Friday, January 27, 2017

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of January 2017 (Fund Raising Project)

ngayon na lang ulit nakapag-update dahil sa giyera laban sa mga utang...

at heto nga, balik ako sa dating format..
yung paiba-iba ng font depende sa kina-copy...

---o0o---


January 16, 2017...

[Emo]

nakaka-inggit talaga yung ibang tao..
kahit yung ibang hindi naman mayayaman..
masusuwerte sila dahil may mga kamag-anak at/o mga kakilala sila na kung makapagbigay ng mga gadget eh parang namimigay lang ng candy...
kung ako yun..?
hindi ko aaksayahin yung panahon..
andami nang maga, gawa sa bagong laptop at Wi-Fi connection sa panahon ngayon para kumita ng pera...
feeling , kapag LIBRE na ang swerte mo, huwag mo nang sasayangin...

>
[TV Series]
The Greatest Love 
is-in-etup nina Peter at Mareng Lydia at nung driver ni Gloria ang biyuda para sa isang surprise date at post birthday celebration...
sa meeting naman ng magkakapatid..
as expected, eh magiging issue siyempre ang mga trabaho nila..
they'll need to help someone to survive further while fighting for their own and their families' survival..
si Paeng sana yung maraming oras dahil wala itong regular na trabaho, pero wala na silang tiwala sa black sheep..
hindi naman na lumalaban si Paeng, at hiyang-hiya na rin nga sa sarili niya..
si Lizelle naman eh hindi nga pwedeng kupkupin yung ina nila, at napapaisip na rin kung iiwanan na muli ang kanyang trabaho para lang mag-alaga..
basta nagkasundo sila na uuwi ng San Ildefonso basta't available sila, at mag-aambagan rin sa mga gastusin kahit na may business naman si Mommy Glo...
si Z naman eh tumambay muna sa labas, kasama si Y..
guilty-ng guilty siya na late na nilang nalaman ang tungkol sa sakit ng Mommy La niya..
puros ito na lang daw kasi ang nagsasakripisyo para sa kanila, and yet parang hindi sila deserving sa kabutihan ng Mommy La niya...
pagkauwi ni Amanda, wala pa si Z sa bahay nila..
alam niyang galit sa kanya si Z dahil sa inabutan nung bata na sinabi nito sa lola niya..
aside from that, isyu na naman sa kanya yung pride niya bilang panganay..
ayaw niyang maramdaman ni Lizelle na wala siyang maiaambag na pera para sa kanilang ina..
so balik sa trabaho ang topic..
ipinaalala naman ni Chad na ang mas kailangan ngayon ni Mommy Glo ay ang presence nila..
walang kuwenta yung argument ni Amanda na kesyo anong silbi ng presence niya kung wala siyang maibibigay na pera - kasi malaki nga ang kita ng Junk Shop ni Mommy Glo...
sa date naman nung 2 matanda..
nagpahanda pa talaga ng Bulanglang na may bulaklak ng kalabasa si Peter doon sa French Restaurant yata yun na kinainan nila..
yun na daw ang pinakamasayang birthday ni Gloria, dahil nagkaka-ayos na ang mga anak niya at nakasama pa niya si Peter..
wala pang definite na plano, pero sinabi ng biyuda na magiging ayos rin ang lahat para naman sa kanilang 2...
si Paeng naman eh delikado na ulit ma-evict sa inuupahan niyang bahay, 3 buwan na siyang hindi nakakabayad..
napapagod na rin siya sa ganung klase ng buhay niya...
si Lizelle naman ay lumabas kasama ni Sandro..
hanggang ngayon ay saling-pusa pa rin sa pamilya ang pakiramdam niya..
ni hindi niya ma-maximize yung panibago niyang estado sa buhay para maalagaan ang kanyang ina puwerket anak siya sa labas...
after ng date, inihatid na ni Peter si Gloria sa bahay nito..
wala o tulog na yata si Ate Melba..
inimbitahan ni Gloria ang lalaki na pumasok muna, at laking gulat nila nang makita si Paeng na naghihintay sa ibaba..
nagpasalamat ito kay Peter para sa paghahatid kay Mommy Glo, at kinamayan rin ang biyudo na kanyang inaaway lagi noon..
umalis na tuloy si Peter, pero tila nag-aalala para kay Gloria dahil sa pagbabalik ng magnanakaw na anak..
itinanong naman ni Paeng sa kanyang ina kung matatanggap pa ba ulit siya nito sa kanilang pamamahay...

was feeling , trabaho o pag-aalaga...?

---o0o---


January 17, 2017...

today is the day..
let's see kung maaalala niya...

was feeling , we'll see...

