last night may nadiskubre ako..
na hindi lahat ng blood relatives ko sa biological mother side ko ay mabubuti..
sa bagay, cousin-in-law ko lang naman siya, na lalaki..
at iba-iba naman talaga ang bawat tao..
mabuti na lang at hindi ko siya naisali sa fund raising project ko...
mukhang siya yung tipo ng tao na may insecurity..
yung sa kanya ay mas nakatuon sa titulo o career at sa bahay..
mahilig siyang magkumpara, lalo na noong mapabilang siya sa angkan..
at eventually nga, ginawa siyang hambog ng sort of success na meron siya ngayon...
sort of success, dahil hindi pa naman talaga yun success..
kung nagpatayo ka ng maganda (hindi malaki) na bahay sa isang semi-exclusive na subdivision gamit ang loan..
kung hindi pa naman bayad yung loan ay hindi mo rin masasabi na okay na yun..
dahil dependent pa rin yung loan sa itatagal ng buhay mo...
naasar ako dahil hinahamak at pinagtatawanan niya yung mga blood relatives ko na steady lang sa buhay (nang patalikod), dahil lang sa nakapagpatayo na siya ng bahay gamit ang loan..
ang dami daw kasing miyembro ng angkan namin na hindi naman galing sa hirap, na naging successful ang mga magulang - pero hindi nagpayaman yung mga anak..
ang dami daw matatalino noong nasa school pa, magaganda ang mga kurso at titulado, pero hindi sinunod ang career na yun..
para sa kanya hindi praktikal ang pagtatrabaho sa gobyerno (malamang hindi niya alam ang long term benefits nun)..
ang nursing at teaching ay kino-consider lang niyang good choice kung sa ibang bansa magtatrabaho..
ang pag-asenso daw ay nasa mga private companies lang (halatang hindi niya rin alam yung risks)..
mukhang hindi niya rin alam na sariling business pa rin at investments ang pinakamagandang option..
para sa kanya puros tungkol lang sa pera ang paghahanapbuhay..
para sa kanya dapat alam na ng tao ang path na tatahakin niya mula sa pagpili pa lang ng kurso sa kolehiyo (na hindi rin naman talaga 100% na nangyayari sa totoong buhay dahil sa maraming factors)..
parati siyang "..gaya ni garine na ganun ang natapos, pero garine lang ang trabaho ngayon..."..
lahat ng yun dahil lang sa house loan...?
i mean..
tama lang na mag-enjoy ka kung sakaling makaranas ka ng kaginhawahan sa buhay..
pero kailangan pa bang magkumpara at mangmaliit ng in-laws para lang ma-appreciate mo yung kino-consider mo na success..?
gusto pa ngang makita yung bahay ng panganay namin para ikumpara yung bahay niya...
anong sense nung comparison kung wala rin naman siya sa tuktok..?
anong sense nun kung may sinusunod rin siyang boss..?
anong sense nun kung sunud-sunuran rin lang siya sa mga utos o sa defined role niya doon sa kompanya..?
basically, parehas lang yung ginagawa nila - nagtatrabaho para kumita ng pera, magkaiba lang yung rate ng suweldo at form ng benefits..
parang tanga na susukatin mo yung success mo by comparing yourself with someone na pinaniniwalaan mo na mas mababa sa'yo ang antas ng pamumuhay..
kung magkukumpara ka, bakit hindi sa lahat..?
at huwag na huwag ninyong ipinagmamalaki ang mga utang bilang asset...
sa bandang huli..
at generally speaking..
mas importante pa rin na kayang mabuhay ng tao para sa sarili niya at/o para sa binuo niyang pamilya..
na may tapat at marangal na trabaho..
at pinakamahalaga pa rin ang pagiging mabubuting mga tao...
dahil sa katapusan ng lahat..
kapag sumabog na ang Sun..
kapag natupok na ang Solar System..
o kapag na-extinct na ang mga tao..
even history or legacies won't survive..
at pantay-pantay lang na magiging mga patay ang sangkatauhan...
was feeling , tawa pa nang patalikod...
>
may hindi ako na-consider..
malaki nga yung blood clan namin..
pero malaking bilang nun eh mga bata pa..
minus yung mga kapatid ng biological mother ko..
minus yung mga family ng may mga sakit..
hindi talaga aabot ng 30 ang mga mahihingan ko ng tulong...
sa ngayon i have 8 pledges..
plus 1 na sa May pa kayang magbigay ng tulong..
i'll be adding 1 sa fund raising group ko tonight..
i'm assuming na may 2 pang magpe-pledge, considering na single pa yung isa at wala namang anak yung isa..
and still hoping to connect with 2 other blood relatives...
was feeling , miscalculated.. hindi rin ako makakapaghabol ng oras kung hindi makukumpleto yung pondo...
