Friday, September 6, 2019

Letters for Clemency

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


second chance at ang mga naunang ginawang pagtatanggol sa harap ng media..
yung mga sulat at ang mga ginawang paglapit at paghingi ng tulong sa mga taong may impluwensiya..
ang mga pagsisinungaling..
isali na rin yung pagbibigay ng kapangyarihan sa taong may dati ng issue na kinasangkutan...

tapos eh wala pa rin silang kasalanan...??

pagbabago ang pangako nila..
pero sa halip ay ginamit pa nila ang isang may kahinaan na sistema..
ganun ba ang mga taong may mabuting hangarin para sa bayan...??

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html

update ulit (503 + 501 + 19 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pangmamaliit kaagad sa mga kababayang atleta
  • yung nag-offer ng bounty laban sa ibang napalaya ng palpak na sistema
  • yung paninisi sa dating administrasyon kahit na ang pag-abuso sa sistema eh tao nila mismo ang may kagagawan, at sila mismo ay batid na may mga nagre-request upang magamit nga ang kahinaan nung sistema na iyon

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG na bukod sa nakunan na ng video habang gumagamit ng ilegal na droga ay nahuli pa sa entrapment operation dahil sa pagiging pusher
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation malapit sa may New Bilibid Prison daw
  • sa Iloilo City, yung Jail Guard na nanutok ng baril sa bar
  • yung pulis na nambugbog ng Traffic Enforcer sa daan dahil naabala daw siya ng panghuhuli nito
  • sa Muntinlupa City yata iyon, yung teacher na nakunan ng video na nananampal ng mga estudyante

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • .....

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG, na dati nang naalis sa serbisyo dahil din sa involvement sa ilegal na droga pero nagawang makabalik noong 2017 sa pagiging pulis
  • yung wala ng halaga ang mga karton para sa mga mangangalakal
  • yung pagbaba ng presyo ng bentahan ng lokal na palay
  • yung paglilipat ng mga Criminal Witnesses sa ibang facility (na hindi kulungan) noong June 2019 pa
  • yung mga opisyales at dating opisyales na hiningan ng sulat at tulong nung pamilya nung convicted na rapist-murderer
  • yung mga opisyales na isinasali ang mga kriminal na convicted for committing heinous crime sa nakagagamit ng good conduct time allowance
  • yung libu-libo na DAW na convict na sangkot sa heinous crimes ang napalaya na dahil sa maling paggamit ng good conduct time allowance

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa El Nido, Palawan, yung Forest Ranger na napatay sa pananaga ng grupo ng mga illegal loggers
  • yung palusot nung pamilya nung convicted rapist-murderer na kesyo nawala na daw yung mobile phone at number na magagamit sana bilang ebidensya
  • yung 2 Imperial citizens na nahuli dahil sa pagmamaneho ng lasing, at wala pang lisensya
  • yung apology nung nambangga na Imperial vessel na may timing
-----o0o-----


September 2, 2019...

yung pagbaba ng presyo ng bentahan ng lokal na palay... :(

is feeling , tricked...??

---o0o---


September 3, 2019...

eh yung wala ng halaga ang mga karton para sa mga mangangalakal...? :(

ano na bang nangyayari sa bansa ngayon..?
yun na nga lang yung magandang bawi sa pagkakaroon ng ibang klase ng basura eh..
tapos biglang mawawalan na rin ng pakinabang..??
bukod 'yon sa kawalan ng regular na naghahakot ng mga basura...

samantalang reusable at recyclable naman ang mga karton eh..
ginagamit yun sa mga supermarket bilang lalagyan ng marami at mabibigat na mga grocery items..
at papel yun, kaya pwedeng i-recycle ulit bilang papel...

is feeling , paano na ang kalikasan...??


>
yung nahuli ng PNP-IMEG (Integrity Monitoring and Enforcement Group)..
yung pulis na bukod sa nakunan na ng video habang gumagamit ng ilegal na droga..
eh nahuli pa sa entrapment operation dahil sa pagiging pusher...

nag-AWOL na daw at naalis yung pulis sa serbisyo noong 2014, dahil rin sa involvement sa masamang bisyo..
pero nakabalik pa noong 2017... :(

is feeling , bukod sa lugi.. eh may problema talaga ang sistema...


>
nalilito na ako...

hindi pa ba uso ang DNA test sa bansa noong 1993..?
o hindi ba gumawa ng paraan ang sistema para maipa-check yung mga DNA sample sa ibang bansa na kaya na noong magsagawa ng DNA test..?
o dahil gangbang yung nangyari kaya hindi posible noon na mapag-aralan yung mga DNA...?

nagtataka lang ako kung paano pa nila naigigiit yung pagiging inosente nila..?
kahit na bukod sa mga testimonya, eh may mga ebidensya naman na nagtuturo sa grupo at teritoryo nila...

is feeling , biktima ng pagiging low-tech ng nakaraan...??


