Sunday, December 11, 2016

Are They Serious?

ano nga bang magagawa ng mga sibilyan laban sa mga pulis, eh may mga baril sila...?

update ulit (19 na):
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  •  yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • yung Oplan Cyber Tokhang

---o0o---


December 5, 2016...

mabigat ang loob..?
maalin lang yun sa uma-acting yung idol (na obvious naman)..
or salita na lang yun ng mga advisers niya sa pananalita (as usual) para pagmukhain na hindi naman siya masama at na mabuting tao pa rin siya...

anyway..
dapat tigilan na kaagad ang usapin na 'to, lalo na ni Leni..
yung bastos na joke noon, at yung text message ngayon, these are all tricks para magmukhang masama si Leni sa ibang tao..
gumagawa lang sila ng paraan para pumalag yung babae, at maging oposisyon na nga..
tinitingnan nila kung maghahabol si Leni sa karagdagang kapangyarihan..
as proof, kaagad na nasakyan ni Bobong (wrong spelling parati eh) yung issue para masiraan niya ang karibal...


kaya naman kailangang matigil na kaagad 'tong topic na 'to..
mag-volunteer na nga lang si Leni sa kung saan siya pwede..
at patuloy na batikusin lahat ng maling ginagawa ng administrasyon...

same as the case nung sa CHED...

pero ano kaya yung sitwasyon na yun na lumalala...?
feeling , naiinip na yata ang mga Diktador...
>
ang maganda kay Bato..?
everytime na nagsasalita siya tungkol sa trabaho nilang mga pulis, eh parang nandun talaga yung puso at dedikasyon..
may mga pagkakataon nga lang na mali yung approach...

kaso pagdating sa kahinaan niya..?
mukhang kahinaan niya yung relasyon niya sa ibang tao, lalo na sa mga close sa kanya..
gaya nung issue kay Pacquiao, public servant siya/sila kaya dapat alam na niya na bawal yung ginawa niya..
pero dahil kaibigan ang tingin niya kay Pacquiao sa pagkakataon na yun eh binalewala niya yung batas..
at sa issue ngayon regarding yung diyos-diyosan at yung Marcos na pulis, the fact na in-emphasize niya yung relasyon niya sa diyos-diyosan eh lumalabas na mas nangibabaw yun para sa ginawa niyang desisyon compared sa tungkulin niya bilang tagapagpatupad ng bansa..
kasi malakas yung kaso laban dun sa pulis eh, kaya kahit na nasa tuktok pa ng bansa yung nag-request o nag-utos - dapat pinanindigan niya yung tama kahit na mangangahulugan pa yun ng pagkaalis niya sa kanyang tungkulin...

feeling , walang kaibi-kaibigan...
---o0o---


December 6, 2016...

panibagong kaso na naman..
this time sa Lemery, Batangas...

according kasi sa mga kaanak ng mga suspek..
yung raid o pag-aresto eh umaga ginawa..
naka-civilian daw yung mga pulis, at wala daw warrant - pero nagpa-aresto pa rin (siguro dahil na rin sa takot)..
noong pinuntahan naman ng mga kaanak sa istasyon eh saktong inilalabas daw yung mga suspek, ipapa-medical daw, kaso ayaw pasamahin yung mga kaanak..
tapos nalaman na lang nila na dinala pala yung mga suspek sa isang lugar, nilatagan ng mga ebidensiya, at hapon na kinuhanan ng mga pictures at inventory...

feeling , ano nga bang magagawa laban sa mga pulis, eh may mga baril sila...
---o0o---


December 7, 2016...

aw! masamang tao nga pala talaga si Tolentino ng dating MMDA..
nice job sa Failon Ngayon!
good job rin sa ABiaS-CBN (DAW)!
mas mabilis pa kayong trumabaho kesa sa iba...

regarding naman sa kaso ng CIDG-8..
eh mukhang rubout nga yung ginawa nila kay Mayor Espinosa..
hindi na rin sila nagtugma ng oras ng mga CCTV footages eh..
pero sino nga kaya ang nagpatumba dun sa Mayor na supposedly eh gagamitin munang witness...?
feeling , mukhang alam na kung sino talaga ang MasterMind...?
---o0o---


December 8, 2016...

regarding Death Penalty...?

maganda yung isa sa motibo nun, na para matakot ang mga tao na gumawa ng krimen..
bigti sa lubid rin ang magandang paraan para talagang tipid...

pero hindi siya magiging effective at kapani-kapaniwala sa panahon nitong current administration..
hindi sa panahon kung kailan may protektor sa gobyerno ang mga pulis na protektor ng drug syndicates..
hindi sa panahon kung kailan walang silbi ang police warrant, dahil tatakutin ka rin naman ng ibang pulis gamit ang kanilang mga baril..
at hindi sa panahon kung kailan uso ang pagtatanim ng mga ebidensiya...

gagawin lang nilang legal ang extrajudicial killings sa paraang ito..
at considering na 10 grams na nga ang gagawing minimum na amount ng droga na punishable ng Death Penalty, eh sobrang dali na lang na gawing drug-related ang sinuman na mapag-iinitan ng awtoridad...
feeling , magtanim ay di biro...
>
ano nga ba ang tawag sa tao na protektor ng protektor ng drug syndicates...?

