Friday, December 30, 2016

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of December 2016 (A Few DAZ)

last update ko na 'to for the Year 2016...


sobrang lupit pa rin ng FATE pagdating sa akin..
at ang natutunan ko...?

yung pagkakaayos ng FATE o tadhana ng bawat tao eh pwedeng ikumpara sa pagkabuo ng mga ulap..
merong mga madidilim at mabibigat na ulap na nagdadala ng pag-ulan..
meron rin naman yung mga parang nagre-relax lang sa magandang panahon, o sa banayad na sikat ng araw..
kung saan ka napabilang, o kung anong tipo yung mga nakapaligid sa'yo, eh kayang-kaya kang maapektuhan..
hindi siya yung tipo na mapipili mo basta-basta..
kung nasa madilim na ulap ka, huwag kang aasa na basta-basta lang darating ang sikat ng araw para sa'yo habang umuulan yung buong kaulapan sa paligid mo...

ang tadhana ng bawat tao eh hindi lang dependent sa sarili niyang mga desisyon sa buhay..
in a way, makakadugsong ang tadhana ng mga tao sa mundo..
lalo na dahil sa konsepto na tinatawag na 'pamilya'..
every move or decision in a personal level, eh posibleng magkaroon ng epekto o impact sa buhay ng ibang tao...

kasi minsan, kahit na gusto mong maging stable lang sa buhay, o di kaya kahit na gusto mong manahimik lang sa sarili mong buhay..
eh andiyan yung FATE ng ibang tao para apektuhan yung sarili mong buhay...

halimbawa..
kahit mag-save ka nang mag-save ng pera para sa personal mong pangangailangan, kung walang kuwenta naman yung pamamaraan ng paggastos ng mga taong nakapaligid sa'yo - eh madadamay at madadamay ka rin sa kamalasan nila (lalo na kung utangan na ang pinag-uusapan)..
o di kaya..
kahit na gusto mong manahimik lang, yung tipo na ayaw ng gulo..
kapag mga basag-ulo naman yung mga tao sa paligid mo, at nangpo-provoke ng away - eh mapapaaway at mapapaaway ka...

kaya naman kung gusto mo ng magandang FATE sa buhay..?
eh subukan mong paligiran ang sarili mo ng mabubuti, masasayahin, at masusuwerteng mga tao..
not necessarily mayayaman o naggagandahan..
kung kaya mo naman, iwanan at pabayaan mo na lang lahat ng mga tao na negatibo ang influence para sa'yo...

---o0o---


December 26, 2016...

na-miss ko 'to..
sumundot lang ng konti sa DAZ..
took 30 minutes to extract my library...

nag-testing lang ng mga importanteng components...

>
[Medical Condition]

during the 3rd application..
halos wala na yung sting nung Salicylic Acid..
but it is still burning...
was feeling , konti pa...
---o0o---


December 27, 2016...

pesteng Bagyong Nina yan!

ngayon na nga lang ulit ako nakapag-DAZ eh..
since August 2016 yun..
tapos manggugulo pa..
alagad ng FATE!


ang masama pa dun..
may kuryente na sa bayan kahapon ng hapon, pero pasado 10:00 PM na sa area namin eh brownout pa rin..
kaya ayun, magpo- 4:00 AM ko pa tuloy namalayan na may kuryente na at pwede na ulit akong magtrabaho...
was feeling , f*ck FATE! ambastos mo!
>
[TV Series]

The Greatest Love 

at dahil brownout kahapon dahil sa pesteng Bagyong Nina na yun..
hindi ko tuloy alam kung nag-skip ba ng New Year yung istorya..
basta bagong taon na sa kanila ngayon..
basta eh na-badtrip rin nga sina Amanda at Paeng nang malaman na nakapasok si Mr. A sa pamamahay ng Ama nila...


sina Andrei at Ken ay umamin na nga kay Mommy Glo tungkol sa totoo nilang relasyon..
nagtaka naman si Andrei sa naging reaksiyon ng kanyang ina..
matagal na daw kasi nitong napansin na malambot si Andrei, noong bata pa lang ito..
tinanong ng bata kung bakit hindi yun sinabi sa kanya ng kanyang ina..
at sinabi naman ni Mommy Glo na hinintay niya lang na si Andrei ang umamin nito sa kanya..
mabilis rin namang natanggap ni Mommy Glo ang relasyon ng dalawang lalaki, dahil nakikita rin naman niya na mabuting tao si Ken..
at kasali na nga si Ken sa mga group hug-an, at invited din siya sa nalalapit na birthday ni Mommy Glo...

February 23 ang birthday ni Gloria..
kaya ngayon pa lang eh inire-reserve na ni Peter yung date na yun, para walang conflict sa trabaho niya...

nakabalik na rin si Mareng Lydia galing Australia..
naikuwento nga sa kanya ni Gloria na nagkaaminan na ulit silang 2 ni Peter tungkol sa totoo nilang nararamdaman para sa isa't isa...

si Z eh dinadaan pa rin sa simpleng galawan si Y...

iniisip naman nina Andrei at Lizelle kung paano sila makukumpletong magkakapatid sa kaarawan ng nanay nila..
nag-meeting sina Andrei, Amanda, at Paeng sa coffee shop, gusto rin kasing malaman nung 2 kung paanong nakatuloy si Mr. A sa bahay ng pamilya nila..
gusto rin nilang malaman kung ano nga ang namamagitan dun sa 2 matanda..
sinabi nga ni Andrei na napadpad lang yung tao doon para ihatid si Lizelle, na siya rin yung nakakita kay Mommy Glo, kaya inimbita na nila siya para sa Noche Buena..
sinabi rin niya na magkaibigan lang yung 2..
si Paeng naman eh nag-alala noong marinig yung kuwento ni Andrei tungkol sa muling pagkawala ng kanilang ina, mukhang naalala niya yung tungkol sa sakit nito..
okay lang daw para kay Amanda na pumunta sa birthday ni Mommy Glo, basta ba hindi na niya makikita ulit doon si Mr. A..
si Paeng naman eh ayaw ring makita si Lizelle...
was feeling , 2017...
>
iba talaga yung dating kapag gusto mo yung ginagawa mo..
kapag gusto mo yung career na inaabot mo...

waking up at 4:00 AM eh parang mani lang..
walang nakakatamad factor..
maging sa tanghali, hindi naghahanap ang katawan mo ng siesta basta alam mo na may gagawin ka..
yun nga lang - parang ambilis lumipas ng oras kapag totoong gusto mo yung pinagkakaabalahan mo...


pero muli..
hanggang dito na lang muna yun...
was feeling , ang career na basta ginagawa na lang - hindi na ina-apply-an...
---o0o---


December 28, 2016...

[TV Series]

The Greatest Love 

dahil mukhang naging mabait na ulit sa kanya si Amanda, sinadya ito ni Mommy Glo sa kanilang office para dalhan ng Kare-kare..
ikinuha na siya ng driver ni Peter, para makasigurado yung lalaki na hindi naman siya mag-iisa..
si Mareng Lydia naman eh hindi siya nagawang samahan that day...


kaso sa office, eh si Greta pala yung h-in-ire ni Alvin para sa pag-handle ng kontrata sa kompanya nina Lizelle..
galit na galit tuloy si Amanda dahil matagal na silang magkaaway ni Greta..
nag-walk out si Amanda sa meeting nila..
sakto namang nasa labas na ng pinto nila si Mommy Glo, aksidente silang nagkabanggaan kung kaya't natapon kay Amanda at sa sahig yung dala-dalang Kare-kare ng kanyang ina..
sinundan ni Mommy Glo si Amanda hanggang sa sasakyan nito, pero dahil buwiset na buwiset si Amanda noon eh hindi niya sinasadyang maitumba ang kanyang ina dahil sa pagpipigilan nila..
maging si Amanda eh nabigla naman sa nagawa niya..
sakto namang nakita ni Peter yung pangyayari, siguro sinundan niya si Gloria dahil sa pag-aalala..
dahil dun eh hindi na napigilan na sumabog ni Peter..
hindi na kasi niya gusto yung nagiging pagtrato ng ibang anak ni Gloria sa kanilang mismong ina..
tinanong siya ni Amanda kung ano bang pakialam niya sa pamilya nila..
at inamin na nga ni Peter na mahal niya si Gloria at ayaw niyang nakikita na ganun ang ginagawa dito ng mga anak nito..
na-misinterpret tuloy ni Amanda yung claim ni Peter at naisip na may relasyon na nga yung dalawa..
dahil dun eh mas nasaktan tuloy si Amanda..
inalis na ni Peter sa lugar na yun si Gloria..
si Mommy Glo naman eh parang nabigla rin at hindi makapagpaliwanag nang husto sa kanyang panganay...

si Zosimo naman ay ayun..
parang kinontrata na sa loveteam si Waywaya..
tinanong kasi nung dalagita kung bakit siya hinalikan nito noon..
sinabi naman ni Z na dahil sa gusto niya si Y, at naibalik niya yung tanong sa babae..
naulit nga ni Y na wala pa siyang balak mag-boyfriend dahil sa family niya, at na sinabi nga rin noon ni Z na wala pa rin itong balak na mag-girlfriend dahil hindi yun ang priority niya..
sinabi naman ni Z na hindi naman puwerket nagtatanong na siya eh papasok na sila sa isang relationship..
gusto niya lang daw malaman sa ngayon kung gusto rin ba siya ni Y..
tumango na lang yung dalagita..
at nagpatuloy na sila sa paghuhugas sa kitchen, kahit na hindi naman oras ng shift ni Z...
feeling , magkakagulo na ulit sila...
---o0o---


December 29, 2016...