>
yung mga opisyales at dating opisyales na hiningan ng sulat at tulong nung pamilya nung convicted na rapist-murderer...

tingnan nyo yung listahan nung mga pangalan..
maging dun eh makikita yung anyo ng alyansa nila.. :(
that explains the reason kung bakit pabor para dun sa convicted yung mga unang pahayag ng magkakaalyansa..
kesyo deserving..
kesyo second chance...

bumabalimbing lang sila ngayon dahil nagre-react ang mga mamamayan...

ang punto..?
walang rason para magkaroon ng mga sulat at pirma kung talagang naniniwala sila sa mga latest nilang pagkontra...

is feeling , bistado...

---o0o---


September 4, 2019...

yung palusot nung pamilya nung convicted rapist-murderer..
yung kesyo may nag-contact daw sa kanila na hindi nila kakilala..
pero noong hinahanap na yung mobile phone at number..
eh kesyo nawala na daw...

kalokohan..
alam nilang ebidensya yun, pero nawala daw..
samantalang pwede namang patayin ang GPS, pwedeng patayin yung phone, at pwedeng alisin lang yung SIM card...

is feeling , kuwestiyonableng alyansa...

---o0o---


September 5, 2019...

kung ako man yung pinalaya, eh mabubuwisit rin ako..
dahil naging paasa yung palpak na sistema...

noong hindi pa alam ng marami yung nangyayari..
eh pabor na pabor pa ang alyansa dun sa butas na patakaran..
at saka lang sila nag-clean-up operation noong nagkabistuhan na...

is feeling , cosplay...


>
yung nag-offer ng bounty laban sa ibang napalaya ng palpak na sistema...

teka..
plano ba nilang itumba sa labas yung ibang pinalabas nila...??

is feeling , magkakaalaman...


>
sa El Nido, Palawan..
yung Forest Ranger na napatay sa pananaga ng grupo ng mga illegal loggers..
may dala rin daw baril yung mga kriminal...

is feeling , dapat bitay na ang parusa sa paglapastangan sa kalikasan...

---o0o---


September 6, 2019...

yung ang ibang pamunuan ang sinisisi sa kalokohan nila..
samantalang hindi naman nakawan ng gatas ang pinag-uusapan..
hindi rin naman bayolenteng pag-abuso sa kapangyarihan..
at nasa kanila naman ang kakayahang magdesisyon sa kasalukuyan...

totoong may sense naman yung patakaran..
pero totoo rin na weakness nun yung pagiging dependent sa desisyon ng kung sino ang may awtoridad..
besides, ilang beses na ring pinagtalunan yung scope nung patakaran sa nakaraan..
ngayon, kung meron mang mga sinadyang pinalaya yung dating pamunuan, eh yun lang ang kanilang responsibilidad...

pero ang problema sa kasalukuyan ay kagagawan na nila..
para sa panahon na may pangakong pagbabago..
tao nila ang nasa itaas nung sistema, at tao na may previous issues na..
tao nila ang nagko-compute at napirma..
mga kabilang sa alyansa ang nilalapitan ng mga convict na gustong makinabang dun sa patakaran..
mga kabilang sa alyansa ang nagsusulong ng second chance para sa mga convicted for heinous crimes..
tapos ngayon eh iba pa rin ang may kasalanan...??

halimbawa..
sabihin na wala ngang sapat na ebidensya para masabi na dun sa convict yung natagpuang illegal na droga..
pero masasabi ba nila na maging yung maluhong lifestyle sa loob ng kulungan nito ay planted pa rin..?
ang ganun ba eh qualified sa sistema ng bawasan...??

ang punto ay..?
naroon na yung problema, yung weakness nung patakaran..
at nasa 3 taon na sila sa pamunuan..
pero bakit nila ginamit din yung ganung sistema sa napakaluwag na pamamaraan..??
imposibleng hindi nila alam ang tungkol dun dahil may mga convict nga na lumalapit sa kanila..
kaya bakit hindi na lang nila pinigilan muna at itinama...??

is feeling , huli na ang lahat.. dahil nakapagsalita na yung ibang kaalyado ng tungkol sa pagbabago at second chance...


>
yung paglilipat ng mga Criminal Witnesses sa ibang facility (na hindi kulungan) noong June 2019 pa...

is feeling , inilipat pa, eh magbabasa din lang naman ng script...


>
kung gusto talaga nilang masolusyunan ang problema sa traffic nang hindi masyadong gumagastos:

  1. kailangan nilang gawing deterrent ang taas ng gatasan para sa mga pribadong sasakyan, bilang kapalit ng pakikipag-agawan sa supply ng petrolyo at sa damage laban sa kalikasan
  2. kailangan nilang ipatanggal na lahat ng mga totoong bulok na sasakyan
  3. kailangan nilang pagbawalan na magmay-ari ng sasakyan yung mga taong ang regular na parking lot eh kalsada
  4. kailangan nilang pag-aralan kung gaano lang talaga kadaming PUV ang kailangan ng bawat ruta o area at ipatupad yung limitasyon
  5. permanent ban sa pagkuha ng lisensya at pagmamay-ari ng sasakyan para sa lahat ng may mapaminsala ng driving offense o may higit 2 o 3 violations na...
is feeling , pangil...


No comments:

Post a Comment