Saturday, March 5, 2022

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Few Days of March 2022 (The Mole)

Loveless Story


February 28, 2022...

may bago akong acknowledgement na natanggap kaugnay ng mga reklamo ko..
kanina lang umaga..
may authority yung kausap ko ngayon..
in fact, may rank pa...

kailangan kong mag-ingat..
bakit may gusto pa silang itanong sa akin..?
samantalang ibinigay ko na nga lahat ng alam kong information na mula sa internet..
meaning, madali na lang makita online...

is feeling , gusto kong mawala sa mundo na 'to ang demonyong Tabachoy...

---o0o---


March 1, 2022...

bad news..
may na-raid..
that only proves na under surveillance na talaga yung board..
na hindi na rin naman nakakapagtaka since matagal na nga silang na-link sa mga ganung klase ng kaso...

kaya pala sila tahimik lately...

hindi lang nakakatuwa na nangyayari ito ngayon..
kung kailan nag-iipon pa ulit ako para sa Dream Date ko..
sobrang lapit lang sa kanila nung latest na pagsalakay..
hindi pwede..
hindi sila pwedeng mawala..
nasa kanila ang pag-asa ko..
i can't lose her, kung sino man yung totoong magiging compatible sa akin...

is feeling , mga wala kayong kuwenta gaya ng FATE.. yung sindikato na sumira sa akin, ang tagal ninyong hindi ginagalaw.. kaya bakit ang board lang ang sinasalakay ninyo...??

---o0o---


March 2, 2022...

pinag-aaralan na nila yung mga links..
daw...

pero ano na naman ang nangyayari..?
lahat ng mga nakalaban ko noon..
mga nagturing sa akin bilang kalaban..
biglang nagsulputan sila doon sa board..
nito lang February nagsimula yung mga kilos nila..
t*ng ina..
huwag lang nilang sisirain ang mga plano ko...

kailangan kong mag-ingat..
hindi ako dapat naglalabas ng mga totoong data..
mga pekeng data lang dapat ang ginagamit ko in public...

is feeling , ano na namang binabalak mo FATE laban sa akin...??

---o0o---


March 3, 2022...

naiinis ako..
sapat naman sana lahat ng meron ako sa ngayon para masubukan ko yung Dream Date sa 5th try..
pero wala sa akin yung iba kong pera..
at Php 19,000 pa hanggang sa ngayon ang nasa kamay nung masamang p*ta na 'yon...

hindi ako dapat nagtiwala..
nakikita ko naman yung totoo, kaya hindi talaga ako dapat nagtiwala..
heto tuloy..
ako pa yung lumalabas na masama sa paniningil ng sarali kong pera... 🙁

sobra akong napu-frustrate..
ang lapit ko na..
pero sumablay pa rin talaga ako..
gustung-gusto ko nang ma-meet si Arianny Celeste..
sa panahon ng mga raid..
sa panahon ng bioweapon..
sa panahon ng COVID dick..
sa panahon ng mga giyera..
sa panahon nang lalong pagkawasak ng ekonomiya..
pero hindi ko na alam kung paano pa ako aabot... 🙁

is feeling , 28 days left...

---o0o---


March 4, 2022...

a year ago..
winasak ng demonyong Tabachoy ang Dream Date na pinaghirapan kong buuin..
wala akong ginawang mali..
maliban sa ang direktang i-contact yung babae, dahil hinaharangan na pala noon ng demonyong Tabachoy yung communication sa pagitan namin..
pero ganun ba kasama yung ginawa ko..?
pinili kong hindi gamitin yung paraan na iyon, hanggang sa ginipit na nila ako... 🙁

pero bakit namamayagpag pa rin sa buhay nila yung mga kasamahan nung demonyong Tabachoy..?
ganun ba talaga kalakas at kayaman ang pinaka-boss sa likod nila..
gusto kong mawasak silang lahat..
pero bakit parang gustung-gusto talaga ng mga divine entity ang mga masasamang nilalang sa mundo na 'to..?
kasi kung totoong patas ang buhay, edi sana negative Karma na lang ang kinakain araw-araw ng mga masasamang nilalang..
at dapat nga eh patay na sila kung tutuusin...

