Saturday, December 24, 2016

Define SAFE?

para sa maraming Filipino..
ang konsepto ng pagiging SAFE ay katumbas ng mga sacrificial lambs o yung mga inosenteng tao na nadadamay at nagbubuwis ng kanilang buhay ng dahil sa kriminalidad...

ang unang punto..
sa panahon ngayon, lahat ng mga pinapatay na mga drug related personalities (regardless kung sino ang mga pumapatay sa kanila) eh hindi malinaw kung gaano kalala o kasama ang naging criminal offense..
ewan, siguro pagkukulang rin yun sa part ng media dahil sa lack of research..
though sa tingin ko dapat sa mga pulis na mismo magmula yung complete records (i am assuming na naka-database na ang system nila) para isa-publiko..
kung ako ang tatanungin, kung STRICTLY eh sariling buhay lang naman nung tao yung nasisira niya nang dahil sa paggamit niya ng illegal drugs - kahit criminal act yun sang-ayon sa batas natin, eh hindi naman siya deserving na mamatay ng dahil dun..
ang sa akin lang, kung sana eh malilinaw natin kung gaano kasasama yung mga taong napapatay - edi sana madali ring ma-justify yung pagkamatay nila, naayon man yun sa batas o hindi..
kapag sinabi nilang rapist yun, o mamamatay tao, at mapapatunayan na totoo at accurate yung bad record nila na yun - edi okay, good job!...

ikalawang punto..
bakit nagkalat ngayon ang mga mamamatay tao (huwag nang isali yung mga unipormadong awtoridad na may mga kuwestiyonableng mga kaso na kaugnay ng paksa)..?
sinu-sino ba sila at bakit karamihan sa kanila ay hindi naman nahuhuli..?
sinasabi ng data nila na bumaba DAW ang rate ng mga krimen..
pero nagkalat ngayon ang patayan, at may mga nadadamay pa nga na mga inosenteng tao..
at andiyan pa rin ang iba't ibang uri ng krimen sa kung saan-saang lugar...

ikatlong punto..
i'll make this short..
bakit walang War Against Firearms..?
kulang ba sa links..?
sobrang delikado pa naman at nakakatakot ang mga baril...

ikaapat na punto..
maikli na lang ulit..
bakit walang masugid na War Against Bad Cops (kasi sila yung halos automatic na may mga baril)...?

ikalimang punto..
bakit wala pa ring mga mambabatas na kayang bumago sa penal system ng bansa..?
puros Death Penalty kaagad ang iniisip ninyo!
tang ina!
yung ibang mga kriminal na nababalita sa TV eh mga dati nang nabilanggo eh..
hindi ba pwede na kapag first offense at huli naman sa akto eh wala ng option para magpiyansa..?
hindi ba talaga pwede na kapag second offense na eh habang buhay nang ikulong..?
hindi ba sila pwedeng gawin na mga agricultural slaves o pagpedalin araw-araw para mag-generate ng additional na kuryente...?

hindi naman kasi pwede yung WOW! ang galing ng sistema ng pamahalaan natin dahil idol namin yung nasa tuktok..
hindi pwede yung claim na safe ang bansa dahil lang sa statistics..
hindi pwede yung claim na safe ang bansa dahil lang sa resulta ng mga survey..
at lalong hindi pwede yung claim na safe ang bansa puwerket hindi kayo naaabot ng mga kriminal at ng mga tiwali sa kinaroroonan ninyo, o puwerket hindi pa kayo nadadamay o nabibiktima...

---o0o---


update ulit (25 na, at piling mga kaso lang ang mga ito):
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  •  yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera 
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • yung Oplan Cyber Tokhang

---o0o---


December 19, 2016...

panibagong kaso na naman pala yun..
this time sa Laguna...

pinatay daw nung pulis yung lalaking nag-amok sa isang bangko..
ang depensa nung pulis, sinubukan daw siyang agawan ng baril..
kaso base sa kuwento ng isang testigo eh hindi naman daw nang-aagaw yung suspek ng baril, pero maingay nga at hinahamon yung pulis na barilin siya...

was feeling , wala bang magte-train sa mga pulis na bumaril to disable..? sa sobrang asintado nila eh patay lagi ang mga nanlalaban at nang-aagaw DAW ng baril eh...
>
isa pang kaso..
sa Quezon City naman...

