Saturday, February 26, 2022

Freedom of Speech Reversal

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



36 years na..
noon, isa sa mga ipinaglaban ng mga mamamayan ay ang Freedom of Expression..
pero binaliktad din ng kasamaan ang lahat..
kung dati, ang tangi nilang estilo ay ang busalan ang paglabas ng katotohanan at manipulahin lang ang mga articles at balita na inilalabas in public..
ngayon, mismong ang Freedom of Expression na ang gamit nila para lokohin ang mga mamamayan... 🙁

nagsimula silang magpakalat ng mga FAKE history at articles tungkol sa kanila sa panahon ng pag-usbong ng internet..
at lalong lumala ang panloloko nila sa maraming mga mamamayan sa panahon ng social media..
dahil ganun kadami ang bobo sa isinumpang bayan na 'to..
lahat paniniwalaan nila sa ngalan ng panatisismo..
lahat gagawin nila kapalit ng pera..
at nagkukunwari naman ang mga nasa kapangyarihan na wala silang masusunod na patakaran upang labanan ang mga FAKE...

is 💀 feeling , kamatayan para sa lahat ng creators at editors ng mga FAKE content...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is 💀 feeling , day 595...

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2021/06/gauging.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2022/01/defenders-of-tax-evasion.html

update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 502 + 500 + 63 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pagbatikos na naman laban sa Senado dahil sa pagsita sa naging bentahan sa Malampaya

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung isang empleyado ng LGU sa Daet, Camarines Norte na arestado matapos na mahulihan ng hinihinalang shabu
  • sa Calamba, Laguna, yung pulis na miyembro ng Police Security and Protection Group na nahuling gumagamit ng nakaw na sasakyan
  • sa Sto. Tomas, Batangas, yung Pulis-Laguna daw na nagnakaw sa isang gasolinahan na sangkot din daw sa ilang nakawan sa Laguna
  • sa Oriental Mindoro, yung pulis na nalulong sa online sabong na nagtangkang magnakaw sa isang hardware store
  • sa Angeles City, Pampanga, yung 8 pulis na nagpakilala bilang mga miyembro ng CIDG, at 3 iba pa, kabilang ang 2 Imperial citizen, na hinuli dahil sa kasong attempted robbery
  • sa General Emilio Aguinaldo, Cavite, yung mag-live-in partner na napatay sa pamamaril ng kanilang manugang na isang Kagawad
  • sa Quezon City, yung pulis na nakainom daw ng alak, na namaril ng estudyante dahil lang sa problema sa kalsada 
  • sa San Fernando, Cebu, yung 3 na aktibong pulis at isang dating pulis na sumuko dahil sa pagpatay sa mag-asawa sa isang robbery-slay case
  • yung kaso ng nawawalang negosyante at pinatay na ahente niya, kung saan suspek ang 5 kabilang sa PNP-HPG ng Calamba
  • sa Romblon, yung Mayor, kasama ang nasa 200 pang katao, na naaresto dahil sa ipinagbabawal na sabungan

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • (no entry yet)

