Friday, September 20, 2019

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of September 2019 (Denied Proposal)

Loveless Story


September 15, 2019...

dahil dun sa 4,000 na high standard, humirap tuloy yung decision making ko..
yung takot na malungkot kapag hindi na-meet yung ganung kalibre... :(

is feeling , fear of overpricing...

---o0o---


September 17, 2019...

sinubukan ko nang c-um-ontact ng tulong kahapon..
sumasagot naman si Miss Cn..
pero no word mula kay Miss G..
kakanina rin lang niya nasilip yung message ko dun sa app..
kaso wala pa talagang isinasagot...

is feeling , Jackie Rice at Nina North...


>
bad news... :(

hindi pwede si Nina North..
habang wala pa ring sagot mula kay Jackie Rice...

pati si YAM..
sinubukan ko na ulit after more than 2 months..
pero wala talaga...

lagot..
mukhang lalagnatin ako...

is feeling , ang saklap...

---o0o---


September 18, 2019...

bad news na talaga..
wala nang imikan... :(

ngayon ko lang 'to na-experience..
dati, kahit papaano eh may 'no' na sagot..
pero ngayon eh silent treatment na lang...

is feeling , na-blacklist na yata ako dahil sa paghahanap na ginagawa ko...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Season 3 - Open Conference


September 14, 2019...

Creamline versus Chef's Classic

konti lang ang live audience..
wala si Baldo, due to ankle injury daw...

Set 1, 25-11, Cayetano and Soriano starts, unang nakaagwat ang Creamline, dumikit pa ang Chef pero nakalayo din ang Creamline, ipinahinga pa ng Chef si N. Viray, lumamang ang Creamline dahil sa kanilang 14 attacks plus 10 big opponent errors..
Set 2, 25-14, maagang nakalayo ang Creamline, J. Viray in, service specialist ng Chef si Lapid, double substitution ng Chef, Negrito in sa service at Guino-o sa harap for Gumabao, lumamang ang Creamline dahil sa kanilang 15 attacks plus 7 opponent errors..
Set 3, 25-21, nag-Libero na rin si Gohing, Domingo for Soriano sa harap, Negrito for Morado, una na namang nakaagwat ang Creamline, double susbtitution ng Chef, Vargas for Cayetano, Mandapat for Gumabao, Guino-o for Galanza, FEU na ang core ng Creamline, Bravo for Sato para maubos na ang substitution nila, nakagawa ng late chase ang Chef laban sa Creamline bench, pero naitawid pa rin naman ng Creamline iyong set...

3-0, panalo ang Creamline..
nagtapos sa 2-0 ang record nila laban sa Chef..
wala namang nakuhang panalo ang Chef sa round 1...

Player of the Game si Cayetano with 9 pure attack points..
Galanza and Gumabao with 8 points each..
Sato with 7 pure attack points..
Guino-o with 5 points off the bench..
Morado with the huge 28 excellent sets in less than 2 sets, plus 2 points..
bukod dun ay nakapuntos din ang lahat ng attackers at Setters ng Creamline..
para naman sa Chef's Classic..
N. Viray scored 8 points from 7 attacks and 1 kill block..
Bangad with 6 points..
Angeles with 10 digs and 13 excellent receptions..
kaso ay nagpakawala sila ng 25 errors in just 3 sets...

makikita sa resulta ng Set 3 kung gaano pa hindi ka-consistent ang Creamline bench compared sa performance ng starters nila..
nandun naman yung floor defense, pero hindi ganung kapulido ang mga atake...


Army Troopers versus Air Force

labanan ng mga hukbo ng bayan..
rematch ng laban nila sa ibang liga, kung saan Air Force ang nag-champion...

