Friday, March 31, 2017

Manipulating 2019?

sa opinyon ko, mapagpanggap ang kasalukuyang gobyerno na 'to..
ginagamit nila yung mabubuting tao at ang mga mabubuting adhikain nila bilang front, para kunwari ay may nagagawa naman silang maganda para sa bayan..
at sila naman ay pasimpleng hinuhubog ang mga plano nila..
ginagamit nilang dahilan ang mga bagay-bagay para pagmukhain na may kaguluhan sa loob ng bansa..
yung ibang bagay na pwede na sanang maayos, eh ginugulo rin nila ulit...

uso pa rin ang mga protektor sa panahon ngayon..
yung mga bagay na obvious na, eh pilit pa ring pinagtatakpan..
hindi mo tuloy mawari kung may direkta ba silang kinalaman sa mga gusot na yun..
o kung may supporter o financier ba sila na involved dun sa mga ganung pangyayari, kaya hindi rin nila magawa yung tama para sa bayan...?

sa ngayon, mas obvious ang paghahabol nila para sa higit na kapangyarihan..
kung para kanino o para saan ay hindi pa malinaw..
obvious din ang paglilinis ng mga baho para sa kung sinu-sino...

pero sa opinyon ko lang naman yun...

---o0o---


update ulit (64 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
  • yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
  • yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas 
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • yung pulis na ng rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
  • yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
  • sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
  • yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
  • sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
  • yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
  • sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
  • yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
  • regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
  • dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
  • yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • yung Oplan Cyber Tokhang
---o0o---


March 27, 2017...

nga pala..
may recent na natagpuan na Oar Fish sa may Cagayan de Oro DAW...

mabuti nang handa at nag-iingat...

was feeling , messenger from the deep or not...?

>
regarding sa Barangay Election...

personally, abala nga lang ang tingin ko dun..
dahil halos wala namang mapagpilian na..
kumbaga eh yung sa area namin eh halos walang silbi (ewan ko lang sa ibang mga barangay)...

pero on a national scale - eh importante ito para sa lahat ng mamamayan..
alam naman ng lahat ang silbi ng mga tao ng barangay..
kung ano ang papel nila sa distribution at bentahan ng 4Ps..
at more importantly, kung ano ang papel nila sa mga higher level ng election...

obvious naman yung plano nila eh..
hindi talaga yun tungkol sa drugs..
lagi lang nilang excuse yung tungkol sa ilegal na droga..
the same reason kung bakit gusto nilang palabasin na everything revolves around drugs..
dahil tungkol talaga yun sa pagmanipula sa halalan for 2019..
dahil madalas na nako-control o naiimpluwensiyahan ang pagboto ng mga tao sa barangay level..
gusto nila na sila na muna ang magluklok sa mga gusto nilang barangay officials, para halos sigurado sila na puros mga tao rin nila ang mabibigyan ng suporta for 2019 - para sa pagpapalakas pa lalo ng kapangyarihan..
yun din yung rason kung bakit 2020 pa ang gusto nilang Barangay Election - para tapos na sa puntong iyon yung marumi nilang plano...

feeling , mga demonyo kayo ng pulitika...

---o0o---


March 29, 2017...

huli na naman si balbon...

ang findings para dun sa pagpatay kay Mayor Espinosa ay murder daw yun, at scripted..
kahit hindi naman imbestigahan yun ay obvious na sadyang pagpatay talaga yung ginawa dun..
mga panatiko lang ang magsasabi na hakbang yun para sa giyera kontra sa ilegal na droga...

kailan pa naging matalinong hakbang ang pumatay ng posibleng witness..?
samantalang yung mga nasa Bilibid noon ay masasaya ang buhay ngayon...

tapos ba-backup-an mo pa rin yung mga taga-tumbang mga pulis na yun..?
nakapatay dahil sa tungkulin o iniatas na trabaho..?
edi extrajudicial killing nga yun - eh murder yung ginawa nung mga tao nyo eh...

pinoprotektahan ninyo sila nang todo..
bakit..?
dahil Marcos yung apelyido nun..?
o dahil may kinalaman kayo sa pagpatay kay Mayor Espinosa..??
kani-kanino bang mga pangalan ang pini-filter ninyo at pinipigilan ninyong lumabas...?

hindi ba na-relate na rin yung pulis na yun sa ilegal na droga..?
kaya bakit ganyan na lang ang level ng kampihan ninyo...??

was feeling , ikaw yata talaga ang protektor ng ilegal na droga eh...?

---o0o---


March 30, 2017...

bad news...

may nadamay na naman sa mga tumbahan..
sa Caloocan din yata yun..
yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nila na drug-related personality daw...

sacrificial lamb na naman...

was feeling , samantalang walang masyadong nababalita na mga vigilante na nahuli o napatay rin...

>
bad news ulit...

sa Las Piñas..
yung opisyales na pulis na nahuli na gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den..
may kinalaman yata siya sa PNP Crime Laboratory...

undercover daw siya doon eh..
pero sinabi nung babae na nahuling kasama niya na sadya ngang nagda-drugs yung pulis...

was feeling , okay lang yan, sagot na ng diyos-diyosan ang ABSOLUTE pardon ninyo!

---o0o---


March 31, 2017...

bad news pa rin...

yung 4 y/o na sinaksak ng magba-balut yata yun..
gumagamit daw ng droga yung tao na yun eh..
nagkataon naman na pulis yung magulang nung bata...

yan na nga ba ang sinasabi eh..
wala kasi talagang sumusugpo sa totoong sources ng ilegal na droga..
halos puros mga ordinaryong pushers at users lang ang hinahabol..
eh yun ngang mga solvent lang ang tinitira eh hindi pa nila ma-control (though hindi naman talaga pwedeng i-regulate yung mga solvent dahil sa tunay na purpose nung mga ganung items), yun pa kayang tunay na sources ng illegal drugs ang mapigilan nila...

parang mga props na lang tuloy yung mga taong pinapatay sa ngayon..
kung may mahuli man na mga laboratory eh mas madalas na wala namang tao (meaning, protektado talaga yung mga manufacturers na yun ng kanilang mga koneksyon)...

eh hanggang ngayon nga eh nagkalat pa rin yung mga pulitiko na protektor, according sa mga mamamayan ng lugar nila..
kapag pulis naman ang involved, hanggang sibak lang sa trabaho, yung iba eh hindi pa nga napaparusahan eh may nakapangako ng absolute pardon..
hanggang ngayon eh halos wala pa ring nababalitaan na itinutumba na mayayaman na gumagamit ng mga higher level ng illegal drugs...

was feeling , andami ninyong hawak na drug lords, hinahayaan nyo pang maitumba yung iba, pero hindi niyo sila mapiga kung sinu-sino pa ang mga katrabaho nila sa labas...?

>
wow, ang genius ng DTI ngayon ah..
hayaan na lang ang mga kompanya na mag-decide ng SRP (suggested retail price) para sa mga produkto...?

tang ina!
sobrang talino nun..
biruin nyo, gustong nilang ibigay na sa mga negosyante yung kakayahan na manduhan ang presyo ng mga produkto nila..
sabwatan na lang ang kailangan at tapos na ang bayan...

yun na nga yung isang purpose kung bakit andun yung Department nila eh..
tapos ayaw na nilang gawin...?

haaay..
mapapaisip ka rin nga talaga kung anong balak gawin ng gobyerno na 'to laban sa bayan at sa mga mamamayan eh...

was feeling , eh kung buwagin na rin kaya yang basurang Department ninyo para makatipid sa pampasuweldo sa mga kagaya ninyo...?


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of March 2017 (Progression)

March 25, 2017...

114 components pa ang ire-review ko para malaman kung saan ba sila nababagay..
sa library ba, sa backup, o sa basurahan...?

was feeling , konti na lang, makakapag-render na ulit ako...

---o0o---


March 26, 2017...

[V-League]

DLSU versus UE

obvious na 'to kahapon..
pero ang ganda rin talaga ng blocking ng UE...


FEU versus UST

base sa updated rankings, mukhang natalo na naman nina Laure at Rondina si Pons..
naman FEU o'!
dinadala nyo hanggang sa 5th Set ang ADMU pero hindi nyo mapabagsak ang mga Tigre...? :(

regarding #8 Galanza..
naman!
according sa page ng Pizza League, eh hindi na magagawang harapin ng current na pinaka-chick na UAAP Volleyball player ang ADMU sa huling laban nila for this season... :(

was feeling , #8 is Love...

>
[Medical Condition]

2 months nang hindi nagsasara yung butas ko... :(

was feeling , kaya pa...

>
nakakaasar talaga 'tong mga miyembro ng Iglesia..
tropa-tropa ng magagandang babae..
pero hindi pa naman din ako sure..
ang alam ko lang eh mga Iglesia yung taga-tapat namin na saradong tindahan..
ewan ko lang kung Iglesia din yung friend niya...

may halo-halo-an sila eh..
minsan andun yung chick na friend o relative yata yun..
tapos nakaka-2 beses na siyang bumibili sa akin..
badtrip kasi parang teaser lang... :(

kasalanan talaga 'to ng mga Manalo eh..
laging gusto eh pakabig lang sila...

was feeling , huwag nga kayong magpakita saken...

>
[V-League]

ADMU versus AdU

Coach Meneses versus AdU ulit ah..
ang bayolente nung 16-0 run..
tama lang yung desisyon ni Meneses na ipaubaya na sa bench ng ADMU yung laban..
iwas-injury na para sa mga key players, dagdag experience pa para sa mga substitute nila...

naman, Galanza!
hindi ka dapat matulad sa ate mo..
sana naman hindi seryoso yung kondisyon niya..
get well soon, para sa laban ninyo against UE..
kailangang makakuha ng panalo ng Lady Falcons...


UP versus NU

ang galing, nice one UP!
naging activated si Bersola ah..
bawi na sila, 1-1..
bonus pa na nasira nila ang record ng NU, at gumanda pa ang sariling record nila..
yan ang sinasabi ko sa inyo NU eh, saka kayo nagkaka-good mood kapag ADMU ang kalaban ninyo...

thank you UP sa pagtalo sa NU!

was feeling , okay rin na hindi nasundan ng malakas na kalaban ang ADMU.. pampatanggal ng bad vibes...

