Friday, January 13, 2017

The Fanbase Who Cried 'Wolf'

FACT

wala eh..
ayaw na talagang paawat sa pagtaas ng presyo ng mantika..
hindi ko alam kung kailan siya ulit nagtaas..
pero Php 218 na siya nitong January 13, 2017...


since it hit Php 204 late last year, hindi na siya tumigil..
207..
210..
215..
218...

kung ikukumpara noong 2015..
(2015 dahil wala pa namang masyadong data for 2017, at karugtong pa ng 2016 data yung ikinukumpara ko)..
Php 200 ang ceiling price na naitala ko noon, Php 174 naman yung pinaka-mura..
bale nasa Php 26 lang yung range na yun, na Php 180 nga yung naging average (i mean yung pinaka-malimit na naging presyo niya dati)..
pero yung recent price ngayon ay Php 44 na ang deperensya mula sa lowest price noon..
Php 38 ang iminahal compared sa dating average price..
at Php 18 naman na mas mahal compared sa naging ceiling price noon...
Change is Coming sa prices ng mga bilihin.. sa papataas nga lang...
---o0o---


yung Change is Coming kung saan pinapalitan o ini-edit yung mga original photos para lagyan ng maling impormasyon at bigyan ng malisya... :(

ang gagaling nyo talaga e 'no...?

---o0o---


update ulit (36 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
 
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas 
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system ng bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • yung Oplan Cyber Tokhang
---o0o---


January 9, 2017...

VP Leaks...?

parang tanga nga na ini-leak yun sa ganung paraan...

pero base sa mga previous facts:

  • kampo o mga panatiko ng diyos-diyosan ang mahihilig maglabas ng mga pekeng news at documents and edited photos sa online media
  • kampo ng diyos-diyosan ang mahilig sa mga traps at mental game
  • at halos lahat ng mga batikos na natatanggap ng diyos-diyosan eh mismong siya rin naman ang may kagagawan

kaya sa ngayon..
mas mukhang pag-atake ito ng kanilang hanay sa kanilang sariling hanay..
para pagmukhain na naman na inaapi ang kanilang sinasambang diyos-diyosan..
isang paraan para sabay na durugin ang reputasyon ng kanilang mga kalaban, habang pinapaigting ang sarili nilang depensa...

PS:
congrats kay Hokage Cesar..
ito talaga yung tinatawag na Friends with Benefits eh...
was feeling , eh kung sina-subsidise na lang ng gobyerno ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo...?
---o0o---


January 10, 2017...

inabot ng mahigit 22 hours yung latest Traslacion..
does that mean na marami na ulit adik ang nakasama doon sa prusisyon noong pagabi na...?

ang punto ay..
may research ba na magpapatunay na mga adik ang nagpapabagal sa taunang prusisyon na yun...?
was feeling , parang kahit na ano lang eh, basta ma-justify lang yung reckless war...
>
aprubado na yung kalahati ng dagdag pensyon sa SSS..
para lang mapasaya ang mga nagrereklamong panig..
after nga naman nun eh problema na yun ng SSS..
ang importante eh mukha na naman silang bida...

ang problema ngayon eh mukhang sa mga active na naghuhulog ipapasalo yung dagdag pensyon para sa mga pensioners na..
may target date na na May this year eh..
which is unfair..
dahil parang sila na yung sasagot sa dagdag pensyon ng iba kung ganun - hindi ang kita nung institusyon..
hopefully eh hindi naman yun nga ang maging solusyon...

pwede lang yun kung itataas rin ang suweldo ng lahat ng mga empleyado..
pero lugi pa rin yung umaasa lang sa mga sariling business nila..
ang tanging good choice lang talaga ay yung mula sa kita ng SSS...

haaay.....
mabuti na lang pala at hindi ko hinuhulugan yung SSS ko..
kung nagkataon eh parang namimigay lang ako ng pera..
mukhang sa palugi na rin naman pala ang punta nun eh, parang yung CAP...