manliligaw naman yung nadamay at napatay..
according sa kuwento, yung babaeng nililigawan ang totoong target nung mga suspek..
sabi rin ng mga kakilala nung babae eh plano na rin siyang i-Oplan Tokhang sana..
may 4 daw na lalaki na sinubukang kumuha dun sa babae..
nakiawat yung lalaki na manliligaw kaya siya nadamay..
parang may taniman rin ng droga na nangyari daw...


ayon rin sa mga kakilala nung lalaking napatay ay hindi ito related sa ilegal na droga...
was feeling , damay-damay na talaga...
---o0o---


December 20, 2016...

antanga naman nung sa SSS..
bakit naman nila kukuhanin yung increase para sa pension mula doon sa mga tao na naghuhulog pa lang nung sa kanila..?
para tuloy sinasabi nila na yung mga hindi pa pensyonado ang silang magso-shoulder ng ilang percentage ng pensyon ng mga pensioners na...

pero hindi ba dapat yung pension ay yung pinalagong pera ng mga naghuhulog..?
kaya dapat yung increase ay magmumula rin sa kita nung ahensya, at hindi sa hulog ng ibang tao - or else eh parang torno-han na lang yung mangyayari...


considering na yung mga pensioners lang ang focus sa ngayon, at hindi yung mga naghuhulog pa lamang..
mukhang ang naging problema ay hindi nila ina-adjust nang husto sa rate of inflation yung halaga ng pera ng mga dating naghuhulog..
sa panahon kasi ngayon, eh kahit dekada lang ang bilangin at pag-usapan eh malaki na ang pwedeng maging pagbabago sa purchasing power ng Piso..
kaya naman hindi sila pwedeng mag-focus sa kung magkano lang yung naging kontribusyon noon nung tao, bagkus ay sa value nun compared sa present time...
was feeling , husto kayo sa pag-approve ng increase, mali naman ang pamamaraan ninyo...
>
okay na pulis 'tong si Bato..
hindi naman sa necessarily eh honest siya parati..
pero maaasahan niyo na madalas eh ilalabas niya yung totoo, either sa kanya na mismo yun manggagaling kaagad o kapag nagkakagipitan na...

PS: the only possible reason kung bakit hindi itinuloy yung pagbibigay ng bonus sa PNP eh dahil nga kuwestiyonable yung source nung pondo - case closed...
was feeling , thanks!

>
ang weird nung taas ng survey regarding extrajudicial killings..
bakit ba ang daming tao na takot mabiktima ng EJK..?
it's either hindi nila naiintindihan kung ano yung EJK, or totoong takot sila na posibleng may mabiktima sa kanila o sa mga kakilala nila (since malawak na rin nga talaga yung naging saklaw ng ilegal na droga sa lipunan)...

pero the thing is..
kung inosente ka, eh hindi ka dapat matakot sa EJK para sa sarili mo...


ang Extrajudicial Killing kasi base sa huli kong nabasa ay ginagawa ng mga awtoridad, at still ay in connection with their role o trabaho..
yun nga lang, pinapatay na nga kaagad nila yung target at hindi na idinadaan sa tamang proseso ng batas..
though saklaw rin nun yung mga pagtumba sa mga political figure, religious figure, etc..
hindi naman sinabi na strictly ay state-sponsored siya, pero basta ba ginawa siya na in line with the authority's task..
hindi saklaw sa EJK yung mga pagpatay na ginawa ng mga awtoridad to serve their own interest(s)..
ang mga vigilante acts eh hindi rin basta-basta saklaw ng EJK...

pero sa panahon ngayon, ang totoong dapat ikabahala ng mga inosenteng tao ay:
  • ang madamay sa mga patayan dahil nga nagkalat at walang masyadong nahuhuli na mga taga-tumba (ex. ligaw na bala)
  • ang ma-frameup o patayin ng mga kriminal at idawit sa ilegal na droga ang pangalan mo para lang mapagtakpan yung totoong rason sa pagpatay sa'yo (ex. yung kaso nung choir member)
  • ang ma-frameup ng awtoridad for whatever reason (ex. yung mga napapatay na puros nanlalaban daw especially yung Mayor Espinosa case, tsaka yung kaso sa Batangas kung saan warrantless daw at nauna yung pag-aresto sa mga suspek bago yung paglabas ng mga ebidensiya)
  • ang ma-hulidap at hingan ng pera o ransom (ex. yung OFW na naging biktima ng Makati Police)
was feeling , basta inosenteng commoner ka, hindi magiging extrajudicial killing ang pagpatay sa'yo - kundi murder...
---o0o---


