Sunday, November 27, 2016

The New Face of Martial Law - Manipulating the Freedom of Expression

so ganito ang idea ninyo ng isang reformed na gobyerno..?
ng isang reformed na bansa...?

isang bansang walang pagpapahalaga sa sarili nitong kasaysayan..
walang pagpapahalaga sa mga aral ng nakaraan..
mga mamamayan na kaagad nanghuhusga ng kapwa nila ng dahil lang sa KULAY..
mga mamamayan na kumakampi o sumasamba lang dahil ka-Probinsiya nila yung mga prominenteng tao...

at dahil mahirap na talagang labanan ang Age of Computer at Internet sa panahon ngayon..
dahil alam ninyo na mahirap nang busalan ang lahat ng tao nang sabay-sabay..
eh kokontrolin ninyo ang paraan ng pagpapahayag ng mga tao..?
na ano, at sa paraang ano..?
basta pabor sa mga diyos-diyosan ninyo eh pwedeng ipakalat sa social media..?
kahit fake news, memes, at data, basta pabor sa mga diyos-diyosan ninyo eh ito-tolerate lang na kumalat sa social media..?
at kapag may bumatikos sa mga maling pamamaraan ng mga nasa itaas, eh iha-hack ninyo..?
o di kaya ay ipapa-block ninyo yung account..?
pagbibintangan na kaanib ng kung anong KULAY..
pagbibintangan na mga bayaran..
bababuyin at babastusin ang pagkatao..
para ano..?
para lang hindi patuloy na lumabas ang totoo..?
bakit..?
dahil ba masakit na marinig ang katotohanan, pero hindi ninyo kayang aminin sa mga sarili ninyo na nagkamali o nagkakamali na nga kayo...?

at sa ganitong paraan nila muling isinasabuhay ang isa sa iniidolo nilang paraan ng Martial Law..
ang pagbusal sa Freedom of Expression..
though this time, gusto nilang ma-enjoy yung Freedom of Expression nila, habang sinu-suppress yung sa mga hindi nila kaanib... :(

---o0o---


update ulit (16 na):
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  •  yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • yung Oplan Cyber Tokhang

---o0o---


November 21, 2016...

[Pets]

sana may national level rin na batas na nagpo-protekta doon sa mga mamamayan na hindi mahilig mag-alaga ng hayop..
hindi dahil sa ayaw namin sa mga hayop, pero dahil ayaw lang namin ng dagdag na responsibilidad at gastusin...

karamihan kasi eh parang yung mga domesticated pets lang ang mahalaga ang kapakanan..
pero paano naman yung karapatan namin...?

maraming mga pet owners ang hindi responsable - totoo yan..
pero hindi namin pwedeng patayin yung mga alaga nila - dahil protektado ang mga yun ng batas..
at mas lalong hindi namin pwedeng patayin yung amo nung hayop - dahil protektado rin sila ng batas...

paulit-ulit na lang kasi..
sa sobrang tamad nung mga amo na maglinis ng tae ng alaga nila (mostly cats, though mga palaboy na at sumabog lang yung populasyon nila dahil pinabayaan na ng mga dating amo nila) especially dogs..
yung iba, ang teknik eh pakakawalan yung mga aso nila para lang tumae sa ibang lugar..
yung iba naman eh hila-hila nga yung mga aso nila, pero hahayaan pa ring tumae sa tapat ng bahay ng may bahay...

totoong hindi na namin pag-aari yung kalsada o yung sidewalk..
pero doon din kasi kami nadaan at yung mga kliyenteng napunta sa bahay namin - kaya nakakahiya pa rin..
bilang resulta, kahit ayaw naming maglinis nung dumi ng ibang tao/aso, eh napipilitan pa rin kami..
at lahat ng yun ay dahil sa mga taong walang sense of responsibility...

kaya nga sana ay may batas na laban sa mga kalokohan nila:
  • Option 1 - kakainin nung amo yung tae ng alaga niya, optional na kung ipapakalat yung video online o hindi
  • Option 2 - bibitayin yung amo nung alaga kapag nakailang ulit na yung offense nila
  • Option 3 - kailangang magmulta ng Php 5,000 nung amo nung alaga sa may-ari nung bahay kung saan tumapat at tumae yung alaga niya, at magmu-multiply yung halaga nung multa sa bawat pag-ulit nila
feeling , huwag kayong mag-alaga kung ayaw ninyong maglinis!
---o0o---


November  22, 2016...

yung mga panatiko na galit din daw sa ilegal na droga..
na pro- sa pag-abuso sa human rights ng mga suspek...

