Loveless Story
September 30, 2019...
may 63rd (61st) retirement na..
mula sa isang hindi kaaya-ayang pangyayari eh..
wala man lamang explanation...
bad for them..
bata pa naman, palaban, at sobrang daring..
2nd retirement na niya...
umakyat pa sa 43 ang nahahanap ko..
the same story; nakita ko na dati, hindi ko naman pinagdudahan, tapos kanina ko lang na-realize na bahagi din pala siya ng grupo..
tapos 1 hindi ko alam ang alias..
1 hindi ko pa nabe-verify ang role..
2 background personnel..
at 1 suspected member...
is feeling , wala pa rin...
---o0o---
October 1, 2019...
confirmed..
buntis na nga si Miss H..
nadali ng sabik na seaman...
so 3 na silang nanay..
mas humihirap pa lalo na makalapit sa kanila...
is feeling , kung mayaman lang sana ako.. matagal nang tapos yung 'sorry' na 'yon...
---o0o---
October 3, 2019...
nagbigay na ng mga possible date si Nina North..
pati ng possible time...
yun nga lang..
talagang wala akong makuhang kahit na anong klase ng response mula kay Jackie Rice...
is feeling , baka naman...
---o0o---
October 4, 2019...
distracted..
ganito naman parati ang sitwasyon kapag hindi ako sigurado kung may inaasahan ba ako o wala...
sumagot na si Jackie Rice..
very poor communication..
SMS..
messaging app..
forum..
tinawagan na..
ilang iba't ibang araw din yun..
pero tipid na tipid sa sagot..
hindi pa daw siya nakakabalik sa NCR..
kung hindi pa ako nagmakaawa eh hinding-hindi magre-reply eh...
sinubukan ko na rin kanina makipag-usap kay Miss Pal..
walang sagot sa mga messages..
pero sumasagot naman sa tawag..
yun lang, hindi ako masyadong makatawag nang makatawag dito sa bahay dahil umaasa na lang nga ako sa loudspeaker...
is feeling , may pag-asa pa ba...??
>
may 64th (62nd) retirement na rin kaagad..
yung highly artificial...
is feeling , hindi importante...
-----o0o-----
[V-League]
PVL Season 3 - Open Conference
September 28, 2019...
Motolite versus BanKo
average ang crowd ng Motolite..
may UP versus UP...
Set 1, 21-25, Pablo, Layug, and Ramos starts, Libero na si Sindayen, palitan kaagad ng kalamangan, Tempiatura serves, double substitution ng BanKo, Tan serves and for back row defense, Flora for Pablo, nanaig ang BanKo dahil sa kanilang 16 attacks..
Set 2, 19-25, Gannaban for Layug at activated kaagad siya sa simula, nakakuha ng early lead ang Motolite, Cailing in, Ferrer back, nabigyan ng yellow card si Tolenada, nakuha ng BanKo ang kalamangan before ng 2nd technical time-out, activated si Pablo, Tan serves, Flora for Pablo, pero nakuha ng BanKo lahat ng stats..
Set 3, 21-25, Layug starts for Ramos, dikitan ang simula, lumamang ang BanKo before ng 1st technical time-out, Flora for Pablo, Cailing in, Tempiatura serves, Ferrer back, Tan serves, Gannaban back, at naitawid naman ng BanKo iyong set...
3-0, panalo ang BanKo..
naging 1-1 naman ang record nila ng Motolite...
Player of the Game si Roces with 13 points from 9 attacks, 1 kill block, and 3 service aces..
Gervacio with 20 points from 19 attacks and 1 service ace..
Tiamzon with 12 points from 10 attacks and 2 kill blocks, plus 12 digs..
Ferrer with 30 excellent sets, plus 1 service ace point..
Balang with 13 digs and 15 excellent receptions..
para naman sa Motolite..
Caloy scored 14 points from 11 attacks and 3 kill blocks..
Pablo with 10 points..
Molde also with 10 points, plus 10 digs and 6 excellent receptions...
nagpalakas ng floor defense ang BanKo..
as much as triple Libero na may double Setter...
BaliPure versus Chef's Classics
NCAA versus NCAA..
masusubukan na ang naging improvement ng Chef...
ang 10th 5-setter match ng conference..
2nd para sa Chef..
3rd para sa BaliPure...
Set 1, 25-21, Mendoza and Delos Santos starts, Lapid starts for Chef, nakakuha ng early lead ang BaliPure, Tiu for Lapid, Bangad for J. Viray sa harap, Pielago serves for Oliveros kaso error, Peña serves, late nagamit ng Chef ang strongest lineup nila, nanaig ang BaliPure sa tulong ng 11 huge errors ng Chef..