1st anniversary ngayon ng pagkakakilala namin ni Miss H...

ang isa sa dalawang pinakamaganda at pinaka-seksing babae na nangyari sa buhay ko..
at ang pinakamalambing at ang pinaka-close sa pagmamahal na pwede kong maranasan...

too bad hindi ko na siya kayang makita this time..
pero mabuti na rin at nagkita naman kami last month...
feeling , career na muna bago ang makipaglaro sa mga diyosa ng apoy...
>
[TV Series]

The Greatest Love 

humingi ng tawad si Peter kay Gloria sa nagawa niya..
nangamba rin si Gloria sa ginawang pag-amin ni Peter sa panganay niya dahil baka lalo silang hindi magkaayos..
iniwan na ni Gloria si Peter sa sasakyan nito, pero pinigilan siya nito..
gusto ni Peter na magkaroon pa silang 2 ng oras para sa mga sarili nila..
pero basted na naman si Peter sa pangatlong pagkakataon..
naging AlDub na sila, maghihintay din sa tamang panahon..
gusto munang ayusin ni Gloria ang gusot sa pamilya niya..
sinabi naman ni Peter na handa siyang maghintay kahit gaano pa katagal...


sobrang nasaktan si Amanda dahil na-misinterpret niya yung ginawang pag-amin ni Mr. A..
nasugod niya tuloy maging si Andrei at pinagbintangan na din ito na sinungaling..
nag-iskandalo na naman siya sa coffee shop..
sinabi ni Andrei na napapansin niyang close yung 2, pero yun lang..
wala rin naman daw mali kung may nabubuo man sa pagitan nung biyudo at biyuda..
at galit na iniwan ni Amanda si Andrei...

nagsumbong si Amanda kay Paeng..
hindi na daw sila pupunta sa Senior Citizen Day ng nanay nila dahil dun..
maging si Chad eh napag-initan ni Amanda...

nasaktan rin si Paeng sa nabalitaan niya..
gusto niya na sila lang ang pamilya ni Mommy Glo..
dahil dun eh nabaling ulit ang atensyon niya sa sugalan..
doon pala direktang nakasangla yung bahay ng tatay nila..
at balak na yung angkinin nung tauhan doon sa pasugalan..
connected pala siya sa tita ng mga Allegre, sa pinsan ni Andres..
at balak na nga rin nito na makuha yung ancestral house ng angkan nila...

si Peter naman eh nagkuwento kay Lizelle, maliban yung tungkol sa pagkapanakit ni Amanda sa nanay nila..
huwag daw mag-alala si Peter, dahil boto naman sina Lizelle at Andrei sa kanya, kahit na tutol sa kanya sina Amanda at Paeng...

naipaalam na rin ni Mommy Glo kay Mareng Lydia na tinaasan na nga ang dosage ng mga gamot niya...

sa ad agency naman..
badtrip pa rin si Amanda dahil hindi napaalis ni Alvin si Greta..
nagpasok pala 'to ng pera sa kompanya para maging partner nila..
saktong may meeting si Greta at Lizelle..
at aksidente o pasadya niyang naulit kay Lizelle ang nagawa ni Amanda na kawalan ng galang sa nanay nila...
was feeling , sakitan mode na ang susunod...
---o0o---


December 30, 2016...

[Manga]
was feeling , minus 1 week, the last chapter for this year.. less than 52 ulit next year.. dumating na ang resbak 2.. pabagsakin na yang maruming Charlotte Family na yan...
>
[TV Series]

The Greatest Love

problemado na nga ulit si Paeng sa pera..
pinuntahan niya si Amanda sa office nito para i-suggest na ibenta na yung bahay ng Tatay nila sa San Ildefonso..
sinusubukan niyang kumbinsihin ang ate niya na hindi yun dapat mapakinabangan nina Mr. A at Lizelle..
at na makakatulong rin yun sa kanila ngayon since gipit sila sa pera..
pero yung pera lang naman talaga ang mas pakay ni Paeng...


nakausap ni Amanda si Chad tungkol sa suggestion ni Paeng..
ayaw sanang ibenta ni Amanda yung bahay..
pero pinaglalaruan ng demonyo ang isip niya..
sa kabila ng yaman nina Mr. A, eh iniisip niya na gugustuhin pa ring pag-interesan ni Lizelle ang bahay ni Andres puwerket anak ito sa labas..
ayaw niyang magkaroon ng karapatan sina Mr. A at Lizelle dun sa bahay in case makasal nga sina Mommy Glo at Mr. A..
nagawa nga daw nito na agawin noon si Mommy Glo habang buhay pa ang tatay nilang si Andres, ano pa daw kaya yung bahay nila..?
sinabi naman ni Chad na walang direktang say sa bagay na yun si Amanda dahil hindi sa kanya nakapangalan yung bahay..
kaya kailangan talaga nitong kausapin muna si Mommy Glo kung gusto nilang ibenta na yung bahay...

napasugod si Lizelle sa San Ildefonso dahil sa nalaman niya mula kay Greta..
bakit ba daw hindi na lang nga magpakasal si Mommy Glo sa tatay niya since ganun naman ang trato dito ng iba niyang anak..?
saktong dating naman ni Amanda at narinig yung statement na yun ni Lizelle..
naisip niya tuloy na sinisira nga ni Lizelle yung pamilya nila, habang binubuo naman yung sa kanila lang..
nagkasakitan sila; nasampal si Lizelle pero hindi siya lumaban, muling naitumba ni Amanda si Mommy Glo, sinabunutan palabas si Lizelle habang pinapamukha dito na wala siyang karapatan sa bahay nila dahil hindi naman siya Allegre, at itinulak rin ang bunso nila padapa sa kalye..
naiyak rin naman si Amanda..
samantalang bumalik kay Mommy Glo yung alaala ng kawalang-galang at aksidenteng pananakit sa kanya ni Amanda nang makita ang ginawa nito kay Lizelle..
sumabog na rin si Mommy Glo..
hindi na niya gusto ang kawalang-galang sa kanya ng panganay niya, at ang kawalan ng awa nito kay Lizelle..
dahil dun ay nasampal na niya si Amanda..
iginigiit ni Mommy Glo na si Amanda ang dapat na umalis dahil bahay nila yung mag-asawa..
iginiit naman ni Amanda na si Mommy Glo at si Lizelle ang dapat umalis dahil bahay yun ng tatay nila, at ng mga Allegre..
umalis na rin kaagad si Amanda after, at naiwang nagyayakapan at umiiyak ang mag-ina ni Peter...
is feeling , mahuhuli na ang itim na tupa sa susunod...
---o0o---


December 31, 2016...

[Business]

2016 Performance Evaluation:

  • Ice - ang pinakamatanda kong raket sa lahat.. comparatively speaking, sobrang ganda ng performance niya noong 2013, 2014 at 2015 (kung kailan may mga nakaka-partner akong negosyo), di tulad ngayong 2016.. dahil mas malala ngayong taon yung pabagu-bago ng klima dito sa [Name of City], eh maging yung summer eh hindi ko na-maximize...
  • eBay - well, wala naman talaga akong masyadong inaasahan from this one.. pang-dispose ko lang ng mga hindi ko napapakinabangang mga gamit...
  • Micro Remittance - ito yung pinakamahina kong taon.. dahil nga sa pesteng bagyo sa probinsiya noong December 2015, at ang nagdaang maduming National Election.. this September, October, at November lang ako nakabawi-bawi sa performance...
  • Loading - hindi na siya kasing-lakas gaya nung una ko siyang buksan para sa publiko.. dati, sa walang tubo kong pagbebenta ng load eh kumikita ako ng Php 400 plus per month.. isinara ko yung VMobile ko dahil mahina ang support system nun, at hindi na rin ako natanggap ng mga order through text or call dahil sa ganung paraan ako pinapatay at ini-stress ng mga consumers.. kaya ayun, mahina na ang pasok ng pera sa kanya...
  • Basic Needs Nano Store - mas mabilis siyang lumago noong malakas-lakas pa ang ekonomiya ng bansa.. for 2 years, naibalik ko naman yung maliit na puhunan at nasa more than 1200% na yung inilago niya this year.. pabagal nga lang nang pabagal yung napasok na kita sa kanya nitong mga nakaraang buwan dahil pahina nang pahina ang puchasing power ng Piso...
  • Adsense - sa tantsa ko nagkakaroon ng adjustments sa rate nila habang tumatagal.. nitong nakaraang September ko lang na-realize kung anong pwede kong gawin to boost it.. pero sa ngayon eh marami pa ring kulang...

in short..
malayong-malayo pa ako sa pinapangarap kong computer graphic system..
at malayo din maging sa isang substitute system...
feeling , gonna have to f*ck 2017...

The Acosta-Technique

FACT:

tang ina!
hindi ko alam kung kailan na naman yun tumaas..
pero nasa Php 215.00 na ngayon (December 29, 2016) ang presyo ng bawat bundle ng unbranded na mantika..
mula yun sa Php 210.00 noong huli akong namili (about more than a week ago lang)...


hindi ko alam kung ano ang direktang nakakaapekto sa presyo ng cooking oil..
pero nangangahulugan lang ito na mahina talaga ang ekonomiya ng bansa para makontra yung pagtaas na yun..
last year naman eh halos stable yung Php 180.00 na rate, at mula pa yun sa Php 200 from late 2014..
at in fact, hindi nga gumalaw yung presyuhan noon kahit na pumasok yung Holiday Season that year..
meaning - hindi siya dapat gaanong apektado ng law of supply and demand kung strictly eh sa loob ng bansa ang pag-uusapan..
hindi gaya ngayon na nakailang taas na siya ng presyo this November at December pa lang...
feeling , Php 35.00 increase na.. paano na kaming mahihirap...?
---o0o---


update ulit (26 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera 
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • yung Oplan Cyber Tokhang

---o0o---


December 29, 2016...

maganda yung panukala tungkol sa pagbabawal ng mga paputok..
nakakalungkot lang isipin na papatayin nga nun ang kabuhayan ng mga manggagawa ng paputok dito sa bansa..
pero ang mali nila dun..?
dapat na-consider nga nila yung hanapbuhay ng mga taong maaapektuhan..
dapat July pa lang inabisuhan na sila ng gobyerno na huwag na lang mag-invest..
oo, mahihirapan silang humanap ng kapalit na mga trabaho, pero at least eh hindi na sila dapat nagsayang ng oras at puhunan...