tapos nung nakakita ng mga picture ng mga kababaihang nagpo-protesta laban sa kaalyado ng idol nila..
eh dinadaan sa bastusan at kahalayan ang pagko-comment..
gangbang-in..?
putukan sa loob, boobs, at bibig..?
siguro nga hindi kayo sabog sa droga - pero mga utak kriminal rin kayo...


damn!
reminds me of that foreign missionary na hinalay na, pinatay na, pero binaboy pa yung alaala..
pare-parehas nga ang takbo ng mga utak ninyo...
feeling , PS. parang Marcos' Private Cemetery na ngayon yung libingan...
>
regarding sa pakikiapid ni De Lima sa may asawa..
base sa history ng mga law practitioners eh pwede ngang basehan yun para sa disbarment..
last news na narinig ko about such matter eh tungkol sa 2 abogado na nahuli (o ipinahuli?) ng misis nung lalaki sa isang motel..
though hindi yata yun basehan para matanggal sa public office o government position...

nagpahuli na rin si Dayan..
so dapat matapos na yung kaso nila...

ang nakakatakot lang..
yung mga totally binabasang affidavit sa Congress..
yung mga saksakan sa loob ng kulungan sa kabila ng mas pinalakas DAW na seguridad..
yung pagtatanim ng mga pekeng affidavit base sa pamilya ng mga Espinosa..
yung pagpatay sa mga supposed witness o link..
at yung patuloy na operasyon ng ilegal droga ng mga nakakulong sa Bilibid despite nga na pinalakas na DAW yung seguridad doon...
feeling , mahirap nang malaman ang katotohanan sa panahon ngayon...
>
ano kaya ang lihim nung puntod nung Diktador..?
underground base yata yung ginawa nila doon eh, haha...??

as expected, na-control na nga nila yung sistema doon sa libingan..
will probably stay like that hangga't nandun yung bangkay (o yung puntod lang) nun..
kaya mukhang mahirap nang mag-CR doon sa puntod..
though may paraan pa rin para ma-access yun (clue: camera at magaling na remote control pilot)...

feeling , Marcos' Private Cemetery...
---o0o---


November 24, 2016...

25 na bukas..
medyo mahaba-haba rin yung naging preparasyon na yun...

pero ang 2 bagay na gusto ko talagang makita sa ngayon...?

1) yung iba pang Do-Dirty voters na ipakita yung pagmamahal nila sa bayan..
(iisa pa lamang yung nakita ko na nagpahiwatig na hindi puwerket yung idol yung ibinoto niya noong halalan eh lahat na lang ng utos nito ay susundin na niya)..
ang Martial Law ay hindi lamang tungkol sa henerasyon na naging biktima nun, it's about history na hindi na dapat maulit pa, at history na kailangan pa ng Hustisya..
Trilyong Piso yung gusto nilang budget para sa Emergency Power na gusto nila, edi bawiin nila yung approximately 10 Billion Dollars na ninakaw noon para makatulong sa proyekto DAW nila..
wakasan na ang pagbubulag-bulagan sa pag-abuso sa kapangyarihan...

2) tang ina!
pa-request naman ng mga demonyong effigy!
demonyong effigy ni Do-Dirty, ng angkan ng Diktador, ng mga kontroladong miyembro ng Supreme Court, ng pamunuan ng Department of National Defense na hindi marunong sumunod sa sistema ng SC, ng mga tutang PNP, at ng mga tutang AFP..
deserving na sila na magawan ng mga demonyong effigy dahil sa pagiging insensitive nila at sa pagbalewala nila sa boses ng bayan, lalo na sa boses ng mga naging biktima ng violence..
huwag sunugin ang mga effigy dahil makakadagdag lang yun sa polusyon..
bitayin na lang o ilibing sa basurahan..
hindi na dapat matakot ang mga tao na lumaban puwerket marami na ang nagkalat na mga taga-tumba sa bansa ngayon...
feeling , pa-effigy naman kayo, huwag matakot sa mga mamamatay tao...
 >
hoy Do-Dirty!
sobrang babaw ng ginagamit mong logic..
  1. was he a president..?
  2. was he a soldier..?
ay tang ina!
sa paraan pa lang ng pagtatanong mo eh halatang inaalalayan mo ang mga Friends mo..
idadaan mo kami sa YES or NO...?