PS: 
eh kung sa mga panatiko na lang kaya kunin lahat ng magiging increase - will they say YES...?
was feeling , pabida moves...
---o0o---


January 11, 2017...

survey lang..
sa mga nasa legal age daw..
nasa 74% na ang hindi pabor sa Martial Law just in case...

for now, this is good to hear..
at least marami pa ang nasa matinong pag-iisip..
the next question is, handa ba silang kumontra dun if ever..?
dahil technically speaking, nasa kamay lang ng iilang tao parati yung desisyon kung magpapatupad ba nun o hindi..
ang magagawa lang ng mga mamamayan ay kumontra after maipatupad na yun...


kung hindi pa alam ng mga tao..
ang isang key feature ng Corrupt Martial Law ay edited at fake government records..
it's not deadly..
pero kaya nung magpaikot ng mga tao even after so many years...

regarding naman sa mga panatiko..
eh wala nang maaasahan sa mga yun..
sunud-sunuran ang mga yun na walang sariling pag-iisip eh..
kulang na lang eh himasin at isubo ng mga yun ang tutut ng kanilang diyos-diyosan...
was feeling , nasa katinuan pa...
---o0o---


January 12, 2017...

regarding overpopulation..
kailangan na ng batas para dun..
maximum of 2 offspring..
multi-plets eh exempted..
tapos pwedeng mag-reproduce ulit kapag namatayan ng anak at bumaba sa 2 yung bilang, at if kaya pa naman makabuo ng baby..
kapag lumabag dun, dapat ang parusa ay kaponin na yung lalaki..
lalaki na lang, dahil mga lalaki naman ang mas mahilig mangaliwa..
kesa naman dumami pa lalo yung mga tino-tolerate sa Kitchen at hinahayaan na lang na umasa lang sa kapwa nila for survival...


regarding HIV..
wala talagang solusyon kundi ang permanent identification ng mga carrier..
tutal eh wala pang lunas eh..
siguro tatoo-an ng bar code identifier sa ibabaw ng kanang kamay (kabaliktaran ng palad) o puwersahang pasuotin ng kung anong non-removable identifier..
condom kasi eh hindi solusyon..
i'm not sure pagdating sa mga kababaihan..
pero may mga lalaki kasi na ang totoong habol sa sex ay yung LIVE penetration o worse eh yung maka-devirginize nang LIVE at yung marami ang makaparehang babae..
kasi for them, parang medal of honor ang katumbas nun..
hindi sila yung tipong nag-iisip pa tungkol sa HIV or STD or STI..
basta sila yung tipong saka nagrereklamo kapag may naramdaman na sila sa kanilang ari..
so kung hindi matakot-takot ang mga tao sa posibleng maging sakit kapag nahawa na ng HIV, eh baka matuto silang matakot at hindi na mag-engage sa sex kapag nakita nila na properly identified na ang mga carrier...

ibang topic naman..
regarding illegal parking..
kailangan nang palitan ang parusa dahil makukulit eh..
kapag umulit pa ng violation (twice na) in the same road o street, dapat samsamin na yung sasakyan at ban na sa pagmamay-ari ng driver's license yung pasaway..
government property na kumbaga yung auto..
tapos ipa-chop-chop sa harapan nung dating may-ari bago ibenta yung parts..
this way, mababawasan na ang mga pasaway sa kalye, at mababawasan pa ang volume ng mga active na sasakyan...

regarding 5-6 sa pautang..
sa tingin ko yung kawalan ng tax nung sistema yung talagang target ng gobyerno...
feeling , nasaan na ang pangil ng gobyerno ngayon...?
>
panibagong kaso na naman..
yung pulis na nambugbog ng matandang lasing, dahil DAW napikon o napuno na siya..
sayang dahil may magandang background story DAW eh..
pero dapat hindi inilagay sa paso ang batas..
yung disiplina ng isang alagad ng batas ay dapat isinasabuhay niya, regardless kung naka-uniform man siya o hindi..
dapat rin ay strikto na ang psychological test para sa hanay nila...