>
sa wakas!
done building my new library..
with 200 plus components..
though may 83 pa akong uncategorized at unused...

will do some test renders starting tomorrow..
tapos saka ako ulit magbubuo ng mga characters from the basic figures...

was feeling , pasundot-sundot na lang yung pag-aayos ng mga lumang files...

---o0o---


March 27, 2017...

kulang na lang eh maibalik ko ang breakfast ko tuwing 5:00 AM gaya noong nasa high school pa ako..
kaso laging 6:00 AM o pasado na nadating yung magpapadensal sa amin..
eh sayang rin naman yung mga bonus na pandesal mula sa suki (considering na ang liit ng pandesal sa panahon ngayon)...

hindi pa rin balanse ang schedule ko sa ngayon..
from 7:00 AM to 4:00 PM (9 hours), tapos 6:00 to 9:00 PM (3 hours)..
since March 15 eh hindi pa ulit ako nakakatulog ng 8 hours or more..
pero enjoy naman..
naka-sleep lang yung unit tuwing lunch, at ngayon ko lang nalaman na talagang RAM lang at LED indicator ang buhay tuwing naka-sleep mode ang desktop, ultimo fan ng power supply eh nakapatay...

pagkatapos ng The Greatest Love, hahatiin ko na nang mas maganda yung working hours ko...

was feeling , render mode...

>
[Emo]

kaso may konting problema...

ayun..
sinusumbatan ako na ayaw ko daw magpagamit ng computer..
eh pinapagamit naman daw nila ako ng mga laptop nila dati..
gusto na namang install-an ng basketball league gaya dati..
ano ako tanga..?
nasa Php 3,000 ang average-level na graphics card, tapos susunugin ko na naman dahil lang sa games..?
hindi rin lang naman yung graphics card yung natutusta kapag ganun kundi pati yung slot niya sa motherboard...

tapos sasabihin nung biological mother na, "bakit hindi mo palaruin naman nang konti"..?
palibhasa walang naiintindihan sa computer electronics..
mga sira ulo!
kung alam niyo lang, ni hindi nga sa akin areng desktop na 'to..
5 years to pay pa 'to...

lagi nyo akong hahanapan ng 5-digit na suweldo..
tapos ngayong may pinu-pursue na naman akong career, ang gusto niyo naman eh makikiagaw pa kayo ng oras para lang sa mga walang kuwentang computer games..
doon kayo sa totoong court maglaro, nang ma-exercise kayo...

tapos kailangan parati na sarado ang lahat kapag wala ako sa bahay..
tigil ang benta sa tindahan..
bakit..?
dahil gustong pasukin ang kuwarto ko at pakialaman yung computer...

tutal balak niyong ikuha ng pangalawa at mas high-tech na laptop yung ECE student..
edi dun kayo mag-games sa laptop niya..
magsawa kayo sa 2 laptop..
basta huwag ninyo akong idamay sa pagsasayang ninyo ng pera at gamit...

was feeling , manunumbat pa eh...

>
[TV Series]

The Greatest Love 

inaayusan na ang mga babae..
sinubukan ni Lizelle na tawagan ang phone ni Amanda, pero cannot be reached ito..
kaya minabuti niya na mag-iwan na lang ng text message; nasa bahay daw ang damit niya, sana daw ay makapunta pa rin siya...

nabati naman ni Z ang kanyang Tito Paeng..
pero wala daw ex- na darating para sa kanya, dahil hindi makakapunta si Sheila..
wala na daw yata talagang gusto sa kanya ang babae..
pero naniniwala pa rin naman siya na darating rin balang araw yung babaeng para sa kanya...

balik sa bahay..
gustong makita ni Gloria ang suot niyang gown sa salamin..
medyo nag-hesitate naman si Mareng Lydia, dahil baka nga kung anong alaala na naman ang magbalik sa kanyang bestfriend..
pero hinayaan pa rin nga niya si Gloria..
sabay sabi sa biyuda na malaya na talaga ito (mas naka-focus yung isip niya sa kasalukuyan niyang kasal)..
tapos ay dumating si Z na may dalang bulaklak para sa kanyang Mommy La, galing daw sa kanyang Daddy Lo..
mas na-excite tuloy si Gloria at dali-dali nang lumabas sa kanyang kuwarto...

dumating na si Peter sa simbahan..
imbitado nga rin talaga yung 3 doktor ni Gloria (kasama yung 1 na taga-San Ildefonso)..
andun rin yung kaibigan at mga scholar ni Mommy Glo mula San Ildefonso..
pati yung presidente ng Women's Club nila eh nakuha rin yatang Ninang..
(pero hindi nag-effort na umuwi si Chad, at matagal na ring wala si Pareng Joma)..
tapos ay sinabihan ng wedding coordinator na magsipaghanda na ang lahat dahil parating na ang bride...

nagbilin si Lizelle sa ina na tandaan lang nito yung mga p-in-ractice nila..
si Mareng Lydia naman ang bahala sa wedding vows ng kanyang bestfriend..
tapos ay ipinaubaya na nila si Mommy Glo sa coordinator...

nire-remind ng wedding coordinator si Gloria tungkol sa mga gagawin niya, nang dumating si Amanda sa simbahan..
noong una ay sumisilip lang ito mula sa malayo...

naglakad na nga si Gloria papasok sa simbahan..
pero napatigil siya sa may bandang gitna, at tinitingnan lahat ng mga nasa paligid niya..
nag-alala ang lahat na baka kung ano yung nangyari sa kanya..
kaya minabuti na siyang sunduin ni Andrei, at niyaya na siya nito sa may altar..
pero bakit daw si Andrei, nasaan daw si Amanda..?
lumapit na rin sa kanya sina Mareng Lydia at Lizelle para kumbinsihin siya na tumuloy na..
lumapit si Amanda sa may pintuan at muling sumilip lamang..
tapos ay nagdesisyon na siyang pumasok sa loob..
tinawag niya ang kanyang ina, at masayang lumingon sa kanya si Mommy Glo..
sorry daw dahil na-late siya..
nagyakapan silang 2, at pinalakpakan sila ng mga tao (madramang entrance nga)..
after that ay sinabihan ni Gloria si Amanda na ihatid na siya nito sa altar, dahil naghihintay na si Peter..
nagpasalamat naman ang biyudo sa panganay ni Gloria dahil sa pagtupad nito sa kagustuhan ng kanilang ina..
magkasama na nga ang 2 ikakasal, tapos ay biglang sinabi ng babae na "ano Peter, pakasal na tayo..?" na parang atat na atat na ito, at natawa tuloy ang lahat...

niyakap naman ni Z ang kanyang ina dahil sa tuwa..
at nagsimula na nga ang seremonya...

kapansin-pansin na ang pangangatal ni Gloria..
inaalalayan na rin siya ni Peter sa pag-intindi ng mga tanong ng pari, at pati sa pagsagot sa mga ito..
nang pumasok na ang Ring Bearer na si Z, ay na-recognize naman ito ng kanyang Mommy La bilang si Totoy Pogi...

oras na para sa wedding vows nila..
si Peter na muna ang nagsimula..
aalagaan daw nito si Gloria at ang anak nila, kasama na rin ang mga anak at apo ng babae, dahil isa na silang pamilya..
pangako daw na hindi na muling mag-iisa si Gloria...

nang oras na ni Gloria, ay lumapit si Mareng Lydia at iniabot na dito ang kanilang ginawang kodigo..
pero hindi tulad sa dictation kung saan medyo mabilis pa siyang mag-respond, eh hirap nang magbasa ang pasyente..
napaiyak ang marami dahil sa effort ni Gloria..
si Peter na lang tuloy ang pinagbasa niya ng kanyang wedding vows..
this time daw ay babawi na siya kay Peter..
ang lalaki daw ang kanyang first love..
magsasama na daw sila, at wala nang iwanan..
naiyak naman si Peter dahil sa mensahe ni Gloria..
pero kasal daw nila kaya dapat na masaya lang sila, kaya pinatahan ng bride ang kanyang groom..
humarap na sila sa mga tao, at nagpalakpakan naman ang mga ito..
natanong ni Gloria kung bakit ba sila pumapalakpak..?
kasi daw ay kasal na sila, at saka nga na-realize ng babae na kasal na nga sila ng lalaking mahal niya..
tapos ay pinag-kiss na sina Mr. at Mrs. Alcantara, na ch-in-eer naman ng mga tao...

was feeling , okay naman.. maliban sa tila factor ng cost-cutting...

>
[Gadget Related]

was really impressed...

kung noon inaabot ako ng 2 hours for doing a basic render..
kanina gulat na gulat ako na parang minamani lang ng unit ko yung rendering..
12 to 24 minutes - ang laki na ng nabawas sa oras ng trabaho ko...

ibig sabihin eh pwede na rin akong mag-explore sa medyo mas mataas na level ng rendering...

was feeling , partida pa na GeForce GT 730 pa lang yung sa akin...

---o0o---


March 28, 2017...

[TV Series]

The Greatest Love 

at nagsimula na nga ang kasiyahan sa reception na inayos nina Ken...

niyaya pa ni Mommy Glo si Paeng na tumagay ng wine...

andun rin ang family ni Mareng Lydia..
yung foreigner niyang asawa..
at ang anak niyang si Beverly...

nang sharing na ng message at mga kuwento tungkol sa bride and groom..
ikinuwento ni Mareng Lydia kung paanong nagpapa-late pa noon si Gloria sa school kapag hindi si Peter ang bangkero..
sinadya rin pala nito yung pagpapadulas niya sa pagsakay ng bangka, dahil nahuli ito noon ni Mareng Lydia na nagpa-practice na madulas sa likod ng bahay ng mga ito..
si Peter naman daw ay suplado talaga, pero parati namang pasulyap-sulyap kay Gloria..
nabanggit rin niya yung tungkol sa punto ng mga buhay nung 2 kung kailan nagalit si Peter sa babae, pero alam niya na noon na mahal pa rin nila ang isa't isa..
madalas daw na sinasabi ng mga tao na walang forever..
pero dahil daw dun sa 2, napatunayan niya na hindi kayang hadlangan ang tunay at wagas na pagmamahalan..
naiiyak naman si Amanda habang pinakikinggan ang kuwento ng kanilang Tita Lydia...

