Friday, September 27, 2019

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Full Week of September 2019 (Open Communication)

Loveless Story


September 26, 2019...

[Online Marketing]

1 year na ako sa Patreon..
officially...

is feeling , masabi lang...

---o0o---


September 27, 2019...

[Gadget-Related]

kanina ko lang na-check..
tustado na pala yung default speaker nung Nokia 2730c ko..
yung ginagamit sa pagtawag..
ang dami ko pa namang binababaan ng tawag sa pag-aakala ko na wala naman akong kausap sa kabilang linya...

so hanggang 8 years lang pala ang buhay nung speaker na yun..
pero kahit papaano eh may loud speaker pa naman ako na magagamit...

is feeling , wala pang backup yung mga messages ko.. kailangan ng bagong phone, pero bago yun ay kailangan muna ng tri-cut SIM...


>
[Medical Condition]

mukhang permanente na nga yung kondisyon ng left eye ko..
hirap makabasa ng mga letra na mula sa screen na nag-e-emit ng ilaw..
hindi na rin balanse ang pakiramdam ko sa 2 kong mata, parang parating may bigat yung kaliwa..
mas hirap din siyang makatingin sa monitor kapag bandang gabi na..
at nandun yung pakiramdam na parang nasisilam kapag tinatamaan na ng fatigue...

after 15 years..
na mostly eh nalaan sa gaming..
nakakapanghinayang na saka pa siya talaga bibigay kung kailan may pinu-pursue na ako na career..
pakiramdam ko tuloy na lahat na lang ng ginagawa ko eh talagang naka-check... :(

may 5 years pa bago matapos ang One Piece...

is feeling , bakit kailangan na yung mga gastos ko eh puros pampaayos ng kalusugan..? hindi ba pwedeng may reward naman...??


>
tapos na sa pagse-set up ng mga promotional materials..
pero kailangan pang mag-render ng 6 na images..
itatama na lang sa panonood ng PVL...

nag-start na rin ng character design para sa project #14...

is feeling , wala namang choice ang mga buhay kundi kumayod habang kaya pa ng katawan eh...

---o0o---


September 28, 2019...

oo nga pala..
may communication pa rin naman kami ni Nina North..
she's expressing her willingness na tulungan ako sa booking..
pero since wala namang mapagkakatiwalaan sa loob ng mundo na yun, edi titingnan na lang..
hindi aasa sa mga salita...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Season 3 - Open Conference


September 21, 2019...

ChocoMucho versus Chef's Classics

Classics pala yun..
average live audience, sa Bulacan..
wala pa rin si Madayag, pero naka-uniform naman si BDL...

ang 9th 5-setter match ng conference..
1st time pa lang ng Chef..
pero 5th na para sa ChocoMucho...

Set 1, 32-34, Santos starts for Sandoval, J. Viray and Cuevas starts, no Tiu, sa wing na ang laro ni Juanillo, maagang nakalayo ang Chef, Alkuino early for Angustia, naghabol ang ChocoMucho hanggang nakadikit sila sa 19th point, Lapid serves for Oliveros, Sandoval for Santos, extended set, Juanillo-mode ang opensa ng Chef, at naitawid naman nila ang set sa tulong ng 13 huge errors ng ChocoMucho..
Set 2, 25-12, nakakuha ng early lead ang ChocoMucho, Matias at Bangad sa double substitution, Cuevas and J. Viray back, inilamang ng ChocoMucho ang kanilang 13 attacks and 5 service aces..
Set 3, 23-25, dikitan ang simula, unang nakaagwat ang ChocoMucho, pero nakalamang na ang Chef before ng 2nd technical time-out, Berte for Santos, Bangad for J. Viray, Ticar serves for Alkuino, J. Viray back, Lapid serves, at naitawid naman ulit ng Chef ang set dahil sa kanilang 16 attacks kontra sa sarili nilang 8 errors..
Set 4, 25-18, Berte starts for Santos, unang nakaagwat ang Chef pero naging dikitan rin naman kaagad ang laban, Lapid serves for Oliveros, palitan ng kalamangan after ng 1st technical time-out, activated na si Berte, nakaagwat ang ChocoMucho after ng 2nd technical time-out, double substitution ng Chef pero binawi rin kaagad, at nanaig nga ang ChocoMucho dahil sa kanilang 15 attacks plus 7 opponent errors..
Set 5, 15-11, off na ang services ni Lapid, unang nakaagwat ang ChocoMucho, BDL serves for Alkuino, at nagawa na ngang manalo ng ChocoMucho...

