Friday, December 30, 2016

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of December 2016 (A Few DAZ)

last update ko na 'to for the Year 2016...


sobrang lupit pa rin ng FATE pagdating sa akin..
at ang natutunan ko...?

yung pagkakaayos ng FATE o tadhana ng bawat tao eh pwedeng ikumpara sa pagkabuo ng mga ulap..
merong mga madidilim at mabibigat na ulap na nagdadala ng pag-ulan..
meron rin naman yung mga parang nagre-relax lang sa magandang panahon, o sa banayad na sikat ng araw..
kung saan ka napabilang, o kung anong tipo yung mga nakapaligid sa'yo, eh kayang-kaya kang maapektuhan..
hindi siya yung tipo na mapipili mo basta-basta..
kung nasa madilim na ulap ka, huwag kang aasa na basta-basta lang darating ang sikat ng araw para sa'yo habang umuulan yung buong kaulapan sa paligid mo...

ang tadhana ng bawat tao eh hindi lang dependent sa sarili niyang mga desisyon sa buhay..
in a way, makakadugsong ang tadhana ng mga tao sa mundo..
lalo na dahil sa konsepto na tinatawag na 'pamilya'..
every move or decision in a personal level, eh posibleng magkaroon ng epekto o impact sa buhay ng ibang tao...

kasi minsan, kahit na gusto mong maging stable lang sa buhay, o di kaya kahit na gusto mong manahimik lang sa sarili mong buhay..
eh andiyan yung FATE ng ibang tao para apektuhan yung sarili mong buhay...

halimbawa..
kahit mag-save ka nang mag-save ng pera para sa personal mong pangangailangan, kung walang kuwenta naman yung pamamaraan ng paggastos ng mga taong nakapaligid sa'yo - eh madadamay at madadamay ka rin sa kamalasan nila (lalo na kung utangan na ang pinag-uusapan)..
o di kaya..
kahit na gusto mong manahimik lang, yung tipo na ayaw ng gulo..
kapag mga basag-ulo naman yung mga tao sa paligid mo, at nangpo-provoke ng away - eh mapapaaway at mapapaaway ka...

kaya naman kung gusto mo ng magandang FATE sa buhay..?
eh subukan mong paligiran ang sarili mo ng mabubuti, masasayahin, at masusuwerteng mga tao..
not necessarily mayayaman o naggagandahan..
kung kaya mo naman, iwanan at pabayaan mo na lang lahat ng mga tao na negatibo ang influence para sa'yo...

---o0o---


December 26, 2016...

na-miss ko 'to..
sumundot lang ng konti sa DAZ..
took 30 minutes to extract my library...

nag-testing lang ng mga importanteng components...

>
[Medical Condition]

during the 3rd application..
halos wala na yung sting nung Salicylic Acid..
but it is still burning...
was feeling , konti pa...
---o0o---


December 27, 2016...

pesteng Bagyong Nina yan!

ngayon na nga lang ulit ako nakapag-DAZ eh..
since August 2016 yun..
tapos manggugulo pa..
alagad ng FATE!


ang masama pa dun..
may kuryente na sa bayan kahapon ng hapon, pero pasado 10:00 PM na sa area namin eh brownout pa rin..
kaya ayun, magpo- 4:00 AM ko pa tuloy namalayan na may kuryente na at pwede na ulit akong magtrabaho...
was feeling , f*ck FATE! ambastos mo!
>
[TV Series]

The Greatest Love 

at dahil brownout kahapon dahil sa pesteng Bagyong Nina na yun..
hindi ko tuloy alam kung nag-skip ba ng New Year yung istorya..
basta bagong taon na sa kanila ngayon..
basta eh na-badtrip rin nga sina Amanda at Paeng nang malaman na nakapasok si Mr. A sa pamamahay ng Ama nila...


sina Andrei at Ken ay umamin na nga kay Mommy Glo tungkol sa totoo nilang relasyon..
nagtaka naman si Andrei sa naging reaksiyon ng kanyang ina..
matagal na daw kasi nitong napansin na malambot si Andrei, noong bata pa lang ito..
tinanong ng bata kung bakit hindi yun sinabi sa kanya ng kanyang ina..
at sinabi naman ni Mommy Glo na hinintay niya lang na si Andrei ang umamin nito sa kanya..
mabilis rin namang natanggap ni Mommy Glo ang relasyon ng dalawang lalaki, dahil nakikita rin naman niya na mabuting tao si Ken..
at kasali na nga si Ken sa mga group hug-an, at invited din siya sa nalalapit na birthday ni Mommy Glo...