matapos si Mareng Lydia, ay naghanap pa yung MC ng gustong mag-share ng message para sa bagong kasal..
nagtuturuan pa noong una yung magkakapatid..
si Amanda naman ay tila medyo nag-aalinlangan, pero naisipan rin niyang tumayo at mag-volunteer..
naiintindihan na daw niya ngayon yung pinagdaanan ng kanilang ina sa buhay pag-ibig nito..
masuwerte daw si Mommy Glo na merong lalaki na nagmamahal sa kanya ng tapat..
at masuwerte rin daw silang mga anak ni Gloria, dahil mabuti at pasensyosong tao si Mr. A..
dahil dun ay tinawag ni Amanda ang lahat ng kanyang mga kapatid, at w-in-elcome nila sa kanilang pamilya ang bago nilang Tatay..
niyakap naman ni Peter ang mga bata...

after that ay nilapitan naman ni Amanda si Mommy Glo..
nag-sorry siya sa lahat ng mga nagawa niya sa kanyang ina..
at sinabi naman ni Mommy Glo na matagal na nitong napatawad ang kanyang panganay..
dahil dun ay nagyakapan silang lahat, kasama na si Z, na nauwi naman yun sa pagpapakuha ng family picture...

sunod naman ay tumugtog na sina Paeng at Z, at kinanta naman ni Y yung paboritong kanta ni Mommy La na "kahit maputi na ang buhok ko"..
niyaya naman ni Peter si Gloria na magsayaw..
at napa-MMK na lang si Gloria tungkol sa magaganda nilang nakaraan..
ipinapakita rin sa background nila yung mga pictures ng kasal nila..
hanggang sa niyaya na ni Mommy Glo na magsayaw rin ang kanyang mga anak..
kasali sina Z at Y..
at maging sina Andrei at Ken...

pagkatapos yun, ay hiningan naman si Peter ng message para sa lahat ng dumalo..
salamat daw sa lahat ng sumama sa hinaba-haba nilang prusisyon na sa simbahan rin ang tuloy..
maikli lang naman ang mensahe ni Gloria ng pasasalamat...

matapos yun ay nagsimula naman ang kanilang baile-han...

was feeling , ano nga kaya ang nangyari kay Pareng Joma...??

>
[Gadget Related]

hala!
na-sample-an na kaagad ang UPS ko kanina ng [Name of Electric Cooperative]...

hindi pa rin nga talaga nagbabago dito sa [Name of City]..
halos regular na nga ang mga scheduled power interruptions, pero meron pa rin talagang mga maiklian at unannounced na mga brownout..
mabuti talaga at kin-onsider kong bumili ng panibagong UPS...

so far eh okay naman..
para sa kauna-unahan niyang experience ng brownout eh normal naman yung itinakbo nung APC ko..
pero huwag naman sana akong tatadtarin ng power interruptions...

Edit: ah-ah, [Name of Electric Cooperative]!
padalawa na yun...

was feeling , 3 to 5 years.. pero dapat ay 5 years or more...

>
may bago namang natutunan na teknik kanina... ^_^

hindi ko naman pala kailangang pahirapan ang sarili ko sa paghihintay sa render bago ko makita yung resulting image..
meron naman palang preview gamit yung NVIDIA..
mas mabilis, at mataas ang accuracy..
pero naging posible rin yun dahil mas malaki na yung gamit kong RAM at graphics card ngayon...

was feeling , thank you YouTube, ikaw na talaga ang best teacher in the planet...

---o0o---


March 29, 2017...

[TV Series]

The Greatest Love 

matapos ang event, uuwi na sana sina Amanda at Z, pero niyaya sila ng mga kapatid ni Amanda na doon na lang matulog sa bahay ng kanilang ina..
wala naman daw ang mga magulang nila, at tiyak na didiretso na ang mga ito sa kanilang honeymoon..
nagyakag na rin si Z, at pumayag nga si Amanda...

sina Peter at Gloria naman ay sa bahay ng lalaki tumuloy..
medyo nanibago si Gloria, pero na-recognize rin naman niya kaagad na kay Peter ngang bahay yun..
may nakalimutan daw ang lalaki, bagong kasal daw sila kaya dapat buhatin siya nito papasok sa kuwarto..
pero sabay bawi rin naman ni Gloria nang bubuhatin na nga siya nito, mabigat daw siya..
kaya naman daw siya ni Peter..
pero dahil matatanda na sila eh nagyakag na lang si Gloria na maglakad na lang sila nang magka-holding hands..
nahiga na ang 2 sa kama, at napa-MMK naman si Peter tungkol sa kasal at sa pagtanggap sa kanya ng mga anak ni Gloria..
masayang-masaya daw siya...

sa bahay ni Mommy Glo..
masayang nagising si Amanda..
gising na rin si Ate Melba noon kaso ay hindi pa daw ito nakakapaghanda ng breakfast..
minabuting pagpahingahin na lang ni Amanda ang kasambahay, siya na lang daw ang bahalang maghanda ng almusal nila...

ang bagong kasal naman ay umakyat na sa Baguio..
pero hindi si Pareng Joma ang driver nila...

nagising na rin sina Lizelle, Andrei, at Paeng..
kaagad nilang naamoy ang mabangong niluto ng kanilang Ate Amanda..
gigisingin sana nila si Z, pero sinabi ng kanilang panganay na pabayaan na muna nilang magpahinga ang kanyang anak..
sabay-sabay na kumain sa hapag ang 4...

balik sa biyahe nina Gloria..
maya't maya ang pagpapasubo ng babae ng pagkain sa kanyang asawa (junk food o preserved food pa yata yun)..
ayaw daw kasi niyang magutom si Peter...

hanggang sa narating na nga nila ang Baguio..
nag-check-in sila sa isang hotel..
tinawag silang Mr. at Mrs. Alcantara nung isang staff doon, at saka lang ulit na-realize ni Gloria na mag-asawa na nga silang 2..
sayang daw at hindi nila nakasama ang kanilang mga anak..
kung ganun daw ay susulitin na muna nila yung panahon na silang 2 lang, at saka nila pasusunurin ang mga bata...

nakakatuwa na tinatawag na ni Paeng na Tatay si Mr. A..
pero si Andrei daw talaga yung napagod sa kasalan na yun, dahil na-stress siya lalo na sa kanilang Ate Amanda..
pero saan nga ba daw nagpunta ang kanilang Ate noong mga panahon na wala ito..?
at nagkuwento nga siya..
bago daw siya inabutan ni Lizelle noong isang araw doon sa sementeryo ay kinausap niya ang kanilang Papa Andres..
buong buhay daw niya ay inakala niya na ang kanilang Mama ang sumira sa kanilang pamilya..
pero siya pala ang totoong lumapastangan dito, nakakahiya daw ang kanilang Papa Andres..
at nakakahiya daw na siya ang bunga ng kasalanan na yun ng kanyang ama..
andami daw niyang nasabi laban sa kanyang Mama, napakasama daw niyang anak..
dahil daw kay Andres ay naging masama siyang kapatid, at masamang anak..
dahil daw sa kanyang ama ay hindi niya nagawang mahalin nang buo ang kanyang Mama..
nagalit daw siya sa kanyang Papa, pero mas nagalit siya sa kanyang sarili...

humingi na rin si Lizelle ng sorry para sa masasakit niyang nasabi sa kanyang Ate noon..
wala daw kasalanan si Lizelle..
nahirapan din daw siyang umuwi dahil hindi niya alam kung saan siya magsisimula sa paghingi ng tawad...

nagpunta daw siya noon sa isang simbahan, kung saan may nakakita sa kanyang madre habang siya ay umiiyak..
sinabi ng madre na dapat matuto siyang tumanggap ng kanyang pagkakamali at matuto rin na humingi ng tawad..
pero hindi daw niya alam kung paano niya patatawarin ang kanyang Papa Andres..
at niyaya siya ng madre na magdasal...

huwag na daw isipin ni Amanda ang tungkol sa mga bagay na yun, dahil tapos na yun..
masaya daw yung 3 na nakasama na ulit nila ang kanilang Ate..
at muling inulit ni Amanda ang paghingi niya ng sorry sa kanyang mga kapatid..
nagyakapan sila..
at nagbiro pa si Paeng na suhol pala ng kanilang Ate yung breakfast na yun..
salamat daw, lalo na kay Lizelle, dahil sa pagmamahal at pagmamalasakit nito..
kung hindi daw dahil sa kanya ay hindi natuto si Amanda na magpatawad at humingi ng tawad...

kung ganun daw ay dapat pala silang magpasalamat dun sa madre..?
pero hindi pa daw noon natauhan si Amanda..
nanaginip pa daw siya..
umuwi daw siya sa bahay ni Mommy Glo sa araw ng kasal nito, pero sa halip na kasalan ay burol ng kanyang Mama ang inabutan niya..
noon daw niya na-realize na tama nga yung sinabi sa kanya ni Lizelle, na dapat pahalagahan nila yung oras na meron pa ang kanilang ina...

nagising na rin si Z..
inabutan niya na magkakasundo ang kanyang Mom at mga Tito't Tita, kaya minabuti niyang kuhanan ng picture ang mga ito..
nahuli nila ang binatilyo at niyaya na itong mag-agahan na kasama nila..
kitang-kita naman kay Z na masaya siya para sa pagkakasundo nilang 4...

was feeling , ayos!

>
[V-League]

FEU versus UE

as usual...


DLSU versus UST

hala naman kay Dy!
nagkamali ng landing yung paa, tila nabali - tapos minor sprain lang daw..
at nailakad pa ulit yung injury niya...?

ingat-ingat naman!
totoong ayaw kong kayo ang magkaroon ng twice-to-beat na advantage..
pero ayoko na ng Finals na kagaya noong Season 77 na kulang sa mga Ace Player...

was feeling , kitang-kitang nabali eh...

>
nakapag-ready na ng 7 character presets..
2 dun eh as is na...

naayos ko na rin yung sariling metric system ko..
kung paanong mag-adjust ng height from 5'4" to 8 feet...

at may bago na naman akong nadiskubreng teknik..
salamat sa photoshop..
maalam na akong mag-mimic ng kulay ng balat..
eksperimento pa rin, pero mas madali na...

was feeling , day 6...

---o0o---


March 30, 2017...

hala!
Thursday ngayon pero wala din siya..
baka ibig sabihin nun ay wala na nga siya...

baka inilipat dun sa bago nilang branch..?
kasama nung isa pang cute, pero tagihawatin na cashier...?

was feeling , wala ng magandang view...

