Saturday, December 17, 2016

Killing Spree

FACT:

after 2 weeks, tumaas na ulit ang presyo ng bundle ng unbranded na mantika..
nasa Php 210 na siya since December 17, 2016..
pero hindi ko alam kung kailan exactly tumaas (na naman) yung presyo nun... :(

at saan kayo nakakita ng bansa na kesyo nagpapaka-independent in terms of internal or national policies, pero patuloy pa rin ang pagnanasa o paghahangad sa pera ng ibang bansa..?
gusto nila ng sarili at hindi napapakialaman na mga pamamaraan, edi huwag silang umasa sa pinansiyal na tulong..
tutal eh may iba pa naman daw siyang Friends na bansa eh...

---o0o---


update ulit (20 na, at piling mga kaso lang ito):
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  •  yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • yung Oplan Cyber Tokhang

---o0o---


December 13, 2016...

mukhang naluto na yung kaso tungkol sa Fertilizer Fund Scam..
after so many years..
sa kabila ng malaking pera na nawawala sa bayan..
heto at mukhang mauuwi na rin sa 'move on' yung kaso..
ambilis talaga ng batas depende sa kung sino ang nasa itaas..
mukhang balak na nilang linisin talaga yung mga records at links...


ganun din sa kaso ng angkan ng Diktador..
mukhang magiging active na ulit yung mga magnanakaw dahil alam nila kung sino ang kaalyansa nila..
alam nilang mas makakagalaw na ulit sila..
after nung bangkay, heto at yung yaman na ulit ang aasikasuhin nila..
siyempre iki-claim nila na sa kanila yun para mabura yung impression na mga magnanakaw sila..
this is another step to rewrite the history...

pero yung totoo, wala pa bang batas tungkol sa SALN noon..?
tang ina! bakit hirap silang matukoy at patunayan ang starting assets ng angkan ng Diktador bago ito naging diyos-diyosan noon..?
kahit mag-focus na lang muna tayo doon sa Swiss account..
gaano katotoo na may USD 600,000,000 plus na sila noong nagsisimula pa lang sila...?

sigurado na ako ngayon na balak ngang baguhin ng buong angkan nila ang history para pagtakpan ang kasamaan nila...
feeling , burn them alive...
>
mga Filipino talaga 'o..
andami ng nagpapahalaga lang sa kung saan sila nagmula..
kaya naman hati tayo in terms of major islands..
hati tayo in terms of provinces..
hati rin in terms of cities...

everytime na may mahanap na kadugo o kalahi (kahit na gaano pa kaliit ng porsyento) sa ibang bansa, eh automatic na inaangkin..
tapos kapag national naman ang scope eh sila-sila ang nagpapataasan ng ihi..
kesyo dapat taga-ganitong lugar ang maluklok sa mga katungkulan..
kesyo dapat taga-ganitong lugar ang dapat ma-feature ang talent o skills...

totoong may mga tao o kompanya na kayang bumili ng pabor..
mali yun, pero ganun talaga eh..
o yung tipo na malakas lang talaga ang impluwensiya, o malakas yung dating ng pangalan..
pero pati ba naman place of origin at mga kababayan eh gagamitin na rin ngayon to win favor(s)...
feeling , mga utak alimango na kulang sa pansin...
---o0o---


December 14, 2016...

ang tindi naman nung taxi driver sa ehemplong city, ang Davao City..
dating na-award-an dahil sa pagiging matapat..
tapos ngayon eh nahuli dahil sa ilegal na droga..
ang lessons dito..?
  • 1) hindi naman talaga malinis ang Davao
  • 2) mahirap na talagang magtiwala sa mga tao

tapos..
may mga babaeng pulis na rin pala ngayon na nangongotong daw..
ang weird nung kaso dahil ipinakulong nga yung asawa at kalaguyo nito na therapist, tapos hihingan kaagad ng pampiyansa yung mismong nagpakulong..
  • 3) pati pala mga babaeng pulis eh hindi na rin basta-basta mapagkakatiwalaan
feeling , iba-iba talaga ang ugali ng mga tao...
---o0o---


December 15, 2016...

kung totoong alanganin na ang buhay ng diyos-diyosan, eh hindi maganda yun..
dapat hindi na siya kumandidato sa simula pa lang..
at hindi rin nakakatulong sa ngayon yung ginagawa niyang usapin tungkol kay Leni na kesyo gusto nitong agawin ang kapangyarihan niya...

yung pagpapasa ng katungkulan sa Vice President kapag may nangyaring masama sa pangulo o kapag napatalsik siya sa kapangyarihan ay naaayon lamang sa constitution..
hindi puwerket automatic o logical yung pamamaraan na yun, eh sapat na yung basehan para paratangan yung isa at ang partido nito na may balak ang mga ito na mang-agaw ng kapangyarihan..
kung may duda ang mga tao sa pagkapanalo ni Leni bilang Vice President, edi patunayan muna nila...


sa ngayon kasi eh inaatake pa rin ng diyos-diyosan ang mindset ng mga mamamayan..
siyempre kunwari eh nagbibiro lang siya..
pero ang gusto niya talagang palabasin ay if ever nga na kailanganin siyang mapalitan na sa puwesto, eh hindi karapat-dapat para dun si Leni at mang-aagaw lang ang magiging dating nung biyuda...

siguro he's hoping na magpo-protesta ang 16 Million plus niyang supporters para patalsikin yung biyuda sa katungkulan if ever...
feeling , ang dudumi ninyo...
---o0o---


December 17, 2016...

ang galing ng gobyerno..
Php 210 na ang bundle ng mantika ngayon, from Php 207 mga 2 weeks ago lang ang nakakaraan..
last year eh Php 180 lang yun for December 2015...

kung apektado man yun ng pagtaas ng halaga ng dolyar at importation, nangangahulugan lang yun na hindi lumalakas o nakakahabol ang ekonomiya ng bansa...
feeling , eh kung War Against Poor Economy at War Against Firearms kaya ang gawin ninyo...?
>
may nadamay na naman pala sa mga patayan..
this time 5 year old na bata (anak daw ng target), sa Pasay...

pero ano nga ba 'tong mga pagpatay na 'to..?
mga criminal groups ba na pumapatay ng mga links nila para hindi sila mahuli..?
vigilante groups ba na nakikisawsaw pa sa mga awtoridad..?
o kagaya nung mga nahuli sa Mindoro, na nag-anyo lang bilang mga riding-in-tandem pero mga pulis talaga...?


kakulangan ba ng media na walang nababalita na nahuli sa hanay ng mga taga-tumba na yan..?
o wala lang talagang nahuhuli sa mga kauri nila...?
feeling , nasaan na ang War Against Firearms...?

No comments:

Post a Comment