para rin 'tong yung ibang magagandang programa ngayon eh:
  • yung sa pag-discourage sa mga tao sa paninigarilyo - ayaw pang tulungan yung mga tao na ma-rehab at taasan na nang husto yung presyo per stick
  • yung regulasyon sa videoke - hindi nahihigpitan ng mga barangay officials yung pagpapatupad nung rule na yun
  • yung isang solusyon sana sa trapiko - eh ayaw pa ngang i-regulate ang pamamahagi ng plaka na base sa number coding, hindi rin ma-regulate ngayon yung mga app-based transport services na nag-uudyok pa sa ibang tao na bumili ng sasakyan at gamiting pampasada at idagdag sa bilang ng mga sasakyan na nasa sa kalye (carpooling lang talaga yung gagana), at ayaw ring taasan ang buwis sa pagmamay-ari ng sasakyan

regarding naman sa kagustuhan ni Bato na huwag selyuhan ang mga baril ng mga pulis..
eh makikita natin ang displina nila after New Year..
bilang sample, may nakasama kaming pulis noon, sa birthday-an lang yun, pero nakailang beses na nagpaputok ng baril para lang magyabang..
sana lang, kung may makadidisgrasya man this year..
hindi sapat na sibakin lang sa trabaho..
dapat barilin din - para patas..
pero kung magiging zero ang totoong record - edi good for them at sa mga mamamayan...
was feeling , tigilan na rin ang pagsusulong sa Martial Law...
>
[Climate Change]

ang lulupit na rin ng mga bagyo lately..
parang requirement na sa kanila na manira ng mga ari-arian every year..
parang dati eh mga kabuhayan lang yung nasisira, lalo na kung agricultural..
pero ngayon, hindi na nakakaligtas maging ang mga kabahayan...

samantalang noong nasa high school ako..
kadalasan eh maganda ang panahon kapag sinasabi ng PAGASA na may typhoon signal...

another reason kung bakit mahihirapan ngang makabangon ang bansa..
sira na ang mga kabuhayan nung iba..
tapos restart pa maging sa pagpupundar ng mga ari-arian..
maging basic needs nila eh nawawala..
hindi naman nila kasalanan yun..
pero mas maganda pa rin sana kung sa mas productive na bagay napupunta yung pondo ng gobyerno..
what i mean is, mas maganda sana siguro kung hindi tayo umabot kaagad sa ganitong punto kung saan at kailan parang naging regular na ang pagdaan ng mga mapaminsalang mga bagyo..
na mas maganda sana para sa bansa natin kung sa progress nga nakakapag-focus ang karamihan...

pero ganun talaga..
dahil sa paghahangad ng mga tao ng comfort, luho pa yung sa iba..
eh hindi na nga mapipigilan sa ngayon ang Climate Change...
was feeling , ayoko nang ma-experience ang pinaka-matinding ganti ng kalikasan...
>
hindi ko alam kung saan papatak ang kasong ito..
sa Caloocan nangyari..
either may target daw na mga drug related at may nadamay, o target ng frat war na may nadamay..
pero maalin man dun ang totoo..
ang tanong eh sapat na ba yung level ng pagiging mga kriminal o basag-ulo nila para patayin sila...?

problema pa rin ito na dulot ng maalin sa loose firearms o pagdi-disguise bilang mga taga-tumba...

at mukhang hindi rin nakakatulong yung pananakot ng paninibak sa puwesto..
dahil matagal nang uso ang frameup at fall guy..
oo, parang impressive pakinggan na may nahuli kaagad..
pero sa panahon ngayon, parang hindi na maiiwasan na maitanong kung ano nga ba yung totoong nangyari at sino nga ba ang may sala...?

kagaya 'to ng parusa sa mga pinuno ng mga pulis na gagamit ng baril nila bilang pampa-ingay sa Bagong Taon..
eh paano kung matino yung pinuno, tapos may galit o may ayaw sa kanya, o may karibal siya sa puwesto..?
edi magpapaputok nga yun o hahanap ng ibang magpapaputok para matanggal sa katungkulan yung isa..?
dapat, kung sino ang may sala eh siya rin yung mananagot...
feeling , kung ako ang tatanungin, basta kayang mangursunada at kayang manguha ng pag-aari ng iba eh kriminal na...
>
pagsabog sa Leyte..
pagsabog sa North Cotabato..
bukod pa yung pagsabog daw noong Sabado...

mga tang ina kayo!
mga naghahanap talaga kayo ng Martial Law eh...

was feeling , there has to be casualties...?
---o0o---


December 30, 2016...

mga Filipino talaga o'...

nasabihan na sila noong 2015 na magde-demonetize nga ng mga lumang disenyo ng pera..
nasabihan na rin sila na buong 2016 eh pwede pa rin namang papalitan ang mga yun..
tapos ngayon, may 3 months na naman na palugit dahil may bilyung-bilyong piso pa na hindi napapalitan...?

pero nasaan nga kaya yung Php 20+ Billion na yun..?
wala na akong nakikita na ganun dito sa lugar namin..
magkano kaya yung mga natupok sa mga sunog..?
magkano rin kaya yung mga nasira at nawala dahil sa mga bagyo at baha..?
i'm almost sure na hindi accounted yung mga ganung kapalaran ng mga paper bills sa estimate ng BSP...

o ganun ba yung worth ng mga pera sa mga komunidad na hindi pa rin naaabot ng telebisyon...?
was feeling , sayang na naman...
>
kung si Hello Kitty ba ang madadamay sa mga patayan o tatamaan ng ligaw na bala nang dahil sa giyera..?
o di kaya eh maalin sa iba pang anak nung diyos-diyosan..?
yung tipong mapapatay at hindi makakaligtas...

masasabi pa rin kaya niya na "sorry", na "there has to be casualties"..?
madali kaya nilang matatanggap yun bilang bahagi ng sistema o pamamaraan nila, gaya nang ginagawa nilang pagpapatanggap nito sa publiko...?


kung may mamamatay sa angkan nila..
at masaya nilang masasabi sa publiko na proud sila na naging sacrificial lamb ang kapamilya nila..
baka saka ako maniwala na seryoso nga sila sa giyera na 'to, kahit na mali ang pamamaraan nila...

sorry sa lahat ng mga inosenteng namatay at nasaktan..
sorry din sa mga naghahangad ng hustisya laban sa mga angkan na unti-unti na at mabilis nang naa-absuwelto sa mga kaso nila sa panahon ngayon..
ganun talaga - Acosta-technique eh!
kunwari eh totoong malinis, pero unti-unti na ring nalilinis ang mga bad records...
was feeling , sample! sample! sample! sample!
---o0o---


December 31, 2016...

kagabi ko lang narinig yung portion nung interview sa diyos-diyosan tungkol sa pag-uugali niya..
at masahol pa yung reasoning niya tungkol dun compared sa reasoning niya para sa putang inang Dictator Burial...

so kasalanan ng diyos na ganung kabastos at kasama ang bunganga niya kahit na sa mga pagkakataon at venue kung saan hindi naman niya kailangang magloko...?

ganun na lang yun..?
nawala na yung konsepto ng pagiging rational ng mga tao..?
ang kakayahan ng bawat isang normal na tao na mag-isip at mag-decide para sa mga sarili nila...?

eh bakit pa nagkaroon ng Change is Coming..?
kung hindi naman pala dapat kuwestiyunin na ang bawat tao sa kung ano man sila sa ngayon..?
bakit ipipilit yung change sa iba, kung siya mismo eh tutol sa pagbabago...?

sobrang bobong claim...

bakit..?
kasi kung purong kasalanan ng diyos na masama siya, at hindi pwedeng isisi yung bagay na yun dun sa diyos-diyosan na yun..?
edi ibig sabihin rin na diyos rin lang ang dapat na sisihin sa lahat at iba't iba pang uri ng kasamaan ng sangkatauhan..
bunganga man yan, pag-uugali, aksyon towards sa kapwa..
bakit pa nilalabanan ngayon ang kriminalidad kung diyos naman pala ang dapat sisihin sa lahat..?
edi maglunsad na lang siya ng War Against God...?


Saturday, December 24, 2016

Define SAFE?

para sa maraming Filipino..
ang konsepto ng pagiging SAFE ay katumbas ng mga sacrificial lambs o yung mga inosenteng tao na nadadamay at nagbubuwis ng kanilang buhay ng dahil sa kriminalidad...

ang unang punto..
sa panahon ngayon, lahat ng mga pinapatay na mga drug related personalities (regardless kung sino ang mga pumapatay sa kanila) eh hindi malinaw kung gaano kalala o kasama ang naging criminal offense..
ewan, siguro pagkukulang rin yun sa part ng media dahil sa lack of research..
though sa tingin ko dapat sa mga pulis na mismo magmula yung complete records (i am assuming na naka-database na ang system nila) para isa-publiko..
kung ako ang tatanungin, kung STRICTLY eh sariling buhay lang naman nung tao yung nasisira niya nang dahil sa paggamit niya ng illegal drugs - kahit criminal act yun sang-ayon sa batas natin, eh hindi naman siya deserving na mamatay ng dahil dun..
ang sa akin lang, kung sana eh malilinaw natin kung gaano kasasama yung mga taong napapatay - edi sana madali ring ma-justify yung pagkamatay nila, naayon man yun sa batas o hindi..
kapag sinabi nilang rapist yun, o mamamatay tao, at mapapatunayan na totoo at accurate yung bad record nila na yun - edi okay, good job!...

ikalawang punto..
bakit nagkalat ngayon ang mga mamamatay tao (huwag nang isali yung mga unipormadong awtoridad na may mga kuwestiyonableng mga kaso na kaugnay ng paksa)..?
sinu-sino ba sila at bakit karamihan sa kanila ay hindi naman nahuhuli..?
sinasabi ng data nila na bumaba DAW ang rate ng mga krimen..
pero nagkalat ngayon ang patayan, at may mga nadadamay pa nga na mga inosenteng tao..
at andiyan pa rin ang iba't ibang uri ng krimen sa kung saan-saang lugar...

ikatlong punto..
i'll make this short..
bakit walang War Against Firearms..?
kulang ba sa links..?
sobrang delikado pa naman at nakakatakot ang mga baril...

ikaapat na punto..
maikli na lang ulit..
bakit walang masugid na War Against Bad Cops (kasi sila yung halos automatic na may mga baril)...?

ikalimang punto..
bakit wala pa ring mga mambabatas na kayang bumago sa penal system ng bansa..?
puros Death Penalty kaagad ang iniisip ninyo!
tang ina!
yung ibang mga kriminal na nababalita sa TV eh mga dati nang nabilanggo eh..
hindi ba pwede na kapag first offense at huli naman sa akto eh wala ng option para magpiyansa..?
hindi ba talaga pwede na kapag second offense na eh habang buhay nang ikulong..?
hindi ba sila pwedeng gawin na mga agricultural slaves o pagpedalin araw-araw para mag-generate ng additional na kuryente...?

hindi naman kasi pwede yung WOW! ang galing ng sistema ng pamahalaan natin dahil idol namin yung nasa tuktok..
hindi pwede yung claim na safe ang bansa dahil lang sa statistics..
hindi pwede yung claim na safe ang bansa dahil lang sa resulta ng mga survey..
at lalong hindi pwede yung claim na safe ang bansa puwerket hindi kayo naaabot ng mga kriminal at ng mga tiwali sa kinaroroonan ninyo, o puwerket hindi pa kayo nadadamay o nabibiktima...

