noong sinabi ninyo sa kanila na lumaban sila kapag nalagay sa alanganin ang mga buhay nila..
parang sinabi niyo na rin na okay lang na pumatay sila ng mga inosente, basta ba mapapalabas nila na guilty o masasama yung mga taong yun...
at sa panahon nga ngayon eh mas nagagamit na nila yung mga teknik nila ng pagtatanim ng mga ebidensya laban sa mga kawawang mga biktima...
---o0o---
update ulit (40 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
- yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
- yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
- yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
- yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
- yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
- yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
- yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
- yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
- yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
- yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
- yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
- yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
- yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
- yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera
- yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao
- yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
- yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
- sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
- yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
- yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
- yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
- yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
- yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
- yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
- ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
- yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
- yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
- yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
- yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
- yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
- yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
- yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
- yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system ng bansa:
- sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
- yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
- yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
- isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
- yung Oplan Cyber Tokhang
---o0o---
January 17, 2017...
medyo bayolente yung pag-atake sa ilang porn sites, or should i say sa mga viewers nun..
considering na child pornography lang yung concern...
considering na child pornography lang yung concern...
medyo mahirap rin i-weigh yung kaso in general..
free porn streaming sites kasi yung mga yun, although yung iba eh ina-allow na rin ng ibang adult entertainers, basically kabilang pa rin yun sa FREE porn na unti-unting pumapatay doon sa totoong industry...
free porn streaming sites kasi yung mga yun, although yung iba eh ina-allow na rin ng ibang adult entertainers, basically kabilang pa rin yun sa FREE porn na unti-unting pumapatay doon sa totoong industry...
pero regarding child pornography..
dapat idinaan na lang nila sa pagre-report at pagpapa-delete nung content..
at considering na isa ang Pilipinas sa may underground market for child pornography, eh yun ang mas dapat nilang tutukan - yung pagpatay sa linya ng production (kagaya ng nararapat sa illegal drugs)...
dapat idinaan na lang nila sa pagre-report at pagpapa-delete nung content..
at considering na isa ang Pilipinas sa may underground market for child pornography, eh yun ang mas dapat nilang tutukan - yung pagpatay sa linya ng production (kagaya ng nararapat sa illegal drugs)...
ang lesson for such sites..?
huwag ipapaalam ang statistics ng mga Filipino... XD
was feeling , Martial Law-ing...
>
panibagong ililista na kaso..
yung sa Caloocan City..
yung 17 y/o na nadamay sa buy-bust operation..
nakatakas daw yung main target..
nadaanan at nakita yung binatilyo na may armas DAW, kaya pinatay na...
according naman sa ina nung napatay na suspek..
inosente daw yung anak niya..
pinaghiwalay muna daw sila, bago niya narinig na pinutukan na nga yung menor de edad..
tapos yung mga pumatay pa daw sa anak niya yung nag-imbestiga at nagtatawanan pa habang ginagawa yun...
mas gusto ko pa yung mga usapin tungkol sa gobyerno..
dahil maaapektuhan nun ang magiging value o purchasing power ng iniipon kong pera in the future..
yung bulok na sistema ng gobyerno eh mapapalitan o mababago pa..
pero yung bulok na biologicals, pang-habambuhay na yun... :(
was feeling , kung nakahawak ang tao sa baril niya at sa trigger, mataas ba talaga yung tsansa na mamamatay siya na hindi na hawak yung baril na yun...?
---o0o---
January 18, 2017...
may update na pala yung kaso ng isang pinatay ng mga pulis na naka-posas na..
ito yung kaso nung rider na may kinalaman daw sa road rage..
yung ginulpi ng mga pulis at may mga pera pa daw na nawala...
kagabi ko lang nalaman na nag-suicide na yung isang suspek na pulis (most probably dahil guilty sa kasamaan nila)..
at may warrant na nga para dun sa natitirang buhay..
kaso hindi pa rin siya nadadakip ng mga kabaro niya...
isa yung concrete sample ng extrajudicial killing..
ang sabi ni Acosta patunay daw yun na gumagawa ng efforts ang gobyerno patungkol sa extrajudicial killings..
pero ang hindi niya na-consider ay sinuwerte lang yung biktima dahil nakunan ng pictures yung mga ebidensya na makapagsasabi na naposasan na siya bago siya itinumba..
at masuwerte rin yung biktima dahil malapitang gunshot wounds yung i-d-in-eliver sa kanya nung mga tiwaling pulis kaya napatunayan na itinumba siya...
was feeling , eh paano yung mga biktima na hindi nakunan ng pictures o videos at hindi dumaan sa posas...?