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung adviser na nagsusulong naman ngayon ng booster cards, samantalang may posibilidad daw na maging regular tulad ng flu vaccine ang mga COVID-19 vaccine
  • yung pagmamadali sa pagbaba sa Alert Level 2 sa panahon ng Omicron variant kahit na nasa 5 digits pa rin naman ang nade-detect na mga kaso araw-araw
  • yung aalisin na rin yung No Vaccination, No Ride policy under Alert Level 2, na para bang magkaiba ang epekto ng virus sa tao sa iba't ibang Alert Level
  • sa NCR, yung pwede na ulit isama sa public places ang mga bata, under Alert Level 2, samantalang sinasabi nila dati na delikado ang mga hindi pa bakunado laban sa COVID-19
  • yung sinasabi ng Bureau of Quarantine (BOQ) na nasa 300 na international travelers araw-araw ang nade-detect bilang mga COVID-19 carriers, pero meron pa ring mga may gusto na luwagan ang quarantine protocol para sa kanila
  • yung aalisin na ang quarantine protocol para sa mga fully vaccinated na international traveler, na para bang 100% na gumagana ang mga vaccine upang hindi na maging carrier ang isang vaccinated na tao, at na para bang imposible na sa mismong biyahe sila makasagap ng virus
  • yung muling pagsuway ng Cebu sa health protocol ng bayan, handa silang tumanggap ng mga unvaccinated na foreign tourist sa ngalan ng turismo
  • sa airport, yung mga umuuwi na international travelers at ang mga sumusundo sa kanila na nilalabag na nang husto ang mga basic na safety protocol, wala ng physical distancing at yung iba eh nagbababa na rin ng face mask
  • sa Quezon Medical Center sa Lucena City, Quezon, yung tambak ng hazardous waste sa sarili nilang compound kabilang ang mga ginamit para sa COVID-19 cases
  • sa Virac, Catanduanes, yung laboratory na nasita ng DENR dahil sa pagtatapon ng mga medical waste nila sa dagat
  • sa Virac, Catanduanes, yung nasa 7 daw na bata na naging carrier ng COVID-19, nangyari daw iyon matapos nilang mapaglaruan ang mga medical waste gaya ng syringes sa kanilang lugar
  • yung paglilipat ng regulation ng vape sa Department of Trade and Industry (DTI) sa halip na sa Food and Drug Administration of the Philippines (FDA)
  • yung asukal naman ngayon ang gustong idaan sa maramihang importation
  • yung nabisto sa Senado, yung ginagawang manipulasyon ng Sugar Regulatory Administration (SRA) sa merkado ng asukal
  • sa Cagayan, yung 9 na katao na namatay, bukod pa sa mga sasakyan, bahay, at iba pang nasalpok ng isang van na dala-dala daw ng mga Army Reservist
  • sa EDSA, sa Quezon City, yung 3 namatay na miyembro ng Philippine Air Force sa nasunog na sasakyan, nabangga daw sila sa mga concrete barrier dahil nagmaneho daw under the influence of alcohol yung survivor
  • yung latest na chopper crash para sa PNP, nagpasundo daw pala noon yung PNP Chief mula sa personal na lakad niya sa Balesin Island
  • sa Quezon City, kaugnay nung kaso nung estudyante na binaril ng nakainom daw na pulis, yung mga pulis ng QCPD na kinasuhan ng neglect of duty at administrative cases dahil hindi daw rumesponde doon sa insidente dahil nag-iinuman sila noong mga panahon na iyon
  • sa Quezon City, kaugnay nung kaso nung estudyante na binaril ng nakainom daw na pulis, yung natuklasan na may cover-up na ginawa yung 2 pulis na nag-imbestiga doon sa kaso
  • yung nasilip na tax deficiency doon sa kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH na para sa bilyones na purchases
  • yung isang recommendation tungkol sa kaso nung kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH, yung panay yung kompanya lang ang sinisisi pero walang kasalanan yung mga nag-approve na maka-deal yung kompanya, kahit na nga madami ang kaduda-duda tungkol sa kanila
  • yung mga Senador na ayaw pumirma sa report ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng kaso ng kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH
  • yung masyado nga namang nagtatagal ang desisyon nung na-assign na division ng COMELEC tungkol sa kaso ng public servant na ilang taon na hindi nag-file ng income tax
  • ang pagpanig ng COMELEC sa naging public servant na tax evader
  • ang pag-atake ng COMELEC laban sa mga campaign materials na nasa private properties naman
  • yung babala ng COMELEC na kasuhan laban sa mga volunteer na gagamit ng campaign materials sa loob ng kanilang property, samantalang wala naman silang ginagawa laban sa mga nagpapakalat ng FAKE content sa internet
  • yung hindi pagpa-file ng income tax ng isang basurang public servant eh tama para sa kanila, pero ang pagbibigay ng suporta ng mga volunteer eh labag daw sa batas nila
  • yung patas na pagbibigay ng suporta ng mga volunteers eh sobrang sinisita nila, samantalang ang pagkalat ng mga FAKE at edited content para lokohin ang mga mamamayan eh ni hindi nila magawang sitahin
  • yung pwede ang paggamit ng mga mascot sa pangangampanya habang nasa serbisyo ng pagtuturok ng COVID-19 vaccine para sa mga bata
  • yung gustong maging elected official pero tutol naman sa pagsasapubliko ng SALN
  • ang pagyurak ng mga magnanakaw laban sa uring manggagawa
  • yung mga kandidato na adhikain daw ang paglaban sa katiwalian, pero kumakampi naman sila sa mga proven na na mga tiwali
  • yung mga kandidato na hindi na rin magandang ehemplo ngayon pagdating sa pagsusuot ng face mask in public at pati pagdating sa physical distancing

