Friday, January 13, 2017

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of January 2017 (Full-Time)

i hate HOPE... :(

madalas kasi yung concept na lang na yun yung nagbibigay sa akin ng ilusyon na baka naman kaya ko pa..
na may oras pa naman, kaya baka maidaan ko pa sa kasusubok...

but everytime i do..
everytime na nakikita ko na sinisira lang ng mga tao sa paligid ko yung efforts ko..
everytime na lumalala yung lagay ng katawan ko..
hindi ko magawang alisin sa isip ko na ilusyon na nga lang ang lahat para sa akin..
na parang idini-delay ko na nga lang ang sarili kong katapusan...

---o0o---


January 8, 2017...

may 31st retirement na rin kaagad..
newbie lang naman..
yung mala-Cristine Reyes ang mata...

anyway..
dahil sa episode ng MMK kagabi..
naisip ko tuloy ulit kung bakit nga ba naging ganun siya..
parehas ba sila ng nararamdaman nung character dun sa istorya..?
takot ba siyang magtiwala..?
takot ba siyang magmahal..?
wala na ba siyang tiwala sa mga lalaki..?
naniniwala ba siya na hindi na siya deserving para mahalin..?
naniniwala ba siya na hindi na siya pwedeng magbago..?
bakit ba bumabalik at bumabalik sila sa ganung industriya..?
dahil ba minsan na silang naloko at nagamit lang naman..?
at dahil ba nagawa na nila noon, kaya pwede na nilang ulit-ulitin anytime na gustuhin nila...?

was feeling , kumusta na kaya siya...?
>
[Anime / Movies]

kailan kaya magkakaroon ng live action movie ang Code Geass...?

nakaka-miss rin ang mga global na digmaan, at ang mga Knightmare Frame...
was feeling , Hollywood, please.....
---o0o---


January 9, 2017...

[TV Series]


The Greatest Love 

umalis si Gloria, at iniwan si Mareng Lydia..
mabuti na lang at kasama naman niya yung driver na h-in-ire ni Peter..
kaagad pinuntahan nina Peter ang may sakit..
sinabi nga ni Mareng Lydia na napansin niyang parang apektado na rin ang paraan ng pananalita ni Gloria ng sakit nito..
inamin ni Peter na siya ang nagsabi sa nga bata na ituloy lang yung plano para sa birthday party..
hindi naman nagalit sa kanya ang babae, pero bugnot pa rin ito...


andami na naman ng nasayang na pera ng pamilya nila..
yung mga utang ni Paeng..
yung mga ninakaw ni Paeng..
yung ipinangtubos nina Lizelle at Andrei sa titulo ng bahay..
at ngayon naman, yung mga nagastos para sa preparation para sa 60th birthday ni Mommy Glo...

hiniling na ni Z na sabihin sa kanya ng Tito Andrei niya kung ano talaga ang problema kung kaya't hindi na matutuloy yung party..
ikinuwento na nga ni Andrei ang naging problema dahil kay Paeng..
after that, tinawagan ni Z ang Mommy La niya para i-assure ito na pupunta pa rin siya at magbibigay ng regalo kahit hindi na nga nito ipatuloy yung party..
napasaya naman niya ang Mommy La niya kahit na papaano..
tapos nag-text si Mommy Glo ng "i love you" sa lahat ng mga anak niya, pero wala nang nag-reply sa mga ito...

dumating na nga ang araw ng birthday ni Mommy Glo..
pero nag-e-edit pa rin ng video si Z..
dumiretso siya sa coffee shop para doon ituloy ang ginagawa niya..
hanggang sa mabuksan nga niya yung pinaka-latest video recording ng Mommy La niya na nagsasabing may Alzheimer's ito..
nagulat si Z, at kaagad napa-research kung ano ba yung sakit na yun ng kanyang lola..
naalala niya tuloy yung araw na naabutan nilang pinagagalitan nito si Ate Melba at yung pagkalimot nito kaagad kay Y...

nagising si Mommy Glo na malungkot na malungkot pa rin..
may trabaho pa naman noon sina Amanda at Andrei..
nang i-text ni Mommy Glo ang 4 niyang anak na 'mamamatay' na daw siya..
na-shock yung 4 at nagmamadaling dumiretso sa San Ildefonso...
was feeling , pamilyar sa akin yung ginawa niya...
>
sa tantsa ko based on November and December 2016..
mga 5 years pa ang kailangan ko para ma-produce yung target money..
swerte na kapag napababa ko yun ng 4 years..
para mapatanggal ko na yung cyst ko..
para makapagpa-cryosurgery ng frenulum ko (dahil hindi ko kayang isugal yun sa Salicylic acid)..
at para makabili ng bago at sarili kong computer system...
 


andami ko na sanang kayang matutunan sa loob ng panahon na yun...
feeling , waste of time...

