Sunday, December 11, 2016

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of December 2016 (Real Life)

ewan ko..
kung hindi ako nagkakamali, ito yung unang beses na may namatay na kakilala ko na through accident...

as usual, hindi na ako tumitingin talaga sa itsura ng patay..
hindi ko kasi sila gustong maalala sa ganung paraan...

nakakalungkot..
dalawang beses ko kasing naging campus-mate yung taong yun..
naging kasabayan ko rin siya noon sa paglalaro ng online games..
at mabuting tao ang pagkakakilala ko sa kanya...

nakakalungkot din dahil masayahin pa naman yung pamilya nila..
at talaga namang wrong timing yung aksidente na yun..
andami rin kasing sunud-sunod na event sana para sa kanilang lahat...

yung nangyari sa kanya made me realize more na hindi nga lang pala talaga sa mga palabas at sa mga balita sa TV nangyayari yung ganun - na pwede rin yung mangyari sa mga kakilala ko..
made me realize na wala talagang nakakaalam o makapagsasabi kung hanggang kailan lang ang buhay natin..
it makes me think na unfair nga ang buhay, kung bakit yung mabubuting tao eh namamatay nang maaga at sa hindi pa talaga magandang paraan..
ganun nga pala talaga ang buhay, it's either you die naturally o dahil sa kagagawan ng ibang tao..
totoong wala namang makakaiwas sa kamatayan, pero sana pa rin eh mas naiiwasan ng mga tao na sila yung maging dahilan sa pagpanaw ng kapwa nila...

sana mag-ingat parati ang lahat...

---o0o---


December 6, 2016...

[Online Marketing]

done with my eBay transaction..
na-deliver na rin nung courier yung item dun sa buyer kahapon..
out of 3 deliveries eh hindi pa naman ako binibigo nung courier (the one na nakawala sa Lotus ko )..
this only shows na naka-depende talaga on a per-person basis ang kalalabasan ng isang transaction..
nakakalungkot lang talaga kapag nabibiktima ka ng mga tao na hindi alam ang ginagawa nilang trabaho - or worst, yung mga empleyado na magnanakaw...



anyway..
ang mahalaga sa ngayon ay may bago na akong positive feedback as a seller sa eBay..
magagamit ko yun for the next year, coz i still got 4 items to sell...
feeling , nasa Php 1,350 pa yung kailangan
>
[TV Series]

The Greatest Love 

dahil sa pagnanakaw ni Paeng sa sarili nilang negosyo eh napahamak na nga si Sandro..
nag-volunteer kasi siya na umalis na sa Junk Shop para hindi na umalis si Paeng sa piling ni Mommy Glo...


si Mommy Glo naman, eh nag-decide na pakitaan pa ng kabutihan si Paeng hoping na kusa itong magbabago..
pero hindi, at talagang sinamantala pa ng pasaway na anak ang kanyang sakit...

dahil hindi patas ang ginawa ni Paeng kay Sandro, at dahil nag-aalala rin si Lizelle para sa kanyang ina..
eh napasugod ang dalaga sa Junk Shop nila..
sinubukang saktan ni Paeng ang half-sister niyang si Lizelle, pero napigilan naman ito ni Sandro na sinundan ang dalaga, kaya naman yung dalawang lalaki ang nagsuntukan...

halos sakto rin ang dating nina Mommy Glo at Mareng Lydia para makiawat sa mga bata..
at dahil sa pagiging mapanakit ni Paeng, eh na-trigger na naman yung sakit ng ina nila..
inakala niyang si Paeng ang asawa niyang si Andres, at naalala niya ang kakayahan nito na manakit ng kapwa..
nagulat naman ang lahat sa naging reaksiyon ni Mommy Glo, at umalis kaagad si Paeng sa pakiusap ng kanyang ninang...

si Amanda naman eh tuluyan nang nakipag-partner sa dati niyang boss para sa sarili nilang advertising agency, hinayaan na rin muna siya ng asawang si Chad..
si Z naman eh nahuli na ni Amanda na nagtatrabaho sa coffee shop ng boyfriend ni Andrei, saktong naglalampaso ang binata, kaya naman naawa si Amanda para sa kanyang anak...
feeling , lagot! sa mga kasamaan pa ni Andres mapo-focus yung pagbabalik ng mga alaala ni Mommy Glo...
---o0o---


December 7, 2016...