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa Davao City, yung restobar na nag-operate nang wala daw business permit, bukod doon ay pinabayaan din nila ang kanilang mga customer na labagin ang mga health protocol
  • ang mas seryoso ng banta ng COVID-19 dahil sa mga magaganap na kampanyahan
  • yung pinapalabas na ang paparating na pilian ang dahilan kung bakit kinakasuhan ngayon ng ibang bansa ang isang kulto
  • yung voice talent na pinagbabantaan ngayon ng mga supporters ng isang kulto, gayong nag-share lang naman siya ng totoong balita
  • yung mga kulto na endorser ng mga kriminal
  • yung mga mamamayan na supporter ng Representative na protektor ng kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH
  • yung mga mamamayan na sinasabi na paninira ang pagbatikos sa pagiging magnanakaw at tax evader, na para bang hindi kasalanan ang mga iyon
  • yung pagnanakaw ng mga content ng mga supporters ng kasamaan, mga image at video file na ini-edit nila para sa kanilang demolisyon
  • yung pagnanakaw ng pangalan ng isang kandidato para sa isang FAKE website na nagre-redirect naman sa website ng tax evader
  • yung personalidad na protektor ng mga celebrity na drug users, na binabatikos ang isang direktor na lumalaban naman sa katiwalian
  • yung mga kandidato na pinapalabas na pakikipag-away ang paglaban sa katiwalian
  • yung kakampi ng mga tiwali na nakikiusap sa ibang mga kandidato na huwag daw balaan ang mga mamamayan tungkol sa pagsuporta sa mga magnanakaw
  • yung character assassination daw ang pagsasabi ng totoo laban sa mga kriminal na naghahangad ng kapangyarihan
  • yung paratang na bias daw laban sa kanila ang isang kilalang broadcast journalist para lang makaiwas sa isang mahalagang interview
  • yung nasa 921 na daw ang lumalabag sa gun ban simula noong January 9, 2022
  • yung mga pasaway na na-disqualify sa pag-take ng digital Bar Exam
  • sa Maynila, yung negosyanteng Imperial citizen na hinuli dahil sa pagbebenta ng mga smuggled na COVID-19 antigen test kits
  • sa Bacoor City, Cavite, yung Imperial citizen na nahulihan ng baril sa panahon na may umiiral na gun ban
  • yung sinasaltik na rin yung isang kakampi ng Imperyo ngayong panahon ng Imperial virus, sabik na rin na manakop
-----o0o-----


February 19, 2022...

sa EDSA, sa Quezon City..
yung 3 namatay na miyembro ng Philippine Air Force sa nasunog na sasakyan..
nabangga daw sila sa mga concrete barrier dahil nagmaneho daw under the influence of alcohol yung survivor..
not sure kung nakainom din yung mga namatay...

is feeling , disiplina na naman...

---o0o---


February 20, 2022...

sa Bacoor City, Cavite..
yung Imperial citizen na nahulihan ng baril sa panahon na may umiiral na gun ban...

is feeling , ayos talaga sila...

---o0o---


February 21, 2022...

[Natural Calamities]

sa ibaba na ulit..
2..
nasa Magnitude 5.7 at 5.2 na lindol..
sa may area ng Davao Occidental...

is feeling , focus...