---o0o---


update ulit (25 na, at piling mga kaso lang ang mga ito):
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  •  yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera 
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • yung Oplan Cyber Tokhang

---o0o---


December 19, 2016...

panibagong kaso na naman pala yun..
this time sa Laguna...

pinatay daw nung pulis yung lalaking nag-amok sa isang bangko..
ang depensa nung pulis, sinubukan daw siyang agawan ng baril..
kaso base sa kuwento ng isang testigo eh hindi naman daw nang-aagaw yung suspek ng baril, pero maingay nga at hinahamon yung pulis na barilin siya...

was feeling , wala bang magte-train sa mga pulis na bumaril to disable..? sa sobrang asintado nila eh patay lagi ang mga nanlalaban at nang-aagaw DAW ng baril eh...
>
isa pang kaso..
sa Quezon City naman...

manliligaw naman yung nadamay at napatay..
according sa kuwento, yung babaeng nililigawan ang totoong target nung mga suspek..
sabi rin ng mga kakilala nung babae eh plano na rin siyang i-Oplan Tokhang sana..
may 4 daw na lalaki na sinubukang kumuha dun sa babae..
nakiawat yung lalaki na manliligaw kaya siya nadamay..
parang may taniman rin ng droga na nangyari daw...


ayon rin sa mga kakilala nung lalaking napatay ay hindi ito related sa ilegal na droga...
was feeling , damay-damay na talaga...
---o0o---


December 20, 2016...

antanga naman nung sa SSS..
bakit naman nila kukuhanin yung increase para sa pension mula doon sa mga tao na naghuhulog pa lang nung sa kanila..?
para tuloy sinasabi nila na yung mga hindi pa pensyonado ang silang magso-shoulder ng ilang percentage ng pensyon ng mga pensioners na...

pero hindi ba dapat yung pension ay yung pinalagong pera ng mga naghuhulog..?
kaya dapat yung increase ay magmumula rin sa kita nung ahensya, at hindi sa hulog ng ibang tao - or else eh parang torno-han na lang yung mangyayari...


considering na yung mga pensioners lang ang focus sa ngayon, at hindi yung mga naghuhulog pa lamang..
mukhang ang naging problema ay hindi nila ina-adjust nang husto sa rate of inflation yung halaga ng pera ng mga dating naghuhulog..
sa panahon kasi ngayon, eh kahit dekada lang ang bilangin at pag-usapan eh malaki na ang pwedeng maging pagbabago sa purchasing power ng Piso..
kaya naman hindi sila pwedeng mag-focus sa kung magkano lang yung naging kontribusyon noon nung tao, bagkus ay sa value nun compared sa present time...
was feeling , husto kayo sa pag-approve ng increase, mali naman ang pamamaraan ninyo...
>
okay na pulis 'tong si Bato..
hindi naman sa necessarily eh honest siya parati..
pero maaasahan niyo na madalas eh ilalabas niya yung totoo, either sa kanya na mismo yun manggagaling kaagad o kapag nagkakagipitan na...

PS: the only possible reason kung bakit hindi itinuloy yung pagbibigay ng bonus sa PNP eh dahil nga kuwestiyonable yung source nung pondo - case closed...
was feeling , thanks!

>
ang weird nung taas ng survey regarding extrajudicial killings..
bakit ba ang daming tao na takot mabiktima ng EJK..?
it's either hindi nila naiintindihan kung ano yung EJK, or totoong takot sila na posibleng may mabiktima sa kanila o sa mga kakilala nila (since malawak na rin nga talaga yung naging saklaw ng ilegal na droga sa lipunan)...

pero the thing is..
kung inosente ka, eh hindi ka dapat matakot sa EJK para sa sarili mo...


ang Extrajudicial Killing kasi base sa huli kong nabasa ay ginagawa ng mga awtoridad, at still ay in connection with their role o trabaho..
yun nga lang, pinapatay na nga kaagad nila yung target at hindi na idinadaan sa tamang proseso ng batas..
though saklaw rin nun yung mga pagtumba sa mga political figure, religious figure, etc..
hindi naman sinabi na strictly ay state-sponsored siya, pero basta ba ginawa siya na in line with the authority's task..
hindi saklaw sa EJK yung mga pagpatay na ginawa ng mga awtoridad to serve their own interest(s)..
ang mga vigilante acts eh hindi rin basta-basta saklaw ng EJK...

pero sa panahon ngayon, ang totoong dapat ikabahala ng mga inosenteng tao ay:
  • ang madamay sa mga patayan dahil nga nagkalat at walang masyadong nahuhuli na mga taga-tumba (ex. ligaw na bala)
  • ang ma-frameup o patayin ng mga kriminal at idawit sa ilegal na droga ang pangalan mo para lang mapagtakpan yung totoong rason sa pagpatay sa'yo (ex. yung kaso nung choir member)
  • ang ma-frameup ng awtoridad for whatever reason (ex. yung mga napapatay na puros nanlalaban daw especially yung Mayor Espinosa case, tsaka yung kaso sa Batangas kung saan warrantless daw at nauna yung pag-aresto sa mga suspek bago yung paglabas ng mga ebidensiya)
  • ang ma-hulidap at hingan ng pera o ransom (ex. yung OFW na naging biktima ng Makati Police)
was feeling , basta inosenteng commoner ka, hindi magiging extrajudicial killing ang pagpatay sa'yo - kundi murder...
---o0o---


December 21, 2016...

ano bang nakakatuwa sa gobyerno na puros utang/tulong galing sa ibang bansa ang ipinagmamalaki..?
wala pa nga yung utang/tulong eh ipinagmamalaki na...

magaling sana kung bigay eh...

hindi ka nga sunud-sunuran ng dahil sa impluwensiya..
mukhang sunud-sunuran ka naman ng dahil sa pera...


joint exploration..?
anong papel ng bansa..?
taga-tanga doon sa pinag-aagawang teritoryo..?
at tagapagkunwari na joint exploration nga yung gagawin...?
feeling , mukhang lumalabas na ang kapalit ng Friendship...
---o0o---


December 22, 2016...

may mga nadamay na naman sa mga barilan...

yung isa eh sa NCR..
pulis at drug-related personality yung naghahabulan nito..
pero kanino kaya yung balang tumama dun sa biktima...?

dalawa naman eh sa Laguna..
ang masama, patay yung 12 y/o yata yun na babae..
pinatay kasi ang isang tauhan ng barangay ng mga hindi pa kilalang mga tao habang nagsisimbang gabi ang mga nasa paligid..
ang problema sa mga ganitong kaso, madalas eh lumalabas na nasa drugs watchlist yung mga itinutumba..
kaya sino kaya ang nagtumba o nagpatumba sa kanila..?
awtoridad ba, tiwaling awtoridad ba, o yung mga ilegal na links nila na ayaw mahuli...?

at malaking porsyento ng mga taga-tumba eh hindi pa rin nahuhuli sa kung anong dahilan...
was feeling , sacrificial lambs na naman...?
---o0o---


December 23, 2016...

panibagong kaso na naman ng pagmamalabis sa kapangyarihan..
patunay na likas na mapamaraan ang mga Pilipino...

parang hulidap yung kaso eh..
ang involved ay Makati police..
according sa mga biktima, na-frameup DAW yung OFW na lalaki for illegal possession of firearms, at ilegal din na inaresto at ikinulong..
tapos hinihingan sila ng Php 500,000 or else ay palalabasin nila na involved yung lalaki sa ilegal na droga...


natakot daw yung lalaki dahil parang iginagawa na daw siya ng karatula eh...

ano bang sinabi ko..?
mangyayari at mangyayari yung mga ganung bagay ng dahil sa ilegal na droga..
isang convenient way para gawing masama ang mga inosenteng tao..
at kahit ilegal ang gawing pag-aresto eh walang magagawa ang mga sibilyan dahil armado ang mga pulis at madali na lang sabihin sa panahon ngayon na kesyo nanlaban yung tao kaya pinatay na lang...
was feeling , mga panatiko lang naman ang naniniwala na epektibo nga yung mga giyera ngayon at na safe na ang bansa eh...
---o0o---


December 24, 2016...

ang lupit..
dati nang nagkaroon ng mga manlilimos na nananakot na mambabato kapag hindi nabigyan ng pera..
bukod pa dun yung mga sira ang ulo na trip lang talagang mambato ng mga sasakyan..
bukod pa yung mga Badjao na nananakot na mandudura kapag hindi nabigyan ng pera...

pero ngayon..
ginamit na rin nila yung Pasko sa modus nila..
at hindi sila takot sa batas...

ano bang problema ng mga mahihina ang utak na mga tao na yun..?
akala ba nila na ultimo normal o ordinaryong tingnan ang ibang tao (hindi kagaya nila) eh ibig sabihin ay mapera na..?
ni hindi nga kailangan na maging matalino ang isang tao para lang maunawaan nila kung ano yung tinatawag na pananakit at masakit...

tang ina!
sa hirap ng buhay ngayon eh mananakot at mamumuwersa pa sila ng ibang tao para lang bigyan sila ng pera..
yun yung mga tipo ng tao na ang sarap hatawin ng bat sa sintido - yung isang malakas na bagsak..
walang bata-bata o matanda, basta marunong manakit nang walang dahilan eh dapat parusahan...

kung hindi na ninyo kayang mabuhay nang patas - magpakamatay na kayo please!
feeling , diskarteng Filipino nga naman.. tsk, tsk, tsk...