>
[TV Series]

The Greatest Love 

namasyal na sina Peter at Gloria..
naalala ng babae na mahilig siyang kumuha ng mga larawan noon ni Peter..
at naisipan niya na babalikan at gusto niyang gamitin yung camera na ibinigay sa kanya ng kanyang Tatay Zosimo..
pero kinumbinsi siya ng lalaki na yung smartphone na lang niya yung gamitin..
mabilis na ang resulta, at hindi pa kailangan ng film..
kagaya pa rin daw siya ng dati, gustung-gusto na hinuhuli sa litrato ang lahat ng mg alaala...

sa bahay naman ni Mommy Glo..
uuwi na daw sina Amanda at Z sa kanila, dahil doon na rin titira sa bahay ang Tatay nila..
nagkabiruan pa ang magkakapatid at si Z..
malapit na daw ang pasukan, para kina Z at Paeng..
si Lizelle naman daw ay malapit nang matapos ang training, magkakaroon na naman daw sila ng ise-celebrate kapag naging OIC na siya ang sabi ni Andrei..
at sinabi naman ni Lizelle na hindi naman nila kailangan ng okasyon para magsama-sama...

balik sa Baguio..
ang ganda daw ng araw na yun ang sabi ni Gloria..
ayaw daw niyang matapos iyon...

paalis na sana sina Amanda at Z..
saktong dating naman ni Andrei na may dalang naka-frame na na bagong family picture nila..
kinuha naman ni Amanda ang isang lumang family picture, at napansin siya ni Lizelle..
kasal na daw ulit ang kanilang ina kaya tama lang na alisin na niya iyon..
magsisimula daw ulit sila bilang isang pamilya...

bagong araw na..
nagising na si Gloria sa hotel..
kaagad namang p-in-lay ni Peter ang isang video reminder para sa kanyang asawa..
may kasama pang mga lumang pictures nila mula sa Bagong Ilog..
nagbatian na ang 2 ng Happy Morning..
nagandahan daw si Gloria dun sa video..
pinagawa naman daw talaga yun ni Peter para sa kanya..
nasaan daw sila..?
at paulit-ulit na nga ang mga usapan nila araw-araw..
tapos na-realize na naman niya na kasal na nga sila dahil dun sa singsing..
naalala niya na takot si Peter noon sa palaka..
pero sinabi naman ng lalaki na wala na siyang kinatatakutan sa ngayon, dahil mag-asawa na sila..
muling naitanong ni Gloria kung kasal na ba sila..?
at ipinakita na lang ni Peter yung video ng kasal nila..
totoo nga daw, pero bakit daw niya yun nakalimutan..?
paano ba daw sila ikinasal..?
at ikinuwento nga ulit ng lalaki ang lahat sa pasyente...

sa bahay nina Amanda..
si Z ang naghanda ng kanilang breakfast..
medyo nagkamali pa siya sa pagluluto ng isda, dahil hindi daw niya nasunod ang bilin ng kanyang Dad..
nagpaalam si Z kung pwede ba daw siyang mag-aral na mag-drive..?
para saan naman daw ang tanong ng kanyang Mom..?
para daw pwede na niya itong ipag-drive sa trabaho niya...

sa kompanya naman nina Lizelle..
kabado ang dalaga dahil sa presentation niya, mga big bosses na naman daw kasi ang kaharap niya..
kung tawagan daw kaya niya ang kanyang Tatay..?
huwag daw ang sabi ni Sandro, huwag daw nitong istorbohin yung 2 sa honeymoon nila..
nagyakapan na lang tuloy sila para pampalakas daw ng loob..
umalis na rin naman si Sandro para dumiretso sa construction site...

balik sa bagong kasal..
kung ganun daw pala ay si Gloria ang nag-propose kay Peter..?
hindi daw magsasawa ang lalaki na ipaalala sa kanya ang lahat araw-araw..
hindi ba daw siya mapapagod, ang tanong ni Gloria..?
at sinabi naman ni Peter na hindi napapagod ang taong nagmamahal...

namasyal na nga ulit ang 2 matanda..
naikuwento ni Peter na si Z ang naging daan para muli silang magkita ni Gloria..
eh masaya ba daw si Peter noong nagkita ulit sila noon..?
naalala ng lalaki na hindi maganda ang naging pagtatagpo nila noon ni Gloria dahil sa galit niya..
at sinabi nga ni Peter na masaya siya na nagkita sila noon (na patungkol na sa kinahinatnan ng muli nilang pagtatagpo)..
nagpahinga na muna sila para makapag-tsaa si Gloria..
mag-asawa na daw sila kaya hayaan daw niya ang lalaki na alagaan siya..
pero matanda na daw ang babae..
ayaw ba daw niyang alagaan siya ni Peter kung ganun..?
at sinabi naman ng pasyente na gusto niyang alagaan siya ni Peter..
aalagaan daw ng lalaki pati ang mga anak nila..
nag-aaway-away pa ba daw ang mga yun, ang tanong ni Gloria..?
hindi na daw..
isa-isang kinumusta ni Gloria sa kanyang asawa ang kanyang mga anak, at nag-share rin siya ng mga nalalaman niya tungkol sa kanila, na nauwi pa sa mga biruan nilang 2...

was feeling , pero mawawalan pa ng malay ang pasyente...

>
medyo malapit na nga ako sa hinahabol kong complexion para sa isa sa mga main characters ko...

sa wakas!
nasubukan ko na ulit mag-render ng mga buong scene..
bale 2 yung nagawa ko kanina..
sobrang impressive nung outdoor environment, halos 30 minutes lang ang inabot para makumpleto..
para naman dun sa indoor, medyo nahirapan yung engine ko sa mga metallic texture..
after 2 hours eh hindi pa nakumpleto yung render, pero pasado na sa akin yung resulta nun...

2 yun sa mga kailangan kong setting para sa kauna-unahan kong project...

was feeling , ang galing...

---o0o---


March 31, 2017...

[TV Series]

The Greatest Love

sa coffee shop..
hinahanap ni Z si Y para sana bigyan ng rose..
binati siya ng Tito Paeng niya..
at sinabi nung sa isa pang tauhan doon na kung si Y yung tinutukoy ni Z ay nag-resign na ito kahapon pa..
medyo nainis naman si Z sa nalaman niya...

nag-meeting naman sina Alvin, Amanda, at Greta..
balak sana nilang ayusin ang team nila..
unfortunately daw ay nawala sa kanila yung biggest client sana nila from Bangkok dahil sa absence ni Amanda..
sinabi naman ni Amanda na magkakaibigan sila na parang ayaw niya na nagagamit na rason pa yun para pagbigyan siya parati, kaya nag-decide siya na iwanan na ang kompanya nila..
na-realize daw kasi niya na kailangan niya ng trabaho na hindi masyadong time-consuming para maalagaan niya ang Mama niya at ang pamilya niya..
pero may hihilingin daw sana siyang pabor..
at sinabi naman ni Alvin na isasauli nga nila yung naging investment ni Amanda..
sa wakas ay in good terms na rin sila ni Greta...

nakita na si Z si Y, at nasugod niya ito..
parang inis siya na may tampo dun sa babae..
bakit daw hindi nito sinabi na aalis na siya..?
nagpaliwanag naman si Y na wala pa kasi siyang load..
nag-resign daw siya sa coffee shop dahil magpapasukan na..
edi kung ganun daw ay aalis na nga siya, dahil mag-aaral na siya sa States..?
pero hindi naman na daw siya sa States mag-aaral, na ikinagulat at ikinatuwa ni Z..
hindi daw kasi kayang iwanan ni Y ang kanyang Mama at ang kanyang mga kapatid - at si Z na rin..
sa sobrang tuwa ay hahalikan na sana siya ng binatilyo sa kanyang labi, pero kaagad naman niyang naiharang yung binili niyang kulay blue na naka-plastic na inumin..
hindi pa daw niya sinasagot si Z para gawin yun nung lalaki..
sorry naman daw, nadala lang ng damdamin, sabay bigay nung nalukot nang rose...

si Ken naman ay umatras na sa pag-aampon..
na-realize daw kasi niya na wrong timing pa nga..
may panahon pa naman daw silang 2 ni Andrei dahil medyo bata pa naman sila...

sa bahay nina Amanda..
natanong ni Z kung malungkot ba ang kanyang Mom dahil wala na itong trabaho..?
oo daw, kasi back to zero na naman siya, at hindi na daw siya bata, napaka-competitive pa naman daw sa field nila..
pero hindi rin daw, kasi matututukan na niya si Mommy Glo at ang kanilang pamilya..
basta sisiguraduhin daw nila ni Chad na makakatapos si Z para maging doktor na ito..
pero 8 years pa daw bago mangyari yun..
tinanong ng binatilyo kung pwede pa ba siyang mag-part-time job..?
pero sinabi ni Amanda na mas gusto niyang mag-focus na lang ang anak sa pag-aaral...

sa university nina Z, first day na ng school..
tinawagan niya si Y para mangumusta..
naka-uniform si Y, at mukhang nasa high school pa..
g-in-ood luck lang nila ang isa't isa..
after ng tawag, sabay dating naman ni Paeng..
may nakakita kay Z na mga kakilala nito, at natanong kung tropa rin ba nila si Paeng..?
nagpakilala naman si Paeng na Tito ni Z, at hindi nahiya na sinabi na estudyante rin siya doon...

sa kompanya naman nina Peter..
masayang ibinalita ni Lizelle kay Sandro na pasado yung presentation niya sa mga boss...

somewhere..
nagsimula na ulit mag-apply sa trabaho si Amanda..
pero medyo napaisip tungkol sa kanya yung interviewer nung malaman nito na nag-resign siya sa dati niyang trabaho (partnership) dahil p-in-rioritize niya ang personal problems niya..
ano daw ba ang pipiliin ng aplikante in case na magka-problema siya ulit, ang trabaho ba nila o personal life niya..?
sa buhay daw kasi ng tao ay hindi naman talaga nawawalan ng personal problems, at ang kailangan nila ay yung marunong ihiwalay ang personal matters sa trabaho...

sa bahay ni Mommy Glo..
nagkasama-sama ulit yung 4, pati si Z..
naikuwento nga ni Amanda yung nangyari sa interview niya, at mukha daw hindi siya tatanggapin dun..
na-open rin nila yung isyu ng pamimili ng age ng mga applicant..
ayun, kuwentuhan ng kung anu-ano, tapos naisip nila na sumunod sa Baguio since magkakasama na sila..
pero tinawagan muna nila ang kanilang Tatay para humingi ng permiso...