February 23 ang birthday ni Gloria..
kaya ngayon pa lang eh inire-reserve na ni Peter yung date na yun, para walang conflict sa trabaho niya...

nakabalik na rin si Mareng Lydia galing Australia..
naikuwento nga sa kanya ni Gloria na nagkaaminan na ulit silang 2 ni Peter tungkol sa totoo nilang nararamdaman para sa isa't isa...

si Z eh dinadaan pa rin sa simpleng galawan si Y...

iniisip naman nina Andrei at Lizelle kung paano sila makukumpletong magkakapatid sa kaarawan ng nanay nila..
nag-meeting sina Andrei, Amanda, at Paeng sa coffee shop, gusto rin kasing malaman nung 2 kung paanong nakatuloy si Mr. A sa bahay ng pamilya nila..
gusto rin nilang malaman kung ano nga ang namamagitan dun sa 2 matanda..
sinabi nga ni Andrei na napadpad lang yung tao doon para ihatid si Lizelle, na siya rin yung nakakita kay Mommy Glo, kaya inimbita na nila siya para sa Noche Buena..
sinabi rin niya na magkaibigan lang yung 2..
si Paeng naman eh nag-alala noong marinig yung kuwento ni Andrei tungkol sa muling pagkawala ng kanilang ina, mukhang naalala niya yung tungkol sa sakit nito..
okay lang daw para kay Amanda na pumunta sa birthday ni Mommy Glo, basta ba hindi na niya makikita ulit doon si Mr. A..
si Paeng naman eh ayaw ring makita si Lizelle...
was feeling , 2017...
>
iba talaga yung dating kapag gusto mo yung ginagawa mo..
kapag gusto mo yung career na inaabot mo...

waking up at 4:00 AM eh parang mani lang..
walang nakakatamad factor..
maging sa tanghali, hindi naghahanap ang katawan mo ng siesta basta alam mo na may gagawin ka..
yun nga lang - parang ambilis lumipas ng oras kapag totoong gusto mo yung pinagkakaabalahan mo...


pero muli..
hanggang dito na lang muna yun...
was feeling , ang career na basta ginagawa na lang - hindi na ina-apply-an...
---o0o---


December 28, 2016...

[TV Series]

The Greatest Love 

dahil mukhang naging mabait na ulit sa kanya si Amanda, sinadya ito ni Mommy Glo sa kanilang office para dalhan ng Kare-kare..
ikinuha na siya ng driver ni Peter, para makasigurado yung lalaki na hindi naman siya mag-iisa..
si Mareng Lydia naman eh hindi siya nagawang samahan that day...


kaso sa office, eh si Greta pala yung h-in-ire ni Alvin para sa pag-handle ng kontrata sa kompanya nina Lizelle..
galit na galit tuloy si Amanda dahil matagal na silang magkaaway ni Greta..
nag-walk out si Amanda sa meeting nila..
sakto namang nasa labas na ng pinto nila si Mommy Glo, aksidente silang nagkabanggaan kung kaya't natapon kay Amanda at sa sahig yung dala-dalang Kare-kare ng kanyang ina..
sinundan ni Mommy Glo si Amanda hanggang sa sasakyan nito, pero dahil buwiset na buwiset si Amanda noon eh hindi niya sinasadyang maitumba ang kanyang ina dahil sa pagpipigilan nila..
maging si Amanda eh nabigla naman sa nagawa niya..
sakto namang nakita ni Peter yung pangyayari, siguro sinundan niya si Gloria dahil sa pag-aalala..
dahil dun eh hindi na napigilan na sumabog ni Peter..
hindi na kasi niya gusto yung nagiging pagtrato ng ibang anak ni Gloria sa kanilang mismong ina..
tinanong siya ni Amanda kung ano bang pakialam niya sa pamilya nila..
at inamin na nga ni Peter na mahal niya si Gloria at ayaw niyang nakikita na ganun ang ginagawa dito ng mga anak nito..
na-misinterpret tuloy ni Amanda yung claim ni Peter at naisip na may relasyon na nga yung dalawa..
dahil dun eh mas nasaktan tuloy si Amanda..
inalis na ni Peter sa lugar na yun si Gloria..
si Mommy Glo naman eh parang nabigla rin at hindi makapagpaliwanag nang husto sa kanyang panganay...

si Zosimo naman ay ayun..
parang kinontrata na sa loveteam si Waywaya..
tinanong kasi nung dalagita kung bakit siya hinalikan nito noon..
sinabi naman ni Z na dahil sa gusto niya si Y, at naibalik niya yung tanong sa babae..
naulit nga ni Y na wala pa siyang balak mag-boyfriend dahil sa family niya, at na sinabi nga rin noon ni Z na wala pa rin itong balak na mag-girlfriend dahil hindi yun ang priority niya..
sinabi naman ni Z na hindi naman puwerket nagtatanong na siya eh papasok na sila sa isang relationship..
gusto niya lang daw malaman sa ngayon kung gusto rin ba siya ni Y..
tumango na lang yung dalagita..
at nagpatuloy na sila sa paghuhugas sa kitchen, kahit na hindi naman oras ng shift ni Z...
feeling , magkakagulo na ulit sila...
---o0o---


December 29, 2016...