3-2, panalo ang ChocoMucho..
1st time manalo ng ChocoMucho sa 5-setter match..
at nagtapos pa rin naman sa 2-0 ang record nila laban sa Chef's Classics...

Player of the Game si Tolentino with 36 points from 28 attacks, 3 kill blocks, and 5 service aces..
Palec with 13 points na may 2 kill blocks and 3 service aces..
Gequillana with 12 points, plus 14 digs and 14 excellent receptions..
Alkuino with 10 points..
Berte with 8 points off the bench..
Masangkay with 44 excellent sets, plus 5 points..
Pineda with 25 digs and 11 excellent receptions..
para naman sa Chef's Classics..
N. Viray scored 18 points, plus 15 digs and 11 excellent receptions..
Oliveros with 17 points from 11 attacks, 4 kill blocks, and 2 service aces..
Paras with 9 points..
Cuevas with 29 excellent sets, plus 7 points na may 6 service aces..
Angeles with 17 digs and 21 excellent receptions...

late start para sa ChocoMucho, pero hindi napatay nang maaga ng Chef..
mas maganda talaga para sa kanila kung parating uunahin nilang subukan si Berte..
bad for Chef, dahil nagawa na ring mag-build ng ChocoMucho ng momentum mula sa Set 1..
nagawa na ng Chef na pataasin ang scoring nila, kaso nandun pa rin yung errors..
mukhang hindi komportable si Juanillo sa pagiging wing spiker, although nakaka-score naman siya..
at hindi pa rin nila mina-maximize si Bangad..
siguro mas maganda kung ibalik sa middle si Juanillo for Paras, tapos Bangad sa mababakante ni Juanillo na wing...


Army Troopers versus BaliPure

wala pa rin ang mga nasa National Team...

Set 1, 25-17, Racelis starts for Mendoza, Bicar and Cruz starts for Army, dikitan ang simula, palitan ng kalamangan, Bautista sa double substitution ng Army, umagwat ang Army after ng 2nd technical time-out, at nanaig nga ang Army..
Set 2, 25-22, unang nakaagwat ang Army hanggang sa nakalayo, mga players na lang ulit ng BaliPure ang nag-uusap-usap sa time-out, Peña for Tubiera, Teope for Malaluan, Gonzales for Bicar, late chase ng BaliPure, pero nanaig pa rin ang Army dahil sa kanilang 11 attacks and 7 service aces..
Set 3, 25-18, Peña starts and Pronuevo starts for Racelis, unang nakaagwat ang Army, De Los Reyes and Bicar sa double substitution, Gual in para sa BaliPure, Racelis serves kaso error kaya nagtapos na yung match...

3-0, panalo ang Army Troopers..
nagtapos sa 2-0 ang record nila laban sa BaliPure...

Player of the Game si Tubino with 17 points from 15 attacks and 2 service aces..
may plus 10 digs and 6 excellent receptions din siya..
Gutierrez with 12 points na may 6 service aces..
Balse with 9 points..
wala namang umabot sa double figures para sa BaliPure..
Bombita scored 7 points..
Racelis with 7 points na may 3 service aces..
Espiritu with 7 points from 5 attacks and 2 kill blocks...

mas konti ang nagawang errors ng BaliPure compared sa Army, kaso lamang talaga sa opensa ang Army...

is feeling , kinapos pa rin ang Chef.. kinulang din ulit ang BaliPure...