>
[Emo]

mas humirap pa nga ang sitwasyon...

mas mahirap na ngayong kumilos para gawin ang mga personal na gawain..
mas maselan kasi yung pagbubuntis ngayon nung isa..
present nga siya, pero halos walang kakayahan para mag-alaga..
kailangang asikasuhin yung mga cravings niya..
habang kailangan ring tutukan parati yung mahigit na 3 y/o na na bata, dahil hindi rin kaya nun na pangalagaan ang sarili niya...

tapos nakasangla yung ATM sa pautangan..
mga May pa daw yun maibabalik...

andami pang utang sa akin..
habang yung paboritong anak eh pasok pa rin nang pasok at tuluy-tuloy lang ang gastos kahit sembreak na..
ayun at kumuha pa daw ng panibagong bahay, na may panibagong deposit..?
at nagpaparamdam pa na gusto ng naka-postpaid plan na smartphone..
yung laptop eh 2 beses nang hindi nadadala dito sa bahay sa pag-uwi niya, nanghiram pa nga ng ibang laptop noong isang beses, so posibleng nawawala na yun o nasira na rin kaagad...

at kanina lang..
nakapagsira na ulit ako ng Tupperware..
ang dami na ngang bills na walang naka-budget na pambayad..
tapos gusto pang mag-long distance call sa inuutangan niyang bangko..?
ang sabi noong isang araw eh mas tinapyas pa yung budget para bayaran yung bangko na yun..
tapos yun pala ay napunta na naman doon sa paboritong anak yung pera, nang hindi man lamang inaalam kung totoo nga ba yung mga sinasabi nun na mga bayarin..
kaya hina-hunting na tuloy siya nung bangko...

was feeling , ang simple nang punto ko - huwag magsayang ng pera, putang ina!

>
[Emo]

bobo at mapagpanggap...

ang laking bangungot na noon nung nangyari sa [Name of Bank]..
tuwang-tuwa pa siya noon at proud na proud sa sarili niya dahil GOOD daw yung standing niya bilang mangungutang dahil palaging minimum amount due lang yung binabayaran niya..
hindi niya alam na uto-uto ang totoong ibig sabihin nun, dahil basically eh napagkakakitaan siya nung bangko...

matagal din bago napatay yung utang na yun..
at mas maraming pera ang nasayang..
tapos heto na naman...

base sa terms ng payment niya..
mahigit Php 8,000 yung nawawalang pera buwan-buwan..
so kung hanggang May yun, lalabas na nasa Php 30,000 to 40,000 yung inutang niya para ipambayad sa iba pang mga utang..
at wala kaming alam kung saan talaga napunta yung putang inang utang na yun..
ito ay yung utang pa lang sa sanglaan ng ATM, bukod pa yung iba...

pero ang mahirap sa kanya..
nagsisinungaling pa kasi siya sa kanyang mga anak..
kunwari kaya niyang habambuhay na palamunin yung asawa niya..
kunwari kaya niyang patapusin sa mamahaling kurso yung paborito niyang anak..
sasabihin na nasa Php 3,000 lang naman yung utang niya sa bangko..
pero ang totoo ay nasa Php 6,000 mahigit na yung dating Php 2,000 plus niya na monthly due..
lahat ng ito para lang masunod lahat ng luho sa buhay ng putang inang anak niyang iyon...

mga walang utak!
eh kung yung ginastos nila na Php 2,000 para sa fiesta eh ipinambayad nila nung utang, edi sana eh hindi siya hinahabol ngayon ng bangko..
laging magtatabi ng budget para sa bangko, pero kapag humingi yung basurang estudyante eh automatic na ipapadala yung pera...

the mere fact na ginawa nila ako at binuhay pa sa basura at unfair na mundo na ito ay patunay kung gaano siya kabobo...

was feeling , ang pinaka-tanga sa lahat...

>
[Emo]

ayun..
pinapaalis na ulit ako sa bahay..
para daw hindi ako nadadamay sa mga problema nila..
nakalimutan nga lang mag-isip, na nandito lahat ng raket ko sa ngayon...

napakadali lang magpatigil ng estudyante sa pag-aaral..
napakadali rin lang magpapili ng hindi maluhong kurso..
napakadali rin lang sabihin na magtrabaho ka kung gusto mo na mahal ang kurso mo..
pero hindi nila ginagawa, kasi nga gusto nilang isubo lang ang lahat sa demonyong yun...

ako naman eh walang mahingan ng tulong..
yung blood uncle ko sa demonic father side eh nagmagaling noong una kong layas ng bahay..
nakakahiya daw kung makikituloy ako sa hindi ko kadugo..
ay putang ina nyo ho!
eh sa walang kuwenta yung angkan ninyo eh..
senyorito na nga yung kapatid ninyo, eh palamunin pa...

sa mga biological ko eh wala ring maaasahan..
doon sa panganay eh may utang na akong medical allowance..
sa nagpanganak nga sa akin ay gusto na doon lang sa paborito niyang anak mapunta ang lahat ng pera at gadgets..
doon naman sa padalawa eh gusto munang malaman kung saan napunta yung dati kong ipon...

sa blood relatives ko naman sa mother side..
eh mabubuting tao nga ang mga yun..
kaso ay madadaldal..
at ayaw na ayaw malalaman nung ikalawang anak na may humihingi ng tulong sa mga yun..
dahil ayaw niyang magmumukha na hindi niya kayang tulungan ang sarili niyang pamilya..
at kaya niyang manira ng mga gamit dahil lang dun...

