Sunday, December 4, 2016

D Kitchen

FACT:

since October 2016 eh umakyat na sa Php 204 ang presyo ng bawat bundle (of 12) ng ordinaryo o unbranded na mantika sa area ko..
and since December 3, 2016 eh umakyat pa yung presyo sa Php 207...

Php 180 yung pinaka-stable niyang presyo (o pinakamadalas na presyuhan nung ganung produkto) since October 2015... :(

---o0o---


update ulit (18 na):
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  •  yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • yung Oplan Cyber Tokhang

---o0o---


November 28, 2016...

delikado na 'tong mga bombings and bomb threats na 'to..
nakikisabay pa eh..
isang pagsabog pa na kikitil ng maraming inosenteng buhay at baka magamit na nga yung dahilan to suspend privileges, or worst - ang maibalik ang Martial Law...
correction lang..
sabi kasi hindi daw magagawa ng gobyerno na pumatay ng mga mamamayan in order to declare Martial Law..
pero base sa history, reasons can be staged to gain more power..
at ang government ay pwedeng magpapatay ng mga mamamayan nito..
i'm not saying na ganito yung current government..
just emphasizing the fact na posible siyang mangyari...
pero regardless kung kanino nga galing yung mga pag-atake..
(bakit kaya puros Roxas na lugar yung pinupuntirya..?)
eh sana lang hindi ito maging "..two birds with one stone" na incident..
ngayon pang maraming nagpo-protesta laban sa maling mga sistema..
sana naman ay hindi sila ang maging target ng mga bombings... :(
lahat ng 'to habang marami pa ring tiwaling mga government officials at mga pulis..
at kung kailan nagbabasa pa rin ang mga witness, at nagpapalit pa ng mga statements nila... :(
feeling , dark days...

---o0o---


November 29, 2016...

hindi na bago ang mga kaganapan kung saan ipinapahukay ang isang bangkay mula sa kanyang pinaglibingan...
may iba't ibang dahilan kung bakit ito ginagawa, at ilan sa mga ito ay:
  • para sa muling pag-autopsy
  • conservation of space.. sa mga magkakaanak, para ipagamit yung nitso sa ibang fresh pa na bangkay, at isama na yung kinalansay nang bangkay sa puntod ng ibang kalansay na rin
  • relocation kapag talagang kailangan na (ex. sira na yung puntod, o peligroso o bahain na yung lugar, o di kaya ay kapag ililipat ng probinsiya)
  • yung mapait na katotohanan na isinasama na yung ibang bangkay sa mass grave kapag hindi na nahuhulugan o nababayaran yung space (not necessarily lote) na pinaglibingan sa kanila
  • gawain ng mga magnanakaw.. ang kumuha ng mahahalagang gamit mula sa isang bangkay

well, sa bagay..
isa rin talaga 'to sa mga dahilan kung bakit hindi na hinintay yung pag-apela ng nagrereklamong grupo..
minadali nila yung paglilibing para nga in case na ipahukay yung bangkay, eh palalabasin nila na hindi yun makatarungan at nakakabastos yung gawain na yun in a spiritual level..
isa na namang pag-atake sa mindset ng mga simpleng tao...
pero kahit saan pa idaan yung usapan..
ang mga demonyo ay sa impiyerno at sa impiyerno rin lang nababagay (kagaya rin ng mga sumasamba sa kanila)...

PS: alam po namin na desperado na kayong matupad yung pangarap ninyong gobyerno at bansa kung saan lahat ay sumasamba sa diyos-diyosan at nakayakap na muli sa angkan ng diktador..
ginahasa na ho ng hanay ninyo ang pagkatao ng mga opisyales ng pamahalaan na wala namang ginagawang mali, ginahasa na ho ng hanay ninyo ang pagkatao ng mga nagpo-protesta para sa katarungan, binubusalan na ho yung ibang lumalaban sa katiwalian at maling sistema.. 
pero sana naman ho ay huwag ninyong pasasabugin ang hanay ng mga nagpo-protesta para lang makamit ninyo yang inaasam ninyong gobyerno na one-sided at nabibili gamit ang nakaw na yaman ng bansa... 

feeling , pero hindi pa rin mapagtatakpan yung katotohanan na binalewala na yung kasunduan with Ramos, at na binastos na ang sistema ng Supreme Court...