[Medical Condition]
mas lumalaki pa nga yung blood formation sa cyst ko...
mukhang makikisingit pa siya sa gastusin ah...
was feeling , sabay-sabay talaga eh 'no, FATE...?
---o0o---
January 23, 2017...
[Medical Condition]
as of this morning, nagkaroon naman siya ng red spot (dot size)..
bale sa gitna yun nung blood formation sa cyst...
i already have this bullshit even before my 3rd Year in college..
meron na ako nito bago pa yung reunion-outing sa Laiya..
pero wala man lamang nagkusa na pa-operahan ako..
instead, nag-resort pa sa alternative charcoal treatment, kung kaya't mas nag-expand yung cyst...
samantalang yung paboritong anak..
kahit ilang salamin sa mata ang masira dahil lang sa kapabayaan..
kahit ilang libo pa ang gastusin..
maging laser treatment eh nasubukan na nila just for him..
at okay lang ang lahat basta para sa kanya...
kung nawala na sana 'to noong college..
hindi ko na sana problema 'to sa ngayon... :(
was feeling , biktima ng kawalan ng family planning...
>
[Strange Dreams 18+]
ayun, bastos na naman...
2 babae lang naman ang gustung-gusto kong nakikita sa mga panaginip ko eh..
si Miss C at Miss H...
last night it was Miss H..
nasa room setup kami na hindi pamilyar para sa akin..
isang malawak pero magulong kuwarto..
she was with Miss S..
basta nakita ko na lang siya na nakahubad at nakabukaka na sa kama eh..
Miss S on the hand was wearing her black heels and black undergarment, at nakatayo sa gilid ng kama..
napaisip na lang daw ako if it was a deal..
kasi there was another anonymous guy sa isang kalapit na kama, nakahiga siya doon, at nagtakip na lang ng kumot..
so parang pumasok sa isip ko na hayae nang may ibang tao doon sa room, andun na kako eh, so mabuti pang gawin na rin nga namin...
kaya lumapit na ako kay Miss H..
parang naka-HD view ako..
kuhang-kuha ng panaginip ko yung detalye ng itsura niya..
yung maganda, na sexy, na tila mataray na look niya..
after staring at her face for a while..
ayun, bumaba na daw ako sa kanya at inupakan siya nang pagkain..
napapaangat na yung puwitan niya sa bawat paghigop ko..
hanggang sa mamasa-masa na yung sa kanya...
si Miss S naman eh nahiga sa may gilid ng kama noong mga oras na yun..
sa ibaba ng kama, gaya ng ginawa ko noong huling beses kaming nagkita-kita..
so after ko kay Miss H, tinawag ko siya para magpatulong, kaya bumangon na siya..
some time after that, natigil na rin yung panaginip ko nang walang nangyayaring aksyon...
was feeling , masaya akong makita siyang muli...
>
[TV Series]
The Greatest Love
kinutuban nga si Lizelle na may kakaibang nangyari kung kaya't umatras ang prepared na prepared niyang Tatay sa proposal nito...
hintay tuloy nang hintay si Mommy Glo sa text ng kanyang manliligaw..
kaya para ma-distract siya ay niyaya siya ni Andrei na um-attend muna sa Zumba-Chi nila..
pero bago yun ay ginusto muna ni Mommy Glo na pakainin si Paeng, nagluluto siya ng tocino..
hinanap ni Andrei si Paeng, pero wala ito sa bahay nila..
hanggang sa nasunog na ni Mommy Glo yung mga tocino, luto lang siya nang luto at hindi aware na sunog na yun..
hindi naman siya pinuna ni Andrei, at pasimple na lang nitong inawat ang kanyang ina sa pagluluto...
sa lugar ng Zumba-Chi..
nakikilala pa naman ni Mommy Glo yung kumare niya dun..
niyaya niya itong mag-lead, na tinanggihan naman nina Andrei at Mareng Lydia..
pero nag-volunteer si Mommy Glo na kaya pa niya, kaya hindi na siya naawat..
dumating si Stella, at nairita na makita ang kanyang cousin-in-law..
hanggang sa nagkamali-mali na si Mommy Glo, tinawag niya itong baliw, at pinagtawanan ito ng mga tao..