>
[Emo]

madalas pinaka-maganda pa ring labasan ng sama ng loob ang Facebook..
maliban lang sa tae...

hindi kasi siya aangal..
hindi ka niya susubukang itama..
hindi siya magmamarunong sa buhay..
hindi niya sasabihin na "kaya mo yan"..
hindi niya sasabihin na "pagsubok lang yan ng mga diyos"..
hindi niya sasabihin na "nasa isip mo lang naman na malas ka"..
hindi niya sasabihin na "magtiwala ka lang sa mga diyos"...

kahit papaano nawawala yung panginginig ng laman ko..
at hindi ko na kailangan pang magsira ng mas marami pang mga gamit...

was feeling , mas matalino pa ang Facebook kesa sa mga basurang 'to...

>
[TV Series]

The Greatest Love 

nalaman ni Lizelle sa tatay niya na andun na ulit si Paeng sa San Ildefonso..
naalarma siya kaya sinabihan niya si Andrei..
naalarma rin si Andrei, at saktong araw na ng uwi niya doon...

si Amanda naman ay naikuwento kina Alvin at Greta yung tungkol sa Alzheimer's ni Mommy Glo..
later, sa meeting nina Lizelle at Greta, nasabi nga ni Greta na may ganun yung dati nilang kapitbahay..
dapat daw bantay-sarado nila yung pasyente at ang mga gamit nito, or else ay posible daw nitong maipamigay yung mga gamit na may value dahil wala na daw 'tong halaga para sa kanila...

inabutan ni Andrei na tinuturuang mag-Tongits ni Paeng ang kanilang ina..
para lang daw ma-exercise yung utak nito..
pero minasama pa rin yun ni Andrei..
subukan lang daw ni Paeng na gumawa pa ulit ng kalokohan at ipapakulong na niya ito...

habang nag-aayos si Andrei ng kuwarto niya..
muli nga silang nagkausap ni Lizelle sa phone..
hanggang sa dumating si Mommy Glo..
napansin niya na sobrang sentimental talaga ng kanilang ina dahil sa mga itinatago nito na mga lumang gamit nila..
pero ano daw sense nun kung makakalimutan rin nito ang lahat ng yun..
nag-MMK din sila tungkol sa kabataan at pagka-bakla ni Andrei..
umasa pa pala si Mommy Glo na magbabago pa ang kanyang anak kaya niya ito nireretohan ng mga babae noon..
pero natanggap niya na rin nga ito nang tuluyan nang maipakilala na nito si Ken, dahil mabuting tao naman daw si Ken...

inabutan ni Mareng Lydia si Paeng sa ibaba ng bahay..
problemado ito dahil gusto nitong muli ng pagkakataon para magbago para kay Mommy Glo..
pero tuluyan nang nawalan na ng tiwala sa kanya ang kanyang mga kapatid...

balik sa loob ng bahay..
naggagawa sina Mommy Glo at Andrei ng mga recycled na pang-dekorasyon..
napansin ni Andrei na nanginginig na nga madalas ang mga kamay ng kanyang ina..
sinubukan niyang buksan yung topic tungkol kay Peter..
hindi rin nga daw lubos maisip ni Mommy Glo na andun pa rin si Peter para sa kanya, sa kabila ng lahat ng kasalanan niya dito..
mabuti daw talaga ang puso nung biyudo..
natanong rin ni Andrei yung tungkol sa posibleng kasal..
at muling inatake si Mommy Glo ng kanyang sakit..
hindi inakala ni Andrei na yung dating kasal dapat ng kanyang ina at ni Peter yung binabanggit ng kanyang ina..
magpapakasal daw sila kapag nakaipon na si Peter sa Saudi..
pero hindi na matutuloy yung kasal..
sumabat pa si Andrei na hindi na yun matutuloy dahil nakilala ni Mommy Glo ang kanilang Papa..
kasalanan daw lahat ni Andres, ang sabi ni Mommy Glo..
naguluhan na si Andrei sa pahayag ng kanyang ina, wala siyang malay na bumabalik noon sa isip ng kanyang ina yung ginawang pangre-rape dito ng inaakala nilang mabuti nilang ama na si Andres...