[Medical Condition]

at half-life, eh pang-matanda na nga pala talaga ang katawan ko...

the very first time na naranasan ko na bumigat ang batok ko dahil sa pagkain eh noong huli kong bisita sa Victoria Court..
at inakala ko noon na resulta lang yun ng sari-saring pagkain at supplements na t-in-ake ko that day...


pero kahapon..
ni hindi pa nga footlong yung kinain ko na hotdog sandwich..
tsaka fries lang naman yung kasama nun..
pero tinamaan pa rin ako sa batok...
feeling , deterioration of the vessel...
>
tungkol naman kina Miss C...

well..
marami na ulit nadagdag sa grupo nila..
nasa 3 yung mga repeater..
at about 8 naman yung mga bagong recruit..
mukhang nagtatagal naman yung mga baguhan...


also..
after this month eh baka mag-retire na si Miss H..
baka mag-retire rin si Miss C (gaya nung naikuwento niya sa akin noon)..
oo, nakakapanghinayang kung hindi ko na talaga sila magagawang mapagsama..
pero hanggang dun na lang talaga ako eh..
if walang dumating na milagro this month, eh wala na akong magagawa kundi pakawalan yung pantasya ko na yun...
feeling , hindi talaga pwedeng magsama ang isang mortal at mga diyosa...
>
[Lottery]

amp!
back to back draw, parehas na 2nd prize ang nakuha ng pool ko... T,T
feeling , anlupet mo talaga sa akin FATE...
>
[TV Series]

The Greatest Love 

nalungkot nga si Amanda dahil sa ginawang effort ni Z para suportahan ang pag-aaral nito, at the same time eh sobrang naging proud niya sa anak..
pagdating sa bahay, napagsabihan si Z dahil sa ginawa niyang paglilihim ng part time job niya mula sa kanyang mga magulang, pero binati rin nila ang anak dahil sa pagiging responsable nito..
pero medyo nasumbatan pa rin nga ni Amanda si Chad dahil sa tingin niya ay dapat hindi nagtatrabaho ang kanilang anak...


si Paeng naman pala ay dinala lahat ng mahahalagang dokumento ni Mommy Glo..
kasama yung titulo ng bahay nila, at mga papeles na related sa Junk Shop...

nag-volunteer naman si Lizelle na sama-samahan muna ulit ang kanyang ina sa San Ildefonso..
pero nangamba si Mommy Glo na baka madiskubre rin nito ang tungkol sa sakit niya, sinabi na lang ni Peter na baka panahon na rin para malaman yun ng anak nila...

gusto na sana nilang pabalikin si Sandro sa Junk Shop..
pero naisip ni Sandro na mas makabubuti na hindi na, para in case na bumalik si Paeng eh wala ng maging problema..
panahon na rin siguro para mas pagbutihin pa daw nito ang ikinabubuhay niya ang sabi ni Mommy Glo..
basta lagi lang daw tandaan ng binata na parati lang nandun si Mommy Glo kung sakaling kailanganin niya ng tulong...

si Pareng Jomar naman eh naisip na dalhin sa ballroom-an si Gloria para malibang naman ito, dahil nga sa muling pag-alis ni Paeng..
magkakasamang pumunta ang 4 na matatanda..
habang nagsasayaw sila ni Peter eh bumalik kay Gloria ang mga alaala noong nasa Bayle-han sila sa Bagong Ilog..
kaso noong nag-switch na ng partners, eh naalala ni Gloria kay Pareng Jomar si Andres at yung takot niya na baka ipakulong nito si Peter...

dahil sa 2 magkasunod na pangyayari involving yung mga memories ni Andres, eh mag-aalala tuloy si Mareng Lydia kung paano na si Gloria kapag yung mga mas malulupit ng ginawa dito ni Andres ang bumalik sa kanya...
feeling , rape victim + Alzheimer's Disease...
---o0o---


December 8, 2016...

ano ang 2nd best Search Engine after Google...?

ang sagot - Facebook...

just uncovered 2 more names..
yung 1 wala akong pakialam..
pero i can use both to track down more people...


ang ikinagulat ko ay yung data ni Miss S..
it looks like panligaw yung ibinigay niyang pangalan sa akin noon..
as for her city of origin, eh mukhang sinubukan nilang gamitin yung data sa akin..
maging ang relationship status niya, lumalabas na katulad siya nung ibang babae na active sa serbisyo while having a partner...