ang hirap makipaglaban sa pesteng buhay na 'to..
ang hirap maghabol..
itong katawan ko, hinding-hindi tumitigil sa pagiging abnormal..
paulit-ulit siyang bumabalik sa pagkakaroon ng mga depekto..
darating at darating ang panahon na magiging nakakarumi na naman ako sa paningin ng ibang mga tao...

is feeling , put*ng ina kayo.. natapos ko na dapat lahat.. pero niloko nyo lang ako.. gusto kong mamatay na kayong lahat, pero saka na yung p*ta kapag naibalik na niya lahat ng pera ko...


>
t*ng ina..
mukhang may mole nga yung sindikato sa loob ng pamunuan...? 🙁

after nung inquiry sa akin ng may authority..
there was a night na down yung link for human trafficking..
tapos the following day, eh wala na ulit yung details tungkol doon sa mga handler...

is feeling , t*ng inang sabwatan 'yan.. gaano ba kalakas ang mga kalaban kong demonyo...??

-----o0o-----


February 28, 2022...

[Trade]

sumugal na naman..
since bagsak ang market dahil sa mga basurang mananakop...

USD 47 para sa MANA..
ang target ay minimum na USD 2.90 per MANA na palitan..
binitawan ko na yung PEOPLE..
grabe, defunct na pala 'yon pero nasa market pa rin...

tapos..
yung USD 57 pala na savings sa Binance..
kayang mag-produce ng daily na interest na PHP 0.50..
pero pinakawalan ko na rin kaagad yun..
Php 50,000 pa yung target ko..
kailangan kong sumugal lang nang sumugal...

is feeling , kailangan ko ng reversal of FATE...


>
[Scam]

t*ng ina..
scam na naman yung Surf Alert ng Globe.. 🙁
yung announcement nila na gagawin na nilang automatic para sa lahat ng subscribers yung ganung service...

2 phone na dito sa bahay ang nananakawan nila ng tig-Php 5.00 na load..
nagbababala sila na kesyo kumu-connect daw yung device sa data service nila..
paanong ko-connect sa internet..?
eh nakapatay naman palagi yung mobile data..
ni wala ngang app na priority na mag-connect sa internet eh..
at sa Wi-Fi lang ikino-connect ang lahat...

mga t*ng inang magnanakaw..
nagbabawi yata sila ng kita mula sa mga inosente eh... 🙁

is feeling , dapat talaga lagyan na ng lock yang mga mobile data controls.. nakikialam na ang mga telco eh...


>
[Trade]

mga fan token naman yung umakyat nang husto ngayong araw..
sayang na naman..
doon sa 60% increase eh sana napaakyat ko na sa USD 700 plus yung value nung naka-stuck kong XRP..
iyon ay kung inalis ko 'yon mula sa XRP sa value niya na USD 400 plus lang...

kung umatras lang din sana ako mula sa XRP noong nasa USD 570 na yung na-recover na value ng assets ko..
edi sana nasa USD 900 plus na ako ngayon...

is feeling , ano ba talagang mali sa akin..? nagagawa naman nung mga cryptocurrency kung saan hindi ako nakapusta.. pero bakit hinding-hindi magawa nung mga assets na meron ako...??

---o0o---


March 4, 2022...

[Manga]

One Punch Man

mukhang gumaganda na yung istorya..
nakikialam na ang mga diyos..
may mga characters na na mukhang kayang makipagsabayan kay Saitama..
at mukhang lumalapit na rin si Garou sa one hit finishing level ni Saitama...

is feeling , pero the best pa rin si King.. untouchable...


No comments:

Post a Comment