>
sa Oriental Mindoro..
yung pulis na nalulong sa online sabong na nagtangkang magnakaw sa isang hardware store...

is feeling , hindi masama ang sugal.. pero ang maging kriminal, iyon ang masama...


>
[Natural Calamities]

sa gitna..
nasa Magnitude 5.3 na lindol..
sa may area ng Occidental Mindoro...

is feeling , gala...

---o0o---


February 23, 2022...

sa Calamba, Laguna..
yung pulis na miyembro ng Police Security and Protection Group na nahuling gumagamit ng nakaw na sasakyan...

is feeling , ang Anomaly nga eh pwedeng gumawa ng krimen eh.. sila pa kaya.. pantay-pantay sa kapangyarihan...


>
sa Quezon City..
yung pulis na namaril ng estudyante dahil lang sa problema sa kalsada..
nakainom daw ng alak yung suspek..
natuklasan din na may cover-up na ginawa yung 2 pulis na nag-imbestiga doon sa kaso..
pinababa daw yung kasong isinampa...

is feeling , the best talaga...


>
kaugnay din nung kaso nung estudyante na binaril ng nakainom na pulis sa Quezon City...

yung mga pulis ng QCPD na kinasuhan ng neglect of duty at administrative cases..
hindi daw kasi rumesponde doon sa insidente dahil nag-iinuman sila noong mga panahon na iyon...

is feeling , very good.. katiwalian sa lahat ng level...

---o0o---


February 24, 2022...

hindi pa yung bantang pananakop ng Northern Empire ang totoong nakakatakot..
dahil ang mas lubhang nakakatakot..?
eh baka samantalahin ng Eastern Empire yung kaguluhan para sakupin na rin ang mga bayan sa East...

is ⚠ feeling , World War III ang kahahantungan nito kapag nagkataon.. isa na namang genocide laban sa human population...


>
yung latest na chopper crash para sa PNP..
nagpasundo daw pala noon yung PNP Chief mula sa personal na lakad niya sa Balesin Island...

is feeling , hindi makatarungan ang pagpapasundo mula sa malayo at maluhong lugar...


>
sa Davao City..
yung restobar na nag-operate nang wala daw business permit..
bukod doon ay pinabayaan din nila ang kanilang mga customer na labagin ang mga health protocol...

is feeling , tulungang palaganapin at mapa-mutate ang virus...


>
yung mga miyembro ng alyansa ng kasamaan na nakikiusap na huwag daw balaan ang mga mamamayan tungkol sa pagsuporta sa mga magnanakaw...

nakakatawa ang mga basurang iyon..
hiyang-hiya siguro silang lahat..
tinatamaan kaya nagre-react at napapaamin...

is feeling , basta galit kami sa mga magnanakaw...


>
yung babala ng COMELEC na kasuhan laban sa mga volunteer na gagamit ng campaign materials sa loob ng kanilang property..
samantalang wala namang babala at aksyon laban sa mga nagpapakalat ng FAKE content sa internet...

is feeling , mabuhay ang mga mandaraya at mga sinungaling...


>
yung FAKE website na ginawa para sa isang aktibista..
na nagre-redirect naman sa website ng mga tiwali...

is feeling , put*ng ina.. pati pangalan nung tao eh ninakaw na rin nila...


>
sa San Fernando, Cebu..
yung 3 na aktibong pulis at isang dating pulis na sumuko dahil sa pagpatay sa mag-asawa..
robbery-slay daw yung nangyari, pero naiisip nila na baka may politikal din na anggulo...

is feeling , Anomaly sa itaas, tadtad naman ng mga katarantaduhan sa ibaba...

---o0o---


February 25, 2022...

yung mga mamamayan ng Northern Empire na nagpoprotesta laban sa basura nilang Imperyo upang tigilan na ang kasamaan at ang pananakop... T,T

nakakalungkot lang isipin na dating kakampi ang nasyon nila..
pero nagagahaman sila dahil sa lakas na meron sila... 🙁

is feeling , maraming salamat.. pabagsakin natin ang mga Imperyalista sa mundo...


No comments:

Post a Comment