Set 1, 22-25, dikitan ang laban, Bautista for Tubino, nakuha ng Air Force ang kalamangan after ng 1st technical time-out, Bunag for Gutierrez, Delos Reyes for Malaluan, Nuval for Palomata sa service, double substitution sina Bicar at Cruz, Maquinto for Air Force sa likod, gumawa ng late chase ang Army, Tubino for Bautista, Cabalsa at Papa sa double substitution, nanaig ang Air Force sa lahat ng scoring stats..
Set 2, 21-25, unang nakaagwat ang Air Force pero mas dikitan ang laban, Bicar na ang Setter ng Army, Bautista starts for Gutierrez, Bunag for Bautista, Gonzales at Cruz sa double substitution, Gonzaga and Bicar back, pero kinapos ang Army sa bandang dulo, nanaig ang Air Force dahil sa kanilang 14 attacks..
Set 3, 19-25, on and off ang laro ni Bunag, maaga ulit nabaliktad ng Air Force ang takbo ng laro, Nuval for Pantino sa likod, palitan ng kalamangan, nakalayo ang Air Force before ng 2nd technical time-out, Gutierrez for Bunag, double substitution ng Army, pero kinapos pa rin sila...

3-0, panalo ang Air Force..
3 ang nakuha nilang panalo mula sa round 1, samantalang 4 naman ang sa Army...

Player of the Game si Palomata with 20 points from 17 attacks and 3 kill blocks..
Caballejo and Pantino with 9 points each..
Semana with 30 excellent sets, plus 4 points na may 2 service aces..
para naman sa Army Troopers..
Tubino scored 13 points..
Gonzaga with 9 pure attack points, plus 10 digs and 6 excellent receptions..
Malaluan with 6 points na may 4 kill blocks...

ang weird na hirap ang Army na labanan ang Air Force..
hirap silang tapatan si Palomata..
dapat floor defense ang ipangtapat laban kay Palomata sa halip na blocking..
hindi rin ganung katunog ang pangalan ng Libero nila na si Nunag lately...

is feeling , thank you sa buong Creamline team para sa muling pagpapanalo kina Morado at Galanza.. panalo na ulit ang Air Force laban sa Army...

---o0o---


September 15, 2019...

Motolite versus ChocoMucho

combination ng good crowd ng Motolite at ChocoMucho..
kaso wala si Madayag dahil sa National Team...

ang 8th 5-setter match ng conference..
3rd na para sa Motolite..
at 4th para sa ChocoMucho...

Set 1, 25-27, Ramos starts for Layug, Palec starts for Madayag, unang nakaagwat ang ChocoMucho, dikit nang dikit ang Motolite, Imbo for Sandoval, Tempiatura for Gannaban sa service, Ticar for Angustia sa service, balik si Gannaban, nanaig ang ChocoMucho sa tulong ng 12 huge errors ng Motolite..
Set 2, 15-25, Layug starts for Ramos, nakakuha ng early lead ang ChocoMucho, Emnas in, Imbo for Sandoval, Tempiatura for Gannaban sa service, Tolenada back, nakalayo ang ChocoMucho sa tulong ng 10 big errors ng Motolite..
Set 3, 25-18, Ramos for Layug, si Ponce na ang Libero, unang nakaagwat ang Motolite, Ticar for Angustia sa service, Berte for Masangkay, yellow card for Coach Okumu, Alkuino for Palec, inilamang ng Motolite ang kanilang 19 attacks and 2 blocks..
Set 4, 25-17, Sandoval back, maaga nang nakalayo ang Motolite, Imbo for Sandoval, Tempiatura for Gannaban sa service, inilamang ng Motolite ang kanilang 4 blocks plus 6 opponent errors..
Set 5, 18-16, unang nakalamang ang ChocoMucho, na-activate si Palec, Tempiatura for Gannaban sa service, habol nang habol ang Motolite, yellow card for Tolenada, Ticar for Angustia sa service, extended set, at naagaw nga ng Motolite ang panalo...

3-2, panalo ang Motolite..
100% pa rin sila sa 5-setter matches na sila..
samantalang wala pa ring naipapanalo ang ChocoMucho..
nakakuha ang Motolite ng 6 wins sa round 1, at 2 lang ang sa ChocoMucho...