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of December 2016 (A Hug)

kung meron man akong moment na gustong balikan sa buhay ko..
isa na dun yung time na biglaan mo akong niyakap mula sa likuran ko..
kasama na rin yung mga panahon na yakap-yakap kita nang mahigpit at medyo matagal nang mula rin sa likuran mo...

totoong nakakaasar ang FATE..
kung paano niya inilalatag ang mga kaganapan sa buhay ng mga tao sa paraang gusto niya..
kung paano siya nagse-set ng mga traps, loops, obstacles, demons, at maging yung mga tinatawag ng karamihan na blessings sa kung kanino lang niya gusto...

hindi ko alam kung anong tumatakbo sa mga utak ninyo sa tuwing kasama niyo ako..
well, most probably eh kunwa-kunwarian nga lang ang lahat ng mga ginagawa natin..
but still masaya na rin ako sa mga pagkukunwari natin na yun..
kasi yun na siguro yung closest feeling compared sa love and affection na posible kong maranasan sa buong buhay ko...

it was FATE na nagdikta na magkakilala tayo..
pero siya rin yung dahilan kung bakit ako naka-stuck sa kung anumang klase ng buhay meron ako ngayon...

---o0o---


December 19, 2016...

disabled na muna ang Option 3..
wala eh, Hong Kong-mode muna yung isa for almost a week..
hindi siya mako-contact kung ganun...

as for Option 2..
we have 131 cards to play hanggang January 8, 2017...

was feeling , lagot ka sa akin FATE kapag natalo kita...
>
ang mahirap sa Autism...?

yung pagkahati ng focus..
oo, sa sobrang focus nila sa ibang partikular na bagay ay parang nagiging genius sila..
madaling nakakasaulo ng mga pattern, maagang natuto na magbasa, maagang natutong mag-spell ng hanggang 8-letter word, at kung ano pang pwedeng specialization..
pero sintomas rin nung mental condition ang kawalan ng focus sa ibang bagay..
language in particular eh nagdudulot ng difficulty sa communication, lalo na in terms of explanation at pagpapaunawa..
mahirap rin kung walang sense of danger ang bata, kasi yun sana yung maaasahan para magawa nilang pangalagaan din ang sarili nila..
yung iba kong blood nephews, as early as 2 y/o eh pwedeng tingnan-tingnan na lang at hindi na kailangang habulin parati, alam rin na kailangang mag-ingat sa kalsada - pero iba ang kaso kapag may Autism...


base sa history ng pamilya nila..
mukhang nasa kanila yung genes na nagdadala ng Autism..
or posible rin namang wala..
ang hinala kasi ng ibang tao eh baka dulot na yun ng mga high level na gatas sa panahon ngayon, kaya kahit na parang normal yung bata sa simula eh biglang nagbabago..
sana lang eh hindi naman maging ganun din yung susunod na baby if ever...
was feeling , siguro nga totoo yung kasabihan na breast milk is best for babies up to 2 years, at siguro maganda rin dapat at natural yung diet nung ina...
>
[TV Series]

The Greatest Love 

ngarag na yung 3 purong magkakapatid sa paggawa ng commercial para sa kompanya nina Lizelle..
si Amanda nagka-problema sa budget, apektado rin yung task ni Andrei dahil dun..
si Paeng naman eh natagalan bago nakapag-compose ng musical scoring, dahil hindi niya talaga gusto na minamadali at nape-pressure siya...


sa coffee shop, aksidenteng nalaman ni Lizelle ang panghihiram ni Andrei ng budget kay Ken..
dahil dun nag-volunteer siya na magpahiram muna ng personal niyang pera para lang makumpleto yung commercial..
sinabihan siya ni Andrei na hindi yun tatanggapin ni Amanda dahil sa pride nun..
pero s-in-uggest ni Lizelle na huwag na lang sabihin ni Andrei yung totoo sa ate nila..
at yun nga, nagkunwari na lang si Andrei na humiram muna siya ng pera sa joint-account nila ni Ken...

pagdating ng deadline..
late na ang team nina Amanda at Alvin, at nag-aalala na ang mga boss ni Lizelle..
dumating naman sila at nag-present, at kahit na mukhang bitin yung commercial eh pwede na rin daw..
kaso bago lumabas ng conference room, eh kinausap muna ni Lizelle si Amanda bilang isang professional..
kaso dahil half-sister ang kausap niya, eh minasama na naman ni Amanda ang mga sinasabi ng kanyang kliyente na si Lizelle..
dahil dun ay nagkaroon na naman ng pagtatalo ang mag-ate, at hindi naiwasan ni Lizelle na masabihan ang nakatatanda na wala itong karapatan na awayin ang kanyang kliyente at na pwede niya itong ipakaladkad sa guwardiya palabas ng kompanya nila..
narinig nina Andrei at Paeng ang pagtatalo, kaya kaagad silang bumalik sa loob ng conference room, sakto lang para maabutan na magsasampalan na sanan yung dalawa...
was feeling , ang gugulo...
---o0o---


December 20, 2016...

[TV Series]

The Greatest Love

tatrabahuhin na ni Z yung exchange gift nila sa coffee shop..
siya yung nabunot ni Y..
siya naman eh gagawan pa ng paraan para makumbinsi yung talagang nakabunot sa pangalan ni Y para makipagpalit ito sa kanya..
may sarili na ring TGL commercial yung dalawang bagets, haha!


balik sa away sa opisina..
to the rescue nga si Andrei kay Lizelle..
ipinamukha niya dun sa dalawa na binigyan sila ni Lizelle ng trabaho na kailangang-kailangan nila..
dahil nagkagipitan na rin eh inamin na niya kay Amanda na kay Lizelle galing yung additional budget nila, dahil ginusto nitong tumulong sa kanila bilang kapatid at para ma-accomplish yung project..
napahiya si Amanda, at sinumbatan niya si Andrei na kesyo traydor daw ito..
naging daan naman yun para tuluyan nang magkaayos ulit sina Andrei at Lizelle, ngayon na lang daw na-realize ni Andrei kung bakit nga ba ginusto ng half-sister nila na mahanap ang totoo nitong ama...

sa office nila..
sinabi ni Alvin kay Amanda na gustong pag-usapan ng kompanya nina Lizelle yung future plans ng agency nila para sa mga ito, pero dahil nga sa isyu ng pagiging anak sa labas ni Lizelle eh ayaw na niyang makatrabaho ito ulit..
naiinggit rin kasi si Amanda kung bakit nakakaangat na ngayon sa buhay yung half-sister nila kumpara sa kanila..
dahil dun ay mapipilitan na sila ni Alvin na mag-hire ng ibang tao para i-handle yung account nina Lizelle...

sa San Ildefonso naman eh maya't-maya na ring napapansin ni Melba ang mga pagbabago kay Mommy Glo..
umalis na rin si Mareng Lydia papunta sa Australia para makasama ang pamilya niya sa Holidays...

si Mommy Glo naman eh iniisip nang sabihin sa lahat ng anak niya ang tungkol sa Alzheimer's niya kung sakaling matutuloy ang sama-sama nilang pagdiriwang ng Pasko...
feeling , loveteam...
---o0o---


December 21, 2016...

[TV Series]

Ang Probinsiyano 

Miracle in Cell No. 7 teknik..?
magaling kung magagawa ni Onyok na pabaitin si Acosta, haha!

was feeling , magaling rin yung programa sa pagtalakay ng mga luma at current na isyu ng bansa...
>
[Emo]

putang ina!
ako pa rin...?

ang sabi eh huwag akong makialam sa pagsu-supply nila ng limpak-limpak na pera dun sa paborito nilang anak..
tapos kahapon eh nagpadala sila ng Php 10,000 plus na hindi in-acknowledge nung gunggong na yun, maging nung remittance center..
tapos ako ngayon ang tatanungin sa kung ano ang naging usapan nung mag-ina..?
kesyo dapat daw eh tinutukan yung pag-contact dun sa isa...


ang tanong ko naman..
putang ina! kasalanan ko ba na 1 week lang ang itinagal nung bagong smartphone dun sa lintik na yun..??
na dahilan kung bakit pahirapan na siyang ma-contact ngayon...
was feeling , mga demonyo talaga kayo!
>
[TV Series]

The Greatest Love 

huhulaan ko..
baka si Sandro pa ang makatubos nung mga hikaw ni Mommy Glo para kay Lizelle..
unless, yun yung mga hikaw na iniregalo na ni Alvin kay Amanda...


tapos na ang Christmas Party sa coffee shop..
nagawan nga ni Z ng paraan para makuha yung pangalan ni Y..
niregaluhan niya yung babae ng album na puno ng pictures nito (stalker)..
tapos idinaan pa sa galawang breezy yung dalagita, pinapikit ba naman, p-in-icture-an, tapos eh hinalikan sa pisngi..
kinilig naman nang husto si Y..
kakainggit, astig yung si Z eh, gusto ko ng ganung epekto sa babae - yung ninakawan mo na ng halik pero kinilig pa rin sa'yo...

si Sandro naman eh nabisto na ni Mommy Glo na nanliligaw kay Lizelle..
ipinaglaba kasi sila nung binata..
approve naman siya dahil alam niyang mabuting tao si Sandro, pero siyempre eh si Lizelle pa rin daw ang masusunod kung sasagutin ito o hindi...

si Amanda naman eh pinaasa na si Mommy Glo sa text niya..
ayaw na niyang mag-Pasko sa bahay nila sa San Ildefonso, at niyaya na rin si Paeng na sa kanila na lang mag-Pasko..
masaya si Paeng sa desisyon niya..
disappointed naman sina Chad at Z..
pero gagawan ni Andrei ng paraan para makumbinsi ang dalawa...

si Ken naman eh kabado sa plano nilang pag-amin kay Mommy Glo tungkol sa kanilang relasyon ni Andrei...

sa ospital naman..
ipinasailalim ng doktor sa Urinalysis si Mommy Glo para makasigurado na malinis pa rin yung dugo na dumadaan sa utak niya..
balak na ng doktor na taasan yung dosage ng mga gamot niya..
inire-recommend niya kay Peter na dapat ay may kasama na rin ito parati sa bahay nito..
after ng checkup, saka naalala ni Gloria na first time sana na magpa-Pasko ang mag-ama nang magkasama, kaya naisip niya na doon na lang nga si Lizelle kina Peter..
ang gusto naman ni Peter ay sila na lang mag-ina ang magsama dahil nga mas kailangan ni Gloria ng makakasama..
nasabihan ni Peter na ang kulit na ni Gloria, at kapansin-pansin na rin ang madali nitong pagkainis ngayon...
was feeling , malapit na ulit dumating ang problema...
---o0o---