Set 2, 23-25, Tiu and J. Viray starts, maagang nakahabol ang BaliPure, palitan ng kalamangan, nakaagwat ang Chef after ng 2nd technical time-out, Peña serves, pero naputol ng error ang paghahabol ng BaliPure, nanaig ang Chef dahil sa kanilang 14 attacks plus 8 opponent errors..
Set 3, 25-23, maaga ulit nakahabol ang BaliPure, madalas na lamang ang Chef, dikit nang dikit ang BaliPure, activated si Espiritu, nakalamang ang BaliPure after ng 21st point, Peña serves, naagaw ng BaliPure ang set dahil sa kanilang 18 attacks..
Set 4, 17-25, unang nakaagwat at nakalayo ang Chef, Racelis for Tubiera, balik kaagad si Tubiera, Pielago serves for Oliveros, Guillema down dahil sa cramps, Gual in, lumamang ang Chef sa tulong ng 11 huge errors ng BaliPure..
Set 5, 17-15, Pielago serves for Oliveros, unang nakaagwat ang Chef, Guillema back, nakadikit ang BaliPure, Peña serves, extended set, N. Viray down dahil naman sa sprain, Bangad in, at naagaw nga ng BaliPure yung set...
3-2, panalo ang BaliPure..
upset loss para sa Chef's Classics..
nagtapos sa 2-0 ang record ng BaliPure laban sa kanila..
wala pang naipapanalo ang Chef sa mga 5-setter match nila...
Player of the Game si Bombita with 27 pure attack points..
Tubiera with 15 points, plus 17 digs and 14 excellent receptions..
Espiritu also with 15 points..
Guillema with 36 excellent sets, plus 2 points..
Medina with 17 digs and 14 excellent receptions..
para naman sa Chef's Classics..
Tiu scored 23 pure attack points..
N. Viray with 19 pure attack points, plus 20 digs..
J. Viray with 13 points..
Angeles with 29 digs and 17 excellent receptions...
hindi na kinailangan ng BaliPure si Salamagos..
unfortunately, kinapos pa rin ang Chef's Classics..
okay na yung lineup nila ngayon, pero may ilalakas pa..
Bangad for J. Viray sa harap...
is feeling , nice small adjustment para sa BanKo.. great effort naman para sa parehong BaliPure at Chef's Classics...
---o0o---
September 29, 2019...
Army Troopers versus ChocoMucho
good crowd..
nakabalik na pansamantala ang mga galing sa National Team...
ang 11th 5-setter match ng conference..
3rd na para sa Army..
6th naman para sa ChocoMucho..
at 2nd time na nilang magharap sa isang 5-setter match...
Set 1, 20-25, Gonzaga starts, Santos and Palec starts for ChocoMucho, unang nakaagwat ang Army, Berte for Santos, nakalamang ang ChocoMucho after ng 2nd technical time-out, double substitution ng Army pero ibinalik rin kaagad, naagaw ng ChocoMucho ang set dahil sa kanilang 5 service aces plus 8 opponent errors..
Set 2, 25-17, Berte starts, Bicar starts for Army, maaga silang nakahabol sa ChocoMucho at nakaagwat, Imbo in, Bautista serves for Tubino, Sandoval and Ticar in, pero nakuha ng Army ang lahat ng stats..
Set 3, 25-21, unang nakaagwat ang ChocoMucho, Imbo for Berte, nakalamang ang Army after ng 1st technical time-out, double substitution nila, Ticar serves, dikitan sa bandang dulo, BDL in sa tabi ni Madayag sa harap, Bautista serves, nanaig ang Army dahil sa kanilang 15 attacks and 2 service aces kontra sa sarili nilang 13 huge errors..
Set 4, 11-25, maagang nakalayo ang ChocoMucho, Teope for Malaluan sa harap pero ibinalik rin kaagad, double substitution ng Army, halos na-overkill ng ChocoMucho ang Army dahil sa kanilang 13 attacks and 4 kill blocks plus 8 big opponent errors..
Set 5, 8-15, unang nakaagwat ang ChocoMucho, double substitution nila, at nahirapan nang makadikit ang Army...
3-2, panalo ang ChocoMucho..
nakakadalawa na silang panalo sa 5-setter matches nila..
1-1 na ang record nila laban sa Army...
Player of the Game si Tolentino with 24 points from 22 attacks and 2 kill blocks..