inawat na ni Andrei ang kanyang ina sa pagli-lead sa pamamagitan ng pagsasabi na nakauwi na si Paeng..
aalis na sana sila pero hinarangan pa sila ni Stella, at muling tinawag na baliw si Mommy Glo..
sumagot naman ang biyuda na may sakit siya pero hindi siya baliw..
at nag-explain na si Mareng Lydia sa publiko tungkol sa Alzheimer's ng kanyang bestfriend, tulad daw yun ng iba pang mga sakit na hindi dapat pinagtatawanan..
maging si Stella eh natahimik, after that eh umalis na sila..
malungkot naman na humabol yung mare ni Mommy Glo sa Zumba-Chi para mag-sorry, hindi daw siya kabilang sa mga tumawa..
naintindihan naman ito ng biyuda, siya na daw ulit ang leader, at huwag pabayaan ang mga kasamahan nila para hindi magtabaan...
over the phone, galit na galit si Amanda kay Andrei dahil sa nangyari..
hindi daw dapat nalaman yun ng publiko, napahiya daw tuloy ang kanilang ina..
hindi daw kasi alam ng karamihan ang pagkakaiba ng Alzheimer's sa pagiging baliw, though scientifically speaking eh parehas lang yung sakit sa utak..
inabutan ni Chad ang magkapatid na magkausap sa phone..
baka daw bumalik pa si Peter kapag naisip nito na pinababayaan nila si Mommy Glo..
natanong tuloy ni Chad kung may kinalaman ang kanyang asawa sa naudlot na proposal..?
umamin naman ito, pero wala daw mali sa kanyang ginawa..
sapat na daw sila para mapasaya si Mommy Glo..
sinabi naman ni Chad na napakatigas na ni Amanda...
t-in-ext ni Andrei si Paeng, nasa kalye ito, at dala ang kanyang gitara..
dumaan ito sa junk shop, at nagpaalam na kukuha ng Php 100 para ipang-load, kabado na naman yung 2 lalaking tauhan nila..
may dumating na 2 kliyente at nagtanong ang mga ito kung totoong baliw na ba si Mommy Glo..?
nagalit si Paeng at kinausap yung lalaki, maloko itong sumagot kaya inupakan na siya ng binata..
dahil sa pagsasalita ng masama tungkol sa kanilang nanay-nanayan eh nakigulpi na rin yung 2 tauhan sa shop...
dumiretso yung 3 sa bahay ni Mommy Glo..
nasalubong sila ni Andrei na nag-sermon dahil sa mga pasa nila..
nagpaliwanag naman yung mga tauhan nila sa junk shop na may tumukso kasi kay Mommy Glo na baliw daw ito, at minabuti na rin nga nilang alamin ang tungkol sa sakit ng kanilang boss..
bahagyang nagpaliwanag si Andrei tungkol sa Alzheimer's ng kanilang ina..
yun daw yung dahilan kung bakit hindi na ito nakakapunta pa sa shop, kaya naman daw yung 3 na muna ang bahalang magpalakad nun habang hindi pa napag-uusapan ng magkakapatid kung sino ang magma-manage ng kanilang negosyo..
nagtanong yung 2 kung pwede ba nilang makita si Mommy Glo..?
pero sinabihan ito ni Andrei na pagalingin na muna yung mga pasa nila, para hindi pagmulan ng pag-aalala ng kanilang ina...
after that..
dumating sina Amanda at Z..
kumustahan ng konti, hanggang nagpakita na si Stella..
na-guilty daw siya nang malaman na may sakit si Mommy Glo..
umiiyak siya..
nag-sorry ito sa lahat ng nagawa niyang kasalanan dito, at gustong makausap ang biyuda nang sarilinan...
was feeling , may mananamantala na gaya ng sinabi ni Greta...
---o0o---
January 24, 2017...
[Medical Condition]
kanina ko lang naisip..
kung nagbi-bleed yung cyst ko sa loob ng hita ko, posible kayang mag-cause yun ng infection...?
naalala ko lang yung Epididymitis ko noong late 2014..
nagkaroon ako ng testicular tract infection nang wala naman akong ginagawa..
though posibleng UTI yung naging cause nung sa akin...
nakakaasar lang 'tong gamit kong katawan..
parang alam niya tuwing may importante akong kailangang gawin..
ang hirap naman komunsulta sa doktor..