1st anniversary ngayon ng pagkakakilala namin ni Miss H...

ang isa sa dalawang pinakamaganda at pinaka-seksing babae na nangyari sa buhay ko..
at ang pinakamalambing at ang pinaka-close sa pagmamahal na pwede kong maranasan...

too bad hindi ko na siya kayang makita this time..
pero mabuti na rin at nagkita naman kami last month...
feeling , career na muna bago ang makipaglaro sa mga diyosa ng apoy...
>
[TV Series]

The Greatest Love 

humingi ng tawad si Peter kay Gloria sa nagawa niya..
nangamba rin si Gloria sa ginawang pag-amin ni Peter sa panganay niya dahil baka lalo silang hindi magkaayos..
iniwan na ni Gloria si Peter sa sasakyan nito, pero pinigilan siya nito..
gusto ni Peter na magkaroon pa silang 2 ng oras para sa mga sarili nila..
pero basted na naman si Peter sa pangatlong pagkakataon..
naging AlDub na sila, maghihintay din sa tamang panahon..
gusto munang ayusin ni Gloria ang gusot sa pamilya niya..
sinabi naman ni Peter na handa siyang maghintay kahit gaano pa katagal...


sobrang nasaktan si Amanda dahil na-misinterpret niya yung ginawang pag-amin ni Mr. A..
nasugod niya tuloy maging si Andrei at pinagbintangan na din ito na sinungaling..
nag-iskandalo na naman siya sa coffee shop..
sinabi ni Andrei na napapansin niyang close yung 2, pero yun lang..
wala rin naman daw mali kung may nabubuo man sa pagitan nung biyudo at biyuda..
at galit na iniwan ni Amanda si Andrei...

nagsumbong si Amanda kay Paeng..
hindi na daw sila pupunta sa Senior Citizen Day ng nanay nila dahil dun..
maging si Chad eh napag-initan ni Amanda...

nasaktan rin si Paeng sa nabalitaan niya..
gusto niya na sila lang ang pamilya ni Mommy Glo..
dahil dun eh nabaling ulit ang atensyon niya sa sugalan..
doon pala direktang nakasangla yung bahay ng tatay nila..
at balak na yung angkinin nung tauhan doon sa pasugalan..
connected pala siya sa tita ng mga Allegre, sa pinsan ni Andres..
at balak na nga rin nito na makuha yung ancestral house ng angkan nila...

si Peter naman eh nagkuwento kay Lizelle, maliban yung tungkol sa pagkapanakit ni Amanda sa nanay nila..
huwag daw mag-alala si Peter, dahil boto naman sina Lizelle at Andrei sa kanya, kahit na tutol sa kanya sina Amanda at Paeng...

naipaalam na rin ni Mommy Glo kay Mareng Lydia na tinaasan na nga ang dosage ng mga gamot niya...

sa ad agency naman..
badtrip pa rin si Amanda dahil hindi napaalis ni Alvin si Greta..
nagpasok pala 'to ng pera sa kompanya para maging partner nila..
saktong may meeting si Greta at Lizelle..
at aksidente o pasadya niyang naulit kay Lizelle ang nagawa ni Amanda na kawalan ng galang sa nanay nila...
was feeling , sakitan mode na ang susunod...
---o0o---


December 30, 2016...

[Manga]
was feeling , minus 1 week, the last chapter for this year.. less than 52 ulit next year.. dumating na ang resbak 2.. pabagsakin na yang maruming Charlotte Family na yan...
>
[TV Series]

The Greatest Love

problemado na nga ulit si Paeng sa pera..
pinuntahan niya si Amanda sa office nito para i-suggest na ibenta na yung bahay ng Tatay nila sa San Ildefonso..
sinusubukan niyang kumbinsihin ang ate niya na hindi yun dapat mapakinabangan nina Mr. A at Lizelle..
at na makakatulong rin yun sa kanila ngayon since gipit sila sa pera..
pero yung pera lang naman talaga ang mas pakay ni Paeng...