Madayag with 14 points from 10 attacks, 2 kill blocks, and 2 service aces..
Pineda with 22 digs and 13 excellent receptions..
para naman sa Army Troopers..
Tubino scored 16 points, plus 11 excellent receptions..
Gonzaga with 15 points, plus 17 digs..
Gutierrez with 11 points..
Balse with 8 points na may 3 kill blocks..
Malaluan also with 8 points na may 2 kill blocks..
kaso nagpakawala sila ng 42 huge errors kontra sa 24 lamang ng ChocoMucho...
upset loss para sa Army..
maganda ang distribution ng points nila..
kaso nadali ang Army ng sarili nilang errors..
magiging bangungot 'to para sa kanila kung sakaling kapusin sila para sa Semifinals...
Creamline versus Air Force
nakapahinga si Morado..
masusukat ang improvement ng Air Force laban sa Negrito-led Creamline...
Set 1, 25-15, Negrito and Cayetano starts, Cabalsa starts for Caballejo, unang nakaagwat ang Air Force, lumamang ang Creamline after ng 1st technical time-out, Nuval for Pantino, Papa in, Semana back, Baldo for Cayetano, inilamang ng Creamline ang kanilang 17 attacks plus 7 opponent errors..
Set 2, 25-16, Nuval for Cabalsa, nakakuha ng early lead ang Creamline, Sabas for Pantino, nakadikit pa ang Air Force, pero muling umagwat ang Creamline before ng 2nd technical time-out, Papa and Cabalsa in, Domingo in, inilamang ng Creamline ang kanilang 15 attacks and 3 service aces..
Set 3, 25-18, Cases starts na ulit, una pa ring nakaagwat ang Creamline, Baldo for Cayetano, Domingo for Soriano sa harap, at kinapos pa rin nga ang Air Force...
3-0, panalo ang Creamline..
2-0 na ang record nila laban sa Air Force...
Player of the Game si Negrito with 24 excellent sets, plus 5 points..
Galanza with 21 points from 18 attacks and 3 service aces, plus 18 digs and 10 excellent receptions..
Gumabao with 15 points from 13 attacks and 2 service aces..
Atienza with 22 digs..
para naman sa Air Force..
si Cabalsa lang ang umabot sa double figures with 10 pure attack points..
Palomata limited to only 9 points from 8 attacks and 1 kill block..
bukod sa nalimitahang attacks, ay nagpakawala din sila ng 20 errors in 3 sets...
ipinakita ng Creamline ang agwat ng secondary setting level nila laban sa Air Force..
kahit na wala si Morado, at hindi maggagawa si Baldo, eh nandun pa rin yung reliable na attack variations nila..
dagdagan pa ng magandang floor defense dahilan kung bakit hindi basta-basta maka-score laban sa kanila ang Air Force...
is feeling , bad game for Army, kinontra sila ng sarili nilang errors.. thank you naman ulit kay Negrito at sa Creamline sa pagdadagdag ng panalo kina Morado at Galanza...
---o0o---
October 2, 2019...
Motolite versus ChocoMucho
average ang crowd...
Set 1, 25-19, Santos starts, Pablo starts, unang nakaagwat ang Motolite, Imbo for Santos, Tempiatura serves, Flora serves for Pablo, lumamang ang Motolite dahil sa kanilang 14 attacks plus 10 big opponent errors..
Set 2, 21-25, Berte in, si Ponce lang ang nagli-Libero para sa Motolite, unang nakaagwat ang ChocoMucho, nakagawa ng late chase ang Motolite, Flora for Pablo sa likod, Emnas serves, pero kinapos ang Motolite sa bandang dulo dahil na rin sa kanilang errors, nanaig ang ChocoMucho dahil sa kanilang 13 attacks plus 9 big opponent errors..
Set 3, 15-25, nakakuha ng early lead ang ChocoMucho, Flora for Molde sa likod, Emnas in, Gannaban for Layug, Molde back sa harap, Tolenada back, pero nakuha ng ChocoMucho lahat ng scoring stats..
Set 4, 26-28, Gannaban starts, una pa ring nakaagwat ang ChocoMucho, Flora for Pablo sa likod, na-activate si Molde, Pablo back sa harap, dikit nang dikit ang Motolite, Tempiatura serves, nagawa pang lumamang ng Motolite late in the set, Ticar serves, Sandoval for Masangkay, extended set na palitan ng kalamangan, pero ChocoMucho pa rin ang nanaig sa huli...
