Friday, September 13, 2019

Freedom for Evil (Part II)

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


bistado na..
pero nagtuturo pa..
at nililinis pa rin ang pangalan ng mga kaalyansa... :(

nakakatakot lang kung paanong ginagapang nila ang paraan para mapalaya ang kanilang mga kakampi..
pero anong dahilan..?
para wala nang magsiwalat ng iba pang mga pangalan...??

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html

update ulit (503 + 501 + 26 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pangmamaliit kaagad sa mga kababayang atleta
  • yung nag-offer ng bounty laban sa ibang napalaya ng palpak na sistema
  • yung paninisi sa dating administrasyon kahit na ang pag-abuso sa sistema eh tao nila mismo ang may kagagawan, at sila mismo ay batid na may mga nagre-request upang magamit nga ang kahinaan nung sistema na iyon

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG na bukod sa nakunan na ng video habang gumagamit ng ilegal na droga ay nahuli pa sa entrapment operation dahil sa pagiging pusher
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation malapit sa may New Bilibid Prison daw
  • sa Bacoor City, Cavite, yung Barangay Tanod na kasamang naaresto dahil sa pagtitimbre ng drug raid
  • sa Iloilo City, yung Jail Guard na nanutok ng baril sa bar
  • yung pulis na nambugbog ng Traffic Enforcer sa daan dahil naabala daw siya ng panghuhuli nito
  • sa Manila, yung lolo na namatay matapos na mabangga ng motor na minamaneho ng isang pulis na lasing daw at mabilis magpatakbo
  • sa Muntinlupa City yata iyon, yung teacher na nakunan ng video na nananampal ng mga estudyante

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • .....

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG, na dati nang naalis sa serbisyo dahil din sa involvement sa ilegal na droga pero nagawang makabalik noong 2017 sa pagiging pulis
  • yung wala ng halaga ang mga karton para sa mga mangangalakal
  • yung pagbaba ng presyo ng bentahan ng lokal na palay
  • yung nakapasok na ang African Swine Fever (ASF) sa bansa
  • yung balik operasyon na kaagad yung mga ipinatigil na laro ng PCSO, maging yung mga pinagdudahan na laro
  • yung paglilipat ng mga Criminal Witnesses sa ibang facility (na hindi kulungan) noong June 2019 pa
  • yung mga opisyales at dating opisyales na hiningan ng sulat at tulong nung pamilya nung convicted na rapist-murderer
  • yung ayon sa record, na qualified ang NGO Queen sa paggamit ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), at rape ang kaso niya
  • yung mga opisyales na isinasali ang mga kriminal na convicted for committing heinous crime sa nakagagamit ng good conduct time allowance
  • yung libu-libo na DAW na convict na sangkot sa heinous crimes ang napalaya na dahil sa maling paggamit ng good conduct time allowance
  • yung lumalabas nga na for sale pa yung Good Conduct Time Allowance sa bilangguan, ang access ng mga kontrabando papasok, at maging mga medical documents daw
  • yung mga medical personnel ng New Bilibid Prison Hospital na kasabwat sa mga kalokohan ng mga bilanggong kriminal

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa El Nido, Palawan, yung Forest Ranger na napatay sa pananaga ng grupo ng mga illegal loggers
  • yung palusot nung pamilya nung convicted rapist-murderer na kesyo nawala na daw yung mobile phone at number na magagamit sana bilang ebidensya
  • yung 2 Imperial citizens na nahuli dahil sa pagmamaneho ng lasing, at wala pang lisensya
  • yung apology nung nambangga na Imperial vessel na may timing
-----o0o-----


September 9, 2019...

yung balik operasyon na kaagad yung mga ipinatigil na laro ng PCSO..
maging yung pinagdudahan na laro...

is feeling , wala.. ginawa nga lang pampasikat move para tabunan ang ibang issue noon...


>
yung nakapasok na ang African Swine Fever (ASF) sa bansa...

paano kaya nakalusot yung pasaway...?

is ⚠ feeling , hindi rin nga umubra yung ginawa nilang paghihigpit...


>
yung lumalabas nga na for sale pa yung Good Conduct Time Allowance sa bilangguan..
ang access ng mga kontrabando papasok..
at maging mga medical documents daw...

tapos ang gusto nila eh nasa Php 300 Million worth ng signal jammer..?
katumbas na yun ng nasa 30,000 na medyo advance na signal jamming device eh...

is feeling , pero inosente pa rin daw ayon sa Hokage na Mahilig...

---o0o---


September 10, 2019...

sa Manila..
yung lolo na namatay matapos na mabangga ng motor na minamaneho ng isang pulis..
lasing daw iyong pulis at sobrang bilis pang magpatakbo ng motor...

is feeling , paspas sa kalokohan...


>
[Natural Calamities]

dobleng rasyon para sa araw na 'to..
2 Oriental ang tinamaan...

yung una..
nasa Magnitude 4.7 to 4.9 na nag-originate sa area ng Oriental Mindoro..
tapos..
nasa Magnitude 5.6 to 5.8 naman na nag-originate sa may area ng Davao Oriental...

is feeling , regular na supply ng mga significant...


>
totoong maraming butas yung sistema simula noong maisulat iyon..
pero maganda yung punto nung isang idinadawit sa kapalpakan ng kasalukuyang pamunuan...

Good Conduct Time Allowance..
naroon na mismo sa term yung dapat maging basehan ng time allowance..
kaya ang tanong ay nagpakita nga ba ng good conduct ang lahat ng pinalaya nila...?

o qualified ba na good conduct ang pagiging mabuting kaalyado..?
o good conduct ba na maituturing ang pagbibigay ng pera kapalit nung pabor na iyon...??

is feeling , sila pa ngayon ang mga inosente...


>
yung mga medical personnel ng New Bilibid Prison Hospital na kasabwat sa mga kalokohan ng mga bilanggong kriminal...

is feeling , mga malalaki ang kita na uhaw na uhaw pa rin sa pera...


>
sa Bacoor City, Cavite..
yung Barangay Tanod na kasamang naaresto dahil sa pagtitimbre ng drug raid...

is feeling , protektor...

---o0o---


September 11, 2019...

yung qualified ang NGO Queen sa paggamit ng Good Conduct Time Allowance (GCTA)..
at rape ang kaso niya ayon sa record... :(

una..
nakakalungkot makita na para sa pamunuan na 'to eh qualified talaga ang mga may kaso ng rape sa paggamit ng GCTA, at least base sa listahan na ipinakita...

pero ang mas nakakabahala ay ang plano ng alyansa na palayain rin ang NGO Queen..
matapos si The True One..
matapos si Kap..
iyon pala ay isusunod rin nila ang mismong NGO Queen..
kapalit ng ano..?
ng pananahimik at hindi na pagtuturo...??

is feeling , alyansa ng kasamaan...

---o0o---


September 13, 2019...

[Natural Calamities]

meron na ulit kaagad for this week..
nasa Magnitude 5.5 na nag-originate sa may Quezon...

is feeling , kaagad...


No comments:

Post a Comment