December 21, 2016...

ano bang nakakatuwa sa gobyerno na puros utang/tulong galing sa ibang bansa ang ipinagmamalaki..?
wala pa nga yung utang/tulong eh ipinagmamalaki na...

magaling sana kung bigay eh...

hindi ka nga sunud-sunuran ng dahil sa impluwensiya..
mukhang sunud-sunuran ka naman ng dahil sa pera...


joint exploration..?
anong papel ng bansa..?
taga-tanga doon sa pinag-aagawang teritoryo..?
at tagapagkunwari na joint exploration nga yung gagawin...?
feeling , mukhang lumalabas na ang kapalit ng Friendship...
---o0o---


December 22, 2016...

may mga nadamay na naman sa mga barilan...

yung isa eh sa NCR..
pulis at drug-related personality yung naghahabulan nito..
pero kanino kaya yung balang tumama dun sa biktima...?

dalawa naman eh sa Laguna..
ang masama, patay yung 12 y/o yata yun na babae..
pinatay kasi ang isang tauhan ng barangay ng mga hindi pa kilalang mga tao habang nagsisimbang gabi ang mga nasa paligid..
ang problema sa mga ganitong kaso, madalas eh lumalabas na nasa drugs watchlist yung mga itinutumba..
kaya sino kaya ang nagtumba o nagpatumba sa kanila..?
awtoridad ba, tiwaling awtoridad ba, o yung mga ilegal na links nila na ayaw mahuli...?

at malaking porsyento ng mga taga-tumba eh hindi pa rin nahuhuli sa kung anong dahilan...
was feeling , sacrificial lambs na naman...?
---o0o---


December 23, 2016...

panibagong kaso na naman ng pagmamalabis sa kapangyarihan..
patunay na likas na mapamaraan ang mga Pilipino...

parang hulidap yung kaso eh..
ang involved ay Makati police..
according sa mga biktima, na-frameup DAW yung OFW na lalaki for illegal possession of firearms, at ilegal din na inaresto at ikinulong..
tapos hinihingan sila ng Php 500,000 or else ay palalabasin nila na involved yung lalaki sa ilegal na droga...


natakot daw yung lalaki dahil parang iginagawa na daw siya ng karatula eh...

ano bang sinabi ko..?
mangyayari at mangyayari yung mga ganung bagay ng dahil sa ilegal na droga..
isang convenient way para gawing masama ang mga inosenteng tao..
at kahit ilegal ang gawing pag-aresto eh walang magagawa ang mga sibilyan dahil armado ang mga pulis at madali na lang sabihin sa panahon ngayon na kesyo nanlaban yung tao kaya pinatay na lang...
was feeling , mga panatiko lang naman ang naniniwala na epektibo nga yung mga giyera ngayon at na safe na ang bansa eh...
---o0o---


December 24, 2016...

ang lupit..
dati nang nagkaroon ng mga manlilimos na nananakot na mambabato kapag hindi nabigyan ng pera..
bukod pa dun yung mga sira ang ulo na trip lang talagang mambato ng mga sasakyan..
bukod pa yung mga Badjao na nananakot na mandudura kapag hindi nabigyan ng pera...

pero ngayon..
ginamit na rin nila yung Pasko sa modus nila..
at hindi sila takot sa batas...

ano bang problema ng mga mahihina ang utak na mga tao na yun..?
akala ba nila na ultimo normal o ordinaryong tingnan ang ibang tao (hindi kagaya nila) eh ibig sabihin ay mapera na..?
ni hindi nga kailangan na maging matalino ang isang tao para lang maunawaan nila kung ano yung tinatawag na pananakit at masakit...

tang ina!
sa hirap ng buhay ngayon eh mananakot at mamumuwersa pa sila ng ibang tao para lang bigyan sila ng pera..
yun yung mga tipo ng tao na ang sarap hatawin ng bat sa sintido - yung isang malakas na bagsak..
walang bata-bata o matanda, basta marunong manakit nang walang dahilan eh dapat parusahan...

kung hindi na ninyo kayang mabuhay nang patas - magpakamatay na kayo please!
feeling , diskarteng Filipino nga naman.. tsk, tsk, tsk...

No comments:

Post a Comment