Player of the Game si Ponce with 16 excellent digs and 9 excellent receptions..
Caloy with 23 points..
Molde also with 23 points na may 19 attacks at 3 kill blocks, plus 18 digs and 10 excellent receptions..
Flora with 15 points, plus 20 digs and 8 excellent receptions..
Ramos with 13 points na may 5 kill blocks..
Gannaban with 11 points..
Tolenada with 46 excellent sets, plus 3 points..
para naman sa ChocoMucho..
Tolentino scored 33 points na may 31 attacks, plus 21 digs..
Palec with 9 points..
Masangkay with 35 excellent sets, plus 6 points..
Pineda with 31 digs and 24 excellent receptions...

kinulang sa suporta si Tolentino..
not necessarily an upset loss para sa ChocoMucho..
more on errors lang ang kinalaban ng Motolite, with 32 as compared sa 19 lang ng ChocoMucho, gaya ng usual na problema ng UP at Adamson noong nasa UAAP pa sila..
pero ang tindi ng pinagsamang offense ng UP at floor defense ng Adamson..
kung malilinis nila ang laro nila eh magiging malakas pa silang team...


BanKo versus BaliPure

Set 1, 25-16, dikitan ang laban, nakaagwat ang BanKo before ng 2nd technical time-out, Pronuevo sa double substitution, inilamang ng BanKo ang kanilang 16 attacks..
Set 2, 25-12, unang nakaagwat ang BanKo, labas muna si Bombita, Racelis and Pronuevo in, Bombita back, Gopico for Gervacio, Cailing, Doromal, and Tajima in, at ang laki nga ng inilamang ng BanKo..
Set 3, 16-25, dikitan ang simula, nagawang lumamang ng BaliPure, Cailing in, Doromal for de Jesus, nakuha ng BaliPure ang lahat ng scoring stats..
Set 4, 25-20, maagang nabaliktad ng BaliPure ang takbo ng laro, BanKo ulit ang lumamang pagpasok ng 2nd technical time-out, Gual in for BaliPure, Ferrer in, at naitawid nga ng BanKo iyong set...

3-1, panalo ang BanKo..
nagtapos ang record nila laban sa BaliPure sa 2-0...

Player of the Game si Tiamzon with 22 points from 21 attacks and 1 service ace..
Gervacio with 12 points na may 4 kill blocks, plus 12 digs..
Roces and de Jesus with 9 points each..
para naman sa BaliPure..
Bombita scored 14 points na may 11 attacks and 2 service aces..
Tubiera with 13 points, plus 12 digs and 9 excellent receptions..
Espiritu with 13 points na may 5 kill blocks..
Salamagos with 13 points na may 3 kill blocks and 3 service aces...

2nd best game ng BaliPure in terms of score distribution..
pero gaya ng 1st game nila laban sa BanKo, eh nadali sila sa errors..
nasa 13 to 15 ang nagiging difference ng nako-commit nilang errors..
bukod pa sa late na nag-init ang laro nila sa match na ito...

is feeling , ang lakas ng Motolite sa mga 5-setter.. slow start naman para sa BaliPure...

---o0o---


September 18, 2019...

Army Troopers versus Chef's Classic

konti lang ang live audience..
wala sina Coach Kungfu at Gonzaga para sa Army dahil sa National Team...

Set 1, 25-11, Bicar and Cruz starts for Army, J. Viray and Gabriana starts for Chef, wala si Tiu, unang nakaagwat hanggang sa nakalayo ang Army, tadtad ng errors ang Chef, Matias for Gabriana, Lapid sa service, halos in-overkill ng Army ang Chef, nakuha nila lahat ng stats lalo na ang 8 big opponent errors..
Set 2, 25-23, Matias and Lapid starts for Chef, sobrang dikitan naman ang laban, nagawa pang makalamang ng Chef, Bautista sa double substitution pamalit kina Cruz, Cuevas at Bangad sa double substitution pamalit kina J. Viray, balik sina J. Viray, balik din sina Cruz, nanaig ang Army dahil sa kanilang 19 attacks and 2 blocks kontra sa sarili nilang 11 huge errors..
Set 3, 25-17, Bautista and Teope starts for Army, una na ulit silang nakaagwat hanggang sa nakalayo, tadtad na naman ng errors ang Chef, double substitution ng Chef, Tiu for Lapid, Bunag for Tubino, medyo naghabol pa ang Chef laban sa bench ng Army, pero hindi pa rin sapat ang ginawa nilang paglaban...

3-0, panalo ang Army Troopers..
nagtapos sa 2-0 ang record nila laban sa Chef...