EDIT: mukhang ka-faction niya yung isang pasaway na dating miyembro nila..
mukhang tropa niya rin yung dating miyembro nila na retokada..
not yet sure, pero mukhang tama rin nga pala yung binigay niyang city of origin niya..
yung relationship naman eh mukhang complicated...

feeling , maganda nga siya kapag walang eye bags...
>
done checking their networks...

wala..
hindi talaga ako makakuha ng data tungkol sa mga core member nila..
wala pa rin akong data tungkol kay Miss C...
feeling , dead end...
>
[TV Series]

The Greatest Love 

ayun nga, nagawa namang ipaliwanag ng 3 kay Gloria na nagha-hallucinate lang siya..
kumalma naman ang may Alzheimer's..
after sa ballroom-an, kaagad dumiretso si Peter sa doktor ni Gloria..
hindi daw advisable na i-correct yung mga hallucinations para sa isang pasyente ng Alzheimer's..
pero okay na rin daw at nakumbinsi nga nila si Gloria..
pwede pa rin naman daw silang pumunta sa mga sayawan, pero kailangan lang nilang baguhin yung ibang bagay para hindi nun ma-trigger yung mga past memories...


nagtampo naman si Y kay Z, ipinakilala kasi siya ng binata sa mga classmates niya bilang 'one of the boys'..
napansin naman yun ni Andrei kaya binigyan niya ng konting beauty tips ang dalagita...

sa kompanya naman nina Peter..
inimbitahan ni Peter si Sandro, through Lizelle, para masubukang bigyan ng trabaho..
hindi niya ina-advise sa binata na mag-abroad dahil naranasan na niya noon yung pangungulila..
instead, inalok niya si Sandro na maging all-around assistant ni Lizelle..
pero tinanggihan ito ng binata; bukod sa ayaw niya yung idea na hindi niya pinaghirapan yung magiging trabaho niya, eh ayaw na niyang maging boss muli si Lizelle..
paglabas ng opisina ni Peter, tinanong ni Lizelle kung bakit tinanggihan ni Sandro yung inaalok nilang trabaho..
sinabi nga nito na ayaw na niyang maging boss muli ang dalaga, dahil hindi niya ito maliligawan sa ganung setup nila..
gusto rin niyang mapatunayan na may mararating siya..
at inamin na nga niya kay Lizelle na matagal na siyang may gusto sa dating boss niya..
na mukhang ikinikilig naman ng dalaga...

si Paeng naman eh dumiretso kay Amanda, para magsumbong at subukang manghingi ng tulong na pera..
kaso eh kapos pa rin nga sina Amanda..
isinumbong niya na nakakapunta sina Lizelle at Peter sa bahay ng ama nila, at na pinalayas siya ni Lizelle..
sinabi tuloy ni Paeng ang balak niyang ibenta na lang yung bahay nila, sabay bawi na biro lang yun nang magalit ang ate niya..
galit na galit si Amanda dahil para sa kanya ay walang karapatan si Lizelle sa bahay ng tatay nila, kaya naman pinagalitan niya ito sa tawag sa cellphone...

at sa susunod ay magku-krus na ang mga landas nila..
sina Lizelle ang magiging target na kliyente nina Alvin at Amanda...
feeling , kaso brownout bukas...
>
[Anime-Manga / Movies]

One Piece Film Gold 

ang Gran Tesoro, at si Gild Tesoro..
isang unregulated na maliit na city na kinikilala ng World Government bilang independent state..
ang bayan kung saan kayamanan lang ang naghahari..
ang King Midas ng One Piece World..
so far, ang pinaka-pampayamang Devil Fruit skill sa lahat, dahil pang-sarili lang yung kay Diamond Jozu..
tamang-tama rin yung skill ni Baccarat para sa grupo niya...


ang malinlang ay siyang talunan..
so yun pala yung purpose nung gold dust, ang tuso..
si Zoro pa ang naging pabigat sa kanilang grupo..
forced slavery dahil sa mga utang sa casino..
ang tibay rin talaga ni Spandam..
Sabo and Koala..
mukhang mas mataas pa pala si Rob Lucci kaysa sa Marines, kahit na natalo na sila ni Luffy..
MMK nina Nami at Carina sa encounter with Mad Treasure, kung saan iniwan ni Carina si Nami para hindi sila parehas na mapatay...