sa hotel..
sinusubuan ni Peter si Gloria, dahil grabe na nga yung pangangatal ng mga kamay nito..
ayaw naman ng pasyente dahil para naman daw siyang bata nun..
pero ipinilit ni Peter na aalalay pa rin siya..
tumawag na nga si Andrei..
ang Tatay na nila ang sumagot ng smartphone..
kinausap sila ni Mommy Glo, nalaman niya na magkakasama silang lahat ngayon..
eh bakit daw sila magkakasama doon, eh nasa Baguio siya, sumunod daw sila sa Baguio..
(iba talaga ang nagagawa ng pera, parang nagiging 'instant' ang lahat)...

nagising na si Gloria..
niyaya na siya ni Peter na maghanda na para sa pagdating ng kanilang mga anak..
inaalalayan siya ng lalaki sa halos lahat ng bagay..
maglalakad-lakad na muna daw sila para ma-exercise sila bago dumating ang mga bata..
naglalakad-lakad nga sila, nagkukuwento si Peter, pero parang hindi masyadong nagre-react si Gloria..
nang biglang hinimatay ang pasyente, pero nasalo naman siya ni Peter..
kaagad siyang binuhat ng lalaki, at nagsisigaw rin ito para humingi ng tulong...

balik sa bahay..
halos ready na ang mga bata, maliban kay Andrei..
nakatanggap si Lizelle ng tawag mula sa kanilang Tatay..
huwag na daw silang pumunta sa Baguio, nasa ospital daw kasi sila ni Gloria...

was feeling , umpisa na ulit ng mga problema..? 3 weeks left...

---o0o---


April 1. 2017...

started Tumbling..
luma na yung account ko dun, pero kahapon ko lang talaga pinagana..
alanganin kasi sa Blogger eh, baka maipasara lang..
sa Wordpress naman, ni-review ko yung terms nila at halos ganun din, hindi masyadong maluwag sa policies...

pero pinag-aaralan ko pa rin..
hindi masyadong flexible yung controls at hosting sa Tumblr eh...

is feeling , kailangan na ng mga audience sa umpisa pa lang...


Friday, March 24, 2017

Daily Bullets

ano nga bang meron sa pahanon ngayon at tila halos wala ng bakasyon ang bansa pagdating sa mga patayan..
yung iba eh sa mga simpleng away sa trapiko lang naman nag-uugat - pero sakitan at patayan kaagad ang mga solusyon nila..
yung iba eh masagi lang sa balikat, at pagpatay na sa pamamagitan ng panggugulpi at pangunguyog ang kinahahantungan...

o dahil ba yun sa mas madaling makakumbinsi at makapukaw ng mga damdamin at reaksyon ang mga balita sa panahon ngayon dahil nga madalas ay supported na sila ng mga CCTV footages..?
hindi gaya dati na mas madalas na base lang sa mga kuwento at sabi-sabi ang mga balita, at bihirang maaktuhan at makunan ng camera ng media...

---o0o---


update ulit (59 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
  • yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas 
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • yung pulis na ng rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
  • yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
  • sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
  • yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
  • sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
  • sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
  • regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
  • dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • yung Oplan Cyber Tokhang
---o0o---


March 22, 2017...

good news naman...

sa Parañaque..
may lalaking nahuli dahil DAW sa ilegal na droga at dahil na rin sa pagbebenta ng mga hindi lisensyadong baril..
pero DAW pa lang 'to, eh kasi wala namang mga body camera na ginamit para mai-reveal na originally eh dun nga sa lalaki yung mga baril...

at regarding sa kriminalidad na idinudulot ng mga putang inang mga baril na yan, eh hindi ko na sila masyadong iisa-isahin..
halos pare-parehas lang naman kasi yung istorya:
- may mga namamaril para mang-tumba ng ibang tao (yung iba eh mga awtoridad pa ang pinapatos)
- may mga namamaril dahil sa simpleng away-trapiko
- at may mga namamaril dahil lang sa kayabangan nila puwerket alam nga nila na may hawak silang baril

sana nga eh magkaroon na ng totoo at tapat na giyera laban sa mga baril..
dapat malimitahan na talaga ang kakayahan ng mga sibilyan na humawak at gumamit ng mga baril..
baka sakaling malimitahan rin nung ganung sistema ang access sa mga armas ng mga rebelde at mga terorista..
para wala namang masyadong advantage yung iba laban sa kapwa nila, mahirap naman kasi talagang pumalag laban sa baril eh...

was feeling , araw-araw na lang may nagpapaputok ng kanilang mga baril eh...

---o0o---


March 23, 2017...

regarding online selling/buying...

oo, totoo namang may mga manloloko talaga dun..
pero ganun talaga ang maraming mga Filipino eh, natural na sa kanila na maging mapamaraan sa panlalamang sa kapwa nila...

pero nakakaasar rin naman yung mga naloloko na buyers..
bakit ba kasi sila nagpapaloko in the first place...?

andami namang paraan para maiwasan ang hindi magandang karanasan sa pagbili online:
  • seller rating/feedback system
  • kung gadget o kung basta item na kailangang check-in pa yung bibilhin online, eh huwag pumayag na basta lang ishi-ship yung product, dapat meetup ang gawin para masigurado na gumagana nga yung item
  • kung walang certified o verified na past transaction yung seller, o kung talagang kaduda-duda na siya pati yung price nung item - eh dapat huwag nang sumugal sa non-face-to-face transaction

dahil sa kapayabaan ng ibang tao eh madadamay pa ang buong online selling community eh..
noong una, mga SIM card ang gustong ipa-register..
tapos, pati mga Facebook account eh gusto na ipa-verify na rin..
tapos ngayon naman, pati online selling..?
ang hindi naiisip ng mga nasa gobyerno eh hindi naman lahat ng nagbebenta online eh ginagawa yun bilang negosyo..
hindi lahat eh pwedeng i-regulate at patawan pa ng buwis..
dahil yung iba eh nagbebenta lang naman ng mga gamit na o hindi na nila kailangan na items, para madispatsa ang mga yun at for extra income o return of investment na rin...

was feeling , matuto muna kayong mag-ingat bago kayo magreklamo...

>
betrayal of public trust...?

parte ako ng lipunan, pero hindi ko naman naramdaman na na-traydor ako sa anumang paraan..
oo, sa ngayon, lumalabas na parang hindi maganda na in-open niya yung specific topic na yun sa buong mundo nang walang sapat na documented proof..
pero napatunbayan na naman nitong nakaraang mga buwan na meron talagang maling nangyayari sa paraan ng panghuhuli at pagpatay...

nakakahiya nga na magkamali, pero hindi naman niya nasira yung imahe ng bansa..
dahil talagang sira na yun...

hindi ba mas nakakahiya yung pinagmumumura yung mga lider ng ibang bansa na inuutangan natin..?
hindi lang makautang eh yuyurakan na yung pagkatao..?
hindi ba mas nakakahiya na bastusin yung alaala ng babaeng na-rape na ay napatay pa..?
hindi ba mas nakakahiya na obvious na ginagawan nila ng paraan na maipatupad ang mga may sense naman sana na batas - na ginawa nilang non-sense..?
hindi ba mas nakakahiya na parang ipinamimigay na yung bansa sa Imperyo kapalit ng pautang na pera..?
hindi ba mas nakakahiya na itapon ang dangal ng bansa kapalit ng suporta sa eleksyon...?

impeachment kaagad..?
para saan..?
bakit, hindi ba sapat ang ebidensya nung Bobong regarding sa protesta niya..?
kaya idadaan na lang sa paninipa gamit ang puwersa at bilang...?

was feeling , kayo na ang pinakamarumi sa lahat, sunod sa mga taong involved sa panahon ng Martial Law...

---o0o---


March 24, 2017...

panibagong kaso na naman para sa mga unverified na mga taga-tumba...

sa Caloocan..
yung mag-live in partner daw na itinumba sa sarili nilang bahay..
pero may binuhay namang witness..
nagpakilala daw na mga pulis yung mga taga-tumba eh...

kung ako yun..
sa taong may baril pa nga lang eh hindi na ako makakapalag..
yun pa kayang sa mga tao na nag-claim na pulis sila..?
tapos sasabihin ng mga eksperto na hanapan ng search o arrest warrant bago ibigay yung gusto nila, na kesyo igiit ang karapatan..?
igiit mo ang karapatan mo laban sa mga kriminal at sasabog na lang ang utak mo...

was feeling , nagkalat ang baril...

>
sa Ilocos Norte naman...

yung 2 pasaway na pulis..
tapos na daw naman yung duty nila..
yun nga lang - sa mismong presinto pa talaga nila naisipan na mag-inuman...

was feeling , shot pa...

>
may bagong kaso na naman..
nakunan ng CCTV...

sa isang presinto under ng QCPD daw..
yung pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki sa mismong presinto..
sinubukan pa DAW humingi ng tulong nung lalaki sa mga pulis na nasa labas nung presinto noon, pero inabutan na siya ng gulpi..
at siya pa yung ikinulong at kinumbinsi DAW na akuin lahat ng pagkakamali...

lahat ng yun ay dahil pa rin sa away-trapiko... :(


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of March 2017 (Preparing the System)

March 18, 2017...

[V-League]

AdU versus UST

i believe padalawa pa lang yun sa mga set na naipanalo ng AdU for this season..
umabot pa sila sa 25-19 para sa 4th Set which was good effort..
ang ganda na ng floor defense nila eh, minus error sana at baka sila pa ang nanalo sa set na yun...

anyway, binabawi ko na yung sinabi ko noon..
Ace Player na nga si Galanza, halos puros mga force-type yung mga pinakakawalan niyang mga palo noong 2nd at 3rd Set eh..
at kaya pala ang lakas niya rin sa depensa tuwing nasa back row siya, kusa niyang hinihila sa likod yung depensa niya sa halip na kumumpol sa team niya..
veteran player na talaga siya.. <3
matuto lang na maging force- o speed-type si Dacoron sa mga quick attack niya at mas lalakas pa sila...