>
ilang ulit ba akong makakabasa ng "Marcos died 30 years ago"...??
paki-Google na ho kung hindi naman kahiya-hiya, para lang mas mabilis...
tang ina!
hindi ho siya pinatay ng mga tao noong nagkaroon ng People Power..
in fact, nakatakas nga sila noon dala-dala ang limpak-limpak na kuwestiyonableng yaman papunta sa ibang bansa...
paano ba naman ho magiging kapani-paniwala yang mga paratang na sinasabi ninyo..?
eh simpleng fact nga lang ho eh hindi niyo pa ma-provide...
feeling , tang inang mga post yan! i-post niyo yan kapag 2019 na...

>
gusto ko sanang tumulong sa pagpo-protesta...
kaso takot ako..
ayoko ng mga gulo..
ayoko ng encounter sa mga parak..
ayoko ng mga sakitan lalo na kung 'provoked'..
ayoko rin sa mga bopols na target ng protesta (mahirap kausap yung mga taong ang sagot sa argumento ninyo eh kesyo 13th month pay bla-bla-bla, or worst eh gagahasain ka at puputukan ng tamod sa bibig at sa kung saan-saan).. :(
at higit sa lahat, i don't think may pag-asa pang magbago ang kasalukuyang gobyerno..
naibigay na ng bawat branch ang 'majority' ng kani-kanilang argumento, at walang kinalaman ang History sa alinman sa mga yun...
seriously..
kung ako ang tatanungin..
isa lang talaga ang paraan para matuldukan na ang usapin na ito tungkol sa Diktador..
hati ang bansa, marami ang sumasamba nang dahil lang sa probinsiya nila, at lalong marami ang sumasamba sa diyos-diyosan..
kaya naman the only way - eh yung paraan na walang respeto sa bangkay (in Filipino tradition)..
pero actually, honorable at ginagawa rin ng mga mararangya noon ang pamamaraan na iniisip ko...
kaya naman, mas pinipili kong sumuporta na lang mula dito sa bahay..
hoping na magiging ligtas naman ang lahat ng magpo-protesta na nasa panig ng tama..
hoping na wala nang magaganap na mala-Enrile Ambush script..
hoping na hindi bobombahin yung mga protesters for '2 birds with 1 stone' motive...
feeling , the Force is strong within him.. and them...

---o0o---


November 30, 2016...

