Friday, September 13, 2019

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of September 2019 (Rice)

Loveless Story


September 13, 2019...

1 panibagong nahanap..
sa ngayon meron na akong 41 with names..
1 na anonymous ang alias..
1 na may unknown connection..
2 verified background personnel..
at 1 highly suspected...

na-realize ko tuloy na matagal ko nang nakita o nadaanan yung mga nahahanap ko lately...

medyo goal yung bago kong nahanap..
hindi pala siya Jaycee Parker..
pero more on Jackie Rice..
ewan ko lang kung may mole pa rin siya ngayon o wala na...

is feeling , magiging tama ba na magbakasyon...??

-----o0o-----


[V-League]


PVL Season 3 - Open Conference


September 7, 2019...

paano nila aasahan na sabay-sabay na magiging active ang mga viewers para sa kanila sa social media kung ganitong ipinapatapon nila kami sa iba't ibang platform at iba't ibang time slot..?? :(
tapos may mga time pa na down ng ilang minutes ang streaming para sa internet users...


Army Troopers versus Chef's Classic

konti lang ang live audience...

Set 1, 25-18, nakalayo kaagad ang Army, Bicar at Cruz for Gonzaga sa double substitution, bagong player daw ng Chef yung Oliveros, nakadikit ang Chef after ng 1st technical time-out, pero muling nakaagwat ang Army after ng 2nd technical time-out, nanaig sila dahil sa kanilang 13 attacks and 3 service aces..
Set 2, 25-18, Bunag for Gutierrez, unang nakalamang ang Chef, pero nabaligtad ng Army ang sitwasyon after ng 2nd technical time-out, muli silang nanaig dahil sa kanilang 15 attacks..
Set 3, 25-13, una na ulit nakalayo ang Army, Delos Reyes for Balse, Gutierrez for Tubino, inilabas na si N. Viray, J. Viray in with Setter Gabriana, pero kinapos na nga ang Chef...

3-0, panalo ang Army Troopers...

Player of the Game si Tubino with 12 points from 11 attacks and 1 service ace..
Gonzaga with 10 points from 7 attacks, 1 kill block, and 2 service aces..
Balse with 9 points na may 3 kill blocks..
Malaluan with 8 points..
Bicar with 5 points na may 3 service aces bilang double substitution Setter..
wala namang umabot sa double figures para sa Chef's Classic..
Tiu with 7 points..
nalimitahan naman si N. Viray sa 6 points lamang..
Juanillo with 5 points na may 4 kill blocks..
Angeles with 11 digs and 8 excellent receptions...

gumamit ng bench ang Army Troopers..
hindi ginamit sina Bautista at Teope na usual na pang-sub sa key players nila...


Creamline versus BaliPure

average crowd para sa Creamline..
si Bravo muna ang inalis sa working lineup...

Set 1, 25-8, Morado back, Soriano starts, unang nakaagwat ang Creamline, pinaglalaro na ulit si Gohing, at in-overkill ng Creamline ang BaliPure..
Set 2, 25-19, una ulit nakalamang ang Creamline, Pronuevo for Mendoza, Racelis for Bombita sa likod, Negrito in, Vargas and Guino-o in, nakagawa ng late chase sina Tubiera laban sa bench ng Creamline, Mendoza sa double substitution, inilamang ng Creamline ang kanilang 17 attacks..
Set 3, 25-14, Bombita back, Guino-o starts for Gumabao, Domingo for Soriano, nauna pa ring nakaagwat ang Creamline hanggang sa nakalayo, Racelis for Bombita sa likod, Vargas, Mandapat, and Cayetano in, at kinapos na nga ang BaliPure...

3-0, panalo ang Creamline..
8 Wins - 0 Loss ang record nila para sa Round 1...

Player of the Game si Morado with 14 excellent sets, plus 1 point..
Baldo with 18 points from 14 attacks and 4 service aces..
Galanza with 8 points..
Guino-o with 6 points na may 2 kill blocks..
para naman sa BaliPure..
Tubiera scored 10 pure attack points..
nalimitahan naman si Bombita sa 9 points lang..
Espiritu with 6 points na may 3 kill blocks..
pero mas nalimitahan si Salamagos sa 2 points lamang..
nagpakawala sila ng 22 errors in 3 sets kontra sa 11 lang ng Creamline...

practice ng bench para sa Creamline..
preparation pala para sa pagkawala nina Baldo at Morado...

is feeling , bench day.. may panalo na ulit ang Army.. welcome back victory naman para kay Morado, may panalo na ulit sila ni Galanza...