ADMU versus FEU

i hate you, FEU..
talagang hanggang 5th Set ulit eh..
ganun pala kalakas ang offense nila kapag activated lahat ng players nila..
Pons, Palma, Basas, Malabanan (noong mga unang sets)..
pati sina Villareal at Guino-o eh mga force-type din pala..
at kaya ring mag-convert ni Cayuna bilang attacker, parang si Fajardo..
sayang nga lang at nadali sila ng mga errors nila sa last set...

basta hindi magandang makaharap ang FEU sa Semi-Finals...

pero si Pons pa rin talaga ang may pinaka-astig na back row attack kumpara sa lahat..
panis si Maraguinot eh...

was feeling , untikan na...

---o0o---


March 19, 2017...

[V-League]

NU versus UE

nakakuha na naman ng 1 set ang UE..
may pagka-close fight yung laban nila kanina eh...


DLSU versus UP

bawi..
1-1 na sila sa elimination...

was feeling , huwag kang bibitaw sa 2nd place DLSU ha...

---o0o---


March 20, 2017...

[Gadget Related]

WTF, Windows 10!!?
late na nga akong nag-online kahapon pero kumain ka pa rin ng higit 1 GB of internet data... :(

was feeling , para naman tayong naka-Beta type ng software nare eh...

>
[Online Marketing]

ano na namang nangyayari sa mundo...?

biglang naging active ang mga potential buyers ko sa eBay kung kailan ako busy..
yung isang antagal na hindi ako kino-contact eh biglang gustong makipagkita kahapon dito sa [Name of City]..
yun nga lang, gabi ko na nabasa yung mga messages niya...

was feeling , pero kailangan ko nga ring maibenta na ang mga yun...

>
[TV Series]

The Greatest Love 

pag dating sa hotel na tutuluyan nila sa Bagong Ilog, unti-unting na-disorient si Mommy Glo sa bago niyang kapaligiran..
pero kaagad din naman siyang nadaan sa paliwanagan..
gusto daw niyang pumunta doon sa batuhan na madalas nilang puntahan noon ni Peter...

pero bago yun ay kumain na muna sila ng paboritong Pansit Ilog ni Mommy Glo..
kakilala pala nila ni Peter yung may-ari nung kainan..
hindi siya kaagad nakilala ni Mommy Glo, pero na-recognize at naalala rin siya ng pasyente matapos siyang ipakilala ni Peter..
si Amanda ang nagbayad nung mga kinain nila, at sinamantala niya yun para makapagtanong-tanong..
nagtataka naman daw yung may-ari nung kainan dahil taon-taon naman daw na dumadalaw si Mommy Glo sa Bagong Ilog tuwing kaarawam nito, pero hindi niya ito nagawa noong huli niyang birthday..?
natanong naman ni Amanda yung babae kung kilala ba nito ang kanyang Papa..?
pero hindi daw, dahil taga-ibang bayan si Andres (isa pa 'to sa matalinong plot na ginamit dun sa istorya, kasi nabigyan nun ng higit na misteryo yung naging pagpapakasal nung 2)..
wala rin silang alam tungkol sa naging relasyon nung 2, dahil biglaan yung naging pagpapakasal nila at kaagad din silang lumipat sa San Ildefonso..
may hinanap rin si Amanda na isang konsehal dun sa babae, pero nasa ibang bansa na daw yun...

dumalaw na muna sina Mommy Glo at Peter sa puntod ng mga magulang ng babae matapos kumain..
kapansin-pansin nga na medyo nakakalimutan na ni Mommy Glo kung sino nga si Lizelle..
at noon din ay pormal na hiningi ni Peter ang kamay ni Gloria mula sa mga yumao nitong magulang...

sobrang excited na ipinakita ni Mommy Glo ang batuhan sa kanyang mga anak, at apo..
hindi pala sumama sa kanila si Amanda, dahil palihim itong pumunta sa dating photo studio ng kanilang Lolo Zosimo..
sa puntong iyon ay medyo naalala ni Mommy Glo si Z, dahil doon sa birthday niya kung kailan sinundan siya ng kanyang apo sa Bagong Ilog..
natanong tuloy ni Peter kung ano ba ang binabalik-balikan doon ni Gloria taon-taon..?
at sumagot naman ang babae na yung magagandang alaala daw..
naikuwento niya yung simula ng love story nila noon ni Peter; kung paano ito natalo sa karera ng mga bangka nang dahil sa kakatitig sa kanya, kung gaano ito kaisnabero sa kanya noong simula, at pati yung tungkol sa pagka-stranded nila sa kuweba...

sa may photo studio naman..
may nakita si Amanda na isang babaeng residente kaya tinanong niya ito..
kaso ay hindi nito kilala si Andres..
at naisip ni Amanda na yung dating Mayor na lang ng bayan ang kausapin...

pumunta siya sa munisipyo..
pero wala pang paraan para makausap na niya kaagad yung ex-Mayor..
sa halip ay pinag-iwan na lang siya ng contact number nung secretary just in case...

ayaw pang magpahinga ni Mommy Glo, gusto niyang sulitin yung panahon na naroon siya sa Bagong Ilog..
hanggang dumating sina Lizelle at Z na may mga pinamiling rekado at niyaya na siyang mag-aral na gumawa ng Pansit Ilog..
nag-practice nga nang nag-practice si Mommy Glo sa pagkopya nung lasa ng pansit mula sa paborito niyang kainan, pero hindi niya magawa..
mukhang pangit ang lasa ng mga naluto niya, ni hindi nga ito matikman ni Paeng..
parang si Peter lang yung nagtitiyaga na kainin yun..
dahil dun ay pinasuko na siya ng mga bata sa pagkopya nung Pancit Ilog..
hanggang sa dumating na si Amanda na may dalang mga pagkain..
at natapos na ang paghihirap ng lahat nang dahil sa gutom...

was feeling , mukhang bukas na magtatapat ang pasyente...

>
[Gadget Related]

from 510 GB down to 490 GB...???

seryoso ka ba Windows 10..?
eh daig mo pa ang nagda-download ng mga full-length na porn videos eh..
anak ng, yun ang kailangan mong matutunan - ang burahin yung mga na-install mo na na update...

nagulat ako kanina..
hindi pa man umaabot ng tanghali pero nasa 800 MB na nung 1 Mbps speed na rasyon yung nakain ng system eh...

was feeling , yan ang mahirap kapag beta-type eh...

>
looking at all my previous files..
kabilang na rin yung mga na-corrupt..
sobrang matatagalan pa bago ko sila ma-reorganize...

kaya ganito na lang..
bibigyan ko ang sarili ko ng 1 week para mag-ayos..
bale hanggang Wednesday yun, since Thursday ko naman talaga binuhay yung system..
after that eh mag-i-install na ako ng Daz at Photoshop..
at isisingit-singit ko na lang yung pagre-reorganize...

marami-rami rin akong kailangan na i-review na licenses eh...

was feeling , kasalanan 'to ng past self ko eh...

---o0o---


March 21, 2017...

[TV Series]

The Greatest Love 

nagising si Mommy Glo na halos walang tao sa tinuluyan nila..
tapos ay isinama nga siyang muli nina Peter at Lizelle sa may Batuhan...

naghanda pala doon yung iba ng picnic para i-celebrate ang Mothers' Day..
binati rin ni Mommy Glo si Amanda, kahit na iwas na iwas na sa kanya ang kanyang panganay..
hinahanap rin niya ang batang si Z, para naman daw mabati nito ang kanyang ina..
dahil sa gathering nila, naalala ni Mommy Glo yung huling beses na nakasama niya doon ang mga bata - noong nakagawa sila ni Peter nang hindi sinasadyang kasalanan..
alam daw niya na mali yun, pero mahal pa rin niya noon si Peter..
at nag-sorry nga siya sa kanyang mga anak dahil sa nagawa niya..
pinapatawad na daw siya nina Andrei at Paeng..
hindi naman kaagad nakasagot si Amanda, hanggang sa naisip niya na sabihin na lang na "tapos na po yun"..
tapos ay nag-picture-an na sila...

after that eh nauna nang umalis ang mga bata..
tumambay na muna ulit ang 2 matanda sa Batuhan..
at napa-MMK sila..
kung noon ay nasabi ni Peter na kasama niya si Gloria sa kanyang mga pangarap, ngayon sinabi niya na hindi na lang basta pagdating sa mga pangarap kundi pati sa pagtupad ng mga yun..
nasabi naman ni Gloria na sana ay hindi na sila magkahiwalay pa..
at sinabi nga ni Peter na maging kamatayan ay hindi na sila magagawang paghiwalayin...

pagbalik nila sa hotel, saktong may tumawag kay Amanda, informing her na gusto na siyang makausap nung ex-Mayor..
kaya bigla na lang siyang nawala, at nag-text na lang kay Z na susunod na lang siya sa kanila...

sa office ng ex-Mayor..
inakala pa nung tao na tungkol sa mahalagang bagay ang gustong pag-usapan ni Amanda..
pero tungkol lang pala kina Andres at Gloria ang gustong malaman ng babae..
inaanak daw niya si Andres sa malapit niyang kaibigan..
at siya nga daw ang nagkasal dun sa 2 noon..
pero wala siyang alam kung paanong naging sila o ano..
ang maikukuwento lang daw niya ay kung ano yung mga napansin niya noong araw ng kasal..
nakita daw niya kung paanong umiyak si Gloria sa araw na yun, at tila mas nag-alinlangan pa daw ito noong dumating si Peter...

dahil sa mga nalaman niya, naisip ni Amanda na napilitan lang siyang buhayin ni Mommy Glo dahil ito ang kagustuhan ng ama niyang sa Andres...

pagkauwi nung iba sa Manila, kaagad na ring umalis si Andrei para bumawi naman kay Ken..
nanibago naman kaagad si Mommy sa bago niyang bahay, na para bang noon niya lang yun nakita..
yun ba daw yung sinasabi ni Peter na magiging bahay nila sa Bagong Ilog..?
pero hindi daw, yun daw yung bahay niya sa Manila..
nagpaalam na rin si Peter sa puntong yun, at inakala pa nga ni Mommy Glo na aalis lang ito para mamangka...

nakipagkita nga si Peter kay Mareng Lydia..
mukha nga daw nag-iimbestiga si Amanda sa Bagong Ilog..
natanong tuloy ng babae kung bakit hindi pinigilan ni Peter si Amanda..?
at sinabi nga ng biyudo na hindi na niya ito pinigilan dahil alam naman niyang hindi rin ito magpapapigil...