>
[Emo]

dear god(s)..
tanggap ko na na hindi na ako tutulungan ng mga biologicals ko sa mas madali ko sanang pag-abot sa hinahabol kong career..
kaya hihilingin ko na lang na patayin niyo na yung paboritong anak na yun..
bigyan nyo man lang ako ng katahimikan sa pag-iipon ko...

was feeling , awa na please...

---o0o---


January 18, 2017...

[Emo]

hours bago ako nagalit kahapon..
ano ang ginagawa mo..?
binabantayan ko yung Autistic na bata..
nanonood kami ng movie sa DVD..
at pinapakain ko pa siya ng paborito niyang pandesal..
naka-4 pa nga siya eh...

at ayun ang hindi ko in-expect..
demonyo na ngayon ang tingin sa akin nung buntis at ng asawa niya..
puwerket ako yung nagmura at ako yung nagsira ng Tupperware..
malamang hindi na naman ako makakahiram ng laptop...

gusto nila na sila ang nasusunod..
pakiramdam nila na dapat kontrolado nila yung bahay dahil sa tulong na ibinibigay nila..
nai-stress daw sa akin yung buntis at yung baby niya..
nato-trauma daw sa akin yung Autistic na bata..
ay mga putang ina ninyo!
pinagyayabang niyo yang pera ninyo pero hindi kayo makakuha ng yaya ng anak ninyo..
husto kayo sa luho at pag-travel pero iniaasa niyo sa amin yung pag-aalaga sa anak ninyo..
tapos maninisi kayo kung bakit nae-expose sa kasamaan yung bata..?
mga putang ina kayo!
kayo rin ang nag-uudyok sa mga demonyong yun na huwag magtipid..
pagdating sa basic needs, at sa gastusin sa school..
oo lang kayo nang oo pero hindi ninyo alam ang totoong sitwasyon nung matandang babae..
palibhasa hindi kayo ang nabili ng bigas ninyo..
palibhasa hindi kayo ang nabili ng gasul ninyo..
akala ba ninyo nakakatulong yung mga cake, merienda, at kung anu-ano pang luho..?
mga tanga kayo!
hindi kailangan ng mahihirap ng merienda at ng masasarap na pagkain..
ang kailangan ng mahihirap ay maging praktikal sa buhay...

hindi ninyo alam yung totoong nangyari pero sinisisi niyo ako..
mga tang ina kayo!
pinipigilan ko yung bobong matanda na gumawa pa ng mas maraming utang para na rin sa kapakanan niya..
pinipigilan ko siyang sayangin yung inipong barya nung panganay niya, dahil ibabayad niya yun kahit kulang sa minimum amount due..
pero ayaw niyang makinig dahil ang gusto niya eh ipadala lang lahat ng pera dun sa paborito niyang anak...

was feeling , magsama-sama na kayo sa impiyerno!

>
[Emo]

ano nga ba ang purpose ko sa buhay...?

demonyo na nagkatawang tao yung biological father ko..
nag-asawa lang siya para may magpalamon sa kanya..
at kumantot lang for the sake of sex - yun lang...

imbecile naman yung biological mother ko..
yung tipo ng tao na hindi naiintindihan kung bakit hindi mabuti na matalsikan ng tubig na pinagbababaran ng pustiso yung mga nalinis na na kitchen utensils..
ang paraan niya ng pamumuhay..?
gumastos lang at mangutang, at bayaran yung utang gamit ang panibagong utang, hanggang sa maging bayolenteng cycle na nga yun...

galit ako sa mga diyos dahil ini-assign na nga nila ako sa mahihirap lang na mga magulang..
tapos mga walang puso at wala pang pang-unawa...

ako naman eh isang hamak lang na nilalang na walang interes sa buhay..
sinusubukan kong ma-appreciate kung ano ako..
pero parati akong dinidemonyo..
ultimo sarili kong katawan eh tinadtad ng mga kamalasan..
yung cyst ko na nagkakaroon na ng blood formation lately..
yung naging infection ko noon sa may itlog bago pa man ako naging aktibo sa sex..
at maging yung abnormalidad sa tutut ko na matagal na ring nasa akin bago pa ako natutong makipag-sex..
lahat ng yun eh bahagi ng parusa ko..
bahagi ng pagsubok ko...

siguro yun lang talaga yung purpose ng buhay ko..
ang pumili..
papatayin ko ba ang sarili ko para tapos na ang lahat ng lungkot at poot..?
yung mga demonyo ba sa paligid ko ang papatayin ko, kapalit ng katahimikan at pagkakakulong..?
o titiisin ko na lang ba ang lahat ng kaparusahan ko hanggang sa pinaka-huling araw ng buhay ko...?

was feeling , hindi pa rin ba kayo masaya mga diyos...?

>
ayun..
napilitan akong gumawa ng sarili kong hakbang...

was feeling , naghahanap ng mga anghel...