dapat talagang maimbestigahan na sina Marcos (na pulis) at ang totoong kaugnayan niya sa mga sindikato ng ilegal na droga..
kailangan ring malaman kung anong totoong kaugnayan niya at nila sa diyos-diyosan, dahilan kung bakit sobrang bilis ng desisyon regarding them, at kung bakit kamping-kampi sa kanila yung isang yun sa kabila ng matibay at malinaw na ebidensiya laban sa kanila..
ganun din ang partisipasyon ng PNP Chief; kung bakit nga ba ito pumayag na hindi sa mas secure na lugar maikulong ang isang high-value target/witness na gaya ni Mayor Espinosa, kung bakit nataon sa bakasyon niya ang pagtumba dun sa Mayor, at kung bakit ambilis niyang sumunod sa utos ng diyos-diyosan kahit na malakas ang ebidensiya laban sa CIDG-8...

drug suspect pa lang yung Mayor, at hindi pa convicted..
besides, sa loob na ng kulungan siya itinumba..
kung nagda-drugs man nga siya doon eh pagkukulang na yun nung mga nagbabantay sa kanya..
kaya hindi magandang palusot na sabihin na kesyo 1 o 2 kriminal lang yung napatay kapalit ng reputasyon ng maraming pulis...

ang worst case scenario kasi dito ay..
kung hindi naman talaga seryoso ang War Against Drugs..
walang silbi kung lilitaw nga nang lilitaw ang mga pangalan ng mga drug-related personalities kung ie-edit rin naman yun, o kung protektado sila ng mismong gobyerno..
parang lumalabas kasi na palabas na lang ang War Against Drugs para mapakita ng gobyerno na aktibo ito, at na may kaguluhan nga sa bansa...

at siyempre walang pakialam dito ang mga panatiko as long as hindi sila yung mismong nagiging biktima ng gobyerno nila...
feeling , we need a more reliable and efficient War.. hindi yung parang War lang laban sa mga kakompetensiya...
>
loko talaga 'tong diyos-diyosan..
ano namang maa-assure niya kay Leni..?
eh hindi naman saklaw ng kapangyarihan niya yung mga usapin ngayon tungkol sa Vice-President position..
oo, posibleng maging saklaw ng impluwensiya niya o nila yung mga taong involved o maghuhusga..
but in the end of the investigation, at kapag may resulta na, lalo na kung luto - eh madali lang naman na sabihin na ibang tao ang nagdesisyon tungkol dun sa usapin na yun...

siguradong nagbitaw lang siya ng statement to protect his name..
gusto niyang palabasin na hindi siya bahagi ng kung anumang gagawin laban kay Leni..
pero ang totoo ay - wala o hindi direkta na nasa kamay niya ang desisyon sa kung sino ang mauupo bilang Vice-President...
feeling , puros kayo mind-conditioning...
---o0o---


December 9, 2016...

sana sa pagbisita ng mga Miss Universe candidate dito sa bansa..
at kasama na rin ang mga foreign media na magko-cover nung event..
eh makita nila yung totoong nangyayari sa bansa...

huwag nang isali yung mga patayan dahil sa operasyon ng mga pulis, tutal madali lang namang pagtakpan o maihalo yung mga extrajudicial na pagpatay sa mga lehitimong pagpatay...

pero sana mapansin nila na hindi naman talaga nawala ang kriminalidad dito sa bansa despite the war..
andiyan pa rin ang iba't ibang kaso, hindi lang tungkol sa droga..
sana malaman nila na maraming mga vigilante o baka kriminal rin lang ang gumagamit sa War Against Drugs para magawa nila ang mga gusto nila..
at siyempre, andiyan rin ang mga irregularities sa loob ng mismong pamahalaan...

para sa awareness ng international community...
feeling , dapat papanoorin ang mga yan ng local news...
---o0o---


December 10, 2016...

kung meron mang numero uno na nagpapatalsik dun sa diyos-diyosan mula sa puwesto niya ngayon..
yun eh walang iba kundi ang mismong sarili niya rin, dahil yung ikakatalsik niya eh naka-base lang naman sa lahat ng mga nagawa na niya o pinaggagagawa pa niya...

sino ba namang matinong tao ang kakampi sa panig na halos tinadtad na nang matitibay na ebidensya..?
at bilang public official, ang best na ginawa niya sana ay naging neutral na lang tungkol dun sa topic at wala nang ginawa pang gapangan ng kapangyarihan o impluwensiya..
sinong maniniwala sa kanya na hindi siya makikialam sa imbestigasyon o magiging desisyon - eh ni-remind niya ang lahat na under niya ang DOJ at maging ang NBI...


kaya sana naman ay huwag gamitin laban sa iba yung 16 Million plus na bilang..
dahil hindi naman yun majority ng voting population...
feeling , binoto niyo nga, kayo nga yung lamang, eh paano kung tiwali rin siya...?

No comments:

Post a Comment