Player of the Game si Gutierrez with 15 points from 11 attacks, 3 kill blocks, and 1 service ace..
Tubino also with 15 points from 13 attacks and 2 service aces..
Balse with 10 points..
para naman sa Chef's Classic..
si N. Viray lang ang umabot sa double figures with 15 pure attack points..
Bangad with 4 points off the bench...

hindi maganda ang ginawang experiment sa lineup ng Chef..
weird na inilagay sa double substitution sina Cuevas at Bangad, parang sila pa rin yung mas consistent na players..
lamang na lamang ang Army pagdating sa puntusan...


Creamline versus BaliPure

Baldo-less at Morado-less naman ang Creamline..
wala rin si Coach Tai...

Set 1, 25-11, Cayetano starts, maagang nakalayo ang Creamline, nasira kaagad ang buhok ni Galanza, Vargas for Soriano sa service, Bravo in, halos na-overkill ng Creamline ang BaliPure, inilamang nila ang kanilang 13 attacks and 3 blocks plus 9 big opponent errors..
Set 2, 25-15, Guino-o starts for Gumabao, Racelis for Mendoza, mga players lang ang nag-usap sa time-out ng BaliPure, Gual in, Delos Santos for Espiritu, Vargas for Cayetano sa service, Bravo for Soriano sa harap, nakuha ulit ng Creamline lahat ng stats pati ang 8 errors ng BaliPure..
Set 3, 25-17, Gual and Delos Santos starts, Mandapat starts for Guino-o, unang nakalamang ang BaliPure, pero nabaliktad ng Creamline ang takbo ng laban after ng 1st technical time-out, pinabayaan na ng Coach ng BaliPure ang mga players niya na mag-usap-usap tuwing time-out...

3-0, panalo ang Creamline..
nagtapos sa 2-0 ang record nila laban sa BaliPure...

Player of the Game si Galanza with 17 points from 14 attacks, 1 kill block, and 2 service aces..
Sato with 10 points..
Gumabao with 4 points in just 1 set..
Guino-o with 3 points in just 1 set..
wala namang umabot sa double figures para sa BaliPure..
Bombita scored 8 points
Tubiera with 6 points, plus 6 digs and 12 excellent receptions..
Racelis with 3 points...

nakapag-practice na naman ang bench ng Creamline, maliban kay Domingo..
na-off nang husto ang opensa ng BaliPure dahil sa kalibre ng depensa ng Creamline...


Motolite versus Air Force

dumating naman ang crowd ng Motolite..
si Pablo pa rin lang naman ang wala para sa kanila, dahil hindi pa nila isasali si Tolenada sa National Team...

Set 1, 22-25, Ramos starts for Layug, unang nakaagwat ang Air Force, Emnas in, Tempiatura serves for Gannaban, Nuval serves for Palomata, Palomata back, Cabalsa sa double substitution, Caballejo back, at naitawid naman ng Air Force iyong set dahil sa kanilang 14 attacks..
Set 2, 23-25, Layug starts for Ramos, Tolenada back, unang nakaagwat ang Motolite, Nuval for Cases sa likod, nag-Libero na rin si Ponce, double substitution ng Air Force, habol nang habol ang Air Force, Cabalsa for Caballejo, at naagaw pa nga ng Air Force ang set dahil sa kanilang 14 attacks plus 8 big errors ng Motolite..
Set 3, 20-25, Ramos starts for Gannaban, dikitan ang laban, nakaagwat ang Air Force after ng 1st technical time-out, Nuval for Pantino, Motolite naman ang habol nang habol, double substitution ng Air Force, Tempiatura for Ramos sa service, pero kinapos pa rin ang Motolite...

3-0, panalo ang Air Force..
natalo na naman ang Motolite in straight sets, 3rd na nila, at lahat ng talo nila so far ay from straight-sets losses..
1-1 na ang record nila ng Air Force...

Player of the Game si Semana with 13 excellent sets, plus 3 points..
Palomata with 9 points from 8 attacks and 1 kill block..
Pantino with 9 points from 8 attacks and 1 service ace..
Cases with 8 points..
Caballejo with 7 points..
Cabalsa with 3 pure kill block points off the bench..
para naman sa Motolite..
si Caloy lang ang pumalo sa double figures with 21 points from 18 attacks and 3 service aces..
Flora with 8 points na may 2 kill blocks, plus 14 digs...

kinulang sa suporta si Caloy, bukod sa nandun pa rin yung errors nila...

is feeling , failed experiment para sa Chef's Classic.. thank you sa naiwang Creamline team para sa pagdadagdag ng panalo kina Morado at Galanza.. ang lakas na ng Air Force...