---o0o---


September 22, 2019...

nakakalungkot talaga na Bashing Capital of the World ang bansa... :(

yung mga athletes nadadamay sa hatred ng mga tao..
kesyo dapat sa ganito-ganyang liga lang kumuha ng mga players..
kesyo mahina sina ganito-ganyan...

kapag nababad yung player na off ang laro sa loob ng court, hindi yun kasalanan nung player, lalo na kung malalim naman ang roster nila..
responsibilidad ng coach kung sinu-sino ang makakapasok sa loob ng court...

is feeling , ASEAN Grand Prix 2019...


>

BanKo versus Air Force

konti lang ang live audience...

Set 1, 24-26, unang nakaagwat ang Air Force, habol nang habol ang BanKo, Cailing in, Doromal for de Jesus, Cabalsa sa double substitution pamalit kina Caballejo, balik sina Ferrer, balik din sina Semana, Bersola down dahil natapakan si Palomata, Gopico for Bersola, late nang lumamang ang BanKo, de Jesus back, Nuval serves, at nabawi pa nga ng Air Force ang set sa tulong na rin ng 10 big opponent errors ng BanKo..
Set 2, 8-25, maagang nakalayo ang Air Force, Bersola back kaagad for Gopico, Cailing in pero madaming errors, Gopico, Sindayen, and Doromal in para ipahinga ang mga starters, overkill ng Air Force, nakuha nila lahat ng stats plus 9 big opponent errors..
Set 3, 21-25, Doromal starts for de Jesus, nakakuha ng early lead ang Air Force, habol na ulit nang habol ang BanKo, Nuval serves for Palomata, Gopico and Cailing sa double substitution, pero napangalagaan ng Air Force ang kanilang lead...

3-0, panalo ang Air Force..
1-1 na ngayon ang record nila laban sa BanKo...

Player of the Game si Cases with 15 points from 14 attacks and 1 service ace..
may plus 15 digs din siya..
Palomata with 14 points from 12 attacks and 2 kill blocks..
Pantino with 13 points na may 4 service aces..
Semana with 23 excellent sets..
para naman sa BanKo..
si Gervacio lang ang umabot sa double figures with 10 pure attack points..
Tiamzon with 9 points, plus 13 digs and 9 excellent receptions...

bumagsak si Bersola dahil sa foot injury din, minor ankle injury daw, pero bumalik din naman kaagad sa laro..
3rd na foot injury na yun for this conference para sa mga key players...


Angels versus Chef's Classics

average crowd ng nagbabalik na Angels..
late sila magtatapos ng kanilang round 1..
back-to-back weekend matches na naman para sa Chef..
4th na nila..
present na ulit si Tiu...

Set 1, 25-15, maagang nakaagwat ang Angels, double substitution ng Chef, double substitution din ng Angels with Cheng, Tiu in para sa service, inilamang ng Angels ang kanilang 4 blocks and 3 service aces plus 8 opponent errors..
Set 2, 25-19, Tiu starts, Matias na ang Setter, mas nakakadikit na ang Chef, de Leon for Panaga, lumayo ang Angels before ng 2nd technical time-out, Pielago in for N. Viray, Juanillo for Paras, double substitution for Angels, J. Viray in para sa service, Paras back sa service, nanaig ang Angels dahil sa kanilang 13 attacks kontra sa sarili nilang 9 errors..
Set 3, 25-18, Tongco for Paras, dikitan, nagawa pang lumamang ng Chef, nakaagwat ang Angels after ng 1st technical time-out, Gabriana in, de Leon in, double substitution ng Angels, Abriam in para sa service, pero nahirapan nang makahabol ang Chef...

3-0, panalo ang Angels..
6 wins - 2 losses ang record nila mula sa round 1...