December 22, 2016...

nami-miss ko na tuloy na mayakap silang dalawa..
yung mula sa likuran..
tapos eh mahigpit at matagal...
was feeling , loveless...
>
[TV Series]

The Greatest Love 

alam ko na kung bakit hindi na pinag-uusapan nina Peter at Gloria ang nangyari sa kanila noon lalo na yung tungkol kay Andres..
dahil yung pagbabalik na ng mga alaala ni Gloria yung magri-reveal sa kanila ng mga totoong nangyari...


sa ospital..
kaagad rin namang sinunod ni Peter ang kagustuhan ni Gloria, at madali lang na nagkaayos ang dalawa..
ayaw kasi ni Peter na nagagalit sa kanya yung babae...

kinailangan nang umuwi ni Ate Melba sa pamilya niya, siyempre eh magpa-Pasko nga kasi..
kaya naiwan si Mommy Glo na nag-iisa sa bahay..
dahil sa pangungulila sa kanyang mga anak ay na-trigger muli ang sakit niya..
dahil sa 4 na batang nagka-carolling eh nanumbalik ang mga luma niyang alaala..
napagkamalan niya na sila yung mga anak niya, natakot naman yung mga bata at lumayo na sa kanya, at sumakay sila ng tricycle nang saktong madaanan sila ng kanilang tatay..
sa pag-aakala na si Andres yung lalaki na ilalayo yung mga anak nila, eh sinundan niya ito habang dala-dala yung mga regalo para sa mga anak niya..
at muli ngang nawala si Mommy Glo...

si Andrei naman ay nagtagumpay na kumbinsihin si Amanda na sa San Ildefonso nga mag-Pasko..
badtrip si Paeng, pero wala naman siyang magagawa kundi sumunod sa Ate nila..
ipinapakita rin dito na wala ng pakialam si Paeng sa sakit ng ina nila (na siya pa lang ang nakakaalam sa kanilang magkakapatid)..
masaya naman sina Chad at Z sa naging desisyon ni Amanda...

dahil sa pag-aalala na si Andrei lang ang makakasama ni Mommy Glo..
naisipan na rin nina Lizelle at Peter na puntahan ito sa San Ildefonso..
ihahatid lang ni Peter ang kanyang anak sa ina nito..
napansin naman ni Lizelle na masyadong malalim ang iniisip ng kanyang ama...

pagdating nina Andrei at Z sa San Ildefonsdo (nauna kasi sila)..
eh natuklasan nila na wala doon si Mommy Glo, naiwang bukas yung gate, at naiwan rin nito ang IPhone niya..
dinatnan sila nina Peter at Lizelle..
naisip ni Z na baka nawala na naman ang Mommy La niya gaya noon..
at dahil si Peter lang ang nakakaalam sa sakit ni Gloria, eh kaagad siyang umalis nang nag-iisa para hanapin ito...
was feeling , lagot...
---o0o---


December 23, 2016...

puyat...


kahapon, ginising ako ng sakit ng tiyan ko from 4:00 AM to 6:00 AM..
akala ko eh okay na yun after that...

tapos kanina..
before 1:00 AM eh automatic na akong paikot-ikot sa pagtulog..
hindi naman masakit yung tiyan ko that time, pero ramdam ko na kumakalam..
kaya nagbanyo na ako..
kaso nagsimula na yung bangungot matapos yun..
sobrang sakit ng tiyan ko, na tipong hindi ako pwedeng mag-stay sa iisang posisyon lamang..
para kasing nilulusaw siya sa sarili niyang asido kapag naka-rest siya, kaya gusto niya na paikot-ikot ako na parang lechon..
hindi siyempre ako makatulog nang ayos ng dahil sa sakit..
kaya ayun, putul-putol yung tulog (idlip) ko from 1:00 AM to 6:00 AM..
tapos sumakit ulit nung malamanan na ng breakfast...
was feeling , katawang nabubulok...
>
[TV Series]

The Greatest Love 

kaagad na umalis si Peter nang malaman ang posibleng sitwasyon ni Gloria..
nagkunwari na lamang siya sa mga bata na tutuloy na siya, at ipagpaalam na lang daw nila siya kay Gloria...

sa pangalawang pagkakataon naman eh ang diyos ang naging takbuhan ni Gloria..
sa simbahan siya ulit dinala ng instinct niya..
though hindi yun accurate sa totoong buhay, dahil base sa experience ng mga blood relatives namin, eh ang madalas hinahanap at pinupuntahan ng isang pasyente na may Alzheimer's ay ang mga mahal niya sa buhay o yung lugar na kinagisnan o kinasanayan niya talaga..
napasugod na rin si Sandro sa bahay ni Mommy Glo nang malaman na nawawala ito...

si Peter naman ay sa simbahan rin unang nagbakasakali, at nakita nga niya doon si Gloria..
bumalik rin naman sa sarili niya ang babae nang makita si Peter, kaso wala siyang matandaan sa mga nangyari..
nagtaka siya kung bakit nasa simabahan na siya, at lalo na kung bakit dala pa niya yung mga regalo niya para sa 4 niyang anak..
noon na-realize ni Gloria na nawala na nga ulit siya..
total blackout na naman yung nangyari sa kanya..
muli, natakot siya sa sakit niya..
pero in-assure sa kanya ni Peter na lagi lang siyang naroon para hanapin siya sa tuwing mawawala man siya, at para paulit-ulit na ipaalala kung gaano kahalaga si Gloria para sa kanilang lahat..
nag-aminan na rin nga ang dalawang matanda (biyudo at biyuda) na mahal pa rin nila ang isa't isa..
kaagad inihatid ni Peter si Gloria pauwi sa bahay nito, dahil hinihintay na daw siya nina Andrei, Lizelle, at Z..
natuwa naman si Gloria dahil sa balitang yun ni Peter..
at nagpasalamat pa siya sa diyos bago sila tuluyang umalis...

inihatid at inalalayan ni Peter si Gloria pabalik sa kanila..
akala daw tuloy ng mga bata eh kung ano na ang nangyari sa kanya..
nagpalusot na lang ang 2 na kesyo nagsimba lang si Gloria..
pero nang tanungin kung bakit dala pa niya yung mga regalo para sa mga anak niya, eh sumagot na lang siya na hindi niya rin alam..
tapos na daw mag-Noche Buena sina Sandro, kaya niyaya na rin siya ni Lizelle na mag-stay sa kanila..
si Peter naman eh paalis na sana, pero nag-insist sina Andrei at Z na sumalo na ito sa kanila..
niyaya na rin siya ni Gloria, kaya pumayag na rin siya...

at yun nga, nakatuloy na si Peter sa bahay ni Andres..
unang-una niyang napansin sa pagpasok niya ng bahay ay ang pictures ng pamilya nina Andres at Gloria..
at medyo may kirot sa puso niya..
niyaya na siya ng mga bata na samahan sila sa hapag, at nagpaalam naman siya kung pwede ba siyang maupo doon sa supposedly puwesto ni Andres bilang padre de pamilya...

sina Amanda, Paeng, at Chad naman eh kina Chad pa rin nag-Noche Buena..
masaya si Paeng..
medyo malungkot lang si Amanda na nasa ibang bahay yung kaisa-isa niyang anak...

balik sa San Ildefonso..
aalis na sana si Peter makatapos nilang kumain, pero niyaya pa rin siya nina Andrei at Lizelle na mag-tablea, hindi na nga nakatanggi ang 2..
sina Andrei at Lizelle ang naghanda ng tablea sa kusina, at napag-usapan nga nila kung gaano kabuting tao ang tatay ni Lizelle..
sinabi ni Andrei na sa tingin niya eh nakakabuti ito para sa ina nila, at sana ay makita yun ng 2 pa nilang kapatid..
naulit rin ni Andrei yung minsang pagtulong sa kanya ni Peter noong nagkaproblema siya sa road accident...
was feeling , malapit nang mapuno si Peter sa pagtrato ni Amanda kay Gloria...
---o0o---


December 24, 2016...

[Pests]

bad news..
yung amoy pala ng Downy Fabric Conditioner ay nakaka-attract din ng mga guyam (langgam)..
tang ina! dinumog yung threesome blanket ko eh...

hindi ko pa naman talaga yun nilalabhan since November dahil sa matatamis na alaala nun...

PS: another bad discovery..
hindi madaling mapatay yung specie ng langgam na yun sa pamamagitan ng paglunod..
even after 8 hours..
may possibility kasi na ma-revive sila once na matuyo na sila sa sikat ng araw...

was feeling , house of ants and termites talaga.. naka-tatlo nang operasyon ang MAPECON pero parang wala lang.. such a curse...
>
[Public Interest]

..and a Happy New Year kanyo [Name of Telecom Company]...?

tang ina yung mga palpak na tauhan sa hanay ninyo!
March 2016 kami nagpaputol ng luma naming account..
April 2016, sinubukan na naming ayusin kaagad yung nangyaring overpayment through your Customer Service, at personally rin sa outlet ninyo sa [Name of City]..
pero joke lang pala lahat ng mga ipinangako ninyo sa amin..
after a few months, sinubukan ulit naming ayusin at nag-email pa kami ng lahat ng sinabi ninyong requirements (for the second time)..
pero ultimo yung may-ari nung account na pinaputol namin eh niloko niyo lang para sa wala..
tapos this November 2016, sasabihin ninyo na binalewala ng Credit Team ninyo yung request for transfer of overpayment..?
dahil ano..?
dahil kailangan ng kopya ng resibo para dun sa naging overpayment noon...


putang ina!
para kayong [Government Agency] at iba pang government offices..
may kopya na kayo nung lahat ng payment details/history namin, may kopya rin kayo ng lahat ng required personal details namin kasama na yung mga ginagamit ninyo for account verification..
supposedly naka-database rin kayo..
pero lagi pa rin kayong naghahanap ng hard copy para lang pabagalin ang proseso..
putang inang Filipino process yan!
ayun!
ang good news para sa inyo, [Name of Telecom Company]..?
after 8 months, nag-fade na yung mga nakasulat sa resibo namin na galing sa payment center last March 2016..
kahit i-scan ko yun - wala na!
kahit na ipadala ko pa sa inyo yung tunay na kopya - wala na!
ang galing!
absuwelto na kayo...

tang ina!
siguro nga barya lang sa inyo yung Php 1,200 plus na overpayment na yun..
pero para sa amin, pambili na yun ng bigas...

sana balikan ng karma yang mga tarantado ninyong empleyado..
may kopya ako ng lahat ng mga pangalan nila, ayoko na lang ilabas online..
saka na lang namin babawiin yung overpayment na yun kapag magpapaputol na kami ng account..
mga ilang buwan kaming hindi magbabayad para kusa niyo na lang putulin yun..
mag gago kayo!