Php 500 na nga kada pag-uusap niyo, tapos hindi pa iri-reveal lahat ng sagot at options..
madalas may mga test na hindi naman na pala kailangan at mga gamot na 'sample' pero pinagbibili sa'yo nang mahal...
mukhang iko-consider ko pa ngayon kung ano ang mas mauuna..
yung makaipon ba ako ng pambili ng computer..?
o yung lumala ang kondisyon ng cyst ko...?
was feeling , salamat at binuhay niyo pa ako...
>
9 na pledges na yung nakuha ko..
i'm still aiming to get 4..
kaso 1 dun eh hindi nagre-react sa Group ko..
2 eh hindi na nagre-react sa text..
at 1 yung hinahapan ko pa ng contact information...
bale 13 lang yun, +1 sa bandang May..
3 naman yung nagbakasakali lang akong i-add dun sa Group, kaso na-seenzoned lang ako...
pero kung maa-adjust ko pa yung specs ng computer..
yung tipong mid-level lang nung optimum requirement..
baka daw posible rin namang makakuha sa Php 26,000...
was feeling , masyadong malayo yung Php 9,000...
>
[Medical Condition]
bahagyang lumaki na yung blood formation..
at may red spot na sa bandang gitna nun...
nagkakaroon na ng kanto yung bukol sa halip na smooth curve...
inuunahan ako ng FATE sa lahat ng gusto kong gawin..
every path is a trap..
this is my curse..
pero hanggang kailan kaya mananatiling sa akin ang right leg ko...?
>
[TV Series]
The Greatest Love
pumayag nga si Mommy Glo na makausap ang kanyang cousin-in-law nang mag-isa..
dapat daw ay i-guide nila ito sabi ni Andrei..
hanggang sa pinuntahan na nga nina Andrei, Amanda, at Paeng ang kanilang ina para i-check..
sa ngayon ay wala namang kakaiba sa paghingi ng tawad ni Stella, pamilya daw sila eh...
after that..
nasermonan ni Amanda sina Andrei at Paeng, sakit lang daw ng ulo ang dala nung 2..
at nag-walkout yung 2 dahil sa mga paninisi niya...
kinaumagahan..
nire-review ni Z ang Mommy La niya tungkol sa details ng pamilya nila, nire-record niya yun sa video..
nilambing siya ng matanda kaya sinabi niya na hindi na siya bata, na binata na daw siya..
natanong tuloy ng lola niya kung may nililigawan na ba siya..?
meron daw siyang special someone sa ngayon, at si Y daw yun..
dapat daw ay parehas na sabihin at iparamdam ni Z yung kanyang nararamdaman habang may panahon..
natanong ni Z kung natatandaan ba nito si Y, pero hindi makasagot ang Mommy La niya...
si Lizelle naman ay kinausap ang kanyang ama..
parang iniiwasan daw kasi siya nito since noong araw nung naudlot na proposal..
wala naman daw siyang balak na mag-propose..
kung gagawin niya daw yun ay sa bayan nila, sa Bagong Ilog..
saka na daw yun kapag talagang ayos na ang lahat sa pamilya ni Mommy Glo...
sa San Ildefonso..
nilalagyan ni Z ng label ang mga bagay-bagay para hindi magkamali si Mommy Glo..
ini-assign naman ni Amanda yung pagbabayad ng bills kay Paeng, kaso ay mahigit na Php 3,000 yun..
napag-usapan nila ni Andrei yung tungkol sa availability nila, pero ayaw ni Amanda na magpatulong kay Lizelle...
saktong dating naman ni Lizelle, na inihatid ni Peter..
tuwang-tuwa si Mommy Glo na makita sila..
niyaya ni Peter ang biyuda sa malapit na coffee shop kung gusto daw nito na makapag-usap sila, pero nagyaya si Gloria na doon na siya mag-lunch kasama nila..
iiwas pa sana ang manliligaw, pero bait-baitang pumayag si Amanda sa paalam ng kanilang ina..
pero habang nasa loob ng bahay, dini-discourage na ng panganay ang biyudo, gaya ng pagsasabi na konti lang ang naihandang lunch ni Ate Melba dahil walang pasabi ang pagpunta niya..
ibinida naman ni Mommy Glo na okay lang yun, na simpleng tao lang si Peter, gaya noong nasa Bagong Ilog pa sila..
at naitanong nga ng biyuda kung bakit ba ito nag-cancel sa lakad nila..?
nasabi rin tuloy ni Andrei na napaasa sila sa proposal nito..
hindi kaagad nakasagot si Peter, pabalik-balik sa isipan niya yung mga sinabi sa kanya ni Amanda..
ramdam naman ni Lizelle ang tensyon sa pagitan ng ate niya at ng ama niya..
sinabi na lang ni Peter na silang mga anak lang ni Gloria ang makapagsasabi kung anong makabubuti para sa kapakanan nito..
at inawat na ni Amanda yung usapan na yun, baka daw nape-pressure na ang ama ni Lizelle, hindi rin daw komportable na pinag-uusapan nila yun sa harapan nilang mga anak ni Mommy Glo...
was feeling , at wala talagang awat yung commercial na yun, magpapalawak siguro ng nasasakupan...?