>
problema na kaagad..
delayed na nga yung monthly budget dahil nasa pautangan..
tapos Php 6,000 na lang yung ia-allocate...


Php 5,500 sana yung kailangan ko this month..
para mabayaran na yung mga nawawalang pera..
at para maiwasan naman ang mga panibagong utang para lang masalo ang mga bills..
pero mukhang mas mababa pa sa Php 4,000 yung hahati-hatiin...


problema pa yung putang inang panibagong tuition fee..
tuluy-tuloy na nga yung bayad sa boarding house at pagpapadala ng baon kahit na nagbakasyon na..
kesyo naggagawa pa rin daw ng project, na pinaniwalaan naman ng mga tao dito sa bahay...

bukod pa yung putang inang fiesta na yan..
nag-volunteer na naman yung mga kaanak nila na mami-miesta..
tang ina!
hindi na ba sila nagsawa..?
magpapanggap na naman ba yung mga tao dito sa bahay..?
masaya ba sila na ultimo ipapakain nila sa mga bisita nila eh galing sa utang...?

basta ako, hindi na ako magpapautang para lang sa mga tang inang kapritso na yan...
feeling , ang lesson..? huwag ipangutang ang ipambabayad sa utang.. unless hindi yun patutubuan...
---o0o---


January 10, 2017...

may 32nd retirement na rin kaagad..
newbie ulit..
mukhang mahina ang sikmura ng mga latest recruits nila..
5 na kaagad yun in just a month..
mukhang hindi maganda ang taon na ito for them...

was feeling , lalo na kapag naging obligado na ang SIM Card registration...

>
[Business] 

bagong rule para sa nano-store:
  • kumpletong bayad muna bago iabot ang produkto

putang ina!
hindi ko maintindihan kung bakit ako tinatarantado ng mga tao nang ganito..
bakit, kulang pa ba para sa kanila na nasa minimum of Php 0.10 ang patubo ko sa mga produkto ko..?
hindi pa ba ako nagiging makatao sa kanila sa paraan kong iyon...?


parehas lang yung kaso sa parehong mga bata at matatanda..
gaano ba kahirap para sa kanila na iuwi yung produkto at bumalik kaagad para bayaran yung kulang nila..
iniisip ba nila na Php 1.00 lang naman yung kulang, kaya okay lang na hindi na nila ako bayaran..
ay putang ina!
nasa piso na yun ang tubo ko!
ibig sabihin, everytime na ako ang nagbabayad ng mga kulang nila, eh lumalabas na ipinamimigay ko na yung mga produkto at lugi pa ako dahil ako rin ang nagbabayad para sa tubo nun...

mga demonyo!
mga mapagsamantala!
sinira na nila yung loading raket ko noon..
pati ba naman nano-store ko eh lulugihin rin nila..
hindi ko kailangang maging ka-close ang mga ka-subdivision ko..
ang kailangan ko eh magbayad sila nang tapat sa akin...
was feeling , mga anay ng lipunan...
>
[Scams / Online Marketing / Public Interest]

may ilan kasi akong napansin na mga tricks ng mga scammers lately..
mostly applicable 'to para sa mga products na ibinibenta online...

1) Time-Adjusting Comments
hindi lang basta-basta fake comments ang mga ito..
kadalasan nagagawa ito ng mga sellers na may sariling website..
ang assumption ay yung mga nagbebenta rin ng products ang sumulat ng mga comments na pabor sa kanila..
pero hindi nga basta-basta yung mga comments na yun, dahil naa-adjust yung date kung kailan i-p-in-ost yung mga comments..
napansin ko lang, kasi nabasa ko na yung mga posts last December 2016 pa..
pero noong makita ko ulit sila (same posts) this January 2017, eh about 2 to 4 days ago na lang yung date nang pagpo-post..
i'm not yet sure kung automated yung pandaraya nila, o kung mano-mano na binabago yung coding...