gusto mo ng argumento sa 2 yan..?
one word..
TIWALI..
applicable on both profession yan, mag-research ka lang..
pero dahil galit ka sa America eh malamang hindi mo i-credit yung records nila tungkol sa pagiging sundalo nung Diktador..
pero kung kailangan mo ng Filipino source, pag-aralan mo yung Battle of Bessang Pass..
at of course alam ng lahat ng may malasakit sa History kung paano naalis sa pagiging pangulo yung Diktador...

ngayon, kung sa tingin mo eh may lugar sa isang makahulugang libingan ang isang TIWALIng presidente at sundalo - eh siguro nga eh hindi ka rin naiiba sa mga Friends mo..
baka nga basura rin yang prinsipyo mo...
feeling , bukas, pakisampal nga ng History sa pagmumukha ng diyos-diyosan na yan!
 ---o0o---


November 25, 2016...

ang weird nung ibang nasa Congress..
bakit gusto pa rin nilang patunayan na may sex video nga yung dalawa..?
hindi pa ba sapat na parehas na silang umamin na may pakikiapid nga na naganap..?
hindi pa ba sapat yun para maalis ang pagiging abogado ni De Lima..?
o kailangan pa ba ng solid evidence para sa disbarment...?

kasi as far as illegal drugs at drug money yung pinag-uusapan, eh hindi naman magagamit na evidence dun ang plain sex, unless nga may makikitang limpak-limpak na pera at droga doon sa sex scene...
feeling , ilipat na ang mga yan sa korte, nang malaman na kung sino nga ang hindi lang umaasa sa script...
>
panahon na ng pakikipaglaban...

panahon rin ng bagyo..
mukhang walang masyadong magagawa ang mga karatula at effigy..
pero sana hindi mawalan ng lakas ng loob ang mga Pro-Justice, Pro-History, at Anti-Tiwali...

matigas ang ulo ng leader ng bansa (nag-Viagra yata eh)..
mukhang siya yung tipo na pinaninindigan lahat ng sinasabi niya, lalo na kung para sa mga Friends niya..
unfortunately, hawak niya ang desisyon doon sa libingan..
kaya mukhang magiging mahirap na laban din ito - ang makipag-usap sa isang diyos-diyosan...

sana lang hindi mapasok ng mga taga-provoke ang hanay ng mga magpo-protesta..
sana walang masaktan..
sana wala nang mag-manyakis sa mga pictures ng mga babaeng rally-ista na hindi naman nila alam ang background..
yung mga magiging basura, subukang linisin, dahil siguradong lalagyan na naman nila ng caption ang mga yan..
at sana maparusahan nga ang mga nagtaksil sa bayan na bumalewala sa sistema ng Supreme Court...
feeling , wakasan na ang katiwalian...
>
wala nga pala talagang maaasahan sa batas at sa sistema...

at nakakalungkot na (sa ngayon) tinitingnan lang ni Do-Dirty ang isyu ng pagiging diktador bilang isang paraan ng pamumuno..
na kesyo parang hindi basehan ang dictatorship ng mga nagawang katiwalian...

binabalewala na niya dito yung motibo kung bakit naging diktador yung demonyo..
wala na siyang pakialam kung scripted man yung isa sa ginawang dahilan para maipatupad yung Martial Law..
wala rin siyang pakialam na ginamit lang na palusot ang pakikipaglaban sa mga rebelde sa loob ng mahabang panahon (na hindi naman naubos) para lang manatili sa kapangyarihan..
ni wala na yata siyang pakialam sa mga pagnanakaw sa bayan at pag-abuso sa mga mamamayan na idinulot nung Martial Law...

for someone na lumalaban DAW sa Katiwalian sa pamahalaan..
parang kalokohan na hindi mo pwedeng i-judge ang isang bangkay at ang kanyang angkan base sa mga kasalanang ginawa nila noon..
kaya hinding-hindi mawala ang Katiwalian eh, dahil sa mga kagaya ninyo...

diyos-mode..
anything, kahit ano na lang dahilan, para lang mapagbigyan yung mga taong nagbigay para sa kampanya niya..
wala ka nang pakialam puwerket nakaw na yaman ng bayan ang ginastos para diyan sa putang inang kampanya mo!

ano nga ba ang maaasahan sa diyos-diyosan na yun, eh idol nga pala nun si Hitler...?
feeling , bakit pa nagkaroon ng konsepto ng pagmamahal sa bayan kung hindi rin naman pala ito kinikilala ng batas...