---o0o---
January 25, 2017...
[Medical Condition]
nagising ako na mamasa-masa na yung hita ko..
(nope, hindi 'to bastos)..
nang i-check ko nga ay naglabas na pala ng fluid yung cyst ko..
meaning siya na mismo ang bumutas sa balat ko...
walang dugo, kaya mukhang hindi yun blood formation gaya ng inakala ko..
tapos habang nagbe-breakfast ako, nagulat na lang ako nang makita ko na tumatagas yung cyst ko na parang lotion..
sanay naman akong makakita at maglinis ng nana noong bata pa ako..
pero first time kong makakita ng ganito..
halong greenish at whitish yung lotion-like substance na 'to..
at wala rin akong maamoy sa kanya..
nagli-leak siya tuwing nagpe-flex ako ng right leg ko..
lumambot rin yung kabuuan ng cyst ko, at nabawasan rin nang konti ang pagbukol...
hindi ko alam kung anong nangyayari..
i doubt din na makakaya kong ilabas yung buong mass ng cyst ko sa ganung paraan..
ang mas concern ko sa ngayon ay may opening na yung balat ko..
sana naman ay hindi ma-infect...
>
lagot..
na-delay yung dating nung netbook..
maging SLEX eh ginamit na ng FATE para lang humadlang sa akin...
ang dami ng kailangang gawin..
andaming kailangang i-reorganize..
may 2 pang malalaking files na kailangang ma-download bago mamatay yung link...
was feeling , pati kalsada kino-kontrol mo...
>
[TV Series]
The Greatest Love
ibinili nina Peter ng exercise equipment si Mommy Glo para makapag-exercise pa rin naman ito kahit nasa bahay..
inis na inis naman si Amanda..
nag-usap yung 2 matanda, at alam daw ni Gloria na si Peter yung tipo na tumutupad sa mga usapan..
naalala lang daw ng biyudo yung kagustuhan ni Gloria na unahin munang alagaan ang mga anak nito, at iginagalang niya yung desisyon na yun ng babae..
handa daw siyang tumulong rin at umalalay sa mga anak ni Gloria...
ibinigay ni Ate Melba ang ilang papeles na galing sa munisipyo kay Amanda..
mukhang napabayaan ito ni Mommy Glo sa loob ng 2 taon, at for some reason ay umabot na sa Php 350,000 ang total ng real property at business tax nila..
nagulat rin si Mommy Glo nang malaman niya yun..
saktong may tumawag naman kay Peter at kinailangan na niyang umalis...
pero bago yun ay kinausap muna siya ni Amanda sa labas ng bakuran nila..
ano daw ang ibig sabihin ng pagpunta ni Peter sa bahay nila..?
nakita sila ni Lizelle..
oo, pumayag daw si Peter sa pakiusap ni Amanda na huwag nang mag-propose..
pero hindi daw yun nangangahulugan na hindi na siya tutulong at lalapit kay Gloria, dahil problema na rin niya ang mga problema ng babaeng mahal niya...
kaya minabuting kausapin ni Lizelle ang kanyang ate matapos mag-usap nung 2..
ano daw ang sinabi nito sa kanyang ama..?
at nagkunwari na lang si Amanda na kesyo sinabi lang niya na sila ng magkakapatid ang bahalang magresolba sa problema nila sa bahay..
at nag-meeting na nga yung 4...
nag-decide naman si Mommy Glo na maghanap ng mga resibo, bilang proof daw ng pagbabayad niya sa mga tax niya..
at tinulungan na siya ni Z...
sa meeting..
gusto ni Amanda na paghati-hatian nila yung mga bayarin..
pero barya lang daw ang maiaambag ni Paeng..
nag-volunteer tuloy si Lizelle na saluhin yung ambag ng kuya niya..
pero ayaw ni Amanda sa idea na yun..
ibenta na lang daw nila yung junk shop, tutal eh isa yun sa mga nagdadala ng gastusin..