anong kinalaman ni Noynoy sa issue..?
hanggang ngayon iniisip nila na labanan 'to ng mga angkan..?
'tang inang mababaw na pangma-mindset yan..
best president..?
'tang ina, yung bundle ng mantika eh Php 204 pa rin hanggang ngayon compared sa last year at first half this year na nadikit pa rin sa Php 180...
lagot na naman yung si Roxas..
matitira na naman yun ng mga memes..
ang masama pa, mamamantsahan niya yung essence ng protesta ngayong araw dahil lang sa kulay ng Partido nila...
yung pangkat naman ng ka-pangkat ng Cosplayer eh sobra-sobra kaagad ang bintang...
ang galing nung aso.. :D
not yet the best representation..
pero okay na yun for now..
hindi kasi yan nagre-research eh, wala daw films and documentaries tungkol sa Martial Law..
sinong niloko niya (mga panatiko lang)..?
may Malisbong Massacre pa pala... :(
hindi pwede yung bangkay sa isang kinikilalang libingan..
na mostly eh para sa mga sundalo at national artists..
besides, ang ganda rin kasi ng current name nun..
hindi siya pwede dun..
dahil para na ring sinasabi nun na okay lang na magnakaw, okay lang umabuso sa kapangyarihan, okay lang na magkunwaring nakikipaglaban sa mga rebelde for a very long period of time, okay lang na busalan ang media, at okay lang na i-tolerate ang mga walang basehan na pagpatay (na kaakibat ng anyo ng awtoridad ng Martial Law)..
ang "move on" sa ganitong usapin ay parang nangangahulugan na rin na okay lang na maya't mayang gawin yun laban sa bansa, dahil eventually eh magpapatawad rin naman ang mga mamamayan..
hindi rin siya pwede dun kasi parang inaari na rin nung angkan niya yung buong libingan sa sobrang higpit ng seguridad para lang sa kanila, limpak-limpak na nga ang mga ninakaw nila na ayaw nilang isauli, pati ba naman libingan eh aariin din nila...?
there is no perfect government..
ang isang ideal government ay hindi nangangahulugan na dapat sumunod lang nang sumunod ang mga mamamayan sa mga nasa itaas..
ang isang ideal government ay kung saan sinusunod ng mga mamamayan lahat ng tamang sistema, at kinukuwestiyon at nire-reform naman ang mga mali...
feeling , ang pangit nung tuta!

---o0o---


December 1, 2016...

ang weird talaga ng mga pag-uugali nitong mga panatiko..
kumbaga halatang naggagawa na lang ng mga dahilan eh...
gagamitin pa ang mga aral ng relihiyon para i-justify ang pagbebenta ng pabor ng idol nila...
kung talagang naniniwala kayo sa pagpapatawad..?
kung talagang naniniwala kayo sa pag- "move on"..?
edi hayaan na lang ang mga terorista na maghasik ng lagim..
edi hayaan na lang ang mga drug related personalities na gawin ang mga trip nila sa mga sarili nila and/or laban sa ibang tao..
buwagin na ang sistema ng hustisya, tutal eh patawaran pala ang gusto ninyo eh..
patawarin niyo na lang nang patawarin..
kapag may nanakawan - patawarin na lang ang nagkasala!
kapag may nasaktan - patawarin na lang ang nagkasala!
kapag may nagahasa - patawarin na lang ang nagkasala!
kapag may napatay - patawarin na lang ang nagkasala!
mag-focus kayo sa ikauunlad ng mga buhay ninyo habang nakikipag-patintero sa kriminalidad at katiwalian sa gobyerno...
pero siyempre hindi kayo papayag..
kasi takot rin kayo sa kahit na anong klase ng kasamaan ang pwedeng mangyari sa inyo..
dahil alam ninyo na kapag kayo na, buhay niyo na, o pamilya niyo na yung nalagay sa alanganin - eh maghahabol rin kayo ng hustisya (or at least ng areglo)...
feeling , pero iba pa sa usapan na 'to yung mga pagpatay na 'preventive' at/o para lang magbura ng mga links ang approach...

>
may panibago na naman palang kaso..
sa Bulacan naman..
sa ngayon eh droga ang pangunahing motibo, onsehan ang hinihinala..
patay yung ninong nung bata sa selebrasyon ng binyag nito (na siyang hinihinalang target talaga nung pamamaril)..
unfortunately, natamaan ng ligaw na bala yung bata at namatay rin, 1 year old lang daw yun...
feeling , damay-damay na...

>
isa pang weird..
bakit kapag tungkol sa terorista (DAW) yung sino-solve na kaso ng mga pulis eh mabilis lang mahuli yung mga suspect...?
pero kapag yung kaso ng mga 'unauthorized' na taga-tumba ng mga drug related personalities and/or tumba-at-frame-up sa kasong related sa drugs sa kung saan-saang lugar dito sa bansa eh walang masyadong naso-solve..
krimen pa rin naman yung ginagawa nila, di ba..?
ano ba talaga yung mga taga-tumba na yun...?
o mas magagaling na pulis lang talaga yung naa-assign sa mga terorista at rentangay..?
kasi kung meron ngang mga ganung klase ng pulis o imbestigador, edi sana sila na lang ang mag-solve sa lahat ng klase ng kaso na hindi pa nabibigyan ng hustisya o malinaw na lead man lang...
feeling , puwera luto...