---o0o---


September 8, 2019...

Air Force versus Chef's Classic

konti ang live audience..
back-to-back weekend games pa rin para sa Chef..
at labanan ng mga wala pang panalo...

Set 1, 26-24, Oliveros starts, maagang nakaagwat ang Air Force, Maquinto in sa likod, Sabas for Pantino, gumawa ng late chase ang Chef, pero nanaig ang Air Force dahil sa kanilang 14 attacks and 3 service aces..
Set 2, 25-15, una ulit nakaagwat ang Air Force at naiwan nila ang Chef, Gabriana for Cuevas, J. Viray in, Cabalsa sa double substitution ng Air Force, lumamang sila dahil sa kanilang 16 attacks..
Set 3, 25-22, una namang nakaagwat ang Chef, Cabalsa for Caballejo, Nuval for Pantino at naidikit niya ang Air Force sa Chef, J. Viray in, palitan ng kalamangan, Gabriana for Cuevas, pero naagaw nga ng Air Force ang set...

3-0, at nakakuha na nga ng panalo ang Air Force...

Player of the Game si Palomata with 16 points from 12 attacks, 3 kill blocks, and 1 service ace..
Caballejo with 12 pure attack points..
Cases with 10 points, plus 14 digs and 6 excellent receptions..
Nuval with 4 points off the bench para sa set kung saan naghahabol sila..
para naman sa Chef's Classic..
Tiu scored 9 points, plus 13 digs..
N. Viray also with 9 points, plus 10 excellent receptions..
Bangad with 8 points..
Oliveros with 7 points na may 3 kill blocks..
Juanillo with 6 points na may 2 kill blocks and 2 service aces..
Angeles with 21 digs and 12 excellent receptions...

na-maximize ng Air Force si Palomata, plus support..
ang kapansin-pansin dito ay mataas ang naging scoring ngayon nina Caballejo at Cases..
gumaganda naman ang performance ng Chef in terms of blocking..
as usual, matatag pa rin ang kanilang Libero..
okay rin yung laban nila sa Set 1 at 3..
siguro eh naapektuhan rin lang talaga sila ng fatigue...


Motolite versus Angels

average Motolite crowd...

Set 1, 21-25, dikitan ang simula ng laban, palitan ng kalamangan, nakaagwat ang Angels after ng 2nd technical time-out, nanaig ang Angels sa tulong ng 9 big errors ng Motolite..
Set 2, 16-25, unang nakalamang ang Angels, Pablo down dahil sa foot injury, Flora for Pablo, nakaagwat ang Angels after the injury, inilamang ng Angels ang kanilang 12 attacks plus 10 big errors pa rin ng kalaban..
Set 3, 26-28, unang nakaagwat ang Motolite, Baloaloa for Mercado, Ramos for Gannaban, Tempiatura sa service and back row defense, Layug at Saet sa double substitution, balik sina Sabete, Mercado, at Cheng, extended set, pero kinapos pa rin nga ang Motolite...

3-0, panalo ang Angels...

Player of the Game si Sabete with 14 points from 12 attacks, 1 kill block, and 1 service ace..
Panaga with 13 points na may 3 kill blocks..
Nunag with 10 pure attack points..
Prado with 7 points, plus 17 digs and 8 excellent receptions..
Cruz with 20 digs and 16 excellent receptions, plus 1 point..
para naman sa Motolite..
Pablo scored 10 points bago siya na-injure sa early stage ng Set 2..
Caloy with 10 points from 8 attacks and 2 kill blocks..
Molde with 7 points, plus 14 digs and 11 excellent receptions..
Flora also with 7 points off the bench na may 4 service aces..
kaso ay nagpakawala sila ng 23 errors in 3 sets...

hindi pa rin sapat ang body strengthening ni Pablo..
balik sa UP core ang Motolite..
errors na naman nga ang kinalaban nila, bukod sa namatay rin ang kanilang scoring...

is feeling , may panalo na ang Air Force.. panalo na ulit ang Angels.. sadly, Pablo down na ulit...

---o0o---


September 11, 2019...

kung kailan triple-match Wednesday, eh saka na naman may matagalang labanan.. XD
panay sira na naman ang mga stream... :(


ChocoMucho versus Air Force

konti lang ang live audience..
ang 6th 5-setter match ng conference..
2nd na para sa Air Force..
3rd naman na para sa ChocoMucho...