tutol naman sina Lizelle at Andrei, dahil para daw yun sa mga tauhan at scholar ni Mommy Glo, maging silang magkakapatid ay may mga alaala din sa junk shop nilang yun..
pero pamilya daw muna dapat, huwag daw silang maging sentimental..
tinanong naman ni Amanda kung anong opinyon ni Paeng, at sang-ayon ito dun sa 2...
balik sa kuwarto ni Mommy Glo..
may mga nakitang sulat si Z, meron ding sulat galing sa Lolo Andres niya..
ipinakita niya ang mga ito sa Mommy La, at biglang nabahala ang matanda..
dahil sa pagkataranta niya ay napagalitan niya si Z at pinalabas ito ng kuwarto niya...
nakuwento ni Z ang nangyari sa mommy at mga tito't tita niya..
naisip tuloy ulit ni Andrei yung tungkol sa kasalanan ni Andres sa ina nila..
at t-in-ext nga niya ang Tita Lydia nila...
nagmamadaling pumunta sa kanila si Mareng Lydia sa pag-aakala na may nangyari ngang emergency..
at muli ngang nagtanong si Andrei tungkol sa tinutukoy na kasalanan ng papa nila, parang yun daw kasi yung nagti-trigger sa sakit ni Mommy Glo..
nakita naman sila ni Amanda..
baka away mag-asawa lang daw yun at hindi pagkakaintindihan, huwag na lang daw nilang pansinin ang mga sinasabi ng may sakit..
hirap na rin si Mareng Lydia sa paglilihim niya..
sinabihan naman ni Amanda ang kapatid na kalimutan na yun, mag-focus na lang sa mga bayarin nila, at huwag gagawa ng kung anong magpapalala sa kondisyon ng kanilang ina...
kinausap na tuloy ni Mareng Lydia si Mommy Glo..
nag-uusisa na daw kasi si Andrei..
mabuti daw at ito pa lang ang may ideya sa ngayon, pero paano daw kapag dumami pa..?
mangako daw si Mareng Lydia na hinding-hindi niya sasabihin ang tungkol dun sa mga bata, at kay Peter, lalo na kay Amanda..
hindi niya rin daw alam kung bakit yung alaala ng ginawang kahayupan sa kanya ni Andres ang bumabalik sa kanya..
eh paano daw kung masabi niya yun habang inaatake siya ng sakit niya..?
hindi ba daw mas okay kung sasabihin na niya sa kanila habang kaya niya pa..
pero dadalhin na daw ni Mommy Glo yung lihim niyang yun hanggang sa hukay..
hindi niya daw hahayaan na masaktan pa ang mga anak niya..
at nangako nga ulit si Mareng Lydia na pangangalagaan yung madilim na sikreto na yun ng bestfriend niya...
was feeling , lalaki si Mitch..? akala ko pa naman makiki-love triangle na si Jane de Leon...
---o0o---
January 26, 2017...
[TV Series]
The Greatest Love
problema kaagad ang sumalubong kay Amanda sa pag-uwi nila ng bahay..
pero si Chad na daw ang bahala dun..
sa trabaho naman, eh pang-asar din si Greta..
kailangan daw i-meet ni Amanda ang mga deadlines niya, may say daw si Greta dahil may investment siya sa agency nila..
alam daw niya na may mga pinagdadaanan ang pamilya nito, pero business is business...
after that..
biglang tumawag naman yung buyer ng ancestral house nila, willing daw ang mga business partners nito na magbayad pa ng mas malaki basta't sa kanila ibebenta yung bahay..
bakit nga ba daw hindi na ibenta yung bahay, malaking tulong daw yun sa pamilya ni Amanda ang sabi ni Alvin..
pero kontra nga daw sa kanya ang kanyang mga kapatid..
kung ganun daw ay mag-petition na siya for legal guardianship, para nasa kanya na lang ang karapatan na magdesisyon tungkol sa mga bagay-bagay, may ire-refer daw na lawyer si Alvin...
si Lizelle naman ay naulit kay Peter yung tungkol sa tila pag-trigger ng pangalan ni Andres sa pag-init ng ulo ni Mommy Glo..
naalala tuloy ng biyudo yung araw ng kasal ni Gloria, kung saan umiiyak ito nang makita siya, na mukhang hindi bukal sa loob nito ang pagpapakasal..
napaisip tuloy si Peter kung ano nga ba ang nangyari sa pagitan nung 2...
sa harapan ng coffee shop..
nahuli ni Ken na nagpa-practice si Z ng pagbibigay ng rose kay Y..