pero kawawa rin naman yung isang pulis sa Dipolog..
na siya namang ginulpi ng nagrarambulan na mga kabataan..
umawat na nga eh, tapos siya pa ang untikang patayin..
pwede na dapat bitayin yung mga basura ng lipunan na mga yun...
was feeling , nakakahiya naman sa mga bisitang Miss.. siguro cable ang pinapapanood sa kanila...
>
andami ng trap para sa Vice President..
parang talagang pino-provoke siya para magkamali ah..
ano ba 'to..? anything for the Dictator Clan...?

una yung pagiging parte niya ng Gabinete..
it was an intelligent move..
kunwari binigyan ng posisyon, para makuha ang simpatiya ng mga nagtatanong kung bakit nga ba hindi bigyan ng extra job yung isa..
tapos biglang pasimpleng pagsipa, na kesyo balak na daw kasing patalsikin yung diyos-diyosan..
isang palabas para pagmukhain na naging mabuti sila sa kanilang katunggali, at walang utang na loob naman yung isa...


second, eh yung pamboboso incident, na sakop pa ng panahon ng VP sa Cabinet...

third..
yung kaugnay nitong nagdaang bagyo sa region ng VP..
unang tinira yung konsepto ng regionalism, na kesyo parang responsibilidad niya na sagupain ang bagyo sa lugar nila..
at lately yung mga captioned still photos kung saan naglilibot yung VP at walang masyadong tao na nasa paligid niya..
yung mga bobong panatiko naman eh naka-auto-LIKE na akala mo eh yun nga ang katotohanan para sa buong bansa...

at ang pinaka-recent ay yung pagbawi ng invitation para dun sa New Year tradition sa palasyo..
kasi pino-provoke nila ang media, para ma-provoke naman nila yung Vice President..
gusto nilang magkamali yung biyuda na kesyo against ito sa buong pamunuan (at hindi lang sa kung ano ang mali)...

pero ang mas nakakabahala sa ngayon..?
yung electoral protest para sa Vice President seat..
kasi kung totoong may nangyaring dayaan noon, the 2 types of hard copy reference (balota at resibo) should be enough to validate that..
kung totoong may pangil rin ang kasalukuyang gobyerno, eh dapat mabilis na yung pag-aksyon dun (kasimbilis nung kina Dictator, Patilya, Cosplayer, Region 8 Marcos)..
pero 6 months na eh wala pa rin..?
kung tatagal pa kasi yun nang tatagal eh lalaki lang yung possibility na mae-edit na yung mga ebidensya...
was feeling , kahit Breeze hindi kaya yang ganyang antas ng dumi...
>
panibagong kaso..
Sta. Mesa naman...

yung pulis na pumatol at namaril ng sibilyan..
medyo mahirap husgahan yung kaso eh..
ang initial arguments ay kinalampag daw nung biktima yung sasakyan nung pulis, versus sa claim nung panig ng biktima na pinag-trip-an lang ito at inuntog-untog pa sa pader..
bully daw yung pulis dun sa biktima according to previous claims naman...


ang masama nito..
inatake nung biktima ng bato at itak yung pulis dahil sa galit niya..
nanlaban siya, malas lang na hindi nabunot yung itak..
kaya ayun, pinagbabaril na siya nung pulis..
pero yung grupo rin naman ng pulis yung nagsugod dun sa biktima sa ospital...
was feeling , bully na pulis...?
>
Sugar Tax...!!?

putang inang mga mambabatas 'to ah..
maiintindihan ko yung sa softdrinks eh..
pero yung sa 3 in 1 na kape at sa juice sa sachet..?
tang ina naman!
pampagising yung kape, at konting pampasaya na rin sa sarili yung cream nun..
ako nga eh hati-hati pa ang pagtitimpla nun para lang makatipid..
hindi naman Starbucks yun na luho eh!
at yung juice naman eh simpleng pang-entertain sa mga bisita naming mahihirap lamang tuwing may okasyon..
ano bang gusto nilang ipainom na lang sa amin - kape na walang asukal at tubig na lamang..?
ano ba talaga ang gusto nilang gawin sa aming mahihirap, ibaon pa nang ibaon sa ilalim...?


tang inang gobyerno yan!
ang alam ko, dapat may mga negosyo at investments rin silang hawak..
para hindi puros sa limos at buwis kinukuha yung pondo nila..
kung kulang ang tax, edi bawasan din nila ang gastos nila...

mga demonyong walang isip...