Set 1, 24-26, Sandoval starts para sa ChocoMucho, balik Libero si Pineda, unang nakaagwat ang Air Force, palitan ng kalamangan after ng 2nd technical time-out, Gequillana balik attacker for Berte, Santos in para sa service, double substitution para sa ChocoMucho, nanaig ang Air Force dahil sa kanilang 4 service aces..
Set 2, 25-14, nakakuha ng early lead at nakalayo ang ChocoMucho, Nuval for Pantino, Cabalsa sa double substitution, Sabas for Cases, Santos and Alkuino in, inilamang ng ChocoMucho ang kanilang 13 attacks and 3 service aces..
Set 3, 25-21, dikitan ang laban, Sabas for Pantino, Alkuino for Angustia, Nuval and Maquinto sa likod, nakaagwat ang ChocoMucho after ng 20th point, nanaig sila dahil sa kanilang 16 attacks..
Set 4, 22-25, Nuval for Sabas, unang nakalamang ang Air Force, nabaliktad ng ChocoMucho ang sitwasyon after ng 1st technical time-out, Alkuino for Angustia, Cabalsa for Caballejo, double substitution para sa ChocoMucho, Papa for Palomata sa service, na-activate si Nuval, Imbo for Sandoval, pero naagaw ng Air Force ang set dahil sa kanilang 4 blocks..
Set 5, 7-15, si Cabalsa naman ang activated, unang nakalamang ang Air Force, Angustia for Alkuino, Papa sa service, at naiwan nga ng Air Force ang ChocoMucho...

3-2, panalo ang Air Force..
upset loss para sa ChocoMucho, wala pa rin silang nakukuhang panalo sa 5-set matches nila..
samantalang nakakuha na ng 1 ang Air Force...

Player of the Game si Nuval with 9 points from 7 attacks and 2 service aces off the bench..
Palomata with 18 points from 14 attacks and 4 kill blocks..
Antipuesto with 16 points na may 9 attacks and 5 service aces..
Cabalsa with 11 points na may 2 kill blocks off the bench and in only 3 sets..
Cases with 5 points, plus 11 digs and 16 excellent receptions..
para naman sa ChocoMucho..
Tolentino scored 30 points from 26 attacks, 2 kill blocks, and 2 service aces..
Angustia with 13 points..
Madayag with 12 points..
Pineda with 41 digs and 8 excellent receptions...

ipinakita sa laban na 'to na mahirap manalo laban sa ChocoMucho kung aasa lang sa attacks, dapat pati sa ibang scoring department ay meron..
mukhang hindi nakabuti sa kanila na nag-rely sila kay Alkuino over Angustia sa crucial parts nung match..
ganun din ang hindi na nila paggamit kay Berte after Set 1..
sinuwerte naman ang Air Force kina Nuval at Cabalsa para makasuporta kina Palomata at Antipuesto...


Army Troopers versus BaliPure

Set 1, 25-17, maagang nabaliktad ng Army ang sitwasyon, dikitan ang laban, nadali ng errors ang BaliPure sa bandang dulo, nanaig ang Army dahil sa kanilang 13 attacks and 4 service aces..
Set 2, 25-16, maagang nakalayo ang Army, Pronuevo for Mendoza, Cruz sa double substitution ng Army, pero na-late na nang paghabol ang BaliPure..
Set 3, 27-25, nakaagwat pa rin ang Army, Bautista for Tubino, naging dikitan ang laban after ng 2nd technical time-out, Tubino back, Racelis for Tubiera, kaso ay kinapos pa rin ang BaliPure...

3-0, panalo ang Army Troopers...

Player of the Game si Malaluan with 10 points from 6 attacks, 1 kill block, and 3 service aces..
Tubino with 13 points..
Gutierrez with 9 points..
Gonzales with 12 excellent sets, plus 5 points na may 4 service aces..
Nunag with 12 digs and 12 excellent receptions..
para naman sa BaliPure..
Bombita scored 13 points..
Espiritu with 7 points..
Racelis with 2 points off the bench sa Set 3..
Medina with 11 digs and 17 excellent receptions...

kinulang na ulit sa suporta si Bombita..
down na ulit ang laro ni Mendoza..
samantalang na-deactivate naman sina Tubiera at Salamagos..
baka pwede rin nga nilang i-develop si Racelis..
2 panalo lang ang nakuha ng BaliPure para sa round 1...


BanKo versus Motolite

nakabalik na si Tiamzon..
wala nga si birthday girl Pablo, mga 1 to 2 weeks daw ang recovery..
UP versus UP...

ang 7th 5-setter match ng conference..
2nd para sa parehong team...