PS: pero wala naman akong masyadong problema sa mobile..
maliban sa paminsan-minsan nila akong kinakaltasan ng Php 2.50 or Php 1.50...

was feeling , pare-parehas kayong mga ganid sa pera...
>
[Online Marketing]

naabot na ng mga ads spammers ang blog ko..
haha!
was feeling , mga luko!
---o0o---


December 25, 2016...

[Gadget-Related]

after more than 2 years..
umabot na sa 450th charge cycle ang tablet ko..
mula sa dating mahigit sa 5 hours na run time, nasa mahigit 4 hours na lang siya lately...

sa ngayon..
napupuwersa na siya..
usually running while charging dahil sa Friday routine..
at nakaka-3 na rin siyang auto-restart for some reason...
is feeling , hang on...

Saturday, December 17, 2016

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of December 2016 (Utangan)

sayang ang pagkakataon eh..
kaya magtatrabaho na rin nga ako ngayong araw...

lahat ng mga entries na walang label o tag eh halos automatically pumapatak sa category na love/loveless story ko...

---o0o---


December 5, 2016...

3 things i hate about December:

1) yung inggit ko sa mga tao (especially sa mga bata) na nakakatanggap ng sobrang mamahaling mga regalo mula sa mga relatives nila (NOTE: bukod pa sa immediate family 'to)..
lagi kong nako-compare yung 'network' ko sa kanila, na kesyo ang pinakamalaki kong natanggap na papasko noong bata pa ako (from a single source) eh Php 1,000 lang, samantalang sila eh pumapalo sa Php 20,000 mahigit...

2) yung gawain ng mga tao (especially mga kabataan) na ginagawang hanapbuhay yung okasyon, tapos 'sinusukat' ka base sa halaga ng naibigay mo...

3) yung 'tang inang fruit cake incident na yun noong bata pa ako..
kung saan, kailan, at paano ako tiningnan ng blood relative ko bilang anak ng taong may utang sa kanya..
mas itinuring pa niyang mga tao yung mga kapitbahay niya noong hindi siya nagdalawang isip na bigyan ng pera yung mga yun sa mismong harapan ko..
ni hindi ko nga gustong pumunta sa bahay niya, isinama lang ako ng blood grandmother ko para daw makatanggap naman ako ng papasko..
naiyak ako pag-alis ko ng bahay niya, kasi pakiramdam ko idinamay niya ako sa atraso sa kanya ng ibang tao (ni hindi nga para sa pamilya ginamit yung utang na yun eh)...
feeling , kaya naman ayoko talaga sa December...
---o0o---


December 13, 2016...

Silica Gel..
yun pala sana yung kailangan ko para naprotektahan ko nang mas maaga ang mga action figures ko at iba pang gamit na nasisira nang dahil sa humidity...
feeling , dapat matagal na akong nag-research...
>
[TV Series]

The Greatest Love 

mukhang naisangla na pala ni Paeng yung bahay ng Tatay nilang si Andres noong brownout dito sa [Name of City]..
nagka-casino na ulit siya, at sa malakihang venue na...


si Y naman eh naglulugay na nga ng kanyang buhok, kaya chick-mode na..
hindi na rin naiwasan ni Z na hindi mapansin ang kagandahan niya...

si Lizelle naman eh halos isuko na kaagad ang Bataan kay Sandro..
ibig kong sabihin eh binigyan na kaagad ng 'go signal' yung isa na manligaw kahit na simplehang date lang daw..
pero siyempre eh hindi naman pumayag yung binata..
humingi siya ng ilang buwang palugit dahil nagsimula na rin naman siyang magtrabaho sa Manila...

si Andrei eh sinundan sina Mommy Glo sa ballroom-an, dahil duda pa rin siya sa dalawa nina Peter..
pero nang makita niya ang ina doon, eh natuwa siya..
kitang-kita niya kasi kung gaano kasaya ang kanilang ina sa piling ng totoo nitong mahal..
kaso dahil sa pagmamadali niyang umalis para hindi siya mahuli ni Mommy Glo, eh aksidente naman siyang nakabangga ng isa pang sasakyan..
nagkaroon ng konting argument, dahilan para makita siya nina Mommy Glo..
umawat naman si Peter at inareglo na yung naging gusot sa halagang Php 10,000..
dahil dun eh nagkaroon ng pagkakatan para magka-ayos na ang mag-ina, nakita rin ni Andrei na mabuting tao naman si Peter..
nag-sorry si Andrei dahil sa ginawa niyang pag-iwas, nasaktan lang naman daw kasi siya para kay Amanda eh..
at sinabi sa ina na nakikita nga niya na masaya naman ito kay Peter..
pero nilinaw din ni Mommy Glo na wala nga silang relasyon, at magkaibigan lang sila ngayon...

si Mommy Glo naman eh kaagad na palang nakalimutan yung tungkol sa nangyari sa kanya noong huling sayawan..
hindi na niya natatandaan na inatake siya noon ng masasamang alaala ni Andres...

si Amanda naman eh hindi kayang magtrabaho para sa kanyang kapatid..
inis kasi siya dun sa ideya na lamang na ito sa kanila in terms of yaman..
at bilang half-ate, hindi niya rin matanggap yung ideya na magtrabaho sa ilalim ng kanilang bunso na half-sister lang nila..
pero personal na siyang kinausap ni Lizelle, at binigyan ng 2 araw para pag-isipan kung makakaya ba niyang magpaka-propesyunal at tanggapin yung trabaho na iniaalok ng kompanya ng kanyang kapatid...

si Chad naman eh problemado na rin sa pera..
nahuli siya ni Amanda na nangungutang sa ate niya, at hindi yun matanggap ng kanyang asawa..
nasaktan siyempre yung lalaki dahil parating naipapamukha sa kanya ng kanyang asawa na hindi niya kayang solusyunan yung mga problema nila sa pera..
pero humingi rin naman kaagad ng paumanhin si Amanda kay Chad, explaining na hindi rin nga naging maganda ang takbo ng araw niya...
feeling , last 2 children...
 ---o0o---


December 14, 2016...

[Emo]

nasisiraan na talaga ang pamilya na 'to..
sa kabila ng dami ng pera na naibigay na doon sa bunso nila..
eh heto at may utang pa rin na Php 8,000 sa tuition fee..
magsisimula na rin ang panibagong semester kaya kakailanganin na rin ng bagong pang-downpayment sa tuition..
bukod pa yung pambayad sa bahay nila doon...

tapos ngayon ano..?
sasabihin na depektibo yung mga gamit na binili nila noon sa Manila..
Php 2,000 yung unang hiningi na pang-ambag sa solar panel project..
tapos biglang sasabihin na depektibo pala, at hihingi ng panibagong Php 3,000 ngayon..
bakit, wala man lamang ba yung warranty...?

tang ina!
pang-regalo lang yata sa syota ang bibilhin eh...

kaganda na nung Accountancy at papel lang ang gastos..
pero dahil talagang mga impraktikal eh Electronics and Communications Engineering pa ang nilipatan..
sabi ng isa naming blood relative eh asahan pa ang daang libo na gastos kapag panahon na ng thesis..
pati tuloy bills sa bahay eh nadadamay na...
feeling , ang bobobo ninyo! gusto mo talaga eh sa iyo na ang lahat! mamatay ka na sana!
>
[Emo] 

ano nga ang sabi ninyo sa akin noong ako yung may computer..?
elementary at high school pa lang yung lintik noon..
ang lagi ninyong sinasabi sa akin eh papalaruin naman ng mga computer games at kakawawa naman...

tapos noong ako na yung nag-aaral ng 3D graphics..
anong sinabi ninyo sa akin, mga putang ina kayo..?
na kesyo kailangan na talagang mag-board nung isa, at kailangan yung putang inang laptop na yun (na puno lang naman ng games at movies)..
at tuwing nandito yung putang inang yun sa bahay, anong parati ninyong sinasabi..?
na kesyo gagamitin yung Wi-Fi nang magdamag, na importante lang - pero putang inang Facebook chat lang naman parati ang nakabukas..
tang ina!
mabuti sana kung walang quota yung internet usage eh...


tinanong ko kayo kung mapapahiram nyo rin ba ako ng pera, para makabili naman ako ng pansamantalang laptop..
para hindi naman masayang ang oras ko sa pag-iipon..
sinabi ninyo na titingnan, kaya hayaan na lang na mag-board na nga yung isa..
tapos ngayon malalaman ko na niloko lang pala ako at pinaasa, dahil kulang na kulang pa rin para dun sa putang inang yun lahat ng budget...

mga hayop kayo!
yung dating Php 7,000 na budget monthly, ngayon eh Php 3,000 mahigit na lang..
pero talagang kulang pa rin ang lahat para sa demonyong yun..
baon na baon na kayo sa utang sa kung sinu-sino, pero ang sinasabi niyo lang eh hayaan na at kesyo andyan na yang putang inang kurso na yan...?

mga putang ina ninyo!
noong panahon ko wala akong karapatan na pumili ng gusto kong kurso..
wala rin akong karapatan na mag-boarding house sa gusto kong university..
kinailangan kong maging scholar para mapagaan yung mga putang inang responsibilidad ninyo..
ultimo computer na ginamit ko sa pag-aaral, kinailangan kong mag-ambag para lang makabili..
kaya paano ninyo nasasabi sa akin na patas pa rin kayo ngayon...?

pati yung bagong smartphone na isang linggo lang ang itinagal sa kanya dahil sa kabobohan niya eh parang balewala lang sa inyo..
samantalang ako, for 12 years eh 5 mobile phone pa lang yung nagagamit ko...

ang sabi ninyo sa akin kaninang umaga eh huwag kong pakialaman yung pagpapaaral ninyo ng isang ECE student dahil kayo naman ang namom-roblema..
tapos bigla ninyo akong dadalihan na pautang naman ng pera ng kapatid mo sa negosyo..?
tang ina mo!
gaano ka ka-unfair...?

magsama-sama kayo sa impiyerno!

kung pwede lang..
kung kaya ko lang..
ite-trade ko yang basurang buhay ninyong mag-ama para dun sa mga pumanaw na na mas deserving namang mabuhay kumpara sa inyong dalawa!

feeling , putang ina! magpapainom rin ako kapag namatay yang lintik na yan na hari ng gastos!
---o0o---


December 15, 2016...

may 27th retirement na..
isa sa mga veterans nila...
feeling , sina Miss C at Miss H lang naman ang binabantayan ko talaga eh...