>
hindi puwerket nasa 16 Million ang bilang nila noong halalan eh yun na ang magiging basehan ng lahat ng desisyon para sa bansa..
mahigit sa 2 ang option noon..
hindi gaya sa usapin tungkol sa bangkay na YES or NO lang ang pagpipilian..
besides, yung nasa 16 Million na yun eh hindi naman majority (more than half) ng voting population...
kaya naman wala silang karapatan na pagbawalan na magprotesta ang ibang tao kahit ilan pa ang bilang nila..
bahagi yun ng freedom eh, at hinayaan rin naman ng idol nila yung mga protesta kahit wala pang permit..
sinasabi nila na walang saysay yung mga protesta dahil minamaliit nila yung bilang..
pero bakit apektadong-apektado sila at nag-aaksaya pa ng oras nila para lang mag-post ng pagkontra nila sa social media, sa halip na mag-focus na lang sa mga sarili nilang buhay..?
kung talagang naniniwala sila na walang saysay at walang mararating ang mga protesta, edi pabayaan na lang nila tutal hindi naman oras at pagod nila yung nasasayang dun...
tumawa lang kayo kung gusto ninyong tumawa..
basta huwag kayong magrereklamo at magbabawal...
feeling , yung iba diyan may bayad kaya nagpo-post.. eh yung iba kaya..? tinatamaan ba kaya nagpo-post...?

---o0o---


December 2, 2016...

panibagong kaso na naman..
regarding sa pagiging witness naman ni Kerwin Espinosa...
noong isang araw yung Espenido yung inabsuwelto..
nakakapagtaka kasi bakit idinawit pa siya, tapos biglang babawiin...?
tapos recently eh yung Marcos naman (hindi yung bangkay) ang ibinalik sa puwesto matapos na madawit rin yung pangalan niya sa listahan ni Kerwin..?
kasi kung suspect na yung mga tao, hindi ba dapat eh hino-hold muna sila at hindi pinababalik sa trabaho hanggang maimbestigahan na yung mga kaso nila..?
parang nawawalan na rin tuloy ng saysay yung mga testimonya ni Kerwin, making him an unreliable witness..
parang ang nangyayari kasi ngayon eh magturo ka at paiimbestigahan nila yung mga gusto lang nilang marinig o makita na mga pangalan...
sino kaya ang mga protektor ng mga pulis na yun..?
mukhang totoo nga yung statement noon na suportado ng gobyerno yung mga Region 8 police na involved... :(

PS 1: medyo magulo yung mga istorya regarding Marcos, hindi na lang kasi sinabi yung date ng reinstatement.. 
may version na nagsasabi na bago pa patayin yung mayor, meron namang nagsasabi na after madawit dahil dun sa pag-produce nung warrant na pumatay dun sa mayor...

PS 2: basta ang key statement ay may kumausap kay Bato para maibalik siya sa puwesto...

feeling , seryoso ba talaga ang gobyerno sa paglaban sa drugs at katiwalian..? o mas gusto ba nila na mag-extend nang mag-extend ang giyera...?