3-1, panalo ang ChocoMucho..
naging 1-1 rin ang record nila laban sa Motolite...
Player of the Game si Tolentino with 27 points from 22 attacks, 4 kill blocks, and 1 service ace..
Madayag with 15 points from 12 attacks and 3 kill blocks..
Palec with 13 points..
Gequillana with 9 points, plus 21 digs..
Pineda with 33 digs and 21 excellent receptions..
para naman sa Motolite..
Pablo scored 14 points..
Molde also with 14 points from 12 attacks and 2 service aces..
Caloy with 12 points, plus 24 digs..
Ponce with 28 digs and 11 excellent receptions...
na-check ng blocking ng ChocoMucho ang opensa ng Motolite, plus yung nandun na talaga na floor defense nila..
si Berte talaga ang best option ng ChocoMucho para sa kanilang 3rd wing attacker...
Angels versus Chef's Classics
nagpakulot si Panaga...
Set 1, 25-21, Tiu and Pielago starts, wala si N. Viray, dikitan ang laban, Gabriana in, nakaagwat ang Angels before ng 2nd technical time-out, Lapid serves for Oliveros, double substitution ng Angels, inilamang ng Angels ang kanilang 13 attacks and 3 service aces kontra sa sarili nilang 12 huge errors..
Set 2, 25-14, nakakuha ng early lead ang Angels, Bangad in, Matias in, nababad sina Baloaloa at Cheng, de Jesus serves for Chef kaso error naman, nakuha ng Angels lahat ng stats..
Set 3, 25-12, Baloaloa and de Leon starts, Lapid and Cuevas starts for Chef, una ulit nakaagwat ang Angels, Tongco for Juanillo, Bangad for J. Viray, pero naiwan pa rin ang Chef...
3-0, panalo ang Angels..
nagtapos sa 2-0 ang record nila laban sa Chef's Classics...
Player of the Game si Nunag with 10 points from 4 attacks, 4 kill blocks, and 2 service aces..
Sabete with 12 points from 9 attacks and 3 kill blocks, plus 12 digs..
Prado with 10 points from 6 attacks and 4 service aces..
wala namang umabot sa double figures para sa Chef's Classics..
J. Viray scored only 7 pure attack points, plus 9 digs..
Angeles with 17 digs and 8 excellent receptions...
more on errors lang ang kinalaban ng Angels today, 23 errors in 3 sets..
ang weird na pinalitan si Cuevas kung kailan dikitan naman yung laban..
pangit na naman ang balasahan ng Chef, bukod pa sa wala si N. Viray...
is feeling , bad game for Motolite, nahuli yung adjustment nila.. experimental match na naman para sa Chef's Classics...
---o0o---
PVL Season 3 - Collegiate Conference (Semifinals)
October 2, 2019...
parehas na extended sa Game 3 ang labanan sa Semifinals...
is feeling , UST versus AdU dapat...
-----o0o-----
September 29, 2019...
first time kong makatikim ng Soju..
pero flavored..
Jinro Green Grape...
hindi pala 'to maganda sa date kasama ng ke-K-Pop-in na Koreana..
konting shot at may mahinang hilo na kaagad ako... XD
is ⚠ feeling , Korean Beef na lang pala ang sa akin...
---o0o---
October 1, 2019...
yung savings ko na dati eh kayang kumita ng Php 100 in 3 months..
ngayon eh kailangan nang maghintay ng nasa 6 months bago makabuo ng Php 100... :(
is feeling , kailangan ko nang magtayo ng strip bar na business...
|
>
[Manga]
One Piece
nasa 12 years ang pagitan ng pagiging Pirate King ni Gol D. Roger at nang pagharap nila ni Monkey D. Garp laban kay Rocks D. Xebec..
hindi eksakto yung numero..
una, dahil hindi alam kung kailan nga ba naging Pirate King si Roger..
nasa 24 years ago na ang nakalipas after his death sa simula ng One Piece..
samantalang 38 years ago naman nangyari yung God Valley Incident, na ang narration ay after ng 2-year timeskip pa nangyari...
so far, si Big Mom lang ang masasabing malakas na talaga noon..
dahil kaya na niyang tumalo ng Giant noong bata pa siya..
though hindi alam kung kailan mismo na-activate ang Devil Fruit Ability ni Mother Caramel sa katawan niya...
hindi masasabing sobrang lakas na ni Rocks noon dahil malaking bagay din yung 12 years..
sina Luffy na lang eh malaki ang naging improvement sa loob ng mahigit 2 years..