>
Duterte Youth..
sabi na nga ba eh..
some of these people eh hindi sa mga Marcos ang inclination, kundi sa pangulo nila..
sinasamba nila ang bawat salita ng kanilang idolo..
mga bulag na panatiko...

ginamit rin ng leader nila yung infrastructure argument (na para lang sa mga tanga)..
huwag daw gumamit ang mga Anti- ng mga ospital na pinatayo nung Diktador..
pati LRT daw eh huwag gamitin...

kaya sa lahat ng putang inang gumagamit nung infrastructure argument, heto muna ang pag-aralan ninyo..
una, BUWIS at taxation..
ikalawa, LOAN at tulong mula sa ibang bansa..
pag-aralan ninyo kung anong kinalaman ng mga yan sa government projects..
kung mapapatunayan ninyo na pera mismo ng mga Marcos ang ginamit sa lahat ng naging proyekto niya, o kung mapapatunayan ninyo na siya lang ang nag-iisang tao na makakaisip ng mga ganung klase ng proyekto, kung maipapakita ninyo na libre yung mga serbisyo ng mga proyektong yun - saka ko irerespeto ang argumento ninyo na hindi kami dapat gumamit ng mga yun...

PS:
1,700 lang daw yung bilang ng mga protesters sa Luneta kani-kanina according sa awtoridad, despite na may 15,000 estimate..?
mindset attack rin ba ito to discourage those na gustong sumali...?

base sa intel, Marcos Youth din pala yung iba sa mga 'to.. that explains...
feeling , honestly, noong sinabi nila na Change is Coming, hindi ko naman naisip na mangangahulugan rin yun ng pagbabago sa History, at ng tila muling pagpapayakap sa angkan ng Diktador...
---o0o---


November 26, 2016...

nasaan na yung mga celebrity na maiingay noong panahon ng kampanya ng idol nila...?

ano..?
tatahimik na lang kayo ngayon puwerket luma na yung usapin sa pananaw ninyo..?
move on..?
focus na lang sa present, puwerket magaganda ang buhay ninyo...?


kasalanan rin ninyo ito dahil niloko ninyo ang maraming tao sa mabulaklak ninyong mga posts...
feeling , wala na akong respeto sa inyo...
>
Republic Defenders..?
o Mindsetters..?
mga bulag na taga-sunod..
hahaluan niyo na naman ng kulay yung nagaganap na protesta..
mambibintang na mga bayaran sila...?

so lahat ng hindi sang-ayon ngayon sa diyos-diyosan ninyo eh automatic na mga bayaran na..?
ganyan yang teknik ninyong mga panatiko eh..
tina-target niyo yung mga simpleng tao..
magpapakalat kayo ng mga maling impormasyon at mga paninira para isaksak sa mga utak nila na kalaban yung mga hindi ninyo kapanalig...

tapos gagamit rin kayo ng argument na kesyo bawal mag-protesta yung mga wala pa sa panahon nung Diktador..?
nakalimutan niyo na ba na nagrereklamo yang pinuno ninyo tungkol sa history ng America at Pilipinas na hindi rin naman niya inabutan..?
kung ganyang kababaw ang logic ninyo, edi huwag din kayong mag-celebrate ng christmas tutal wala pa naman kayong lahat noong ipanganak daw si Jesus..
huwag kayong gumamit ng mga mabababaw na argumento kung ayaw ninyong mabalikan...

bayaran..??
sino nga yung tumanggap ng pondo sa kampanya mula sa angkan na may tinatagong mga nakaw na yaman mula sa bayan...???
feeling , hindi ko pangulo yang Do-Dirty ninyo...
>
mawalang galang na kay Jose Rizal..
talagang maganda yung naging paraan niya ng pakikipaglaban sa Espanya noon..
sa sobrang talino at masining eh buhay pa nga yung mga nilikha niya hanggang sa panahon ngayon...

kaso mukhang kailangan nang palitan yung subject na Rizal sa kolehiyo...

sini-censor nila yung history tungkol sa Martial Law at yung kabuuan ng termino nung Diktador..
bakit..?
siguro dahil masyadong brutal yung mga masasamang pangyayari noon para ipaalam sa mga kabataan..
pero pwede naman siguro siyang gawing requirement sa kolehiyo bilang minor subject..?
isulat lahat..
wala nang censorship..
ilista ang halaga ng mga nakaw na yaman..
dapat may pictures din..
ipaalam ang mga alias na ginamit sa mga account..
ibigay ang listahan ng mga pinatay at listahan ng mga nawawala..
kung pwede ay may pictures din sana..
ipakita ang mga pictures ng karahasan noon at mga torture device..
basta lahat ng kawalanghiyaan eh dapat i-detalye nang buong-buo...