>
nalulungkot ako sa tuwing nakikita ko yung mga paninira kay Leni Robredo.. :(
at yung paghahayag nang hindi pagtitiwala sa kanya bilang isang kahalili just in case...
sobra-sobra kasi yung pagka-dungis sa pangalan niya dahil lang sa mga accusations at dahil lang sa kulay..
tapos dati eh minura pa siya ng anak ng isang hindi ka-Partido...
matagal nang may bad money sa election; whether galing yun sa pangungurakot, sa ilegal, o bilang pambili ng pabor ng kung sinu-sinong mayayaman..
at sa tingin ko naman eh hindi magagawa ni Leni na personally mangolekta ng mga ganung klase ng pera..
ni wala nga sa plano niya na tumakbo bilang Vice at nakumbinsi lang noong kagipitan na..
kaya kung nasuportahan man siya ng bad money nang dahil sa Partido niya, eh hindi naman niya siguro kasalanan yun..
sa tingin ko rin eh magre-reflect naman sa antas ng pamumuhay ng tao kung sakaling may nakaw/ilegal na pera man siya...
yung pandaraya sa election eh matagal na ring nandiyan..
sobrang dami ng klase niyan; may vote buying, may favor buying, mass relocation ng voters, ghost voters, pag-blackmail gamit ang 4Ps, pag-blackmail gamit ang scholarship program, direktang pag-manipulate sa resulta ng botohan, at sa panahon nga ngayon ay teknikal na pagmanipula sa resulta ng botohan, etc..
pero i also doubt na kung totoo man yun, eh pakana yun mismo ni Leni..
tugma naman kasi yung naging resulta ng halalan sa mga survey eh..
besides, madali na lang yung patunayan sa pamamagitan ng pagko-compare nung boto na lumabas sa server, kumpara sa mga boto na lumabas sa resibo, at kumpara sa mga boto na lumabas sa balota...
pero ang punto sa ngayon ay hindi nila dapat hinuhusgahan yung tao hangga't wala pang lumalabas na ebidensiya..
hindi nila dapat pinapalabas na puta (hangga't hindi nakikiapid)..
hindi nila dapat binubuntis..
hindi nila dapat sabihin na wala namang nagawa/nagagawa..
basta hindi dapat nauuna yung pagyurak sa pagkatao hangga't walang mga ebidensya o hangga't walang lumalabas na mga pag-amin mula mismo sa bibig niya..
at hindi dapat hinuhusgahan ang mga tao ng dahil lang sa kulay...
sa tingin ko, hindi puwerket magkakulay ng Partido eh automatic na parehas na ang gagawin..
dahil ganun naman talaga ang mga tao - iba't iba ang pagkatao...
pero sa totoo lang..
marami pa talagang bagay dito sa bansa at pamahalaan na dapat baguhin na..
pero walang nakakaisip na gumawa ng mga yun...
feeling , kaso may mga tao talaga na nai-stuck na sa issue ng kulay...

>
bakit nga ba hindi naisip ng gobyerno na habulin na rin yung mga taong may mga baril...?
masyado kasing mahirap labanan yung baril sa oras ng panganib eh..
at nakakaasar yung payo ng mga pulis na kapag nalagay ka sa alanganin eh ibigay mo na lang yung hinihingi ng kriminal... :(
tutal tinakot na rin lang nila lahat ng may kinalaman sa ilegal na droga..
sana tinakot na rin nila lahat ng nagma-may-ari ng mga baril at gumagawa ng baril - rehistrado man o hindi, para nagkaroon rin sila ng listahan..
para hindi ganito na nagkalat pa rin ang mga kriminal na kayang pumatay ng ibang tao...
feeling , 'tang ina kasi yung penal system.. ilang beses nang nagkakasala pero pwede pa ring makalabas sa kulungan...