2) Automated Promo Timer
madalas eh sa mga website rin na pagmamay-ari ng seller..
madali lang mahuli ang teknik na 'to..
usually, nati-trigger yung promo timer by visiting the website..
either random o fixed yung limited time offer na pinapatakbo nila..
countdown timer yun, so ang tendency dapat ay paunti nang paunti yung remaining time..
malalaman mong peke yung timer kung aalis ka doon sa website, visit another website or websites, tapos bumalik ka rin..
kung nag-reset yung timer sa dati nitong oras (noong una mong pasok doon sa website), or worse eh kapag mas lumaki pa yung nalalabing oras - then that means na peke yung promo timer na yun..
ginawa yung teknik na 'to para malinlang yung mga unsuspecting buyers..
kunwari eh ilang minuto na lang yung nalalabi para sa pagtatapos ng super sale nila, hoping na makaka-attract sila ng buyers..
pero ang totoo ay peke yung sale promo...

3) Fake Notifications
same as numbers 1 & 2, applicable lang sa sariling website ng seller..
usually, mobile devices naman yung target nito..
usually eh random yung nalabas na notifications..
nagpa-flash siya ng mga kunwaring real-time activities nung website, like; kesyo kung gaano karami ang sabay-sabay na visitors nila during a certain time, kesyo may customer from a certain province na kabibili lang ng product nila, at kung anong product ang kabebenta lang nila..
ginawa naman yung teknik na 'to in order to create an illusion na meron ngang bentahang nagaganap, at na malakas yung bentahan ng produkto nila...
was feeling , mga ginagamit ang kaalaman sa teknolohiya para sa pandaraya...
>
[TV Series]

The Greatest Love 

mabilis na kumalat yung balita sa lahat ng characters sa istorya..
si Paeng eh napagastos na sa taxi diretso papuntang San Ildefonso..
sinabihan ni Andrei si Ken na nasa coffee shop pa..
si Ken naman ang nagbalita kay Z (na nabanggit na kay Y ang tungkol sa Alzheimer's ng kanyang lola)..
sinabihan naman ni Lizelle si Peter..
kaso hindi ma-contact ni Peter si Mommy Glo..
natawagan naman niya si Mareng Lydia, pero wala rin itong alam sa nangyayari kay Gloria dahil inuna nitong daanan yung cake na para sa birthday ng kanyang bestfriend...

si Amanda naman ang pinaka-apektado sa kanilang lahat..
sinalo na ni Alvin yung meeting niya sana..
sinabihan na rin niya si Chad..
sobrang nagi-guilty siya dahil sa kabila ng away nilang mag-ina eh hindi naman niya gusto na mamatay na ito..
hindi niya raw mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama sa ina niya nang wala siya sa tabi nito...

unang nakarating si Andrei sa bahay nila..
hindi mababakas sa itsura ni Ate Melba na may problema doon, ang totoo eh nagtataka pa nga ito..
katok na nang katok si Andrei sa kuwarto ni Mommy Glo pero walang nagbubukas ng pinto nito, ipinakuha na tuloy niya kay Ate Melba yung susi..
halos sabay namang dumating sina Paeng at Lizelle..
nagkasalubong sila, at sa unang pagkakataon sa loob ng mahabang panahon eh nagbatian silang dalawa, at kaagad pumasok sa kanilang bahay nang marinig si Andrei..
nakarating na rin si Mareng Lydia doon nang maiabot ni Ate Melba yung susi...

kaagad silang lumapit sa kama ni Mommy Glo at ginising ito..
at nagising naman ito na parang walang problema..
masigla pa nga siya eh..
pero andami niyang nakalimutan sa mga nagawa niya..
naiintindihan naman ito nina Mareng Lydia at Paeng kaya g-in-uide nila si Mommy Glo sa pagsasalita nito..
hindi nagagalit si Paeng dahil alam niya ang sakit ng kanilang ina..
nakalimutan ni Mommy Glo yung i-t-in-ext niya sa mga anak niya..
ang naaalala lang daw niya ay yung pakiramdam na parang mamamatay na siya dahil wala ang kanyang mga anak, pero hindi yung text..
yung naging pagtatalo nila nina Andrei at Lizelle noong isang araw ay parang nakalimutan na rin niya..
at maging ang mismong birthday niya ay nakalimutan niya..
masaya siya na makita ang 3 niyang anak..
pero malungkot na hindi pa rin sila nakumpleto..
ganun daw pala kung sakali, maging sa mismong kamatayan niya eh hindi sila makukumpleto...