huwag na lang mag-quiz..
kahit ako eh iinit ang ulo kung ipapasaulo at ipapa-enumerate sa akin sa exam ang mga pangalan ng mga naging biktima nila eh..
parang yung ibang estilo sa Rizal na rin lang ang gamitin, idaan sa pagsasadula..
basta ang mahalaga - maunawaan ng mga bagong henerasyon kung bakit hindi na pwedeng maulit ang putang inang Martial Law na yun...
feeling , kasalanan rin 'to ng sistema ng edukasyon eh...
---o0o---


November 27, 2016...

andami pa ring takot kay Do-Dirty..
bakit nga kaya walang kayang gumawa ng demonyong effigy niya hanggang sa ngayon..?
eh dati naman kahit sinong leader eh nagagawan nila..
saan ba sila natatakot..?
sa hanay ng mga bayarang trolls...?
anyway..
mukhang hopeless na 'tong laban na 'to sa ngayon..
pero gaya ng pambabastos nila sa kasunduan with Ramos noon..
at base sa argument nila na ang masusunod ay kung sino ang kasalukuyang nasa puwesto..
edi aasa na lang na someday eh may maluluklok na hindi bayaran..
isang leader na may dignidad at pagpapahalaga sa kasaysayan..
hoping na ipapahukay niya yung bangkay sa tamang panahon, at ipapasira na lang yun para tapos na ang usapan...
 feeling , for Justice and Honor...

>
kapag para sa Cosplayer - ambilis umaksyon ng korte..
kapag absolute pardon ng kaibigan - ambilis magdesisyon ng nasa itaas..
kapag para sa angkan ng Diktador na may mga nakaw na yaman ng bayan, na inamin niyang nag-contribute nang malaki sa kampanya niya - ambilis rin lumabas ng desisyon kahit na ang babaw pa ng rason...
tapos sasabihin na idaan sa korte yung mga kaso noong Martial Law..?
nasa 30 years na yun at wala pang nangyayari dahil sa impluwensiya nung demonyong angkan..
pero hindi ka man lamang makapag-utos na madaliin ang pagpapatupad ng hustisya (kahit yung bawiin man lamang muna yung mga nakaw na yaman)..
paspas kayo kapag para sa mga kaibigan..
at usad-suso para sa mga taong hindi ninyo kaibigan...
feeling , ang mga taong sumusuporta sa bulok at bayaran na sistema eh mga bulok rin ang pagkatao...

---o0o---


November 28, 2016...

naalala ko lang yung nabasa ko noong isang araw..
"..Marcos died 30 years ago..."..
written by a panatiko...
mawalang galang na ho..
pag-aralan muna ho ang facts (30 years?), bago mangumbinsi na may saysay yung mga pinagsasasabi ninyo...
feeling , para lang ma-justify yung pagbebenta ng desisyon ng idol nila...

>
Oplan Cyber Tokhang..
mukhang we're really approaching a substitute for Martial Law... :(
sa ngayon ay iginagapang na ang suspension ng Writ of Habeas Corpus..
at online naman, eh binubusalan na nila ang mga lumalaban sa katiwalian sa gobyerno...
hindi sila nagtagumpay sa pangmamanyak at pagbaboy sa pagkatao ng mga kababaihang protesters..
hindi sila nagtagumpay sa mga 13th month pay argument nila and the likes..
kaya naman itutuloy na lang nila ang pagpapa-block sa sinumang nakakapag-isip pa ng tama..
at ngayon nga eh mukhang may mga bayarang hackers na rin sa hanay nila..
so ito ang version nila ng Martial Law, ang version ng pagbusal sa Freedom of Expression..
hahayaan nila yung mga fake news, mapanirang memes, bashers, trolls, etc. - kahit ano basta pabor sa idol nila, habang binubusalan lahat ng hindi nila kakampi... :(
walang masyadong nagko-condemn sa kanila na galing sa sarili nilang hanay..
yung iba makikita mo pa na tinatawanan at nila-like pa yung mga ganung news sa social media..
bakit..?
siguro dahil sinusuportahan nila sila..
siguro dahil yun din yung gusto nila..
o siguro tino-tolerate na lang nila dahil mas gusto nilang mag-focus sa mga accomplishments ng idol nila (kung meron man)..
siguro dahil hindi talaga nila matanggap yung iba't ibang katotohanan na naisasampal sa mga pagmumukha nila...
feeling , ang muling pagpatay sa Freedom of Expression...


No comments:

Post a Comment