>
[TV Series]

The Greatest Love 

pinakalma ni Mareng Lydia si Mommy Glo..
pawala-wala pa ito sa kanyang sarili..
naalala niya yung listahan ng mga kailangan niyang gawin bago magpakasal kay Peter..
parang 5 yung nasa list..
okay na yung pagpapakilala kay Lizelle sa totoong Tatay nito..
okay na rin yung paghahanap ng mapapangasawa ni Andrei, pasado na si Ken kahit na lalaki rin ito..
at doon na daw siya magsisimula sa pagtulong kay Paeng na tuluyang magbago...

tapos hiwalay na pinaliwanagan nina Peter at Mareng Lydia sina Lizelle at Andrei..
pare-parehas lang daw silang naghahabol para sa mga nalalabing oras ni Gloria..
ang ikinakatakot lang naman daw nito ay yung makalimutan ang mga anak niya..
ipinaliwanag nila yung current na kondisyon ni Gloria, at yung mga magiging pagbabago pa sa kanya..
hindi na sinabi ni Mareng Lydia kay Andrei kung bakit sinisisi ni Mommy Glo ang kanilang ama na si Andres..
sinabi na lang nito na pagsubok lang yun sa pagitan ng mag-asawa..
ang gusto lang naman daw talaga ni Mommy Glo ay ang makasama sina Amanda at Paeng na napalayo na dito ang loob..
kaya sana daw ay matuto ang mga ito na mapatawad pa si Paeng, at bigyan pa ulit ito ng chance para magbago...

naaprubahan na ang application ni Chad para dun sa canteen sa school nila..
tutulong rin daw siya para sa mga gastusin ni Mommy Glo..
pero pride pa rin ang umiiral kay Amanda...

si Andrei naman ay binisita ni Ken sa San Ildefonso..
kaya nagpaalam si Andrei na mas mapapadalas na siya doon para sa ina niya..
naintindihan naman ni Ken, at nagbiruan pa yung 2 na basta ba huwag silang magloloko habang magkahiwalay sila...

saktong dating naman ni Lizelle pagkaalis ni Ken..
kinumusta nito si Paeng, at nag-e-effort nga daw na alagaan naman ang kanilang ina..
si Paeng naman eh nanliliit na sa kanyang sarili dahil sa pagbabantay sa kanya, kaya minabuti niya na umalis na muna ulit..
pero hindi siya pinayagan ni Mommy Glo, at naging mapamilit pa nga yung matanda..
natakot ang mga bata..
kumalma ang lahat, at kinausap ni Andrei si Paeng..
siyempre hindi na nga nila maiwasan na bantayan yung kapatid nila dahil sa bad records nito..
pero binibigyan pa daw nila ito ng pagkakataon na magbago..
sa ngayon ay iisang-tabi na lang daw muna nila yung mga alitan nila para sa ikabubuti ng kanilang ina..
nakiusap na si Andrei dahil gusto at masaya nga daw si Mommy Glo na makapiling rin si Paeng..
sumang-ayon na rin nga yung black sheep..
at saktong dating rin nina Amanda at Z na inihatid ni Chad para masamahan rin si Mommy Glo...

was feeling , ang hirap magsulat kapag poot yung laman ng dibdib mo...

>
fund raising..
kailangan kong subukan kahit sa una at huling pagkakataon..
hindi ko na kailangan ng dangal..
wala na akong pakialam sa kahihiyan..
basta kailangan ko ng konting pag-asa para makatakas na sa impiyerno na 'to...

kung sa huli eh hindi pa rin yun palulusutin ng mga diyos, then so be it..
ang importante eh mapigilan ko 'tong demonyo sa loob ko..
dahil simula nang makialam at makigalit yung buntis at yung asawa niya eh hindi na mawala ang panginginig ng kamay ko...

was feeling , huwag ninyo akong sisihin kapag nadiskubre ninyo kung magkano na yung utang nung matandang yun...

---o0o---


January 19, 2017...

[Emo]

at dahil nakisawsaw kang demonyong buntis ka!
alam mo na..
abnormal din yang susunod ninyong anak...

was feeling , maghanap na kayo ng yaya.. bumili na rin kayo ng bigas at gasul...

>
Thursday na..
2 days after..
hindi na nga siya tumawag o nagparamdam..
naiintindihan ko naman..
wala siyang responsibilidad sa akin, kaya hindi niya talaga yun kailangan pang gawin..
wala rin naman akong inasahan eh...

was feeling , okay lang...