Team A nina Luffy at Franky - ang taga-disable ng security system..
Team B nina Nami, Robin, Sanji, Brook, Usopp, at Chopper - ang taga-nakaw ng treasure ng Gran Tesoro..
at si Carina...

LOL! huli si Luffy..
huli rin kaagad ang Team A..
may mga Tenryuubito rin..
isang impiyerno na puros ginto lang ang meron - walang pagkain, walang tubig..
gagamitin ang sea water para kontrahin ang skill ni Gild Tesoro..
LOL! disquise bilang mga Tenryuubito..
si Raise Max ng Revolutionary Army (kamukha ng sa Fairy Tail), at ang sakripisyo nila...

umpisa na ng palabas..
niloko sila ni Carina..
isang patibong lang ang lahat..
gumana nga ang sea water laban sa gold ni Gild Tesoro, pero nahuli naman sila sa tubig..
sina Gild Tesoro pala ang totoong t-in-raydor ni Carina..
isa rin palang slave si Gild Tesoro, pati ang babaeng mahal niya...

Mecha Gild Tesoro versus Luffy..
enhanced na rin ng gold ang mga tauhan niya..
Zoro versus Dice, may Haki si Dice..
Spandam versus Luffy, hindi siya maalala ni Luffy, talo na naman si Spandam..
Mr. Tanaka versus Robin and Sanji..
Baccarat verus Brook, Usopp, at Chopper, dinugas niya muna lahat ng suwerte ng mga underlings nila..
nagpatawag naman ng Marines, sa pamumuno ni Rob Lucci, ang mga Tenryuubito..
Rob Lucci versus Sabo..
hala! bakit may laser sa mata ang mecha ni Gild Tesoro..?
shit! yun pala yung totoong ginawa noon ni Carin..
alam niyang ipagpapalit ni Nami yung buhay niya gamit yung mga ipon niyang kayamanan, pero duda siya na bubuhayin rin ito ni Mad Treasure after..
kaya naman ninakaw niya yung treasure ni Nami, sadyang nagpakita sa mga kalaban bilang lure, at nagpahabol para parehas silang makaligtas..
huli ni Robin si Mr. Tanaka, si Sanji naman ang gumulpi dito..
talo naman ng special na buto ni Usopp si Baccarat..
WTF! kaya ng Haki ni Zoro na salagin ang mismong espada niya, talo rin sa kanya si Dice..
Gear 4th ang tumalo kay Gild Tesoro..
tumigil na sina Rob Lucci nang matalo na si Tesoro...

in the end, naloko ni Carina ang lahat na kesyo magse-self-destruct ang buong ship, at ninakaw niya ang buong Gran Tesoro...
feeling , not bad.. nasa mecha-level na ang kalaban... XD.
---o0o---


December 9, 2016...

tungkol naman dun sa Happily Married Rich Old Client...

they're planning a stag party..
for a 45 year old daw na kakasalin eh..
going after the boobie-types...

he's asking for names, pretending na hindi niya alam ang nangyari sa mga babaeng yun..
bahala siya..
lilituhin ko lang siya nang lilituhin...
feeling , anong klase ba ng network ang meron siya...?
---o0o---


December 11, 2016...

[Lottery]

ah, ah, naman!
ang lupit mo talaga sa akin FATE...


54-8-29-47-55-27

nanalo na naman ng jackpot prize yung pool ko..
this time, worth Php 42,458,748.00..
at 7th na jackpot ko na sana 'to since noong buuin ko yung number pool ko...

pero dahil walang pondo para tayaan lahat ng combination..
eh ayun, hanggang Php 20.00 lang (na naman) tuloy ang napanalunan ko...
feeling , ang ilap mo, suwerte! makakabili na sana ako ng 2 asawa eh...
>
[Cuties]

bakit nga ba hindi na lang si Alexandra Daddario ang bidang babae sa Fifty Shades of Grey and Darker...?
feeling , sayang ih...
---o0o---


November 12, 2016...

[Movies]

Rogue One 

kaya pala walang pamilyar na character at luma din ang version ng mga Stormtrooper..
tungkol pala 'to sa formation ng Rebel Alliance after maitatag ang Galactic Empire..
para tuloy Underworld teknik yung ginawa nilang throwback sa movie series nila...

feeling , Disney talaga 'o...

No comments:

Post a Comment