Player of the Game si Saet with 22 excellent sets, plus 1 point..
Mercado with 11 points na may 7 attacks and 2 service aces..
Sabete also with 11 points na may 3 kill blocks..
Prado with 9 pure attack points, plus 14 digs..
Cruz with 14 digs and 13 excellent receptions..
wala namang umabot sa double figures para sa Chef's Classics..
Bangad with 7 pure attack points..
Juanillo with 5 points na may 3 kill blocks in 2 sets..
N. Viray limited to only 4 points..
Angeles with 16 digs and 11 excellent receptions...

is feeling , Dark Horse na ang Air Force.. hindi na naman maganda ang ginawang pagbalasa sa Chef's Classics...

---o0o---


September 23, 2019...

ang bastos naman ng ASEAN Grand Prix at PSL Super Cup... :(

sabay na sabay sa major schedules ng PVL..
Creamline versus ChocoMucho..
Army Troopers versus Angels..
dahil nasa ranking stage pa naman, parang hindi masama kung matatalo man ang bench ng Creamline laban sa ChocoMucho..
kaso para sa Army Troopers at sa 4 pang teams, eh dikdikan pa yung agawan nila sa rank..
ang masama pa nun eh schedule yun ng PVL on tour..
so may tickets at pera na involved..
at may mga fans sa probinsya na involved..
anong gusto nila..?
na hindi papupuntahin yung mga key players na inaabangan ng mga fans, at hindi maging maganda ang mga laban...??

yung PSL Super Cup naman eh baka daw tamaan ang Finals ng PVL..
tutal tuneup games lang naman yun, edi sana sila na lang ang mag-adjust..
naagawan na nina Salas at Johnson ng isang korona ang Creamline..
pati ba naman yung sa Open Conference eh isasakripisyo pa nila...??

is feeling , kung SEA Games lang, SEA Games lang.. hindi yung ang dami ng sinasalihan.. tapos palpak naman ang coaching...

---o0o---


September 25, 2019...

ChocoMucho versus BaliPure

konti lang ang live audience..
nakabalik na si Madayag...

Set 1, 25-16, Santos starts, Pronuevo in, una pang nakalamang ang BaliPure, na-check si Salamagos, nakagawa ng early chase ang ChocoMucho after ng 1st technical time-out, Berte for Santos, Gual and Mendoza in, nanaig ang ChocoMucho dahil sa kanilang 14 attacks plus 10 big opponent errors..
Set 2, 25-12, Delos Santos for Salamagos, nakakuha ng early lead ang ChocoMucho, ang daming outside na attack ng BaliPure, Imbo sa service, Ticar serves for Palec, BDL in sa gitna, nakuha ng ChocoMucho lahat ng stats plus 9 big opponent errors..
Set 3, 25-16, Mendoza starts, nakakuha ulit ng early lead ang ChocoMucho, Gual in, Delos Santos for Espiritu, Imbo and Berte in, BDL sa harap katabi si Madayag, Peña serves, pero lamang na lamang na talaga ang ChocoMucho...

3-0, panalo ang ChocoMucho..
nagtapos sa 2-0 ang record nila laban sa BaliPure...

Player of the Game si Tolentino with 14 points from 13 attacks and 1 kill block..
may plus 10 digs din siya..
Madayag with 11 points..
Palec with 9 points na may 3 kill blocks..
Masangkay with 17 excellent sets, plus 5 points na may 2 service aces..
Pineda with 29 digs and 6 excellent receptions..
para naman sa Balipure..
si Tubiera lang ang umabot sa double figures with 11 points from 9 attacks and 2 kill blocks..
Bombita with 8 points, plus 10 digs and 11 excellent receptions..
kaso nagpakawala sila ng 26 errors in just 3 sets...

bukod sa kinulang sa attacks..
eh nandun pa rin yung usual na malakihang errors ng BaliPure...


Motolite versus Chef's Classics

average crowd for Motolite...