PS: 
yung oxygen wala pang tax, baka gusto niyo ring i-propose sa susunod, mga bobo kayo!
was feeling , patay na naman kami...
---o0o---


January 13, 2017...

hindi na natigil yung trend ng paiba-ibang statements ng mga nasa tuktok ah...

nag-imbita..
binawi ang invitation dahil limited lang daw ang kayang guests..
tapos sabay palit ulit ng dahilan - dahil daw hindi kasundo nung diyos-diyosan yung isa..
eh sino bang mga tanga ang nag-invite mula sa umpisa...?


siyempre bukod pa dito yung tungkol sa mas mahahalagang usapin..
at ang punto ay hindi sila mapagkakatiwalaan...

mga sinungaling..
mga peke..
mga mapanlinlang...
was feeling , Change is Coming nga.. pati sa mga statements, papalit-palit...
>
may punto naman yung mga ipinaglalaban nung mga Comfort Women..
hustisya kasi yun for them...

ewan ko lang kung sasabihan rin sila ng mga panatiko na kesyo mag-'move on' na lang yung mga pekpek nila dahil magpapautang na ang Japan (gaya ng ginagawa nila lately sa mga biktima ng Martial Law)...

kaso..
yung paghingi ng apology na talagang nararapat para sa kanila eh dapat noon pa ginawa..
noong right after the war..
noong ang mga nasa posisyon pa ay yung mga Japanese na talagang naging involved doon sa Imperyalismo...

sa ngayon kasi, ibang-iba na ang Japan..
oo, parte pa rin ng culture nila (sa parehong babae at lalaki) ang pagiging ma-'L', na kita naman sa JAV industry nila..
pero sa ibang bagay na kasi sila naka-focus sa makabagong panahon eh..
makikita naman yun sa contribution nila sa arts at science & technology..
ganun din sa pagtulong nila sa Pilipinas...

so ayun nga..
sana noon nagawan ng paraan para lumuhod sa harapan nila ang dating Emperor ng Japan at yung mga manyakis na kasundaluhan nila...
was feeling , wala na yung dating Emperor.. unless gusto pa rin nilang kolektahin at pabalikin dito sa bansa yung mga sexual offender nila to do the apology...
---o0o---


January 14, 2017...

heto naman yung news na na-miss ko kahapon ng umaga...

sa Caloocan..
yung magbiyenan na napatay..
buy-bust operation DAW yun, medyo nakunan ng CCTV..
mga naka-motor lang yung mga pulis eh, mga naka-hood, at halong may mask at wala, at mga armado..
according naman dun sa mga kaanak ng mga napatay eh wala daw buy-bust, dahil 19 sila noon sa loob ng kanilang bahay at may mga bata pang kasama, at puwersahan silang pinasok at pinatay yung mga drug-related suspects sa itaas ng kanilang bahay...


ang weird lang..
may lusot yung pagdadamit sibilyan nila, kasi nga entrapment muna eh..
kaso..
nasa 7 motor daw yung dala ng mga pulis, at lahat sila ay naka-disguise..
so bakit kailangan na ganun karami ang magkunwaring buyer o sibilyan..?
at base rin sa CCTV..
hindi naman pasimple yung kilos nila pagdating doon sa lugar ng target, mabilisan na akala mo eh palusob na kaagad sila..
(though pwede nilang sabihin na earlier naganap yung pagpo-poser buyer nila, at karipas lang na sinundan yung mga suspects after their transaction)...

pero ang sunod na tanong ay, bakit walang marked money na nabanggit..?
bakit ang alibi ng mga pulis ay supposedly ay buy-bust nga yun, kaso eh natunugan sila...?

at bukod pa ito sa sobrang dami pa rin ng mga kriminal na nakakagala sa Pilipinas...
is feeling , parang nagiging katulad na nga yung paraan ng mga pulis sa paraan ng mga riding-in-tandem na mga taga-tumba...

No comments:

Post a Comment