---o0o---


December 3, 2016...

aw, umamin na ang backer nung Marcos na parak..
at bigatin nga talaga siya..
don't tell me na kamag-anak rin nga ng Dictator Clan yung pulis na yun kaya niya pinaboran..?
o inakala niyang kamag-anak dahil nga kaapelyido kaya niya napaboran...?
anyway, mas mahalaga yung punto ni Lacson..
hindi nga patas para sa mga witness na pansamantalang pinalaya yung mga suspek na pulis..
suspected kasi sila bilang mga taga-tumba eh...
pero ano nga ba ang motibo ng mga nasa itaas..?
  • a) seryoso yung sinabing rason ng nag-iimbestigang panig..?
  • b) para itumba yung mga suspek sa labas at putulin na ang link..?
  • c) para yung mga witness ang maitumba..?
  • d) para magkaroon ng tsansa para makatakas ang mga suspek...?

monopolyo yata sa ilegal na droga yung habol nila eh..?
kumbaga ayaw tuldukan yung problema para tuluy-tuloy lang na may nagagawa ang gobyerno..?
pero kung ano man yung totoo..
talagang pinaghalo-halong maganda at pangit na mga desisyon ang meron sa gobyerno na 'to..
parang ginagamit yung isa bilang cover-up doon sa isa pa...

PS: mukhang alam na rin kung sino ang nagpatumba kay Mayor Espinosa...

feeling , ang tinde!

---o0o---


December 4, 2016...

natawa naman ako doon..
yung mga pro-diyos-diyosan na galit sa mga protesters na nagta-trashtalk laban sa masasamang tao..
pero kapag yung diyos-diyosan na nila ang nagta-trashtalk at nangke-curse eh tuwang-tuwa pa, at dinidepensahan pa nila ng mga palusot...
alam na alam na talaga kung kailangan masasabing nabulagan na ang mga tao..
pero at least loyal sila..
nasunod sa "thou shalt have no other gods"... XD
feeling , sakop rin nga ng FREEDOM yang pagiging tanga at balimbing at sunud-sunuran.. enjoy niyo lang!

---o0o---


December 5, 2016...

sa palagay ko mali nga yung mamigay pa ng mga libreng condom..
dagdag gastos lang 'to para sa gobyerno (gaya ng 4Ps) na walang patutunguhan...
sa panahon kasi ngayon eh nasa high school pa lang ang mga bata eh mapupusok na talaga (probably dahil sa influence ng modern technology at society)..
kaya yung pamimigay ng condom sa mga tao eh parang GO SIGNAL na rin na kesyo "sige, gamitin mo yan"..
and what happens sa tuwing wala ng condom (lalo na sa mga tao na nasa mababang antas ng pamumuhay)...?
isa pa..
kung hindi maganda yung brand ng condom eh parang hinayaan na rin nilang mas lumaganap ang HIV..
marami kasing report sa industriya tungkol sa mga klase ng condom na madaling masira...
siguro a good way na lang sa panahon ngayon para mapag-ingat ang mga tao eh ang takutin sila..
kagaya sa sigarilyo at ilegal na droga, kailangang ipaalam ng gobyerno ang mga worst case scenario at mag-provide ng visuals...
another way, though marami ang siguradong tututol..
eh kasi naman wala pa ngang gamot kaya kailangan talagang mag-ingat..
tapos sobrang pasaway pa talaga nung iba..
eh HIV identification para malaman kung sinu-sino na ang mga carrier... 
feeling , f*ck responsibly...

>
lagot na si Leni..
mukhang magsisimula na nga ang pagpapatalsik sa kanya..
at sa klase ng gobyerno ngayon, eh mabilis ang aksyon o desisyon kapag mga Friend na ang pinag-uusapan... :(
ang nakakapagtaka lang..
almost 7 months pa ang pinalipas..
at kung tutuusin eh hanggang ngayon eh wala pa ring sinisimulan na pag-iimbestiga..
yung mga balota at resibo naman kasi eh sapat ng pang-countercheck dun sa automated result..
kung gusto talaga kasi nila na hindi questionable yung gagawing bilangan, eh dapat noon pa lang eh sinimulan na nila..
pero bakit hanggang ngayon ay wala pa ring aksyon...?
worst case scenario nito ay mapapalitan na, o may mga mawawala ng balota at resibo...
feeling , antagal magluto, anu-ano pa kayang preparasyon ang ginagawa...?



No comments:

Post a Comment