-----o0o-----


September 15, 2019...

[Scam]

sa gasul o LPG...

may mga empleyado ng LPG brand..
[Brand of LPG] iyong na-experience namin..
ang marketing strategy nila..?
kesyo may LPG supply sila sa kanilang bahay, for additional income daw..
mura by Php 50.00 iyong benta nila, compared sa totoong bentahan ng kanilang kompanya..
in fact eh may Php 80.00 worth of savings pa nga na version, pero papalit-palit lang yung offer nung 2 empleyado sa SMS...

ang problema..?
una ko kaagad napansin iyong tangke..
may product label naman..
1 pa lang naman ang hati nung tangke sa bandang gitna..
pero may uka-uka na yung bakal niya..
walang engraved seal sa side nung bandang hawakan..
at makapal yung paint job na parang may itinatago..
maging iyong apoy na pino-produce niya eh hindi more on blue color..
pero ang pinaka-naging problema sa lahat..?
eh halos 1 buwan lang ang itinagal nung LPG..
as compared sa more than 2 months namin na average use...

imposible na sumingaw iyong tangke, dahil parati kong mino-monitor iyong gauge namin after every use...

ang assumption ko..?
na recycled iyong tangke..
at na nakaw naman iyong LPG sa branch nila..
hindi ako sigurado tungkol sa timbang..
at ewan ko rin kung may halo iyong laman nung tangke dahilan para mabilis iyong maubos...

so kapalit ng Php 50.00, eh nalugi naman kami ng nasa 1 buwan pa na worth ng LPG... :(

ang lesson..?
una na, eh matuto parating alamin kung ano ba ang inyong average consumption..
kung personal na bibili ng LPG..
matutong i-check iyong mga palatandaan ng certified pa na tangke..
o kung magpapa-deliver..
eh ibilin na kaagad sa magde-deliver na dapat iyong may engraved seal at bago pa ang tangke..
that way, kahit papaano eh mare-realize nila na may alam ang consumer sa pag-determine ng kung ano ang pasado na tangke...

is feeling , yung biological mother ko kasi.. oo lang nang oo sa mga tao...

---o0o---


September 16, 2019...

[Online Marketing]

after almost a year..
umabot rin sa quota yung subscription platform...

is feeling , parang Google lang din...

---o0o---


September 17, 2019...

[Business]

lagot na sa toyo..
yung 200 ml..
tumaas na ulit ang presyo..
nasa Php 9.00 na ang puhunan..
Php 0.65 yung itinalon..
so hindi na pwedeng ibenta ng Php 9.00... :(

ganun din pala ang suka..
tumaas na rin ng Php 0.50..
although kaya ko pa rin naman siyang ibenta sa dati niyang presyo...

Php 2.00 na kaagad ang itinataas nila sa loob lamang ng 4 na taon...

is feeling , brutally fast...


>
[TV Series]

The Killer Bride

so na-reveal na yung past tungkol sa ipinalaglag na baby ni Tatiana..
hindi si Javier ang ama nun, sa halip ay isang mayaman na Justino ang pangalan - kaya J..
rape victim si Tatiana noong 17 y/o pa lang siya..
at hindi nagawang lumaban ng pamilya Dela Torre, dahil may pang-blackmail yung Justino laban naman kay Juan Felipe...

bilang paraan ng pagganti..
ipinain ni Tatiana si Emma dun sa Justino..
binalak niyang kumuha ng video evidence habang niri-rape nung manyakis na lalaki si Emma..
kaso, eh marunong ng self-defense si Emma kaya nasira niya yung buong plano ni Tatiana...

but still, eh related pa rin yung tattoo clue kay Tatiana..
kaya hindi pa rin siya pwedeng tanggalin bilang possible suspek...

theory #9 - na meron sa mga Dela Torre ang may kinalaman sa pagkamatay ng ama nina Vito...

is feeling , medyo tricky yung mga age difference dun sa istorya...