>
4 na ang nag-pledge sa fund raising ko..
i need 30 volunteers..
Php 1,000 per head..
walang interes, walang definite time ng pagbabayad...

alam ko kalabisan na yun..
sobrang dami na ng utang sa kanila ng biological parents ko..
yung iba eh sa sugalan pa napunta noon...

pero wala na talaga akong alam na malalapitan..
oo, abuso na..
pero gusto ko talagang subukan..
with 4 to 5 years na panahon nang pag-iipon, gusto ko rin namang magamit yung panahon na yun sa pag-aaral..
kesa naman naghihintay lang ako ng mga kliyente...

kung kaya ko lang nga eh..
ibebenta ko na rin ang katawan ko..
para lang madali ang pag-iipon ko..
kaso hindi pwede sa lights on ang tutut at cyst ko eh..
kahit siguro mga bakla eh tatanggihan ako kapag nakita yung mga yun...

kapag pumalpak pa ulit ako..
o tamaan ng mas malalalang kamalasan..
magiging purong tindero na lang ako habambuhay...

was feeling , 26 volunteers pa...

>
[Emo]

i was supposed to download 2 vital components kahapon..
pero dahil sa demonyong buntis na yun, wala na akong mahiraman ng laptop..
pinagmukha nila na ako yung gumawa ng masama, na ako ang nagsimula ng gulo...

hindi basta-basta nagagalit ang isang tao nang walang dahilan..
nagpaliwanag naman ako kung bakit hindi na dapat pang palakihin ang mga utang..
nakiusap ako na tumahimik na yung bunganga..
pero hindi sila natigil hangga't walang nasisira...

was feeling , ako na naman ang napahamak.. mamamatay rin kayo!

>
[Emo]

proud na proud pa talaga..
Php 100,000 loan..
Php 122,400 ang kabuuang kaltas for 2 years..
Php 22,400 na tubo, more than 20% interest yun...

at nagyaya pa ng ibang maglo-loan...

was feeling , ang talino...

>
[TV Series]

The Greatest Love

ipinaalam na nina Andrei kay Ate Melba ang totoong kondisyon ni Mommy Glo, para hindi na ito magtaka..
si Amanda naman ay concerned pa rin sa kahihiyan ng pamilya nila..
sa mga piling tao lang daw sabihin yung tungkol dun sa sakit para hindi naman sila pag-tsismisan..
naulit rin ni Andrei yung tungkol sa naging kasalanan ni Andres kay Mommy Glo, naging palaisipan ito para sa kanila, pero hindi na nila makulit ang kanilang ina tungkol dun...

si Mommy Glo naman ay on and off na ang sakit..
mabilis na siyang nagde-deteriorate..
at hindi maiwasan ng mga bata na malungkot sa kanilang nakikitang pagbabago kay Mommy Glo...

napatawag si Y kay Z para sabihin sa binatilyo ang mga na-research niya para kay Mommy La..
according sa research niya, yung mga pangyayari na matitindi ang emosyon ang pinakamatagal mawala sa alaala ng pasyente..
so mukhang yung mga alaala ng pangre-rape ni Andres yung huling mawawala..
nabanggit niya rin na nagyayayang lumabas yung ex-bestfriend niyang si Mitch..
kaya naman daw nagpapaalam siya sa future boyfriend niya..
sinabi naman ni Z na kung sakali mang mag-on na sila eh hindi niya rin naman para pagbawalan si Y na makasama ang mga kaibigan nito...

sa dinner..
nagparamdam na naman yung mga tropa ni Paeng sa text..
so mukhang yun yung magiging pagsubok niya...

may 10:00 PM na..
naging emosyonal si Amanda sa pagbabantay kay Mommy Glo..
nagpasalamat ang ina sa ginawang pagdalaw sa kanya ng kanyang panganay..
na-miss daw siya ni Amanda, lalo na't mukhang malapit na itong ikasal..
pero hindi pa naman daw sila ikakasal ni Peter..
pero paano daw kung magyaya na nga yung biyudo..?
medyo isip bata noong oras na yun si Mommy Glo, pero sumasagot siya nang sincere..
sinabi na lang niya na mabuting tao si Peter, at na hindi nito pababayaan ang mga bata...

the next day, nagsimba ang buong pamilya ni Mommy Glo..
after that eh sinundo sila ni Peter..
binati naman ni Amanda yung biyudo kahit papaano..
sa ambagan ng pera, saka na lang daw si Paeng..
pero sinabi naman ni Andrei na sapat na yung kabutihan na ipinapakita nito sa kanilang ina..
bago umalis sina Amanda at Z, humingi siya ng calling card ni Peter..
gusto daw nitong makausap ang biyudo kapag nasa Manila na sila...

araw ng date nina Peter at Gloria..
medyo excited ito dahil sa tila pagbabago na ni Amanda, pero si Gloria pa rin nga daw ang magdedesisyon..
kasama naman ni Gloria si Mareng Lydia sa bahay niya, at nag-aayos na siya..
hindi niya nakakalimutan ang tungkol sa lakad nila ni Peter..
natanong ni Mareng Lydia, mukhang okay na daw kasi sina Amanda at Paeng, kaya sasagutin na ba daw ni Gloria si Peter kapag nag-propose ito..?
at um-oo nga ang biyuda...

pero bago yun..
biglang nag-set ng meeting si Amanda kay Peter..
at hindi gaya ng una niyang sinabi na gusto niyang mas magkausap sila nang maayos, eh diretsa niya ang manliligaw ng kanilang ina..
huwag na daw itong mag-propose kay Mommy Glo, at ipaubaya na lang niya ang biyuda sa mga anak nito...

was feeling , kailangan ko ng ibang emosyon maliban sa galit...