nang nasa hapag na yung 3 bata ay ipinaalala ni Mareng Lydia kay Gloria ang dapat nitong ipagtapat sa iba pa niyang mga anak..
pero nagdadalawang isip pa si Mommy Glo dahil nga wala si Amanda..
pero sinabi ng bestfriend niya na dapat niya na yung sabihin habang may pagkakataon pa..
at sumang-ayon na rin nga si Mommy Glo..
mabigat daw yun sa loob, pero baka yun na nga lang daw ang maging daan para maayos na ang pamilya niya..
after that eh umalis na muna si Mareng Lydia para kuhanin yung cake mula sa bake shop...

kahit kulang ay nag-celebrate na rin yung 4..
maging si Paeng eh nakikisali sa kanila..
sa pagdarasal eh hiniling ni Mommy Glo sa diyos na bigyan siya ng lakas ng loob para ipagtapat sa mga bata ang tungkol sa sakit niya..
parang may ideya na rin si Paeng sa plano ng kanilang ina..
pero kahit sa huling sandali eh hintay pa rin nang hintay si Mommy Glo para sa kanyang panganay...

dumating na si Amanda, pero hindi niya kaagad nagawang bumaba ng sasakyan niya..
bago pumasok sa kanilang bakuran eh naalala pa niya lahat ng masasamang bagay na nasabi niya kay Mommy Glo..
pero nang pumasok na siya sa kanilang bahay ay nagtaka siya na parang masaya pa ang lahat ng nasa itaas..
at nang umakyat siya, ay tila masayang kainan nga ang setup doon..
nasurpresa si Mommy Glo, at masayang-masaya siya na nakumpleto na ang 4 niyang anak..
yayakapin na sana niya ang kanyang panganay, pero nagalit na naman ito..
hindi naging maganda ang dating sa kanya ng invitation sa kanila ni Mommy Glo...
was feeling , mangyayari na nga yung pinaka-unang preview nung palabas.. drastic blackout na para kay Mommy Glo, at nahuli si Z nang dating...
---o0o---


January 11, 2017...

[TV Series]

The Greatest Love 

nga pala..
itinuro na ni Mommy Glo yung recipe niya ng mga paboritong pagkain ng kanyang mga anak kay Ate Melba..
para in case daw na hindi na siya makaalala...

galit na naman nga si Amanda..
magtatalo na sana sila ni Andrei, pero nakiusap ang ina na umupo na muna sila..
may ipagtatapat daw siya, nagbigay naman si Mommy Glo ng hint kay Paeng na ipapaalam na niya yung sakit niya sa kanilang lahat..
kaya nakiusap ang matanda na pakinggan muna ni Amanda ang lahat ng kanyang sasabihin..
pero inunahan na naman ni Amanda ang kanilang ina, na kesyo nagpapapansin lang ito at pinapaikot sila parati..
nasigawan ni Paeng ang ate nila, dahil alam nga niya na mahalaga ang sasabihin ni Mommy Glo..
pero dun nagsimula ang pagtatalo nilang lahat, yung 3 laban kay Amanda..
saktong dating ni Z, naiwan si Ken sa labas para i-park yung kotse niya..
at saktong binitawan rin ni Amanda yung linya niya, na parati na lang silang nagsasabong na magkakapatid tuwing nagkakasama-sama sila, at sana namatay na nga lang si Mommy Glo para tapos na..
sa puntong yun, nag-blackout na muli si Mommy Glo, lagpas pa sa panahon kung kailan may mga anak na siya, at parang bahagya niya lang nakikilala si Mareng Lydia..
na-shock ang kadarating lang na si Mareng Lydia, si Z, at si Paeng..
nagtataka naman sina Andrei at Lizelle..
pero tinuring lang ni Amanda na joke yun..
natatakot na si Mommy Glo sa kanila; andaming hindi niya kilalang tao sa bahay nila, nag-aaway-away sila, at maiingay..
hanggang sa inawat na mismo ni Z ang kanyang ina, at ni-reveal na may Alzheimer's ito, iniwan niyang naka-play sa isang cellphone yung video ng kanyang lola..
guho silang lahat sa revelation ni Z..
pinasamahan na muna ni Mareng Lydia si Mommy Glo kay Z sa loob ng kuwarto nito..
huwag daw ipakita ng binatilyo sa lola niya na umiiyak siya, at himas-himasin lang daw niya ito para ma-relax...

