Saturday, February 12, 2022

Unity to Promote Corruption

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is πŸ’€ feeling , day 581...

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2021/06/gauging.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2022/01/defenders-of-tax-evasion.html

update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 502 + 500 + 39 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pagbatikos na naman laban sa Senado dahil sa pagsita sa naging bentahan sa Malampaya

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung isang empleyado ng LGU sa Daet, Camarines Norte na arestado matapos na mahulihan ng hinihinalang shabu
  • sa Angeles City, Pampanga, yung 8 pulis na nagpakilala bilang mga miyembro ng CIDG, at 3 iba pa, kabilang ang 2 Imperial citizen, na hinuli dahil sa kasong attempted robbery
  • yung kaso ng nawawalang negosyante at pinatay na ahente niya, kung saan suspek ang 5 kabilang sa PNP-HPG ng Calamba
  • sa Romblon, yung Mayor, kasama ang nasa 200 pang katao, na naaresto dahil sa ipinagbabawal na sabungan

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • (no entry yet)

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung adviser na nagsusulong naman ngayon ng booster cards, samantalang may posibilidad daw na maging regular tulad ng flu vaccine ang mga COVID-19 vaccine
  • yung pagmamadali sa pagbaba sa Alert Level 2 sa panahon ng Omicron variant kahit na nasa 5 digits pa rin naman ang nade-detect na mga kaso araw-araw
  • yung aalisin na rin yung No Vaccination, No Ride policy under Alert Level 2, na para bang magkaiba ang epekto ng virus sa tao sa iba't ibang Alert Level
  • sa NCR, yung pwede na ulit isama sa public places ang mga bata, under Alert Level 2, samantalang sinasabi nila dati na delikado ang mga hindi pa bakunado laban sa COVID-19
  • yung sinasabi ng Bureau of Quarantine (BOQ) na nasa 300 na international travelers araw-araw ang nade-detect bilang mga COVID-19 carriers, pero meron pa ring mga may gusto na luwagan ang quarantine protocol para sa kanila
  • yung aalisin na ang quarantine protocol para sa mga fully vaccinated na international traveler, na para bang 100% na gumagana ang mga vaccine upang hindi na maging carrier ang isang vaccinated na tao, at na para bang imposible na sa mismong biyahe sila makasagap ng virus
  • yung muling pagsuway ng Cebu sa health protocol ng bayan, handa silang tumanggap ng mga unvaccinated na foreign tourist sa ngalan ng turismo
  • sa airport, yung mga umuuwi na international travelers at ang mga sumusundo sa kanila na nilalabag na nang husto ang mga basic na safety protocol, wala ng physical distancing at yung iba eh nagbababa na rin ng face mask
  • sa Quezon Medical Center sa Lucena City, Quezon, yung tambak ng hazardous waste sa sarili nilang compound kabilang ang mga ginamit para sa COVID-19 cases
  • sa Virac, Catanduanes, yung laboratory na nasita ng DENR dahil sa pagtatapon ng mga medical waste nila sa dagat
  • sa Virac, Catanduanes, yung nasa 7 daw na bata na naging carrier ng COVID-19, nangyari daw iyon matapos nilang mapaglaruan ang mga medical waste gaya ng syringes sa kanilang lugar
  • yung paglilipat ng regulation ng vape sa Department of Trade and Industry (DTI) sa halip na sa Food and Drug Administration of the Philippines (FDA)
  • yung asukal naman ngayon ang gustong idaan sa maramihang importation
  • sa Cagayan, yung 9 na katao na namatay, bukod pa sa mga sasakyan, bahay, at iba pang nasalpok ng isang van na dala-dala daw ng mga Army Reservist
  • yung nasilip na tax deficiency doon sa kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH na para sa bilyones na purchases
  • yung isang recommendation tungkol sa kaso nung kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH, yung panay yung kompanya lang ang sinisisi pero walang kasalanan yung mga nag-approve na maka-deal yung kompanya, kahit na nga madami ang kaduda-duda tungkol sa kanila
  • yung mga Senador na ayaw pumirma sa report ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng kaso ng kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH
  • yung masyado nga namang nagtatagal ang desisyon nung na-assign na division ng COMELEC tungkol sa kaso ng public servant na ilang taon na hindi nag-file ng income tax
  • ang pagpanig ng COMELEC sa naging public servant na tax evader
  • yung gustong maging elected official pero tutol naman sa pagsasapubliko ng SALN
  • ang pagyurak ng mga magnanakaw laban sa uring manggagawa
  • yung mga kandidato na adhikain daw ang paglaban sa katiwalian, pero kumakampi naman sila sa mga proven na na mga tiwali
  • yung mga kandidato na hindi na rin magandang ehemplo ngayon pagdating sa pagsusuot ng face mask in public at pati pagdating sa physical distancing