Set 1, 16-25, Flora starts for Motolite, una silang nakaagwat, pasok ang mga bench para sa BanKo maliban kay Roces, pero nahuli na ang paghahabol nila, nakuha ng Motolite lahat ng stats..
Set 2, 21-25, balik ang starters ng BanKo, Doromal for de Jesus, sila naman ang unang nakaagwat, pero nabaliktad ng Motolite ang sitwasyon pagpasok ng 2nd technical time-out, dikitan at palitan ng kalamangan, na-activate si Flora, Tempiatura sa service at back row defense, at naagaw nga ng Motolite ang set dahil sa kanilang 15 attacks..
Set 3, 25-19, dikitan ang laban, Gopico for Doromal, Tempiatura sa service at back row defense, nakaagwat ang BanKo after ng 2nd technical time-out, at naitawid nga nila ang set na iyon sa tulong ng 8 big errors ng Motolite..
Set 4, 31-29, unang nakaagwat ang Motolite, BanKo naman ang nakaagwat before ng 2nd technical time-out, Tempiatura sa service at back row defense, naging dikitan at palitan ng kalamangan after ng 20th point, extended set, at muli ngang naitawid ng BanKo iyong set..
Set 5, 17-19, dikitan ang laban, unang nakalamang ang BanKo, de Jesus for Doromal, Molde-mode ang opensa ng Motolite, Cailing in, palitan ng kalamangan sa bandang dulo, Ferrer back, pero Motolite ang nanaig sa huli...

3-2, panalo ang Motolite..
upset loss para sa naghabol na BanKo dahil hindi nila na-maximize ang pagkawala ni Pablo..
5 ang nakuhang panalo ng BanKo mula sa round 1...

Player of the Game si Caloy with 29 points from 26 attacks, 1 kill block, and 2 service aces..
Molde with 24 points, plus 18 digs..
Flora with 17 points na may 4 service aces, plus 18 digs and 17 excellent receptions..
Tolenada with 34 excellent sets, plus 3 points..
para naman sa BanKo..
Tiamzon with 24 points na may 20 attacks and 3 kill blocks..
Gervacio with 21 points, plus 15 digs and 16 excellent receptions..
Roces with 10 points..
Balang with 14 digs and 18 excellent receptions..
pero kahit na tabla sa 31 ang napakawalang errors ng parehong team, eh ang crucial 8 errors ay na-commit ng BanKo sa 5th set lamang...

makikita sa laban na 'to na halos wala namang nagbago sa performance ng BanKo, siguro eh dumami lang ng konti ang errors nila..
nandun pa rin kasi ang volume scoring nina Tiamzon at Gervacio, with support..
pero nanaig ang Motolite dahil sabay-sabay na sumabog ang performance ng 3 nilang Outside Hitters, na rare pa na mangyari for them...

is feeling , great game para sa Air Force.. bad game for BaliPure.. may magandang pa-birthday naman kay Pablo ang Motolite...

-----o0o-----


September 8, 2019...

hindi ba nakakatawa yung mga taong naninita ng pagiging omnivore..?
kahit papaano eh natural naman kasi nang di hamak yung pagiging omnivore para sa ibang mga nilalang..
kesyo mag-herbivore na lang daw ang lahat...??

kesyo may pagpapahalaga DAW sila sa buhay..?
pero kung totoo yun, edi sana maging mga halaman eh hindi nila kinakain..
eh may mga buhay rin ang mga yun eh...

wala ring karapatan na maging pro-life kuno yung mga taong peste ang tingin sa mga maliliit na nilalang..
ang emosyon at yung mga reaksyon na kagaya lang naman nun ang basehan ng pagiging pro-life kuno nila...

nakakatawa yung mga tao na ginagamit ang science and technology bilang excuse para igiit na kaya nung baguhin yung mga bagay na natural..
samantalang tutol at kinukuwestiyon nila ang ilang bagay na natural na...

mag-isip-isip din sana sila..
sa tingin ba nila na makabubuti talaga para sa mundo ang sobrang healthy na lifestyle ng sangkatauhan combined with population explosion...??

is feeling , mind bias...

---o0o---


September 9, 2019...

[TV Series]

Pamilya Ko

nakakatuwang makita na magkasama ulit sina Teresita at Abby ng Be Careful With My Heart..
at sina Mommy Glo at Y ng The Greatest Love..
mag-iina na sila ngayon...

maganda yung bagong TV Series..
tungkol sa hindi pagiging perpekto ng pamilya at ng bawat miyembro nito...

is  feeling , na-miss kong mapanood si Kira Balinger...