naupo si Amanda para panoorin yung video..
gusto sanang sundan ni Lizelle ang kanilang ina, pero inawat sila ni Mareng Lydia..
maguguluhan lang daw yung isa dahil hindi sila nito nakikilala..
naiyak silang lahat habang pinapanood yung revelation video ni Mommy Glo..
after that, hiniling ni Amanda kay Mareng Lydia na sabihin na hindi totoo yun, hindi daw siya magagalit..
pero yun ang totoo...

sa loob ng kuwarto..
naging over protective si Mommy Glo sa mga gamit nila..
itinatago niya yung iba dahil andami nga daw niyang hindi kilalang tao doon..
sinubukan naman ni Z na pakalmahin ang matanda at i-explain dito kung sinu-sino ba sila..
fortunately, hindi naman siya bayolente dun sa bata...

lumipat sina Mareng Lydia sa sala, para mailayo yung ingay kay Mommy Glo..
medyo bumukod si Paeng at tumahimik lang..
at nagsimula nga siyang mag-explain sa mga anak ng bestfriend niya..
mga 6 months na daw niyang alam yung tungkol sa sakit ni Mommy Glo..
na-guilty naman si Lizelle dahil na-realize niya na pasok sa time frame na yun yung panahon kung kailan iniwan niya ang kanyang ina..
bilin daw ni Mommy Glo na huwag munang sabihin sa mga bata yung tungkol sa sakit niya..
at everytime naman na plano na niyang aminin ang tungkol dun, eh laging may nangyayari at nag-aaway-away ang magkakapatid..
dahil dun ay hindi daw magawa nung isa na umamin, dahil ayaw nitong magkasundo lang ang mga bata para lang sa kanya, at na patawarin siya ng mga ito ng dahil lang sa may sakit siya..
dahil ginusto niya na maging sincere pa rin ang lahat...

balik sa kuwarto..
nakumbinsi ni Z na humiga si Mommy Glo..
takot siya na maiwan mag-isa..
nadaan niya ito sa music therapy by humming her favorite song..
at napatulog niya rin ito...

nasa San Ildefonso na rin sina Peter at Pareng Joma..
alalang-alala na siya para kay Gloria..
pero hindi niya ito mapuntahan dahil sa mga bata na galit sa kanya...

balik sa sala..
sinabi ni Mareng Lydia kung sinu-sino pa ang nakakaalam tungkol sa sakit ng bestfriend niya..
si Peter daw yung isa..
na-realize naman ni Lizelle na palihim siyang ini-encourage ng kanyang ama para alagaan ang kanyang ina..
at si Paeng daw yung isa, na ikinagulat nung iba..
bahagyang nagalit ang magkakapatid kay Paeng, pero si Andrei ang pinaka-nagalit..
alam na daw nito ang tungkol sa Alzheimer's ng kanilang ina noong muli itong tumira sa bahay nila, pero nagawa pa rin nitong lokohin si Mommy Glo, at ang kapal daw ng mukha nito..
kaya daw pala ang tahimik nito ngayon..
hindi na lumalaban si Paeng, at nakiusap na si Mareng Lydia sa mga bata na awat na at tama na ang away..
dahil kailangan nila ngayong magtulung-tulungan para kay Mommy Glo...
was feeling , swerte nila dahil nasa on and off stage pa naman si Mommy Glo...
---o0o---


January 12, 2017...

so bumalik na nga siya..
mukhang full time na ulit...

mag-aalala na naman ako para sa kanya..
iba pa kasi yung sitwasyon niya nitong mga nakaraang buwan..
at least noon eh filtered by someone yung mga clients niya..
hindi gaya ngayon na siya na ulit ang may hawak ng contact phone niya...


i don't know..
i'm not sure..
baka pinakiusapan siya ng management nila para tulungan yung current (small) roster..
baka ginagawa niya 'to dahil sa utang na loob...

worse..
andun na kaagad si Happily Married Rich Old Client..
takam na takam na ulit sa kanya...
was feeling , you're cruel, FATE!
>
[TV Series]

The Greatest Love 

umatras na sina Peter at Joma sa pagpunta sa San Ildefonso matapos sabihin ni Mareng Lydia na okay na si Gloria..
kailangan din daw kasing bigyan ng panahon para makapag-usap yung mga bata...