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • ang mas seryoso ng banta ng COVID-19 dahil sa mga magaganap na kampanyahan
  • yung pinapalabas na ang paparating na pilian ang dahilan kung bakit kinakasuhan ngayon ng ibang bansa ang isang kulto
  • yung voice talent na pinagbabantaan ngayon ng mga supporters ng isang kulto, gayong nag-share lang naman siya ng totoong balita
  • yung mga mamamayan na supporter ng Representative na protektor ng kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH
  • yung mga mamamayan na sinasabi na paninira ang pagbatikos sa pagiging magnanakaw at tax evader, na para bang hindi kasalanan ang mga iyon
  • yung mga kandidato na pinapalabas na pakikipag-away ang paglaban sa katiwalian
  • yung character assassination daw ang pagsasabi ng totoo laban sa mga kriminal na naghahangad ng kapangyarihan
  • yung paratang na bias daw laban sa kanila ang isang kilalang broadcast journalist para lang makaiwas sa isang mahalagang interview
  • yung nasa 921 na daw ang lumalabag sa gun ban simula noong January 9, 2022
  • yung mga pasaway na na-disqualify sa pag-take ng digital Bar Exam
  • sa Maynila, yung negosyanteng Imperial citizen na hinuli dahil sa pagbebenta ng mga smuggled na COVID-19 antigen test kits
-----o0o-----


February 6, 2022...

yung mga pasaway na na-disqualify sa pag-take ng digital Bar Exam...

is feeling , anak ng mga.. hindi pa pasado, pero mga labagista na...

---o0o---


February 7, 2022...

sa Cagayan..
yung 9 na katao na namatay, bukod pa sa mga sasakyan, bahay, at iba pang nasalpok ng isang van na dala-dala daw ng mga Army Reservist...

is feeling , disiplina...


>
sa Romblon..
yung Mayor, kasama ang nasa 200 pang katao, na naaresto dahil sa ipinagbabawal na sabungan..
naging ilegal lang yata with regards sa COVID-19 situation ng probinsya nila...

is feeling , baka maglaho na rin sila...??


>
yung kaso ng isang kulto na pinapalabas nila ngayon na may kaugnayan sa nalalapit na pilian...

edi parang inaamin nga nila na hindi naman iyon religious group kundi political group...

is feeling , samahan ng mga kriminal...

---o0o---


February 8, 2022...

yung asukal naman ngayon ang gustong idaan sa maramihang importation... πŸ™

is feeling , mabuhay ang agrikultura at ekonomiya ng ibang bansa.. tapusin ang mga lokal na magsasaka...


>
yung mga Senador na ayaw pumirma sa report ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng kaso ng kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH... πŸ™

is feeling , tapos lolokohin ninyo ang mga tao na kesyo may mga sarili kayong desisyon...??


>
hindi ako kailanman makikipagkaisa sa mga kriminal...

sa Dictator Clan..
sa Cosplayer group..
sa NGO Queen group..
sa Anomaly group..
at sa buong Imperyo...

is feeling , kamatayan lang ang nababagay sa mga kriminal.. dahil hangga't may mga kriminal, hinding-hindi matatapos ang mga problema...


>
ang mas seryoso ng banta ng COVID-19 dahil sa mga magaganap na kampanyahan...

kung ano man ang mangyari..
sana masasamang tao lang ang masawi...

is ⚠ feeling , anong variant kaya ang malilikha ng bayan..? ang ultimate Omega variant na kaya...??

---o0o---


February 9, 2022...

yung mga kandidato na adhikain daw ang paglaban sa katiwalian..
pero kumakampi naman sila sa mga proven na na mga tiwali... πŸ™

ang dumi talaga ng laro ninyo..
basta ang mahalaga eh impluwensiya...

is feeling , sa lesser evil na tayo...


>
yung nasa 921 na daw ang lumalabag sa gun ban simula noong January 9, 2022...

tapos nagtataka tayo kung bakit laganap ang kriminalidad...??

is feeling , dapat wala na lang kasi.. pang-awtoridad na lang.. tapos kapag awtoridad ang umabuso, eh dapat bitayin kaagad...


>
yung character assassination daw ang pagsasabi ng totoo laban sa mga kriminal na naghahangad ng kapangyarihan...?

is feeling , put*ng ina ang rebranding ninyo.. para kayong santo...


>
yung pro- ka para sa demonyong laban sa isang makabuluhang TV Network..
isang demonyo na protektor din mismo ng Anomaly...

nai-stress ako sa pag-iisip kung paano nga ba lalabanan ang kadiliman..
yung pagwasak pa lang nila sa ekonomiya ng bayan na 'to eh sobrang pabigat na sa buhay ko eh... πŸ™

is feeling , paano ba talaga natin mawawakasan ang kasamaan...??


>
yung mga kandidato na hindi na rin magandang ehemplo ngayon pagdating sa pagsusuot ng face mask in public..
at pati pagdating sa physical distancing... πŸ™

is feeling , wala akong pakialam kung may mga madidisgrasya dahil sa kapabayaan nila.. siyempre mabuti iyon kung supporters ng mga kriminal ang mawawala.. pero ang inaalala ko ay ang mga bagong variant na posibleng malikha ng mga pabayang tao na 'to.. ano, 5 inches na ang kakaltasin sa size ng COVID dick...??