>
[TV Series]

The Greatest Love 

lumalabas na nga lalo yung pagseselos ni Z sa mga dumidiskarte kay Y..
at dahil dun eh nahuli siya ng mommy niya na pinag-uusapan yung tungkol sa mga selosan..
pag-uwi ng bahay, sinubukang ipaalala sa kanya ni Amanda na dapat pag-aaral muna yung priority niya..
pero to the rescue naman si Chad, telling na nasa mas bata pa nga silang edad noong nagsimula silang magligawan ni Amanda..
i guess nagpapakita lang yun ng pagtitiwala niya sa pagiging responsable ng kanilang anak...


sa coffee shop, lalo tuloy naging asar-talo si Amanda nang makita na magkasama na sina Mommy Glo at ang kapatid niyang si Andrei..
yun nga, plano ni Amanda na hingin ang tulong nina Andrei at Paeng para makatipid sa project nila para sa kompanya nina Lizelle..
inamin naman ni Andrei na ayos na nga silang mag-ina...

si Mommy Glo naman ay nagpadala ng pera para kay Amanda through Z..
pero tinanggihan ito ng panganay niya...

nagsimula na ring mag-date sina Sandro at Lizelle..
mukhang hindi rin nga makahintay ang binata na makaipon muna siya nang ayos...

masayang nakuwento ni Andrei kay Ken na nagkaayos na silang mag-ina..
masaya rin tuloy ang boyfriend niya..
at nang tanungin niya ito kung anong gusto niyang regalo para sa Pasko, eh iisa lang naman daw ang gusto ni Ken tuwing Pasko..
gets naman kaagad ni Andrei na ang ipakilala si Ken sa pamilya niya bilang boyfriend ang tanging hinihiling nito..
kaya nangako nga siya na gagawin na niya yun this year...

at nagsimula na ngang magkita-kita ang 4 na magkakapatid para bumuo ng isang project...
feeling , sa December 15 ang deadline, at today yun, hahaha!
 >
[Emo]

kakakausap lang sa akin kaninang umaga ng isang mabuting kaibigan, pero heto na naman ako..
pasensya na, pero kailangan ko lang talaga ng basurahan ng negative thoughts...

salamat rin sa iba ko pang kaibigan at tita (hindi kadugo o in-law) na sinusubukan akong tulungan..
sa totoo lang, gusto kong gumanti sa mga utang na loob ko sa inyo..
pero hindi ko talaga maalis sa isip ko na ako yung nagdadala ng kamalasan sa ibang tao...


ang siste..
pinag-iinteresan na nila yung mga pera na nasa pangangalaga ko..
yung biological mother ko at yung pangalawa nilang anak..
kapag daw kasi kailangan nung estudyante ng pera at may emergency eh dapat daw na ipahiram ko naman yung mga pera na ni hindi naman sa akin o sa kanila..
target nila yung pera sa charity business ng blood aunt ko..
at maging yung medical allowance na ipinahiram sa akin nung panganay namin...

alam nila na isinakripisyo ko na yung pag-aaral ko para lang sa putang inang anak nila..
alam nila na nag-iipon ako para sa isang 3D-capable na computer unit..
para sana makapagsimula ako ng sarili kong buhay..
kaya bakit kung itrato nila ako eh parang wala na akong karapatan na mabuhay...?

yung budget, hindi naman ako nagkulang sa pag-e-explain nun..
na calculated na yun at dapat naka-ready lang oras na dumating na yung mga bills..
pero kanina nagtatanong pa kung meron ba daw pambili ng bigas, samantalang ini-strip nga nila yung Php 7,000 na budget sa Php 3,000 plus na lang..
bakit wala siyang pera, eh kasi nga lahat eh ipinapadala niya dun sa kapritsosong estudyante..
sino ngayon ang tanga...?

tsaka bakit ako ang magpaparaya..?
eh hirap rin nga ako..
gusto nilang tumulong..?
sila 'tong mapepera, edi itigil muna nila yung mga pagbiyahe-biyahe nila..
itigil yung pangingibang bansa..
pati yung pagbabakasyon sa mga mamahalin na lugar...

tapos tatakutin pa ako na pag-iinitan ako nung padalawa kung sakaling hindi ako magbigay ng pera...

at bakit sila aasa na ipagkakatiwala ko yung pera ng ibang tao sa paborito nilang anak/kapatid..?
siya na walang pagpapahalaga sa pinaghihirapan ng ibang tao..
siya na mahilig makasira ng salamin niya sa mata..
siya na madalas manakawan sa kung saan-saan..
siya na nakakawala ng bagong smartphone after just one week..
siya na bumibili ng mga depektibong electronic devices/components na walang warranty..
bakit ako magtitiwala sa isang putang inang tao na kagaya nun, eh ang dami na niyang nawaldas na pera kung tutuusin...?

bakit yung ibang tao, kaya nilang mag-working student..
yung iba kayang maging scholar na 2 (dos) lamang yung maintaining grade..
pero bakit sa putang inang paboritong anak na ito eh kailangan na isinusubo lang ang lahat - maging mga luho..?
ultimo mga prom nights eh required..
at ipinapamukha pa nila sa akin na walang halaga yung sarili kong buhay kumpara sa buhay ng lintik na yun...

oo na!
wala na akong kuwenta!
pero huwag niyo sanang kalimutan na obligasyon ko na subukang i-appreciate ang sarili kong buhay...

mga putang ina ninyo!
feeling , mamatay na nga kayong lahat para ako na lang ang maiwan dito sa bahay...
---o0o---


December 16, 2016...

[Strange Dreams]

had a nightmare last night..
lumala daw yung cyst ko sa hita..
nag-expand pa daw yun sa bandang labas..
halos kasing-lapad daw ng isang cracker yung sakop na area..
tapos bukul-bukol din siya all over, mala-jolen ang laki per bukol...


hindi ko na nga daw alam kung paano pa ako kikilos nang maayos...
feeling , pati sa panaginip dinadalaw ako ng kamalasan...
>
ito na nga pala yung pinakamatagal na panahon na hindi ko na siya nakikita..
8 months na rin yung nakalipas..
parang ambilis lang lumipas ng panahon..
siguro hindi ko na lang namalayan dahil nga halos 3 months siyang nawala..
siguro dahil naging busy rin ako from July to August para sa pag-aaral ko...

sad to say pero mukhang hindi na ako bibigyan ng FATE ng pagkakataon para muling makapiling siya...
feeling , 15 days left...

>
[Lottery]

ang sakit..
kanina ko lang nalaman na nanalo na naman pala ng jackpot prize yung number pool ko sa lotto...

that's already my 8th jackpot..
out of 40 first and second prize winnings..
out of 327 draws..
bale nasa 12% plus pa yung winning percentage ng number pool ko...

mathematically speaking, ang lahat ng possible combination sa 6/55 ay umaabot ng 20,872,566,000..
at billions nga yun..
pero hindi ganun ang probability..
ang formula para sa probability sa lotto ay n! / (r!(n-r)!) , kung saan yung n ang number of possible numbers, at yung r naman yung bilang ng mga pipiliin out of the n numbers..
at sa tulong nun, made-determine yung probability sa 6/55 as 28,989,675..
sobrang napakalaki ng natapyas mula sa bilang ng lahat ng possible combinations..
pero ang multi-million ay malaki pa ring bilang...

kaya ang ginawa ko..
mula sa 6/55 ay ginawa kong 6/31 na lamang yung laro..
at nagpo-produce yun ng probability na 736,281..
napakalaki ulit na kabawasan mula sa multi-million na probability result..
pero napakalaki pa rin ng daan-daang libo..
kaya naman gumawa ako ng sistema na meron lamang 15,552 possible combinations, pero that's considering na isang number lang ang mapipili per group of 10 (1-10, 11-20, 21-30, 31-40, 41-50, 51-55)..
at lumalabag na naman yun sa probability concept..
kaya pang lumaki nung bilang up to 25,920 kung iko-consider ko na at max ay posibleng 2 numbers ang posibleng mapili per group of 10..
hindi sobrang accurate nung formula..
kasi based sa records ko, posibleng makabola ng 3 numbers per group of 10, nangyayari rin yung 4 numbers, at very rare na nangyayari yung 5 numbers are out of the same group...

tae na..
nasa Php 311,040 pala ang kailangan para matayaan lahat ng combination ko sa 6/31 per draw...
feeling , puros ka patakam FATE...
---o0o---


December 17, 2016...

may 28th retirement na rin kaagad..
dalawa na kaagad yun at nasa kalagitnaan pa lang ang buwan...
feeling , hindi ako malulungkot hangga't hindi yung mga mahahalagang pangalan ang nawawala...

>
nakakalungkot talagang mag-grocery kapag walang cute na babae sa hanay nila..
baka last time ko na para makita siya this year..
December pa naman at malamig na rin...
feeling , walang mapagmasdan eh...

>
[Emo]

so yun pala yun..
pinaghahanapan nila ako ng pera ngayon dahil doon sa naipon kong Php 38,500 mula sa lending raket..
that was already a year ago...

at hindi na nila dapat malaman kung paanong nawala yung perang yun..
dahil pera ko naman yun..
tutal hindi naman nila maiintindihan kung bakit may mga single na lalaki sa mundo na kailangang pabinyagan ang sarili nila sa hindi ordinaryong paraan...

feeling , pati sarili kong pera eh gusto ninyo na alam niyo ang history...