kinabukasan..
nalaman ni Lizelle kay Ate Melba na hindi umuwi ng bahay si Amanda..
dumating na ito, at sinalubong siya ng bunso..
pero galit ang naging pagbati sa kanya ng kanyang Ate..
ano ba daw ang problema ni Amanda..?
at sinabi nga nito kay Lizelle na problema niya ang kanilang ina, dahil muntik na siyang ipalaglag nito noon..
at yun daw ang dahilan kung bakit niya inaalam ang totoo..
nabuhay lang daw siya dahil ginusto yun ng Papa Andres nila, at napilitan lang si Mommy Glo..
narinig na ng kanilang pasyente yung malakas na boses ni Amanda..
inakala niya na parehas na naging kasintahan ni Mommy Glo yung 2 lalaki..
napakalandi daw ng kanilang ina..
hanggang sa lumabas na nga si Mommy Glo ng bahay at tinatanong si Amanda kung ano bang totoo ang gusto nitong malaman..?
sinubukan namang magpigil ng panganay at nakiusap kay Lizelle na ipasok na ang kanilang ina sa loob..
pero talagang makulit ang matanda, at napuno na nga si Amanda..
kaya diniretsa na niya ito, ano daw ba ang totoo at gusto siyang patayin ng kanyang ina noon..?
at bumalik nga sa alaala ni Mommy Glo ang kahayupan noon ng batang Andres, at ikinuwento niya ang nangyari kay Amanda..
ginahasa daw siya ng ama nito..
na-shock si Amanda, pero hindi niya kaagad tinanggap yung kuwento at sinabi na nagsisinungaling lang sa kanya ang may Alzheimer's..
pero yun daw ang totoo..
nagpunta daw noon ang kasintahan niyang si Peter sa Saudi, at ikakasal na dapat sila pagbalik nito..
pero makulit daw si Andres at lapit nang lapit sa kanya..
doon sa photo studio daw ng Lolo ni Amanda siya pinagsamantalahan nung lalaki..
sinuntok daw siya nito, at ginahasa..
pero may nabuo daw na bata...

noong una daw ay hindi niya talaga ginusto yung sanggol na yun, at ginusto nga niya itong ipalaglag..
hindi daw niya mahal si Andres, pero mahal niya yung bata..
magsasakripisyo daw ang isang ina para lang sa kanyang anak..
tapos ay paulit-ulit na niyang binanggit yung mga linya na; si Peter daw ang mahal niya, pero mahal niya yung bata sa sinapupunan niya, at ginahasa daw siya ni Andres..
pero kahit na ganun ay kanya daw yung bata na yun, dahil anak niya yun..
ipinasok na ni Lizelle ang kanilang ina matapos yun, wala siyang masyadong magawa kundi tila maawa na lang sa kanyang Ate Amanda...

naiwan naman sa labas ng bahay ang nanlumong si Amanda..
napalupagi na doon at nag-iiyak dahil sa nalaman niyang masakit at mabigat na katotohanan...

was feeling , nagtipid na sa preview...

>
[Lottery]

unang jackpot na nakuha ng number pool ko for 2017..
bale kung hanggang kagabi, eh nakakuha na siya ng 6 na 2nd prize at 1 jackpot...

was feeling , pero ako wala pa rin...

---o0o---


March 22, 2017...

[TV Series]

The Greatest Love 

sinamahan na ni Lizelle ang kanyang ina sa kuwarto nito..
tinanong niya ito kung okay lang ba siya..?
at sinabi naman ni Mommy Glo na magaan na yung pakiramdam niya ngayon..
parang unintentional pa rin yung ginawa niya, at reflex na lang ng utak niya, pero dahil yun yung makapagpapalaya sa damdamin niya eh gumaan nga talaga ang loob niya..
natulog na ang matanda, at napaiyak naman si Lizelle dahil sa awa para sa kanyang ina habang pinagmamasdan niya ito..
bumalik sa kanya yung mga alaala kung kailan nadiskubre nilang lahat na anak lang siya sa labas...

umalis naman si Amanda at nag-isip-isip habang nagda-drive..
napa-MMK siya tungkol sa lahat ng ginawang sakripisyo para sa kanya ni Mommy Glo, at pati yung mga naging panunumbat niya laban dito..
umiiyak siya, hanggang sa itinigil na niya yung sasakyan..
tila na-guilty rin nga siya sa lahat ng nagawa niya...

sinadya naman ni Lizelle ang amang si Peter..
tinanong niya ito kung alam ba nito ang tungkol sa nangyaring pangre-rape noon kay Mommy Glo..?
kaso ay noong nagkasunog rin lang daw niya nalaman ang tungkol dun..
mabuti na rin daw siguro yun, dahil baka nakapatay na siya kung nalaman niya kaagad ang tungkol sa bagay na yun noon pa man..
naawa si Lizelle sa kanyang ina nang ma-realize niya yung pinasan nitong lihim sa loob ng matagal na panahon..
hindi ba daw mas makabubuti kung sasabihin na rin nila ang tungkol doon sa kanyang mga Kuya..?
gumaan naman daw ang pakiramdam ng kanilang ina matapos yung ginawa nitong pagtatapat eh..
kung pwede ay samahan si Lizelle ng kanyang ama at ng kanyang Tita Lydia sa pagkausap sa kanyang mga Kuya...?

nag-aalala na yung mga lalaki dahil hindi pa nila nakikitang umuwi si Amanda..
dumating naman na magkakasama nga sina Lizelle, Mr. A, at Mareng Lydia..
may dalang lumang sulat o mga sulat si Mareng Lydia..
natanong ni Paeng si Lizelle kung umuwi na ba daw ang kanilang Ate, at sinabi nga ng bunso na nakauwi naman na ito..
tapos ay hiniling ni Mareng Lydia kay Z na iwanan muna sila dahil meron silang pag-uusapan...

nakipag-usap si Z kay Y sa mobile phone..
ipinayo naman ng dalagita na magtiwala lang si Z sa kanyang ina, at pati na rin sa kanyang mga Tito't Tita...

at ikinuwento na nga ni Lizelle ang nangyari kaninang umaga..
nainis naman kaagad si Andrei nang malaman niya na sumama lang ang kanilang Ate para mag-imbestiga sa Bagong Ilog tungkol sa balak na pagpapalaglag sa kanya..
at nang umabot na sa part na hindi magawang sabihin ni Lizelle, ay si Mareng Lydia na ang nagkuwento..
biktima daw ng rape ang ina ng mga bata, na hindi kaagad nagawang paniwalaan ng 2 lalaki..
kaya para mas madali itong maintindihan nung 2, ay ipinabasa niya ang isang lumang sulat ni Andres para kay Gloria, na tungkol sa paghingi ng tawad sa nagawa nitong kasalanan (yung sulat na balak na sanang sunugin noon ni Mommy Glo)..
panahon na daw para sabihin na nila ang totoo sa kanilang lahat, tutal eh si Gloria na nga rin mismo ang umamin ng tungkol dun kay Amanda..
saksi daw si Mareng Lydia sa lahat ng naging paghihirap at sakripisyo ni Mommy Glo matapos yung pangyayari na yun sa photo studio..
oo, totoo daw na binalak nitong ipalaglag noon yung bata..
pero mas pinili niyang panindigan iyon bilang isang ina, at pinakasalan niya si Andres para mabigyan ng ama yung bata - hindi si Peter..
hindi daw nila sinabi yun noon dahil pinili ni Mommy Glo na ilihim na lang ang lahat para sa kanilang pamilya...

matapos yung pag-uusap..
umakyat si Paeng sa silid ng kanyang ina, at tila nagi-guilty rin habang pinagmamasdan itong natutulog...

was feeling , baka masaktan rin yung 2 kapag nalaman nila na rape pa rin yung ginawa ng kanilang ama kung kaya sila nabuo...

>
[V-League]

AdU versus UP

errors pa rin talaga ang isang matinding kalaban ng AdU hanggang sa ngayon..
UE na lang ang pag-asa nila para magkaroon ng panalo, pero kakailanganin nila dun ng mas maraming attack points at less error...


ADMU versus NU

WTF!!?
parang Michael Jordan si Jaja, back row ang attack pero nasa front row na noong pumalo..
tapos nadiskubre pa ni Coach Roger na mas magandang gamitin si Paran kumpara sa Libero..
at sa dinami-dami naman ng laban nila, talagang against ADMU pa naging activated lahat ng players ng NU nang sabay-sabay...

okay naman yung laro ng ADMU eh..
sobrang dami ng service ace nila for this match..
kaso binawi rin nila yun sa dami ng error..
hindi naging consistent ang majority ng mga attackers nila for this game, halos si Tolentino lang ang activated..
ang masama eh si Maraguinot pa na dapat na all-around attacker yung nasira yung laro...

hindi tuloy sila nakabawi..
pero mabuti na rin at AdU ang susunod na makakalaban nila...

UP, kayo na ang bahalang sumira sa record ng NU na yan... XD

feeling , DLSU pa yata ulit ang magiging top seed...

>
mag-i-install na bukas..
3D..
tapos photoshop...

tapos magre-review rin ng mga lisensya...

was feeling , umpisa na ng digmaan...

---o0o---


March 23, 2017...

done installing the 3D software..
tapos na rin kaagad sa Photoshop..
konting minutes lang ang inabot nung 2... :D

next..
magre-review ng lisensya at magre-reorganize na rin ng library ng nasa 264 components, at mag-i-install nung mga kailangan ko talaga...

was feeling , work, work, work, work, work...

>
nagbenta ng mga sirang UPS at lumang AVR kanina..
sa mangangalakal lang..
2 UPS at 1 AVR..
kumita naman ng Php 30...

was feeling , Php 3,000 plus yung mga yun noon eh...