---o0o---


January 20, 2017...

bukod sa 4 na sure na pledges..
may 3 pang indirect pledges..
tapos 2 pamilya ang hindi ko pwedeng idamay; yung may Alzheimer's at yung may nagda-dialysis..
hindi ko rin pwedeng idamay ang mga blood aunts at uncles ko, dahil automatic magtatanong ang mga yun kung bakit hindi ako sa biologicals ko humingi ng tulong..
at hindi nila maiintindihan na hindi mabubuti yung mga kasama ko sa bahay, hindi gaya ng sa mga pamilya nila...

may 4 na big time pa ako na hindi natatanong..
hirap kasi akong i-add sila since last year, dahil walang picture at iba yung pangalan nung account ko..
after ng weekend, may isa ulit akong maidadagdag doon sa Group...

at kailangan ko pang maghanap ng mumurahin na matibay naman na laptop na may Intel Core i5 at 4GB RAM...

was feeling , 26 pa rin ang kulang ko...

>
[Emo]

lagot na..
tumatawag na..
idinadaan na kaagad sa lawyer..
ganun pala sa [Name of Bank]..
isa o dalawang buwan pa lang na sablay sa pagbabayad at ipapa-block ka na kaagad...

may choices naman eh..
tumigil muna sa pag-aaral at magtrabaho..
tutal ni walang kakayahan na makakuha ng scholarship eh..
kung gusto pa ring mag-boarding house, edi pag-ipunan rin yun..
yung libo-libong worth ng devices at components every week eh pag-ipunan rin..
huwag lang ibaon nang ibaon ang lahat ng tao dito sa bahay nang dahil sa mga utang...

was feeling , Round 3 ng gulo sa utang.. yung sa matandang babae pa lang yun...

>
[TV Series]

The Greatest Love 

nga pala, pinagdasal nung mga bata na bigyan pa ng mas mahabang panahon si Mommy Glo, panahon na okay pa yung memory niya...

sa meeting nina Peter at Amanda..
naulit ni Peter na 35 years siyang naghintay para sa pagmamahalan nila ni Gloria..
pero para kay Amanda ay pakikiapid pa rin yung ginawa ng lalaki kung kaya't nabuo si Lizelle..
dahil sa panunumbat ng panganay, eh nasabi tuloy ni Peter na hindi pa rin nga totoo ang pagbabago nito, na nagpapakitang-tao lang ito dahil sa sakit ni Gloria..
siguro daw ay binalikan lang nito si Gloria dahil sa nalaman nila na may sakit na nga ito..
matagal na daw silang nagmamahalan, pero dumating si Andres, at iniwan naman sila nito kung kaya't nagkaroon ng pagkakataon para mabuo si Lizelle..
dapat daw ay matuto nang magpatawad si Amanda, at hayaan namang lumigaya ang ina nito..
pero gusto ni Amanda na sila na lang ang makasama ng kanilang ina sa mga nalalabing panahon nito..
kung magpupumilit daw si Peter ay dadaanin na niya ito sa korte, at palalabasin na sinasamantala lang ng biyudo ang kondisyon ng kanilang ina...

sa bahay nina Mommy Glo..
excited si Andrei nang malaman na posibleng may proposal na maganap..
medyo tampo naman si Paeng, pero nakiki-ayon na rin nga sa ina..
lumabas ang biyuda sa kuwarto niya na suot ang patong-patong na damit..
napansin siya ni Paeng, "pangit ba?" daw ang tanong ni Mommy Glo, kaya sa halip na kontrahin ito ay sinabi na lang nila na mas pagagandahin pa, dahil sensitive na yung ibang may Alzheimer's..
nalungkot na naman si Andrei pero hindi niya ito ipinakita kay Mommy Glo, tapos ay tinulungan na niya itong mag-ayos...

sa date nina Sandro at Lizelle..
excited na si Lizelle sa in-assume niyang proposal..
natanong tuloy ni Sandro kung pwede bang sagutin na rin siya ng dalaga kapag nagpakasal na si Mommy Glo..
pero hiniling ni Lizelle na kung pwede ay i-enjoy na lang muna nila kung anuman yung meron sila sa ngayon, dahil may mga problema pa daw sila at gusto niyang mag-focus na muna sa kanyang ina..
naintindihan naman siya ng kanyang manliligaw...