pumasok na sila at nalaman ni Z na may nauna nang bumisita sa ka-MU niya, at si Mitch yun..
sa pag-aakala niya na babae si Mitch eh kaagad nilapitan at binati ni Z ang isang babaeng customer, at natarayan siya nun..
natawa na lang sa kanya si Y at saka ipinakilala yung totoong Mitch, na isa palang lalaki (bad news)..
bigla tuloy naging awkward yung sitwasyon para kay Z..
saktong nakita naman ni Y yung red rose sa likod ng ka-MU, para kanino daw yun..?
at dahil sa hiya ni Z ay nagpalusot na lang ito na para sa Mommy La niya yun..
siguraduhin lang daw niya na para sa lola nga niya yun..
at hindi naman daw para magbigay ang binatilyo ng bulaklak sa kung sinu-sino lang kung hindi ito importante para sa kanya (na patama niya kay Y)...
after that, pauwi na yung 3 bagets..
gusto muling bisitahin ni Mitch si Y, at pabulung-bulong si Z na huwag na daw..
hindi rin siya nag-fist bump sa ex-bestfriend ni Y nang magpaalam na ito..
kaya naman kinausap siya ni Y pagkaalis ni Mitch..
bakit daw ang sungit ng binatilyo..?
at sumabog na nga si Z at nagtalo ang 2..
bakit daw kasi hindi sinabi sa kanya ng babae na lalaki pala yung ex-bestfriend nito..?
na yung Mitch pala eh short for Mitchel at hindi Michelle..
nag-usap yung 2 hanggang sa daan..
diniretsa ni Y kung nagseselos ba si Z..?
dahil kung oo daw ay hindi na siya makikipagkita kay Mitch..
ewan daw, nalilito daw ang lalaki..
kapag magkikita daw yung 2 eh kailangan nang kasama siya..
hindi daw sa wala siyang tiwala kay Y, pero dun siya walang tiwala sa ex-bestfriend nito..
pero kaya daw ng dalagita na alagaan ang sarili niya..
saka na lang daw sila ulit mag-usap..
at ayun, pumalpak nga ang pagbibigay ni Z ng rose kay Y...
sa bahay ni Peter..
inaasikaso na nga nito yung bahay ni Gloria sa Bagong Ilog..
at sinabi niya kay Pareng Joma na kailangan niyang malaman kung bakit nga ba hindi sila ang ikinasal ni Gloria..?
at kung ano nga ba ang ginawa ni Andres para maging sila...?
nakipag-meet nga si Amanda sa lawyer na kakilala ni Alvin..
considering ang condition ni Mommy Glo ay kailangan na nga daw nito ng special power of attorney..
gusto lang daw makasigurado ni Amanda na walang aabuso sa sakit ng kanilang ina..
sa petition for legal guardianship ay kailangan daw patunayan sa judge na may kakayahan at oras nga si Amanda para alagaan si Mommy Glo..
dapat rin daw na wala siyang pansariling interes..
natanong din niya kung may kakayahan ba yung legal guardianship na magdesisyon tungkol sa posibleng pagpapakasal ng pasyente..
depende daw sa stage nung Alzheimer's, at pasimpleng natuwa si Amanda...
was feeling , mangungulit na si Peter...
---o0o---
January 27, 2017...
may 33rd retirement na rin..
though hindi naman yun sikat, at pamparami lang ng choices..
6 na yun just for January...
medyo nababahala lang ako sa latest activities ni Miss Al..
para kasing nagpe-prepare siya for her exit..
literal na mami-miss ko siya kapag nagkataon...
was feeling , they come and go...
>
[TV Series]
The Greatest Love
delikado nang mawalan si Andrei ng trabaho dahil sa pagbabantay sa kanilang ina..
nagpatulong na siya kay Lizelle...
nagtanong na si Peter kay Mareng Lydia tungkol sa nangyari kina Andres at Gloria..
pero hindi daw nito para sirain ang tiwala ng bestfriend niya..
may rason daw kung bakit inililihim na ni Gloria ang tungkol sa bagay na yun..
pero mahalaga daw para kay Peter na malaman ang dahilan kung bakit nga naikasal si Gloria kay Andres..
marami na daw taon nasaktan ang biyudo, at hindi na yun dapat madagdagan pa..
at wala ngang napiga si Peter mula kay Mareng Lydia...
hinayaan na muna ni Alvin na mag-work from home si Amanda..
natanong ni Chad kung okay lang ba na mag-pullout siya ng investment sa bago nilang canteen para lang mabayaran yung bahay nila..