>
took me 9 days bago matapos yung editing ng project #13..
bumagal compared sa project #12...

71 days sa 3D..
16 days sa photoshop..
87 days lahat-lahat..
bale inabot ng halos 3 months...

is feeling , not bad para sa 2 project...

---o0o---


September 10, 2019...

[TV Series]

The Killer Bride

kay Tatiana naka-focus ngayon ang imbestigasyon..
may assumption na posibleng kay Javier ang batang ipinagbuntis niya noong 17 y/o pa lang siya..
so kapag nagkataon, ay sila talaga yung mga unang Dela Cuesta at Dela Torre na nagkaroon ng relasyon (o parang kagaya nun) after nung original crime..
bukod dun, ay pinaghihinalaan rin siya dahil sa pagkakaroon niya ng relasyon sa miyembro ng sindikato..
at dahil sa kaugnayan niya dun sa tattoo clue...

pero alisin muna ulit natin yung paranormal aspect..
dahil naka-damit pangkasal iyong multo daw na nakita nung matandang inatake sa puso..
at dahil Killer Bride rin ang dating nung umatake naman dun sa pekeng albularyo, na ginamitan pa siya ng natural o herbal drugs..
eh lumalabas yung posibilidad na kagaya sa Altagracia, eh maaaring may gumagamit sa katauhan ng Killer Bride para sa pansarili nilang kapakinabangan..
kagaya kung paanong maraming characters sa Altagracia ang nagpanggap bilang Ang Babae ni Hudas para pumatay ng kani-kanilang target...

theory #8 - na may ibang tao o grupo, bukod kina Camila, na ginagamit yung istorya at katauhan ng Killer Bride para gumawa ng sarili nilang mga krimen...

is feeling , tapos may matandang puno pa bilang clue...


>
[TV Series]

Pamilya Ko

may element nga pala siyang kinuha mula sa The Greatest Love..
yung pagkikimkim ng galit o sama ng loob sa kapamilya...

sa kaso ni Lizelle sa The Greatest Love, sinisisi siya ng kanyang half-sister at ng isa niyang half-brother dahil sa aksidente na ikinamatay ng kanilang rapist na biological father, na adopted father lang ni Lizelle..
sa kaso naman ni Chico ng Pamilya Ko, eh sinisisi siya ng iba niyang kapamilya dahil sa aksidente na ikinamatay ng isa sa mga kapatid niyang lalaki...

is feeling , natawa ako dun sa killer ants...


>
[TV Series / Cuties]

Maskman

naalala ko lang yung favorite ko na Sentai TV series from the 90's..
nasurpresa nga ako noong nag-research ako about it, at nalaman ko na noong late 80's pa pala talaga siya nagawa...


costume ng Maskman ang pinaka-favorite ko sa lahat ng Sentai..
sunod lang sa kanya yung Power Rangers Ninja Storm, na may concealable frontal mask..
astig kasi yung design at yung mga helmet nila..
sila yung kauna-unahan na napanood ko na may hikaw yung helmet nung mga babae...


nagustuhan ko yung series dahil dun sa main plot; na may love story, politics, at betrayal..
bukod dun, eh dahil hindi siya mukhang masyadong retro, di tulad ng mga kasabayan niyang Sentai series noon..
especially pagdating sa mga buhok..
kaya naman kahit na luma, eh na-crush-an ko pa din yung mga bida na sina Mary Rose (Pink Mask, yung may long hair) at Eloisa (Yellow Mask, yung may short hair)..
yung pangalan na lang nila sa Filipino version ang gamit ko...


ito naman ang pambato ng mga kalaban pagdating sa kagandahan..
si Prinsesa Igamu, na nabuhay bilang isang lalaki o prinsipe...


at ang kakambal ni Prinsesa Igamu na si Rio sa mundo ng mga tao, o Prinsesa Iyaru (na baduy ang costume, LOL)..
recently ko rin lang nalaman na iisang aktres lang pala ang gumanap sa parehong role..
kaya pala parehas din yung taling nila..
so habang inaakala ko noon na hindi nagtatrabaho yung aktres ni Rio dahil frozen yung prinsesa, iyon pala eh busy siya sa pagganap bilang si Prinsesa Igamu...

is feeling , classic...

---o0o---


September 13, 2019...