balik sa bahay..
nag-post si Andrei online ng picture nila, at nag-hint na may mangyayaring proposal..
nalaman ito ni Z..
at si Greta naman ang nag-tsismis nito kay Amanda..
na-badtrip tuloy si Amanda at nangamba...

naiinip na si Mommy Glo..
tumawag si Amanda, at nag-video call na si Andrei..
sinabi ni Mommy Glo sa kanyang panganay na may lakad sila ni Peter, kung okay lang ba daw..?
nagkunwari naman ang makasariling anak na okay lang, basta ba kung ano ang gusto ng kanilang ina..
sumali na rin sina Lizelle sa video call..
medyo na-guilty rin naman si Amanda na mukhang hindi na nga matutuloy yung date..
nag-text na tuloy si Mommy Glo kay Peter..
isip naman nang isip noon ang biyudo..
yung pagmamahalan ba nila ni Gloria, o hahayaan na lang niyang maging ina ito sa mga bata..
hanggang sa c-in-ancel na nga niya yung date nila..
nagpalusot na lang siya na may emergency sa opisina, at babawi na lang sa ibang araw..
at parehas nalungkot ang biyudo't biyuda...

si Paeng naman ay may ka-text na naman during those times..
i assume na panlinlang lang yun..
para isipin ng viewers na kahina-hinala siya..
pero ang totoo ay nagbabago na talaga siya...

was feeling , anak ng rapist nga naman o'...

>
got my 5th pledge...

no choice..
masyado silang maiingat sa social media..
kailangan ko tuloy magpalit ng pangalan pansamantala...

aw! 60 days lock-in... :(

was feeling , no work na ulit bukas.. salamat sa pagsisimula ng mga away...

>
[Public Interest]

kung all-natural si Miss Thailand..
dapat siya ang manalo..
mukhang Filipina eh...

pero history naman yun kapag Sierra Leone ang nanalo...

was feeling , pustahan na...

---o0o---


January 21, 2017...

[Emo]

luko rin areng isang are..
ayun, nangungutang na naman..
ipambibili daw ng laptop para sa akin..
worth Php 15,000...

ay tanga!
magsasayang pa ng pera..
eh hindi nga kaya nung ganung level ng unit yung rendering na may background eh..
kukuha na naman ng bayarin na hindi rin naman magagamit..
at idadawit pa ang pangalan ko...

ang punto ko kaya ako nagalit sa kanya eh hindi dahil pinaasa niya ako na ilo-loan niya ako ng laptop..
tinanggap ko na nga na ako na lang ang mag-iipon kahit matagal eh..
kaya ako nagalit dahil nangongolekta na ulit siya ng mga utang, at nadadamay na yung ipon ko sa pagbabayad ng bills...

kahit pa magka-laptop ako..
kung hindi naman sila titigil ng anak niya sa ganung mga impraktikal na paggastos..
eh hindi rin mawawala yung problema sa mga utang...

 was feeling , reyna ng utang...

>
[Public Interest]

okay naman yung gender equality eh..
mga free the nipples - naman! sino bang may ayaw..
pero kailangang maintindihan ng mga babae yung hormonal effect nun..
at yung behavioral effect naman ng hormones...

tama yung message..
kaso medyo delikado para sa kanila yung pamamaraan...

was feeling , yun lang...

>
medyo may solusyon na yung problema ko sa pag-maintain ng blog ko..
may nag-volunteer na na magpahiram sa akin ng netbook..
makukuha ko siguro yung unit next week..
hindi nga lang nun saklaw yung problema ko sa paghahabol sa 3D graphics...

sana maabutan kong buhay yung link nung baka, para wala akong pagsisihan...

again, blood relatives ko na naman ang sumalo sa problema na ginawa mismo ng mga biologicals ko..
kapag natuloy yun, wala na akong rason para magpa-kontrol pa sa kanila at makipag-ayos...

was feeling , though hindi rin nun masasagot yung problema sa lumalagong utang...

>
isa na namang trabaho ang tinanggihan ko...

kung normal na tao lang ako..
yung tipong nabubuhay lang para magtrabaho, para buhayin ang sarili..
eh matatawag na akong sobrang tanga...

- IT personnel sa isang private company
- bumbero sa probinsiya na pang-office lang, na bihira lang ang aksyon
- IT support ng gobyerno
- tapos ngayon, secretary ng isang regional head

andaming gustong magkatrabaho..
andaming gustong kumita ng regular..
andaming may gusto ng easy job..
samantalang ako eh naghahabol ng career na hindi stable..
ng career na ni hindi ko ma-afford...

was feeling , wala eh.. gaya nga ng sabi ni Naruto - yun ang paraan ko ng pagiging Ninja...


No comments:

Post a Comment