nakausap ni Amanda si Chad tungkol sa suggestion ni Paeng..
ayaw sanang ibenta ni Amanda yung bahay..
pero pinaglalaruan ng demonyo ang isip niya..
sa kabila ng yaman nina Mr. A, eh iniisip niya na gugustuhin pa ring pag-interesan ni Lizelle ang bahay ni Andres puwerket anak ito sa labas..
ayaw niyang magkaroon ng karapatan sina Mr. A at Lizelle dun sa bahay in case makasal nga sina Mommy Glo at Mr. A..
nagawa nga daw nito na agawin noon si Mommy Glo habang buhay pa ang tatay nilang si Andres, ano pa daw kaya yung bahay nila..?
sinabi naman ni Chad na walang direktang say sa bagay na yun si Amanda dahil hindi sa kanya nakapangalan yung bahay..
kaya kailangan talaga nitong kausapin muna si Mommy Glo kung gusto nilang ibenta na yung bahay...

napasugod si Lizelle sa San Ildefonso dahil sa nalaman niya mula kay Greta..
bakit ba daw hindi na lang nga magpakasal si Mommy Glo sa tatay niya since ganun naman ang trato dito ng iba niyang anak..?
saktong dating naman ni Amanda at narinig yung statement na yun ni Lizelle..
naisip niya tuloy na sinisira nga ni Lizelle yung pamilya nila, habang binubuo naman yung sa kanila lang..
nagkasakitan sila; nasampal si Lizelle pero hindi siya lumaban, muling naitumba ni Amanda si Mommy Glo, sinabunutan palabas si Lizelle habang pinapamukha dito na wala siyang karapatan sa bahay nila dahil hindi naman siya Allegre, at itinulak rin ang bunso nila padapa sa kalye..
naiyak rin naman si Amanda..
samantalang bumalik kay Mommy Glo yung alaala ng kawalang-galang at aksidenteng pananakit sa kanya ni Amanda nang makita ang ginawa nito kay Lizelle..
sumabog na rin si Mommy Glo..
hindi na niya gusto ang kawalang-galang sa kanya ng panganay niya, at ang kawalan ng awa nito kay Lizelle..
dahil dun ay nasampal na niya si Amanda..
iginigiit ni Mommy Glo na si Amanda ang dapat na umalis dahil bahay nila yung mag-asawa..
iginiit naman ni Amanda na si Mommy Glo at si Lizelle ang dapat umalis dahil bahay yun ng tatay nila, at ng mga Allegre..
umalis na rin kaagad si Amanda after, at naiwang nagyayakapan at umiiyak ang mag-ina ni Peter...
is feeling , mahuhuli na ang itim na tupa sa susunod...
---o0o---


December 31, 2016...

[Business]

2016 Performance Evaluation:

  • Ice - ang pinakamatanda kong raket sa lahat.. comparatively speaking, sobrang ganda ng performance niya noong 2013, 2014 at 2015 (kung kailan may mga nakaka-partner akong negosyo), di tulad ngayong 2016.. dahil mas malala ngayong taon yung pabagu-bago ng klima dito sa [Name of City], eh maging yung summer eh hindi ko na-maximize...
  • eBay - well, wala naman talaga akong masyadong inaasahan from this one.. pang-dispose ko lang ng mga hindi ko napapakinabangang mga gamit...
  • Micro Remittance - ito yung pinakamahina kong taon.. dahil nga sa pesteng bagyo sa probinsiya noong December 2015, at ang nagdaang maduming National Election.. this September, October, at November lang ako nakabawi-bawi sa performance...
  • Loading - hindi na siya kasing-lakas gaya nung una ko siyang buksan para sa publiko.. dati, sa walang tubo kong pagbebenta ng load eh kumikita ako ng Php 400 plus per month.. isinara ko yung VMobile ko dahil mahina ang support system nun, at hindi na rin ako natanggap ng mga order through text or call dahil sa ganung paraan ako pinapatay at ini-stress ng mga consumers.. kaya ayun, mahina na ang pasok ng pera sa kanya...
  • Basic Needs Nano Store - mas mabilis siyang lumago noong malakas-lakas pa ang ekonomiya ng bansa.. for 2 years, naibalik ko naman yung maliit na puhunan at nasa more than 1200% na yung inilago niya this year.. pabagal nga lang nang pabagal yung napasok na kita sa kanya nitong mga nakaraang buwan dahil pahina nang pahina ang puchasing power ng Piso...
  • Adsense - sa tantsa ko nagkakaroon ng adjustments sa rate nila habang tumatagal.. nitong nakaraang September ko lang na-realize kung anong pwede kong gawin to boost it.. pero sa ngayon eh marami pa ring kulang...

in short..
malayong-malayo pa ako sa pinapangarap kong computer graphic system..
at malayo din maging sa isang substitute system...
feeling , gonna have to f*ck 2017...

No comments:

Post a Comment