Sunday, December 4, 2016

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - The Rest of November 2016 (Making Money)

November 28, 2016...

[Online Marketing]

got a new buyer sa ebay..
hindi na newbie, at mataas na ang reputation as buyer (in fact, mas mataas pa nga kesa sa akin)...
sana nga matuloy yung deal...
feeling , post.. usap.. deal...

---o0o---


November 29, 2016...

sa ngayon i already have:
- 151 components (na kailangang ma-reevaluate at mabura yung mga redundant)
- 14 components na sumablay sa initial test nila
- 77 components na kailangan pang i-test at ma-filter
- at 4 optional components
konti na rin lang yung mga kulang ko..
1 face morph..
2 body morphs..
2 hair components..
2 klase ng heels..
at ilang specific components...
andaming soft materials, kaso walang hardware...
feeling , 70 plus MB left...

>
[Emo]

speaking of libingan..
sira na naman yung araw ko...
sa pinapa-manage kasi sa akin na negosyo ay 'supposedly' may Php 20,000 na maintaining balance para sa mga papalabas na pera...
at dahil dun ay yun yung pinag-iinitan ngayon nung biological mother ko..
nasanay kasi siya noong siya pa yung naghahawak nung business, at maging noong ako na yung ginawang manager, na pinakikialaman niya yung pera..
bakit nga naman hindi..?
- walang interes yun sa tuwing umuutang siya
- wala rin yung feeling ng guilt, dahil hindi alam nung may-ari nung pera na hinihiram na yung pera na para sana sa charity-business niya
- in case na kailanganin na yung pera, eh yung manager naman yung malalagot at mapapahiya sa harap ng mga kliyente (at ilang beses ko na ngang naranasan yun sa nakaraan :( )
at ngayon ay ako pa talaga yung susumbatan niya..
na kesyo sayang naman yung 58 months worth ng hulog niya kapag na-forfeit yung libingan niya dapat..
putang ina!
sinabihan ko na sila tungkol sa bahay..
sinabihan ko na sila tungkol sa pagpapa-aral..
at sinabihan ko na rin sila tungkol sa mga smartphone na yan...
kung hindi sana niya ginalaw nang ginalaw yung pera para sa bahay - hindi sana siya nabaon ulit sa utang..
kung kumuha lang sana ng scholarship yung anak nila (tutal eh 2 lang naman ang maintaining grade sa ibang nagpo-provide ng scholarship) - edi yung 50 to 75% discount sana sa tuition eh naibayad na para sa libingan na yun..
at yung kawawala lang na smartphone, kung ibinenta na lang nila yun sa presyong Php 3,700, edi sana eh nabawasan na yung utang niya sa libingan...
pero putang ina, bakit hanggang sa ngayon ay ako pa rin ang may kasalanan sa bawat katangahan nila sa buhay..?
ako ba talaga yung malas dito sa pamamahay na ito...??
feeling , oo nga eh, ako nga yug pabigat sa buhay nila...

>
[3D Arts]


---o0o---


November 30, 2016...

[Online Marketing]

nag-reply na yung bagong buyer ko sa ebay..
4th time na yata na may nag-bid dun sa particular item ko na yun eh...
okay naman siya sa payment terms ko..
so hopefully, matuloy at matapos nga ito nang maayos...
feeling , balot-mode na muna ng package...

>
[TV Series]

The Greatest Love
namihasa na nga si Paeng sa pagsasamantala sa kondisyon ni Mommy Glo..
ginagamit niya yung Alzheimer's nung ina para makapagnakaw sa kita ng Junk Shop nila..
at ngayong araw nga eh naisangla na nung pasaway na anak yung pinaka-iingat-ingatang pares ng hikaw ni Gloria, na regalo ni Peter..
mahal yung hikaw eh, nasa may Php 20,000 o plus pa yata yung presyo ng pagsangla, hindi naman color gold pero baka white gold, at malaki ang bato...
sa wakas ay nahuli na rin siya ni Sandro sa ginagawa niyang kalokohan..
ipinaalam ito ni Sandro kay Lizelle, dahil ayaw niyang direktang makialam sa usapin ng pamilya ni Mommy Glo..
at nag-decide naman si Lizelle na sabihin na kaagad ito sa ina...
nga naman..
nalungkot din tuloy si Peter..
iniiwasan nga nila ang stress para kay Mommy Glo para hindi lumala yung kondisyon nito..
pero talagang sinusubukan sila ng tadhana (o ng script, haha)...
feeling , Php 80,000 na kaagad yung nawala sa Junk Shop...

---o0o---


December 1, 2016...

medyo may problema.. :(
after 3 years, nagkaroon na ng kung anong formation ng molds doon sa loob ng mga Mint Condition na sealed action figures ko..
mukhang wala naman dun sa mga figures mismo, bagkus ay nandoon sa plastic na packaging niya..
wala pa ako sa mataas at maselan na level ng pagiging isang kolektor, kaya naman wala akong paraan para ma-determine yung cause nun..
i assume na kaakibat siya ng hindi na magandang klima ng mundo, kaya kahit na 3 beses pa silang naka-seal eh nagkakaganun na sila...
feeling , lagot ang value ng mga yun...

---o0o---


December 2, 2016...

[Online Marketing]

nagbayad na yung buyer ng virtual money..
kaso hapon na..
kaya naman bukas ng umaga ko na lang ipapadala yung item niya...
feeling , good luck with this!

---o0o---


December 3, 2016...

[Business]

mukhang pabulusok na pababa ang ekonomiya ng bansa.. :(
2014 ako nagsimulang maging isang nano-scale na bentador..
last year, may buwan na pumapalo nga sa Php 200 ang presyo ng kada-bundle ng mantika, pero bumalik rin yun sa Php 180 bago pa matapos yung taon..
but in this f*cking year's last quarter, yung dating naglalaro lang sa Php 180-190 (January to June 2016) eh biglang pumalo na sa Php 204, at naging Php 207 pa noong mamili ako today..
kaya naman yung 3 na tubo ko sana eh bababa na naman ulit... :(
ganun din sa VMobile..
yung dating mga 10% rebate nagbabaan na..
yung isang klase eh ngayon eh nasa 2% plus na lang..
yung dating 2.9% (sa loob ng matagal na panahon since tumigil ako sa pagpapagamit nun sa publiko), eh ngayon eh nasa 2.7% na lang..
so mukhang itutumba ko na rin nga yung VMobile account ko kapag wala na yung load...
ang tanging good news ay para sa dollar account ko..
so far, ang trend niya ay sa papataas ang monthly income since gumawa ako ng teknik.. :)
bale yung ginamit kong teknik for both September and October ay nagawan ko pa ng konting paraan para mas ma-improve for November..
but it still has a long way to go...
feeling , ipon-mode from zero...

---o0o---


December 4, 2016...

[Gadget-Related]

battery na gawa sa ginto..?
tapos binalutan ng electrolyte gel para magtagal...?
kung totoo yung research..
malaki nga ang mako-contribute nun sa technology..
sa preservation ng kalikasan..
at maging sa pagbawas sa gastusin ng mga consumers (unless maging sobra-sobrang mahal nun)...
kaso kung sa Pilipinas yun gagamitin (considering yung current state ng bansa)..
eh malamang na dumami pa ang mga magnanakaw ng smartphone kapag nalaman nila na ginto ang laman nun... XD
feeling , 200,000 charging cycles...?


No comments:

Post a Comment