napa-MMK naman yung 4 na anak habang natutulog si Mommy Glo..
nagi-guilty sila sa mga nagawa nila sa kanilang ina..
pero pinakamalupit talaga yung ginawa ni Paeng na pangungutang at pagnanakaw..
si Amanda naman ay nag-research, at nalaman na may mga paraan nga para ma-delay man lamang yung progress nung sakit...

dumating na rin si Chad..
hindi na daw alam ni Amanda kung paano pa niya haharapin ang kanyang ina at maging yung iba matapos ang lahat ng nagawa niya dito..
pero sinabi ni Chad na siya ang panganay kaya kailangan niyang maging matatag para sa kanilang lahat..
palagi naman daw mapagtawad sa mga anak ang mga inang kagaya niya...

si Andrei naman eh takot na hindi niya alam kung paano aalagaan ang kanilang ina..
kaya pinayuhan lang siya ni Ken na mag-umpisa rin lang sa pagmamahal, na siyang kalakasan ni Andrei...

napatawag naman si Sandro kay Lizelle, nagbabakasakali na nasa San Ildefonso yung dalaga..
gusto kasi ng binata na batiin si Mommy Glo sa birthday nito, kaso hindi niya ito ma-contact..
hindi rin siya nakauwi sa San Ildefonso that day dahil sa trabaho niya..
ipinaalam nga ni Lizelle ang sakit ng kanilang ina sa kanyang manliligaw..
alalang-alala si Sandro at gusto nang sumugod sa San Ildefonso dahil sa kanyang nanay-nanayan, pero huwag na muna daw sabi ni Lizelle dahil late na rin, saka na lang daw kapag free na talaga si Sandro...

nagising na si Mommy Glo, at nakakaalala na ulit siya..
nagulat siya nang makita na nasa tabi na niya si Z..
nagising na rin si Z at sinabi sa kanyang lola ang nangyari..
malabo naman ang fragments ng memory ng matanda tungkol sa mga naganap earlier..
namalayan sila ni Mareng Lydia, kaya pinuntahan sila nito..
hindi niya muna pinasama yung iba para i-check kung nakakakilala na ba ang kanyang bestfriend..
sinabi nga ni Mareng Lydia na alam na ng mga bata ang tungkol sa Alzheimer's ni Mommy Glo..
nag-sorry naman si Z, kasalanan daw niya dahil kinopya niya yung mga video logs ng lola niya para sa birthday nito..
noon rin lang ulit naalala ni Mommy Glo na birthday niya pala..
at nagalak siya na malaman na nakumpleto pala sila para sa kaarawan niya...

lumapit yung iba sa kuwarto niya para makiramdam..
naunang lumabas si Mareng Lydia, at sinenyasan si Mommy Glo na salubungin na ang mga bata..
nag-sorry kaagad siya na hindi niya kaagad naipagtapat yung tungkol sa sakit niya, naunawaan naman siya ng kanyang mga anak..
at ipinaalala niya sa mga ito na kahit na makalimot na ang kanyang isipan, ay hinding-hindi naman sila makakalimutan ng kanyang puso..
kaagad napayakap sina Andrei at Lizelle sa kanilang ina..
nahihiya naman si Paeng dahil nga sa mga kasamaan niya, pero pinakita ni Mommy Glo na napatawad na niya ito..
at huli niyang inalo si Amanda, na sising-sisi rin sa mga nagawa niya sa kanyang ina..
maging sina Chad at Ken ay pinayakap rin ni Mommy Glo..
at natuloy rin nang maayos at mapayapa ang 60th birthday celebration ni Gloria..
at natupad pa yung kaisa-isa niyang hiling sa ngayon...
feeling , wala ng preview...

>
i texted her today to ask kung bakit nga ba siya ganap na bumalik..
kaso sumagot yung may hawak nung contact number na para bang hindi niya ako kilala..
so napaisip ako kung siya ba talaga yun..
sa ngayon, hindi ko alam kung sinong nagpi-piloto sa number na yun...