[Movie]

Avengers: Endgame

yung pakiramdam na 8 hours akong nanonood at nagre-review ng halos 3 hours (minus credits) na Endgame..
pero dahil sa sobrang puyat ko..
eh na-overwrite ko yung isinulat ko dahil sa baliktad na pagba-backup ng file...

anyway, gagawa na lang ulit ako ng mas maikling version...

kasalanan talaga ni Thanos kung bakit nagkaroon ng butas yung grand plan niya..
nagmadali siyang sirain ang Infinity Stones para makaiwas sa temptation..
kaya hindi niya naprotektahan ang ultimate goal niya para sa universe...

dahil sa theory ni Ant-Man na base sa experience, nagkaroon ng Quantum Travel na technology ang Avengers..
at posibleng may mga nagulo sila sa time space continuum..
lalo na dahil nagkaroon sila ng direct interaction sa mga nanggaling sa ibang panahon...

ang technology naman ni Nebula ang naging butas para mangyari iyong second war..
pero siyempre, kasama na talaga iyon sa future na nakita noon ni Dr. Strange...

ang importante..?
eh nakabalik na sina Maximoff at Wasp..
naging okay rin nga yung form ni Captain Marvel, pero noong 5 years earlier lang, yung long hair version na naka-civilian..
mas okay naman yung actress ni Nebula kesa dun sa mismong character...

ang astig nung all-female squad..
though hindi na talaga sila nakumpleto dahil sa pagkamatay ni Romanoff... :(

pinatunayan nung Endgame na malakas talaga si Thanos kahit na wala siyang Infinity Stones..
kaya niyang makipagsabayan laban kina Captain America, Iron Man, at maging sa god na si Thor..
though posibleng naging weakness ni Thor yung chubby form niya during Endgame..
walang naging rematch ni Thanos at Hulk, dahil una nang naisakripisyo ni Hulk ang isa niyang braso para maibalik ang lahat ng mga naunang naglaho..
pero no match si Thanos sa 2 Avengers kung wala siyang hawak na Infinity Stone..
una ay laban sa psychic ability ni Maximoff..
at ikalawa ay laban kay Captain Marvel..
inilamang lang ni Captain Marvel kay Maximoff yung kakayahan niya na mabuhay at mag-travel sa outer space...

para sa death list ng mga mandirigma:
  • namatay sina Heimdal at Loki mula sa hanay ng mga Asgardians
  • si Gamora para sa hanay ng Guardians of the Galaxy (though naiwan yung Past Gamora sa timeline ng Endgame)
  • Vision (kawalan siya dahil Infinity Stone-based ang buhay at kapangyarihan niya)
  • Romanoff (hindi malakas, pero kawalan siya sa all-female squad)
  • Iron Man (kawalan siya dahil sa lakas ang Iron Man suit, at dahil sa continuously improving technology niya)
  • Captain America (not necessarily namatay, pero matanda na para makalaban pang muli)

para naman sa timeline flaw..
nakagawa nga sila ng interactions sa mga characters na mula sa ibang panahon, kaya posibleng may maging epekto iyon sa ibang timeline..
naging future ng nag-time travel na Black Order ang events sa Endgame, so posibleng may epekto iyon sa timeline kung saan sila nawala..
proof si Past Gamora na hindi basta-basta na-cancel yung existence ng Black Order sa timeline ng Endgame..
ganun din sa case ni Rogers..
pinili niyang mamuhay sa nakaraan, so basically nagkaroon ng 2 Rogers sa panahon na iyon kung kailan frozen pa yung isa niyang katauhan..
ang biglang existence ng matandang Rogers ay proof din na may nabago sa timeline nila...

is feeling , great ending para sa isang era...


>
tapos na sa promotional items kahapon..
mag-o-organize na ulit ng mga files..
tapos backup..
bago mag-proceed sa panibagong project...

is feeling , pwede ba akong magbakasyon...??


>
[Manga Theory]

so tama na yung theory #2 ko..
pinakawalan nga ni Zoro ang Shusui..
at paulit-ulit din na nababanggit yung tungkol sa pagko-convert ng mga espada into a black blade...

pero hindi Nidai Kitetsu ang natanggap niya..
malakas yung Enma, pero parang daya yung nangyayari..
auto-Haki kasi yung ability nung katana..
so hindi pa rin siya kagaya kung iyong user lang mismo ang maglalagay ng Haki dun sa blade...

pero nakakatuwa na iisang Shimotsuki na swordsmith lang ang nagpanday sa Wado Ichimonji at sa Enma...

is feeling , anong magiging silbi ng Nidai Kitetsu...??


No comments:

Post a Comment