga na naman ang santo ng opisyal na may kinasasangkutan pang kontrobersya..
kesyo suspek daw sa pagkamatay ng 10 preso...
siguro nga eh wala pang hatol..
pero paano kung guilty nga iyong tao...??
is feeling , ang tindi naman ng qualifications para sa kanya.. dapat eh may kinasasangkutan na isyu ng katiwalian...??
>
sa Commonwealth, Quezon City..
yung 7 Barangay Tanod na sangkot sa pangingikil laban sa asawa ng isang drug-related personality..
bukod dun, ay ni-rape din daw nila yung babae...
is feeling , tapos ang gusto eh gawin silang regular employees...??
---o0o---
September 19, 2019...
sa ParaƱaque..
yung Imperial prostitution den..
yung kunwari eh under construction pa yung building, pero ginagamit na pala nila sa lihim na negosyo nila...
is feeling , lahat na lang ng teknik eh alam nila...
---o0o---
September 20, 2019...
sa Pasay City..
yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong kapalit ng hindi niya pag-i-issue ng ticket...
is feeling , eternal battle...
>
yung Jonin na gustong igiit na kesyo walang nangyayaring mga katiwalian sa buong facility sa panahon ng pamumuno niya...
is feeling , anak ng second chance..? totoo...??
>
yung panibagong kaso ng pagkamatay sa PMA nang dahil daw sa hazing...
is feeling , paano nga sila dadami, eh sila mismo ang pumapatay sa kapwa nila...
No comments:
Post a Comment