ang bigat sa pakiramdam..
gusto ko siyang tulungan..
pero hindi ko siya magagawang tulungan kung hindi ko rin matutulungan ang sarili ko..
at nakakabuwisit isipin na pagdating sa ibang tao eh hindi na nagtatanong yung mga kasama ko dito sa bahay, at bigay na lang nang bigay ng pera..
manakawan man ng pera, mabasagan man ng phone, mabasagan man ng salamin sa mata, mag-repeat man nang mag-repeat ng mga subjects, mawalan man ng phone, etc..
pero ako..
nanghihiram lang ng pambili ng laptop para lang masimulan ko na ang mga projects ko, para masabayan man lang yung panahon ng pag-iipon ko..
pero requirement pagdating sa akin na sabihin ko muna kung saan ko dinala yung Php 30,000..?
eh pera ko naman yun, at ginastos ko yun more than a year bago ko pa napagana yung 3D software..
bakit sobrang unfair nila pagdating sa akin...?

tapos ultimo mga kapitbahay namin eh ginagawa ding demonyo ng FATE against me at sa mga raket ko...
was feeling , bakit ganito ka-putang ina ang tadhana ko...?
---o0o---


January 13, 2017...

i texted her again last night..
on that same number na hindi ko alam kung sino ang nagha-handle..
told her how i feel..
na nag-aalala ako para sa kanya..
i also asked for a favor, na if ever hindi siya yung gusto ko talagang makausap, ay paki-relay naman nung message kay Miss C...

pero hindi na talaga siya nagre-reply...
was feeling , first question, how do i get out of this f*cking cursed loop...?
>
wait the f*ck...?

totoong Silent Sanctuary ba 'tong tumutugtog ngayon sa kabilang bakod, sa may [Religious Establishment]..?
may violinist at wild yung crowd eh...

(about an hour later..)
Makakating Bulate naman...

was feeling , FREE LIVE band...
>
[TV Series]

The Greatest Love 

nakabalik na nga sa pagpapa-checkup si Mommy Glo, at masaya siya ngayon..
kasama na kasi niya ang kanyang mga anak this time..
oras na ulit para sa clock test...

nandoon naman sa isa pang doktor yung mga bata, kasama si Mareng Lydia, si Z ay nasa lobby lang..
nagtaka yung male doctor kung bakit hindi na kasama si Peter, sinabi naman ni Amanda na sila na ang makakasama ng kanilang ina from now on..
kumusta naman daw si Mommy Glo..?
naikuwento nga ni Mareng Lydia yung tungkol sa death text nito, at yung pagiging emosyonal at malungkutin nitong nakaraan..
hindi naman makapagsalita yung mga bata dahil guilty silang lahat sa pagpapalungkot sa kanilang ina..
yung depression nga daw yung posibleng rason kung bakit ito unconsciously nag-text tungkol sa kamatayan nito..
pero ano ba daw kaya yung nag-trigger nun...?

si Z naman eh tinawagan si Y..
nag-aalala na rin yung dalagita para kay Mommy La..
isipin na lang daw ni Z na kasama niya lang si Y sa ganitong panahon..
ipagdasal na lang daw nito na bumuti na ang lahat, at na magka-ayos-ayos na ang mga anak ni Mommy La...

balik sa clinic..
no choice na si Andrei kundi sabihin na sa doktor yung totoong nangyari..
si Amanda eh medyo naghuhugas kamay pa..
at yun nga daw, nag-snap si Mommy Glo sa pagtatalong iyon ng magkakapatid..
kung ganun daw ay mukhang malaki ang naging pag-decline ng kondisyon ni Mommy Glo dahil sa depression niya..
pero 8 months pa lang naman daw simula noong ma-diagnose na may Alzheimer's yung kanilang ina..
pero ipinaliwanag ng doktor na possible kasing late na rin na-detect yung sakit, dahil nga hindi siya madaling ma-detect kung hindi familiar yung mga tao..
sabihin daw sa kanila yung lahat tungkol sa sakit ng kanilang ina at kung paano pa sila makakatulong...

pumasok na yung babaeng doktor para sabihin yung latest evaluation kay Mommy Glo..
ikinumpara niya yung dating drawing ng orasan ng pasyente at yung latest..
magkaiba na nga yung 2, parehas na mali yung oras, pero paiwa-iwarang na yung latest..
mukhang mas malala na daw ngayon si Mommy Glo, apektado na ang motor skills nito, at nasa moderate-severe na ang stage..
sa puntong yun ay nagsimulang magsisihan at magtalo ang magkakapatid, maliban kay Lizelle..
Andrei at Paeng versus Amanda..
inawat naman sila ni Mareng Lydia..
alam na daw ngayon nung doktor kung bakit hindi isinasama ng pasyente ang mga anak niya noon, dahil magugulo ang mga ito..
family disease daw ang Alzheimer's, kaya kailangan nilang matutong magtulungan at magmahalan, or else eh magkakawatak-watak sila...