hindi pa Yonko sina Whitebeard, Kaido, at Big Mom noong napasailalim sila ni Rocks..
at si Roger ay hindi pa din naman Pirate King noon..
parang si Shanks din noong hindi pa siya Yonko, at under pa siya ni Roger..
same goes para kay Garp...
hindi rin naman masusukat ang lakas ni Rocks base sa naging huling bounty ni Roger..
dahil mahigit isang dekada nga ang nakalipas bago pa siya namatay..
dahil binura sa history ang tungkol kay Rocks, na posibleng nakaapekto sa bounty ni Roger..
at dahil kakampi niya noon si Garp laban sa Rocks Pirates, na posibleng nakaapekto rin sa evaluation ng kanyang bounty...
pero sa ngayon..
ang malinaw ay magsasanib muli ang 2 former Rocks Pirate Crew, na parehas nang mga Yonko ngayon..
at parehas nang nasa rurok ng mga lakas nila..
hindi tulad ni Whitebeard na nagkaroon na noon ng medical condition, o ni Garp na tumanda na...
isang panibagong banta sa mundo..
na posibleng hadlangan ng ilang Supernova at ng mga kaalyansa nila..
hindi rin naman naging matunog ang mga pangalan ng iba pang surviving Rocks Pirate Crew, di tulad ng mga naging Yonko..
kaya posibleng kina Kaido at Big Mom na magtapos ang kanilang alamat...
is feeling , ang maliwanag ay wala nang may D. sa kanilang 2...
---o0o---
October 2, 2019...
[TV Series]
The Killer Bride
konting revelations tungkol sa mga Dela Torre..
biktima si Mayor ng pangmamaltrato noon ng kanilang ama, bata pa lang siya eh nakitaan na pala siya ng mga senyales ng pagiging bakla..
ang kanilang ina naman ay walang magawa upang ipagtanggol sila, maging noong panahon na nabuntis si Tatiana..
ilan 'yon sa mga dahilan kung bakit inggit na inggit sila kay Camila, na madali lang napatawad ng kanilang ama sa kabila ng pagkakaroon nito ng relasyon sa kinamumuhian nilang mga Dela Cuesta...
balik sa kasalukuyan..
nag-hire na rin sina Mayor ng video editor para palabasin na edited lang yung lumabas na video scandal niya...
Camila's Killer Bride Mode:
1) yung pagmumulto niya kay Tatiana para alamin kung may kinalaman ito sa naging pagdukot kay Emma
2) ang pananakot niya sa planted na video editor para baliktarin nito ang nauna nitong bayad na claim na kesyo in-edit lang nito yung video scandal nina Mayor
so far eh kaagad-agad din naman na ine-explain ang mga ginagawang pagpapanggap ni Camila bilang ang Killer Bride...
is feeling , 3 versus 2...
---o0o---
October 3, 2019...
[TV Series]
The Killer Bride
okay..
so may duda yung Hepe na Dela Cuesta sa mga suspek na inihaharap nina Mayor Dela Torre...
may nadagdag naman kagabi na clue tungkol sa grupo nung non-Camila na Killer Bride...
Clues:
1) ginagamit nga nila yung katauhan ng Killer Bride
2) may naalala si Emma mula doon sa insidente sa kuweba na anino ng malaking lalaki, bukod pa dun sa Killer Bride
3) Belladonna yung salita na paulit-ulit na sinasabi, nung lalaki yata, na kapangalan nung halamang gamot na ginagamit nung grupo nila
is feeling , 2 grupo ng Killer Bride...
>
tapos na sa SSS at PhilHealth para sa 2019..
8 years pa bago ako makapag-retire..
samantalang more than 2 years na lang ang natitira sa kontrata ko...
bale 6 years pa yung bubunuin ko nang mag-isa...
is feeling , turnuhan...
---o0o---
October 4, 2019...
[Online Marketing]
ano ba yan..?
meron ngang mga willing sumuporta...
kaso dahil sa maya't mayang paggagawa ng mga patakaran para sa mga taga-EU..
eh nagkakaproblema tuloy sa pagbabayad...
mga anak ng..
as much as 25% tax ang sinisingil nila sa mga mamamayan nila..
pero pinapahirap pa nila yung sistema...
is feeling , 5 years pa.. pwede ko nang takasan 'tong basurang mundo na 'to...
---o0o---
October 5, 2019...
lagot na..
tinamaan ako ng lagnat dahil sa pagme-maintain ng body heat..
na sinamahan pa ng masamang panahon...
is feeling , i'm doomed...
No comments:
Post a Comment