Set 1, 25-19, Layug and Ramos starts, dikitan at palitan ng service errors, nakaagwat ang Motolite after ng 1st technical time-out, inilamang ng Motolite ang kanilang 16 attacks..
Set 2, 25-23, Tiu for Juanillo, dikitan ang laban, palitan ng kalamangan, Pablo for Flora, Tempiatura serves, nanaig ang Motolite dahil sa kanilang 17 attacks and 4 blocks..
Set 3, 25-22, unang nakaagwat ang Chef, Juanillo for Paras, Emnas in sa service, na-headshot ni Caloy si Angeles, Pablo for Flora, Flora back sa service, habol nang habol ang Motolite, Tolenada back, pero naagaw pa nga ng Motolite yung set...

3-0, panalo ang Motolite..
nagtapos sa 2-0 ang record nila laban sa Chef's Classics...

Player of the Game si Caloy with 26 points from 23 attacks, 2 kill blocks, and 1 service ace..
Ramos with 11 points na may 4 kill blocks..
Molde with 8 pure attack points, plus 16 digs..
Tolenada with 23 excellent sets, plus 1 point..
Estrañero with 20 digs and 12 excellent receptions..
para naman sa Chef's Classics..
N. Viray scored 15 pure attack points, plus 17 digs..
Tiu with 10 pure attack points in just 2 sets..
Oliveros with 8 points na may 2 kill blocks and 4 service aces..
Angeles with 20 digs and 16 excellent receptions...

weakness ni J. Viray yung madalas niyang paggamit ng drop ball..
sa tingin ko mas malakas pa rin in terms of scoring si Bangad, kaya mas maganda pa rin siyang option sa harap..
hindi pa rin naman nakakapag-adjust sa wing si Juanillo, at mas okay kung ima-maximize na lang yung lakas niya sa blocking sa gitna...


Angels versus BanKo

average crowd naman ng Angels...

Set 1, 25-18, unang nakaagwat ang BanKo, nakuha ng Angels ang kalamangan after ng 1st technical time-out, Gopico in, de Jesus back, nanaig ang Angels dahil sa kanilang 2 service aces plus 6 errors ng BanKo..
Set 2, 25-18, una namang nakalayo ang Angels, Baloaloa and Cheng sa double substitution, Doromal and Cailing in, Gopico for de Jesus, Layug sa service, nakuha ng Angels lahat ng scoring stats kontra sa sarili nilang 9 errors..
Set 3, 25-22, unang nakaagwat ang Angels, double substitution ng BanKo, double substitution ng Angels, Gopico for de Jesus sa harap, de Jesus back for service, pero kinapos pa rin ang BanKo...

3-0, panalo ang Angels..
1-1 na ang record nila laban sa BanKo...

Player of the Game si Saet with 17 excellent sets, plus 3 points..
Prado with 12 points..
Panaga with 12 points..
Nunag with 11 points na may 3 kill blocks..
Sabete with 10 points, plus 13 digs and 13 excellent receptions..
Cruz with 17 digs and 14 excellent receptions..
para naman sa BanKo..
Gervacio scored 13 points from 12 attacks and 1 kill block, plus 9 digs..
Tiamzon limited to only 6 points..
Roces also with 6 points...

off si Tiamzon nitong mga nakaraang laro nila..
si Bersola naman ang hindi ma-activate ng BanKo sa opensa...

is feeling , pinuwersa na naman ng BaliPure yung maling lineup.. kinapos pa rin ang Chef.. lagot ang BanKo, marami na ang nakapag-adjust laban sa kanila...

---o0o---


September 26, 2019...

hindi naman masamang mag-unify ng liga..
kung tutuusin, nandun naman talaga, matagal na, ang PVL o ang dating Shakey's V-League para suportahan ang larong volleyball..
commercialization lang naman ang talagang humati sa liga kung tutuusin...

kung kaya nilang gawin yung NBA format..
maraming teams, pero lahat ay naglalaban-laban..
kung kaya nilang suportahan ang nasa 18 or more teams..
edi pwede nga nilang pagsamahin yung liga...

pero kung magiging perahan lang ang laban..
kung hindi mapapasali ang ibang teams dahil sa issue ng sponsorship..
kung may mga players na mawawalan ng career sa volleyball kung sakaling may mabubuwag na liga..
edi walang rason para pag-isahin kung ano man ang magkahiwalay na...

besides..
lason din kung magiging limitado lang ang platform ng local volleyball sa cable TV channel at internet...

is ⚠ feeling , National Tournament...