>
[TV Series]

The Greatest Love

napa-MMK at nagsisisi si Paeng tungkol sa mga nagawa niyang kasalanan laban kay Mommy Glo..
nakita siya ni Z, at sinabi ng binatilyo na sana ay kung tungkol sa kanyang Mom ang pinag-usapan nila eh sana ay sabihan rin siya dahil nag-aalala na siya..
sinabi naman ni Paeng na huwag na itong mag-alala...

sa coffee shop..
napa-MMK rin si Andrei..
napansin siya ni Ken, at medyo nagkuwento nga siya sa lalaki..
may nagawa daw na masama ang Papa nila laban sa Mama nila, ang sama-sama daw niya..
at baka kaya daw hindi sila mabuo-buo, at kaya ganun na lang parati si Amanda ay dahil hindi ito nabuo nang dahil sa pagmamahal..
naiintindihan rin naman daw niya ang kanyang Ate..
pero mas kawawa daw si Mommy Glo dahil sa lahat ng pinagdaanan nito..
sinabi naman ni Ken na may pagkakataon pa na bumawi, na ituloy lang nila yung kasalan, dahil deserving si Mommy Glo para dun...

sa bahay naman ni Gloria..
ibinida niya kay Peter na ang gaan-gaan ng pakiramdam niya..
dumaan naman si Lizelle bago dumiretso sa kanyang trabaho..
niyakap niya ang ina at sinabi na mahal na mahal niya ito..
sa kuwarto naman, ay t-in-ext ni Z ang kanyang Mom dahil nag-aalala na daw siya..
nag-reply naman ito noong una; na huwag siyang mag-alala, na hindi na muna ito uuwi, at na ang mga Tito niya muna ang bahala sa kanya..
after that ay sinubukan siyang tawagan ni Z, pero hindi na niya ito ma-contact..
dahil dun ay ipinakita ni Z ang text ng kanyang Mom kay Lizelle..
d-in-istract naman ni Peter si Gloria..
huwag na daw mag-alala ang binatilyo dahil siya na ang hahanap kay Amanda...

sa coffee shop..
naninibago si Paeng kung bakit hindi hinaharap ng kanilang Ate ang problema, hindi tulad ng dati..
makakapunta pa kaya daw si Amanda sa kasalan..?
nasabi naman ni Andrei na hindi matutuloy ang kasal kung ganun...

sinubukan na ni Paeng na magtanong kay Greta, tinawagan niya ito sa mobile phone..
pero hindi pa man din siya nagtatanong ay naulit na ni Greta na hindi na pumapasok si Amanda sa trabaho nila..
nagagalit na nga daw si Alvin dahil sa kapabayaan nito..
at nasabi nga ni Paeng na hinahanap rin nila ito..
sana naman daw ay walang nangyaring masama kay Amanda...

sobrang busy na ni Andrei sa pag-aasikaso nung kasal..
si Mommy Glo naman ay paulit-ulit nang hinahanap si Amanda, na para bang hindi niya ma-realize yung ginawa niya noong isang araw..
kausap ni Andrei si Lizelle sa mobile phone, at bahala na daw ang babae na hanapin ang kanilang Ate..
hanggang sa naisip ni Lizelle na baka nagpunta sa San Ildefonso si Amanda..
at nakita nga niya ang kanyang Ate sa may puntod ng ama nilang si Andres...

sinabihan ni Andrei na huwag nang mag-alala si Z..
pero nagtaka nga siya kung bakit wala pa din si Lizelle..
pupunta pala dapat sila sa simbahan para masanay na doon si Mommy Glo, para hindi ito manibago at ma-agitate sa araw ng kasal..
sinubukan niya itong tawagan, pero hindi sumasagot ang babae...

kinausap na ni Lizelle ang kanyang Ate Amanda..
ilang araw na daw itong hinahanap ni Mommy Glo..
kailangan daw sila ng kanilang ina, lalo na ngayon na alam na nila ang nangyari sa nakaraan..
pero hiniling ni Amanda na pabayaan na muna siya ni Lizelle..
at naging prangka na ang kanilang bunso..
napakamakasarili daw talaga ni Amanda, puros sarili na lang niya ang iniisip..
alam naman daw nito na mahalaga yung bawat oras na meron pa ang kanilang ina, kaya dapat daw ay magtulungan sila para pasayahin ito..
pero dahil sa ginagawa ngayon ni Amanda ay lalo lang niyang pinag-aalala si Mommy Glo..
pakiramdam ba daw nito na siya pa rin ang biktima..?
hindi ba daw nito naiisip yung mga taong nasaktan niya noon - si Mr. A, si Lizelle, at ang Mama nila..?
dapat daw ay harapin ni Amanda ang nagawa niyang pagkakamali..
wala na ba daw siyang mukhang maiharap dahil nalaman niya na mali siya..?
ang pagkakakilala daw niya sa kanyang Ate ay hindi ito duwag..
sumagot naman si Amanda na kesyo naiintindihan na niya kung bakit itinago ng kanilang ina ang tungkol dun, pero sa ngayon daw ay ang sakit-sakit pa..
makikisabi na lang daw sa iba pa na 'sorry'..
pero inulit ni Lizelle na matutuloy ang kasalan..
kaya sana daw ay maihatid ni Amanda ang kanilang ina sa altar, para makabawi man lang daw ito kay Mommy Glo...

was feeling , mukhang mawawala pa ang pasyente, na na-experience na rin ng blood aunt ko...

---o0o---


March 24, 2017...

[TV Series]

The Greatest Love 

hindi na nga umabot sina Andrei para sa rehearsal..
nakatulog na kasi si Mommy Glo, at hindi na rin siya nakahabol sa trabaho niya sana..
dumating na si Lizelle, at nabanggit nga niya na nakita na niya ang kanilang Ate sa puntod ng kanilang Papa Andres..
hindi daw ito makausap nang ayos, kaya nailabas tuloy ni Lizelle lahat ng sama ng loob niya kay Amanda..
nag-aalala tuloy siya na baka lalong hindi na bumalik ang kanilang Ate dahil dun..
hayaan na lang daw muna nila ang kanilang Ate, only time will tell kung anong magiging desisyon nito..
saktong dating ni Paeng na sinubukan rin palang hanapin ang kanilang Ate..
at ibinalita nga ni Lizelle na nakita na niya ito..
saktong narinig rin ni Z ang kanilang usapan..
eh saan daw ito nagpunta..?
hindi na daw alam ni Lizelle, dahil hindi na nya ito sinundan..
hayaan na lang daw muna nila si Amanda, dahil kailangan nito ng time at space para mag-isip...

sinubukan pa rin nina Paeng at Z na ma-contact si Amanda..
pero wala pa rin..
umaasa na lang daw sina Z na matatanggap rin ng kanyang Mom ang kanilang messages..
at nakiusap si Andrei na mag-focus na lang muna sila para sa kasalan, si Mommy Glo na muna daw ang kanilang isipin...

nag-suggest si Mareng Lydia kay Gloria na isulat na ang wedding vows nito..
at hindi naiwasan ng bestfriend na maging emosyonal..
masaya daw siya na matutuloy na ang kasal ng 2 magkasintahan..
nagpasalamat naman si Gloria na laging naroon si Mareng Lydia para sa kanila..
hinding-hindi daw siya nito iiwanan..
eh ano daw ang gustong ending ni Gloria sa kanyang vow..?
pero ayaw daw niya ng ending, dahil gusto niya na walang katapusan at walang iwanan - parang sila na mag-bestfriend..
pero biglang na-realize ni Gloria na wala ang mga tao sa bahay niya, lalo na si Amanda..
ipinaalala naman ni Mareng Lydia na sa 1 linggo pa naman kasi ang kasal niya..
tapos ay niyaya niya ang pasyente na maglakad-lakad na muna, para ma-distract ito..
pero bago yun ay mag-si-CR lang daw si Mareng Lydia...

naisip nina Andrei at Lizelle na si Andrei na lang ang maghahatid kay Mommy Glo in case na hindi nga dumating si Amanda, dahil siya naman daw ang panganay na lalaki nila..
nagpasalamat naman ang bunso kay Andrei dahil lagi nitong naiintindihan ang sitwasyon, na kailangang ang ina muna nila ang kanilang isipin sa ngayon..
matagal na daw kasing natanggap ni Andrei ang mga bagay-bagay..
pero kahit na maging dramatic pa daw ang entrance ng kanilang Ate, ay ang mahalaga ay dumating ito sa araw ng kasal...

balik sa bahay..
nawala na nga si Mommy Glo..
kaya nagsimulang mag-alala, at maghanap si Mareng Lydia..
sa may kalye na niya ito nakita, na nagtatanong-tanong sa mga tao kung nakita ba nila si Amanda...

muling nag-usap-usap ang 3 magkakapatid sa bahay..
natanong ni Paeng kung paanong magiging masaya at memorable yung kasal kung hindi nga sila buo..?
sinabi nga nung 2 na naisip nila na si Andrei na lang ang maghahatid sa kanilang ina kung hindi darating ang kanilang Ate..
eh nakakasigurado ba daw yung 2 na hindi hahanapin ni Mommy Glo si Amanda sa oras ng kasal..?
kaya naisip ni Andrei na magpa-practice na sila para masanay si Mommy Glo na siya ang kanyang kasama...

nag-date naman sina Z at Y..
napansin ni Z na may gumagambala sa dalagita..
bumalik na daw kasi yung Dad niya mula sa America..
hindi ba daw siya masaya kung ganun..?
ikinuwento nga ni Y na gusto siya nitong pag-aralin..
pero ang kondisyon ay kailangan niyang sumama sa States..
at gusto yun ng Mama niya para sa kanya, para sa ikagaganda ng buhay niya..
ipinayo naman ni Z na sundin lang ni Y yung makabubuti para sa kanya..
nag-sorry ang babae dahil ngayon pa niya yun sinabi, kung kailan nawawala ang Mom ni Z..
pero okay lang naman daw yun, at least ay naihanda niya si Z para dun..
hindi naman daw ibig sabihin na puwerket aalis ay hindi na babalik..
basta ibinilin ni Z na magpa-Flower Girl pa rin si Y sa kasal ni Mommy La niya...

maya't maya nang nawawala sa isip ni Mommy Glo ang tungkol sa kasal niya..
sinanay na nga siya nina Andrei, Lizelle, at Z sa paglalakad kahit sa loob lang ng bahay nila..
at kinondisyon na siya ni Andrei na silang 2 ang magkasama papunta sa may altar..
nag-practice pa sila with background music...

dinala na rin ni Andrei yung mga susuotin nilang damit sa bahay..
pinaalalahanan nila ang kanilang ina na hindi nagpapakita si Mr. A dahil pamahiin na bawal munang magkita ang groom at bride bago ang kasal - dahil malas daw yun..
at naisip naman ni Mommy Glo na magdasal sila, para walang malas...

was feeling , last 4 weeks na...

>
[V-League]

hala!
nag-collapse sa daan..?
anong nangyari kay #8 Galanza...??

laban pa naman nila ng ADMU sa Sunday...

was feeling , napagod na kalalaban nang mag-isa...