pero huwag na daw, ang babae na daw ang bahala..
basta siguraduhin na lang daw ni Chad na magiging successful yung canteen nila...
napa-praning na si Mommy Glo kababantay sa mga letters niya..
nag-video call si Z sa kanya para humingi ng payo tungkol kay Y..
natandaan naman ang dalagita ng Mommy La niya..
pakiramdam daw kasi niya na hindi na siya special kay Y..
pero sinabi naman ng lola niya na hindi puwerket hindi na siya special for someone eh hindi na rin 'to dapat special para sa kanya..
isa lang daw ang dapat nitong gawin kung galit yung babae - edi mag-sorry...
dumating sina Peter at Lizelle sa San Ildefonso..
at hinayaan nila ni Andrei na lumabas yung 2 matanda habang wala pa si Amanda...
sa coffee shop..
nag-sorry nga si Z kay Y, nagselos lang naman daw kasi siya kay Mitch..
nag-panic daw siya na baka ipagpalit na siya ng ka-MU niya habang wala siya..
okay na daw yun..
snatcher daw sila ng puso ng isa't isa..
at wala daw silang dapat ipagselos, dahil one and only future boyfriend at girlfriend ang tingin nila sa isa't isa...
nakita naman ni Stella sina Peter at Gloria sa parke..
nagpakilala ito para tamaan si Peter, at nagkukunwari pa rin siyang mabait kay Gloria..
umiwas na lang yung 2 sa kanya...
nawawala naman sa kuwarto ni Andrei yung iniipon nilang fund para sa ina nila..
ide-deposit pa naman niya sana yun sa bangko...
dumating na rin sina Amanda at Z sa probinsiya..
sinadya sila ni Stella para lang magsumbong na magkasama yung 2 matanda..
dati na daw lumalabas talaga yung 2, mahirap na daw kumontra dahil may sakit ang kanilang ina..
ibinilin na lang ng kanilang tiyahin na huwag namang hayaan na maglabas-masok sa ancestral house nila yung biyudo, bilang respeto kay Andres...
sa loob ng bahay..
sinabihan ni Amanda si Lizelle na kailangang magpaalam ni Peter sa susunod kung ilalabas nito si Mommy Glo..
tinanong naman ni Andrei si Ate Melba kung naglinis ba ito sa kuwarto niya at kung may nakita na envelope ng pera, pero hindi daw..
pinagdudahan tuloy nina Andrei at Lizelle si Paeng...
bad timing naman dahil kasusuweldo lang ni Paeng..
mukhang nagwe-waiter siya at tumutugtog sa kung saan..
niyaya siyang mag-Tongits ng mga nasa tindahan, pero tumanggi siya at excited na umuwi...
balik kina Peter at Gloria..
kahit tila nagkasundo na, eh iniiwasan pa rin ni Gloria si Stella, ayaw daw kasi niya na binabantayan siya palagi..
naisingit tuloy ni Peter yung gusto niyang itanong..
hindi daw mahal ni Gloria si Andres kaya ito umiiyak sa araw ng kasal nito noon, bakit daw..?
at bumalik nga ulit sa biyuda yung alaala ng pangre-rape sa kanya ng dati niyang asawa..
pero kinulit pa rin siya ni Peter at nakiusap..
napaatras siya, natakot, hanggang sa nagtakip na ng mga tainga habang paulit-ulit na sinasabi na "tama na!"...
was feeling , sumuweldo na nga pero mapapasama pa...
>
[Medical Condition]
andami ko nang nailabas na keratin yata yun...
akala ko naghilom na siya noong January 25, pero nag-leak ulit habang naliligo ako kanina..
minasa-masahe ko na rin yung paligid at marami nga ulit yung lumabas na substance..
from 1 & 15 parts of an inches na horizontal measurement nung bukol, naging 1 & 10 noong Wednesday, at 1 & 8 na ngayon..
kitang-kita rin sa sideview yung laki ng iniliit ng cyst ko...
pero ang sabi online, hindi pa rin 'to safe hangga't nasa loob ng katawan ko yung sac, dahil gagawa lang ulit yun ng keratin..
sa ngayon ang magagawa ko is to make sure na hindi ma-infect yung opening ng cyst ko...
---o0o---
January 28, 2017...
ngayon lang nakuha yung netbook...
mabuti naman at inabutan yung 2 vital components...
magiging sobrang busy sa paghahabol ng trabaho at pagre-reorganize ng files...
No comments:
Post a Comment