nakahabol naman si Peter sa ospital..
pinag-alala daw siya ng biyuda, nag-sorry naman yung babae, okay na daw yun, at binati niya ito ng Happy Birthday..
gusto niyang makausap ang mga bata, at si Gloria..
dapat na daw nilang harapin ang problema..
natatakot si Gloria, pero si Peter na daw ang bahala...

nag-usap muna sina Peter at Lizelle..
natatakot daw yung dalaga na baka magalit sina Amanda at Paeng..
si Z naman ay pumunta na muna sa coffee shop..
oras na ng pag-uusap..
hindi na um-order ang mga bata, direct to the point na daw..
nagpasalamat si Peter para sa pagkakataon na yun..
nagpaliguy-ligoy, at muling ipinaalala ni Amanda na diretsahin na sila..
gusto daw alagaan ni Peter si Mommy Glo..
kung ganun daw ay sumabay na lang ito sa schedule o turn ni Lizelle kapag meron na..
pero gusto daw pakasalan ni Peter si Gloria, napangiti naman si Lizelle sa sinabi ng kanyang ama..
ano yun, babakuran daw niya si Mommy Glo, kung kailan pa nagkaka-ayos na sila..?
pero willing daw si Peter na patuluyin yung mga bata sa bahay nila..
tutol naman si Amanda, hindi daw niya gagawin kina Peter yung ginagawa ni Peter sa pamamahay ng kanilang ama na si Andres..
pero mahal daw ni Peter si Gloria noon pa man..
kaya bakit hindi daw nila hayaan na ito ang magdesisyon para sa sarili nito, habang kaya pa nito..?
kahit daw si Gloria pa mismo ang hindi pumayag sa proposal ni Peter, eh mamahalin pa rin niya ito at aalagaan hanggang sa huli..
medyo naging emosyonal na rin sina Amanda at Paeng sa puntong iyon..
nagpa-excuse si Mr. A dahil nagiging emosyonal na rin siya..
natuwa naman sa kanya sina Andrei at Lizelle...
was feeling , nope, wala pang Change is Coming for them...
>
[Medical Condition]

since late last year mas nararamdaman ko na yung cyst ko..
na para bang may bigat na siya..
na sinisiksik na nung mass niya yung mga lehitimo kong laman sa loob ng aking katawan...

noong una, akala ko nagda-darken lang yung kulay ng balat ko dahil nababanat na nga siya..
pero nag-start na ngang magkaroon ng parang namumuong dugo sa loob...

this is bullshit!
sunud-sunod ang mga kaparusahan ko..
pero wala man lamang akong pag-asang lumaban...

>
i was surprised kanina..
bale nitong gabi lang..
bigla kasing may nag-text sa akin...

ang sabi niya pauwi na daw siya sa probinsiya..
pero she'll talk to me next week kapag nasa NCR na ulit siya..
so nagtaka ako..
napaisip ako kung para sa akin ba yung message na yun..
nasabi ko na kasi sa kanya yung gusto kong sabihin, kaya wala akong makitang dahilan kung bakit mag-uusap pa kami over the phone..
kaya ayun, t-in-ext ko siya na kesyo parang na-wrong send yata siya..
baka kako may ibang tao na naghihintay nung reply niyang yun...


tapos nag-reply siya..
para daw talaga sa akin yung text niya na yun...

ewan..
honestly, hindi ko na inaasahan na kakausapin niya nga ako by next week..
i'm assuming kasi na magiging busy na ulit siya eh..
at madali lang makalimutan yung ganung mga maliliit na bagay...

ano pa nga bang kaya kong gawin..?
hindi na ako makakabalik..
hindi ko na mababago yung mga naging desisyon ko na sa buhay ko..
matanda na ako..
my diseases (abnormalities) are consuming me..
my inner demon is corrupting me sa pamamagitan nang madalas niyang pagsulpot lately..
lahat ng gawin kong effort eh nasisira o eventually humihina..
parang kulang na nga lang talaga eh makita ko na ang sarili kong kamatayan eh...
was feeling , if you're really there..? kung sa tingin mo wala na akong pag-asa at deserving talaga ako para sa apoy ng impiyerno.. baka naman kahit man lamang sa kanya eh pwede kang maging mabait.. please save her...

No comments:

Post a Comment