>
tapos na sa pagba-backup..
pero talagang kulang na kulang na ako sa backup drive...

sunod naman yung mga materials para sa pasasalamat, na promotional ang diskarte...

sa ngayon, meron akong nasa 13 months na palugit...

is feeling , relax mode muna.. yung walang pressure...

---o0o---


September 18, 2019...

[TV Series]

The Killer Bride

so far, meron ng 2 to 3 na sightings ng Killer Bride:

0) yung matandang inatake sa puso (zero, kasi parang sobrang bilis lang nung pangyayari para magawa siya ng isang mortal, pero wala namang ibang tao na nakakita dun sa Killer Bride na nakita nung matanda)
1) yung pag-atake laban dun sa pekeng albularyo, na tila grupo ang kinatatakutan niya, at ginamitan pa siya ng herbal drugs
2) ang pagpatay kay Justino sa gitna ng brownout, kasabay nang mabilis na pagdukot kay Emma, at parang ginamitan rin yung dalagita ng drugs

base sa tunog, eh babae yung narinig ni Camila na kumikilos noong mga oras na putol ang supply ng kuryente..
parang tunog ng sapatos na may heels..
mukhang grupo talaga ang may kagagawan dahil magkahiwalay yung pagpatay kay Justino at ang pagdukot kay Emma..
tila sinasakyan rin nila yung pagpapanggap ni Emma bilang Camila, para i-relate siya sa Killer Bride na gumagawa ng mga krimen...

is feeling , organisadong kalaban...

---o0o---


September 20, 2019...

[TV Series]

The Killer Bride

bale ginamit na rin ni Camila ang katauhan ng Killer Bride, na technically eh alamat tungkol sa kanya..
ginawa niya iyon para makakuha ng sagot mula kay Tatiana tungkol sa pagkawala ni Emma..
bukod dun ay ginawa na rin niya pala na kasabwat si Ornusa, yung mapamahiin na kaibigan ng kanyang lola, simula noong bumalik siya sa Las Espadas..
someone para i-boost yung paranormal aspect nung multo ni Camila sa iba pang characters nung istorya...

si Emma naman eh ginamitan rin nga ng herbal drug o substance na kagaya nung ginamit dun sa pekeng albularyo..
pero totoo na nakita nilang dalawa ni Elias yung Killer Bride...

is feeling , mukhang madaming beses pa nilang gagamitin yung replay technique sa istorya na ito...

---o0o---


September 21, 2019...

[Manga Theory]

One Piece Theory #4

kahapon ko lang naalala, after kong ma-verify na si Shirahoshi na nga mismo yung 1 sa tinutukoy na 3 Ancient Weapons..
dahil konektado si Poseidon sa taga-lupa na si Joy Boy noong Void Century..
posibleng katumbas nila sina Shirahoshi at Luffy sa kasalukuyan...

kaya sa tingin ko ay posibleng si Joy Boy ang may ari ng original na Straw Hat...


One Piece Theory #5

wala pang lumalabas na clue tungkol sa Ancient Weapon na Uranus..
katulad ng Poseidon na namamanang kakayahan sa royal bloodline ng mga mula sa Ryugu Kingdom, posible na kakayahan rin ng buhay na nilalang ang tinutukoy ng Uranus..
sa hula ko ay may kinalaman siya sa Will of D at pati sa ancient na Straw Hat...

sa ngayon, ang mahahalagang lugar na pwedeng balikan patungkol sa Void Century ay ang:
  • Alabasta (kung nasaan daw ang Pluton)
  • Shandora (isa sa pinabagsak na kaharian ng Twenty Kingdoms)
  • Water 7 (kung saan ginawa ang Pluton)
  • Fishman Island (kung saan nag-originate ang Poseidon at ang Noah's Ark)
  • Dressrosa (kung saan naging biktima ang mga Tontatta ng pagmamalabis ng ancient Donquixote Family, na bahagi ng Twenty Kingdoms, noong panahon ng Void Century)
  • Wano Country (kung saan nag-originate ang mga Poneglyph na naglalaman ng tagong history)

is feeling , 5 years na lang daw ang palugit para sa istorya na 'to...


No comments:

Post a Comment