>
tang ina mong Boksingero ka!
ija-justify mo pa yung plano ninyo gamit si Jesus..
tapos sasabihin mo na religious ka..?
eh tiwali at mali nga yung naging pagpaparusa sa isang yun eh..
tapos yun pa ang gagawin mong halimbawa...
para mo na ring sinabi na puros mga inosente nga ang balak ninyong pagbibitayin..
wala ka talagang utak...
was feeling , isauli mo yang posisyon mo sa sambayanan.. sinasayang mo lang eh...
---o0o---
January 19, 2017...
panibagong kaso na naman ng pagmamalabis sa kapangyarihan..
este luma na pala...
halos klaro na na kidnap for ransom nga yung ginawa dun sa nawawalang Korean..
ang hindi pa sure ay kung totoong Tokhang for ransom yung ginamit na strategy, kung saan tatakutin yung tao o yung pamilya niya na palalabasin na drug-related siya..
Php 500,000 na yata na ransom money yung nakuha sa pamilya nung biktima, kaso mukhang itinumba na yung Korean...
was feeling , yung mga taga-dito sa amin pwedeng kidnap-in...
---o0o---
January 20, 2017...
humihina ang Piso kumpara sa Dolyar..
nagre-regulate ng export ang OPEC..
tapos naghahanap pa rin ng mga mapagkukunan ng buwis ang gobyerno, pero yung mahihirap rin lang naman ang mas matatamaan...
saan ba nila dadalhin ang pera..?
ang akala yata nila eh ang considered lang na hirap sa buhay ay yung mga nililimusan nila eh...
was feeling , sirain niyo pa nang sirain...
>
kawawa naman si Bato..
mukha naman siyang mabait (though medyo nagtataka ako sa kanya dahil sa sinapit ni Mayor Espinosa at nung pulis na Marcos)...
hindi kasi inunang linisin ang kanilang hanay eh..
ayan tuloy...
pero mali yung interpretasyon na may mga tiwaling pulis dahil lang sa hindi nila inirerespeto ang Chief nila..
matagal nang may katiwalian sa kapulisan (at kasundaluhan), hindi lang sa panahon ni Bato..
wala yung kinalaman sa respeto, talagang mga tiwali lang yung iba sa kanila...
nakakahiya tuloy sa mga foreigner...
was feeling , kumusta ang mga palabas sa cable channel mga Miss...?
>
anak ng!!?
bakit may commercial sa Batangas yung anak ng diyos-diyosan..?
yung sa Rexidol Forte..
at bakit panay ang banggit sa mga taga-Batangas...?
balak pa yatang lumipat dine sa susunod... :(
was feeling , diyan na lang kayo sa safest city ninyo...
---o0o---
January 21, 2017...
kapag natuloy yung kalokohan ng mga mambabatas na patawan pa ng mas malalaking buwis ang basic commodities kapalit ng income tax - eh lokohan na..
kawawa na naman yung mga walang regular na income..
kawawa na naman ako at ang mga kliyente ko...
andaming luho sa buhay ng mga tao na pwedeng buwisan pero ayaw ang mga yun ang target-in...
eh kung sila-sila kaya ang huwag nang pasuwelduhin..?
tapos malaking porsyento eh mapupunta lang sa War Against Drugs na hindi naman tama ang sistema..
sayang lang ang buwis...
was feeling , Change is Coming - sa papahirap...
>
panibagong kaso na naman..
yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City...
was feeling , baril at ugali talaga yung problema eh...
No comments:
Post a Comment