---o0o---


February 10, 2022...

sa ngayon may 2 kampo na pinapalabas na pakikipag-away ang paglaban sa katiwalian... πŸ™

yung kampo ng magnanakaw, siyempre walang plano para labanan ang korupsyon..
bakit naman nila lalabanan ang Anomaly na pinag-abogaduhan nung santo nila...

yung kampo naman nung performer, eh may adhikain daw na labanan ang katiwalian..
but then, nakakapagtaka lang parati ang statement nila na ang binabatikos ay ang humahadlang sa katiwalian..
kaya nga lumalabas na support-splitter ang kanilang purpose...

is feeling , mga tinamaan kayo...


>
tapos na..
ibinasura na ng tutang COMELEC ang disqualification case laban sa tax evader.. πŸ™
basurang COMELEC..
gusto talaga nilang ipahamak ang buong isinumpang bayan sa pamamagitan ng pagkampi sa public servant na tax evader...

put*ng inang sistema 'to..?
public servant ang pinag-uusapan..
pero pasado sa qualifications nila ang tax evader na magnanakaw pa ang angkan..
pinapatunayan lang nila na pro-corruption sila...

is feeling , mga demonyo kayo.. kamatayan para sa lahat ng kakampi ng mga kriminal...


>
put*ng ina mo, COVID-19..
t*ng ina mo kang Imperial virus ka..
wala kang silbi..
sa dami mong pinagpapatay na mga makabuluhang health workers dahil sa mainit na pag-welcome sa'yo sa isinumpang bayan na 'to..
ni isang kriminal sa kapangyarihan, wala kang pinatay... πŸ™

is feeling , mga demonyo ang naghahari sa basurang mundo na 'to...


>
late last year..
sa kung saan-saang lugar..
Naga City, BiΓ±an sa Laguna, DasmariΓ±as sa Cavite, at Tayabas sa Quezon...

yung kaso ng nawawalang negosyante at pinatay na ahente niya..
bumibili daw ng motorsiklo eh..
kung saan suspek ang 5 pulis ng PNP-HPG daw, at 4 na iba pa..
may mga natagpuan na gamit nung mga biktima sa impounding area nung mga HPG sa Calamba..
sa Tayabas, Quezon naman natagpuan yung bangkay nung ahente...

is feeling , kriminal ang mga boss nila, kaya naman gumagawa na rin sila ng mga sarili nilang krimen...

---o0o---


February 11, 2022...

yung muling pagsuway ng Cebu sa health protocol ng bayan..
handa silang tumanggap ng mga unvaccinated na foreign tourist sa ngalan ng turismo...

hindi ako sigurado..
pero parang wala namang bansa na papayag na makakalabas sa teritoryo nila ang mga hindi bakunado..
pero malay din natin...

is ⚠ feeling , ang tamang timpla para sa Omega variant...


>
mabuhay ang katiwalian..
dahil dyan, hindi na required ang pagbabayad ng mga buwis para sa isinumpang bayan na 'to...

value added tax..
excise tax..
documentary stamp tax..
income tax..
at kung anu-ano pang uri ng buwis...

hindi mali ang hindi pagbabayad ng buwis..
hindi kasalanan ang hindi pagpa-file ng income tax, kahit pa gaanong kadaming taon..
moral ang hindi pagbabayad ng buwis..
kahit pa para sa mga public servant...

is feeling , ito yung pinagmamalaki nila na kesyo sundin lang ang sistema.. dahil habambuhay na mananaig ang katiwalian...


>
Php 15.00 na minimum na pamasahe sa jeep...?

ano bang pinagsasasabi ng mga transport group na 'yan..
libre na ang tax..
huwag na lang kayong magbayad..
hindi naman masama 'yon...

is feeling , may bonus pa na pwedeng maging public servant...


>
yung voice talent na pinagbabantaan ngayon ng mga supporters ng isang kulto..
gayong nag-share lang naman siya ng totoong balita...

is feeling , so clearly, tao lang ang sinasamba nila...


>
mag-ingat tayo sa tiwaling komisyon..
baka may resulta na ang pilian para sa kanila..
at nakahanda na lang ilabas pagkatapos ng proseso...

is feeling , sistema ng korupsiyon...

---o0o---


February 12, 2022...

[Natural Calamities]

sa ibaba..
nasa Magnitude 5.1 na lindol..
sa may area ng Sarangani...

is feeling , kunin ninyo ang hustisya sa sarili ninyong environmental na paraan...


>
ang pagyurak ng mga magnanakaw laban sa uring manggagawa...

huwag ninyong panonoorin yung video para hindi sila kumita ng pera mula doon...

is feeling , kamatayan para sa lahat ng mga tiwali...


No comments:

Post a Comment