-----o0o-----


September 23, 2019...

[Manga Theory]

One Piece Theory #6

hindi ko pa pala 'to formally naisusulat bilang theory...

sa tingin ko base sa nagawa ni Linlin kay Mother Caramel iyong technique na ginagawa ni Blackbeard sa pangunguha ng mga Devil Fruit mula sa buhay pa o kamamatay lang na user nito..
siguro kailangang may kainin na body part, since presumably eh nakain ni Linlin si Mother Caramel kasama nung iba pang mga bata..
posibleng iyon ang dahilan kung bakit eventually eh namamatay rin yung kinuhanan ng Devil Fruit ability..
samantalang posibleng may 2 body part na ganun si Blackbeard (kaya sinabi na kakaiba ang kanyang katawan), dahilan para makagamit siya ng 2 klase ng Devil Fruit...

is feeling , ano nga kaya...??

---o0o---


September 26, 2019...

[Scam]

ang totoong malaking scam sa Globe ay ang customer support nila.. :(
whether through calls o Messenger...

3 calls..
2 reference numbers..
pero anong update pagtawag ko sa ikaapat na beses..?
kesyo na-decline daw yung request - without informing us...

mga basura..
mga inutil..
sa sobrang init ng ulo ko, diniretsa ko yung unang sumagot sa akin kanina..
na anong silbi ng customer support nila..?
tawagan mo at sasabihin na aayusin na nila yung naging problema..
pero balikan mo at kumustahin, at magso-sorry na kesyo palpak yung huli nilang ginawang aksyon...

parang front lang ang customer support..
para lang magmukhang may grupo nga na ganun ang function..
pero parang t-in-rain lang sila para i-delay pa lalo yung problema..
magsisinungaling na kesyo gagawan nila ng solusyon..
pero ang totoo ay wala namang nangyayari...

is feeling , isang malaking sabwatan para kumita sila nang mas malaki kesa sa nakasaad sa kontrata...


>
[TV Series]

The Killer Bride

nagharap sina Mayor ng suspect sa pagpatay kay Justino..
pero mukhang fall guy lang yun, para hindi na maging suspect si Tatiana...

samantala, eh lumabas na rin ang isa sa mga lihim ni Mayor..
tama ang hula ko tungkol dun sa parang lihim na kuwarto sa bahay ng babae daw niya..
mukhang yun din ang dahilan kung bakit overprotective si Mayor para dun sa alalay niyang lalaki..
ang dahilan kung bakit wala siyang pakialam sa itinatagong relasyon nung babae daw niya..
at ang dahilan kung bakit ipinapakita niya sa lahat na maton siya..
though hindi pa rin naman verified kung ito nga ba yung lihim na hawak laban sa kanya noon ni Justino...

bakla si Mayor..
nag-hire siya ng babae bilang front..
para sa kanya, mas okay na pag-isipan siya ng mga tao na kesyo nambababae siya, sa halip na malaman nila na mahilig siya sa fencing..
nagkikita sila nung babae sa isang bahay, na mukhang si Mayor din ang nagbabayad, pero ang totoong kasiping parati ni Mayor ay iyong alalay niya...

in addition naman sa kondisyon ni Emma..
nati-trigger ng traditional wedding music yung trauma niya sa Killer Bride..
kahit sipol na version lang nun ang marinig niya eh bumabalik sa isip niya yung takot...

is feeling , yun ang nakakatakot.. yung version na siga...


No comments:

Post a Comment